Chapter 32: Beyond Those Plan
MARAHANG IDINILAT NI Xavier ang kanyang mga mabibigat na mata at ang liwanag mula sa isang flourescent lamp ang sumambulat sa kanya. Dahan dahan siyang umupo mula sa kanyang pagkakahiga kahit kumikirot ang buo niyang katawan. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at doon niya napagtantong nasa isang hospital bed siya nakaratay. He bet that this place is the GVA Infirmary.
Nang mailapat na niya ang kanyang likod sa headboard ng kama ay siyang pasok ng isang tao mula sa pintuan ng kwarto niya.
"Gising ka na!" Bakas sa mukha ni William ang pagka-amuse na makita siyang dilat at buhay na buhay.
Aba'y gago 'to ah!
"Pinapatay mo na ba ako? Gago ka? Ikaw uunahin ko ungas." Naiiritang niyang saad rito.
Napanguso si William sa kasungitan ng kanyang pinuno. "Teka, tawagin ko lang sila."
Pipigilan na sana niya ito ngunit mabilis na itong nakalabas muli ng kwarto.
Aba't! Humanda sa'kin 'tong gagong 'to.
Napahawak siya sa isa niyang mata nang maramdamang bigla itong kumirot. 'Nakng tokneneng naman oo! Ano ba kasi ang nangyari sa kanya?
Napatigil siya saglit nang biglang maalala ang mga nangyari kanina. Sa pag-alala niyang iyon nabuhay muli ang pagkabudhi nito na hindi niya natuloy ang pagpatay niya kay Claire.
Fuck! Bakit hindi ko nagawa kanina? Andoon na ang chance oh! Makakapaghiganti na rin siya wakas! Kung hindi lang sumingit si...
"Xyrene." Mahina niyang utas.
Sa pagsaad niyang iyon ay ang pagpasok naman ng tropa.
"Buhay ka tol!" malakas na usal ni Harold.
"Oo nga, 'kala namin mauutas ka na." Nakangising sibad ni Marco.
Anak ng!
"Buti nalang at masamang damo ka pre kung'di pinaglamayan ka na namin kanina." Saad rin ni Charles.
Gago 'tong mga 'to ah.
Mabilis niyang nahablot ang isang maliit kutsilyo na panghiwa ng mansanas at sinamaan ng tingin ang apat.
"Whoah, whoah! Chill!"
"Kung itarak ko kaya sa inyo ito nang malaman niyo ang salitang chill," bulanghit niya. "gusto niyo ba talaga akong mamatay mga gago kayo?"
Kapwa napakamot ng ulo ang apat. "Sorry na bossing. Natuwa lang kaming makita kang buhay at hindi ka naming pinaglalamaya--"
Sinamaan na niya bigla ng tingin si William, "Hehehe. At hindi ka naming nakitang mas lumala ang sitwasyon at naagapan."
Inilatag na niya ang hawak na kutsilyo at muling isinandal ang likod sa headboard ng kama.
Ayaw niya sanang itanong 'yung tungkol sa pagdating ni Xyrene ngunit dahil munggago siya ngayon ay hindi niya iyon napigilan.
"Si Xyrene. A-Ayos lang ba siya? Hindi ko ba siya nasaktan?"
Hindi kaagad sumagot ang apat pagkatanong niya.
Hindi niya mawari sa mga ito kung bakit tila biglang lumungkot ang mga mukha nila kung kaya't bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Hindi. Hindi. Hindi naman sana 'yung naiisip niya ang nangyari kay Xyrene. Tangina, mapapatay niya ang sarili niya.
"S-Sumagot nga kayo, a-anong nangyari kay Xyrene? Na-Napatay ko ba siya?"
Sunud-sunod na iling naman ang ginawad nina Harold at William.
"Hindi tol, hindi. H'wag kang mag-alala. Nagkakamali ka sa inaakala mo." Utas ni William.
"Hindi mo siya napatay nang panahong nasa wisyo ka ng droga." Pagpapatuloy ni Harold.
Nakahinga siya ng maluwag sa kaisipang iyon ngunit ang kaba ay nananatili sa kanyang dibdib at tila parang mas lumala iyon.
"Eh bakit ganyan ang itsura niyo nang tinanong ko kung ayos lang siya? M-May sasabihin ba kayo? Akala ko ayos lang siya?"
"Oo nga pre, ayos lang siya. Ayos na ayos" pagpapahinahon ni Charles. "at oo, may kailangan kang malaman."
Kung kanina ay akala niya todo na ang nararamdaman niyang kaba ay tila nagkakamali siya. Dahil ngayon palang, mas sumiklab ang pagningas ng kaba na bumabalot sa kanya.
Ano kaya 'yon?
"A-Ano 'yon?"
Nagkatinginan muna ang apat bago tumingin sa kanya si Marco suot ang seryoso nitong mukha.
Alam niya sa sarili niya na sa oras na ganito ang hilatsa mg pagmumukha ni Marco ay masamang balita iyon. At kung anuman 'yon, ay siguradong sigurado ito sa bawat paglalahad na sasabihin nito. Kungbaga seryoso at totoo ang iuutas nito.
At sa isipang iyon ay sana hindi nalang niya nakilala ang kaibigan niyang ito.
"About sa pumatay sa nobya mo noon..." panimula nito.
Napakunot noo kaagad siya.
Bakit? Anong mayroon at tila hindi konektado ang isasaad nito tungkol kay Xyrene?
"Ipagpatuloy mo" mahina niyang sambit rito.
Nakita pa niya kung paano ito lumunok bago muling nagsalita. Napahawak na rin siya nang mahigpit sa kobre kama ng kanyang hinihigaan dahil sa namumuong kongklusyon sa kanyang isipan.
"Nagkulang ako ng impormasyon ukol kay Claire about her being the murderer."
"Get straight to the point, Marco." Giit niya rito habang nakapikit.
Ilang segundo pa ang nagdaan bago muli itong nagsalita.
"Si Xyrene ang totoong pumatay kay Lady Apocalypse."
Para siyang binagsakan ng malaking bato sa kanyang dibdib. Mabigat at masakit. Tagos na tagos. Ayaw niyang paniwalaan muna ang sinaad ng kanyang kaibigan. Lalo na ng kinwento na nito ang tungkol sa pagsunod kay Claire at marinig ang usapan nila ni Emmanuel.
Akala niya hindi na siya magugulat sa pagtumpak ng kanyang kongklusyon sa ibig ipahiwatig nito.
Ang bigat ng kanyang bawat paghinga. Naninikip sa katotohanang sinampal sa kanya.
Bakit ganoon? Bakit hindi siya pinipigilan ng puso niyang maniwala sa bintang ng kanyang kaibigan?
Hindi siya makalunok na miski ang laway niya ay nahihirapan siyang ibaba mula sa kanyang lalamunan. Tila may malaking bara ang biglang umusbong dahil sa katotohanang siniwalat.
Pinikit niya ng mariin muli ang kanyang mata.
Hindi. H'wag ka munang maniwala, Xavier. H'wag. Hingan mo muna ng paliwanag si Xyrene. Utang na loob pakinggan ko muna siya.
Ngunit lahat ng pagkukumbinsi iyon at tila naglaho sa sunod na sinaad ng kaibigan.
"A-At inamin niya iyon. Sa aming apat. Maging sa mga kasama niya."
Dammit! No!
Tiim bagang siyang tumingin kay Marco. "No. Hindi ako naniniwala. Hindi! Hindi maaaring maging siya. Utang na loob, please, bawiin niyo ang sinabi niyo."
Sa pagbuhos ng kanyang luha ang siyang pagpasok ng kanyang kapatid na si Selena.
"What happened— Vier!" Agad siyang yinakap ng kanyang kapatid nang makita siya nitong umiiyak.
"Ssshhh! Okay na. Tahan na." Pang-aalo sa kanya ng kapatid.
"Tangina, bawiin niyo ang sinabi niyo mga gago!"
Wala na siyang pakialam kung makita man siya ng mga ito na umiiyak. Tangina, sobrang sakit! Ang sakit sakit. Bakit ba ganoon? Bakit ba sa t'wing nagmamahal siya he'll end up being hurt? Bakit sa kwento ng buhay, imbes na siya ang nananakit ng damdamin ng babae ay kabaligtaran sa nangyayari? Bakit sa isang tulad niya tinuturing nilang matapang napunta ang kapalarang masaktan ng sobra?
Hindi pa ba sapat na mawalan siya ng minamahal for the first of his life? Tas ngayon naman ay nagmahal siya ng taong pumatay sa unang babaeng kanyang minahal? Ang laking sampal hindi ba? Ang sakit sa parte niya.
"I'm sorry, dude." Mahinang saad nina Marco.
Hindi iyon nakatulong sa kanya. Dahil imbes na mabawasan ang sakit ay muli lamang nagningas ang kanyang pagkabudhi sa kanyang dibdib.
"Everything's gonna be alright, Vier. Pakinggan mo muna--"
Agad siyang bumitaw sa kapatid niya.
"No. Once is enough," naninigas ang kanyang panga habang nagsasalita. "magbabayad ang dapat magbabayad. Mata sa mata, ngipin sa ngipin."
"But—"
"No more buts, Selena. Wala nang makakapigil sa akin," tumikhim siya. "nilalaro niya ang laro ni Emmanuel katulad ng paglalaro niya sa akin? Fine, siya naman ang lalaruin ko sa sarili niyang laro. Ako ang gigisa sa kanya sa sarili niyang mantika."
GVA - WEEK 4
Location: East Coast, Pool
2:45:09 PM
"It's been a month na pala simula nung sumali tayo rito ano?" Wika ni Eliza habang tinatanggal ang suot nitong aviator at nakangiting nakatingin sa malaking pool ng East Coast.
Tiningnan ni Xyrene ang kaibigan at napadako ang kanyang paningin sa suot nito. Nakasuot kasi ito ngayon ng isang maikling denim short, nakabra na kulay magenta na natatakpan naman ng light red na see-through na balabal. Napaismid siya rito dahil paniguradong tutok na tutok ngayon ang ilang kalalakihan sa kaibigan niyang ito.
"Yeah, it's been a month at up until now ay nakakapagtaka na ang pananahimik ni Emmanuel matapos ang huling laban sa Battle Cross" pagsang-ayon niya rito.
"Hay naku, kung ako sa'yo? Enjoyin nalang muna na itong ilang araw na pahinga sa laban. Mabuti nga't naisipan ng Sy na 'yan ang temporary vacation nang makapagpahinga naman ako sa training natin."
Napapailing na lamang siya sa tinuran ng kanyang kaibigan. Maybe she's right, kailangan na nga muna niyang ipahinga ang sarili niya para hindi siya mastress.
Ngunit kahit sang-ayon ang kanyang katawan ay kabaligtaran naman iyon ng kanyang utak.
Sabi ng utak niya. Kailangan niyang maghanda. The battle is still on going as well as the Emmanuel's missing in action drama.
Hindi niya pa mawari ang kinikilos ni Sy at 'yun ang dapat niyang paghandaan.
Alam niyang alam na nang lalaking iyon na nilalaro niya ang laro nito. At nakakasigurado siyang hindi siya nitong hahayaang manalo.
The hell with you, Emmanuel.
"Hey, wala ka pa bang balak maghubad?" tanong sa kanya ni Eliza.
"Unfortunately, sa aspeto mo nang hubad paniguradong iba 'yan. But as for me? Nope, baka mamaya nalang."
Inirapan siya ng dalaga. "Grabe ka naman makapag-isip ng ganyan. Oh siya, una na 'ko sa'yo sa pool. Alam mo na, maraming boys." Saad nito sabay kindat.
Napapailing na lamang siya sa tinuran ng kaibigan.
Nagpatiuna si Eliza sa may pool at gumawa ng eksena sa pagtanggal ng damit. All eyes are now on her. Some girls were just rolling their eyes, habang ang mga lalaki naman ay nagkanda-laki laki ang mga mata.
Umupo at sumandal si Xyrene sa isa sa mga pool bench roon. Hindi alintana ang mga tingin ng ilang babae sa kanya sapagkat balot na balot siya at hindi man lang nag-abalang magsuot ng two-piece.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinuot ang dalang shades.
Tss, hindi niya kailangang mag-two piece para lang mag-sunbathing. 'Di ba pwedeng magbabad sa araw na nakajacket at naka-denim pants?
"Ano ka ba, h'wag mo nga 'kong kilitiin."
Kumunot ang kanyang noo. Bakit ang landi ng babaeng iyon kung makatili?
Hindi na niya inalintana iyon ngunit mas napakunot noo siya sa sunod na nagsalita.
"But I want you to kiss me, babe. Hayaan mo silang tingnan tayo."
Mabilis pa sa alas kwarto niya natanggal ang shades at hinagilap ang dalawang taong nagpainit ng kanyang ulo.
And there! Xavier and Cindy cuddling each other. And take note, limang bench lang ang pagitan sa inuupuan niya.
Huminga siya ng malalim at hininahon ang sarili. Pigil lang Xyrene. 'Di mo ugali ang magsimula ng away.
Ilang araw mo lang naman siyang hinintay para makapagpagaling siya hindi ba? At mainternalize niya ang nalaman niya ng araw na iyon. Kakausapin mo naman siya 'di ba? Regarding sa inyong dalawa. Hinahon lang. Hinahon lang.
Maya-maya pa'y nakita niyang naghalikan ang dalawa at umupo sa lap ni Xavier si Cindy. Nakaangkla ang dalawang binti ng babae sa katawan ni Xavier habang hinihimas naman ng binata ang likurang bahagi ng dalaga.
Fuck! I've had enough!
Tumayo siya mula sa kanyang hinihigaan at mabilis pa sa alas-kwartong lumapit sa dalawa.
Mabibigat ang kanyamg hiningang nagsalita.
"Pwede ba tayong mag-usap, Xavier?"
Napatigil ang dalawa ngunit hindi pa rin naghihiwalay sa isa't isa.
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Mayroon, Xavier. At alam kong alam mo 'yun."
Nagkatinginan silang dalawa, mata sa mata.
"Do you really want to talk about that incident here?"
Ramdam na ramdam niya ang lamig ng boses nito habang nagsasalita.
Lihim siyang napangiti ng mapait nang ma-realize na ang ibig nitong ipahiwatig.
"No. Privately." Turan niya rito.
No. H'wag mong ipakita sa kanya na nanghihina ka na Xyrene. H'wag na h'wag. Itago mo lang ang tunay mong nararamdaman, dahil in the first place nakapagdesisyon ka na.
Umalis mula sa pagkakandong si Cindy kay Xavier at pinamaywangan siya.
"Masyado ka naman 'atang desperada?"
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka, kung ayaw mong tapyasin ko 'yang bunganga mo." Nagngangalit niyang sagot kay Cindy.
Inismiran siya ng dalaga.
"Ang kapal naman 'ata ng mukha mo—" hindi niya na hinayaang matapos ang sasabihin nito.
"Kung makapal ang mukha ko, ano ka pa? Tanga? Tanga kasi na sa'yo ngayon ang lalaking gusto mo pero alam mong nakikipaglandian lang siya sa'yo?"
Mabilis na hinablot ni Cindy ang braso ni Xyrene para sana pilipitin ngunit mabilis ring nahawakan ni Xyrene ang batok ng dalaga at nahawakan ang kaliwang braso nito sabay ngudngod sa sahig. Hindi literal na nangudngod si Cindy dahil hawak siya sa braso ng dalaga. Yun nga lang ay namimilipit naman siya sa sakit dahil sa combo-ng iyon.
"Enough!" Singhal ni Xavier sa kanya. Hinawakan siya ng binata sa braso nito at hinila.
Nagpumiglas siya ngunit hinawakan siya ni Xavier sa leeg dahil upang mawala ang nagngangalit niyang damdaming mapatay si Cindy.
"H'wag. Na. H'wag mo siyang masaktan. Dahil hindi ako mangingiming patayin ka sa harapan nila."
Hindi siya makahinga. Hindi niya magawang magpumiglas. Kahit alam niyang lahat ng tao sa paligid nila ay nakatingin sa kanila ay hindi niya iyon inalintana.
Papunta na sa kanya si Eliza ngunit agad niya itong pinigilan sa pamamagitan ng pagsenyas. Sumunod ang dalaga ngunit nanatiling nakatigil ito sa kung saan ito nakatayo. Hindi niya kaya si Xavier, alam niya iyon.
Tiningnan niya sa mata si Xavier. Halu-halo ang emosyong nakadikit sa mga magagandang mata ng binata. Galit, poot, at hinanakit. Doon na tumigil ang kanyang mundo. Ito na nga. Naaayon na ang lahat sa plano niya. Sana lang... sana lang maintindihan ni Xavier ang lahat kapag naisakatuparan na ang lahat at h'wag niyang masisi ang sarili niya.
"MAY NAGAGANAP NA away sa may pool tol."
"Talaga? Tara puntahan natin."
Iyan ang narinig nina Andrei at Akihiro habang naglalakad silang dalawa papunta rin sana sa Pool kung saan naroroon sina Xyrene at Eliza.
Nagkatinginan silang dalawa at kapwa nangungusap kung ano kaya ang mayroon sa kanilang narinig.
"Sino? Si Xenon? Sakal sakal ang leader ng Death Keepers?"
Doon nagsipaglakihan ang mata ng dalawa. Mabilis silang tumakbo sa paroroonan at dahil alam na nila ang dahilan kung bakit iyon ang nangyayari.
Unang tumakbo palapit si Akihiro kay Xenon upang ito'y suntukin.
Inayudahan naman ng sipa ni Andrei ang binata habang dinaluhan nina Eliza at Akihiro ang panay na ubo na si Xyrene.
"Get her away from here." Mahinang utos ni Akihiro kay Eliza na tango ang naging sagot sa kanya.
Pinuntahan ni Akihiro si Xenon at mahigpit na hinawakan ang damit nito at nagtatagis ang bagang na muling sinuntok.
"Gago."
Napapahid sa labi si Xenon habang napapatawa ng pagak dahil sa sinaad ni Akihiro.
"Ako? Gago?" Utas ni Xenon at binigwasan si Akihiro.
"Oo!"
Nagpatuloy ang palitan nila ng suntok hanggang sa dumating na ang iba pang myembro ng Warlords Platoon upang sila'y pigilan.
Hawak na nina Andrei, Harold at Charles si Akihiro upang pigilan sa pagsugod at ganoon rin ang lagay ni Xenon.
"Bitawan niyo ko nang mawarak ko ang pagmumukha ng gagong 'yan!" Bulanghit ni Akihiro.
"Subukan mong kantihin si Xyrene, Xenon. Subukan mo pa siyang saktan at ako na ang papatay sayo!" Hiyaw rin ni Akihiro.
"Tangna mo! Hindi lang siya ang papatayin ko gago dahil isusunod kitang hayup ka!"
"Umasa ka bobo! Papatayin mo siya? Sige, gawin mo ngayon. Pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo habang buhay ang gagawin mo." Huling saad nito sabay pumiglas sa mga may hawak kay Akihiro at umalis na sa lugar na iyon.
"Bitawan niyo na 'ko." Mariing utos ni Xenon na siya nilang sinunod.
"Ano bang problema mo, Xenon at gumagawa ka ng eskandalo rito?" Tanong sa kanya ni Marco.
Nakatingin lang siya sa dinaanan palabas nina Akihiro habang nagtatagis ang panga.
"Wala kang pakialam. Dahil sa puntong 'to sinagad na nila ang pasensya ko," saad niya sa mga ito.
"Anong binabalak mo?"
Tiningnan niya panandalian ang mga kasama bago nakangising tumingin muli sa daang tinahak ng mga nakaaway.
"Ang matagal ko na dapat na ginawa."
"ANO BANG PUMASOK d'yan sa kokote mo, Xyrene at nilapitan mo pa ang lalaking iyon?" Singhal ni Akihiro kay Xyrene pagkapasok nila ng quarters.
"Hindi ko nga sila nilapitan. Sila ang unang lumapit."
"Ahhh. So, Eliza. Sino ba ang nagsasabi sa inyo ng totoo nitong si Xyrene huh?"
Napapitlag si Eliza.
"A-Ah... E-Eh..." tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.
"Si X-Xyrene. Nilapitan niya sina Xenon nung nakitang naglalampungan kalapit sa kanya."
Nakahalukipkip na tiningnan siya ni Akihiro.
"What?" pagmamaang-maangan pa niya. "okay, fine! Oo na! Okay na?"
Narinig niyang bumuntung-hininga si Akihiro.
"Talaga bang gusto mo nang mamatay huh, Xyrene?"
"At sino bang nagsabi sa'yong ngayon ako mamamatay? Ano ako hibang?"
"Oo! Dahil ang buong akala pa rin ni Xenon na ikaw ang pumatay sa nobya niya na unfortunately ikaw."
"Let him be, Akihiro."
"Xyrene naman..." daing ni Eliza sa tinuran niya. "alam mong hindi kadaling matalo si Xenon at may posibilidad na mamatay ka sa kamay niya. Wala ka ba talagang balak sabihin..."
"For the nth time, Eliza. Hindi!"
"Fine..." utas ni Andrei. "Kung ayaw mong sabihin, kami ang magsasabi sa kanya."
Padabog na tumalikod si Andrei na sana'y lalabas upang totohanin ang kanyang banta nang marinig ng binata na may nagkasa ng baril.
"Subukan mo... subukan niyo lang sabihin sa kanya ang totoo at kayo ang uunahin kong patayin."
"X-Xyrene..." mahinang usal nina Akihiro at Eliza.
Hindi nila akalang sasabihin ni Xyrene ang mga katagang iyon. Oo, kaya ni Xyrene iyon nang hindi nagdadalawang isip. Kilala nila ang dalaga. Ang ayaw nito ay ang mga tumatraydor sa kanya at ang mga sumisira ng plano niya. But in this case, mukhang hindi pa nila lubusang matanggap na mangyayari na ito sa kanila.
"Ilang ulit kong sinasabi sa inyong naaayon ang lahat sa plano pero kayo pa rin itong matigas. Kung mamamatay ako sa ginagawa kong 'to then let it be. Ganoon ang buhay, mamamatay ka kung papalpak ang isang plano. Sa tingin niyo ba hindi ko alam itong ginagawa ko? Tingin niyo ba basta basta lang akong nagdedesisyon nang hindi nag-iisip? Akala ko ba kilala niyo na 'ko? Kung oo, bakit pilit niyo pa ring pinapamukha sa'king mali itong ginagawa ko?"
Binaba na niya ang hawak na maliit na baril at muling itinago sa kanyang bulsa. Oo, may dala siyang armas.
Ang sabi lang naman sa rules ay bawal gumamit ng armas kapag nasa loob ng isang laban hindi ba? Hindi sinabing bawal gumamit kapag hindi ka nakasalang sa battle.
"At paano kung sabihin kong sa plano kong 'to ay makikilala ko na sa wakas kung sino ang anak ni Frontier, pagaganahin niyo na ba 'yang lintik niyong utak at sumabay sa agos?"
Daig pa ang kwagong nagsipaglakihan ang mga mata nina Eliza.
Nginisian niya ang mga ito.
"Yes, konting konti nalang at malalaman ko na kung sino siya. Ano bang akala niyo sa'kin? Inuuna muna ang lovelife bago trabaho? No."
Pagkatapos ng pagbigay ng isang sorpresa sa mga kaibigan niya ay sinimulan na nila ang pagtalakay roon.
Sa kabilang dako ng kanilang silid... may nakikinig. May espiyang nakikinig sa Death Keepers. Rinig na rinig nito ang mga susunod na galaw ng kanilang grupo. Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng grupo. Malalakas ang pagkatok na sinamahan pa ng umiiyak na dalaga.
"Death Keepers! Tulong! Please! Buksan niyo 'to!"
Mabilis silang pumunta ng pintuan. Si Akihiro ang nagbukas.
"Anong mayroon?"
Isa ito sa mga Black Lilies. Napakunot noo si Xyrene. Anong meron at bakit tila iyak ito ng iyak na para bang nakakita ng isang krimen.
Bigla siyang naalerto sa ganoong klase ng kaisipan.
"Bakit? Anong nangyari?" Muli niyang tanong.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib.
Hanggang sa... tumama ang kanyang hinala.
.
.
.
"N-Natagpuan si Claire sa banyo ng kanyang kwarto sa Infirmary... n-nakabigti... at wala nang buhay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top