Chapter 25: The Battle Cross (1st Match)

Chapter 25:

The Battle Cross (1st Match)

 

—    The battle was about to start. The magic twelve will turned to six. Battle in between… a Gangster vs. Assassin –

Instruction: (Imagine that this was announced on the orientation)

"Battle Cross, is the another term for the 1st match of the game. There will be only six (6) gangsters and assassins left after the said battle from its original twelve (12) participants.

In this battle, there will be no announcement of official list of who must going to be the first combatant (also called participants) will compete on their respective opponent. Meaning, the battle will eventually starts anytime, anywhere and… randomly.

If each team already knew who might their opponent was, the leader of the group will choose whose member of their group will be their representative to compete.

Let me remind you that every battle, there’s only be one or more representative will join according to their leader's decision.

The winner on this game will be under the supervision of Improvised Anklet Enemy Identifier-- the anklet is composed of two functions. The first one is to identify your opponent and the other is your Life Points.

Every group will be given a 5000 life points in every battle. The first group who run out their life points will declare as a loser.

If you wanna win, there’s only one thing you need to be sure about…

Kill? Or Lose."

_________________________

 

 

KINABUKASAN…

Maagang bumangon ng kama si Xavier. Ginising niya ang kanyang mga kaibigan— sa paraan kung paano ang isang pinuno mamuno sa kanyang mga nasasakupan.

Pumunta siya sa kusina. Kinuha niya lahat ng mga bagay na nakita. Plato, garapon, sandok, kawali at hinggit sa lahat ay kutsilyo. Ngumisi siya bigla sa naiisip niya.

Bumalik siya sa maliit nilang sala sa malaki nilang unit. Tiningnan niya ang bawat pinto ng kanyang mga kagrupo.

Kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone nito kapagkuwa’y dinial ang apat na kaibigan ng sabay-sabay.

Narinig niyang nagsitunugan na ang mga telepono ng mga ito. Ang iba ay narinig niyang umungol na tila inis na inis dahil may nang-iistorbo ng tulog.

Sinagot rin ng apat nang sabay-sabay.

“Hello!”

“Deputa naman oh! Istorbo ka gago!”

“Sino ba ‘to?!”

“You’ll dead kung ‘di ka sumagot ng ayos.”

Napangisi siya lalo. Sigurado siyang narinig ng apat ang kani-kanilang boses, dahil tumahimik ang linya.

Ngumiti siya. “Brace yourselves… Death will be prevail.” Then he hung it up.

Ilang segundo ang lumipas ay narinig niya ang mga lagabog sa kani-kanilang kwarto. Tanda na nahintakutan sa kanyang sinabi.

Dalawang minuto pa ang nagdaan ay isa-isa nang nagsipagbukasan ang mga pintuan ng kanyang mga kasamahan.

Sa paglabas ng apat, nanlaki ura-urada ang kanilang mga mata. Sino ang hindi, kung sa paglabas mo ng sarili mong kwarto ay may mga nagsisiliparang mga gamit ang sasalubong sa iyo?

Naging mabilis ang adrenaline rush at reflex abilities ng apat.

Iniwasan nina Harold at William ang mga platong naging flying saucer na papalapit sa kanila. Ang iba roon ay nasambot nila at hinagis rin ito upang salubungin naman ang mga papunta pang plato.

Sinambot naman ni Charles ang mga garapon, kawali, sandok na papalapit sa kanya. Paatras siya ng paatras habang sinasambot ang mga ito. Muntikan na nga itong mawalan ng balanse nang muntikan na siyang mapatid dahil sa nakahambalang na sopa na katabi niya lamang.

Tuwid ang ekspresyon ang ipinukol naman ni Marco sa kanyang pinuno bago isa-isang sinasambot ang mga kutsilyong binabato sa kanya. Ngunit habang patagal na patagal ay nahihirapan na siyang sambutin ang mga iyon. Sa bawat bato kasi sa kanya ay waring lumalakas ang bawat hagis niyon, nilalagyan ng pwersa kung baga.

Nang wala ng mabato ang binata sa kanyang mga kaibigan ay tumigil na rin lamang siya.

Ipinatong na lamang niya ang kanyang kanang binti sa sopang nasa harapan niya kapagkuwa'y tiningnan naman niya ang mga kaibigan.

"Alam mo? Kaya ayokong kasama ka sa iisang bubong ay dahil d'yan sa napakaganda mong morning greeting sa amin e." May halong sarkasmong sambit ni Harold sa kanya.

"Oo nga, puta are we not allowed to wake up in the morning na walang nagliliparang gamit sa bahay?!" Turan naman ni Charles habang binababa nito ang mga nasalong kawali, sandok at iba pa.

"Bakit ba? Ayaw niyo 'yon? Maagang praktis?"

"Gago! Kakasikat palang ng araw pinapatay mo na kami e." Harold

Nagkibit balikat na lamang siya habang nakikita niyang naghahabol ng hininga ang apat.

Ngunit matapos ang ilang minuto ay napangisi muli siya.

"Well... Good Morning assholes!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon na may ngiti sa labi ay malakas niyang sinipa ang sopang pinagpatungan niya ng kanyang paa.

Halos, hindi mo na maipinta ang itsura ng apat sa ginawa ng kaibigan.

Kaagad na isinangkalan ng apat ang isa nilang paa sa likod sabay tukod sa pader habang bumubwelong tumalon paitaas.

Kailangan nilang gawin iyon dahil kung hindi ay panigurado na mapipipi sila ng wala sa oras.

Pagkalapag sa sahig ay nakita nilang kumakaway patalikod ang kanilang pinuno habang dala ang isang tuwalya at dumiretso na ng banyo.

"IS THAT THE best all you've got?!" Singhal ni Andrei habang patuloy siyang binibigyan ni Eliza ng matitinding suntok at sipa.

Tinaasan lang siya ng kilay ng dalaga kapagkuwa'y ngumisi. "Andrei, if you're planning to boost up my determination by doing that then let me tell you that it isn't worked this time. Mukha mo palang, nakakaboost na ng self-esteem ko para lang sapakin ka lalo."

Then she hardly punches and kick Andrei's bulge, but she noticed already that the guy must have expected na ito ang patatamaan niya kaya naman tumigil siya saglit kapagkuwa'y sinipa ang t'yan nito na kinabigla ng binata.

Umumid sandali ang katawan ng binata. He didn't expect that one. He barely sure ang gagawin ng dalaga. But then again, maybe his instinct was not right afterall.

Lumapit si Eliza sa binatang nakaupo at hawak ang t'yan. "Is that the best all you've got?"

Tiningnan siya ng binata na halos patayin siya sa tingin.

"Get up, Andrei. This is not your if-looks-could-kill moment." Utos sa kanya ni Xyrene na prenteng nakadikwatro sa isang malaking sanga ng puno na malapit sa kanila.

Nasa West Coast sila ngayon kung saan nakalatag ang mga gamit pang-ensayo at ang mga kagamitan na maaari nilang gamitin upang makatulong.

"Ikaw naman kaya ang mag-ensayo rito, Xy? At bakit mo ba sa aming dalawa tinuturo 'yung bagong hand technique na ginawa mo?" Tiningnan ng mariin ni Xyrene si Andrei.

Napalunok bigla ng laway si Andrei nang makita ang mga titig sa kanya ng pinuno.

Iba ang titig nito sa kanya, seryoso ang mukha nito at tila walang emosyon ang mukha.

Huling kita niya sa ekspresyon na ito ay ang mga panahong may pinapatay sila o 'di kaya naman ay curious ito sa isang bagay kung kaya't ganito ang pinapakita nito.

"Do you have any problem with my order, Andrei?" Taas kilay na tanong ng dalaga sa kanya.

"A-Ah. Wala, Xy. Don't mind him. Maybe he's just tired na kaya gan'yan ang sagot niya." Sabi ni Eliza pagkatapos nitong hinila patalikod si Andrei.

"Don't talk to her like that, Andrei." Bulong na may senyas na sabi ni Eliza sa binata.

Napakunot noo naman si Andrei. "But why? Is there any problem?"

"Wala naman. Pero alam mong kapag gan'yan ang hilatsa ng mukha niya e may malalim 'yang iniisip ngayon. So, we better not disturb her nor refuse to her orders. Got that?"

Tumango na lamang siya at pinagpatuloy nilang dalawa ang ensayo nila.

Tiningnan muna niya muli ang pinuno na ngayo'y nakakunot ang noo na nakatingala sa puno. Sinundan niya ang tinitingnan nito at nakitang si Akiro ang nasa itaas ng puno.

Nagtataka na siya ngayon, lalo na sa titig na ipinupukol ng dalaga kay Akiro.

"NAGKITA MULI TAYO, Black Xenon." Napatingin ang binata sa nagsalita habang papasok silang Warlords sa East Freedom Coast.

Nagkasalubong ng tingin si Xenon at ang lalaking nagsalita. "Ah. Ikaw pala 'yan, Blare."

Ngumisi si Blare. "Yeah, you're biggest nightmare, Xenon."

Napatigil si Blare nang marinig niyang tumawa ng malakas si Xenon.

"At bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Tanong niya.

Patuloy naman sa pagtawa si Xenon. Waring hindi narinig ang sinabi nito.

Maging ang ibang Warlords ay nagtataka sa biglaang pagtawa ng pinuno.

"Hahahaha. So-sorry... pfft! Nakakatawa— Hahahaha— ka kasi."

"At anong nakakatawa sa'kin, Xenon?"

"Wala, just... nevermind— pffft! Hahaha."

"Xenon!" May halong iritasyon na ang binitiwang babala ni Blare kay Xenon.

Pinunasan muna ni Xenon ang luhang tumulo gawa ng kanyang sobrang pagtawa, kapagkuwa'y nakangising aso na tumingin kay Blare.

"Alam mo kasi, Blare. Diretsahang sagot." Tiningnan niya pa ito ng mariin. "Masyado kang desperado."

Bumalik na muli ang dating ekspresyon ng mukha ni Blare sa narinig.

"Sabihin na nating, ito kasi ang unang pagkakataon na makikita kitang matalo... sa mga kamay ko."

Muli ay nagulat na naman sila sa biglaang hagalpak ng tawa ni Xenon.

"Alam mo— hahaha... para ka kamong laging naagawan ng... pffft! Hahaha... candy."

Umuusok naman sa inis si Blare ngayon.

"Bakit?" Mariing tanong nito kay Xenon.

Seryoso naman siya tiningnan ni Xenon. "Tss. Kung gusto mong manalo, you better take some action. Hindi 'yung para kang kontrabidang kung makapagsambit lang ng nakakatakot na linya 'kala mo nominado ka sa Oscars. Don't you find it a little pathetic on your side?"

Nagtagis naman ng bagang si Blare.

"At isa pa... puwede ba, Blare, baguhin mo naman 'yung linyang ibabato mo sa'kin? Masyado ka naman 'atang monotonous niyan. I'm your biggest nightmare. Tss, nightmare your ass. Get a grip man! Hindi lang ako ang kalaban mo rito. Every person in this island is your enemy. It's up to you whether you’re going concentrate in one opponent rather than a hundreds."

Pagkatapos niyon ay nilagpasan niya lamang si Blare habang may ngisi sa kanyang labi and left them dumbfounded.

"You know what dude; I thought you’re just insane a while ago because you’re shamelessly laughing out loud so hard with no any other reason." Aniya ni William na nakaakbay sa kanya ngayon.

"Pffft! Para lang kasi akong nanunuod ng movie puta. Hahaha. Nightmare your ass, fuckin' shit!"

Nagkatawanan silang lahat dahil sa sinabi niya. They were like understood kung ano ang tinatawanan ng leader nila.

"What a jerk on ass..." natatawa pang sambit ni Xenon.

"HEY, SIS. SI Xenon 'yon 'di ba?" Awtomatikong napahilig ng ulo si Aries (Bianca Brown) sa tinurong lalaki ng kapatid niyang si Virgo (Jamie Brown).

"O-Oo nga, siya nga." Nautal na sambit ni Aries.

Pinagsingkitan naman siya ng dalawa niyang kapatid.

"Ikaw. Tinuro lang namin siya nautal ka na?" Aniya ni Aquarius (Lianne Brown).

"Oo nga, ano 'to? Ngayon ka palang nagdadalaga, sis?" Kastigo naman ni Virgo.

"Eh kung itarak ko kaya sa bunbunan niyo 'tong hawak kong punyal ng matigil kayo ngayon sa pang-aasar sa'kin?"

"Ito naman, 'di ka na mabiro." Pang-aalo ni Aquarius.

"Oo nga naman. Ito. Isukat mo na nga 'tong damit na ito roon sa dressing room." Sabay tulak sa kanya ni Virgo sa isa sa mga fitting room.

Namimili kasi ngayon ang magkakapatid na Constellate Assassins sa Freedom East Coast.

Souvenir shops, restaurants at kung anu-ano pa ang makikita mo rito sa Freedom East Coast.

Nagmistula nga itong little small town dahil sa mga nagkalat na gamit at pagkain na maaaring mabili.

SA PAGLABAS NI Aries sa fitting room ay siyang pasok naman ng mga Warlords sa Clothing Shop kung nasa'n ngayon ang mga Constellates.

"Hey, sweet chix! My name is Voice Box (William Wilford) and your name is?" Sabay lahad ng kamay ng binata sa kanilang tatlo.

Ngunit imbis na sagutin nina Aquarius at Virgo ng maayos ay awtomatikong tumaas ang mga kilay nila.

"Paki namin?!" Mataray na sagot ng dalawa.

Halatang nagulat naman si Voice Box sa sinagot sa kanya ng dalawang babae.

"Boom! Basag ka ro'n, 'tol! Hahaha."

"Epic amputa! Wala ka pala e!"

Napanguso na lamang na binalik ni Voice Box ang kamay niya at tiningnan ng masama ang apat na kasama na ang iba sa kanila ay hagalpak talaga habang sina Silent Keeper (Marco Villafuerte) naman at Black Xenon ay nagpipigil ng tawa.

"Tumigil nga kayo!" Suway sa kanila ni Voice Box ngunit mas natawa lang lalo sila ng makitang namumula ang magkabilang tainga nito tanda na napapahiya na siya.

"So, masaya na kayo niyan?"

"Virgo!" Impit na suway ni Aries

"What?!"

Napatingin naman bigla si Xenon sa tatlo at waring hinahagilap sa kanyang utak ang pamilyar na mukha ng tatlong dalaga.

"Aries?!" Nanlalaking mata na tanong ni Xenon. "Constellates? Kayo na 'yan?"

Nag-aalangan pang humarap si Aries sa binata. "Hehehe... long-time no... see?"

"Aries!" Nagulat na lamang siya nang binuhat siya bigla ni Xenon inikot ikot pa ere.

Kapwa naman naguluhan ang mga Warlords sa kinilos ni Xenon.

"Kamusta ka na? It's been a long long years nung huli tayong magkita ah." Natutuwang sabi ni Xenon pagkalapag nito kay Aries.

'Di naman kaagad nakasagot ang dalaga. Marahil dala ng gulat sa ginawang pagbuhat sa kanya ng lalaki na ito ang dahilan.

"Ahhh... guys, I want you to meet, Aries and her sisters. She’s friend of mine when I was still an Assassin before." Pakilala ni Xenon sa mga kaibigan nang hindi sumagot sa kanya si Aries.

Malugod naman na tinanguhan ng ng iba pang Warlords ang tatlo. Senyas na kinagagalak nila itong makilala.

"Hey! Still idling?” tanong ni Xenon kay Aries. Nanahimik kasi ito.

Tila nagising naman bigla sa katinuan si Aries. “H-huh?—A-Ah... So-sorry. Marami lang iniisip.”

"Sus! Namiss mo lang ako e."

Nataranta naman ang dalaga. "A-Ano? A-Anong n-namimiss ka d'yan. May pinoproblema lang ako."

“Masyado ka naman ‘atang problemado—” Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Xenon kay Aries nang biglang naghuramentado si William.

“’Tol! ‘Tol! ‘Tol!” Binatukan niya ito.

“Ano ba ‘yon?! Para ka namang kiti-kiti d’yan.”

Sa una ay napansin niya itong nagdadalawang-isip kung sasabihin ba nito ang dapat sabihin o h’wag na lang. “A—Ah… E—Eh… Hehehe… Wala! Wala! Wala! J-Joke lang ‘yon.” Napakunot siya ng noo.

“Kung may hindi ka nararamdamang maganda, ‘tol. Bumalik ka na sa Gang Unit natin."

Nagtataka pa lalo siya nang parang hindi na mahinuha pa ang itsura ni William.

Miski ang ibang Warlords naman ay gano'n rin ang reaksyon maliban kay Marco.

Ano bang problema ng mga 'to?

Napansin niyang may pinagtutungkulan ang mga kakaibang titig ng kanyang mga kasama. Waring may tao sa--

Nanlaki ang mata niya at dagliang humarap sa likod nito.

Isang kotse ang paparating sa kanila. Mabilis iyon at tila mawawalan ng preno at babangga sa stall kung saan sila'y naroroon.

"AKIRO." TAWAG NI Xyrene sa kaibigan. Tiningnan naman siya nito pabalik at ngumiti sa kanya.

"Yeah? Ano 'yun?"

Seryoso pa rin siyang nakatingin sa kaibigan. "By any chance... may isang tao ka bang kinakakagalitan ngayon?"

Natigilan naman si Akiro sa tanong ni Xyrene. "Bakit... bakit mo naman natanong 'yan?"

Bumuntung-hininga ang dalaga. Kapagkuwa'y umiling iling siya at ngumiti sabay sabing... "Ah... wala naman. Natanong ko lang, masama bang magtanong Aki?"

Ngumiti na rin si Akiro at inakbayan si Xyrene. "At sino namang nagsabing bawal? Ikaw pa, pagbabawalang magtanong? Na-uh-uh. Hahaha"

Nagtawanan na lamang silang dalawa habang papunta ng East Freedom Coast ngunit puno pa rin siya ng pagtataka.

Hindi niya magawang magtanong tungkol sa nakita niya ito kagabi at nagbabalak ng masama kay Xavier.

Ayaw niya mang maghinala ngunit nilalamon na siya ng kuryosidad sa katawan.

If I can't ask you straightly, then it's better to caught in an act, Aki.

HABANG NAGLALAKAD SILANG apat patungo sa Freedom East Coast ay naaaninag niya sa gilid ng kanyang mata si Claire sa 'di kalayuan.

Alam niyang kanina pa ito nakasunod.

Napapangiti na nga lamang siya mag-isa dahil sigurado siyang ngayon palang ay pinapatay na siya nito. Hindi man pisikal e baka nga sa isipan pa nito.

"Bakit ba ngiting-ngiti ka d'yan, Xyrene?" Nagtatakang tanong ni Eliza sa kanya.

Tiningnan niya ito na nakangiti pa rin na halos umabot na sa tainga nito.

Pagkatapos ay tinaas niya ang gilid ng labi niya na tila tinuturo ang kinaroroonan ni Claire.

Pasimple namang tumingin si Eliza sa tinuturo ni Xyrene.

Ayaw niyang mahalata sila ng dalawa nilang kasamang lalaki dahil walang alam ang mga ito sa pagnakaw ng necklace niya.

"Ohhh! A dipshit is roaming around, huh." Medyo pabulong na sabi ni Eliza sa kanya habang nakangisi rin.

"I know. And she'll pay me back... bigtime."

Parehas na napabungisngis ang dalawang dalagita. Sinabi kasi ni Xy kay Eliza ang gagawin nila.

A Queen's Pendant is only for a Queen. Not on a hella rachet hoe.

 

"Hey! You two! Ano na? Girl's talk na lang ba gagawin niyo d'yan?!" Tawag sa kanila ni Andrei.

"Oo na! Masama ba kaming magkaroon ng bonding?" Singhal pabalik ni Eliza.

"Bonding-in mo 'yang mukha mo!"

"Palibhasa kasi..."

"Palibhasa ano?!"

"Palibhasa, mahal kitang babaero ka." Bulong ni Eliza na rinig naman ni Xyrene.

"Ano sabi mo?!"

"Wala! Sabi ko palibhasa 'di ka makalandi ngayon kung makasigaw ka d'yan!"

"Anong hindi? Tara bilisan niyo na d'yan nang mapakitaan kita!"

"Oo na!"

"Medyo malandi, Eliza huh." Natatawang bulong ni Xyrene nang magsimula na silang maglakad muli.

"Enerkebe, Xeyren. Hahaha."

 

Natigil ang tawanan nila nang biglang may humarang sa kanilang limang kotse.

Death Keepers clenched their fists.

Lumabas sa kani-kanilang kotse ang limang lalaki.

Tahimik namang namamatyag sa kanila ang mga taong nasa paligid nila. Iyong tipong walang sinuman ang maaaring gumawa ng ingay at dapat nilang panuorin ang mga susunod na mangyayari.

 

"Kayo ang Death Keepers hindi ba?" Tanong ng lalaking nasa gitna.

"Oo. Kami nga, may problema ba brad?" Sagot ni Andrei.

 

Nagsipagtawanan naman ang limang lalaki na kinatawa naman ng mga nanunuod sa kanila.

 

"Ah... pogi! Ano hong nakakatawa?" Tanong ni Eliza.

"Nakakatawa? Hindi ano, kung'di sino. Sino?" Tapos ay nagkatinginan silang lima sabay tingin uli sa kanila. "Kayo! Hahaha."

 

Seryoso lang na tinitignan ni Xyrene ang lima. Sinusuri silang lima.

Kilala niya ang mga Assassins na ito.

If she's not mistaken, Trost ang Assassin’s name nila.

They’re experts when it comes of killing their prey by pulling their spinal cord in a maximum force.

“Xyrene!” Sigaw ni Eliza dahil sa gulat. Bakit?

Kaagad kasing nakatapak ng malaking bato si Xyrene sa likod nito. At dahil mahilig siya sa mga ganito tira ay sinipa niya iyon ng malakas saka tumama sa windshield ng sasakyan nung lalakin tila leader ng Trost.

Dahan-dahang tumingin sa kanya ang limang lalaki.

She smirked then she put her feet on a big stone beside her referring to her Improvised Anklet Identifier.

“Ito ang rason hindi ba?” tanong niya habang nakangisi.

Napatingin naman kaagad sina Akiro, Eliza, at Andrei sa mga anklet nila.

“You’ll pay for this...” sambit ng lalaking leader ng Trost sabay sugod sa kanya ngunit kaagad siya hinabalang ni Akiro.

“Hey dude! Ilang participants?” Tanong nito sa lalaki.

Walang isip isip na sumagot ang lalaki. “All.”

“Then, that would be nice.” Sambit ni Akiro sabay pilipit sa leeg ng kanilang leader.

Nagpupumiglas naman ang lalaki ngunit hindi niya magawang makaalis sa sakal sa kanya ni Akiro.

He tried to kick his feet but Akiro immediately predicted it.

Hinawakan naman ni Akiro ng magkabila niyang kamay ang parehas na gilid na mukha ng lalaki. Inversely sa pagkakahawak ng ayos. Sabay pilipit at lagutok ng leeg ng naturang lalaki.

Napatulala ang mga kasamahan ng lalaki.

Nagulat sa bilis ng pangyayari. Miski ang mga tao sa paligid ay bahagyang nanlaki ang mga mata.

“Hayop kayo!!!” Sigaw ng mga kasamahan ng pinatay na lalaki sabay sugod sa kanilang apat.

Kaagad na nagsi-alerto ang mga Death Keepers.

Patuloy lang sa pag-ilag si Andrei at Xyrene sa tig-isang miyembrong nasugod sa kanila.

Ngunit nahihirapan sila lalo pa’t ang laging puntirya ng mga lalaki ay ang kanilang likod. Most specifically ang mga buto nila sa likod.

Hindi nakailag si Eliza sa kalaban niya nang yumakap ito sa kanya at ginagaya ang ginawa ni Akiro sa kaibigan nila. She tried to kick his balls but she can’t. Nararamdaman na niya ang dalawang kamay ng lalaki sa magkabilang pisngi niya at sisimulan ng pilipitin ang ulo niya. But before that guy made it ay nahawakan ni Eliza ang tainga ng lalaki. Nang makapa niya na may suot itong salamin ay kaagad niyang hinila iyon at pinutol ang kapiraso sabay tarak ng matulis na bagay sa leeg nito. Puro dugo ang kamay niya nang makawala siya.

Andrei jumped a little sa puno na katabi niya. Then he backtied after at saktong nahawakan nito ang magkabilang ulo ng lalaking sumugod sa kanya. Kaagad niya iyon pinilipit rin ng malakas bago siya nakatapak muli sa lupa.

Patakbong sumakay naman si Xyrene sa isa sa mga kotseng dala ng mga kalaban. Tiningnan niya ang Anklet Identifier. Nabawasan na ang grupo nila ng 1000 points dahil sa pagkakahuli ni Eliza ng kalaban.

She revved up the car at mabilis na umalis palayo sa kalabang sinundan siya.

Binilisan pa niya lalo ang pagpapatakbo. Ngunit mukhang magaling rin ang lalaking ito na magpatakbo dahil naabutan niya si Xyrene at binangga ang likod ng kotse nito dahilan upang mawala siya balanse at tumama ang kotse sa isa sa mga clothing store.

“XYRENE?!” GULAT NA bulalas ni Xavier nang makitang si Xyrene ang nasa loob ng kotseng bumangga sa clothing store kung na saan na sila ngayon.

“Dude! Iyan ang gusto sana naming sabihin sayo e.” Sambit ni William.

Kaagad na nagsilabasan sa tindahan ang Warlords Platoon at ang Constellate Assassins.

Kaagad kasing pinaandar muli ni Xyrene ang sinasakyang kotse at mabilis na namang pinaandar.

Namukhaan kaagad nina Aries, Virgo at Aquarius ang humahabol kay Xyrene. Isa sa mga member ng Trost.

“Tingnan mo, Xenon.” Sabi ni Marco na kinapukaw nila ng pansin. Kinuha kasi ni Marco ang maliit na LED prototype monitor na galing sa anklet.

Death Keepers vs. Trost

Iyan ang nakalagay. Nanlaki ang mga mata nila pagkabasa palang nito sabay tingin sa dalawang kotseng naghahabulan sa Freedom East Coast.

“One on one ba ang laban?” tanong ni Harold.

“Kung oo mukhang mahihirapan si Xyrene.” Sambit ni Aquarius na kinalingon ni Xenon at ng iba sa kanya.

“Ang Trost ay bagong member palang ng Assassins Organization. Mga isang taon pa lamang sila and they’re specialized sa pagpatay ng tao gamit ang kamay nilang hihilain ang spinal column.”

“You mean...” Charles.

“No, mukhang hindi sila sa ganoong paraan aabot.” Seryosong saad ni Aries. “Kotse ang gamit nila. Hindi ko alam kung bakit pero hindi magagamit ng lalaking iyon ang klase ng kanyang pagpatay kay Xyrene. Kailangan nila ng close contact ng kalaban para magamit iyon ng Trost Member.”

“So, you’re actually saying na alam ni Xyrene ang galaw ng kalaban kaya mas pinili niyang lumayo sa kalaban kesa sa paglapit rito?” hinuha ni Xenon.

“Maybe yes... maybe not.” Mailkling sambit ni Marco.

“Paano mo nasabi?” tanong ni Virgo.

May tinuro si Marco sa ‘di kalayuan at nakita nilang may hawak na apat na lalaki sina Akiro, Eliza, at Andrei.

“All in all ang labanan nila. Maybe the sequence of events happened unexpectedly. Maaaring nagawa lang isipin ni Xyrene na lumayo sa kalaban na kung ayon sa sinabi niyo na pinapatay ng Trost ang target sa pamamagitan ng spinal column attack ang bawat kalaban nila, then she noticed that immediately.”

Hindi naman mapakali si Xenon sa kinakatayuan.

“I need to help her.” Desperado niyang saad sabay alis. Ngunit pinigilan siya ng isang kamay.

“You know na paglabag ‘yan sa batas ng GVA, Xenon.” Aniya ni Harold.

“But—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tinapik siya ni Marco sa likod.

“Trust her man. Try to observe and see what she can do. Check that out.”

Pagkasabi niyon ni Marco ay napatingin na muli siya sa dalawang kotseng naghahabulan. Ngunit may napansin siyang kakaiba.

Sa tuwing bibilisan ni Xyrene ang kotse nito ay bibilisan din ng kalaban. Ngunit bago pa sila magtapatna dalawa ay bigla namang pepreno si Xy, dahilan upang umarangkada ang kalaban. Paulit-ulit iyon ginagawa ni Xyrene.

Hanggang sa ang daanan ng dalawa ay mismong kitid na daan pakanan na halos bangin na ang kaluluguran ay binilisan pa muli ni Xyrene ang kanyang pagpapatakbo. Ginaya muli siya ng lalaki upang mahabol... nang malapit na sa bangin ay mabilis na din-rift ni Xyrene pakanan ang kotse napahinto ito ng mabilis bago pa man siya umabot sa cliff.

Unluckily, her opponent didn’t make it. Diretso itong nalaglag sa bangin at sumabog.

INIHINTO NI XYRENE ang kotseng ginamit sa tapat ng kanyang mga kasamahan. Lumabas siya hawak ang LED mini-monitor ng anklet.

WINNER: Death Keepers

 

Nakasaad sa anklet. Ngumisi siya sa mga kaibigan habang palakpakan naman ang natanggap nila mula sa iba.

Nilapitan siya ni Eliza.

“Oh my gash, Xyrene! Ang hot mo kanina habang nagda-drive! Nakakatibo ka alam mo ba ‘yun?”

“Sira, nagmaneho lang, hot na kaagad?”

“Hey! Congrats to us.” Aniya ni Andrei sabay akbay sa kanya.

“I know.” Sagot nito.

“You’re still exceptional when it comes to driving, Xy.” Puri sa kanya ni Akiro.

“Don’t state the obvious, Aki. Hahahaha.”

Paalis na sila nang marinig nila ang isang pagbati mula sa likod nila.

“Congratulations... Death Keepers.” Lumingon si Xyrene kay Emmanuel Sy.

“Thank you, Mr. Sy. It’s an honor for us to have you here and greeted us from our achievement so far.” Aniya ni Xyrene na may halong kaplastikan.

“You’re always welcome… but… you’re still far away from the finals.”

“Don’t worry, Mr. Sy. We can do magic as long as we want.”

“Let’s see then, so much for your confidence, leader of Death Keepers.”

She just chuckled. “It’s not a confidence, Mr. Sy. It is so much for your dirty little games though, don’t you think?”

Napakunot naman ang matanda. “What do you mean?”

Ngumisi lang si Xyrene kapagkuwa’y dahan dahan na naglakad palapit sa kanya sabay bulong sa tainga…

Nanlaki naman ang mata ng lalaki sa sinabi niya habang ngisi lan gang binato sa kanya ng dalaga habang ito’y paalis kasama sina Akiro.

“Mauna na kayo sa GVA Quarters, Akiro at Andrei.” Utos ni Xyrene sa dalawa.

Kumunot naman ang noo ng dalawa. “Bakit naman?”

“May bibilihan lang kami ni Eliza sa Freedom East Coast. Some… girly stuffs kapag alam niyo na…”

Namula naman ang mukha ng dalawa. “A-Ah… s-sige.” Pautal na pagpayag ng dalawang kumag.

“Pfft! You’re still reckless and unlady-like when it comes to excuses, Xy.” Natatawang puri ni Eliza sa kanya habang naglalakad.

“Well, unlady-like yet effective.”

“Yeah right, sa’n ba tayo pupunta?”

“Babawiin ang kung ano ang dapat ay sa akin.”

“SHE’S TERRIBLY AWESOME man! I didn’t expect na ganoon pala kaastig si Xyrene.” Napapailing na lang ang ibang Warlords sa paghanga ni William sa ginawa kanina ni Xyrene sa Battle Cross fight against sa Trost.

Tahimik naman na nakahalukipkip si Xavier sa isang dulo ng sopa. Malalim ang iniisip at tila wala sa mundo.

Sinenyasan naman nina Charles at Harold ang isa’t isa sa kung sino ang kakausap sa kanilang kaibigan.

“Dude. Tahimik mo ‘ata?” lakas loob na tanong ni Charles sa kaibigan. Ngunit kesa sumagot ay napatingin sila sa nag-doorbell.

“May inaasahan ba kayong bisita ng ganitong oras?” Tanong kaagad ni Xavier.

Umiling naman ang apat.

Inihanda nila ang sarili nila. At dahan dahang pumunta sa pinto. Dahan-dahan ding binuksan ni Xavier ang pinto.

“Hello!”

Napabuntung-hininga naman ang lima.

“Ikaw pala ‘yan, Claire.”

“Hehehe… sorry. Naistorbo ko ba kayo?”

“Hindi naman hindi naman. Tara tuloy ka.” Alok ni Xavier.

“Ay sige, h’wag na actually… dinalhan ko lang kayo nitong pagkaing niluto ko kanina. ‘Kala ko kasi kakainin nina Jessa ang niluto kaso kumain na pala sila sa labas kanina.”

“Ganoon ba? Oh sige salamat rito ah.” Sabay kuha ng inalok na pagkain.

“Sige, alis na rin ako.” Tamango na lamang sila bilang pagsang-ayon ngunit natigilan si Xavier Nang may mapansin sa dalaga.

“Ah… Claire?” napalingon naman kaagad ang dalaga.

“Ano ‘yon?”

“Sa’n mo nabili ‘yang pendant mo?” tanong ni Xavier na kinataranta ni Claire.

“Ah—sa F-France k-ko ito n-nabili… tama! Sa F-France nga. Bakit?”

“Wala naman. Sige, salamat uli rito ah.”

“W-Walang anuman.” Sabay sibad nito ng alis.

Dumagdag ngayon sa kanyang mga iniisip ang kwintas ng suot ni Claire kanina. Halintulad iyon ng sobra sa binigay niyang pendant kay Xyrene.

Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo pero maya-maya ay may biglang sumagi sa isip niya.

“Hindi kaya siya ‘yung…?”

NAGLALAKAD NA PABALIK si Claire galing sa top floor ng GVA SOuth Quarters nang may maramdaman niyang may nasunod sa kanya.

Mabilis siyang naglakad dahil roon ngunit bago pa man din siya makapasok ng elevator ay may humila na tao sa kanya sa isang sulok at agad na tinakpan ang bibig niya.

Hindi niya magawang kumalas. Alam niyang babae ang brasong kinakapitan niya ngayon para magkaroon ng balance.

“Hi, my dear sister.” Aniya ng isang pamilyar na boses. “Don’t you recognized me?”

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong boses ng kapatid na si Eliza ang may –ari ng boses ng sumasakal sa kanya ngayon.

Where the hell did she have that strength?

Tanong niya sa sarili ng sinubukan niyang kumalas muli sa pagkakapilipit sa kanya ng kapatid. Mas matangkad siya sa kapatid nito ngunit hindi niya ito magawang maitulak man lang.

“Anong kailangan mo sa’kin?” tanong niya sa kapatid.

Ngumisi lamang si Eliza kapagkuwa’y sumagot.

“Hindi ako. Kung’di siya.” Sabay turo sa isang babaeng natatabunan pa ng silhoutte.

Malabo iyon sa umpisa ngunit nanlaki muli ang kanyang mga mata ng makitang si Xyrene ang babaeng papalapit sa kanya.

“Hi, Claire, it’s not so nice to meet you again.”

Nagtagis naman ang bagang ni Claire. “Mas lalong hindi ko gustong makita kang babae ka!”

“Oh! Feisty! A wicked woman in the making.”

“Kung inaakala mong matatakot mo ‘ko sa gan’yang pananalita pwes nagkakamali ka… Dark Scheduler!”

Mabilis na nakalapit sa kanya si Xyrene. Ni hindi man lang niya naramdaman ang kapatid na kumalas sa kanya dahil at si Xyrene ang pumalit sa kanya na ngayo’y magkalapit ang kanilang mga mukha.

“Mention that name here and you’ll die.” Malamig na tonong saad ng dalaga sa kanya.

Oras naman niya ngayon upang ngumisi. “Bakit? Papatayin mo ‘ko? Go ahead—”

“Hindi pa sa ngayon, Claire. Pero sinasabi ko sa’yo. Sambitin mo lang ‘yang codename na sa kung sino—”

“At ano? Wala kang maipapangblackmail sa ‘kin, Xyrene.”

“D’yan ka nagkakamali, Claire.”

Napakunot naman siya ngayon ng noo.

“Anong ibig mong sabihin?”

Mas hinigpitan naman ngayon ni Xyrene ang hawak sa leeg kay Claire.

“Unang-una, hindi ko alam kung paano at bakit mo nakilala ang isa ko pang katauhan, Claire pero hindi ko muna aalamin iyon ‘yun sa’yo. Bakit? Dahil may oras tayo para d’yan. At dapat mo lang intindihin ay kung paano mo maliligtas sa mga kamay ko ang nawawala mong legal ng kapatid sa nanay mo na kinuha ng tatay niyo ni Eliza at pinatapon sa kung sa’n.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Claire sa deklarasyon ni Xyrene.

“Saan mo—”

“Nalaman? Tss. Kung inalam mo nga ang lahat sa akin, Claire dapat alam mo ang kakayanan ko. Kapag sinabi kong kakayanan ibig sabihin lahat ng maaaring kong gawin hanggang sa pinakamaliit na detalye. Masyado mo naman ‘ata akong minamaliit niyan.”

Natahimik naman si Claire sa mga sinabi ni Xyrene.

Naramdaman na lamang niya nang biglang humigpit ang pagkakasakal sa kanya ng dalaga.

Sinubukan niyang kumalas ngunit hindi niya magawa.

"H'wag ka ng pumalag pa." Sabi ng dalaga sa hawak na dilag. "Sagutin mo lang ang tanong ko at say hi to world ang aabutin mo pero kung hindi...? Say hi to kamatayan for me. Okay?"

"Demonyo ka!" Singhal nito sa kanya.

Ngumisi lang siya. "Buti't alam mo. But sorry, I'm way hotter than them."

“Now, answer me... anong dahilan mo at bakit mo kinuha ang kwintas ko?” tanong ng dalaga sa kanya sabay hablot nito sa leeg niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action