Chapter 33: Declaration of War

MABILIS NA PUMASOK ng kanyang kwarto si Xavier nang makabalik sila ng kanilang quarters ilang minuto makalipas ng nangyari kanina. Hindi siya mapakaling umupo sa dulong bahagi ng kanyang kama at hinawakan ang magkabilang bahagi ng kanyang sentido.

Hindi na niya alam ang dapat maramdaman. Gulong gulo na at nagtatalo ang kanyang isipan. Napatingin siya sa kanyang dalawang kamay. Unang beses. Ito ang unang beses na nasaktan niya si Xyrene gamit itong mga makasalanang kamay. Nasakal niya ito at muntikan pang mapatay.

"Argh!" daing niya.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit hinahayaan niyang umiral ang kanyang puso kesa sa utak? Hindi. Hindi iyon nararapat. Nagkasala ang dalaga sa kanya kung kaya't kailangan nitong pagbayaran ang lahat.

Ngunit bakit ganoon? Bakit kahit anong kumbinsi ng utak niyang iyon ang tama, puso naman ang nagsasabing pagsisisihan niya iyon balang araw?

Is this the right time for him to listen to her explanations? What if, hindi naman pala iyon totoo at nagkamali lang ng rinig sina Marco na umamin ang dalaga? What if, na-misunderstood lamang ng tropa niya ang mga sinabi ni Xyrene? Knowing her attitude, she loves riddles. Gusto nitong pinaglalaruan muna ang utak ng tao bago niya sabihin ang ibig nitong ipakahulugan. What if... what if... what if. Napasabunot na siya sa kanyang buhok. Anakng! Ang daming what if ang pumapasok sa utak niya.

Napatigil siya saglit nang may pangalan ng taong sumagi sa utak niya. Pangalan na kung saan napag-alaman ni Marco ang lahat.

"Claire..." mahina niyang usal.

Napamulagat siya nang may nanggulat sa kanya.

"Xenon! Pare!" napaangat siya ng tingin sa kanyang pintuang may kumakatok mula sa labas.

Ano naman kaya ang kinasisigaw ni William?

Tumayo siya at bagot na binuksan ang pintuan.

"Ano bang--"

"Pare! Si Claire!"

Napatingin siya rito ng mariin.

"Anong nang--"

"Natagpuan siyang patay sa kwarto niya sa Infirmary!"

Winaksi muna niya ang ginagawa na naman nitong pamumutol sa kanyang sinasabi nang rumihistro sa utak niya ang sinambit nito.

"Ano?!" bulanghit niya.

Nakita niyang lumapit sa kanila ang tatlo pang binata na ganoon rin ang hilatsa ng mukha.

"Paanong--"

"Nakita raw itong nakabigti sa CR ng kanyang kwarto."

Natigilan siya at pilit pa ring pinapasok sa kokote niya ang nangyari sa dalaga.

Paano siya namatay eh pinuntahan pa niya ito kagabi upang kausapin ng masinsinan at humingi ng kapatawaran sa ginawa niyang pananakit sa dalaga?

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Xavier pagkapasok niya sa kwarto ni Claire.

Nakita niyang may nakalagay sa leeg ng dalaga. Napatungo siya nang mapagtantong siya nga pala ang gumawa noon sa kanya.

"Pwede naman, halika." Pagpayag ng dalaga.

Umupo siya sa isang stool na katabi lamang ng kama nito at ilang saglit pa'y lumukob muli ang katahimikan.

"Ahm... gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo." Unang sambit niya sa dalaga. Nakayuko niyang sinaad iyon dahil hindi niya magawang tingnan sa mata si Claire. Punung-puno siya ng guilt sa ginawa niya rito.

"Wala 'yon, ano ka ba," utas nito. "lahat ng tao, kapag nagagalit napapangunahan ng bugso ng damdamin kesa makinig. At isa pa, sabi nila sa akin na nadroga ka raw."

Umangat ang tingin niya rito. Nakangiti ito sa kanya at tila mukhang napatawad na siya nito na may sinseridad.

"Ako ang m-may gawa sa'yo niyan." Usal niya rito na parang ginigising niya ang galit ng dalaga dahil sa ginawa niya.

Ngunit imbes na malusaw ang ngiti nito ay napahagikgik pa ito ng tawa.

"You know what, sa lahat ng lalaking nakilala ko. Ikaw 'yung pinakamakulit," sabay tawa muli. "kaya kahit paano kapatid na ang turing ko sa'yo kasi nakikita ko ang kapatid ko sa'yo."

"Kapatid?"

"Oo," saad nito sabay tingin sa kisame. "alam mo bang ang tagal kong hinanap ang kapatid kong si George (Blare)?"

Doon niya naalalang itong si Blare ang nangungunang ipangtanggol si Claire mula noong nasa ilalim pa siya ng droga. 'Yun pala'y magkapatid sila.

"Kaya ako sumali rito ay sa kadahilanang gusto kong matulungan ako ng GVA sa paghahanap sa kanya."

Tiningnan siya nito sa kanyang mata na ngayo'y may luha nang nangingilid mula rito. Ngunit hindi niya mabakasan ng lungkot ang mga iyon ngayon. Marahil, ito'y sadyang nagagalak.

Tiningnan siya nito. "But now, nakita ko na siya and I was so happy to finally met him. 'Yun nga lang... there were some things got complicated than the usual."

KUMPUL-KUMPOL NA ang mga taong nangungusisa sa krimeng naganap. Hinaharang ng mga kawani ng GVA ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng yellow line na karaniwang nilalagay ng isang forensic team.

"Padaanin niyo ko," usal ng isang binata. "Padaanin niyo ko dahil kapatid ko ang nasa loob!"

Tuluyan nang nakapasok sa pinangyarihan ng krimen si Blare. Mabibigat ang kanyang mga paa habang unti unti itong lumalapit sa isang bangkay na nakataklob na ng puting kumot at handa nang ialis doon.

"Sandali, k-kilala ko ang biktima." hindi niya naitago ang pag-utal niya dahil sa malaking bara na nananalaytay ngayon sa kanyang lalamunan.

Tumigil ang mga taong nakaputing mask at hinayaan siyang makalapit sa bangkay.

Hindi inaakala ni Blare na sa patuloy niyang paglapit sa bangkay ay dumudoble na ang sakit na kanyang nararamdaman. Bigat ng dibdib na siyang dumadagan sa puso niya. Maging ang namumuong luha mula sa kanyang mata'y sunud-sunod na nagsisipaglabasan.

Pinilit niyang lumunok. Kahit ang sakit. Kahit ang bigat ng barang nakaharang sa kanyang lalamunan.

Isang dangkal na lamang ang layo niya sa bangkay na natatakluban ng puting tela mula ulo hanggang paa. Kahit hinang hina, ay nagawa niyang lumuhod rito at hinawakan ang magkabilang dulo ng tela.

Please, sana hindi ikaw 'to. Utang na loob.

Ngunit sadyang kahit sa huling segundo ng kanyang pagdarasal ay hindi iyon natupad.

Tumambad sa kanya ang nakapikit na mukha ni Claire. Puting puti ang labi at tila namumutla ang buong katawan.

Walang atubili niya itong yinakap. Yinakap ng sobrang higpit at nagsisisigaw ng kanyang nais iparating.

Ang sakit. Sobrang sakit. Bakit ba ganoon ang buhay? Bakit ba sa t'wing handa mo nang patawarin ang taong nang-iwan sa'yo ay saka naman ito mawawala panghabangbuhay? Bakit ang bilis mawala? Bakit ang daya daya?

"Ate!!!" sigaw ni Blare na bakat sa mukha ang paghihinagpis.

Sumagi sa isipan ng binata ang mga katagang iniwan sa kanya ni Claire.

"All I want from you is to forgive me for what I have done to you... at bigyan mo sana ako ng kahit na isang araw man lang na makasama ka bago ako lumisan."

Damn! Mas lalong napahigpit ang yakap niya rito. Kung gaano pinipiga ang puso niya nang maalala niya iyon ay katumbas iyon ng yakap niya ngayon sa babaeng ito.

"Pero kahit ngayon lang oh. Ibigay mo na sa akin 'to bilang balato na maging ate mo sa huling pagkakataon..."

"Ahhhh!" malakas niya sigaw. Sigaw na may halong pagsisisi.

Ang sama niya. Ang sama sama niya. Bakit noong humiling si Claire ay hindi niya nagawang pagbigyan ito nang bukal sa puso? Bakit hindi niya man lang naisip na may pahiwatig ang mga inusal ni Claire? Naturingan siyang may utak ngunit hindi man lang niya iyon naisip?

Hinalikan niya ang sentido ni Claire habang nakapikit.

"Patawarin mo 'ko Claire," mahina niyang usal. "Patawarin mo 'ko kung hindi kita napatawad kaagad. Pero alam mo ba? Matagal na kitang nahanap? Matagal na kitang pinasubaybayan? Inaamin ko, gusto kong gumanti sa'yo..."

Napalabi siya nang muling bumuhos ang kanyang luha. Muling may bumabara sa kanyang lalamunan. Ang sakit, ang hirap lunukin.

"Gusto kong ako naman ang mang-iwan sa'yo, sa paraang itataboy kita sa lahat ng paraang alam ko. Pero... p-pero bakit ba ang duga mo? Bakit ba inunahan mo ako na gawin ang nais ng galit ko sa'yo? Bakit ba sa ating dalawa, ikaw ang laging nang-iiwan? Alam mo bang nangungulila ako sa'yo? Sobra sobra... ate?"

Tuluy tuloy ang pag-agos  ang luha ni Blare habang inaayos muli nitong ihiga sa malamig na bakal na gagamitin ng bubuhat sa dalaga?

"Sino ang pumatay sa kapatid ko?"

HALOS SABAY NA dumating sa crime scene ang Death Keepers at ang Warlords Platoon na kapwa galing sa takbuhan dahil sa hinihingal. Papasok na sana sina Xenon at Dark Raven sa pintuan nang harangin sila ng mga tagabantay ng area.

"Hindi ho kayo maaaring pumasok." Saad ng lalaking mas matangkad sa dalawang binata.

Aambahan na sana ng suntok ni Xenon ang nasabing lalaki nang may mas mabilis pa ang gumawa niyon. Gamit ang dalawang daliri-- hinlalato at hintuturo, ay tinusok ni Xyrene ang lahat ng point of energy sa katawan nito.

"You better shut your mouth." Nahimigan ni Xenon ang malumanay ngunit mapanganib na usal ni Xyrene sa humarang.

Hindi makagalaw ang malaking taong tinusukan ni Xyrene. Para itong naparalisa. Hindi makagalaw.

Natauhan na lamang si Xenon nang mabilis na nakapasok ang Death Keepers kung kaya't sumunod na rin sila ng mga Warlords.

Rinig na rinig niya ang malakas na sigaw ng isang lalaki mula sa loob. Nang makita ni Xenon kung sino ito ay tila napatda siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi dahil sa sumigaw kung hindi dahil alam niya kung bakit ito sumisigaw.

Blare...

Napatigil rin ang Death Keepers sa kanilang narinig at tila nanlaki ang kanilang mga mata nang matunghayahan si Blare... si Blare na nakayakap sa kapatid... kay Claire.

Naramdaman ni Xyrene na napatakip ng bibig si Eliza nang makita nitong yakap yakap ng half-brother niya ang babaeng lagi nitong kinaiinisan. Ang babaeng lagi nitong kaaway... na ngayo'y wala nang buhay. Hinaplos haplos nito ang likod nitong nahikbi at kapagkuwa'y sinandal nito ang ulo sa kanyang balikat.

Rinig na rinig nila ang bawat salita ng binata habang ito'y naiyak. Puno ng pighati, puno ng pagsisisi.

Napapabuntunghininga na lamang si Xyrene habang inaalo si Eliza. Hindi siya iiyak. Hindi siya kailanman iiyak lalo na sa babaeng nagbigay sa kanya nang pasakit noon. Ang babaeng lagi siyang pinagseselosan pagdating kay Akihiro.

Simula nang pasukin niya ang mundong ginagalawan niya ngayon ay siya ring simula ng pagtigil ng labas ng kanyang luha. Namanhid ang kanyang puso't kaluluwa noon nang may isang taong nagpamukha sa kanya at nagpamulat na si Howie noon ang pumatay sa taong mahal niya-- noong panahong hindi pa nanunumbalik ang kanyang alaala. Ngunit simula nang manumbalik ang lahat sa dati ang kanyang memorya, may isang misyon na lamang ang hindi niya nagagawa... iyon ay ang alamin kung sino ang pumatay sa kanyang mga magulang na nagdala sa kanya sa puder ng mga kinikilala niyang pamilya ngayon-- Coltrane.

Napabalik ang kanyang kaisipan sa reyalidad nang mapadako ang kanyang paningin sa mga kamao ni Akihiro na ngayo'y nakakuyom. Napatingin rin siya sa mukha nito. Kahit gilid lamang ang nakikita niya rito ay kitang kita naman ang pagtagis ng mga panga nito. Tanda nang paghihinagpis kay Claire. Hindi niya rin mabasakan ng luha ang pisngi nito. Alam niyang gusto nitong umiyak. Kilala niya ang binata. Mahal na mahal nito ang dalaga. Ngunit sadyang magaling itong pumigil ng nararamdaman. Iyon ang kakayanang natutunan niya rito. Ang pigilin ang emosyon na ngayo'y hindi niya alam kung nagagawa pa ba niya.

"Sino ang pumatay sa kapatid ko?" napatingin muli sila kay Blare. Ramdam niya ang itin ng awra nito. Maitim at nakakasiguro siyang mapanganib.

LAHAT NANG NAKAPASOK sa crime scene ay nanatiling tahimik nang magtanong na si Blare. Walang gustong sumagot dahil kapwa mga walang kaalam alam sa nangyari.

"Base on our findings, Sir, nagpatiwakal ang biktima--" hindi natapos ng isa sa mga nag-iimbestiga ang sasabihin nang bigla siyang idinantay ni Blare sa pader na malapit.

"H'wag na h'wag mong sasabihin sa aking nagpatiwakal si Claire, inspector," mapanganib na saad ni Blare rito. "Nasa isla tayo nang maraming mamatay tao at isang kagaguhan lamang ang mag-iisip na nagpatiwakal ang isa sa mga tao rito. See the logic, inspector at baka ikaw ang mapatay ko."

"S-Sorry s-sir..."

"Then do your job! Gusto kong makakuha ng sagot. Pinatay siya. Ramdam ko. Pinatay siya ng isa mga iyon." Saad nito sabay turo sa Death Keepers at Warlords Platoon.

Nagitla si Eliza sa tinuran ni Blare. "B-Bakit kami? Blare?"

Napabuga ng isang pagak na tawa ang binata bago siya nito pinagbuntungan ng matatalim na titig.

"Bakit, Eliza? Actually dapat ikaw ang dapat kong sisihin eh. Hindi ba galit na galit ka sa kanya?! Galit na galit ka sa amin dahil mga anak kami ng magaling mong ama sa labas?!"

"Hey dude, hinay hinay sa pananalita." Pag-alarma ni Andrei sa binata habang tinatago sa likod nito si Eliza na ngayo'y nalaglag ang panga.

"Oh ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ba tama ako? Galit na galit ka sa kanya! Galit na galit dahil alam mong sa oras na tanggapin kami ng mga magulang mo ay mahahati ang atensyon nila sa'yo?! Na-the-threaten ka--!"

"Oo!!!" Sigaw ni Eliza na kinatingin ng lahat ng taong nasa loob ng kwarto. "Oo! Galit na galit ako sa inyo! To the point na hilingin kong sana ay hindi na lamang kayo nabuhay! Oo! Galit ako dahil ayoko nang may kahati! Ayoko ng naagawan!"

"See--?!!!"

"Pero kailanman, hindi ko pinagtangkaan si Claire na patayin! 'Yun ang totoo, Blare! Galit man ako sa inyo ngunit hindi ko kailanmang gugustuhin na patayin siya!"

"Talaga?!" natahimik si Eliza. Nagulat ang kanyang utak hindi dahil hindi siya sigurado sa sinigaw niya. Nagulat siya dahil 'yun pala ang tingin sa kanya ng kapatid. Oo, maaaring assassin siya. Pero may utak siya para gamitin at namimili siya ng papatayin. Kadalasan nga'y kung sino ang iuutos ni DS na patayin niya ay iyon lamang ang kanyang pinapatay.

"Oh ba't napatigil ka?! Dahil baka nga ikaw ang pumatay sa kanya, Eliza?!"

"Bakit, Blare..?" napatigil si Blare at napatuon ang atensyon kay Eliza. "Hindi mo rin ba inisip na patayin na lamang ang kapatid mo para lang paghigantihan siya sa ginawa niyang pang-iiwan sa'yo?"

Ang binata naman ang napatahimik.

"Oh 'di ba? Tama ako. Maaaring ikaw rin ang pumatay sa kanya at maaaring drama mo lamang ang lahat ng ito. Magaling kang umarte hindi ba--"

Natigil ang sasabihin ni Eliza nang biglang umatake sa kanya si Blare.

Pero bago pa man ding lumapat sa kanya ang kamao nito at nahawakan na ni Andrei  ang kamao ng binata at mabilis na pinihit pakaliwa.

Napaigik ang binata sa sakit.

Iniamba muli ni Blare ang paa niya upang  makaganti ngunit mabilis na hinawakan iyon ni Akihiro.

"Bakit ko siya papatayin huh? Sising sisi akong hindi ko siya napagbigyan sa hiling niya tas ako pa ang papatay sa kanya?!"

Napatawa ng pagak si Eliza. "See? The feeling is mutual, Blare. Kaya hindi ko rin siya magagawang patayin pa."

"Pwede ba? Stop blaming each other," anas ni Xyrene. "You're both acting like a kid."

Tiningnan ni Xyrene ang inspector ng krimen. "Do you have any other information aside from the Suicidal Scheme, Inspector?"

"Yes. Mayroon pa."

"Then spill it now, but make sure that it is a fact and reliable this time. Nasa pugad ka ng mga demonyo kaya ayusin mo ang pagbibigay ng impormasyon."

"But all these are just theories, miss--" nagulat ito nang makitang may hawak na pang-injection si Xyrene at tila pinapakita sa kanya na kaya siya nitong patayin.

"Makikipagtalo ka pa ba o magsasalita ka na?"

"S-Sabi sa ilang nakakita ay walang tao ang bumisita sa kanya ngayon. Ngunit ayon sa CCTV footage, may isang lalaki ang huling nakausap ang biktima kagabi lamang, pinatotohanan iyon ng CCTV at ng isang babae na kaibigan diumano ni Claire Perez."

"Totoo iyon." Napatingin silang lahat sa babaeng biglang nagsalita na nakatayo sa tabi ng Inspector.

"Veronica..." mahinang usal ni Xyrene nang mapagtantong kasamahan ito ni Claire sa Black Lilies.

"Sino ang kausap ng kapatid ko?" tanong ni Blare sa dalaga.

"Si Xenon ng Warlords Platoon."

NAPAANGAT SI XENON ng tingin nang marinig ang kanyang pangalan inusal ng isang dalaga.

"Xenon..." napadako rin ang kanyang paningin sa pasugod sa kanyang si Blare. "Tama, ikaw nga! Pinagtangkaan mo kahapon ang buhay ng kapatid ko hindi ba? Kaya ngayon mo ginawa?!"

Teka, anong nangyayari?

Mabilis siyang nakaiwas pakaliwa nang malapit na sa kanya ang suntok ni Blare. Napayuko naman siya nang winasiwas nito ang braso nito at mabilis niyang sinuntok ang tagiliran nito.

"Sandali... t-teka, anong problema mo?"

"Ikaw! Pinatay mo ang kapatid ko!" hiyaw nito bago muling sumugod.

Mabilis na rumespunde sina Silent Keeper, Voice Box, Gate Crasher at Solemn Hacker at pinigilan ang pagsugod nito kay Xenon.

"Bitawan niyo ko!" singhal nito habang nagpupumiglas.

Malakas ng binalya ni Blare ang katawan na naging sanhi nang pagkakakalas niya sa apat na myembro ng Warlords.

Hindi nakaumang ang apat sa pagkabigla dahil tila lumakas si Blare 'di tulad ng dati. Mabilis nilang napagtantong marahil sa galit na nararamdaman kung kaya't nagawa nitong lakasan ang physical combat niya at nagawang kumalas sa pagkakahawak nila.

Hindi na nakaligtas si Xenon sa sunod na atake ni Blare. Napatinahod siya sa sahig sapo ang kanyang bibig na tinamaan ng malakas na suntok.

Mabilis siyang tumayo nang maramdamang aatake muli ang binata. This time, sinangkalan niya ang isang paa upang makaliyad pahiga sabay mabilis na pagtayo. Pagkalatag ng kanyang dalawang paa ay mabilis niyang pinadausdos ang isang paa habang siya'y napayukod dahilan upang matamaan si Blare at mawalan rin ng balanse.

Ganoon rin ang ginawa ni Blare. Ginawa rin nito ang kanyang ginawa buti na lamang at nakatalon siya ng bahagya upang hindi tamaan ng over the hook sliding kick.

Hindi na uubra ang pakiusapan sa binatang ito kung kaya't mabilis siyang sumugod rito at pumunta sa likod nito. Mabilis niyang pinilipit ang braso nito sa likod gamit ang kanyang kaliwang kamay habang nakasakal naman sa leeg ni Blare ang kanang braso niya.

"You better stop this nonsense, Blare!"

"H'wag mo 'kong utusan!" usal nito sabay tapak sa kanyang paa ngunit agad niyang iyong inilag at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa binata.

"I didn't kill her!" anas niya.

"Sinungaling!" hiyaw nito pabalik, "Paano nga namang hindi magiging ikaw kung sinugod mo ang kapatid ko kahapon at halos patayin, huh?!"

"That was yesterday and I'd been in the spirit of drug kaya ko nagawa iyon! Pinuntahan ko siya kagabi para humingi ng tawad then after that ay umalis na ako!" paliwanag niya rito.

"Hindi mo 'ko mauuto, Xenon!" mahinang usal nito sabay yukod ng malakad dahil upang mapasubsob si Xenon sa pabaliktad.

Susugod na sanang muli si Blare nang may magsalita upang pigilan sila. "Enough, Blare."

Napatingin rito ang binata sa lalaking humawak sa balikat niya. "Papatayin ko pa siya kaya h'wag mo 'kong utusan, Akihiro. You used to be my sister's boyfriend right? Kung mahal mo ang kapatid ko hahayaan mong ako ang maghiganti para sa kanya!"

"Tingin mo ba, malalaman mo ang katotohanan kung sino ang pumatay kay Claire sa ganyang estado mo?"

"Wala akong pakialam."

"Kung ikaw walang pakialam paano ang kapatid mong kahit wala nang buhay ay pinapakita mo kung gaano ka kahina?"

Natigilan si Blare at napatingin sa bangkay ng kapatid.

"Rage would be your greatest weapon but it will also destroy you for having too much," utas ni Akihiro. "Wala pang sapat na ebidensya na si Xenon ang pumatay kung kaya't pigilan mo ang sarili mong lukubin ng galit."

Hindi na muling nakaimik si Blare tanda na huminahon na ito at tila kalmado.

Tiningnan ni Akihiro ang inspector. "Give us some more updates kung may lead na kayo."

PAALIS NA ANG halos lahat ng mga nakiusyoso sa crime scene. Nagpaiwan si Blare at sumama sa inspector upang asikasuhin na rin ang labi ni Claire at mabigyan ng maayos na libing.

"Akihiro..." tawag ni Xyrene sa binata nang palabas na sila ng mismong kwarto.

Tiningnan siya nito. "Private. Talk."

Tinanguhan siya ito.

Nagpunta sila sa may 'di kalayuan. Nilingon niya ito. Bakas sa mata nito ang kalungkutan na mawala si Claire. Sino ang hindi malulungkot kung mawawala na habangbuhay ang kanyang pinakamamahal?

Ngunit may kulang. May kulang sa mata nito. May kulang sa emosyon nitong dapat ay naroroon sa mata nito at namumutawi.

"Ano iyon, Xy?"

Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Kailangan ng masagot ang katanungan sa utak niya.

Masyado siyang matalino para maanalyze lahat ng nangyari kay Claire. Hindi ito ganoong kahirap alamin kung sino ang salarin. Masyadong dense ang suspek at kitang kita iyon sa kilos at tono ng pananalita nito. Doon siya magaling, remember? She's a psychic. Kayang basahin ni Xyrene ang bawat kilos mo at bukod pa roon ay matalas masyado ang utak niya para sa mga ganitong misteryo.

"Bakit mo pinatay si Claire?"

NAUUNANG NAGLALAKAD ANG mga Warlords habang nasa likod naman ang Death Keepers. Tahimik sa pagitan ng dalawang grupo at walang planong magsalita.

Hanggang sa... nagsalita ang babaeng kanina lang ay naging tahimik.

"Xavier..." napatigil hindi lamang ang tinawag ni Xyrene maging ang apat pang Warlords.

Nilingon siya ng binata. "Bakit?"

"Nakakasigurado ka bang hindi ikaw ang pumatay sa kanya?"

Natigilan ang dalawang grupo at tahimik lamang na nakatingin sa dalawa nilang pinuno.

"Oo. Dahil kung papatay man muli ako ng tao... sisiguraduhin kong ikaw 'yun."

Natahimik ang dalaga sa sinagot sa kanya ng binata. He has a point. Kung siya nga naman ang nasa katayuan nito at may ganoong klaseng nakaraan ay ganoon rin ang gagawin niya.

Tumikhim siya at muling sinalubong ang tingin ng binata. Same intensity, same rage.

"Siguraduhin mong hindi nga ikaw ang pumatay sa kanya, Xavier," nakita napapitlag ang mata ng binata. "Dahil kapag napag-alaman kong ikaw talaga... ako mismo ang papatay sa'yo."

Alam ni Xyrene ang ibig niyang ipakahulugan sa mga ito. Inaamin niya, hindi niya gusto si Claire at gusto niya rin itong pagbayarin sa ginawa nitong pagnakaw sa pendant niya at sa paggamit ng mukha nito ngunit wala sa plano niya ang patayin ito. Kung papatay man siya tao na dala ng paghihigantihan niya, sisiguraduhin niyang malinis iyon at wala siyang ititirang bakas... hindi tulad sa pumatay kay Claire.

"So, you're now declaring war between us?" tanong ng binata sa kanya.

Mas tiningnan niya ito ng mariin.

"Hindi lang sa pagitan natin... Xenon." Saad niya at naramdaman niyang mas lumapit sa gilid niya sina Dark Raven at iba pa. Tiningnan niya ang mga kasama saglit at muling binalik ang tingin kay Xenon.

Napansin niya ang tingin ni Xenon sa kanyang tagiliran. Naalarma siya nang nakalihis nga pala ang kanyang suot at kita ang peklat niyang ekis.

Napatingin muli siya kay Xenon. Nakatiim bagang ito at nakakuyom ang mga kamao. Tiningnan siya nito sa kanyang mga mata at nagwikang...

"You mean... Warlords Platoon and Death Keepers?" tanong sa kanya nito nilapitan rin siya ng mga kagrupo nito sa kanyang gilid at ngumisi. "So be it."

Nginisian niya rin ito. Maybe this is it. Nalalapit na ang Pandora's Battle... the Semi-Final of the Game. Maybe it's time to get really serious.
.
.
.
"Then let the real war begins."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action