Chapter 20: The Queen's Pendant

Xavier Villareal

"Isa... Dalawa... Tatlo... Umibig ako sa loob ng tatlong segundo." Sabi ng lalaking koreano sa commercial teaser ng isang programa.

Tss. Talaga? Nainlove ka sa isang tatlo in just a very short period of time? So, kung ganoon pala. E 'di pwede ko rin 'yan magamit as a quotable quote ng mga Assassin pala.

Isa... Dalawa... Tatlo... Sabog ang bungo mo sa loob ng tatlong segundo.

See? Ayos rin ah. Astig.

Nawala na ang atensyon ko sa TV nang biglang nag-ring 'yung cellphone ko.

I grab and answered it. "Hello."

"A Sir..." 'Yung receptionist 'ata ito ng pad ko. "... May naghahanap pong babae sa inyo rito."

"Papasukin mo." Utos ko agad sa kanya.

"Pero, Sir..." Napakunot-noo naman ako. "Umalis na ho agad siya e."

"Ano?!!!" Alam kong si Xyrene 'yun. 'Di ba sabi niya pupuntahan niya 'ko rito para i-advance 'yung honeymoon namin? Ano 'to? Bulilyaso?

"Ah... Sir--" I cut her instantly.

"Ano?!!!" Singhal ko sa kanya.

"May iniwan po siyang package rito e."

Napatayo naman ako sa pagkakaupo rito sa sopa. "Anong package 'yan?"

"Hindi niya po sinabi e. Pero ang sabi niya, ikaw na raw po ang umalam ng laman nito kapag tinawagan ko na po kayo."

"Ok. I'm going down there." Then I hung it up.

Kaagad naman akong lumabas ng pad ko at mabilis na nagtungo sa lobby area.

Ano naman kayang klaseng package ang ipapaiwan ni Xyrene at hindi siya tumuloy agad sa pad ko?

Asar naman o! Tagal ko kayang naghintay sa kanya kanina.

Biruin niyo? Dinala ko siya sa Barracks namin at nagpadala pa ng mga hairstylist para lang maayusan siya? T'as ng malapit nang matapos e inutusan kaming lumabas? Anak ng yawa, kami naman itong si sunod at lumabas agad dahil baka magbibihis. Pero nagdaan na ang trenta minuto e pagpasok namin, nakahiga na sa sofa 'yung hairstylist niya at umalis ng hindi nagpapaalam? May lahi 'atang magnanakaw ang babaing iyon e. Bilis makaalis.

NANG MAKARATING AKO sa lobby ay naabutan kong nagtatakip ng mga ilong ang lahat ng mga taong nandito sa baba. Miski 'ata ako e napatakip na rin dahil sa masangsang na amoy na galing sa kung saan man 'yun.

"What is that smell?" I asked.

"Mula 'ata 'yun dun sa package na pinadala ng babae na naghahanap sa inyo, Sir e."

Napatingin naman ako sa package na nasa isang malaking average size na box. Kulay blue iyon at may ribbon pa na white.

Nilapitan ko 'yun at mas lalo nga 'atang tumapang ang amoy na nakapaloob rito. As in... Masangsang promise.

Nang makalapit na ako ay dahan-dahan kong hinila 'yung white ribbon na nasa box.

Pagkahila ko ay agad na nagsipagsigawan ang mga tao sa paligid. Lahat nagulat sa laman ng box na binuksan ko.

Anong laman?

Tangna! Ulo 'to ni Mr. Cojuangco. Isa sa mga nakita kong nasa GVA General Assembly.

Name: Conrad Conjuangco

Age: 47

Location: Muntilupa City

Others: One of the stockholders of White Pegasus Corporation-- Company who has given an award as a most influencial corporation in the world of business.

KINAKAUSAP NA NG lawyer ko ang mga pulis na nandito na sa condo. Maging ang mga reporters ay nandito na rin pero hindi sila pinahintulutang makalapit dahil na rin sa nagsasagawa sila ng masusing imbestigasyon sa nangyari.

"Hindi nga pupwedeng kausapin ngayon ang kliyente ko." Singhal ng lawyer ko sa pulis.

"Pero kailangan namin ng statement mula sa kanya."

Bago pa man makapag-react pa ang lawyer ko e hinawakan ko na siya sa balikat niya at nilingon naman niya agad ako.

"It's okay. Magtatanong lang naman sila e."

"Pero--"

"Stop it! Kung inaalala mo ang mga reporters, hayaan mo na ang manager ko sa kanila. She can handle her sweetly so please, let me tell my story about in this incident."

Napabuntung-hininga na lamang siya no'n at umikod sa may tabi ko.

"So, Mr. Villareal. Ano hong ginagawa niyo sa tabi ng bangkay?" Segundang tanong niya agad.

Since wala ako sa mood na mangbara. "Dito ho kasi ako tumutuloy ngayon, and ako ang pinagpadalhan ng package na 'yan na may lamang ulo."

Then he jut it down.

"Kilala niyo ho ba kung sino ang nagpadala niyon?"

"Hindi, pero 'yung receptionist 'ata ng nakausap niya oo." Kaagad namang lumapit sa amin ang receptionist.

"Opo. Hindi niya po nakita. Actually, halos kilala ko na halos ang mga bumibisita kay Mr. Villareal maliban po sa babaeng ito, Sir."

Tumingin kaming lahat sa kanya. Hindi kaya si Xyrene nga iyon?

I shook my head mentally. No. Baka nagkataon lang. Hindi ko rin lubos maisip kung siya nga iyon.

C'mon guys, si Xyrene? Papatay? Brutal man at may pagka-amazona man 'yun, hindi siya 'yung aabot sa ganito.

Ewan ko rin kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba ba 'to dahil sa baka si Xyrene nga ang may gawa nito? O dahil sa motibo ng pagbibigay sa akin ng isang package na may ulong pugot.

"Anong itsura ng babae suspek?" Tanong ng imbestigador.

"Hindi ho gaanong labas ang mukha niya kasi may surgical mask ito. Parang may sakit. Pero 'yung buhok niya sobrang ikli. Hanggang balikat lamang po ito."

"Anong height ng naturang babae?"

"Siguro po nasa may 5'7 ang taas at may pagkamorena rin."

"May nakita ka pa bang suot ng suspek?"

Doon na nag-isip ang receptionist. Tapos biglang nagsalita. "Ahhh! Oo nga pala. May suot siyang pendant na hugas korona."

Napatigil ang hininga ko sa narinig.

Pendant? Kwintas? Korona? 'Yun mismo 'yung...

"Babae!" Sigaw ko Xyrene habang nasa kotse kami at papunta ng tambayan namin.

Doon ko nang napiling ipaayos siya dahil putol at wala sa wisyo ang kanyang buhok 'di ba? Kesa naman dalhin ko pa ng mall e 'di nachismis pa 'ko na may kasamang timang at mentally retarded 'di ba?

"'Di mo kailangang sumigaw!" Singhal niya pabalik.

Aba'y sorry naman. Naka-earphone kasi ako dahil 'di naman siya nagsasalita simula ng isakay ko siya. Wala naman sa ugali ko ang mang-usisa pa sa nangyari kaya naman nagsoundtrip nalang ako.

"Oh." Sabay abot ko sa kanya ng isang box.

"Ano naman 'yan? Suhol? Sorry pero marami akong pera. No need."

Tingnan niyo 'to. Ganoon na nga ang estado ng itsura niya tapos ganyan pa magsungit. Lord, please give me more patience!

"Tingnan mo muna kasi. Dada ka dada diyan."

"E bakit ko pa kailangang buksan 'yan? Baka mamaya, gunting 'yan. Nako! Xavier sinasabi ko lang sa'yo puputulin ko 'yang kaligayahan mo kapag gunting ang laman niyan."

Pffft! Na-trauma 'ata siya sa nangyari sa buhok niya kaya ganyan makapagsalita. Hahahaha.

"H'wag mo 'kong matawa-tawanan d'yan ikaw na lalaki ka. Sasapakin kita d'yan e."

Nako, brutal pa. "Basta buksan mo na, nagda-drive ako oh!"

Pabalang niya hinablot sa akin 'yung box na binigay ko sa kanya.

"Ano 'to?"

"Kwintas, malamang."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Oo nga e, kwintas pala 'to? Akala ko pendant."

Bakit ba ang galing mangharass nitong babaeng ito?

"Para sa'yo 'yan."

"Kaya nga binigay mo sa'kin 'di ba?"

"Kapag hindi ka tumigil sa kakapilosopo, hahalikan kita!"

E 'di nanahimik ka rin. Ang ingay ingay kasi. Daig pa ang pwet ng manok e. 'Di kaya ako makaconcentrate dahil sa mga pinagsasabi niya. Bakit? E sa nakakahighblood e.

"Queen's crown, huh" Yeah. It's a crown pendant. Ewan ko kung bakit 'yan 'yung napiling bilhin. Nakita ko lang 'yan kasi sa mall. E sa nagustuhan ko para sa kanya kaya binili ko na.

"Yeah. You like it?" Tinignan ko siya nang nakangiti. Aish! Bakit ba biglang nangiti 'tong labi ko

Nang tingnan ko siya, nakangiti rin siya. At alam niyo 'yung bigla kang makaradam ng kiliti sa tyan? Takteng yawa nga naman oo. Napabalik tuloy ako ng tingin sa kalsada.

"Yeah. Gustong-gusto."



NAHUGOT KO 'ATA ang hininga ko ng ilang beses sa sinabi ng babaeng ito. Hindi. H'wag ka munang mag-conclude, Xavier.

"Sir... ito naman po 'yung kuha ng CCTV camera dito sa may lobby area."

Nakisingit kaagad ako sa pagtingin kung sino ang babaeng nagdala ng package na ito. Pin-lay ng imbestigador ang video.

Sa una, ay makikitang naglalakad na animo'y isang sopistikadang model ang babae. Nakataas ang mga buhok at kitang-kita ang surgical mask na suot nito at nagmukha talaga siyang may sakit na mayaman.

May hawak itong package at pagkaraan na naibigay ito sa receptionist ay umalis kaagad ito.

Sunod na pinalabas ang CCTV camera sa entrance ng condominium. Dahil siguro sa mahangin ay natanggal ang pagkakatali ng buhok nito at kitang-kita ang pagbagsak ng wig nito.

Nanlaki ang mga mata ko, dahil suot nga nito ang pendant na bigay ko kay Xyrene. Maikli rin ang buhok at kasing-tangkad niya. Pero isa lang ang nakakasiguro ako.

Hindi si Xyrene 'to.

Hindi siya 'to. Alam ko, at ramdam ko.

Xyrene Coltrane

"BAKIT BA KASI tumakas ka sa kanya, huh? Ay nako! Buti konti nalang ang reremedyuhan dito sa buhok mong maganda." Sabi sa akin ni Eliza nang makaalis na ako kanina sa tambayan nina Xavier.

E kasi naman no. Ewan ko rin kaya ang dahilan kung bakit ko siya tinakasan kanina e. Hindi ko alam kung dal aba 'to nung pinuntahan niya ako do'n sa eskinita— most specifically, yinakap o dahil do'n sa pagbigay niya sa akin nitong pendant na ito.

Kayo nga, explain niyo sa akin kung bakit?

Kasi miski ako gulong-gulo na e. Kinakabahan ako noong yakap niya 'ko kanina t'as ganoon din nung binigay niya 'yung pendant sa akin kanina sa kotse niya.

"Ay nako, talaga. Gagantihan ko rin 'yang Jessa na 'yan." Gigil na sabi Eliza.

"Huminahon ka nga d'yan."

"Anong huminahon ang pinagsasabi mo d'yan, huh, Xyrene? 'Yung crowning glory mo na 'yung sinira at ginupit nung hayop na 'yun. Ang ganda ganda kaya ng buhok mo na mahaba t'as sisirain lang niya? Makakatikim sa 'kin 'yun ng sampal at tadyak e.O 'di kaya, patayin ko na kaya?"

Binato ko nga lagayan ng pulbos. Ang hot msayado. "Maghulus-dili ka nga d'yan. Kung gusto mong gantihan sa GVA Battle na."

Nakita ko naman sa salamin na tumaas ang gilid ng mga labi niya.

"Yeah, yeah. Tama. Makakatikim siya akin makikita niya lang."

"Kaya kung ako sa'yo. Make my short hair na. Make it more fabulous. Alam kong kaya mo 'yan. Right?"

Nginitian niya lang ako. "Naman no. Ako kaya ang dakilang fashion designer mo."

Nagtawanan lang kami after no'n.

Hindi na ako masyadong galit ngayon dahil sa naputol na ang iniingatan kong buhok. Pasalamat talaga ang Jessa na 'yun na dumating si Xavier dahil kung hindi napatay ko na siya kanina.

Sayang nga lang at nanghihinayang ako dahil 'yun n asana ang pagkakataon ng babaeng iyon na makita kung paano ako magalit e.

HABANG NAGKUKWENTUHAN KAMI ni Eliza about sa mga nangyari sa akin this past few days, kasama na rin do'n ang usaping GVA e bigla kaming napatigil ng makarinig kami ng motor sa labas.

Actually, nasaundergorund area kami ngayon ng apartment na sinira nina Emmanuel e. I was just hoping at sa tingin ko naman ay hindi niya malalaman ang lugar nito.

Nagtanguan kaming dalawa at sabay na nagbunot ng baril.

Dahan-dahan kaming naglakad paitaas at maingat na hindi makagawa ng ingay.

Alam naming hindi sina Andrei at Akiro 'yung nasa labas dahil kabisado naming dalawa ni Eliza kung paano magpatigil ng motor at kotse ang dalawang mokong. Like hello! May screech effect pa ang routine na ginagawa nila no.

Naramdaman naming nagbukas ang pinto sa entrance door, habang kami naming dalawa ni Eliza e gumulong sa may sala.

Nagtago kaming dalawa sa likod noon pero gumulong muli ako sa may computer desk.

"Alam kong nagtatago lang kayo d'yan, so kung ako sa inyo e lumabas na kayo."

Sabi ng isang babae. Hindi pamilyar sa akin boses. Pero mahahalata mo sa boses niya ang authority.

Like hell. Pagod na ko at gusto ko nang matulog.

Tumayo ako at nagpakita sa kanya.

Tumingin siya agad sa 'kin habang nakatutok sa akin ang baril.

Ngumisi siya at ngumisi lang 'din ako. Ano siya? 'kala niya magpapatalo ako?

"Nasaan si Dark Scheduler?" Tanong niya.

Ah... so kilala niya pala ako. Mas lalo tuloy akong napangisi. Bakit? 'Di ba ang nasa bokabularyo ko... Ang makakilala sa akin lalo pa't hindi ako nakamaskara ay haharap sa talim ng aking kamandag?

"Sino ka?" I asked her, ignoring her question.

Kinasa niya ang gatilyo at tinutok muli sa 'kin. "Sagutin mo 'ko babae."

"Nasa pamamahay kita kaya dapat ako ang may karapatan para magtanong at hindi ikaw." Turan ko sa kanya.

"Ikaw ang may-ari? So, ikaw si Dark Scheduler?"

"Hindi." Simple kong sagot.

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Kay DS ang bahay na ito kaya h'wag mo kong niloloko."

Napatawa ako ng pagak. "Hindi nga ako ang tinutukoy mong DS. Kung sino man 'yan siguro patay na. Alam mo kung paano namatay...?" Napakunot-noo naman siya. "... Sa katangahan mo."

I know that she's now gritting her teeth.

E sa tanga siya e. Kung alam mo naman pala kasi ang sagot, h'wag mo nang itanong. Nagmumukha ka kasing tanga e. 'Di ba tama ako? Simpleng logic naman kasi pakigamit.

"Ang talas naman 'ata ng dila mo."

"Hindi a. Kailan ba naging kutsilyo ang dila ko?"

Ang sarap sarap talagang mang-asar. Hahahaha. Bakit? Ito ugali ko e. mas gusto kong ginagalit ka para kapag sumugod ka, ikaw ang talo. Bakit? Kasi ako kalmado ikaw mukhang sira-ulo.

"Ginagalit mo talaga akong babae ka."

"Ahhh... hindi a. Ang ginagalit 'yung nasasaktan. Sorry, ang bait bait ko kaya."

She kicked me after I have said that. See? Asar-talo. Nakakaawa naman ang mga ganyang tao. Sarap patayin.

I easily dodging every stance she's going to throw at me. Pero kaagad akong may napansin sa bawat galaw niya. Bakit parang...

"I meant it. Ikaw nga 'yan DS. Bakit? Gulat ka ba at nagagawa ko ang bawat atake na nagagawa mo?"

Oo. Nagulat ako inaamin ko.

Pinag-aralan ba niya ang bawat galaw ko?

"Kung iniisip mong pinag-aralan ko ang bawat galaw mo, sorry pero asa ka! Hindi no."

Then she kick me again on my left arm pero agad ko namang naiharang ang dalawa kong kamay dahil katumbas ng bawat bitaw niya ng sipa ang lakas na nilalabas ko rin.

"Ugh!" Daing ko nang mapulupot niya ako sa mga bisig niya habang ang isa niyang kamay ay nakasabunot sa buhok ko.

"Ano??? Hanga ka na?"

Ngumisi lang ako sa kanya kahit nahihirapan akong kumalas sa kanya. Mas lalo akong napangisi nang makita ko maliit na mirror vase ang anyo ni Eliza sa gilid.

Inilagay ko ang kanang paa ko likod ng paa ko na umabot naman sa likod ng kaliwang binti ng babaeng ito.

Huminga muna ako saglit bago ako bumwelong i-twist ang kanan at kaliwang paa ko dahilan para ma-out balance ang dalahirang babaeng ito at maangat sa sakit.

Kaso nga lang sa pag-angat niya ay hindi niya napansin si Eliza na inihampas ang isang wooden chair na pang-matanda sa likod niya.

"Fucking shit!" Daing niya ng mapangudngod siya sa sahig.

Susugod na sana ako pero kaagad niyang ini-slide ang paa nya at nag-bactktied malapit sa bintana ng sala.

Bago siya tuluyang makalabas tumingin muna siya sa akin.

Ngayon ko lang napamasdan ang mukha nang masinagan ng ilaw na galing sa buwan ang mukhang hindi ko kanina nakita sa dilim.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang isang bagay na talagang nagpagulat sa akin.

"Nice meeting you DS..." Tapos ay iniangat niya ang bagay na nasa kamay niya. Shit! Ang pendant ko!

"Sorry pero mukhang mahihirapan kang manalo sa GVA. Bakit? Nang magdesisyon kang sumali... you bear on the stone ang mga susunod na araw ng pagdating ng kamatayan mo. Bilang nalang... at kapag dumating ang araw na 'yun. H'wag kang mag-aalala ako ang papalit sa pwesto mo. Lalo na sa mapapangasawa mo..."

Akiro Ichiyama

"AYOS KA NA ba d'yan?" Tanong sa akin ni Andrei. Nasaan kami? Well, andito sa liblib na lugar na malapit sa bahay ni Mr. Conrad Conjuanco.

Bakit?

Napag-alamanan naming na may bagay pa palang dapat gawin sa Token of Death na 'yan. Tsss. Daming arte e.

Kailangan pa palang madungisan ito ng dugo na kailangan naming  patayin para lang maging official contestant kami sa larong 'yun.

"Oo, ayos na ayos na. kating-kati na nga akong ibato 'tong boomerang ko e."

Sino ang maswerteng babahid sa Token naming? Si Mr. Conjuanco. Aba! Swerte niya at ang swerte naming dahil saktong nagpadala na naman ng message ang mga kliyente naming bilang mga assassins e. Saktong sakto at siya ang napili namin para doon.

"Stick to our simplest plan, Black Initiator."

"Copy..."

Gagawin lang naming itong madalian. Paano? Tsss. Isang napakasimpleng hagis lang ng paboritong malaking shuriken ni B.I na nananakaw pa niya sa Japan.

Si B.I na ang nakaatas rito since expert siya pagtapon ng shuriken.

Paano?

C'mon... see this.

NAKITA NAMING PAPALABAS na ng mansion nila si Conjuanco. That's the cue fo B.I para maghanda. Kalkulado ni B.I ang bawat hakbang ng isang tao base sa height na taglay nito.

He calculated na 100 steps before the final throw.

Shuriken's was extremely hard to use if you want to use this sa mga taong nagalaw. Kinakailangan mong gamay na gamay ka para lang matantya mo ang accurate velocity and the force that you were going to use for your final turn.

98... 99... 100...

And... in just 5 seconds na pagtapon ay agad na gumuhit sa leeg ni Conjuangco ang blade dahilan para mapugutan ito.

Lahat ng mga nasa paligid niya ay nagsimula nang magsigawan dahil sa nangyari sa boss nila. Ang mga guard naman ay tinitingnan ang paligid kung saang galing ang blade na ginamit naming.

Sad to say pero hindi nila malalaman kung nasaan kami.

I've already ordered Eliza na nasa headquarters na i-off ang GPS access sa parameter ng buong mansion ni Conjuangco within 1km miles per second.

Lumabas kami ni Andrei sa kotse at pinuntahan ang puno na pinagtamaan ng blade. Nilagyan pa 'yan ni Andrei ng letter "x" dahil sigurado siyang d'yan sa punong 'yan tatami ang baby niya.

"Tara bilis." Kaagad na sinalok ni Andrei ang dugo ni Conjuangco sa Token of Death na hawak niya.

We've just waited a minute at saka lamang umilaw ang gitnang bahagi ng token at lumabas ang mga katangang...

"You're now official member of GVA Battle 2012. Congratulations..."

Matapos niyon ay agad kaming umalis at lumarga. Ngunit napahinto ko ang kotse nang mapansin ko ang isang babae sa isang puno at tila kinukuha ang ulo ni Conjuangco.

"Ano 'yun?" Tanong sa akin ni Andrei.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tiningnan ko ng matiim ang babae.

Nanlaki bahagya ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang babae.

Hindi... anong ginagawa mo d'yan...

.

.

.

"Xyrene...?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action