Chapter 23: GVA - First Day
Ch. 23 – GVA First Day
MATAPOS ANG PAGPAPAKILALA sa mga kalahok ng naturang manlalaro ay bumalik na bwisit na bwisit si Xavier sa kanilang quarters o kwarto sa South Building na para sa mga Grupo ng mga Gangsters.
"Kamusta na ang pag-uusap niyong dalawa parekoy?" Tanong ni William sa kanya pagpasok pa lamang nito ng kwarto
Tiningnan naman ng matiim ng binata ang kanyang kaibigan at waring nagbibigay ng babala.
Napataas naman ng parehong kamay si William. "O bakit? Ano na naman ang ginawa ko?"
Bagkus na sagutin niya ito ay dumiretso siya sa isang sa isang sopa. Iginala niya saglit ang paligid at napansin na ang kwarto pala nila ay isang mini-apartment. Pagpasok kasi roon ay tila pumasok ka lamang sa isang sala ta's makikita mo sa kaliwang bahagi ang kitchen at ang dining area. May sari-sariling pintuan naman ang nakapaligid sa buong area na tila ito ang kani-kanilang kwartong tutulugan.
Tiningnan niya ang mga kasama niya. "Nandirito si Cindy." Simpleng saad niya.
Nakita niya ang pagrehistro ng pagkadisgusto sa mga mukha ng kanyang mga kaibigan nang sabihin niya iyon.
"Ano? Iyong maarte pa sa palaka na babaeng 'yun e nandito?!" Tanong ni Harold. He just nodded. "The hell man! You're doomed now."
Napapailing nalang ang iba. Alam kasi nila kung gaano ka-obssessed at ka-possessed ang dilag na iyon kay Xavier. Gulo at away lang ang naging dala ng dalagang iyon sa buhay nila nung unang beses silang sumali sa GVA. Dahil na rin sa anak ng mismo ng may pakana nang larong iyon ang dalaga, kung kaya't napag-initan at natsitsismis na sumisipsip sila para lang manalo.
“Nagkadaop-palad ba sila ni Xyrene?” Tanong ni Marco.
Tumango siya. “Kanina. Nung kinakausap ko si Xy, biglang sumulpot ang babaeng iyon.”
Napailing naman ang lahat. “Nako, ‘tol. Kung ako sa’yo. Bantayan mo na ang bawat kilos ng Cindy na ‘yan. You know what she can do sa lahat ng babaeng napapalapit sa’yo. She’s even monstrous sa lahat ng babaeng nakilala natin na marunong makipaglaban.” Babala ni William.
“Exactly, she’s capable of killing someone hindrance to her own properties.” Dugtong ni Charles.
That’s exactly his point kung bakit niya gustong paalisin na si Xyrene sa isla. Hindi lang dahil may chance na mamatay siya sa bawat round kungdi talagang mataas ang tsansa nitong mamatay talaga sa kamay naman ng Cindy Sy na iyon. And he can’t even imagine that. Ni hindi niya lubos maisip ang mangyayari sa buhay niya sa oras na may mamatay na naman nang dahil sa kanya. Katulad nalang ng nangyari sa kanya.
"Dude, alam ko kung sino yang iniisip mo ngayon. Kaya ngayon palang, kalimutan mo na muna siya please."
Iginawi niya ang kanyang tingin sa iba. Tama si Harold, kailangan niya munang kalimutan ang masamang pangyayaring nangyari sa kanya noon. Hindi muna dapat siya magpadala sa isang bagay na maaaring magamit bilang kahinaan niya.
He tried not to be affected. He even clenched his fist sa gilid ng pantalon niya para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niya ngayon.
Napabaling bigla ang kanyang atensyo nang biglang nagsalita si Marco. "Oh, iinom mo na muna 'yan." Sabay abot sa kanya ng isang kopita na may lamang whiskey.
Kinuha niya ito at kanyang ininom. Kaagad namutawi ang espirito ng alak sa kanyang lalamunan. At the back if his mind, he's planning something... something that could be a great help to his fiancee-- Xyrene.
Pagkaubos na pagkaubos niya ng alak ay niyaya na niya ang kanyang mga kaibigan na pumasok na sa kani-kanilang kwarto sa designated room nila.
PAIKOT-IKOT SI Xavier sa kanyang higaan at hindi makatulog. Hindi pa rin siya mapalagay sa mga mangyayari. Hindi niya kasi lubos maisip at tila may isang bagay ang bumabagabag sa kanya. Hindi nga lang niya ito matanto kung ano.
Tumayo siya at pumunta sa terrace ng kanyang kwarto. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanyang mukha nang mabuksan na niya ang sliding door. Nag-unat unat ang binata at ipinaloob ang hanging galing sa mga puno sa paligid niya.
Dahil sila ang tinanghal na God of Death noon ay nasa kanila ang kwarto sa pinakatuktok ng south building. Isa iyon sa mga advantage nila sa loob ng isla. Isa rin sa mga advantages nila ay ang malayang paggamit ng mga restricted weapons sa training grounds tulad ng baril at katana.
Pinagmasdan ng binata ang ganda ng isla. Kitang-kita niya mula rito ang tila mala-araneta coliseum na establisyamento na napapagitnaan mismo ng North at South Building. Hindi niya makakalimutan ang mga panahong naglalaban sila d'yan at sila'y nananalo.
Nakarinig siya maya-maya ng kaluskos mula sa ibaba. Kahit na nasa 10th floor siya ay kaya niya pa rin makarinig ng ganitong klase ng tunog bilang isa ito sa kanyang kakayanan. Kinuha niya ang isang teleskopyo sa tabi niya at kaagad na sinilip ang kaluskos na kanyang narinig.
Sa teleskopyo at may naaaninag siyang dalawang tao na nag-uusap. Dalawang lalaki iyon base na rin sa anino na nakita nito sa kaliwang bahagi ng natatakpang ilaw sa kanila. Inad-just niya muna ang kanyang paningin sa kadahilanang masyadong dim ang lugar na kinatatayuan nila.
Pilit niya pa rin itong inanigan ng ilaw. Nagbabakasali na makita niya ang mukha ng dalawang misteryosong nilalang ngunit nabigo siya.
Maya-maya pa'y naaanigan niyang may ibinigay 'yung isang lalaki sa kanyang kausap. Isa iyong bote na may kulay berde na liwanag. Para itong nagliliwanag sa gabi. Inilagay ng pinag-abutan sa kanyang bulsa ang nasabing bote at kaagad na umalis ito. Nagtagal naman ang isang lalaki ng ilang minuto bago umalis. Ngunit, napansin niyang may nalaglag ang naturang lalaki.
Hindi na siya nag-atubili pa. Kesa sa elevator bumaba, ay tumalon siya sa sanga ng katapat niyang puno. Mabuti na lamang at matibay ang sanga kung kaya't hindi siya kaagad nahulog. Nagsalit-salitan siya ng talon sa puno at dingding ng South Building hanggang siya'y makalapag na sa lupa.
Nilinga linga na muna niya ang paligid bago ibinaling ang pansin sa nalaglag ng estrangherong lalaki.
Isang dog-tag ang naturang na bagay nahulog. Pinagmasdan niya ito at kanyang sunuri. Tanging ang mga kombinasyon na GRA-X94 ang nakaukit roon. Tumingin muli siya sa paligid upang tingnan kung may nahulog pa ito sa lupa, ngunit siya'y nabigo.
KINAUMAGAHAN, MAAGA SIYANG nagising kahit halos madaling araw na siya nakatulog. Lumabas siya ng kanyang building at sinuot ang kanyang headphone at nagjogging.
Naabutan pa niya ang ilang mga GVA Maidens na nagtitilian sa kanya. Tanging suot lang naman niya ay ang kanyang sandong bakat na bakat ang kanyang katawan at isang sport short na tinernuhan pa ng kanyang branded na rubber shoes.
Nginitian na lamang niya ang mga ito at pinagpatuloy ang kanyang pag-eehersisyo. Naging routine na rin kasi niya sa umaga ang magjogging mag-isa bilang parte ng pagpapanatili nito ng kanyang magandang katawan.
Umikot siya sa buong coliseum na nasa pinakagitna ng isla, at napagdesisyunan niyang pumunta sa silangan kung saan andoon ang isang talon na pwedeng pagliguan at ang mga nakakalat na mga stall at souvenir shops kung ang gusto naman ay maliwaliw at kumain.
Pumasok siya sa isang stall kung saan para itong isang fast food chain at dumiretso sa counter. Pagkakuha niya ng kanyang order ay naghanap siya ng upuan.
Pulos matatalim na titig ang iginawad sa kanya ng ilang taong naroroon. Magkakasama na at hindi na isolated ang Assassins at Gangsters sa puntong ito. Kung ang ibang lalaki ay matatalim ang tingin na ibinigay sa kanya, kabaligtaran naman ito sa mga babaeng gangsters. Halos nagnunumingning ang kanilang mga mata nang makita siya, lalo na syempre ang Black Lilies.
Napadako ang kanyang tingin sa tumatawag sa kanya.
"Xenon!"
Tawag ni William sa kanya at gumigiya na pumunta siya roon kung saan andoon ang tatlo pa niyang kaibigan.
Lumapit siya roon.
"Kanina pa kayo rito?"
"Medyo, dito na kami agad dumiretso nung magising kami na wala ka." Sagot naman ni Charles.
Inilapag na niya ang kanyang inorder na pagkain at akmang kakainin na niya ito nang may tumawag uli sa kanya at tila malapit lang.
"Ikaw si Xenon?"
Napalingon siya sa babaeng nagtanong. At kung ang dilag ay nagulat ay mas lalo naman siya.
"Claire?"
"Yeah, but you can call me right at this very moment as YL."
"YL?"
"Yup, Yellow Lilac. Kagago ng name no?"
"Wait, h'wag mong sabihing... new member ka ng Black Lily?"
The girl just rolled her eyes. "Yeah, certainly. Kaya korni ang binigay nilang codename sa 'kin."
"Walang duda nga." Singit ni Charles.
"Halika, miss. Upo ka sa amin o." Ayaya ni William sabay alok ng upuan nito.
"Really?!!!" Napalingon naman sila sa tatlong babaeng sumigaw.
"Ah! Hindi. Joke lang. Wala na 'kong upuan o." Bawing saad ni William sa inoffer nitong upuan at siya na mismo ang umupo.
Papunta kasi sa kanila ang mismong Black Lilies which is ayaw nilang makita miski ang hibla ng mga buhok ng mga 'to.
"Ay! Sayang. Ang daya niyo naman e." Malanding sabi ni Black Rose sa kanila at kumapit pa sa braso ni Xavier.
"Xavier!"
Halos dumagundong naman ang buong cafeteria sa boses ng babaeng pumasok. Walang iba kung'di si Cindy Sy. Bumakas naman ang matatalim na tingin ng lahat ng kalahok na naroroon kay Xavier. Tila iniisip na andito na pala ang sisipsipan niya.
Mabilis naman nakalapit sa kanila ang naturang babae. Tumaas naman kaagad ang kilay ni Cindy nang makita nito na nakakakapit si Black Rose sa braso ng binata.
"Alam mo ba na ang kinakapitan mong lalaki ay pag-mamay-ari ko na, Miss?" Mataray na tanong nito kay Black Rose.
Tinaasan rin siya ng kilay ni Black Rose. "At bakit?-- Ano ba, Tulips!-- anyway, sino ka naman para sabihing sa'yo si Xavier?"
Hindi na napigilan pa ng iba pang kasapi ni Black Rose ang sinabi ng kanilang leader. Sasabihan at paaalalahanan sana nila ang kanilang leader na ang kausap nila ngayon ay walang iba kung'di ang anak ng may-ari ng GVA.
Ngumisi naman si Cindy.
"Well, I'm Cindy Sy. Daughter of Emmanuel Sy. Aangal ka?" Taas noo nitong pakilala.
Tila lumambot naman ng ang mukha ng leader ng Black Lilies. Nahintakutan.
"Enough!" Inis na bulyaw ni Xavier.
Matagal pang tinitigan ni Cindy ang Black Lilies.
"Sige, Xenon, una na kami." Paalam ni Claire kay Xavier na tinanguhan naman agad nito ng binata.
Mas tinaasan tuloy ng tingin ni Cindy ang babaeng tila close kay Xavier. Nainis siya at nagselos.
Nang makaalis ang Black Lilies ay siyang tulak naman ni Cindy kay William at kinuha ang upuan nito at tumabi kay Xavier.
Gigil na gigil naman si William sa ginawa ng dalaga. Kung hindi lang sila mapapahamak ay hindi niya talaga ito sasantuhin
Napawi ang kanyang inis nang matanaw niya sa labas ng Cafeteria si Xyrene at ang mga kagrupo nito. Ngumisi siya. Malakas ang kaagad ang kanyang hinala na itong si Xyrene ang magiging katapat ni Cindy kay Xavier.
"Xyrene!" Sigaw niya na ikinatahimik na naman ng Cafeteria.
Lumapit siya sa dalaga.
"Hi! Still remember me?" Hyper niyang tanong rito.
Kumunot naman ang noo ni Xyrene sa tanong ng lalaking ito na puti ba? O blonde ang buong buhok? Hindi niya naman niya ito kilala sa pangalan ay pamilyar na pamilyar naman siya sa mukha nito.
"Hindi." Simpleng sagot niya.
Nakita naman niya itong nag-pout. "Ang mean mo naman sa 'kin, Xyrene. Ako 'to, kaibigan ni Xenon."
"Anong kailangan mo?"
Ayaw niya kasi ng paliguy-ligoy pa. Gusto na rin niyang umupo dahil nananatiling nakatingin sa kanya ang mga tao rito sa cafeteria. Liban naman kay Xavier na ikinasimangot niya.
"E kasi—" Hindi niya ito pinatapos ng sasabihin at nilagpasan si William at lumapit sa katabing table ng Warlords Platoon.
Nakita pa niya kung paano landiin ng Cindy n iyon si Xavier na mas lalo pa niyang kinainis.
"You know her?" Bulong sa kanya ni Akiro.
She nodded. "Why?"
"Wala. Wala naman. Sana mali ang hinala ko na may masama kang gagawin sa kanya."
Ngumisi naman siya.
KUNG KANINA AY nag-iingay pa ang ibang tao rito sa Cafeteria, ngayon ay halos mga tunog na lamang ng mga kurbyertos ang maririnig at ang malanding paglalambing ni Cindy kay Xavier.
"Claire?" Gulat na saad ni Akiro nang makita nito ang dating kasintahan na pilit na hindi lumilingon sa kanya ngunit dahil kabisado niya ang hugis ng katawan nito ay napagtanto nga nito na si Claire iyon.
Napatingin rin sina Xyrene, Eliza, at Andrei sa sinusulyapan ng kaibigan. Maging sila ay nagitla nang makompirmang si Claire iyon.
"What the hell is she doing here?" Eliza said while gritted her teeth.
"Oh! You're little sissy is here. I pity you." Sinamaan ni Eliza ng tingin ang nakangising si Andrei.
"So, I was right." Napatingin naman silang lahat kay Xyrene.
"What do you mean by that, Xyrene?" Akiro asked.
Humigop muna ng dalang tsaa ang dalaga bago ngumiti ng tila natuklasan.
"Sabihin na nating, lumabas na kaagad sa kanyang lungga ang aking little dipshit clone." Sagot niya habang titig na titig sa pendant na suot ni Claire.
Pinasadahan naman ng binata ang tinging ipinukol ni Xyrene sa suot ni Claire.
"What the fudge?! Siya 'yun?" "Di makapaniwalang tanong ni Eliza.
Nginisian lang siya ni Xyrene na tila nagsasabing... it's payback time.
PAPUNTA NA SILANG Warlords Platoon sa training grounds nang may kumapit na naman sa braso si Xavier.
"You left me na naman, honeybunch."
Pilit naman na kumakawala ang binata sa kapit nitong dalaga. Ngunit dahil sa may lahing kuliti ang babae ay hindi niya ito hinahayaang makakalas siya sa kanyang pagkakakapit.
Kusa na ring tumigil si Xavier sa pagkalas dahil bigla niyang nakita si Xyrene na papalapit na sa kanila. Mukhang pupunta rin ito ng training grounds.
Gusto sana niya itong kamustahin man lang ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa Cindy na ito. Ayaw niyang mapag-initan si Xyrene ni Cindy, dahil mas kilala niya ang babaeng nakakakapit sa kanya. He already knew na kayang pumatay ni Cindy. Kay nitong pumatay alang-alang sa pag-mamay-ari niya, kung kaya't ang tingin ng dalaga sa kanya ay pagmamay-ari rin. But he already told her na wala silang relasyon but this girl must've been crazy. She's so possessive and obsessed.
Nanlaki ng konti ang kanyang mata ng makita niyang binunggo mismo ni Xyrene si Cindy. Ano ba 'yang ginagawa mo, Xyrene?!
Nagtagis naman kaagad ang bagang ni Cindy sa ginawa ni dalaga sa kanya. Dahan-dahan niya itong nilingon. Nakatungo ang dalaga at paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran.
"Sorry po, hindi ko sinasadya. Sorry talaga."
Gigil na gigil naman na hinaklot ni Cindy ang buhok ng dalaga. "Sorry? Anong magagawa mo sa sorry na 'yan kung nabangga mo na 'ko? Tanga ka ba?"
"Kaya nga po ako nagsosorry e."
Mas lalo namang nagtagis ang bagang niya. Kung kaya't nagpasya itong ibalibag.
Hinawakan ni Cindy nang mahigpit si Xyrene sa buhok habang ang isa nitong kamay at braso ay nakaalalay na sa likod ng dalaga as well as her feet na ipinasok sa gitnang hita ng dalaga. Lalagyan na sana nito ng pwersa ang kanyang pagkakapuwesto upang bumaliktad si Xyrene ngunit hindi niya nagawa. Ang bigat nito upang hindi niya mabalibag. Halos masira na ang litid ng kanyang mga braso ngunit walang epekto. Sinubukan niyang tusukin ang tagiliran nito sa pamamagitan ng dalawang daliri nito ngunit nasalo iyon ng kamay ni Xyrene.
Pinilipit naman ni Xyrene ang nahablot niyang kamay ni Cindy sabay pihit ng malakas na naging dahilan ng pagsigaw nito.
"Ugh!"
"I told you, hindi ko sinadya. Pero sineryoso mo." Sabi ng dalaga. "Nabalitaan kong mukha kang siga rito a. Bakit? Dahil sa anak ka ng may-ari? Tss. Ang babaw. Hindi ka mukhang nakakatakot para sa'kin kasi mas mukha kang mahina.”
Binitawan na niya ito at doon lang niya napansin na marami na palang nanunuod sa kanila.
Tiningnan lang nila ito ng masama pero mas masama nang makita niyang nakatingin sa kanya si Claire. Ngumisi siya rito na kinagulat ni Claire. Nakita niya kung paano kaagad umalis si Claire.
Tiningnan naman niya si Cindy. Mukhang dahil rito sa babaeng ito siya makakalimot sa salitang pasensya. Inis na inis siya rito. Iyong tipong mas gusto na niya itong patayin ora mismo.
"You'll pay for this." Nanggagalaiting saad nito sa kanya.
"If I win this game. Don't worry sa'yo ang barya ng $500 billion." Sabay talikod at sinundan ang pwesto ng kanyang mga kaibigan na ngayo'y nakangisi demonyo sa kanya.
XYRENE AND HER team was in the edge of their training nang may marinig silang lahat na nagsalita sa isang stereo-type na voice announcer.
Hindi siya actually nag-eensayo kung'di 'yung tatlo lang.
"All combatants proceed to GVA Coliseum in 21 hundred."
Muling nagbalik sa pag-eensayo ng ilan matapos ang announcement nang mapansin nilang papalapit sa kanila ang Warlords Platoon.
"Hey yow!" William greeted.
"Cousin. Andrei. You're going to explain everything about you... joining this battle. Got that?" Utos ni Marco sa pinsang si Andrei.
"Kailangan pa ba no'n?"
Sinamaan niya ng tingin si Andrei.
Andrei groaned. "Ugh! Fine. After nitong pagtawag sa atin mamaya."
Halos hindi naman mapugto ang tinginan nina Xyrene at Xavier. Nagsusukatan ng tingin. Tila may kuryente sa mga mata nila.
"I'm going to tell you this one last time. Get. Out. Of. This. Hell." Xavier said.
Nagtagis naman ang bagang ni Xyrene. "And I'm going to tell you too... one last time. I. Will. Not."
Mas lalo namang nagsukatan ng tingin ang dalawa. Hanggang si Xavier na unang bumawe ng tingin rito.
"Fine. Kung 'yan ang gusto mo. Do it as long as you want. But, prepare for battle, Xy. I'm not going to forgive you."
Lumambot naman bigla ang mukha ng dalaga at kapagkuwa'y tipid na ngumiti. "It should be better if one of us will die and the other one shall live."
Napakunot naman ang lahat sa narinig mula sa bibig ng dalaga. "What do you—" pinutol niya ang kung ano man ang sasabihin ni Xavier.
"And... don't expect na pagbibigyan rin kita, Xenon."
Tiningnan lamang ng bahagya ng binata ang dalaga at kapagkuwa'y bumuntung-hininga.
"So, you're declaring war to us now, Xyrene."
"Hep! I'm not Xyrene on this Island. Mas maganda kung tatawagin mo kong... Schedulist."
"Nice name. Ano nga uli pangalan ng grupo niyo?" Tanong ni Charles.
"Death Keepers."
"Oh! Sounds deadly." Sabi ni Harold.
"Pero deadly nga ba?" Pang-asar ni William.
Ngumisi naman si Xyrene. "Actually, bagong tatag lang kami. Me as Schedulist, Akiro as Raven; Eliza as Swan; and Andrei as Striker."
"Let's see..." seryosong saad ni Xavier. "Kung matatalo niyo kami."
"I can assure you... Xenon."
GVA Coliseum
IT'S ALREADY EIGHT-fifty-nine in the evening and all of them are waiting sa sasabihing dahilan kung bakit sila naparoon lahat. They're all chitchatting to each other nang dumating na mismo ang mga GVA Committee.
"Inyo nang ipagpaumanhin na sirain ang inyong unang araw dito sa isla." Sabi ng isa sa mga committee.
"Ipinatawag namin kayo upang ipagbigay alam ang napakaimportanteng bagay na dapat ninyong malaman."
Napatingin ang lahat ng may ibinabang tela sa isang dingding. At kitang kita nilang lahat kung ano iyon.
Isa iyong painting na kung saan ay may isang babaeng nakaupo sa isang royal chair at suot suot ang kanyang korona at hawak ang kanyang scepter. Kulay itim lahat ng motif ng painting. Maging ang subject ng larawan ay puro itim rin ang suot maliban na lamang sa korona nito.
Lahat ng mga kalahok ay nabighani at humanga muli sa kanilang iniidolo. Maliban sa Death Keepers.
"I want you to meet, the 1st woman who won the title— The Goddess of Death. And I bet na kilala niyo siya. Siya ay walang ibang kung'di si Madamoiselle Leonna Casiraghi. O mas kilala bilang si Frontier."
Namangha si Xyrene sa narinig. Ito pala ang unang Gangster Queen at kalaunan ay tinanghal na God of Death. Iniidolo niya ito noon ngunit dahil sa hindi siya gaanong kaupdated sa itsura nito ay mas lalo siyang humanga.
Ngunit ang nakakapagtaka. Bakit parang nakita na ni Xyrene ang babaeng ito sa personal? Nagkita na sila noon?
"Pinakita ko siya sa inyo dahil siya ang magiging clue ninyo sa...
.
.
.
Bonus Prize."
(Cindy Sy on the side)
____________________________
An Unknown Character was revealed. Now, the thing is, what do you think is her reason for doing that?
PS. Read again the Unknown Characters of Chapter 2 and 3. I'll reveal them on the next UD. So, stay tuned.
—XavierJohnFord
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top