Chapter 29: Her Brother- Unfold

Philippines. 

Finally, nasa Pilipinas na muli siya. Sinuot na niya ang kanyang salamin at tinulak ang kanyang mga bagahe palabas ng NAIA Terminal 3.

Hindi niya inalintana ang mga tingin sa kanya ng mga tao sa paligid dahil lang sa sobrang kapansin pansin ang kanyang postura.

Pagkalabas ng Airport ay kaagad niya nalanghap ang hangin ng Pilipinas at napangiti ng lagpas hanggang tainga.

"It's been a couple of months, huh." Bulong niya sa kanyang sarili.

Hindi niya  aakalaing makakabalik pa siya ng Pilipinas, matapos niyang iwanan ang kanyang kasintahan rito sa bansa. At ngayon ngang siya'y nagbabalik ay sisiguraduhin  niyang 'di na niya iiwan pa ang kanyang kalaguyo.

"Ms. Perez, Ms. Claire Perez?"

Napabalik siya sa kanyang sarili nang makarinig siya na may tumatatawag sa kanyang pangalan.

Nilingon niya at hinanap kung sa'n naroroon ang tinig. Hanggang sa napadapo ang kanyang paningin sa isang lalaking naka-tuxedo at may hawak na placard kung saan nakasulat roon ang kanyang pangalan.

Napabuntung-hininga siya. Akala niya kasi ay magagala niya kaagad ang mga landmarks rito ngayon ngunit mukhang sadyang maagap ang kanyang ama para padalhan siya ng sundo.

Sinundan na niya ito matapos maibigay ang mga bagaheng dala niya. Pagkarating sa sasakyan ay kaagad siyang pinagbuksan nito at agad naman siyang sumakay.

Habang nasa byahe ay biglang tumunog ang kanyang cellphone dahilan upang maputol ang kanyang pagmumuni-muni habang nasa byahe.

"Hello?"

"Claire? My princess?" Oh, her mom.

"Hey, mom."

"Hi, anak. Kamusta ang byahe mo? Dito ka na dumiretso huh. Pinagluto kita ng tanghalian mo."

"I'm sorry mom. Pero next time nalang po siguro. May pupuntahan po kasi ako ngayon and I really need to go there."

"Ganoon ba?" Nahimigan nito ang kalungkutan sa tono ng boses ng kanyang ina.

"But, sa dinner. Baka pwede."

"Really?" Napangiti siya. Alam niyang sumaya ang kanyang ina sa pambawing tinuran niya para mamaya.

"Yeah, mom. I'll see you later. Bye."

Hindi na niya hinintay na sumagot ito sa kanya. Napapikit siya ng mariin pagkapatay ng telepono. Ngunit napadilat siyang muli nang tumunog sa pangalawang pagkakataon ang kanyang cellphone.

She cleared her throat before sliding the answer button.

"Hello."

"Perez."

Napaupo siya ng tuwid nang mapagtanto kung sino ang kausap.

"Emmanuel Sy."

"How's your trip?"

Napatiim bagang siya sa tanong nito.

"Like hell just like yours." Saad niya.

Hindi niya mapigilan ang sarili na manggigil.

"Really? So, how's your training?"

"Been better." Mahina ngunit may diing sagot niya rito.

Hindi niya talaga masikmurang kausap ang lalaking ito. Ito kasi ang may dahilan kung bakit niya kailangang iwan ang taong mahal niya-- si Akihiro Ichiyama. Para lang pagsilbihan ito sa loob ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng utang na loob ng kanyang ama sa lalaking ito. Pinadala siya ng kanyang ama sa Amerika at doon tinuruan ng ibat' ibang klase ng martial arts.

Tumanggi siya noong una dahil unang-una ayaw niya at walang dahilan upang sumunod siya rito ngunit nang pagbantaan na ang buhay ng kanyang ina at isumbat sa kanya ang marangyang buhay na ibinigay sa kanya mga Sy ay hindi siya nakaumang at tinanggap ang utos nito. Si Sy na mismo ang nagplano ng lahat maging ang pagpasok niya sa organisasyon ng mga Coltrane.

Sumunod siya dahil ayaw niyang mawala ang kanyang ina at ayaw niyang iwanan ang kanyang nobyo.

"I thought so. Pumunta ka rito ngayon sa mansyon at may ipapagawa ako sa'yo. Bilang first assignment mo bilang isang Assassin."

Yes, tama ang inyong nababasa. Pinapunta siya ng amerika ni Sy para gawing isang Assassin.

"Hayop ka talaga." Mariin niyang sambit rito.

"Matagal na, Perez. Matagal na." She bet that he's smirking right at this very moment. "At itong hayop na 'to ang tutulong sa'yo para  mahanap ang kapatid mo."

Natigilan siya ilang saglit lamang. Oo, isa pa 'yun sa sinabi sa kanya ni Sy at kung bakit siya nito napapapayag.

"Siguraduhin mong mahahanap mo ang kapatid ko, Emmanuel."

"Hindi ako sumisira ng pinag-usapan, Claire. So if I were you, put your damn ass here and we have lots of talk that we need to do."

PAGKARATING SA MANSYON ni Emmanuel ay kaagad siyang pinaupo sa isang upuan kaharap ng isang projector. Pinasadahan niya ng tingin  ang dingding kung saan makikita ang pinapakita ng projector at doon niya nakita ang malaking logo ng White Pegasus habang naikot. Ngunit napakunot noo siya dahil habang naikot ito ay nagbabago ang logo. 

"Do you wanna know what logo is that?" Tanong ng isang lalaki mula sa likuran  niya.

Lumingon siya rito at hindi nga siya nabigo dahil si Emmanuel Sy iyon.

Hindi siya sumagot bagkus ipinarating niya rito ang interes na malaman ang sagot sa tanong nito.

"That's the GVA Logo."

Napatuon ang tingin niya rito. Alam niya iyon. Dahil kasama iyon sa mga tinuro sa kanya sa Amerika.

"A-Anong kinalaman niyan sa ipapagawa mo sa'kin?"

Nginisian lamang siya ni Sy kapagkuwa'y sumagot. "I want you in."

Nakaramdam siya ng takot sa sinabi sa kanya ng lalaking ito. Hindi sa takot siyang mamatay, ngunit hindi sa ngayon.

"You want me in? What the! Nangako ka sa'kin Emmanuel na magiging ligtas ang magulang ko at tutulungan mo 'kong hanapin ang kapatid ko."

"Yes, I said it."

"Then why are you putting me here and selling my life again to Satan?!" Bulanghit niya.

Napatigil siya nang ilagabog ni Sy ang kamay nito sa lamesa.

"You have no rights to shout on me!"

Napabuntunghininga muli siya. She knew that she was overreacted.

"Hindi kita ipapadala doon kung hindi ko na nahanap ang kapatid mo."

Napatingin muli siya rito. "What do you mean?"

"Sasali ang kapatid mo."

She gasped of what she have just heard. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Emmanuel sa kanya.

"A gangster? Or an Assassin?" Tanong niya habang nakayuko.

"A gangster. And he's a leader. Kung iyon ang susunod mong tatanungin."

Ilang minuto namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kinailangang maisautak ni Claire ang mga sinabi sa kanya ni Emmanuel.

"Ano na ang gusto mong gawin ko habang nasa loob ng GVA?"

Tiningnan niya ng seryoso si Claire.

"Patayin mo si Dark Scheduler."

LUMABAS SIYA NG mansyon na tulala. Hindi kasi siya makapaniwala sa assignment na binigay sa kanya. Anak ng pitong tupa, sino ang hindi mapapanganga kung ang papatayin mo lang naman ay isang napakapambihirang Assassin at ninuman ay walang nakakaalam sa kanya? Yes, Sy explained everything to her. Lahat lahat. Maging ang lead kung sino ito. Alam niyang kilala na ito ni Sy ngunit dahil mukhang gusto siya nitong pahirapan ay hindi nito sinabi sa kanya kung sino ito. Bagkus ay binigyan pa siya ng invitation card. Dalawang invitation card to be precise. 

Nagmaneho na siya paalis roon at pumunta sa isang hotel para mag-check in. Pinaalalahanan rin kasi siya na wala pa muna dapat ang makakaalam na nagbalik na siya ng Pilipinas maliban sa kanyang ina. Sumang-ayon siya rito upang mapadali ang pag-alam niya sa katauhan ni Dark Scheduler.

Kinabukasan ay sinimulan na niya ang kanyang pagsisiyasat. Sinimulan niya ang pag-aaral sa bawat misyong nagagawa ni Dark Scheduler. Napag-alaman rin niyang may kakaibang tattoo sa batok ang naturang target na sinasabing makikita lang kapag masinagan ng sinag ng buwan. Noong una'y natutuwa siya sa mga taktikang ginagamit nito. Ngunit habang natagal ay tila nahihirapan siyang lumunok ng laway. Habang natagal kasi ang pag-aaral nito ay unti unti niyang nasasaksihan kung gaano ka brutal ang nilalang na ito.

DUMATING ANG ARAW ng pagdiriwang. Pinuntahan niya ang unang invitation na nakuha niya kay Emmanuel. Alam niyang peke iyon, fraud. Pumuwesto siya sa isang sulok ng hall. Noong una'y nagitla siya nang makita sina Fujiwara roon ngunit isinantabi niya ito at patuloy na nag-obserba. 

Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na dalawang lalaki. Noong una'y hindi niya mamukhaan ang mga ito ngunit napasinghap siya kung sino ito ang mga ito.

"Andrei? Akihiro?"

Kahit nakatakip ang mga mukha nito ay kabisado naman niya ang tindig nila. Lalong lalo na si Akihiro.

Anong ginagawa ng dalawang 'yan rito? Gusto na niyang tulungan ang mga ito. Dahil masyadong marami ang kalaban ang nakakalat sa lugar. Gusto niyang magalit sa kasintahan ngunit napapatigil siya at naiisip na wala na pala siyang karapatan. Dahil at the first place ay siya ang hindi naging totoo kay Akihiro. Nagsinungaling na nga siya pagkatapos ay iniwan pa.

Lalapitan at tutulungan na sana niya ang dalawa dahil talagang dehado ang mga 'to nang may dumating na dalawang babae. Nakatakip rin ang mga ilong ng mga ito hanggang bibig. Kapwa mahaba ang buhok at may kulay ang mga ito.

Napantanto niyang sina Xyrene at ang half sister niyang si Eliza ito. Walang duda. Itong dalawa lang naman kasi ang babae sa buhay ng dalawang lalaking matatalo kung hindi tutulungan.

Kahit na siya'y gulantang sa mga nalaman tungkol sa mga dating kaibigan ay tila mas nagulat pa siya nang magsalita sina Fujiwara. Tinawag na Dark Scheduler si Xyrene. At napag-alamang mga Assassin sina Eliza.

At mas napatunayan niyang si Xyrene si Dark Scheduler nang masinagan ng ilaw mula sa buwan ang batok nito. Kitang kita niya ang tattoo ng dalaga sa batok.

Paalis na siya ng naturang lugar nang marinig niya ang isang boses ng lalaki sa 'di kalayuan. Dahilan upang mabilis na umalis sina Xyrene. Ngunit inignora niya ito at patuloy na lumisan sa lugar.

NAGTUNGO NA SIYA sa isa pang invitation card na binigay sa kanya ni Emmanuel. Napagtanto na niya kung bakit binigyan siya ng dalawang card ni Sy. Iyon ay ang saksihan ng  personal si Dark Scheduler at ang isa naman ay makaattend siya sa isang magarbong pagtitipon na kung saan kinikilala ang mga mayayamang kompanyang namamayagpag sa mundo. Ngunit sa pagtitipon rin noon niyang napagtantong huwad lamang ang rason na iyon. Dahil kitang kita niya na halos lahat ng lumahok ay pawang mga may kinalaman sa GVA Battle this year.

Ang akala niya sa gabing iyon ay magiging maayos ang relasyon nila ni Akihiro dahil nandirito ito ngayon kasama niya. Isinantabi pa nga niya ang alam nito at ang nasaksihan kanina lang.

Ngunit nagkamali siya.

"Nagbalik ako para sa'yo Akihiro. 'Di ba nangako ako na babalik?" Turan niya sa binata noong naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya at nagsumbat.

Lumingon ito sa kanya at kitang kita niya ang pagbabago ng lalaking kanyang mahal.

"Hindi ba pinapili kita noon? Na kapag umalis ka, tapos na ang lahat sa atin?"

Oo. Tandang tanda niya iyon. Ngunit alam niyang nagbibiro lamang ito noon kung kaya't nagmatigas siya at tinuloy ang pagpunta ng Amerika.

"Akiro, please! Patawarin mo 'ko kung mas pinili ko ang career ko kaysa sa'yo. 'Di ba naiintindihan mo naman iyon?"

Hindi na niya napigilan ang mga nagbabadyang mga luha niya ng mga oras na iyon. Puno ng pagsusumamo ang bawat tono niya rito dahil sobrang mahal na mahal niya ito. Ngunit bakit tila mas masakit ito kesa sa ginawa niyang pang-iwan niya rito? For goodness sake, ginawa niya iyon dahil gusto niyang maging ligtas ito sa pagbabanta ni Emmanuel rito. Ta's ito pala ang magiging kapalit ng lahat ng iyon? Ang iwan rin siya ng taong mahal niya gaya ng ginawa niya rito? No! Hindi pwede.

"Pero Akihiro! Ikakasal na tayo!"

Totoo iyon. Isa sa mga kapalit na hiningi niya kay Sy ay ang katahimikan ng buhay niya kasama si Akihiro. Na ito ang gagawa ng paraan upang makasal sila.

Tiningnan siya ng binata at tila nawasak ang mundo niya sa tinuran nito sa kanya.

"Gagawa ako ng paraan para matigil iyon. Kilala mo 'ko Claire. What Akihiro wants... Akihiro gets."

Lugmok na lugmok siya sa mga nalaman pagkatapos noon. Napuno siya ng pagkabudhi nang mapag-alamanang si Xyrene na ang bagong iniibig ng binata. Walang kasing sakit ang nararamdaman ng gabing iyon. Para siyang dartboard na binatuhan ng sangkaterbang bala sa dibdib at lahat ng iyon ay malalalim at madidiin.

Bago matapos ang gabing iyon ay pinangako niya sa sariling papatayin si Xyrene at sisiguraduhing mamamatay ito sa mga kamay niya.

INASIKASO NIYA URAURADA ang mga papeles sa Crimson University dahil napag-alaman niyang doon nag-aaral si DS-- Xyrene. At  doon na rin niya balak na pag planuhan ang mga galaw ng dalaga.

Unang araw pa lamang ng klase niya noon nang masaksihan nito ang pagkagitla ni Xyrene na makita siya roon. Natuwa siya noong una ngunit nawala kaagad iyon nang makitang napalitan ng galit ang mga mata ng dalaga. Huli na nung ma-realize niya na sino nga ba ang hindi magagalit sa ginawa niyang pang-iiwan kay Akihiro? Tanga lang at manhid ang hindi magagalit sa kanya noon.

Isinantabi niya muna ang personal na buhay at umupo sa tabi ng naturang dalaga. Sinubukan niyang kausapin ito na parang walang nangyari sa kanila. Ngunit sadyang bato 'ata ang puso nito dahil hindi man lang siya nito pinansin. Mabuti na nga lamang at friendly ang gwapong binatang nasa likuran ni Xyrene at ito ang uma-approach sa kanya.

Namukhaan niya kaagad ang binatang iyon dahil hindi lamang ito basta basta artista dahil isa rin itong tagapagmana ng isang malaking kompanya rito sa Pilipinas.

May napansin siya kaagad sa dalagang minamanmanan. Iba ang reaksyon nito sa tuwing nagkakatawanan sila ni Xavier Villareal. Na sa tuwing titingnan niya ang dalaga ay iniirapan lang siya nito at tipong gusto ng patayin sa mga titig na pinupukol nito.

Napangiti siya ng palihim nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin noon. Ngunit para sa kanya, dalawa ang ibig sabihin ng mga iyon. Una, ngiting nagsasabing maaaring niloloko ni Xyrene si Akihiro dahil may nararamdaman ito sa ibang lalaki na maaari niyang magamit bilang alas upang magkasira ang dalawa. At pangalawa, kung totoo man iyon? She can use this guy as a bait and make him as an alas to kill Xyrene in the future.

Ngunit lahat ng naiisip niya ay napalitan ng matinding hilakbot at panibagong sakit ng kanyang damdamin. May tumawag kasi kay Xyrene nang anyayahan ni Xavier ang dalagang sumama sa kanila. Ang masakit pa nito ay si Akihiro ang nasa kabilang linya at base sa tono at excitement ng dalaga ay tila magkakaroon ng date ang dalawa. Hindi na niya makayanan pang marinig na mag-I-Love-you-han ang dalawa, dahil alam niyang masasaktan at masasaktan lang rin siya kapag naging matyr pa siya.

Nagpaalam siya kay Xavier at nagdahilan na may lakad pa siyang pupuntahan na supposedly ay wala naman talaga. Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at lumisan na sa loob ng kwartong kung saan naroon ang dalagang pinagpalit sa kanya ng minamahal. Sa kanyang paglalakad, dala ang poot sa kanyang damdamin ay nagwika siya...

"You took him away from me? I'm going to make sure I'll take away your precious fvcking life... soon."

NAGSIMULA NA ANG Elimination for the GVA Battle 2012. Nakianib siya sa grupo nina Jessa Lazatin kung saan magiging daan iyon sa kanya upang makasali sa nasabing laro. Sa GVA Island niya napagplanuhang patayin si Xyrene dahil kung sa ibang lugar pa, malamang niyan ay mabulilyaso siya hindi dahil sa kapalpakan ng plano niya kung'di ang koneksyon ng dalaga sa paligid niya. Hindi kasi ito tulad sa isla na pinagbabawal ang mga aparatong maaaring makapagbigay rito ng tsansang maramdaman ang mga kinikilos ng kalaban.

Noong una ay nagitla siya nang makitang nasa grupo ng mga Gangster sina Xyrene na noong una'y akala niyang sa Assassin ito mapapabilang. Lumukob tuloy sa kanya ang isang matinding kuryosidad na malaman kung anong nangyari't naroroon ang mga ito.

Pagkatapos noon ng orientation sa paglalahad sa kanila ng rules and regulations, ay nagtungo siya kaagad sa opisina ni Emmanuel.

"What the freakin' hell at bakit nasa ibang grupo sina Xyrene, Emmanuel?!" Bulanghit niya rito.

Lumingon sa kanya si Sy na noo'y nakatalikod sa kanya. "Oh, hi, my dear little killer spy."

She gritted her teeth. "Don't you even dare call me on a dirty name, Emmanuel."

Napangisi ito. "Bakit? Iyon naman talaga ang trabaho mo sa'kin hindi ba?"

Natahimik siya sandali ngunit nagsalita na siya bago pa man ding dugtungan ng nilalang nito ang sasabihin.

"Explain it to me, Emmanuel." She uttered.

Umupo si Emmanuel at pinagsalikop ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Bakit, Claire? Kapag ba nalaman mo kung bakit sila nasa grupong iyon ay mapapadali ba ang pagpatay mo sa babaeng Coltrane?"

Natigalgal siya. But then, she answered it.

"Maybe yes, maybe not." Utas niya na may halong pagngisi ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Emmanuel ang bahagya niyang 'di pagkasigurado.

Tumawa ito ng pagak na nagdala sa kanya ng hindi maipaliwanag na kaba.

"Claire Perez, hindi ka namin pinadala sa ibang bansa upang mag-ensayo kung paano maging isang taong hindi sigurado sa bawat sagot na kanyang sasabihin. Paano ka naging isa sa mga Top Trainee sa Amerika kung sa isang simpleng oo o hindi lamang ay hindi mo magawang makasigurado?"

Natahimik siya sa mga inuutas nito. Tiningnan niya ang kausap na ngayo'y may kinukuhang isang bagay sa isa sa mga drawer ng lamesita nito. Nang makuha iyon ay inilapag nito ang isang punyal na gawa sa isang mamahalin na bakal at mineral. Kaagad niya iyon namukhaan. Iyan 'yung punyal na napulot ni Xavier noong araw na bumalik siya sa room nila upang sundan kung saan pumupunta ang kanyang target tuwing walang klase at naabutang nag-iisa roon ang binata habang pinapasadahan ang patalim na hawak.

"Kung gusto mong malaman kung bakit ko hinayaan si Coltrane na mapabilang sa grupo ng mga Gangster sa halip na sa Assassin. Sabihin mo muna sa'kin kung ano ang ibig sabihin ng dalawang simbolong na nasa punyal na ito."

Napakunot siya ng noo. Iniisip kung anong klaseng pakulo na naman ang gustong mangyari ng lalaking ito. Ngunit dala ng kagustuhang masagot ang kanyang katanungan ay lumapit siya sa patalim na iyon at kanyang sinuri.

Dalawang simbolo na sa pagkakaaalam niya ay nakaukit sa lenggwahe ng mga chinese. Mabuti na lamang at may alam siya sa lenggwaheng ito. Sinubukan niya iyong basahin. At nang mabasa ay gayon na lamang ang paglaki ng kanyang mata nang mapagtanto ang dalawang letra sa alpabeto na katumbas ng ibig sabihin nito.

"D. S." Mahinang utas niya.

Ngumisi si Emmanuel na siya niya itong kinatingin.

"Kay Xyrene ang punyal na ito?" Nagtataka niyang sambit.

"Iyan mismo ang ginamit na sa pagpatay sa kalaguyo ni Xavier Villareal. Siguro naman ay may alam ka sa kinasangkutang trahedya noon ng mga Villareal dalawang taon na ang nakakaraan?"

Nanayo ang kanyang balahibo sa mga isiniwalat ni Emmanuel sa kanya. Halos panlamigan ang buo niyang katawan sa mga sinambit ng kausap.

Oo, alam niya ang nangyari noon sa mga Villareal. Balitang balita ito noon sa mga TV at pahayagan dahil ang pamilyang makapangyarihan ay nakaranas ng walang habas na silakbot na trahedya sa kanilang buhay.

Sa kanyang pag-alala noon sa balitang iyon ay may senaryong umilaw sa kanyang utak.

"AHMMM, GUYS? MAUUNA na ako ah. M-May lakad lang ako." Sambit ni Xyrene sa kanila habang nasa sala sila ng tahanan nina Andrei.

"Pupunta ka ba sa kalaguyo mo?" Naiintrigang tanong niya rito.

 

"Here's comes the most pakialamera in the whole wide world." Nang-uuyam na utas ni Eliza na kanyang half sister.

 

"Ano na namang problema mo sa'kin?" Tanong niya rito nang mapatigil sa pagsusubo ng fries sa katabing kalaguyo na si Akihiro.

 

"Babe, stop it." Malambing na pagpipigil sa kanya ng nobyo nang makaramdam na gusto niyang makipag-talk war sa kapatid.

 

"Yeah my big-little-half-fucking-sister, you should stop."

 

Nagtagis na ang kanyang bagang.

 

"Oh come on guys! Could you please stop?" Napatingin silang dalawa sa naiinis na rin na si Xyrene habang nag-aayos ito ng mukha sa salamin.

 

"At sino naman ang kikitain mo?" Malamig na tanong ni Akihiro habang nakalas sa  pagkakakapit nito sa pagkakalingkis niya.

 

Napalitan ng panibugho ang kanyang awra. She mentally rolled her eyes. Ayan na naman ang boyfriend niya na kung makaasta sa kaibigan nilang dalaga ay ito pa 'ata ang kanyang nobya kesa sa kanya.

 

"O-Oo." Nahihiyang turan ni Xyrene.

 

"Bakit hindi na lamang ito ang papuntahin mo para makilatis namin?" Suhestyon ng kanyang nobyo.

 

"Sang-ayon ako. Aba! Kay ganda ganda mo tas mapupunta ka lang sa pangit? Tss. Dapat sa tulad namin ni pare na pogi." Utas ni Andrei.

 

"Ano ba kayo, saka ko na siya papupuntahin dito. Saka... gwapo 'yun no. Mas gwapo pa sa inyo."

 

"Hoy hoy, anong mas gwapo? Tss. Nasa harapan mo na Xy ang tunay na gwapo tas nahanap mo pa sa iba?"

 

Binatukan ni Eliza si Andrei. "Mangilabot ka nga d'yan sa mga pinagsasabi mo. 'Di ka ba nandidiri?"

 

"At bakit ako mandi—"

 

"Ay nako mga linchak kayo, oh siya aalis na'ko. Ingat guys."

 

Sambit nito sabay usad paalis.

 

"Take care!" Sambit niya. "Madapa ka sana."

 

"Anong sabi mo, Claire?"

 

Napatinuhod siya nang narinig pala siya ni Eliza.

 

"Wala! Sabi ko, una na rin ako. May lalakarin pa 'ko. Saka ayaw ko makita 'yang mukha mo." Turan niya sabay tayo mula sa pagkakaupo.

 

"The feeling is mutual bitch."

 

Hindi na niya ito ginatungan pa at hinagkan na lamang niya ang nobyo sabay sibad na rin paalis.

 

Sa labas ng bahay ay natanaw pa niya si Xyrene na tila may hinihintay sa may kabilang kanto 'di kalayuan mula sa kinatatayuan niya.

 

Sinundan niya ito at palihim na nagmasid. Ilang minuto pa at may dumating na isang binatang nakasakay sa Ducati at nakasuot lahat ng itim na damit. Kulay brown ang buhok, tama lang ang sukat ng katawan ngunit mapapansin mong may tikas ang mga iyon. Hinagkan ng binata ang dalaga at doon niya napagtantong ito ang nobyo ng dalaga. Ngunit hindi niya nakita ang mukha ng binata. Nagkaroon tuloy siya ng interes na sundan ang mga ito.

 

Habang nasa kalagitnaan sila ng EDSA-Cubao ay makikita mo ang sweetness ng dalawa. Hindi alintana na nasa motor sila at maaaring maaksidente basta't tuloy lang ang landian. And she hates that. Oh well, 'di na bago 'yun sa kanya kasi hate rin naman niya ang dalaga simula palang ng magkrus ang mga buhay nila.

 

Nakarating ang dalawa sa isang malaking subdivision ngunit hindi na siya nakapasok dahil sa masyadong ekslusibo ang naturang lugar.

 

Gusto na sana niyang umalis ngunit may nagsasabi sa kanyang manatili. Kung kaya't naghintay siya ng halos 30 minuto bago napagpasyahang umalis. Sa pag-andar ng sasakyan ay saka lamang niya napansin at narinig na may palitan ng putukan.

 

Pinahinto niya muli ang sasakyan at pinasadahan ng tingin ang gate na kung saan ay hinihinala niyang na doon nagmula ang ingay.

 

Wala pang sampung minuto nang marami na kaagad na mga pulis ang nagmamadaling pumasok sa subdivision. Makikiusosyo pa sana siya nang tinawagan siya ng kanyang tiyo at nagkaroon ng emergency.

 

"Sige na manong diretso na ho tayo sa bahay."

 

Habang paalis ang kanyang sasakyan ay napatingin muli siya sa likuran. Napakunot siya ng noo nang may mapansin siyang dalaga na  nakaitim, duguan at may hawak na baril na hirap na hirap maglakad. Pinasadahan niya ng tingin ito at tila ba parang may kahawig ito.

 

"Xyrene?"

"Oo may alam ako. So, kung si Xyrene nga ang pumatay sa babaeng pinakamamahal nito. Anong kinalaman noon sa pagpunta nila sa grupo ng mga gangster?" 

Iniba na niya at nilihis ang usapan kahit na may gumugulo pa sa kanyang isipan. Tulad ng, kung si Xyrene nga ang pumatay sa nobya ni Xavier then sino 'yung lalaking nobyo noon ni Xyrene? At saka anong nangyari sa dalaga matapos ang sunud sunod na putukan at matapos niyang makita itong duguan habang paalis siya sa lugar  na iyon?

"'Cause she's playing the game that I play. Knowing her as an Assassin, I knew that she's not here just to win the prize. Two can play the game, Claire, that's her principle when she's playing someone else game and I hate that. Hiniling niyang mapalipat sila roon, I'm okay with that. Pero hindi ko hahayaang siya ang manalo sa aming dalawa."

Lumabas siya roon ng tulala. Hindi makapaniwala sa mga nalalaman niya. Nakuha niya ang ibig sabihin ni Sy sa mga maaanghang na salita na binitawan nito. Sa paglalaro ng dalawa sa iisang laro, gagamitin ni Sy si Xenon upang matalo si Xyrene.

Lumipas ang tatlong araw at dalawang grupo na ang kanyang nasaksihan na naglaban. Nasaksihan niya ang kabrutalan ng bawat isa. Unang beses niyang nakitang makipaglaban si Xyrene and whether she denies it or not, kinilabutan siya sa mga galaw ng dalaga. Hindi man nito nakitang ibinigay ang isang-daang porsyento sa kanilang laban ay sapat na ang mga simpleng galaw at tingin upang makapatay ng kalaban.

Nang gabing iyon ay pinuntahan niya si Xavier sa unit nito at dinalhan ng pagkain. Parte 'yun ng plano ni Sy. Ang kaibiganin ang binata. Hitting two birds with one stone nga ang plano. Kailangan siya ni Sy, ta's ginagamit niya naman ito para masaktan si Xyrene.

Pagkabukas noon ng pinto ay nakita niya itong magkasalubong ang kilay ngunit nabago 'yun nang mapagtantong siya ang bisita nito.

Kapwa sila natigilan. Parang may nagtutulak sa kanya na sabihin na sa binata na si Xyrene ang pumatay sa nobya nito noon. Ang naging dahilan kung bakit naging Assassin noon si Xavier at naghihiganti.

Lahat ng iyon ay nalusaw nang mapansing mataman ang tingin nito sa kanyang leeg. Nagitla saglit dahil nakalimutan niyang suot nga pala nito ang kwintas na ninakaw mula kay Xyrene.

"Ahm, nagdala ako ng pagkain oh." Utas niya sabay bigay rito ng kanyang dala. Kaagad narin siyang sumibad dahil baka mas lalong maaalala ng binata na sa kanya galing ang kwintas.

Naglalakad siya sa pasilyo nang bigla siyang hilahin ng kung sino. Si Xyrene iyon at Eliza sapantaha niya.

Sa kanilang argumento ay siya niya ring gitla nang makilala ni Xyrene na siya ang nagpapanggap na siya at ang kumuha sa kwintas nito. She doesn't care if she knows that. Ang tanging kinakatakot lang niya ay ang mamatay sa kamay nito ng hindi pa nakikita ang nawawala niyang kapatid.

Ngunit lahat ng iyon ay natupad nang hindi nga siya nito patayin. Ngunit natigilan siya nang sumunod na nangyari noon.

"He's..." Sasabihin na sana ni Xyrene ang pangalan ng kanyang kapatid nang pigilan ito ni Eliza.

"DS, parang masyadong mabilis naman 'ata kung sasabihin mo kaagad sa kanya kung sino ang kapatid niya hindi ba?" Utas nito.

"H'wag ka ngang sumingit." Naiirita niyang turan rito ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng half sister.

"You should be thankful to me my dimwitted sissy at gusto ko ring malaman mo kung sino ang kapatid mo. Kaya h'wag mo kong mapagsalitaan ng ganyan."

"Well then. Thanks." Nginisian niya ito nang marinig ang pasasalamat niya ngunit. "... but, fuck you."

Nawala ang ngisi ni Eliza dahil roon.

"Enough!" Anas ni Xyrene kapagkuwa'y tiningnan siya.

"Gusto mong malaman hindi ba?" Tanong ng dalaga sa kanya. Magpapakaimpokrita siya kung sasabihin niyang hindi. 

"Oo."

"Ipatalo mo ang laro niyo." Aniya.

Napakunot siya ng noo. Ang laban niya kasama ang Black Lilies? Teka, kung gusto nitong ipatalo niya ang laban ibig sabihin parang sinabi nitong pinauuwi na siya at pinalalayas sa isla. Kung ganoon ang mangyayari ay hindi niya matutuloy ang pagpatay sa target niya. Maliban na lang kung...

"At sabihin mo kay Emmanuel that his game is over. You little dipshit clone slash a pathetic spy."

Bingo. Napagtanto na nito ang pagbabalik niya. Hindi niya nagawang makapagsalita. Waring naumid ang kanyang dila.

"Bagong labas ka pa man din ng Coltrane Empire tas hindi ka nag-iingat? Ano bang pinagtututuro sa'yo sa America at mukhang wala ka namang natutunan? Yes, Claire. Masyado akong matalino para hindi ko mapagtagpi tagpi ang presensya mo rito. Ang dahilan kung bakit ka na pinabalik rito gayong alam kong hindi ka pa tapos sa training mo. Kasi kung tapos na ay dapat isa ka ng ganap na Mafia Reaper ng mga Coltrane. Pero mukhang kailangan mo pa ng ensayo. Masyado pang mahina ang depensa mo kaya nahuli kita."

Mas lalo siyang walang nasabi rito. Ganoon ba siyang walang kaingat ingat at nahuli siya ng target niya? O tama niyang tanungin na tama bang nagpasindak siya kay Sy, gayong alam niyang mas makapangyarihan ang grupong kinaaniban niya at nagpagamit siya? Kung ano man iyon ay wala naman siyang choice kung'di ang sisihin ang sarili niya. Sadyang malakas lang siguro ang convincing power ni Sy kung kaya't nagpagamit siya.

"Anong dahilan at bakit mo gustong ipatalo ko ang laban namin?"

"To save you." Walang kaamok amok nitong sagot sa kanya.

"Save me? Nagpapata--"

"Baka nakakalimutan mong ang kakalabanin niyo ay isang grupo ng assassin, Claire. Kahit gaano ka pa katapang na sabihing hindi ka mamamatay sa mga kamay nila sa loob ng laban niyo ay wala kang pinanghahawakan na matatalo mo sila ng gano'n gano'n lang. I am saving you not because I'm concern but because I'm going to give you a quality time to your brother. Remember the 3 days protocol after a participant lose?"

"Yeah."

"Sa ganoong kaikling panahon. Ibibigay ko sa'yo ang oras mo para sa kapatid mo. Alam mo naman siguro kung bakit?"

She nodded. "'Cause Emmanuel will kill me. Only if I will be on your side."

"Exactly. Ang desisyon ko ang sundin mo ngayon at h'wag ka ng mapaisip pa. Kung ikaw alam mo kung ano ang kayang gawin ni Emmanuel, ibahin mo 'ko. Kung tingin mo sa kanya demonyo, satanas naman ang isipin mo 'pag kaharap mo 'ko, Claire. You and Emmanuel doesn't know anything how cruel I am."

"Kaya nagawa mong patayin noon ang nobya ni Xavier?"

Hindi niya alam kung bakit lumabas iyon sa bibig niya. Nanlaki nga ang kanyang mata sa nasabi niyang mas kinagulat ng dalaga at ni Eliza.

"Ano sabi mo?" Nagtatakang tanong ni Eliza.

Wala na siyang balak pang sagutin ang tanong ni Eliza dahil sa seryosong mukha ni Xyrene. Ni hindi nga niya maanalisa kung ano ang reaksyon ng dalaga.

"W-Wala. Ang sabi ko, paano naman ako makakasiguro na hindi paghihigantihan ni Emmanuel ang kapatid ko?" Saad niya at iniba na ang usapan.

"Kaya niyang protektahan ang sarili niya, Claire." Utas ni Xyrene.

"Yeah, makakapasok ba siya rito kung hindi?" Singit ni Eliza.

Medyo napanatag naman ang kanyang kalooban dahil sa assurance na binigay nito at hindi na muling pagpansin pa sa nauna niyang tanong.

"Nagkakaliwanagan na ba tayo, Claire?" Tanong sa kanya ni Xyrene.

Ang totoo niyan ay wala naman siyang nakikitang mali sa kasunduan nila. Ipapatalo niya lang ang laban, boom, malalaman na niya kung sino ang kapatid niya. Sapat na ang tatlong araw upang makasama ang kapatid. Kahit na galit pa ito sa kanya ay ayos lang iyon dahil alam naman niya ang ginawang masama sa kanyang kapatid. Ngunit nag-aalinlangan siya kay Sy. Ganoon rin naman ang gagawin ng lalaki sa kanya. Alam rin naman nito kung sino eh. Ang gagawin niya lang ay patayin muna si Xyrene. Pero may mga tanong pa ang gumugulo sa kanyang isip lalo na kay Xyrene na kailangan niyang malaman. Paano naman kasi niya malalaman pa iyon kung patay na ito hindi ba?

"ARE YOU OKAY?" Napatingin siya sa nagsalita. Nasa GVA Clinic siya sa mga oras na ito at pinapahinga ang katawan sa bugbog na natamo sa pagitan ng grupo niyang Black Lilies at Constellate Assassins kanina lang. 

"Magpapakumpisal na ba ako sa simbahan dahil for the first in my life ay nagtanong ka ng isang forbidden phrase to me? Huh, Eliza?"

"Like what the hell, Claire?" Anas nito at sinamahan pa ng irap.

"Then why do you asked me?"

Tumingin muna sa paligid si Eliza at tinitingnan kung may makakarinig sa sasabihin nito.

"Bilisan mo ang recovery mo dahil tomorrow, finally, malalaman mo kung sino si Kuya."

"At kailan mo naman napagdesisyunang tawaging kuya ang kapatid ko na sabi mo pa nga ay mga anak lang kami sa labas?"

"Oh, please! Kuya is way better than you, bitch. Nagtataka nga 'ko kung bakit magkaiba kayo ng ugali gayong ang kapatid mo eh mabait samantalang ikaw..." pinasadahan pa siya ng dalaga. "... ugh! Well, nevermind. Nakakasulasok sabihin 'yang mabaho mong ugali."

Hindi na niya ito pinansin at nagpahinga na lamang.

Kinabukasan... 

Nag-aayos na siya ng  kanyang gamit nang tawagin siya ni Veronica (ka-member niya sa Black Lilies) dahil may nagaganap na naman daw uling labanan sa nalalapit na pagtatapos ng Battle Cross.

"Ok, I'm coming Veronica." Anas niya rito.

Sinamahan na niya itong pumunta sa isang malapit na LCD screen.

Dragon Empire Gang vs. The Sherlock Assassins... Fight!

Nagsimula na ang laban.

Unang pinaatake ni Blare— leader nila, ang mga kasamahan niya nang makitang sumugod ang kalaban ng mga ito.

Hindi ganoong kadaling talunin ang Sherlock Assassins. Iyon ang kanyang sapantaha.

Magaling sa pag-analisa ng kahinaan ang Sherlock Assassins. Madali nilang nahuhulaan ang bawat galaw ng mga ito kahit na sandali palang nila nakikita ang galaw ng kalaban. More on firing ang specialty ng mga ito ngunit dahil pinagbawal ang mga baril sa loob ng GVA Island ay tanging ang kakayanan nila at kaalaman sa Judo at Muay Thai ang maaari nilang magamit upang makalaban at kung saka sakali ay pumatay.

"He's freakin' dangerous."

Napatingin siya kay Veronica na tulad niya'y tutok na tutok sa laban.

"Sinong tinutukoy mo?"

"Ayun oh..." sabay nguso sa leader ng Dragon Empire Gang. "Kanina pang maitim ang awra ng lalaking 'yan ngunit nananatili siyang nakangisi."

Pinasadahan niya rin ng tingin 'yung pinuno ng DEG. Oo nga't nakangisi ito at mahahalata mo nga sa awra nito ang pagkaitim ng paligid. She's not overreacting, she was just explaining it exaggeratedly.

Nalipat muli ang focus ng camera mula sa pagkakatutok nito sa binata kanina. Halata na sa dalawang grupo ang pagod dahil wala miski isa ang gustong sumuko. Kapwa hingal ngunit makikita mo sa mata ng mga ito ang masidhing pagnanais na manalo sa round na ito.

Mabilis ang sumunod na mga nangyari. Lahat 'ata silang nanunuod ay tila nagitla sa mabilis na pag-atake ng pinuno ng DEG sa lahat ng Sherlocks. Ang ibang pinilit na hinarang siya ay nabatukan sa batok, ginawang pompyang ang dalawang lalaki at ang iba ay napatumba dahil sa mabilis na suntok at sipa ang natamo. Hinuli ni Blare ang leader ng Sherlocks. Hingal na rin ito at duguan ang mukha. Umatake si Blare, nasangga ng kalaban. Tumira ang kalaban sa paggamit ng round double cross kick nito ngunit nasangga iyon ni Blare. 'Di nagpatalo ang kalaban. Sinundan niya ang tira ng isang backtied kick. Natamaan sa panga si Blare dahilan upang masidhing tapusin na ang laban nila. Hinuli nito ang braso ng kalaban sabay buhat nito at inikot sa ere at balibag sa may malapit na edge na lamesita.

Dragon Empire Gang.. you win!

Sa pag-anunsyo ng panalo ay pagkatigil ng buong sistema niya. Biglang umulit sa utak niya ang huling usapan nila ni Xyrene nung araw na magkaroon sila ng kasunduan.

"Sasabihin sa'yo ni Eliza ang sagot sa tanong mo kung maipapangako mo sa'min na gagawin mo ang gusto ko. Remember, you don't have any other choice, Claire. It's whether you're going to trust us or you get killed here by Emmanuel."

 

Tiningnan niya ng mariin si Eliza. "You knew it all along?"

 

Inirapan siya ng dalaga. "Kagustuhan niya 'to, Claire. Hiniling niya sa'kin na h'wag sabihin sa'yo. At h'wag ka nang magtaka kung ano ang dahilan."

 

Mas nagtagis ang kanyang bagang sa mga sinabi ng kapatid. Kinalma niya ang kanyang sarili sa galit na nararamdaman kay Eliza kapagkuwa'y hinarap si Xyrene.

 

"Count me in."

 

Ngumiti sa kanya si Xyrene at inutusan na si Eliza na sabihin.

 

Eliza rolled her eyes.

 

"He has a big scar on his belly due to his training. And that scar is really looks like a three-nailed scratch of an animal. Kung gusto mong malaman ang lahat ng nangyari sa kanya? Then you must ask him personally."

"Hoy, ayos ka lang?" Napakurap siya ng mata nang tawagin siya ni Veronica. "Una na 'ko sa unit, mag-iimpake pa 'ko at titingnan ko pa si Jessa. Panigurado naghuhuramentado pa 'yun sa pagkatalo natin." 

Dahan dahan lamang siyang tumango. Hindi niya naintindihan ang sinasabi ng kamyembro dahil nananatiling nakatuon ang kanyang tingin sa screen at patuloy na nilalandas ng kanyang mata ang binatang biglang naghubad ng damit, at kitang kita niya ang malaking peklat sa may bandang bewang ng lalaki.

"Blare?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action