Chapter 26: Excretive Killers

Chapter 26: (Unedited)

Excretive Killers 

“SA TINGIN MO sasagutin ko ‘yang walang kwenta mong tanong?!” Singhal sa kanya pabalik ni Claire nang tanungin niya ito kung bakit nito kinuha sa kanya ang binigay ni Xavier na pendant.

Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal sa babaing ito mula sa likod.

“I’m going to forgive you para sa una mong sagot sa’kin, Claire. Sa susunod na maling sagot na bitawan mo…” Nilapit niya ang bibig niya tainga nito at bumulong. “Hindi lang ikaw ang mamamatay ngayon, maging ang kapatid mo.”

Nanlamig panandalian ang buong sistema ni Claire. Ngatog bigla ang mga tuhod niya nang marinig ng mga iyon sa bibig ng dalaga.

She almost forgot kung sino nga ba ang babaing ito. She almost forgot how powerful and dangerous this girl might be. Na kahit nung unang beses niyang malaman iyon sa isang tao ay ang pagtayo ng kanyang mga balahibo ang initial reaction at pagkatulala ng ilang sandali.

Seryoso nga ang dalaga na alam nito kung sino ang kapatid niya. Kanina kasi ay nagdadalawang-isip pa siya kung totoo ang sinasabi nitong babaing ito. Pero ngayong binabantaan na nito ang buhay ng kapatid niya, sigurado siyang kilala nga nito kung sino iyon.

Hindi na siya makakapayag na may mangyari sa kapatid niya. It was damn enough for her ang halos sampung taon na paghahanap. She will do anything just to protect her brother.

“S-Sabihin mo s-sa’kin k-kung nasa’n siya.” Nahihirapang saad ni Claire.

Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal rito at inilapat na ang hawak na patalim sa leeg nito at handang laslasin ano mang oras.

“Hindi ako mahilig makipagnegosasyon sa mga ganitong pagkakataon, lalo na sa isang katulad mo, Claire. Pero sige. Dahil natutuwa ako sa ginagawa ko sa'yo ngayon. I’ll give you some hint, para malaman mo kung sino ang kapatid mo.”

Kahit na hirap na hirap sa pwesto si Claire, ay nagawa niya pa ring makapagsalita.

“Hayop ka! Nasa’n siya?!”

“Woah! Chill girl! Bibigyan na nga kita ng hint ikaw pa ang galit? Nakaka-hurt ka naman ng feelings, Claire.” Sabi niya sabay arteng nasasaktan.

“H’wag mo ‘kong artihan ngayon, Xyrene. Kapag lang talaga ako nakawala rito.”

Ngumisi siya. “Kung iyon eh, kaya mong umalis sa pagkakagapos ko sa’yo ngayon.”

Claire tried again to escape but she still couldn’t make it.

“Nasa’n ang kapatid ko?” tumingin si Xyrene kay Eliza na seryosong nakatingin kay Claire.

“Bakit pa…?” Napadako bigla ang tingin ni Claire sa kapatid ring si Eliza. “Eh ikaw na nga rin mismo ang nagtaboy sa kanya nung mga panahong kailangan niya ng ate hindi ba?”

Napatahimik si Claire at napatulala sa sinabi ni Eliza dahilan upang matigil siyang manlaban ngunit muling tumapang ang kanyang mukha at nagtagis ang bagang.

“Wala kang alam!” Claire said while gritting her teeth. “H’wag kang magsalita d’yan na akala mo eh kapatid kita. Never in my entire life will accept you as my sister!”

“Then, the feeling is mutual, Claire. At isa pa, don’t react like ikaw ang legal na anak ni Papa. Kaya h’wag mo ‘kong artihan na hindi mo ‘ko matanggap bilang kapatid dahil in the first place… mga anak lang naman kayo sa labas!”

“Hayop ka!” nagtatagis na sambit ni Claire.

Hinigpitan muli ni Xyrene ang pagkakahawak sa dalaga nang maramdaman niyang balak na nitong sugurin si Eliza.

“Hayaan mo siya, Xy. Hayaan mong ipakita niya sa atin ang natutunan niya sa America nang sapilitan siyang papasukin ni Daddy sa organisasyon ng mga Coltrane and you as their Mafia Princess.”

Nakangisi namang binitawan ni Xyrene si Claire ngunit nagsalita siya saglit. “Please stop mentioning me in that pathetic title, Eliza. You know that I hate calling me in that kind of name.”

“Sorry.”

“W-Wait. W-What do y-you m-mean…” tumingin bigla si Claire sa isang reyalisasyong lumukob sa kanya. “You’re the Mafia Heiress?”

Gulat na gulat ito sa nalaman. She actually wants to know ang taong mamamahala kalaunan sa organisasyon kanyang sinalihan. The heiress that privately hid for so many years and now, she's infront of her at matagal na pala niyang kilala.

Ngunit may mga katanungan pang sumasagi sa isip niya.

Xyrene rolled her eyes.

“Malamang sa malamang. I’ve declared as the Coltrane Empire Heiress ‘di ba? Kaya sa malamang niyan ako rin ang tagapagmana ng punyetang organisasyong iyon. C’mon, Claire! Wake your sleeping brain cells up!”

Nagtagis ang mga bagang ni Claire. Biglang may umusbong na galit sa puso niya. Galit na biglang nabuo at nabuhay sa tinagal na panahon.

“Ibig sabihin, ikaw ang dahilan kung bakit ako nasali sa organisyon ninyo na sana ay kasama ko ngayon ay si Akiro? T’as ngayon, inaagaw mo na siya sa'kin?”

“Aba teka! Bakit sa’kin mo isisisi ‘yan? Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Akiro, dahil mas pinili mo ang pagsali d’yan kesa sa kanya.”

Napatawa ng pagak si Claire.

“H’wag mo ‘kong parangalan na parang hindi ko piniling h’wag sumali sa organisasyon ninyo, Xyrene. Unang beses palang na sinabi sa akin ‘yan ni Daddy, ang pagkadisgusto na agad ang naging desisyon ko na ‘di-sumang-ayon sa kanya. Pero anong magagawa ko kung ang tatay ko pa mismo ang nagbanta na papatayin niya si Akiro kapag hindi ako pumayag ? ‘Di ba wala?”

She was speechless while Claire, confessing her side to them.

Seryoso niyang tiningnan ang patuloy na paglandas ng luha ni Claire habang sinasambit ang mga iyon sa harap niya.

Kitang-kita sa mga luha nito ang ilang taong hinanakit dala ng kinasadlakan ng buhay nito— sa pamilyang Perez-Altamirano.

She understands her. But not the way she see it to her eyes.

Kung ayaw mo, ayaw mo. dapat puso at isip ang siyang nananaig sa oras na ika’y nagdedesisyon.

Oo, may pagpipilian ang babaing ito ngunit marahil nabulag ito sa takot na mamatay si Akiro kaya nagpasakop siya sa ama nito.

“Claire…” tiningnan siya muli ng dalaga nang magpunas ito ng luha. “Maaaring ang desisyon mong pumayag sa pagsali ang naging paraan mo upang mailigtas si Akiro sa kamatayan nito, na kaya ka nasasaktan ng ganito. Yes, Love can make everyone happy but love can also destroy everything. Sa kagustuhan mong mailigtas ang taong mahal mo ay hindi mo na naisip ang maaaring resulta ng ginawa mong desisyon. Ni hindi mo man lang inalam kung hanggang saan nga ba ang pag-iibigan ninyo ni Akiro, kung papayag ba siyang hayaang mamatay sa harap mo. Ngunit gay ng sabi ko, hindi mo inisip at inalam bagkus ikaw na rin mismo ang nagdesisyon ng kapalaran ninyo. Ikaw na mismo ang nagtapos ng lahat ng pangarap niyo, ikaw ang unang sumuko.”

Natahimik si Claire pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Xyrene sa kanya.

A realization hit her nang ipamukha sa kanya ang katotohanan ng kanyang katangahan at kabobohan dahilan kung bakit siya nagdudusa at lumuluha ngayon. Luha na nagdala sa kanya upang gustuhing patayin si Xyrene, sa kadahilanang ang babaing ito rin ngayon ang bagong mahal ni Akiro. Dala ng selos.

Yeah, she decided to take Xyrene’s Pendant upang gamitin ito kay Xavier at si Xyrene naman ang pasakitan yaon. Kasama na roon ang pagbibigay niya ng pugot na ulo ng isang lalaki sa condo mismo ni Xavier at magbalat-kayo bilang ang dalaga mismo.

Kung sabagay nga naman.

Kung sakali nga namang mangyari at mapagtuloy ang kanyang mga plano ay nakikita na niya ang magiging resulta noon. Iyon ay walang iba kung’di ang pagkadisgusto ng binata sa dalaga sa inaakalang krimen na ginawa niya. Na maiparanas sa dalaga ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Maaaring maisakatuparan niya ang planong iyon ng wasto at perpekto, lalo pa’t ang iniisip ngayon ni Xavier na si Xyrene mismo ang nagdala ng pugot na ulo sa condo nito.

“I know what you’re thinking, Claire.” Malamlam na mata niya itong tiningnan. “Hindi kailanman magiging tama ang pagpaparanas ng kaparehong sakit upang maibsan ang sakit na iyo ring nararamdaman.”

Dala ng paghihina ng dalaga ay napaupo ito sa sahig at namumuo na naman muli ang nagbabadya nitong mga luha sa kanyang mga mata.

Nabigo siya. Ngayon palang ay nabigo na siya sa kanyang plano.

Hindi pa man ‘din nagsisimula, ngayon ay natuldukan na kaagad.

Nilapitan siya ni Eliza at Xyrene at parehong inalok ang kani-kanilang mga kamay.

Tumingala siya ng kaunti upang makita ang mukha ng dalawa. Pareho itong mga nakangiti ngunit tipid.

“B-Bakit h-hindi n-niyo nalang ako patayin?” Tanong niya sa mga ito. “Bakit hindi mo pa ‘ko patayin Eliza?”

“Kasi kapag pinatay kita ngayon palang… baka hindi mo man lang makita ang kapatid mo, ang kapatid natin.”

Nagbalik ang kanyang atensyon nang marinig ang tungkol sa kapatid. Yeah, maybe their love story was already ended pero tama si Eliza. This is not yet the end of her life. Bukod nga pala sa plano nito kay Xyrene ay ang paghahanap din sa kanyang nawawalang kapatid.

“Nasa’n siya Eliza? Nasa’n ang kapatid natin? Anong balita na ang nakalap mo?” sunud-sunod na tanong nito sa dalaga.

Kinalas ni Eliza ang pagkakapit ni Claire sa dalaga at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

Tumingin muna si Eliza kay Xyrene. Nakangiting aso namang tinanguhan ito ng dalaga tanda ng pagsang-ayon.

Naiiling na nakangiting binalik ni Eliza ang kanyang tingin sa kapatid na si Claire at nagsalita.

"He's..."

"ANONG NANGYAYARI?" TANONG ni William nang makarinig sila ng sigawan sa may 'di kalayuan lamang.

Nasa West Coast kasi sila ngayon at nagsasanay gamit ang mga iba't ibang gamit sa naturang lugar na makakatulong sa kanilang maging malakas.

If you’e going to visualize the West Coast, ibang-iba ito sa mga training grounds sa Pilipinas o kahit sa America.

May pagka-classy ang mga gamit roon at pawang lahat ng gamit ay gawa sa kahoy. Even the different obstacle courses ay gawa sa matitibay na kahoy.

Napababa sina Xavier at Marco sa isang malaking hanging wood at galing sa pagkakalambitin roon nang marinig nila ang sinabi ni William.

“Maaaring nagsisimula na muli ang second battle ng ikalawang participants’ ng Battle Cross, kaya may mga naghihiyawan.” Sagot ni Charles habang nakatingin sa binabasang magazine at prenteng nakaupo sa isang malaking sanga sa itaas ng puno na malapit sa kanila.

“Really?” Hinihingal na tanong ni Xavier. He grabbed his towel at pinunasan niya ang pawis na tumutulo sa kanyang topless na katawan. Then after that, kinuha niya ang Anklet Identifier at tiningnan kung sino ang naglalaban. “Ohhh!”

Napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya.

“It’s White Larynx Assassins Vs. The Midnight.”

Napasipol sina Harold at William.

“That would be a great fight, huh.” Komento ni Marco habang nagpupunas rin ng pawis sa katawan since pare-parehas silang naka-topless ngayon.

Ngumising aso naman ang iba. “Wanna watch?” anyaya ni Harold.

“Tara! Nood na tayo mga ‘dre!” pagpipilit ni William sa kanila. Ngunit umiling-iling siya sa kaibigan.

“Passed.” Saad niya.

Napatingin naman si William dito at ngumuso. “Xenon naman. Sige na! nuod na tayo. Baka magka-advantage pa tayo dahil sa panunuod natin sa kanila oh!” Ngumisi siya sa kaibigan na tila nahinuha na ang nasa isipan.

“Dude, alam kong gusto mo ‘kong kumbinsihin para lang pag-aralan ang mga galaw nila. Kung ano ang mga kahinaan nila. But I need to talk to somebody right now, and I’m going to put the responsibility to—”

Hindi na siya natapos pang magsalita nang hinarang kaagad ng hintuturo ni William ang bibig niya para mapatahimik siya.

“Brad, kilala ko ‘yan pupuntahan mo.” Aniya.

“Oo nga. Somebody, somebody ka pang nalalaman d’yan. Ulul mo pare! Hahaha.” Untag ni Harold.

Napabungingis na rin sina Charles at Marco dahil nakita nila ang kaunting pamumula ng kanilang pinuno,

“Hahaha! ‘Yun oh! Binata na si Mamen! Namumula ang gago!” pang-aasar ni Harold.

Nanggigil naman si Xenon at isa-isang pinagsasapak ng towel ang mga kaibigan.

“Fuck! X-Xenon! O-Oo na! Hindi ka na namin aasarin.” Sigaw ni William.

Hindi niya ito tinigilan dahil patuloy pa rin sa pagtawa ang iba. Ngunit natigilan silang lahat sa isang malakas na hiyawan.

Isa na ‘ata ‘yun sa malalakas na hiyaw na narinig nila so far. At nagtaka na sila.

Nagkatinginan silang lima sa isa’t isa at sabay sabay na tumango-tango.

Nawala na sa isipan pa ni Xenon ang taong kakausapin niya ay walang iba kung’di si Xyrene nga mismo. Actually, he wants to talk to her regarding sa pendant na binigay nito sa kanya. Kagabi pa kasi niya iniisip ‘yung pendant na suot kagabi ni Claire na halos katulad na katulad sa binigay niya kay Xyrene.

Pagkarating sa lugar ay sabay sabay ang reaksyon ang binitawan nilang lima sa nakita.

Sino ang hindi magugulat kung ang aabutan mo ay halos isang karumal dumal na paglalaban?

Kitang-kita nilang lima kung paano pinadausdos ng leader ng White Larynx Assassins na si Kasiragi ang likod ng isang miyembro ng The Midnight sabay baon ng kamay nito sa gulugod ng lalaki.

Lahat ay napasinghap miski sila.

Ngayon lang uli nila nasaksihan ang ganitong bagay kung kaya’t nagitla sila sa nangyari.

Kitang-kita niya kung paano ngumiting aso si Kasiragi ng magawa niya iyon sa kalaban. Tila tuwang-tuwa pa nga ito ng gawin niya iyon at para lang laruan ang turing sa spinal column.

Napatuon ang mata niya nang tumingin si Kasiragi sa kanya, sa mga mata niya sabay ngisi. Waring pinapakita nito sa kanya ang kaya niyang gawin sa kalaban at sinisindak siya.

Naramdaman niyang tumingin sa kanya ang mga kaibigan niyang sina William ngunit hindi niya ito nilingon bagkus ay nakipaggyerahan pa ito ng tingin sa katitigan.

“He’s underestimating your ability, Xenon.” Turan ni Marco sa kanya na may halong pang-uuyam at pagkatuwa sa titig na binabato ni Kasiragi sa kanya.

Nagtagis ang kanyang bagang and gave Kasiragi a deadly glare, but this nuisance was just smirking at him.

Napatuon muli ang tingin niya nang biglang suminghap muli ang mga manunuod sa laban.

Does he mention that the battle is currently happening sa gilid mismo ng isang ilog ng isla?

Probably not, but since the battle is heating up your feet he ignored Kasiragi’s attention at pinanuod ang isa pang miyembro ng WLA na halos naroon na sa may gilid na gilid ng ilog at corner na ito ang kalaban.

“They’re still excretive killers as ever.” Natatawang komento ni Marco na kinangisi rin niya.

Napatingin muli sila doon sa dalawang nasa pinakagilid na mismo ng ilog. Mabato na ro’n at talagang delikado.

Kinilatis niya ang dalawang ito.

Average lang ang speed, punches, kicks and dodges ng isang kalaban (The Midnight member).

Pansin naman niyang ‘di gaanong nag-eexert ng effort o ng lakas ang kalaban nito. Most likely the power of punches lang naman ang ginagamitan nito ng mababang energy but the speed and agility was truly magnificent. Why? It’s still average yet, calculated.

Mukhang pinaghandaan talaga nila ang taong ito.

Untag ng kanyang isipan. Ibang-iba kasi ngayon ang galawan ng mga WLA kumpara noong huli niyang sali sa patimpalak na ito.

Kung dati kasi ay halos puro leeg lang ang puntirya ng mga ito ay ngayon ay hindi gaano. Well, andoon pa rin ang specialty nila of how they’re going to their prey but they mixed some ingredient and put some flavor on it.

They’re also now, focusing on the dodge style dahil iyon ang nakita niya noong kahinaan ng huli silang maglaban.

Hindi kasi nila iniinda noon ang mga tama sa kanila para lang maabot ang leeg ng kalaban.

Napansin rin niya ang mga sweet moves ng mga ito. They’re like dancing with their beat at bawat ilag at galaw ay may smarte at pilantik na galaw. It’s not actually bad for them to do that, mas lalo nga itong nagpapalakas sa bawat tira nila sa kalaban.

Napansin niyang napagod na ‘ata ang kalaban ng magpartner na pinapanuod niya sa gilid ng ilog.

Kitang-kita niya na ngumisi ang miyembro ng WLA at walang kahirap hirap nitong sinuntok sa kaliwang panga, dahilan upang ito’y matumba patalikod at bumagsak sa mga bato.

But, he didn’t expect ang sunod na nangyari.

Imbes kasing hayaan nitong matumba ang mauntog sa mga bato ang kanyang kalaban ay inalalayan pa niya itong na naging dahilan ng pagkakakunot ng kanyang noo. Pero siguro nga, hindi dapat tayo gano’n lang nagtitiwala sa ating nakikita.

Dahil sa pag-aakalang tutulungan niya itong tumayo since pabagsak na ito ay hinawakan pa nito ng kanyang dalawang kamay ang balikat ng kalaban at isinangkalan ang isa niyang paa upang makabalanse.

Nang ito’y makabalanse na, ay kitang-kita niya kung paano pinadausdos rin ng lalaki ang kanyang kanang kamay sa likod nito pababa pagkatapos ay pataas hanggang sa umabot na mismo ang kamay nito sa batok ng kalaban sabay pisil ng mariin na tipong pati ang mga daliri nito ay bumaon sa leeg ng biktima. Dahil sa pinakitang kabrutalan ay nagdulot ito ng matinding hiyawan mula sa mga manuuod.

Hindi pa nakuntento ang naturang lalaki dahil pagkatapos no’n ay hinawakan naman nito ang buhok ng kalaban sabay hampas ng ulo nito sa pinakamalaking bato sa paanan nila.

The guy has now stray blood on his clothes. Nagkalat iyon sa kanyang mga kamay.

Napatingin na siya sa ibang direksyon nang wala pa ring awa na paulit-ulit na hinahampas ang ulo ng kalaban sa malaking bato.

Puno ng pandidiri ang naging hilatsa ng mga manunuod. At dahil sa mga ito ay may tinanghal ng panalo.

“You win… White Larynx Assassins. Congratulations!”

Formal announcement na mula sa GVA organizers.

Hindi na niya binalak pang tingnan ang mga ito dahil nakakasiguro lang siya na magmamayabang lang ang mga ito sa kanila maya-maya lang kaya naman inanyaya na niya ang mga kaibigan na umalis at magbalik sa Training Grounds. Tumingin siya sa paligid, maging ang mga nakapanuod ay mabilis na tinuon ang mga sarili sa kani-kaniyang mga gawain.

Habang sila’y paalis ay napansin niya ang gusto niyang kausapin.

Natigil siya sa paglalakad at awtomatikong gumuhit sa kanyang mga labi ang isang ‘di mababayarang ngiti.

Ngunit agad iyong nalusaw nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga.

Kitang-kita niya ang mga ngiti ng dalaga sa lalaking kausap.

Ngiting parang unang beses palang niya nakikita.

Alam niyang ang ngiting iyon ang isang bagay na hindi mababayaran kailanman.

Ngiting kailanman ay hindi pinakita sa kanya ng dalaga. ngiting pinagkait at ‘di man lang binahagi ng ilang sandali.

Nagtagis ang kanyang bagang nang makita niyang nakatingin sa kanya si Akiro.

Ngumisi ang binata na siya nitong kinagulat. Sumilay sa lalaing iyon ang ngiting hindi niya nanaising makita.

Nanlaki na lamang ang kanyang mata nang makita mabilis na inapuhap ng labi ng binata ang mismong labi ni Xyrene.

“You son of a bitch!” Gigil niyang sabi sa sarili.

1… 2… 3… 10… 13… seconds. Iyang ang eksaktong bilang niya sa segundo ng halik ng binata sa dalaga.

“I’ll kill you…” Pabulong niya muling saad sa sarili.

Matatalim ang binitawan niyang tingin kay Akiro. Si Xyrene naman ay pawing nakatulala at tila hindi na nakaalis sa kinatatayuan niya ngayon na mas lalong nagpainis sa kanya.

Sa ‘di kalayuan ay nakita niya si Claire. Lumalamlam ang kanyang mga mata nang makitang naglandas na luha sa mga pisngi nito habang nakatitig kay Akiro.

He smirked to the thought that was come out from his filthy mind.

“Lintik lang ang walang ganti.” Saad niya sabay… “Claire!” Pinilit niyang ngumiti kay Claire kahit ang totoo ay bwisit na bwisit na siya at gustong niyang sumimangot.

Nilapitan niya si Claire na hindi naman ganoon kalayo sa dalawa.

Walang anu-ano’y hinalikan niya ang dalaga at pumihit pa siya para lang makita ang reaksyon ni Akiro sa ginawa niya.

Nakita niya itong nagkuyom ng kamao. Mukhang tama na agad ang hinala niya.

1… 2… 3… 10… 13… seconds.

Alam niyang binilang rin ni Akiro ang kanilang halikan ng ganoong kabilis. Ngunit napabilis ‘ata ang pagkalas niya sa halik nang mapadako ang kanyang mga mata sa mata ni Xyrene.

Namutla siya nang makita itong blangko ang mukha at halata sa mata na malapit nang tumulo ang nagbabadyang luha. Ngunit natigil iyon nang biglang tumalikod ang dalaga palayo as kanila.

Tiningnan niya si Akiro.

Kung kanina ay nakakuyom ito at nagtatagis ang bagang, ngayon ay nakangisi muli ito sa kanya at nilapitan pa siya at binulungan.

“Thirteen (13) seconds of your death… Coming right up.”

 

“Screw yourself to the depth of despair, asshole.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action