Chapter 3: The Constellate Assassins
Scheduler
"SCHEDULER, may kliyente tayo." Untag sa kanya ni Swan habang abala siya sa pagbabasa ng dyaryo. Napatingin siya sa kanyang relos. Alas-otso palang ng umaga.
Tiningnan niya ang dalaga at nagtanong. "Sa ganitong klaseng oras?"
"Actually, kagabi pa ito bago tayo nag-inuman kagabi. Pinagpabukas ko na lamang since we are in the middle of celebration. I don't want to break the ice last night." Paliwanag nito.
Bumuntung-hininga siya at muling nagwika. "Call them," utos niya rito na agad naman na tumalima.
"Right away." Tugon nito at tinawagan ang dalawang bugok na bumili ng kung ano sa malapit na convenience store.
Swan dialed on her phone at si-net sa loudspeaker mode. They have waited a minute at saka narinig na sinagot na ng dalawa ang tawag.
"Raven, Initiator... Go back to our place. Impronto." Utos ni Swan sa dalawa. At alam niyang alam na kaagad ng dalawa na sa tono pa lang ng boses ni Swan ay importante iyon at hindi maaaring ipagpaliban.
"Copy," tugon ng dalawa.
Location: Meeting Room
SA halip na basahin ang handouts na bigay sa kanya ni Swan ay ang dyaryo ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Napangisi siya nang malagay na pala sa dyaryo ang ginawa niyang krimen kagabi.
"This is terrible..." narinig niyang usal ni Swan na s'ya niyang kinatingin rito. Ngunit magtatanong palang siya kung bakit ay sabay silang napalingon sa pintuan na kabubukas lang at pinakita sa kanila ang aburidong mukha ni Raven.
"What's the matter?" she asked.
"A client called me."
"Really? The same client?" tanong niya rito at lumingon kay Swan na nakakunot rin ang noo.
"I don't know. Sino ba ang target?"
"Hintayin na muna natin 'yung—" bigla muling bumukas ang pintuan and this time ay lahat sila talagang nagulat sa lakas ng pagkakabukas nung pintuan. "... Kumag. Napakaganda ng paraan ng pagbubukas ng pinto nga naman, oo."
"So ano na'ng plano?" unang utas ni Initiator sa kanila at naupo sa sarili nitong upuan sa kwarto.
"Hindi ka ba marunong magbukas ng tama ng pinto? Halos sirain mo na iyan ah." Saad ni Swan sa binata.
"May problema ka ba doon, Swan?" tugon nito habang nilalapit ang mukha sa mukha ng dalaga.
Nakita niya kung paanong pamulahan ng mukha ang babaeng ito. Didn't she just tell you na may gusto itong babaeng ito sa binatang iyon?
"Pwede ba, focus?" pinigilan na niya ang dalawa dahil alam niya kung saan aabot ang usapan. Magbabangayan lang ang dalawang iyan. And mind you, masakit sila sa ulo.
"Now, let's start. Bigyan mo na sila ng copy, Swan."
"Copy," at agad nitong inabot sa dalawa ang mga folders.
Target: Gilbert Villareal
Age: 45
Location: New Jersey
Criminal Information: Main distributor of Cannabis known as Marijuana in its herbal form, from China to Philippines and to other places around Asia by the use of his power of being the acting president of Villareal Realties.
Kapwa niya naramdaman ang tingin ng tatlo sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya ito binasa kanina nang hindi na siya nagugulat sa kung sino ang kailangang patayin. And now look what happened. Binalik niya ang tingin sa tatlo na nagsasabing she's okay, don't mind her. Pero ang totoo'y nagkukumuyom na ang kanyang kamao sa kakaibang galit na nararamdaman. Alam ng tatlo kung bakit, because a Villareal changed her life into this— a monster.
Ilang sandali pa nang magsalita na si Initiator.
"Tingin niyo mapapatay natin siya nang ganoong kadali?"
"No. Medyo delikado, actually." Lumingon silang tatlo kay Swan.
"Why is it dangerous, Swan?" Raven asked her.
"Listen. Si Gilbert Villareal ay considered as one of the most influential businessman dahil siya mismo ang kumokontrol sa Villareal Realties. Maaaring siya ang nag-d-deliver pero nasa likod niya lagi ang isang Russian Mafia. Pero ayon dito kahit ganito ang kanyang gawain ay hindi niya dinamay ang Villareal Realties sa mga illegal ventures ng acting CEO. May sariling bank accounts si Gilbert Villareal na siyang walang kinalaman sa pinapatakbo niyang kompanya." Paliwanag ni Black Swan.
"So ano nang plano Dark Raven?" tanong ni Initiator.
"Mukhang delikado nga itong mission na ito. Alam naman nating isa ang Russian Mafia sa mga mahirap pabagsakin maliban pa sa mga Yakuza. Kontrolado ng Russian Mafia ang tiwala ng mga Yakuza. At base sa aking pagkakaalam, humigit kumulang na isang milyon ang mga tauhan ng dalawang Mafia. Paano kung ipatake nilang dalawa iyon bilang guard ni Villareal?" Sabi ni Raven.
"Why is it dangerous, again?" she asked them.
"Do we really need to repeat that, Scheduler?"
"Mukhang hindi mo tantya, Raven, ang iniisip mong hypothesis, don't you?" tanong niya rito. "Mukhang nawala na ang calculation skill mo."
Halata sa kanila ang pagtataka. "Mukhang kinalimutan niyo na may mga underlings tayo sa loob at labas ng Russian Mafia?"
"Pero Scheduler, hindi madaling pakilusin sila sa loob." Aniya ni Raven.
"Eh 'di pakilusunin natin sa labas, as simple as that. Kapag nagawa nila iyon saka natin maiaalis ang hadlang para patayin ang isang Villareal."
Mukhang they still don't get it. She stared at them with a where's your common sense look. Then she winked na nagsasabing— it's a Scheduler style. After that, napailing iling na lamang sila.
NASA terminal na silang lima ng eroplano at inaayos nila ang mga bagahe dahil kararating lamang nila sa New Jersey. While packing their luggages, umakbay naman bigla si Inititiator sa kanya.
"Bakit parang mas tumatalino ka ngayon Scheduler?" isang malakas na hampas sa t'yan naman ang iginawad niya sa binata.
"Gago ka 'e, bakit ka pa kasi pinanganak."
"Anong konek naman niyan sa sinabi ko sa'yo?"
"Hulaan mo, gusto mong mabaog kapag hindi ka tumigil sa pagtatanong?"
Iniharap ng binata ang kanyang dalawang kamay sa maselan na bahagi ng katawan nito. "H'wag mo namang idamay si Junjun. Maraming iiyak. Marami na ngang umiyak rito, ta's tatanggalin mo pa ang ikaliligaya nila."
Lumapit naman si Swan sa binata at ito'y inalayan ng isang malakas na batok.
"H'wag kang mag-malibog rito, mahiya ka naman. Tigang ka 'ata kaya ang tabil ng dila mo."
"Pwede ba Swan, kung may pagnanasa ka kay Junjun ay sabihin mo lang nang mapahawak ko siya sa'yo, h'wag mo nga lang galitin dahil kakaiba 'to kung magalit."
Hindi nila napigilan ni Raven ang pagbungisngis sa tinuran ni Initiator sa dalaga. At mas lalo silang nagpigil ng tawa nang makitang pumula ang mukha ni Swan.
"Tse! Bahala ka nga d'yan.!" Sabay talikod at iniwan sila.
Location: Hotel, New Jersey
Time: 14:26.09 PM
NAGPAHINGA kaagad sila pagkarating sa kani-kaniyang kwarto. Ramdam ang jetlag at hindi nila pwedeng maramdaman iyon habang isinasagawa ang kanilang misyon. Pagkagising ng bandang alas-singko ng hapon ay isa-isa na silang naghanda. Raven and Initiator were swiping their guns with a piece of cloth, Swan is printing the copies of invitation sa isang party; at s'ya nama'y nag-aayos ng isa sa kanyang black suit na gagamitin mamayang gabi sa party.
According to their handouts ay aattend ang kanilang target sa isang pagdiriwang ng isa sa mga kasosyo nito sa kompanya. Iyon na mismo ang magandang pagkakataon para isagawa ang kanilang plano.
"Ready?" tanong ni Dark Raven kay Swan na nasa loob na ng pagtitipon. Kausap siya nito sa improvise earpiece nila.
"Always." Sagot ni dalaga.
"Initiator?" tanong ni Swan nang mapansing nakatulala ito sa kanya. "Hey. Alam kong maganda ako ngayon pero not now for your sexual fantasies okay?" Untag niya sa binata.
Napamulagat naman ang binata sa tinuran ng dalaga sa kanya. He was just mesmerized at her, 'di kasi nito inaakala na may igaganda pa pala si Swan ngayon.
"In your dreams, young lady." Pagtanggi nito sa inaakala ng dalaga. Tumalikod siya at doon nito 'ata naramdaman ang pamumula ng mukha.
"Whatever."
"Focus on our mission guys and stop flirting!" untag ni Raven sa dalawa.
Nakatayo lang siya sa tuktok ng katabing building ng hotel. Dating gawi, ang madalas niyang gawin. This is one of her favorite way of killing her prey. Basic, yeah, yet so deadly.
Nasa control room si Raven at siya ang bahala sa lahat ng galaw ng camera ng buong establishment. Everything is set, at ang target na lang ang kulang.
"Good Evening Ladies and Gentlemen. Welcome to our Annual Celebration of White Pegasus Corporation. And let us all acknowledge the presence of our special guest from the Philippines, Mr. Gilbert Villareal." Panimula ng Emcee. This is the sign of their mission.
Napangisi siya habang tinitingnan ang target gamit ang kanyang telescope at nakikita itong ngiting ngiti habang naglalakad patungong entablado.
"Where are they?" tanong niya habang nakalagay sa tainga niya ang kanyang cellphone at kausap ang isa sa underlings nila sa Russian Mafia.
"We're stock here in the middle of traffic 'cause there's an accident happened." Underling said.
"Good." Binaba na niya ang phone at kinausap na ang iba pa.
"Sa akin ang ulo ni Gilbert Villareal." Mariing utos nito sa tatlo.
HABANG nagsasalita si Gilbert Villareal ay biglang namatay ang mga ilaw. Mabilis naman na nataranta ang mga nasa loob ng hall at tuluyan nang nagkagulo. Sina Swan at Initiator ay sinuot na 'agad ang night vision glasses upang mabilis nilang mahanap ang target. Dahil naglagay ng tracking device si Swan sa necktie na suot ng target kanina nang walang nakakakita ay agad nilang natrack kung nasaan ito.
Kaagad na nilabas ni Initiator ang Aero Gun nito at agad na binaril ang lahat ng bantay sa paligid ni Villareal. Itinapon naman ni Swan ang mga hawak nitong Shuriken na may halong poisonous chemical sa mga guards ni Villareal na pumapasok ngayon sa loob para bantayan ang kanilang amo.
After na mapatay ang mga bantay ay nagtira ang mga ito ng dalawa para naman may kasama kahit papaano si Gilbert Villareal and to make the killing more brutal.
Napangisi sina Swan at Initiator nang makita nilang papalabas ito sa main entrance, kung kaya't agad na binato ng binata ang hawak na maliit na kutsilyo at natamaan ang close circuit device para mag-automatic close ang entrance door. Dahil nakasarado na ang entrance door ay lumipat sina Villareal sa likod upang lumabas sa back exit na siya namang sinarado rin ni Black Swan. Walang nang nagawa ang mga guards ng target at ipinasok na lamang sa isang elevator si Villareal na kaagad namang na-trace ni Raven na pinindot nito agad ang pinakatuktok ng building.
"Scheduler. Kumagat na sa pain ang target" sabay na sabi ng tatlo sa kanya.
"Copy," tugon niya sa mga ito.
Nakita niya ang chopper na paparating at nakalanding na sa rooftop, katapat nitong building sa kanyang kinatatayuan. Agad niyang binunot ang paborito niyang AK-200 at agad na tinutok sa ulo ni Villareal. Ngunit nagbago ang kanyang isip.
Imbes na barilin ang ulo ng target ay yung mismong elisi ng chopper ang pinatamaan nito na naging dahilan ng pagtigil ng elisi sa pag-ikot. Mukhang hindi iyon napansin ng piloto dahil pinipilit nito na paandarin muli ang chopper. Sa umpisa naman ay gumana ito ngunit nag-iba na ang tunog nito na s'ya na nitong kinabahala.
Nagbato siya ng isang mahabang tali. Isang pisi na kapag dumikit ka ay maaari kang mahiwa o maputulan ng laman. Pumulupot ang tali sa pinagkakapitan ng elisi at dahilan iyon upang ito'y matanggal. Nakita nang dalawang mata ng dalaga kung paanong natanggal ang elisi sa chopper at natamaan ang kanyang target sa leeg at napugutan ng ulo.
Hindi na kailangan pang patayin ni DS ang dalawang guard na nasa paligid nito dahil kasama ito sa mga nadampian ng elisi at sabay sabay na nahulog sa tuktok ng building na almost may 50ft. ang taas.
"Mission Accomplished." Sabi nito sa tatlo.
KAAGAD siyang umalis sa kinaroroonan nito upang bumalik sa lugar ng kanilang sasakyan ngunit naabutan niya ang mga taong 'di dapat makita.
"Missed us, Black Death Assassins?" utas ng babaeng may hawak kay Raven na ngayon ay nanghihina sa 'di pa niya malamang dahilan.
"Gulat ka ba na nandito kami at naturukan ng kakaibang lason itong tatlo?" tanong ng may hawak kay Swan.
"Oh... come on Dark Scheduler. Don't cry, okay?" may himig na pang-aasar naman na utas ng may hawak kay Initiator. Ngunit nagulat siya nang akmang tatanggalin nito ang maskara ng binata.
"STOP!" Sigaw niya at hudyat iyon upang mapatigil niya ang dalaga sa tangka nitong gagawin. "Don't you ever dare to put his mask off." Pagbabanta niya rito ng malumanay ngunit may halong panganib.
"At anong gagawin mo? Kaya naming silang patayin ngayon palang kung gugustuhin namin." Sabi ng may hawak kay Initiator.
"Ano ang kailangan niyo... Constellate Assassins?" tanong niya sa tatlong dalaga.
Assassin's Name: Constellate Assassins— A three girl group Assassins. Russian Mafia's Property. Considered as one of the strongest Assassins next to White Larynx Assassins.
Members: Aries (Bianca—Leader), Virgo (Jamie) and Aquarius (Lianne)
"Kailangan namin? Ang kailangan namin ay mapatay kayo." Diretsahang sagot ni Virgo na may hawak kay Raven.
"And I bet, Russian Mafia ang nag-utos, tama ba?" tanong pa niya.
"Oo, natunugan nila kayong papatayin ninyo si Villareal. You've been trapped on their trick." Sabi ni Aries na may hawak kay Inititiator.
Nanahimik siya sandali.
"Wala ka bang masabi, Scheduler? Oh come on, ang dakilang Legendary Assassin? Mukha kang nahintakutan." Untag ni Aquarius.
Napangisi siya na kinagulat ng tatlong dalaga. nakakatawa rin pala silang mag-joke?
"Ako? Nahintakutan? Sa inyo? Nakakatawa. Sobra. HA-HA-HA. It's funny. Pwede pala kayong magpatawa? Pero... ang 'di ko inaakala 'e makalipas ng ilang taon na pagtatrabaho niyo sa kanila ay... sila rin naman ang dahilan ng pagkamatay ng magulang niyo. Ngayon, sabihin niyo sa'kin kung sino ang naloko?" Nakakalokong sambit niya sa mga ito na may ibig ipakahulugan. At kinagulat iyon ng tatlong dalaga.
"Anong sinabi mo?" Kaagad na hinawakan ni Aries ang buhok niya nang makalapit ito ng mabilis sa kanya.
"Ang sabi ko, tumanggap kayo ng utos sa grupong naging dahilan ng pagkawala ng inyong mga magulang. Ulitin ko pa ba at ipamukha?"
"Patunayan mo 'yang sinabi mo." Mariing isinatinig ni Virgo.
Scheduler had already known that this scenario might happen. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at ibinato iyon sa Constellate Assassins. Sinenyasan niya itong tingnan ang naturang cellphone na naglalaman ng lahat ng itinagong detalye ukol sa pagkamatay ng kanilang magulang.
Matapos mabasa ng tatlo ang files ay winasak nila ang cellphone sa may 'di kalayuan at sabay sabay na naikuyom ang kanilang mga kamao.
"Saan mo nakuha 'to?" tanong ni Aquarius sa kanya.
Lumapit muna siya sa tatlong kasama at tinurok rito ang antidote na hawak na eksakto sa lason na itinurok ng mga ito.
"Hindi gaanong kahirap na pagdudahan ang misyong ibinigay sa amin. Simula't sapul ay kami na mismo ang puntirya ng pinagsisilbihan ninyo. You know how pathetic and desperate they are to see us personally, yet they still want us to be killed. Why? I know that you've already knew the reason why they need us dead. Alam nilang makakasagabal kami at maaaring iniisip nilang pwede kaming maging traydor at puntiryahin sila sa kung ano man ang gusto naming mangyari. Maaaring we can kill them all, kunin ang mga dapat ay sa kanila at higit sa lahat ay masira ang reputasyong iniingatan nilang lahat."
Nagulat ang tatlo sa lintanyang ibinahagi niya.
"But do you think we will let them kill us? Of course not. Kami? Mamamatay ng gano'n gano'n lang? They underestimated us. At dahil sa pag-iisip na iyon ko naisip na bakit hindi ko rin gamitin ang kampon niya na nagpasakop naman sa kanila? Nag-isip ako ng isang alternate plan na sa gayon ay magawa ko parehas ang gusto kong mangyari sa gabing ito. Bakit hindi ko nga ba alamin ang nakaraan ng kampon nilang iyon at gamitin laban sa kanila? Isn't a great yet helpful idea? Nag-benefit ako, nag-benefit rin kayo. So, patas tayo."
Nanatiling tahimik ang mga babaeng kausap niya. Tila pinoproseso pa sa kanilang utak ang lahat ng mga impormasyon na nakalap nila.
Maya-maya pa'y lumapit si Aries sa kanya.
"Hindi ko gawaing magpasalamat sa ibang tao, Scheduler, but because you helped and woke us in a nightmare? Thank you."
She rolled her eyes but she smiled.
"Aalis na kami. Hindi na nga ako nagtataka kung bakit ka binigyan ng ganoong taguri ng Underground Society." Turan ni Virgo bago sila naglaho sa dilim na parang bula.
Tinignan naman niya ngayon ang mga kasama nitong bumabalik na sa dating lakas. Inakbayan siya kaagad ni Initiator.
"Kailan ka pa naging charitable?" tanong ni Initiator sa kanya.
Tiningnan naman siya ng masama ni Scheduler, kapagkuwa'y ngumisi. "I'll bear in mind na sa susunod na malalason ka hindi na kita tutulungan."
Initiator pouted. "Grabe ka naman sa'kin!!" Then they laughed.
"So ano na? Celebrate na tayo?" tanong naman ni Raven.
"Yes! Party party na tayo!" hiyaw ni Swan.
"Then let's savior every last moment natin rito sa New Jersey." Pagtatapos niya sa usapan.
* * *
Unknown
"BULLSHIT! Bakit ba ang hirap hanapin ni Scheduler? Isa siyang malaking letse! Shit!" bulyaw niya sa kanila nang hindi pa rin nakakuha ng sapat na impormasyon ang mga walang kwenta niyang tauhan sa taong kanyang pinapahanap.
"Master, huminahon na ho kayo. Malalaman rin natin kung sino siya." Sabi ng kanyang alagad.
Hinawakan niya nang mariin ang fountain pen na kanyang hawak.
"Humanda ka, Scheduler,dahil sa oras na malaman ko kung sino ka at kung nasaan ka, sisiguraduhin kongsa kamay ko ikaw malalagutan ng hininga." Utas niya habang naputol ang pen sakanyang kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top