Chapter 21: Welcome to GVA Battle 2012

Xavier Villareal

TINATAWAGAN NIYA SI Xyrene at kanina pa niya ito hindi makontak. Anak naman ng tokwa, ba't ba ang hilig hilig ng babaeng ito na hindi sagutin ang mga tawag niya? Nag-r-ring naman ang telepono nito ngunit hindi naman nito sinasagot man lang. Ano bang problema niya? Hindi ba nito alam na nag-aalala siya ng sobra?

Kailangan pa niya kasi itong makausap ng masinsinan tungkol sa nangyari sa condo-ng tinutuluyan. Gusto niyang manggaling dito ang sagot na hindi ito ang pumatay sa ulong pugot na napunta sa kanya.

"Ayos ka lang, Xavier?" napalingon siya sa nagtanong. Si Marco.

"Yeah, I'm okay."

"You're not looked like one."

"Geez, just shut up will you?"

Marco raised his both arms. "Okay, ang init ng ulo ah."

Hindi na lamang niya ito sinagot pa ang muli na lamang tinungga ang iniinom na tequila dito sa isang cruise ship. Well, basically speaking... sinundo na sila ngayon ng GVA papunta sa isla na pagdadalhan sa kanila.

Dalawang Cruise Ship ang ginamit ngayon ng GVA Organization. Ang isa ay para sa mga Assassin na kasali at habang ang kanilang sinasakyan ay lulan ang mga kapwa nila Gangsters. Alam niyang may dahilan kung bakit hiwalay ang sasakyan ng dalawang grupong maglalaban. Hindi gagawa ng ganitong scheme si Emmanuel nang walang dahilan. As far as he remembered, magkakasama silang lahat no'n nung unang sali nila rito. Ta's ngayon ay naiba na.

"So, look who's here now." Napatigil siya sa pag-inom ng huling laman ng alak nang marinig ang isang pagbati ng isang pamilyar na boses.

Lumingon siya upang makompirma kung tama nga na sa kanya ang boses na iyon. At mukhang hindi nga siya nagkamali.

"Blare..." he uttered.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Nice meeting you again, Xenon."

"And it's not so nice to meet you too, asshole."

Nagkatitigan sila ng matalim na siyang kinapukaw nila ng atensyon. Halos lahat ng mga nandito ay nagbubulungan na sa eskandalong mukhang balak nilang pasimulan.

"Hindi ba iyon 'yung leader ng Warlords Platoon?"

"Oo siya nga... Eh 'di ba nanalo na sila noong 2010? Bakit sumali muli sila?"

"Oo nga. Pero 'di ba maganda nga iyon? Kasi magtatapat muli ang dalawang makapangyarihang gang?"

"Oo. I can't wait to watch their battle, lalo na sa Final Battle na maaaring gang vs. gang ang maaaring labanan."

"Pero 'tol, nabalitaan kong kakaiba ngayon ang magiging mechanics ng buong battle."

"Oo, iyon din nga ang nabalitaan ko."

"Kung magka-gano'n man ibig sabihin no'n mas magiging exciting ang lahat ng laban, pare."

Mga lalaki ba talaga ang mga ito? Bakit kung mag-usap akala mo tsismis lang ang pinag-uusapan ng kanilang talakayan?

Tiningnan niya pa lalo ng matiim si Blare. Pero ngumisi lang ito sa kanya. "Narinig mo naman sila hindi ba?"

"Hindi ako bingi,"

"Sige lang, Xenon. Magtapang-tapangan ka lang, tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo."

Siya naman ngayon napangisi. "Talaga? Sige, magkainan tayo ng mga sinabi. Tingnan natin kung hanggang sa'n iyang kaangasan mo."

Dumilim ang mukha nito base sa kanyang nakikita. Ang mga taong pikon nga naman, hindi nga papatalo pero pagdating sa asaran... sila namang talo.

"Okay! It's enough!" Napatingin sila sa nagsalita. Babae ang boses.

Napatuon ang kanilang mga mata sa malaking bilog sa sahig na kung saan lumabas ang hologram ng isang babae.

"As expected, you'll be more aggressive when this time comes."

Literal na napakunot noo nang husto ang kanyang noo nang makilala kung sino ang nasa hologram ngayon.

His unpredictable sister... Selena.

Bakit nandyan ang kanyang kapatid? Kasali siya rito? May alam ba ito sa kung ano ang sinasalihan nitong babaeng ito?

"Base on your hilarious faces, I know that you already knew who am I. Especially you— Xenon." Then she took a glance at him.

Matapos niyon ay ibinalik niya ang tingin sa lahat. "Well, for those who don't know anything about me, then I'm going to introduce myself. I'm Selena Villareal and I'm your captain in your cruise ships." Then she winked at them.

"I will be your captain AKA instructor kung paano kayo makakarating rito sa isla. Why? As you may observed, malaki ang sinakyan niyong cruise ships. Nahahati 'yan sa dalawa. We separated the gangsters and the assassins para mas maganda. Kayong mga gangsters ay nasa Ship 1 habang kayong mga assassins ay nasa Ship 2. Kinakausap ko kayo ngayon ng sabay sabay. Pagkatapos na pagkatapos ko sa mga sinasabi ko, you have to make sure that you are going to swam under the sea papunta sa island na makikita ninyo sa inyong mga bintana."

Napamura siya sa kanyang isip sa pakulo na naman ng organization. Kaagad silang naghanap ng mga diver's suits na nakalagay sa mga emergency containers.

"And please be noted. Ang huling makakarating sa tuktok ng talampas ng isla matapos makababa ng araw sa kanluran ay tatanghaling disqualified..."

Napatingin silang lahat sa mga suot nilang orasan, and it's exactly five o'clock in the afternoon. May isang oras pa silang lumangoy ng mahigit limang kilometro.

Halos lahat sila ay nakahanda na at nakasuot na ng mga Diver's suits.

Naunang tumalon sa karagatan ang grupo nina Blare.

"Welcome to hell..." nakangising usal ni Blare sa lahat bago tumalon.

Nagsisunuran na ang iba at huli silang tumalon ng mga Warlords.

"This is gonna be exciting." Usal ni Silent Keeper— Marco.

He smirked. "Yeah. Ito na siguro ang pinakahihintay nating battle of the century."

"I agree..." Solemn Hacker— Harold.

"You ready on this?" Gate Crasher— Charles.

"Of course!" Voice Box— William said wearing his giggly attitude like he used to.

Then they've jumped.

PATULOY lamang sila sa paglangoy nang mapansin niya na tila parang lumalakas ang velocity ng tubig sa ilalim. Umahon siya saglit at doon niya napagtantong umaandar na muli ang Cruise Ship na kanilang sinakyan at tila hinahabol silang lahat.

Napamura siya sa kanyang isip na ito na nga siguro ang isa sa mga pakulong kanina pa niya hinihintay at napakawalang'ya ni Emmanuel para gamitin pa ang water vehicle na ito sa kanila.

Sinenyasan niya ang apat na Warlords na mabilis na lumangoy sa magkabilang gilid ng ship upang hindi mabangga ng higanting sasakyan nito. Maging siya ay kumilos na rin. Mas binilisan niya ang paglangoy dahil kinakailangan nilang makalayo ng kahit man lang fifty meters malayo sa gilid ng nasabing sasakyan. Dahil kahit na nasa gilid ka na nito at sigurado kang hindi mababangga ay malakas pa rin ang impact niyon sa tubig at maaari silang tangayin.

Sa kanyang paglangoy ay natanaw niya mula sa ilalim ng tubig ang isang babaeng nakalugay ang maikli nitong buhok habang mabilis 'ring lumalangoy palayo sa malaking barko. Hindi niya gustong matigilan ngunit napansin niyang papalapit ito sa kanya ngayon.

Nang tuluyan nang makalapit sa kanya ang naturang babae na nakatakip ang mukha ay mabilis siya nitong niyakap. Hindi dahil sa may intimate itong galaw kung'di dahil sa dumaan na mula sa kanyang likuran ang barko at naabutan silang dalawa ng malakas na impact ng tubig.

Napalayo silang dalawa mula sa mga kasama. Nagpaikot ikot sila sa ilalim ng tubig but he managed to hold her hand at sabay silang umahon. Ngunit dahil hindi nila natantya na malapit na sila sa likurang bahagi ng barko ay mas lalo silang natangay palayo dala na rin ng lakas ng elisi na siyang nagpapagalaw ng buong sasakyan.

Nang makabawi silang dalawa mula sa pagka-anod ay sabay silang umangat sa tubig at kapwa hinahabol ang hininga.

"What the hell is wrong with you!" bulyaw sa kanya ng dalaga nang makabawi na ito ng tuluyan sa lahat ng nainom na tubig.

Tinanggal niya ang kanyang suot na diving mask at tiningnan ito. Hindi niya maaninag ang mukha nito sa kadahilanang sakop na sakop ng mukha nito ng diving mask na suot ng dalaga.

"What's wrong me? Huh, you should asked that to yourself, what is the wrong with you at nilapitan mo pa 'ko kanina?!"

"And you think that it is my fault? Shame on you! I was trying to help you, dahil kung hindi kita tinulungan ay baka bumangga ka na sa mismong gilid ng barko."

"And do you really think na pasasalamatan kita sa ginawa mo?"

"Well, sa ugali mo pa lang alam kong hindi ka marunong magpasalamat kaya... no thanks, sa iyo na ang thank you mo!" pagkawika ng dalagang iyon ay muli na itong lumangoy palayo sa kanya.

For at some point parang kilala niya ang boses ng babaeng ito, hindi niya lang mawari kung saan pero ayaw na niyang mag-assume na naman.

Nauna nang lumangoy ang dalaga at iniwan siya. Lalangoy na rin sana siya nang matanaw mula sa deck ng Cruise Ship ang sampung lalaking may hawak na mga baril at tinutukan silang dalawa.

Awtomatikong gumalaw ang kanyang katawan upang mabilis na sundan ang dalagang kasama. Nang mahawakan ito mula sa ilalim at hinila niya ito ng malakas pailailim. Gulat ng reaksyon ang una niyang nabasa sa mga mata nito kung kaya't tinuro niya ang itaas upang sabihin ang nais na ipahiwatig. Ngunit huli na 'ata iyon dahil siya ang natamaan ng baril. Nadaplisan siya sa braso.

Ang dalaga naman ngayon ang lumangoy pa rin pailalim. Sinisid nila ang may kalaliman ng dagat upang kahit paano ay hindi matamaan ng bala na pinapalabas ng kalaban. Isang magandang ideya dahil sa mababa na ang speed ng bala pailalim pagdating ng tubig.

Hinawakan niya ang kanyang braso at kahit nararamdaman niya ang hapdi ay kinuha ang maliit na baril na nasa kanyang binti. Ibinigay niya ito sa dalaga. Mabilis naman na tumalima ang dalaga at lumangoy sila ng kaunti paibabaw. Itinutok nito ang baril sa itaas at inasinta ang mga kalaban.

Muli niyang hinila ang babae. Mawawalan na sila ng hangin sa tagal nilang nasa ilalim ng tubig. Kung kaya't itinaas niya ng bahagya ang suot nito maskara at agresibong hinalikan ang dalaga. kahit ramdam niya ang tensyon ng dalaga sa kanyang ginawa ay nagpaawat ito at nagkipagbigayan na rin ng hangin sa kanya.

Matapos iyon ay lumapit sila sa gilid ng barko. May inilabas ang dalaga mula sa binti nito at isang baril rin iyon ngunit may isang patulis na arrow sa may bandang butas ng baril. Itinutok iyon ng dalaga sa gilid ng barko at gaya ng kanyang inaasahan ay isa iyong multi-purpose gun. Imbes kasi na bala ang inilabas nito ay isang mahabang lubid ang bumulaga sa kanila at ang arrow na nakita niya ang kumapit sa gilid ng barko.

"Hang on!" sigaw sa kanya ng dalaga nang mahila sila ng mabilis ng barko. Ang alon naman ang kanilang kalaban. Yinakap niya ang slim na katawan na babae hanggang sa tumigil na ang barko.

"Enjoy na enjoy ka sa pagyakap sa baywang ko, ah! Manyak!" singhal sa kanya ng dalagang kasama.

"H'wag kang assuming miss. Puro taba ang nayakap ko."

"Aba't! Anong taba ka d'yan?!"

"May reklamo ka?"

"Oo, pero dahil bobo ka at ang slow pa, d'yan ka na!"

Nairita na siya sa paraan ng pagsagot sa kanya nito. "Nakakaasar ka."

"The feeling is mutual," tugon nito. "Anong oras na pala."

Napatampal siya sa kanyang noo at tiningnan ang kanyang relo. "5:40PM na! Damn! Baka 'di tayo abutin. Kasalanan mo 'to eh!" singhal niya rito.

"Ulul! Dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin e!"

"At bakit?!"

Binatukan siya nito. "Ako ang nagdala sa iyo sa pangpang."

Napabuntunghininga siya sa 'di malamang dahilan. Parang nakikita niya ang kanyang sarili na sumasang-ayon sa babaeng iyon, yeah, maybe he needs to say thanks to... her.

"Thank you..." usal niya habang napaupo sila sa isang parte ng isla na may bench.

Tumingin sa kanya ang dalaga. "Marunong pala talagang magpasalamat ang isang Xenon."

Napatitig siya sa mga mata ng dalaga. She reminds him of someone. He mentally shook his head nang maalala na naman niya si Xyrene. Ilang minuto rin siya nakapikit at inaalis ang mukha ni Xyrene sa kanyang isip nang tawagin siya ng kasama niyang dalaga.

"Hey, check this out."

Nilapitan niya ito. Isang malaking flatscreen monitor ang tinitingnan nilang dalawa nang makapasok ng tuluyan sa gate ng GVA Island. Nakatala sa naturang screen ang isang 3D specialized map ng buong isla. At talaga nga naman na nakakamangha.

Nasa North part makikita ang dalawang magkaharap na gusali na pininturahan ng purong puti ang mga haligi.

Sa West, makikita mo naman ang maraming tents na animo'y pyesta pero kung iyong susuriin ay mga armas pala sa pakikipaglaban ang laman nito. Sa 'di kalayuan naman ay makikita mo ang isang training ground. Kung sa syudad ay highly-equipped at specialized, dito mga gawa sa kahoy ang mga makakatuwang mo sa iyong mga ensayo which he found it cool. Kahit paano pala ay ginagamit pa rin nila ang ganda ng kalikasan imbes na i-renovate iyon.

Sa East mo naman makikita at matatanaw ang isang mataas na talon. Hindi siya makapaniwala na sa laki ng islang ito ay may ganitong klaseng talon ang namamalagi. Sa ibaba ng talon mo makikita ang mga mas magandang tanawin. Mayroon kasing hot spring sa ibaba no'n at sa 'di kalayuan ay isang sport center pool. Masasabi mong ginawang relaxation center ang lugar na iyon.

Sa South, makikita mo ang naman dalawang magkatapat na gusali rin. 'Di tulad sa North, imbes na puti ang mga haligi nito ay itim naman ang naroon.

At ang huli, ay ang gitna ng isla, makikita mo ang isang giant coliseum. Hindi katulad sa bubong ng Araneta, ang bubong no'n ay inihalintulad sa isang 2-sharpened shuriken. He found it, artistic and cool. Really.

Yinyang... 'Yan ang nabuo naman sa kanyang isipan nang matanaw niya bilang kabuuan ang buong isla sa mapa na ito. Ngunit iba nga lang sa natural na yinyang. Dahil imbes na puti at itim ang nasa gilid, North at South ang nag-represent noon. Habang ang paikot na race track naman ang nagsilbing ukit nito paikot.

Napagawi ang tingin nilang dalawa ng kasama niyang babae sa taong nagsalita 'di kalayuan mula sa kanila.

"I bet you're the last batch na nakarating rito. Congratulations."

Tinaasan niya lang ito ng kilay ang kapatid na si Selena. He was about to say something to his sister nang marinig niya ang sigaw ni Voice Box— William.

"Xenon! 'Musta na?"

Tiningnan niya ito at nagulat siya ng makita niyang magkakasama na ang iba pang Warlords. Aba nga naman!

"Gago!"

Tinawanan lamang siya ng apat habang nagpatiuna na ang mga itong pumasok sa pinaka-main door ng GVA.

"Sino 'yung puti ang buhok?" tanong ng kasama niya pa 'ring babae.

Tiningnan niya ito with his bored look. "He's a son of a bitch."

She chuckled. "So are you?"

Hindi niya pinansin ang asar nito bagkus ay siya'y nagtanong. "Anong pangalan mo?"

Napatigil ito sa kakatawa at napatingin sa kanya ng seryoso.

"You'll know... later." Then she winked at him at nagpatiuna na ng lakad.

Now what...?

* * *

GVA Entrance Hall

LAHAT ng nasa loob ng hall na ito ay pawang mga seryoso. Kung kanina ay nag-iingayan pa ang mga ito bago sila nakapasok, ngayon ay para silang mga hayok na hayok nang magsimula ang labanan.

Katulad kanina, magkakasama pa rin ang mga Gangsters habang ang mga Assassins ay nasa kabilang glasswall.

Glasswall siya na nakikita nila ang sarili sa salamin pero hindi ang nasa likod no'n which is ang mga Assassins. Gano'n rin sila. Hindi nila sila nakikita pero nakikita nila ang repleksyon ng sarili sa glasswall.

Maraming nakapaligid na mga tauhan ng GVA ang nagbabantay sa buong kaganapan. Nakasuot sila ng pawang mga black and red na kasuotan.

Sa babae, pang-chinese ang itsura samantalang ang mga lalaki naman ay nakasandong istilo na tinernuhan ng mga mahahabang espada na nakasukbit sa mga likod nila.

Maya-maya pa'y biglang may nagsalita pero isa lamang iyon announcer na halos katunog ng mga gaming station.

"And here's now the Master of Event... Emmanuel Sy."

Kung gusto niyo ng katahimikan? GVA Battle Hall is the right place. Dahil daig pa nito ang sementeryo sa sobrang tahimik na umabot sa naririnig niya na lamang ay ang mga yabag ng Emmanuel na nasa terrace nito sa loob ng hall at nakahawak na sa mga railings.

"Welcome... my dear GVA Collegues, Newbies and also our respective visitors. Welcome to GVA Battle 2012!" sabay tingin sa mga lalaking nakasuot ng pormal sa likuran nito..

"I am so happy na pinaunlakan ninyong lahat ang imbitasyon ko at sumali muli rito sa nakasanayan nang pagtitipon."

Pinasadahan niya sila ng tingin. 'Yung tipong mga subject niya for experimentation sa isang Laboratory.

"And also... I'm also pleased to welcome our very special and the newest member of our organization... I bet you knew her well dahil anak lang naman siya ng isa sa mga makapangyarihang angkan sa Pilipinas... walang iba kung'di si Selena Villareal."

Hindi niya napansin ang kanyang kapatid na banda sa tabi ni Emmanue; at nakataas ang kamay bilang tanda na ito ang tinutukoy ng ginoo na si Selena Villareal.

"It's an honored for me to have you here, Ms. Villareal." Then he kissed his sister's hands. Gusto niyang masuka sa kakornihan nitong Sy na 'to.

"You don't have to, Mr. Sy. Sadyang nakalaan siguro sa akin ang mga ganitong bagay." Then she glanced at him and winked.

Anong pumapasok ngayon sa utak mo, Selena?

"Do you have any inspirational words of wisdom na pwedeng ibahagi sa mga kalahok natin ngayon, Ms. Villareal bago nating simulan ang pag-oorient sa kanila about sa Mechanics, Rules and Regulations?"

"It's a pleasured of mine kung ganoon, Mr. Sy. Sure... I would love to."

"Then the floor is yours now, Madame..."

She stepped forward to them. Wearing her famous bored look, she took a glanced in every person in this hall.

"Isa lang naman ang masasabi ko..."

Lahat kami nakatuon sa kanyang sasabihing, walang sinuman ang nagtakang bumulong o magsalita.

"Kung gusto mong manalo. Make it quick. Patayan ang labanan dito, h'wag kang mag-alinlangan kahit kaibigan mo pa ang tatraydor sa'yo."

Nailinga niya tuloy ang kanyang mga mata sa paligid dahil nakakaramdam siya ng may nakatingin sa kanya ng matiim. Pero sa paglingon niya'y napatingin siya sa isang grupo ng gangsters sa 'di kalayuan sa kanila.

Nakita niya 'yung nakasama kanina sa paglangoy at pagpatay sa pating at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagawi ang walang harang na diving mask na mukha nito sa kanya.

.

.

.

Xyrene? Anong ginagawa mo dito?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action