Chapter 22: Mechanics, Rules and Regulations
Xavier Villareal
"IF YOU'RE PLANNING to do something reckless, Xenon, I owe you... Stop yourself immediately." Marco warned when he saw Xyrene on this place and planned to grab her and talk to her veraciously.
He tried to calm down, why? Anak ka nga naman ng pagong oo, sa tingin niyo sino'ng 'di mabubudhi at magagalit sa babaeng ito na isinangkalang ang sariling buhay at nandito ngayon sa lugar ng mga demonyo?
"I'll try dude... I'll try not to grab her violently." he assured Marco for it.
Alam niyang nagulat pa ang ilang sa miyembro ng Warlords nang sa wakas ay makita rin ng mga ito si Xyrene. Napabalik ang kanyang tingin sa harapan nang mapansin niyang may magsasalita na muli.
"And now... here's our Chief Death Commander who will explain our mechanics— Mr. Francis Hidalgo."
Base sa kanyang pagkakatanda. The GVA Battle Organization is composed of the Big Three— the Chief Death Commander, Chief Death Lieutenant, and the Chief Death General. Sila o mas magandang sabihin na nasa kanila ang huling desisyon when it comes to a do or die game at ang s'yang nagpapasinaya ng rules and policy sa actual battle.
"I'm Mr. Hidalgo and I'm going to enumerate the whole mechanics of the game but before that... I'm going to clarify something about this game. 'Cause I know, some of you are new here."
No dares to talk back so this man continues to his speech.
"The GVA Battle Organization was built because of the reason we would like to help you sa paraang makakatulong sa inyo, lalo na sa mga kalahok na nandirito na may mga masamang pangyayari sa buhay ang gusto niyong bigyang hustisya... in an evil and dangerous way. At kung ang noong battle year ay sinundan lamang natin ang naging rules ng pinakaunang battle... ngayon ay may pagbabagong magaganap lalung-lalo na't makakatulong ito sa inyong lahat."
Napakunot silang lahat sa sinabi ng Hidalgo na ito.
"Sabihin na nating isa itong Bonus Prize. Actually, it's not just a bonus but an assurance— that will lead you to be on the Top three (3) of the final battle."
Lahat yata sila ay biglang nabuhayan ng loob sa sinabi ni Hidalgo. Sino ba namang ang hindi matutuwa kung mapagtatagumpayan niyo ang Bonus Prize at makakapasok ka na kaagad sa Top three (3) ng Final battle?
"Mamaya ko na sasabihin kung anong klaseng Bonus Prize iyon na patungkol sa Big Three. Because as for now, dadako na tayo sa mechanics ng laro...."
MECHANICS:
— The contestants will be divided into two (2) groups— The Assassins and the Gangsters. Ang bawat grupo ay binubuo ng labindalawang (12) kalahok na maaaring solo o may higit sa sampu (10) kada myembro.
— Sa labindalawang (12) kalahok sa kada grupo, magtatapat tapat sila ayon sa type of Game: First Match (Battle Cross), Quarter-Finals (Pandora's Battle)
— Pagdating sa Semi-Finals, ang matitira na lamang na kalahok ay tatlo (3). Magkakaroon muna ng special bonus prize (Ito 'yung tinutukoy kanina ni Hidalgo) upang magkaalam na kung sino nga ba sa tatlong matitirang kalahok ang magkakaroon ng tsansang makapasok kaagad ng Finals habang ang matitirang dalawa ay maglalaban pa upang malaman kung sino ang makakalaban ng masuwerteng nakaabante sa Final Round.
— At sa Final Round, this will be the final battle kung sino nga ba sa dalawang grupo ang tatanghaling bilang The God of Death and will claim a prize worth $100 Million Dollars plus a Death Wish.
"And to explain the Rules and Regulations of the Game. Kindly welcome again, Ms. Selena Villareal."
Lumapit muli si Selena sa gitna at ngumisi.
"Sa tingin mo, Xenon. Ano ang special bonus prize na itatanong sa atin mamaya?" Napatingin naman siya kay Harold habang nasensyas itong nabulong.
"I don't have any idea. And I bet, kung tungkol iyon sa Big Three... Panigurado akong hindi ganoong kadali ang magiging preparasyon."
Napatango tango na lamang ito at tumingin na muli sa speaker.
"The following rules and regulations of the whole game will be immediately applied when the game has started but as for now? Para sa mga mahuhuli namin at madidiskubre naming lalabag sa bawat patakaran sa loob at labas ng laro ay kaagad namin papatawan ng... kamatayan."
Rules and Regulations (Inside and Outside)
1. No one is allowed to use any deadly weapon in the every battle round except if the battle rules will ask you to use so.
2. Everyone is not allowed to help other group that opposite opponent of your member. (Ex. Gangster group will help an Assassin to win in a certain type of Game.)
3. The Improvised Wrist Gear is your guide to know who will be your official opponent in a particular game.
4. On the Island Area, you're not allowed to enter several restricted places.
5. The practice ground is twenty-four (24) hours open so feel free to use it but destroying it will be prohibited.
"Any more question?" Selena asked.
He raised his hand. "Yes, Xenon of Warlords Platoon?"
"Iyan na iyon?"
She grinned at him. "May i-su-suggest ka bang idadagdag?"
Napailing na lamang siya bilang tugon kay Selena. Hindi na niya pinatulan ang suhestyon nito sa kadahilanang maaaring makasama pa iyon sa kanila sa mga susunod na araw.
"Anyone?" She asked again.
Someone raised their hand.
"Yes, mister?"
"Bakit hindi kami allowed gumamit ng weapon such as guns or swords sa bawat laban?"
Ngumiti muna ng pagkatamis-tamis itong kapatid niya bago tumugon.
"You're Kasiragi of White Larynx Assassins, right? Sa tingin mo, paano magiging ka-excite excite ang bawat laban kung padadaliin mo ito gamit ang sandata? Nasaan ang battle ro'n? Actions were not actually the use of guns to be able for you to declare as a winner. A true fighter will kill as long as he/she has the physical ability to fight and not depending on his/herself through a gun or a sword. Better remember that."
"So, any more questions?" She asked again.
Muling may nagtaas ng kamay.
"Ako! Ms. Villareal." Nagitla siya nang si Xyrene ang taong nagtaas ng kamay na iyon.
She's smirking the way he sees it on her lips. Para bang mayroon itong gagawing 'di maganda sa mga ngising ibinibitaw nito ngayon.
"Yes, Miss...?"
"Schedulist..."
Hindi nawala sa labi ni Selena ang pagngisi habang kausap si Xyrene.
"Weird name for a beautiful girl like you..." Selena said mockingly.
"Well, thank you... though, I don't need your opinion right now."
* * *
STILL now, no one dared to break the silence covering the entire hall. Even the organizers of the event were pathetically zipped their mouths and grinning like their watching a debate between two undefeated crash talkers right in front of them.
Emmanuel nodded on a man on his side, ordering him to pull down the transparent covering of the glass wall.
"This is exciting." He muttered himself.
Nang maibaba na ng inutusan ni Emmanuel ang harang sa glass wall ay s'yang hudyat iyon upang mapalingon naman ng lahat ng kalahok sa salamin. Lahat sila kapwa napapitlag ngunit sandali lamang iyon at kaagad namang sumilay ang mga ngisi sa mga labi.
"Aries, bakit nasa gangster group sina Dark Scheduler?" tanong ni Aquarius ng Constellate Assassins nang mapansin nitong ang kasalukuyan palang nagtatanong kay Selena ay walang iba kung'di ang nakasama nilang babae no'ng isang araw na si Xyrene.
Aries narrowed her eyes to Xyrene after her sister Aquarius asked her. Naguluhan na rin siya sa ikinikilos ng Black Death Assassins. No'ng una nga ay hindi siya makapaniwala na pinagkatiwalaan siya ni Dark Scheduler na malaman ang tunay nitong mukha sa likod ng itim na maskara at ito nga'y napag-alaman niyang ito'y si Xyrene Coltrane.
"Hindi ko rin alam, Aquarius. Miski ako naguguluhan na sa ikinikilos nila. Ngunit isa lang ang sigurado akong alam ko. May alam silang hindi natin alam."
"About what?"
Tiningnan niya ang kanyang kapatid. "Iyon ang aalamin natin habang nandito tayo ngayon."
"But why we should know it, Aries?" Virgo asked her.
"To help them. Dahil may utang na loob tayo sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila, hindi tayo makakakuha ng lead sa kung sino ang pumatay sa mga magulang natin."
Napatahimik ang dalawa. But Virgo immediately respond. "Do you think kung matutulungan natin sila ay mabibigyan uli tayo ng lead sa kung sino sa GVA Committee ang pasimuno sa nangyari kina Mommy and Daddy?"
"Precisely,"
Napatingin muli sila kay Xyrene.
May bumababagabag kay Aries. Hindi niya matukoy kung ano ngunit alam niyang may mangyayaring napakasama sa susunod na mga araw. Isang pangyayaring nilagpasan ang kanyang expectation sa tunay at natural nitong mangyayari.
"Alam kong mahirap magtiwala sa kung sino rito, Xyrene. Ngunit malakas ang kutob kong may iba ka pang layunin kung bakit kayo ngayon nasa Gangster Group ngayon. Sa ikalawang pagkakataon, magtitiwala ako sa iyo, dahil alam kong mapapadali ang pag-alam ko sa hustisyang hanap ko kung sasabay ako sa alon ng plano mo. Nawa'y hindi ako nagkamali sa pagtitiwala ko sa iyo."
TININGNAN ni Selena ng matiim si Xyrene. She took a deep sighed and rolled her eyes as if she's surrendering on something.
"Okay, what's your question?" She asked.
Xyrene gloomily smiled and grinned before she answered. "Well, I was just wondering, kung sakaling may tanghalin na ngang panalo sa larong ito. Paano kami makakasiguro na tutuparin at mapapasaamin ang premyo at hindi kami maloloko ng kung sinu-sino d'yan?" she said and lifted her chin up.
"And what exactly are you talking about?" Selena asked.
"Do I really need to answer that, Ms. Villareal?" tanong ni Xyrene habang nakataas ang isang kilay nito at nakangising aso.
Hindi nakasagot si Selena. Alam niyang may ibig ipakahulugan ang mga sinambit ni Xyrene pero hindi na niyang tinangka pang sagutin iyon.
"I can assure you." Lahat ay napatingin sa nagsalita—Emmanuel Sy na napatayo sa inuupuan nito.
"And how?" Xyrene asked without any scared written on her face.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Tila nagkaroon ng kuryente sa pagitan ng kanilang mga mata. Napangisi naman si Xyrene na siyang mas kinalukot ni Emmanuel.
"Enough!" sigaw ng isa sa mga miyembro ng Committee. "Siguro naman nagkakaintindihan na tayong lahat sa Rules and Regulations hindi ba? Kung oo, pwede na kayong pumunta sa mga GVA Quarters niyo. May mga mag-a-assist sa inyo sa mga tutuluyan ninyo but please be noted that the Assassins group ay sa North Building ang Quarters habang ang mga Gangsters naman ay sa South Building. Doon kayo maninirahan hanggang sa matapos ang battle. So, please... enjoy and have a good night."
KAAGAD na nagsipulasan ang mga kalahok at dumiretso sa mga grupo nila. Ngunit nagpaiwan si Xavier at maghanap ng tyempo upang makausap si Xyrene.
Ilang minuto pang paghihintay ay nakita na niya itong nagsuot muli ng kanyang black masked na ang natatakpan lamang ay ang ilong hanggang baba. Walang pasundali niya itong hinatak at kiladkad sa labas.
"Ouch! Bitawan mo nga ako!" singhal sa kanya ni Xyrene ngunit nanatiling bingi ang kanyang mga tainga at patuloy pa rin ito sa paghila sa dalaga.
"Isa! Ang sakit na kaya ng hawak mo!" hindi niya pa rin ito pinakinggan.
Dahil sa sakit na nadarama sa kanyang braso ay wala naman nagawa si Xyrene kung'di ang balibagin ito. She cupped his nape by the use of her right hand at malakas niya itong nginudngod sa lupa ngunit kaagad naman gumalaw ang isang paa ni Xavier at ginawang sangkalan ito upang hindi matumba sa lupa.
Napatingin na siya sa dalaga.
"Ikaw!" sigaw niya rito.
"Anong ako?" singhal pabalik ng dalaga.
"Anong pumasok d'yan sa bobo mong utak at nandito ka at binebenta ang kaluluwa kay Satanas, huh?"
"Wala kang pakialam!"
"Sumagot ka ng ayos Xyrene dahil hindi mo nanaising makita kung paano ako magalit kapag hindi mo 'ko sinagot ng maayos!"
Tumikhim muna ang dalaga. She closed her eyes and she's trying to ease her mad mood. Idinilat niya ang kanyang mata at kanyang nakita ang reaksyon sa mukha ng binata.
She didn't expect na makikita niya sa mga mukha ng lalaki ang pagrehistro ng halo-halong emosyon nito na ikinatutulala niya. Pag-aalala. Inis. Galit. Guilt. Concern. Iyan ang nakikita niya. Itinuon niya bigla ang kanyang paningin sa paligid. She doesn't want to see his sudden reactions. Ayaw niya iyong nakikita dahil natatakot siyang may maalala.
"I was invited to join here." Tanging tugon ni Xyrene.
"Solo ka?"
"Hindi." She answered, again... without looking at his eyes.
"Xyrene, tingnan mo 'ko." Utos ng binata ngunit hindi niya ito sinunod. Ngunit naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang baba at pilit na pinaharap sa kanya. She was shocked when she realized na halos two inches na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha.
"I want you out." Xavier said desperately.
"But—"
"Hindi ko kakayaning may mangyaring masama sa iyo rito kaya please, I want you out of this game."
Siya na mismo ang kumalas at tumingin sa langit. "No one can stop me now, Xavier. Kahit ikaw, hind mo 'ko mapapaalis as lugar na 'to."
"But Xyrene—"
Humarap ang dalaga sa binata. Kung kanina halo-halo ang nakikita niyang reaksyon ng lalaki, ngayon ay iisa na lamang— pag-aalala.
She smiled. "I'll be okay, don't worry about me. Ikaw ang dapat mag-ingat."
"At ako pa talaga ang pinag-iingat—"
"Gusto kitang makalaban sa final battle, Xavier." Pagtataka ang unang rumehistro sa binata.
"A-Ano?"
Tumingin muli sa kanya si Xyrene at nakita niya ang isang ngiti... ngiti ng pamamaalam. "Just do your best and I'll do my best? Okay?"
"P-Pero—"
Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Xavier nang may makarinig siyang sigaw mula sa kinatatayuan niya.
"Xavier John Ford!"
Napukaw kaagad ang kanilang tingin at napadako ang mga mata sa babaeng paparating...
Nanlaki ang mga mata ni Xavier nang mapagtanto kung sino ang babaeng ito.
"Missed me?" The girl said while clinging on his muscular arms.
"C-Cindy?" the girl smiled triumphantly.
"Of course, honey! It's me, Cindy. Sino pa ba?"
"And why are you here?"
"C'mon now, babe! Anak ako ni Emmanuel Sy, remember? So, pwede akong pumunta rito kahit kailan ko gusto. Lalo pa't nandito ka na pala muli."
Nagtaasan naman ang mga kilay ni Xyrene sa nakikita. Ah! Oo nga naman. Ang katulad nitong lalaki ay marami talagang babae! Great!
Napabalik sa wisyo si Xyrene nang mapansing napadako ang tingin no'ng Cindy sa kanya.
"And sino siya, Xavier?" tanong ng babae.
Tiningnan naman niya si Xavier para malaman ang isasagot nito. Siguro naman ipakikilala siya nito sa babaing hitad na ito kung sino siya hindi ba? Bilang fiancée niya?
"I don't even know her."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Tama ba ang narinig niyang sagot mula sa lalaking ito? Hindi siya kilala? He rejected her?
"Then why are you with her?" ranong ni Cindy habang pinapasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa si Xyrene. "She looks weak for me."
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa babaeng ito? Ano daw? Siya? Mahina? Tumaas lalo ang kanyang kilay.
"Ikaw? Sino ka ba?" She asked ignoring the insulted words she had received.
Tinaasan rin siya ng kilay ng babaing ito. "Hindi mo 'ko kilala?"
Ngumisi siya. "Ang mga hindi importanteng tao sa buhay ko at sa paligid ko ay hindi ko na kinakailangang alamin kung sino. Kasi ibig sabihin lang no'n e wala siyang kwenta."
Napatiimbagang na si Cindy. "Well, kung hindi mo 'ko kilala—" She cut her.
"Save it! Ayokong may maririnig akong pangalan na hindi naman importante sa lipunan. Mauuna na 'ko, huh. Ang kati pala sa lugar na 'to? Ang daming linta?" tapos ay tumalikod na siya at nagsimulang umalis.
Ngunit napatigil siya sa sinabi ng dalaga sa kanya.
"Ako ang fiancée ni Xavier, Miss. Kaya kung may gusto ka sa boyfriend ko. Get lost."
Dahan dahan siyang lumingon patalikod. Tiningnan niya si Xavier kung ipagtatanggol siya nito at ikokorek ang sinabi ng lintang ito. Pero wala! Tumingin lang sa malayo ang binata.
Napatawa siya ng pagak na kaagad na ikinapukaw ng dalawa.
"Hindi ko naman inaasahan na may ganito pa palang eksena sa ganitong klaseng lugar. Oo nga naman, bagay kayo. Bagay kayong patayin ng sabay."
Magsasalita na sana muli si Cindy ngunit pinigilan na siya ni Xyrene. "Cindy Marie Sy. Only daughter of Emmanuel Sy, future heiress of White Pegasus Corporation— the most influential Corporation in the whole Asia. Tama ba?"
"Yes, of course." Tugon ni Cindy.
"Oh yeah, tama nga 'ko. Ang tanong nga lang... do you know me?" tanong ni Xyrene na kinangisi lang ni Cindy.
"Malalaman ko kung sino ka—" pinutol ni Xyrene ang sinasabi nito.
"Ah, dahil ikaw ang anak ni Emmanuel kaya may access ka sa mga tauhan ng tatay mo? Oh well, ang pinakamalaking tanong kasi d'yan... paano kung lahat ng makukuha mong impormasyon ay magiging mitsa ng kamatayan mo?"
"How dare you—!"
"I'm way more daring than you, bitch. Bye!" tinalukuran na niya ang dalawa at nagsimulang umalis sa lugar na iyon. Iniwan niyang nakanganga si Cindy. At bago tuluyang makaalis ay narinig pa niya ang boses ni Xavier.
"Don't mind her, she's nothing."
Really? Let's see...
Napatigil siya bigla sa kanyang paglalakad.
"Pasensyahan tayo, Emmanuel. Nakialam ang anak mo kaya isasama ko siya sa listahan ng papatayin ko. Sana handa siya at maging ikaw, dahil ang dating Black Death Assassins na kilala mo sa labas ay kikilalanin sa isla ng GVA bilang..."
.
.
.
"... Death Keepers."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top