Chapter 27: The GVA Bidding

Sorry for the long wait! May mag-ca-cameo rito na galing sa ibang story. Kapag cameo ibig sabihin dito lang sa chapter na ito sila mababasa. At dahil characters niya ang gagamitin ko, i-dedeicate ko 'to sa kanya. LOL

And one more thing, ang bobo ko na pala sa english? Seryoso.

___________________________

Chapter 27

"ANG BOBO KO! Ang bobo ko! Ugh!" Paulit ulit na sabi niya sa sarili habang nakasabunot sa kanyang buhok. Bumabalik muli kasi sa kanyang isipan ang katangahang ginawa niya kanina. Ang gago eh.

"Tarantado ka kasi 'tol. Akalain mo ba naman kasing gantihan mo 'yung Akihiro na 'yun eh, ayan, nagbackfire pa tuloy sa'yo." Untag ni Harold sabay bungisngis.

Bumungisngis rin ang iba kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin.

"So... pffft! Ano nang gagawin mo? Mukhang sa ugali pa man din ni Xyrene eh, hindi ka no'n papansinin."

Napatingin siya lalo ng masama kay Charles.

"Shut up." Mariin niyang sabi.

Nagtawanan lamang ang mga kaibigan niya ngunit hindi na niya iyon pinansin at nilagok na kaagad ang iniinom na Jack Daniels.

"Pero you know what, Xavier..." Napadako ang kanyang tingin kay Marco. "... Kung hindi ka man no'n papansinin eh 'di ibig sabihin no'n, may gusto siya sa'yo or much better. She's inlove with you."

Natahimik siya sandali sa sinabi ni Marco. Posible nga kayang kaya siya ganoon eh dahil maaaring may gusto ito sa kanya?

So, ibig sabihin, hindi na one-sided-LIKE ang nagaganap sa kanila?

Sa isiping iyon ay tila gusto niyang ngumiti ng sobrang lapad. Hoooh! Napailing siya nang maramdaman niyang namumula ang kanyang mukha.

"Uyyy! Si bossing, kinikilig. Hahaha" Binato niya ng isang unan si William sa panunuya nito sa kanya.

"Gago!" Bulyaw niya.

"Inlababo ka naman. Hahaha" Kapagkuwa'y nagtawanan ang apat na binata.

Ininom na lamang niya ang kanyang natitirang inumin at lihim na napapangiti.

Shit! So fcking gay! Damn it. But I can't help myself but to smile.

Tumayo siya at nagpunta ng terrace ng unit nila. Nakakaburaot kasi ang ingay ng mga kaibigan niya. Potcha, ang lalandi ampota.

Tinungga niya muli ang hawak na kopita kapagkuwa'y napatingin sa ulap.

Gabi na at kitang kita mula sa kinatatayuan niya ang bilog na bilog na hugis ng buwan. Ang mga nagkukuminang na mga butuin sa langit at ang nangingislap na dagat gawa ng liwanag ng buwan na dumadapo rito.

Napabuntung hininga siya and smiled again once more.

Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti sa binigay na pag-asa ni Marco sa kanya tungkol kay Xyrene.

Yes, he's falling hard. He's fcking deeply inlove to that girl. Hindi na ito basta gusto lang o like na tulad ng kanyang nadarama. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang damdamin na ito ngunit nagugustuhan niya iyon.

'Yung tipong gusto niya itong laging makita at makasama? Ugh! That's so shamelessly common right? Ang babaw na dahilan. But the heck, wala na siyang pakialam roon. Wala siyang pakialam kung maging korni man siya basta't ang alam lang niya...

She's must be mine. Kahit delikado. Kahit maraming hadlang. I'm going to make sure she'll end up to me.

HINDI NIYA NAPANSIN na may biglang may paparating sa kanya sa kung saan man.

Napalingon siya sa kanang bahagi sa may ibaba ng unit nila ngunit hindi na niya nagawang makailag pa. Nadaplisan siya sa pisngi.

Napalingon siya sa bagay na tumama sa kanyang mukha. Kinuha niya iyon at sinuri.

Isa iyong maliit na pana ngunit halatang mamahalin.

Napatuon naman kaagad siya ng tingin sa paligid. Lalo na sa lugar kung sa'n nagmula ang pana. Ngunit nabigo siyang may makita.

"Anong nangyari bossing?" Tanong ni William nang mapansin niyang sumunod ang mga ito.

Mukhang narinig din kasi nila ang panang tumama sa may pader. Actually, it's a typical sound from the arrow pero dahil masyadong sensitive ang tainga nila mula sa mga strange voices and sounds ay nakuha nito ang atensyon nila.

Pinakita niya ang maliit na pana na hawak.

Kaagad nila iyong kinuha at sinuring muli.

"It's just a typical arrow." Aniya ni Charles.

"No it's not. Look at it briefly." Pagtanggi niya sabay hawak sa dulong parte ng pana.

Napasinghap ang apat nang tuluyan na niyang nailabas ang kanyang nahila mula roon.

"This is a poisonous arrow na once na matamaan ka nito ay saka lamang dadaloy ng mabilis ang lasong nasa loob nito." Paliwanag niya.

"At sinong hayop naman kaya ang gagawa nito?" Seryosong tanong ni Harold.

"To think na andito tayo sa GVA Island. Well, masasabi kong matapang siya." Dugtong ni Marco.

"At gamit pa ang ganitong kawalang kwentang pana ah. Tss." Pahabol ni William.

Lahat sila nagtatagis ang bagang. Masyado kasing matapang ang may gawa nito sa kanila at tila hindi takot sa maaaring mangyari kung sakaling may nakakita.

"Ako ang target niya at hindi kayo." Napatingin ang apat sa kaniya. "... at hindi niya pa 'ko papatayin, maybe isa iyang warning message."

"You think so?" Nag-aalangang tanong nina Harold at William.

Hinarap niya ang mga ito.

"Kung tayong lima ang target niya, dapat hindi na siya gumamit ng isang panang may lason para patayin tayo ng gano'n gano'n lang."

"Pero maaari ring gusto niyang isa-isahin tayo dahil alam niyang wala iyong laban sa atin. Kaya kung iisipin mo ang motibo niya, gano'n nga ang mangyayari. At nagkataon namang una kang lumabas ng veranda kung sa'n naging cue iyon sa kanya at tirahin ka." Paghihimay himay ni Marco sa nangyayari.

"No, I doubt it." Aniya. "Kung papatayin niya tayo, hindi iyon gagamit ng isang pana lang para pumatay. Napakapambata naman 'ata niyang pumatay."

Napabuntunghinga silang lahat at naupong muli sa sopa sa loob.

Lahat sila ay tila naalarma. Lahat ay tila nagising sa katotohanang this is just not any ordinary game they're playing off. This is a game which the only way to win is to kill them all.

Habang nilalaro niya ang panang hawak ay may napansin siyang nakaukit roon.

Actually nadaanan lang iyon ng kanyang daliri at doon niya napansing tila biglang gumaspang sa may ibabang bahagi ng pana.

Tiningnan niya ito ngunit hindi niya mabasa. Sobrang liit ba naman kasi at mukhang hindi kakayanin ng mata lang.

Tinawag niya si Marco.

"May magnifying glass ka ba d'yan? Pahiram ako."

"Wala akong dala, brad."

Luminga siya sa paligid at doon niya nakita ang reading glasses niya. Actually pang porma lang iyon ngunit may grado naman.

Nagmamadali niyang kinuha ang salamin.

Nagulat nalang ang apat na binata nang biglang tanggalin ng kaibigan ang ibang bahagi ng salamin at tinira lang mismo ay 'yung lenses mismo.

Idinikit niya ng mariin ang salamin na nakaharap sa kanya ang concave part ng lens.

Sa simula ay medyo blurred ang hugis ng ukit sa may pana. Ngunit napangsinghap hindi lamang siya maging ang apat pang binata nang mapagtanto ang mga kakaibang hugis roon.

"WHERE HAVE YOU been?" Tanong niya nang makapasok na si Akihiro sa unit nila. Nakaupo siya sa sopa ng sala, nakadikwatro; at nakahalukipkip.

"You're still awake, Xyrene?" Lihis sa topic na tanong ni Akihiro.

"Answer me." Giit niya. Napatingin na ang binata sa kanya.

Hindi niya mabasa ang mga mata nito ngayon.

Kung dati ay oo at nakikita niya itong natawa pa, ngayon eh mailap na niyang makita iyon sa kaibigan. Hindi naman sa hindi niya ito na nakikitang natawa at ngumiti. Nakikita pa naman niya kaya nga lang ngayon eh plastik na at halata mong pilit.

Bumuntung hininga ang binata.

"Xy, please, stop talking and asking nonsense. If you still insist? Fine, nasa training grounds lang ako at nag-eensayo. Nakasabay ko pa nga ang isa sa mga Constellate kung gusto mong kumpirmahin. Okay?"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ang ayoko sa lahat ay 'yung niloloko, pinapasakay, ginagamit at pinagsisinungalingan ako, Aki."

Napahinto ang binata dahil sa sinabi niya.

Dumaan ang dalawang minuto ay sumagot si Akihiro habang nakahawak na sa seradura ng pintuan ng kwarto nito.

"You should sleep, Xy. I know that already. Goodnight." Aniya ni Akihiro sabay bukas ng kwarto at pumasok.

Naiwanan siyang nakaupo pa rin sa sopa. Habang may nilalaro siyang maliit na... pana... sa isang kamay niya.

What is happening to you, Aki?

KINAUMAGAHAN AY NASA hapagkainan na siya at nilalamutak ang tinapay na nasa harap niya.

"Xyrene Gustave—Coltrane!" Napadako bigla ang tingin niya sa sumigaw. Kay aga aga makasigaw 'to.

"What?" Maang maangan niyang tanong habang nginunguya ang tinapay na nasa bibig niya.

"Nasaan na ang foundation ko?" Hysterical nitong tanong sa kanya.

"Pakialam ko naman sa mga kolorete mo sa mukha, Eliza."

"Naman eh! Nawawala siya sa lagayan ko!"

Tiningnan niya ito ng mariin. "Sa tingin mo nagfofoundation ako?"

"Hindi. Pero..."

"But what?"

"Hindi naman kasi iyon basta basta foundation lang Xyrene."

Napatingin muli siya rito.

"Don't tell me...?"

"Yes. That's the Illusionary powder. Iyon ang ginamit mo nung nagpanggap kang si Mrs. Clifford."

Napatigil siya sandali sa pagkain. Nawawala ang isa sa mga high-tech gadgets nila na madalas nila gamitin sa mga mission nila bilang assassins.

"Nasaan si Akihiro?"

"Nasa kwarto niya. Si Andrei lang ang wala sa kwarto. Nagpaalam 'yun kanina sa'kin na magjojogging lang daw siya."

Matagal siyang nanahimik. Ngunit matapos ang ilang segundo.

"Nandyaan lang 'yan Eliza. Baka namiss place mo lang." Turan niya sabay tayo at nagpunta ng kusina at kwarto upang makapaghanda na.

NAGPUNTA MULI SILA ng West Coast kasama si Eliza. Iniwanan na muna nila kasi si Akihiro dahil hanggang ngayon ay tulog pa ito at tila may sakit.

Naabutan nilang dalawa si Andrei na nagcucurl ups habang nakasabit ang dalawang binti sa isang bar steel at nakabaligtad.

Nang malapit na sila sa binata ay tatawagin sana ni Eliza ito dahil bumaba na ang binata roon ngunit napatigil ito nang makitang inabutan ng isang twalya at bote ng tubig na galing mula sa babaeng hindi nito kilala si Andrei.

Napangisi siya nang mapansing nagsalubong ang kilay ng kaibigan. May hawak rin kasi si Eliza ng tubig at twalya na para sana  kay Andrei.

"Mukhang naunahan ka ah." May halong panunuyang saad niya sa dalaga.

Eliza rolled her eyes sa sinabi niya.

"Tss. Not on me, Xyrene. Watch and learn."

She smiled evily when Eliza said that on a bitch mode.

What does she expecting from this girl? Yes, maybe she's fragile when it comes to Andrei but if you're talking about flirting? Oh c'mon, she's the epitome of it, nothing else.

Eliza walks with her feminine and elusive character in the middle of the training grounds. Men was actually stunned by the way she walks and the way she flips her hair that makes them to stop for what they're currently doing.

She saw Eliza smiled ferociously.

Sumunod na rin siya ng lakad. Hindi naman pwedeng andoon lang siya sa malayo habang itong kaibigan niya ay gagawa ng eskandalo.

Habang siya'y naglalakad, kitang kita niya kung paano nagpanggap na natapilok si Eliza at kung paano nasabuyan ng tubig sa mukha ang babaeng kung makangiti kay Andrei ay wagas.

She immediately stops herself from laughing.

Sino ang hindi matatawa kung ang nakikita mo roon sa babae ay ang pag-alpas ng make up nitong napakakapal.

"Oh. I'm sorry miss. Hindi ko sinasadya. Natapilok kasi ako eh."

She bit her lower lip to put the kibosh on laughing exaggeratedly.

Alam niyang pinipigilan lang ng babaeng nabuhusan ang pagputok ng galit nito kay Eliza. But she has a doubt about it.

On the other hand, gusto niyang palakpakan at award-an ang kaibigan for being the best GVA Actress of the year.

"Eh kung matapilok rin kaya ako at mabuhusan ka rin ng tubig, anong mararamdaman mo miss?" Dahan dahan ngunit may diing saad ng babaeng natapunan.

Ngayon lang niya napansin na namumukhaan pala niya ang babaeng iyon.

Well, if she's not mistaken, Veronica Lewis ang pangalan ng babaeng iyon at isa sa mga miyembro ng Black Lily Gang.

"I said, I'm sorry miss. Kung ayaw mong tanggapin eh 'di h'wag." Nagtataray na untag ni Eliza rito sabay punta kay Andrei at pinunasan ang pawisan nitong leeg.

Napasipol siya ng wala sa oras. Napatingin sa kanya 'yung Veronica. Tinaasan niya ito ng kilay na waring nagsasabing...

Remember me?

At gaya ng kanyang inaasahan, namutla ang mukha nito pagkakita sa kanya. She smirked at her na lalong nagpatalon sa kaba ng dilag.

She hissed.

Wala pa 'kong ginagawa, takot ka na?

Lumisan naman si Veronica nang hindi na nito natantya ang kaba.

Nilapitan niya ang dalawang kasama na nagsusukatan ng tingin. Animo'y nabuhay na naman ang mortal na magkaaway na aso't pusa sa harapan niya.

"Get back on track. Kung gusto niyong maglampungan, do'n kayo sa unit natin." Aniya.

Nakita naman niyang pinamulahanan ng mukha ang kaibigang dalaga.

"Oh, may pahintulot na tayo mula kay pinuno oh. Tara na sa kwarto--" Hindi na pinatapos pa ni Eliza ang sasabihin ni Andrei.

She immediately grab his right arm na nakaakbay sa kanya gamit ng kaliwang niyang kamay at mabilis na inikot sa ibabaw ng ulo niya sabay pihit ng mariin dahilan upang bumaliktad patihaya ang binata at humilata sa lupa.

Natatawa namang nagbackflip si Andrei at pinadulas ang paa upang mapatid si Eliza ngunit mabilis namang napatalon ang dalaga.

Napangisi pa lalo si Andrei sa ginawa ni Eliza. Pagdulas ng kanyang kanang paa ay kaagad niyang naikalso ang pinansipa upang makatayo at ginawa ang overhead kick. Natamaan sa balikat si Eliza sa ginawa ni Andrei at kaagad na napatihunod.

Napangiti si Xyrene dahil may laban pa si Eliza.

Sa pagkakaluhod kasi ng kanang tuhod ni Eliza ay malaya nitong nahawakan ang binti ng binata at pinihit pakanan dahilan upang mamilipit sa sakit si Andrei.

"Ugh!" Daing ng binata sa ginawa ng dalaga.

Dahil sa kagustuhang makawala sa pagkakahawak nito ay iniamba niya ang isa pa niyang binti upang sana'y matamaan sa kaliwang pisngi ang mukha nito at mapatumba ngunit huli na siya...

Eliza pressed a powerful force sa bawat nerve point ng binti ni Andrei dahilan upang temporaryong maparalisa ang binti nito.

"Oh it fucking hurts!" Mariing impit ng sakit na daing ni Andrei sa nangyari.

Pumalakpak siya (Xyrene) sa mga nangyari.

"You're doing great, Eliza." Natutuwa niyang sabi. "So, can you reverse the effect of what have you done to him?"

Napakamot naman ng ulo si Eliza kapagkuwa'y tiningnan si Andrei at nag-peace sign. "Hehehe..."

Nanlaki naman ang mata ni Andrei dahil roon.

"A-Anong 'di mo alam? Ginawa mo 'to tas hindi mo kayang ibalik sa dati?!" Histerikal na bulyaw ni Andrei.

Napahawak siya sa sentido niya at napapailing iling.

Hay nako naman talaga... hindi nakikinig talaga oo.

Lumapit na siya kay Andrei at binatukan na nang hindi pa rin ito nanahimik kakadada kay Eliza na kesyo ganito kesyo gan'yan.

"Awww!" Daing nito.

"Daldal mo. Ito na nga oh." Saad niya sabay nagtanim ng mas madidiin na tusok ng dalawang daliri niya sa mga parteng tinamaan ni Eliza.

"Okay na?" Tanong nito rito.

Napakunot noo siya nang hindi niya narinig ang sagot ni Andrei.

Tiningnan niya ito sa mata at mas lalong kumunot ang noo nito nang mapansing may tinitingnan ito sa likuran niya.

Dahan dahan niyang nilingon ang tinitingnan ni Andrei. Maging si Eliza rin pala eh natutulala sa tinitingnan sa likuran niya.

Nang makalingon siya ay tila nalaglag ang kanyang panga sa taong nasa likod niya. No! Hindi lang pala tao. Kung'di mga tao.

"PWEDE BANG LAYUAN mo muna ako, Cindy?!" Bulyaw ni Xavier sa dalagang kanina pa daldal ng daldal habang nakasabit ang braso sa braso niya.

Ngunit imbes na matigil ay nagpatuloy lang ito sa pagkapit at pagdada.

This time, mas nilakasan na niya ang pagpumiglas sa pagkakakapit nito dahilan upang muntikan nang mapatinuhod sa lupa si Cindy.

Nakaramdam siya ng kaunting pagsisisi sa ginawa nito ngunit isinantabi niya iyon dahil ubos na ang pasensya nito rito.

Tumayo ng ayos si Cindy at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ano ka ba naman, Xenon. H'wag mo na ngang gagawin iyon muli sa'kin. Masama kaya iyon na gawin sa girlfriend niya."

He mentally sighed. How awful. Too, desperate and clingy. And he hates that.

Iniwasiwas niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng dalaga at tiningnan ito sa mata.

"I'm not your boyfriend."

Umiling iling naman ang dalaga habang nakangiti pa rin.

Ugh! Kinikilabutan yata siya sa paraan ng pagngiti nito at ayaw na ayaw niya 'yon.

"No. Ano ka ba, Xenon. Nakalimutan mo na ba? Tayo pa kahit tapos na ang GVA Battle noon."

May himig ito ng paglalambing. At ramdam niya ang panginginig ng boses nito na alam niyang anytime ay iiyak ito.

Walang emosyon niya itong tiningnan sa mata.

"Wala akong sinabing 'tayo' Cindy. Wala. Ikaw lang ang nagsasabi niyan pero para sa'kin? You're just nothing. You're not even existing on my own world. Kung andoon ka man sa mundo ko, you're just a parasite that I can ignore nor notice."

Sa tanang buhay ng niya ay iyon na 'ata mismo ang pinakamasasakit na salitang nabitawan niya sa isang babae. At wala siyang pinagsisisihan roon.

May kanya kanya tayong dahilan kung bakit nagagawa ang isang bagay so deal with it.

Kitang kita niya sa mukha ng dalaga ang isang malutong na sampal na sinupalpal niya sa mukha nito. Napaiwas siya ng tingin. He can't bear to see her like this. Pero para matapos na ang kahibangan nito sa kanya ay kailangan niya iyong sabihin.

Hirap maging gwapo potcha!

"You're mine." Unang namutawi sa tainga niyang saad ni Cindy. Napatingin muli siya rito.

"Kung hindi lang rin ako ang makakatuluyan mo, Xenon. Then walang makikinabang sa'yo."

Napapailing siya sa utak niya.

Pinasok niya ito sa kaliwang tainga nito sabay labas sa kabila.

Tutal in-e-expect na rin niya namang ito ang sasabihin nito.

Napangisi siya.

"No, Cindy. Walang sinuman ang maaaring kumontrol sa lahat ng gusto kong gawin. And that includes you. I didn't give you the authority to control my life lalo na sa mga babaeng maaari kong mahalin. Papatayin mo ang masuwerteng babaeng iyon? Go on. But I won't let you."

Napatawa ng pagak si Cindy. "Are you underestimating me? Sa maaari kong gawin? Nagpapatawa ka 'ata."

Mas tiningnan niya ito ng mariin. "Cindy, tatanghalin ba 'ko bilang Emperor of Gangsters kung ina-underestimate kita? Bakit? Have you seen how evil I am? Do you think ang pinakita kong kakayahan noong nakaraang battle ay iyon na rin mismo ang lahat ng pinakita ko?" Tumawa siya ng pagak. "Now, you're the one who's underestimating me."

Nanginginig ang labing tiningnan lang siya ni Cindy. Kahit hindi niya sabihin alam niyang alam ng dalagang ito ang tinutukoy niya. Dahil hindi nito nanaising makita ang totoong siya sa pagkakataong ito. He can be a demon just to protect someone... just to protect Xyrene.

"You'll pay for this."

Mariin ngunit mapanganib na sabi ni Cindy bago ito umalis.

Sinundan niya lang ito ng tingin. Tama lang ang lahat ng sinabi niya. Habang maaga pa ay tatapusin na niya ang kahibangan nito sa kanya. Kahit na alam niyang kaya nitong gamitin ang ama nito ay wala siyang pakialam. Tutal naman, he was not after for the Grand Title of this game.

Bakit? Nakalimutan niyo na ba? Andito siya para hanapin ang lapastangang naging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Hindi ba?

Sinusundan pa rin niya si Cindy habang naalis paalis. Mukhang lahat ng madaraan nito ay binubunggo nito. Ngunit maliban sa isang babaeng 'di sinasadyang nabuhusan si Cindy ng hawak na milktea.

Nasa entrada nga pala siya ng West Coast at kitang kita niya kung paano sunud sunod na nagsosorry ang babaeng nakabuhos kay Cindy.

Sa 'di malamang dahilan ay tila namumukhaan niya ang babaeng ito.

"Nako! Sorry sorry sorry po talaga. Ang sabi kasi ni Dodong na gatasan ko raw 'yung tea na nasa likuran mo kasi may gatas daw 'yun eh. Alam mo na, milktea daw."

Nanlalaki ang kanyang mata nang mapagtanto kung sino ang babaeng ito.

Anong ginagawa mo rito, Mrs. Roswell?

GALIT ANG TANGING nararamdaman ngayon ni Cindy. Tapos ay dumagdag pa ang misteryosang babaeng ito na nasa harapan niya at nagsasabing may gatas daw sa tea.

Tiningnan niya ito ng mariin.

Nagtataka naman ang babae sa kanya.

Hala! Bakit kaya ganito si Ate. Siguro nakita niya si Anabelle, yung sa conjuring. Tapos sinaniban siya. Nako sabi na nga ba eh, hindi talagang magandang ideyang panuorin sa honeymoon ang ganyang palabas!

Untag sa isip ng dilag.

"Get out of my sight."

Malamig ngunit mapanganib na sabi ni Cindy sa dalaga.

Napataas naman bigla ang kanyang noo nang makita niya itong nagpunta sa kaliwa ta's sa kanan tapos ay sa harap naman niya na parang tanga.

"Nako naman ate! Sabi mo get out my sight, lumipat na nga ako sa kaliwa tas sa kanan eh nakatingin parin yang mata mo sakin. Sabi mo get out diba? Ikaw ah. Akala mo siguro 'di ko nagets 'yung sinabi mo no."

Nanliit ang mga mata ni Cindy sa mga pinagsasasabi ng babaeng nasa harapan niya. Wala siyang panahon dito. Mas gusto niyang magpunta sa paborito niyang tambayan at doon ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

Ngunit mukhang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensya dahil sa ginagawa nito ngayon.

"Pupunasan na kita ate ah. Alam mo kasi bawal kang malamigan lalo pa't basa ka. Kaya ako na lang ang magpupunas sayo."

Idadantay pa lamang nito ang kamay sa may bandang leeg niya nang unahan niya ito at hinawakan ang brasong sanang ipupunas sa kanya. Pinilipit niya iyon dahilan para ngumawa ang dalaga.

"Aray! Ahhh... Huhuhu! Ate... masakit po! Ahhh."

Hindi nito binatawan ang kamay ng dalaga.

Habang hawak niya ito ay naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ni Xavier.

"You're just nothing."

"You're just a parasite that I can ignore nor notice."

Sa pagbabalik ng mga sinabi ng binata sa kanya ay nag-umigting ang galit sa puso niya at inisip na ang babaeng hawak niya ay ang babaeng mahal ni Xenon at kanya na itong papatayin.

Akmang iaangat na nito ang kaliwang kamay niyang hindi nakahawak sa babae nang bigla itong pinigilan nina Xyrene at Xavier. Sabay nilang inatake si Cindy dahil sa ginawa nito. Papalagutukin sana ni Cindy ang leeg ng dalaga upang mamatay ngunit iyon ay nabulilyaso.

"Ma'am Aemie!"

"Mrs. Roswell!"

"Wife!"

Sunud sunod na sigaw mula sa limang lalaki.

NASALO NIYA SI Aemie na nahimatay mula sa ginawa ni Cindy rito. Tiningnan niya muna si Xavier na hawak ang magkabilang kamay ni Cindy sa likod bago tumingin sa limang lalaking papalapit sa kanila.

Tinulak siya ni Ezekiel Roswell upang daluhan ang asawa nitong si Aemie Roswell.

Puno ng pag-aalala ang nakarehistro sa mukha nito at tila hindi nanaising mawala ang asawa.

"Nahimatay siya. Hayaan mo muna siyang makapagpahinga." Sabi niya dahilan upang tingnan siya ni Roswell.

"Lamperouge..." Malamig na tawag nito sa isa sa mga kasamang lalaki. "Take good care of my wife. I'll just kill this piece of shit."

Hindi niya maiwasang hindi mangatugan ng tuhod sa tono ng pananalita ng lalaking ito.

Ngunit hindi siya natatakot sa banta nitong papatayin siya.

Sino nga naman ang hindi mangangatugan ng tuhod kung kaharap mo lang naman ang leader ng isa sa mga makapangyarihang mafia sa mundo, maliban pa sa mga Coltrane?

Naramdaman niyang pinatulog ni Xavier si Cindy at mabilis na hinarang ang sarili sa tapat niya.

"Kill her? Then you must kill me first." Saad ni Xavier na kinagulantang niya.

"Then, prepare yourself too, you son of a bitch."

Hindi na niya nagawa pang makapag-react nang hindi nila inaasahan ang mabilis na pagsipa ni Roswell sa isang armed chair na nasa gilid nito at sinipa iyon sa kanila dahilan upang sila'y matumba.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Xavier. Ngunit magsasalita na sana siya, nang mabilis na namang nakalapit sa kanila si Roswell at hinablot ang kwelyo ni Xavier at malakas na sinuntok.

Tatayo sana siya nang mapansing nadaplisan siya ng pako sa kaliwang braso niya gawa ng kahoy na nasira.

Tumayo kaagad siya at nanlalaki ang mata nang makitang nakapatong na sa ibabaw ni Xavier si Roswell at sunud sunod itong pinagsususuntok.

Tiningnan niya muna sina Eliza na nangangating tulungan siya ngunit sumenyas siyang huwag mangialam at siya nang bahala. Sumunod naman ito at tiningnan ang apat na lalaking kasama ni Roswell. Kapwa relax ang mga itong naghihintay sa kanilang amo habang ang ilan sa mga Warlords Platoon ay nakatingin lamang at pawang mga nakangiwi.  Sa oras na 'to alam niyang pinigilan ni Xavier ang mga ito na tulungan siya.

Huminga siya ng malalim bago tumayo at mabilis na pinigilan ang kanang kamao ni Roswell na sumuntok muli.

Ngunit sadyang mabilis talaga ang reflexes ng lalaking ito dahil mabilis na nahawakan ng kaliwang kamay nito ang kanang braso niya, nakatayo at malakas na binalibag siya nito sa lupa.

Kaagad siyang sumipa mula sa pagkakahiga ng maramdamang ipupulupot ni Roswell ang kamay niya.

Napaatras ng bahagya si Roswell ngunit naging sapat na iyon para sa kanya para sundan pa ng sunod na atake ang kalaban.

Mabilis niya kasing hinablot ang isang kamay nito at ginawa rin niya ang ginawa ni Roswell sa kanya at gawing doble ang lakas na binigay niya.

Nang mapansing namilipit sa sakit ang kalaban ay agad niyang tinulungan na makatayo si Xenon na nahirapan na makatayo.

Inalalayan niya ito at mabilis niyang inilabas mula sa kanyang suot na relos ang limang piraso ng Acupuncture.

"Anong gagawin mo?" Tanong sa kanya ni Xenon.

"I'll remove the pain from your vital parts. Relax. We only have a half and minute to do this. Relax your muscles and concentrate."

Gaya ng sabi nito ay mabilis na nawala ang mga simpleng sakit sa katawan niya. Nagtataka nga siya kung bakit gaanong kabilis mawala ang sakit gayong base sa pagkakaalam niya ay it will takes an hour bago mo maramdaman ang ginhawang dulot ng nasabing karayom. Ngunit isinantabi na niya iyon dahil mukhang nakatayo na ng ayos si Roswell at nakabawi rin ng lakas.

Kita sa mukha nito ang galit sa ginawa ni Cindy sa asawa niya. But he doubt na makikinig ito ngayon sa kanila.

"May halong chemicals ang tinurok ko sayo. But don't worry its safe." Sabi niya kay Xenon.

"The best way to stop him is to do the dual combo switch, Xenon." Untag niya na kinalingon ng binata sa kanya.

Tiningnan niya ito.

"Mabilis kumilos si Roswell. Babasahin mo pa lang ang kilos niya ay nakalapit na ito sa iyo. We need to switch attacks para mapabagal siya at tuluyan natin siyang mapatigil." Paliwanag niya rito.

"Okay. Just be careful, Xyrene."

Nginisian niya ito.

"I know ikaw rin. Show me what you've got. You're the Emperor of Gangsters, remember?"

Nginisian lamang siya nito. "Okay. Sabi mo eh."

Napabalik ang atensyon nila kay Roswell, nang mariin at matatalim na titig ang binibitawan sa kanila.

They slightly tilted theirselves and maneuvered their arms and fists like they're ready to fight.

Mabilis na namang umatake ngayon si Roswell.

Hinarang ni Xavier ang sarili nito upang siya'y matamaan.

Pumunta naman ng mabilis si Xyrene sa kanan ng dalawa sabay talon ng mataas at binigyan ng flying back kick si Roswell mukha.

Napaatras ang kalaban. Ngunit hindi na nag-aksaya ng panahon ang dalawa at sumugod na muli.

Unang umatake ngayon si Xyrene, sunod si Xavier para bigyan ng mas malakas na combo ang ginawa ng nauna.

Sa una ay nasasangga pa ni Roswell ang atake ng dalawa. Ngunit kalaunan ay nauubusan na ito ng lakas dahil sa sunud-sunod na atakeng ginawad ng dalawa sa kanya.

Hinawakan ng mariin ni Xavier ang dalawang kamay ni Roswell sa likod nito habang nakataas ang kaliwang paa ni Xyrene sa mukha ng kalaban mula sa harapan.

"Hindi kami ang may gawa no'n sa kanya." Mariing sabi ni Xavier kay Roswell.

"Then tell me who?" Nanggigil nitong tanong sabay sipa sa kanang paa ni Xyrene.

Nang mawala si Xyrene sa harapan ay malakas na yumukod si Roswell dahilan upang mapabitaw sa kanya si Xavier at mapasubsob sa lupa.

Mabilis ring umatakeng muli si Roswell kay Xavier ngunit laking pagtataka nito nang magkasunod na naharang ng binata ang binitawan niyang suntok at sipa.

Nagulat pa siya nang pagkatapos na masangga nito ang kanyang tira ay ginawa rin nito ang ginawa niya sa binata.

Dahil sa panggilalas sa nangyari ay napabayaan niya ang kanyang sanggalang at siya'y natamaan.

Sinubukan muli niyang umatake ngunit mabilis rin nitong nasasangga ang mga atake niya.

Tiningnan niya ang mga mata nito. Kalmado ang mga iyon at tila may konsentrasyon.

He mentally cursed kung anong klaseng galaw at skill ang taglay ng lalaking ito.

"Stop it, now, Roswell. Or I'll kill your wife in an instant."

Mabilis nitong nilingon ang nagsalita. Doon lamang siya natauhan nang tila naging pamilyar sa kanya ang boses ng kalabang dalaga.

Kanina kasi'y nabulag siya ng galit nang makitang walang malay ang pinakamamahal na asawa. Kung kaya't hindi niya kaagad nakilala ang babaeng nakahawak ngayon sa asawa niya at tila may balak na totohanin ang banta.

Pinasadahan niya rin ng tingin sina Kaizer, Seb, Vash, at Jacob na ngayo'y namimilipit sa sakit at kapwang hindi kayang makatayo.

Bumuntung hininga siya.

"Let her go... Mafia Princess."

NAPANGISI SIYA NANG sa wakas ay nakilala siya ni Roswell. Kung hindi niya pa binantaang papatayin harap harapan ang asawa nito ay hindi pa nito mapapansin kung sino siya.

"We'll talk in a private place to discuss this, Roswell. At sa tingin ko naman ay wala kang balak dagdagan ang audience na nanunuod sa atin ngayon hindi ba?"

Napatingin na sa paligid si Roswell nang sabihin niya iyon.

Kanina pa kasi sila pinapanuod ng audience nila kaya kailangan nila ng private place to discuss some matters.

"Cure them first."

Then she does it.

Matapos tanggalin ang panandaliang pagkaparalisa ng mga kasamahan nito ay nagtungo sila sa isang parte ng West Coast kung sa'n maaari silang magkapag-usap.

"So, tell me. Are you up to do some business matters here? Dahil kung ako ang tatanungin mo eh ito ang unang pagkakataong nagkaroon ka ng interest sa ibang bagay. Maliban pa sa..." Sabay tingin sa asawa nito. "Napangasawa mo."

Tiningnan lamang siya nito ng blangko. She rolled her eyes, bakit nga ba niya kinalimutan ang ugali ng taong ito-- Cold as ice, impatient and bossy. Tss, whatever.

"Dual Combo Attack, huh. I thought you're not into it? Then why did you used it to me?" Untag sa kanya ni Mr. Roswell, ignoring her question.

At bakit nga ba niya inaasahang sasagot pa ito ng matino sa kanya? Kailan pa?

"Natutuwa ako't ikinatuwa mo iyon."

Bumuntung hininga siya kapagkuwa'y tumingin sa mga kasama nitong lalaki.

"Kailan pa kayo officially naging part ng organization na ito?" Tanong niya dun sa pagkakatanda niya ay Kaizer ang pangalan.

Nginitian siya nito na kinataas ng kanyang kilay. Lumapit pa ito at kinuha ang kanyang kamay.

"Kaizer Maxwell ang aking ngalan, magandang binibini." Sabay halik sa ibabaw ng kamay niyang hawak nito. "... at ako ang pinakagwapo sa kanila."

Nagulat naman siya nang biglang lumapit 'yung isa pa sa mga lalaki at dinunggo si Kaizer.

"Hi miss, Sebastian nga pala. At h'wag kang maniwala sa kumag na 'yan. Ako! Ako ang pinakagwapo sa kanilang lahat."

"Hey hey hey!" Tumingin naman siya roon sa lalaking tila sinusuway si Sebastian.

"Ikaw? Gwapo ka? Asa! Ano pa 'ko kung gwapo ka?" Tapos ay tumingin naman ito sa kanya. "Hi miss, Jacob Lee."

Pilit siyang tumingin kay Jacob. Ano bang problema ng mga 'to? Nakahithit ba 'to ng mga pusang gala?

"In your dreams, Jacob." Sabi naman nung isa at lumapit rin sa kanya. "H'wag ka sana papaloko sa tatlong 'yan. Mga ulul 'yang mga 'yan. I'm Vash by the way, mas gwapo sa kanila."

Tss. Okay na nung sinuway kung hindi lang humirit sa huli.

Magsasalita na sana siya nang marinig niya ang talagang sagot na hinahanap niya sa mga ito.

"I'm here 'coz I bet on you."

Napatingin muli siya kay Roswell na may suot ng pagtataka sa mukha.

"Bet?" Sabay turo sa sarili. "On me?"

"Totoo ang sinabi ni Bossing, binibini." Tiningnan niya bigla si Sebastian nang sumagot ito.

"Bakit?"

"Ms. Coltrane..." Tiningnan naman niya si Vash. "... hindi naman talaga kami nandirito dahil lang sa miyembro kami ng GVA Organization. We're exclusively invited para sa isang malakihang bidding."

Napatango lang siya rito at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kanila.

Tiningnan niya si Kaizer nang ito na ang sumunod na nagsalita.

"Lahat kasi ng mga inanyayahan upang sumali sa organisasyon na ito ay hindi sumali, and that includes us. But since we have the priviledge to participate without being a member ay sinunggaban kaagad namin ang bidding process ng laro."

"Sa GVA Bidding, pipili kami ng desired group mula sa mga kalahok na pag-aalalayan namin ng perang magiging kapalit once nanalo o natalo ang bet namin. It's not actually a literal bidding na gaya ng ginagawa sa mga auction."

Pinatigil niya muna si Jacob at siya'y nagtanong. "Wait, ibig sabihin kung kami ang pinili niyo na mananalo... sa magkanong halaga naman?"

Si Vash ang sumagot. "Sa totoo po niyan Miss Coltrane, maaari kaming magpalit ng bet. Ang tinutukoy ho kasing kailangan ipanalo ng mapipili namin ay yung mismong category ng laro, which is the 1st match; 2nd; Semi; and the Final Round. $10 Million ang una naming binid sa inyo nung unang laban niyo. At since nanalo kayo, samin mapupunta yung binid ng nag-bid sa kalaban niyo noon."

Unti unti niyang naiintindihan ang mga sinasabi ng mga ito.

Hindi niya aakalain na sa klase ng battle na ito ay nagagawa pang kumita ng mga bumibid sa kanila.

Akalain mo nga naman oo. Ito ba ang sinasabi ni Emmanuel Sy na makakatulong sa kanila sa pag-abot ng hustisya? Maaari na nga silang mapatay sa labang ito tas nagagawa pa ng iba pagpustahan sila na parang hayop?

Ang mga mapagsamantala nga naman oo. Maaari nga silang manalo hanggang sa dulo ng laro pero ang tingin lang ng mga pumusta sa kanila ay para lang sila nasa sabong na kapag sa loob ng arena matapang ngunit sa labas ay mahina. Na parang isang satisfaction para sa kanila dahil maaaring mabawasan at madagdagan ang mga iniingatang yaman.

"Kung ganoon pala, ano pang ginagawa niyo rito? Okay na 'di ba? Nanalo na kami. Nakuha niyo na ang premyo niyo."

Nagkatinginan ang apat na lalaki sabay tingin kay Roswell. Tinanguan naman sila nito at muling humarap sa kanya.

"Ang totoo niyan," segunda ni Kaizer. "Nag-bid muli kami sa inyo and this time... hanggang final round na ito."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"At sa halagang $100 Trillion. Kasama na ang ari-arian ni Mr. Roswell." Pagtatapos ni Jacob.

Kulang ata sa kanya ang panga niya para mahulog sa sahig dahil sa narinig.

Napangiwi siya sa presyo. Sinama pa ang buong ari-arian nito?

Napatingin ito kay Roswell.

"Alam mo, hindi ko alam kung matalino't tuso ka talaga o sadyang tanga ka lang eh." Nilapitan niya ito at kinulweyuhan. "Anong kapalit nito, Roswell?"

Sabi na eh, tama lang na hindi niya kalimutan ang ugali nito. Gagastos ang lalaking ito ng ganoong kalaki para lang sa ikakapanalo ng grupo niya? No fucking way kung kawanggawa ang dahilan nito. Alam niyang may kapalit iyon. Sigurado siya.

Nagtagis lalo ang kanyang bagang nang makita na nakangisi sa kanya ang kinukuwelyuhan nito.

Gotcha!

"I just want you to win this game, Coltrane." Simpleng sagot nito.

Binigyan niya ito ng matatalim na tingin.

"Para ano? Dumami ang pera mo? Alam kong may iba pa, Roswell. Hindi ka gagastos at sasali sa isang walang kwentang bidding kung wala kang makukuha na ikakabuti mo. Ngayon, spill it."

Nagbago bigla ang ngisi ni Roswell at ngayon ay seryoso na lamang at tila kalmado ang mukha na kinabigla niya.

Ilang minuto pa ito bago sumagot.

"I just want this place be mine for my wife. I'll change this place and turns it into a beautiful paradise just for her, Xyrene. That's the reason why, I bid my whole life to you. I'm giving you a responsibility not for a bad purpose but for the beautiful world that I can give to my wife."

Nabato siya sa kinakatayuan niya at nabitawan ang pagkakakwelyo kay Roswell.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magugulat nalang sa mga pagbabagong nagaganap sa lalaking isa sa mga kasosyo niya sa negosyo at sa hinahawakang grupo. Gusto niyang kiligin na ewan sa mga pinagsasabi nito.

Ginagawa ng lalaking ito ang lahat para lang sa asawa niya? Dahil gusto nitong ibigay ang mundong kaya nitong ibigay alang alang rito?

Napatawa na siya ng pagak. Yung tipong tawang nagigilalas sa pagkamangha sa isang bagay at muling tiningnan si Roswell.

"So you're falling deep huh."

"Yeah, I think so."

Sa 'di malamang dahilan ay bigla siyang napasagot ng...

"Sige, tinatanggap ko ang responsibilidad na ibinigay mo." Sabi niya nang nakangiti.

Nginitian rin siya nito ngunit tipid lamang at kapagkuwa'y ngumisi sa kanya.

"Don't worry, Coltrane. I'm not giving this kind of responsibility to you that you'll never be benefited." Napakunot noo siya sa sinabi nito.

Mas nangisi ang binata sa kanya kapagkuwa'y lumapit sa tainga niya bumulong.

Nanlaki ng husto ang mata niya sa binulong nito.

Pinagmasdan niya lamang ito na tila napakaimposibleng malaman at mahanap ang lead na hinahanap niya.

.

.

.

"May clue ka na kung sino ang anak ni Frontier?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action