Chapter 28: Connections
"ANO NANG NAKALAP mong balita, Charles? Nasa'n na si Xyrene?" Pang-sampung beses na tanong ni Xavier sa kaibigan.
Sapilitan kasi siya nitong dinala ng mga kaibigan sa GVA Clinic kung sa'n sila naroroon ngayon. Hindi pa sana niya iiwan si Xyrene do'n sa lalaking iyon ngunit dahil sa nanghihina ang buong katawan niya ay hindi na niya nagawang pumalag pa kanina.
"'Tol, pang-sampung sagot ko na 'to sa'yo, hindi ko alam. Okay?" Aniya ni Charles.
"Tss! Ba't ba kasi ako narito?!" Sabay tingin sa paligid ng clinic room na itsurang kwarto talaga ng isang ospital. "Paano kung--"
Hindi na muli niyang natapos ang sasabihin nang bigla siyang batukan ni Marco. "Argh!" Daing niya.
Tiningnan niya ito gamit ang nakakamatay na tingin. "Problema mo?!"
"Huminahon ka nga."
"At paano ako hihinahon kung kasama ni Xyrene 'yung lalaking iyon?" Binatukan pa siya nito muli. "Aray! Ano ba?!"
"Sabi na kasing huminahon ka eh."
"Taena mo ka, eh kung may gawing masama 'yung lalaking iyon sa kanya?"
"Xyrene can protect herself."
"No, she couldn't!"
Humalukipkip si Marco. "At paano mo nasabi?"
"'C-Coz, 'coz she's--"
"She's what?"
Napabuntunghininga na siya at sumagot. "'Coz she's a girl."
Nakita niyang napapailing iling ang iba niyang kasama. 'Yung tipong na-dissapoint sila sa naging dahilan niya. Tss. Ano bang mali sa sinagot niya? Masama bang isaalang alang niya ang pagiging babae nito bilang rason kung bakit hindi nito kayang protektahan ang sarili?
"Do you really think Xyrene can't protect herself from anyone, just because she's a girl?" 'Di makapaniwalang tanong ni Marco sa kanya.
"Yes." Walang kagatol gatol na turan niya.
Mas napailing iling sina Marco.
"You're underestimating her." Aniya ni Harold.
"No, I'm not."
"Yes, you are."
Napakunot noo na siya.
"Bakit ba mas may alam pa kayo sa kanya kesa sa'kin?!"
"Kilala mo nga ba siya, Xenon?" Napatingin siya muli kay Marco.
"What do you mean?"
"Paano mo nasabing kilala mo na nga siya kung ang pagiging miyembro ng grupo nila ay hindi mo alam? Ni hindi niya sinasabi sa'yo?"
Napatahimik siya. Nasapul siya roon. Bakit nga ba niya nasabing kilalang kilala niya ang dalaga kung ang pagiging gangster nito ay hindi niya alam? Maganda bang idahilan na sabihin sa kanila ang matagal na niyang pakiramdam na sa tingin niya ay nagkakilala na sila ni Xyrene dati pa? Na parang may parte ng nakaraan niya ang umuugnay sa dalaga ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan?
Nanatili siyang tahimik at hindi maapuhap ang tamang sagot na kailangan niyang sabihin.
"Xenon..." napatingin muli siya sa binata. "Lahat ng taong naririto ngayon sa GVA Island ay pawang mga hindi mapagkakatiwalaan. Isama mo na kami kung gusto mo. Ang ibig ko lang ipahiwatig na sana'y h'wag mong mamaliitin ang mga taong inaakala mong mahina. Dahil kung minsan kung sino pa ang sa tingin mo'y mahina, siya pa ang magdudulot ng matinding kaguluhan."
Napabuga siya ng hininga matapos sabihin iyon ni Marco pagkatapos ay napatingin sa bintana ng clinic.
Hindi niya dapat pagkatiwalaan ang ninuman? Miski ang mga kaibigan niya? Miski si Xyrene?
"Have you already enlighten, Xenon? If yes, then I'm going to remind you something..."
Hindi niya ito pinatapos ang sasabihin nito dahil alam na niya ang sinasabi nito.
"I know, Marco. I know, Silent Keeper." Tumingin siya sa mga ito. "Any news regarding on that ruthless assassin?"
Hindi na niya dapat pang sabihin kung sinong assassin ang tinutukoy niya. At the first place, ito naman talaga ang pakay nila kung bakit sila naririto.
"She's a she, Xenon."
Napatingin siya kay Harold. "You mean, babae--"
Pinutol ni Harold ang sasabihin nito. "Oo, brad, isang babae ang dapat mong patayin. Take note, she's a girl."
Sinamaan niya ito ng tingin nang mapansin niyang pinagdidiinan nito ang salitang babae. Tss. Ano naman ngayon?
"Babae lang pala siya. Tss. Easy as pie."
"Easy as pie, Xenon? You're unbelievable." Saad ni Charles.
"Ano na naman ba?"
"Paano kang nakakasiguro na madali lang para sa'yo 'yung babaeng 'yon?"
Hinarapan niya si Marco at sumagot. "At para saan pa para sagutin ko ang tanong mong 'yan?"
"Para ipamukha sa'yong mali ka."
Biglang nag-init ang ulo niya sa mga sinabi ng mga 'to.
"Bakit? Nakita niyo na ba o nakikilala niyo na ang babaeng iyon para sabihin 'yan? Kung oo. Sino?!"
"H'wag mo ng hilingin sa'ming sabihin sa'yo, Xenon. Hindi mo lang ikakatuwa."
Mabilis na napindeho niya si Marco sa pader at nanlilisik ang matang tumingin rito.
"H'wag mo 'kong ginagago, Marco. Sino ang babaeng iyon?! Sabihin mo! Sabihin mo!"
"Si Xyrene 'tol! Si Xyrene! Si Xyrene ang pumatay sa girlfriend mo noon!"
Napabitaw siya sa pagkakasakal nito kay Marco dahil sa pangalan ng taong sinagot nito. No! This can't be. Papaanong naging siya?
"You're lying. No. Hindi siya."
"You know me, Xenon, kapag ako ang gumalaw sa mga pinapagawa mo sinisuguro kong accurate at may batayan ako. Ngayon mo sa'kin sabihin, easy as pie pa rin ba? Huh? Black Xenon?"
Hindi. Hindi maaaring maging siya.
"Ngayong alam mo na, ikaw na ba ang papatay sa kanya o kami na?"
Isang malakas na suntok ang binitawan niya sa mukha ng kaibigan. Natumba ito at dinaluhan nina Harold, at Charles. Habang si William naman ay pinipigilan siyang sugurin muli ang kanilang kaibigan. Tinutulungan namang tumayo nina Harold si Marco na pinupunasan naman ang labing may dugo.
"See? I told you dude. You're weak, Xenon. O marapat na sabihing, may kahinaan ka na ngayon." Saad ng binata habang nakangising aso na tila nagbibiro.
"You son of a bitch." He gritted.
Umalis siya sa pagkakahawak ni William at lumabas ng clinic. Damn his friends. It's not even a joke kaya bakit niya pa ginamit ang pangalan ni Xyrene para ipamukha sa kanya na 'di niya dapat minamaliitin ang mga babae? Pota! Alam niya 'yun. Hindi lang niya tanggap sa sarili niya na kung sakali ang tatalo sa kanya ay isang babae, paniguradong magiging malaking asar iyon sa pagkalalaki niya.
Bago siya makalabas ng tuluyan ay narinig pa niya ang naging usapan ng apat sa loob ng clinic.
"Tangina mo ka 'tol, 'kala ko talaga si Xyrene na ang assassin na iyon."
"Oo nga pre, paniguradong kung totoo 'yun... nako! Hindi ko alam ang gagawin ni Xenon."
"And knowing, Xenon. Alam nating maguguluhumihanan iyon at 'di na niya alam ang gagawin. He'll torn between complicated situation."
"Sino ba kasing nagsabing nagbibiro ako?"
Napatingin ang tatlo sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
"H'wag mong sabihing..."
Imbes na sagutin iyon ni Marco ay nagkibit balikat lang ito.
"Pero 'di ko rin sinabing it's just a fraud dudes." Turan nito na nakangisi.
"Hell yeah, bro. Ang gulo mo. Ano bang totoo?" Tanong ni Charles na bakas sa mukha na naguguluhan na.
Tiningnan lang sila ni Marco ng nakangisi. "Instincts. Kung minsan magandang mag-observe nalang kesa humanap ng kasagutan. Madali lang silang basahin, except her."
"ARE YOU OUT of your mind, Xyrene? Ba't mo tinanggap ang alok ng lalaking 'yon?" Tanong ni Eliza kay Xyrene nang makabalik na silang tatlo sa unit quarters nila.
Tiningnan lang ni Xyrene ang dalaga ng nakataas ang kilay. Sinabi na kasi niya ang napag-usapan nila ni Roswell regarding doon sa GVA Bidding na nangyayari.
"Para namang may magagawa akong paraan para hindian iyon, Eliza."
"Oh yeah, unfortunately, mayroon. You're DS for goodness sake Xyrene. At hindi ka basta basta nakikipagnegotiate nang hindi muna ito pinag-iisipan. You accept his deal with you, now what? After no'on? Anong sunod na mangyayari aber? Do you really think na hahayaan ka ni Emmanuel na manalo ng gano'n gano'n lang dahil sa may usapan kayo?"
Nagtagis ang kanyang bagang at hinarap ng gigil na gigil si Eliza. "Don't you even try to bring up that topic again, Eliza."
"And why I would not? Marami ka nang dinamay sa larong nilalaro mo na nilalaro naman ni Sy, Xyrene. Ni hindi nga tayo nakakasigurado na nasa panig natin ang mga nakausap mo ta's nakianib ka pa kay Roswell? My god, Xyrene!"
"Relax yourself, Eliza." Mahinahong saad ni Andrei sa kanya habang nito ang magkabilang balikat ng dalaga.
"At bakit ako kailangang magrelax, Andrei? Sabihin mo nga kung bakit?"
"Alam ni Xyrene ang ginagawa niya, just give this to her."
"My god! Alam? Eh mapapahamak tayo niyan alam mo ba 'yon? Hindi ka ba nagtaka..." pinasadahan niya rin ng tingin si Xyrene. "... hindi ba kayo nagtaka kung bakit sinabi ni Roswell 'yun sa'yo Xyrene gayong mahigpit silang pinagbabawal na walang makakaalam ng GVA Bidding na iyon sa kahit na sinong participant? And take note, both of you discussed it sa lugar na maraming tao. That's great isn't?"
Umupo siya sa sofa at dumikwatro.
"Ano bang kinakatakot mo, Eliza?"
Tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga sabay halukipkip sa harap niya.
"Ang lokohin tayo ni Roswell at hulugin sa bitag niya kung sakaling niloloko niya 'ko? o 'yung malaman ng GVA Committee na alam na natin ang bidding na ginagawa nila at natatakot kang mawalan ng saysay ang ipinunta natin rito?"
Eliza rolled her eyes. "Is there any difference of what you have just said?"
"It's up to you if how will you analyze my questions that I've given to you."
Tumayo muli siya. Nilapitan ang dalaga at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Look, Eliza. Everything is under my control. Kaya h'wag kang mag-alala kay Roswell. May mga bagay pa tayong kailangang pagtuunan ng pansin kesa sa pag-awayan 'to."
Bumitaw siya rito at naglakad naman sa may bintana mg unit nila.
"... and I hope, nagagawa niyo na ng tama at nakakalap na kayo ng impormasyon na kailangan natin. Hindi ba, Akihiro?"
Sinundan naman ng dalawa ang gawi kung saan nakatingin si Xyrene at nakita nila si Akihiro na nakasandal sa may isang pader at nakahalukipkip rin.
"Akala ko hindi pa kayo tapos magbangayan eh." Saad ng binata sabay lapit sa kanila.
Lumapit naman ang dalawa pa kay Xyrene nang may iniabot na folder si Akihiro kay Xyrene.
Pagkaabot ay agad niya iyong binuksan at binuksan at binasa. Kitang kita naman ng tatlo kung paanong ngumisi si Xyrene dahil sa nabasa.
Tumingin ito sa kanila specifically kay Eliza. "I told 'ya. Everything is under my control."
"What do you mean?" Iniabot ni Xyrene ang folder kay Eliza.
And as expected. "Oh my god!"
"Hindi ginawa ang GVA para tulungan ang mga Assassin o Gangster upang makuha ang hustisyang hanap nila. GVA is made for just only one goal... at ngayon ay may bago."
"And what is that?" Tanong ni Andrei.
Ngumisi siya at napatingin sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang GVA Island.
"When is the first GVA Battle, Andrei?"
Nagtaka naman ang tatlo.
"Ahm... October 21, 1991. Taon kung saan tinanghal si Frontier bilang kauna-unahang Goddess of Death."
"Kailan natagpuang patay si Frontier? Siguro naman nakalap mo lahat ng pinapahanap ko sa'yo."
"Oo naman. Natagpuan ang hinihinalang labi ng mag-asawang Casiraghi noong October 21, 1993"
"And how old does her baby on that time?"
"Noong namatay ang magulang nito? Mga 1 year old. Teka, bakit mo natanong?"
Ngumisi lang siya rito at nagtanong muli.
"Then, kailan naman ang sumunod na Battle ng GVA? Kung saan nakasali si Xenon?"
"Year 2010, ang grupo ni Xenon ang tinanghal na panalo. Then, on the same year naman. Nagkaroon naman ng issue ang mga pahayagan na buhay raw ang nadukot na bata na anak ni Frontier na labis na kinatakutan ng media at ng buong sambayanan. Maari raw kasing magaya ang bata sa kanyang ina na walang habas kung pumatay kung kaya't nagkaroon noon ng malawakang paghahanap sa bata."
"Wait, I still don't get it." Singit ni Eliza.
"Listen, Eliza. Wala pa sa climax. Continue, Andrei."
"Okay, on the latter part naman. Habang nagkakaroon ng malawakang paghahanap ng pulisya sa nawawalang bata, ay nagkaroon naman ng massacre sa pamilyang Villareal. Hinuha noon ng mga pulis ay ang isa sa mga dahilan ng mga umatake sa mga Villareal ay ang pagsumbong ng mga ito sa naging negosasyon nila sa mga druglords. Sa madaling sabi, naghiganti ang mga ito sa kanila. Ngayon, kita niyo naman na wala sa pamilyang Villareal noon ang namatay. Maliban sa isang babae na girlfriend diumano ni Xavier John Ford Villareal. Namatay ito base sa nakalap ko. At iyon marahil ang naging dahilan ni Xavier upang sumali sa GVA noong taong ring iyon.”
“Okay, wait. Okay na, tawagin niyo na akong slow pero like shit naman. Summarize please! Baka naman may softcopies kayo niyan o PDF?” Hinaing ni Eliza.
“You never failed to amazed me, Xy.” Natutuwa’t nakangiting turan ni Akihiro sa kanya. She flipped her hair because of that.
“I know right.”
“Ah so ganoon? May landian muna bago i-explain sa’kin?”
“Ewan ko sa’yo, slowpoke.” Asar ni Andrei.
Inirapan lang siya nito. “Whatever.”
“Eliza, ipagkonek konek mo.lahat ng balita at impormasyong ibinigay ni Andrei.”
“Ang alin do’n? ‘Yung taon kung kailan nagstart ang GVA which is noong 1991, ta’s 1993 hinihinalang ang mag-asawang Casigrahi ang natagpuan na sunog ang bangkay? Ta’s 1 year old ang baby nila noong panahon nadukot ang bata, so bale 1992 pinanganak ‘yung baby. Tapos year 2010 na ang sunod na GVA Battle which is panahon kung saan napabilang si Xavier Villareal sa battle na iyon at sa taon rin iyon napag-alamang buhay ang anak ni Frontier at noo’y pinaghahananap na— wait! Teka,” nanlalaking ang matang napatingin si Eliza kay Xyrene. “Don’t tell me...”
Ngumisi ng husto si Xyrene sa kanya. “Yes, Eliza, that’s exactly the purpose of GVA.”
“P-Pero...”
“But what?”
Tiningnan siya muli ng dalaga na halata sa labi nito ang pamumutla. “I just can’t...”
“Imagine? Ganoon talaga, Eliza. Kapag may sagabal kinakailangang alisin at patayin nang hindi maging mitsa ng kapalpakan.”
“So, ano nang balak mo?” napatingin siya kay Akihiro.
“Stick to our plan. Act as if we don’t know anything. Tulad ng nakagawian.”
Nakangiting napapailing iling si Akihiro sa sinabi niya. “As you wish.”
“Good. Ibibigay ko ang cue kapag handa na ang lahat. But for the meantime.” Sabi niya at napatingin sa Anklet Identifier. “I think another battle is currently starting.”
LAHAT NG GUSTONG manuod ay nakatingin ngayon sa kani-kanilang LED TV Screen na malapit sa pinagtatampulan ng laban. Hindi kasi nila makikita ng live ang labanan dahil sa isang fire exit area nagaganap sa pagitan ng Black Lily Gang at ng Constellate Assassins.
Nakapwesto sa may garden area ng Gangster Quarters ang Death Keepers habang ang Warlords Platoon naman ay nasa Cafeteria Area ng East Coast kung saan malapit lang rin sa pinanggalingan nilang GVA Clinic.
Kapwa nanunuod sa malaking TV na nasa harapan.
Battle Cross... Black Lily Gang vs. Constellate Assassins! Fight!
Nakangisi si Scheduler(Xyrene) habang pinapasadahan ng camera ang mga mukha ng Constellate Assassins at nang napadako na ang camera sa Black Lilies, most specifically kay Claire ay napatingin siya kay Eliza.
“What?” the lady asked her but then, rolled her eyes and sipped her tea.
“You should be supportive, y’know?”
“Oh please, Xyrene. Don’t make me laugh on your joke. It’s not kind a funny.”
“Well, sad to say I’m not...” then she grinned at her. “... my little sissy. Hahaha!”
“Whatever, Xy. Whatever!”
On the other hand, Xavier is looking intently on the screen. Habang ang mga kagrupo niya ay kung hindi nakaseryoso ang mukha ay nakangisi naman. ‘Yung tipong nasisiyahan pa ‘ata dahil ngayon lang muli sila makakakita ng mga mag-aaway na babae. Cat fights ika nga.
“Girls vs. Girls, huh?” Charles
“Yeah, isn’t great dude?” Pang-asar na turan ni William kay Xavier.
“Shut the hell up, bro.”
Napapahigikgik na lamang ang apat pa. Napatuon na ang mga atensyon nila nang magsimula na ang laban.
Dahil mas liyamado ang Black Lilies sa Constellate ay mabilis na napaghiwa-hiwalay ng apat ang tatlong dalaga. Tig-isa ang dalawa sa Constellate habang dalawa naman ang sa isa.
“You’re going down!” Mapang-asar na saad ni Veronica kay Virgo.
Virgo smirked. “Linya ng kontrabida? Is it still effective?” Then she punched her stomach. “I don’t think so.”
Sunud sunod na binigyan ni Virgo ng mga double hit combo si Veronica targetting her vital places. Nakakailag pa noong una si Veronica ngunit mukhang dahil sa liksi ng galaw ng kalaban ay hindi na niya nagawa pang salagin ito. Napapangisi naman si Virgo dahil mukhang maagang matatapos ang laban niya sa isa sa mga miyembro na ito. For final attack, she stepped up on a bar and she gave a very hard back flip kick right on Veronica’s face that made her fall.
“You slut!” Anas ni Tiffany kay Aquarius na siyang kinanuot ng noo ng dalaga.
“Pinagsasasabi mo?” Turan niya habang binabantayan ang galaw nito dahil siya ang nakapwesto sa ibabang bahagi ng hagdang tinatayuan nila.
“I just want to call you that.” She hissed. May sapak na ‘ata ang babaeng ito kaya kung anu-ano ang pinagsasabi.
Naalarma si Aquarius nang biglang tumapak sa bar at sa pader si Tiffany at pumorma ng isang basic move. Hindi na niya ito pinatagal at sinugod ito, ngunit mali ang naging desisyon niya dahil hindi niya inakalang biglang tatalon ng mataas at pa-back tied pa ang kanyang kalaban. Natamaan siya sa baba at lumagapak sa may dulo ng hagdanan.
Kaagad siyang umatras ng bahagya upang hindi matamaan ng tumalon muli si Tiffany ng mataas at ngayon ay nagbabalak siyang dambahin na parang sa wrestling. Nakailag siya at mabilis na tumayo. Ngunit sa kanyang pagtayo ay mabilis namang inipit ni Tiffany ang isa niyang paa at pinihit ito pakanan dahilan upang mapadapa muli si Aquarius. She grunted when she felt that Tiffany was now on top of her and twisting her right ankle so fvcking hard.
“Argh!” She tried to escape by her possession but she can’t. Naramdaman na lamang niya na binatukan siya ni Tiffany at siya’y nawalan ng malay.
Nagkatinginan sa isa’t isa ang Death Keepers sa nangyari.
Nangangamba sila dahil sa oras na matalo sa one on two match ang leader ng Constellate Assassins ay tapos na ang maliligayang araw nila rito.
“Hyah!” Hiyaw ni Jessica habang bumibitaw ito ng sunud-sunod na sipa at sinasamahan pa ng combo punch laban kay Aries. Ganoon din ang ginagawa ni Claire habang sinusundan ang mga suntok at sipa ni Jessica. Hindi nga lang niya ito matamaan kung minsan dahil sa sinasapawan siya masyado nito sa pag-atake sa kalaban.
Gagawin na sana ni Jessica ang final kick and punch nang sipain siya ni Virgo sa tyan.
“Ugh! Damn it!” Daing niya nang magsuka siya ng kaunting dugo.
When she regain herself, she immediately kick back of that bitch. Pero nakaramdam si Virgo na aatake nito muli kung kaya’t binigyan niya ito ng malakas na suntok sa mukha.
“Oh shit! My nose!” Bulanghit nito nang makitang nagdudugo iyon.
“I will kill you bitch!” Hiyaw niya sabay sugod muli.
Halos nagtagal ng ilang minuto ang laban ng apat nang binigay na lahat ng magkabilang partido ang kanilang final shot.
Parehas na napahiga ang at dumausdos sa ground floor ang apat nang magkahilaan ang mga ito.
“Awww. My back! It hurts!” Daing ni Jessica na hindi na makatayo dahil sa sakit ng likod.
Tiningnan nito ang kasamang si Claire at nakitang nawalan rin ito ng malay. Maging si Virgo. Maliban kay Aries na unti-unting umuupo mula sa pagbagsak.
Hindi na nag-atubili si Jessica habang hindi pa ganoong conscious ang dalaga. Nakahawak siya ng isang tubo na malapit lang sa kanya at hinampas kay Aries.
Ngunit nagulat siya nang nahawakan pala ito ng dalaga. Nakatungo ito sa kanya at unti-unting inaangat ang sarili ulo habang nakangisi kay Jessica.
“Fool.” Anas nito sabay hablot ng tubo mula kay Jessica at binato sa malayo at sinampal ng ubod ng lakas ang dalaga. Pagkasampal pakaliwa ay ibinalik niya iyon nang pakanan ngunit hindi na ng sampal ngunit isang kamao na.
Tiningnan ni Aries ang anklet niya. Halos 2% nalang pala ang natitira sa life points ng buong grupo niya.
Constellate Assassins... You win!
Napangiti siya nang maiannounce na ang grupo nila na sila ang panalo. Ngunit napawi iyon nang tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi biro ang malaglag mula 3rd floor hanggang ground floor ah.
“WHAT WILL HAPPEN next?” Tanong ni Eliza kay Xyrene nang makita at masaksihan ang pagkapanalo ng Constellate kanina.
“What do you mean, will happen next?”
“C’mon, Xyrene. Alam mong natalo ang kapatid ko. And she needs to get home according sa protocol ng GVA.”
“No, hindi agad agad. Nakasaad sa protocol na makakauwi lamang sila sa oras na tanggapin na nila ang oathtaking nila 3 days after the fight.”
“You mean...”
“Yes, may tatlong araw pa siya para makasama niya ang kapatid niya, Eliza. Kapatid niyong dalawa actually.”
“Oh please! You know my brother will get mad at me because of that.”
“Hindi syempre. You know your half brother hates your big half sister a lot more than you do.”
“I know. Pero nagawa na ba niya ang pinapagawa mo sa kanya?”
Ngumisi siya nang mariin sa tanong ni Eliza kapagkuwa’y tumingin sa screen kung saan vinivideo pa ang pagdala ng GVA Staffs sa Black Lilies sa clinic.
“Alam kong ginagawa na niya ang inutos ko sa kanya. Wala naman siyang magagawa eh. Hawak ko sa leeg ang kapatid niya. At least sa nalalabi niyang 3 araw rito eh we still need connections, Eliza. At hindi tayo kailanman mauubusan ng connections.”
“Yeah right.”
I can’t help myself but sorry, I’m on a bitchy mode. I have your brother, Claire. At kapag sa oras na malaman mo kung sino siya? Baka ikaw pa ang mag-freak out. I told you, masama akong kalaban. At sinabi ko rin sa sarili ko na uunahin kita sa listahan ko... you little dipshit clone. You used my identity, I’ll use yours. Ooops! Your brother I guess.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top