Chapter 19: Postponed
Xavier Villareal
"THE NUMBER YOU have dialed is out of the coverage area. Please try again later." Ito ang laging naririnig ni Xavier sa t'wing tinatawagan niya si Xyrene. Hindi sinasagot ng dalaga ang kanyang tawag at nakaka-singkuwentang missed call na 'ata ang nagagawa niya. Bakit ba hindi nito sinasagot? Bumabawi ba ito sa kanya na hindi niya sinasagot ang tawag nito sa kanya mula pa kaninang umaga?
Kanina pa rin siya naiinis sa mga taong pinagtatanungan niya kung nakita ba nila si Xyrene sa paligid. Pero tanging tulala lang ang ginagawa ng mga ito— lalo na ang mga babae. Iyong iba nagtititili pa, nagtatanong siya ng ayos ta's gano'n ang sagot sa kanya? Aba matinde! Inasahan pa niyang sasagutin siya ng mga babaeng ito ng ayos. He should've known it better.
Kakausapin niya sana si Xyrene tungkol sa sinabi nitong kasal nilang dalawa sa kamakalawa. Kinakailangan niya kasing ipaalam rito na payag siya na ikasal sila ng ganoong kabilis. Kahit sa judge lang ay ayos lang. Ang importante'y magkaroon na siya ng assurance na sa kanya na ang dalaga. Na kahit iwan niya muna ito rito sa syudad ay dala-dala nito ang kanyang marka... ang kanyang apelyido.
"Nakita ko siya na nagpunta sa may abandoned building ng school." Sagot sa kanya ng isang lalaking nakasalamin. Napabuntung-hininga siya at may sumagot rin sa kanya ng ayos.
"'Ge, salamat 'tol" Tugon niya rito at iniwanan ito.
Tinakbo niya ng sobrang ang naturang lugar. Kinakabahan na rin kasi siya lalo pa't abandonadong building pa ito nakita.
HE was stunned when he saw her sitting on a garden bench and there's a garden gnome design statue placed beside her. Nilapitan niya ito ng dahan dahan upang sana'y sopresahin ngunit siya yata ang nagulat sa dahil sa katawagan nito sa cellphone.
"Yeah, sige— wait? Is that a date? C'mon... alam mo namang may fiancé na 'ko, right? — Psh! Jealous much? Don't be. I'm not in love with him— yeah! Ang totoo niyan ay nagpaplano akong kausapin siya tungkol sa annulment if ever na pumayag na siya sa kasal—"
Hindi na niya ito pinatapos ang sasabihin dahil mabilis niyang hinablot ang cellphone nito. "Hey! Ibalik mo 'yan!" She yelled but he turned off her phone immediately. "Ano bang problema mo?"
"Problema ko?! Ikaw! Anak ng! Ikakasal na tayo the day after tomorrow tapos nagawa mo pang makipaglandian sa ibang lalaki over the phone? At anong sabi mo? Nagpaplano kang makipag-annulled sa akin matapos tayong ikasal? Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Xyrene Coltrane! I won't let you escape from my possession!"
Humalukipkip ito sa kanyang sa tapat at tinaasan siya ng kilay. "And when did you start being so possessive, Mr. Villareal?"
Natigilan siya sa naging tugon nito sa kanyang tinuran. Miski siya'y hindi makapaniwala sa naging tabas ng kanyang bibig at sa naging bulyaw nito sa dalaga.
Kailan nga ba siya huling naging ganito sa babae? Mula noong mamatay ang kanyang naunang nobya na ngayo'y patay na? Oo nga, gano'n nga iyon. Pero kahit alam na niya ang ibig sabihin ng mga inaasta niya'y hindi niya pa rin hahayaang malaman iyon ng dalaga. at pipilitin niyang baguhin pa ang kanyang nararamdaman. Hindi maaaring maging ganito kahinatnan ng lahat. Hindi niya muling hahayaang may mawalang muli sa kanyang mga minamahal. He will deny as long as he can. Kung kinakailangan magpanggap na walang nararamdaman ay gagawin niya masiguro lamang niya ang kaligtasan ng dalaga. Sa ngayon ay hindi niya ipapaalam ang nararamdaman ngayon. Hindi pa sa ngayon, kailangan niyang hintayin ang tamang pagkakataon.
Napatiim-bagang siyang sumagot. "Pwede ba?! Don't ask me that kind of question? Damn it!"
"Iyan ba gusto mo? Sige, bahala ka. Hindi kita pipiliting sagutin mo 'ko ng mga tanong na gumugulo sa isip ko ngayon lalo na sa nangyari kagabi. Wala lang 'yon sa akin. Walang wala!"
He took a deep sighed. He had been stubborn for not talking to her or it should be pleased to say that he ignored her existence, matapos ang nangyari kagabi.
"Okay, about what happened last night. I'm sorry."
Ito naman ngayon ang napatigil at napatitig sa kanya ng seryoso. Anak ng! H'wag mo nang ipaulit utang loob, Xyrene!
"Ano nga uli iyong sinabi mo?" nakasingkit ang mga mata nitong nagtanong.
"Wala Walang ulitan sa bingi." Utas niya rito at sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang pisngi. At mabuti na lamang at hindi napansin iyon ng dalaga dahil bigla itong nanahimik at nakatingin lang sa kanya ng walang halong emosyon.
Muli siyang kinabahan sa pinapakita nitong ekspresyon. Ayaw na ayaw niya talaga nakikita itong nagkakaganito. Lalo na kung hindi niya mabasa basa ang ekspresyon nito. Sobra siyang kinakabahan. 'Yung tipong pakiramdam na may gagawin itong makakasakit sa kanyang damdamin.
"H-Hey, you're okay?" tanong niya rito ngunit hindi ito sumagot at nanatili lamang sa ganoong klase ng ekspresyon.
Naramdaman niyang bumilis muli ang kanyang paghinga, tanda na siya'y naiinis na sa pinapakita ng dalaga. Bakit ba bigla bigla na lamang ito nagbabago ng mood? Hindi niya talaga maintindihan ang mga babae!
He held her shoulders and shook her "Hey..." He muttered but she removed his hands on her shoulders and damn! She's still wearing that look.
Inilayo nito ang tingin sa kanya. "Wala, may naaalala lang ako bigla. Sige na. Aalis na 'ko. May pupuntahan pa ako e, don't worry, tinanggihan ko iyong kausap ko sa date na alok niya." Then she turned her head away from him.
Hindi na talaga siya nakapagtimpi, he held her back and faced her face in front of his face. She saw her shocked from what he did, pero siya ba hindi? Damn! Ano ba 'tong ginagawa niya? "Look. I'm sorry. I didn't mean to be cold last night and a while ago. May iniisip lang ako kagabi na dapat lang isipin at nadala lang siguro ako no'n kaya naman bigla akong nagbago."
She pushed his hands again away from him and faced her eyes unto his. "Look, Xavier, okay na iyon. Wala na sa akin iyon. H'wag ka nang maging gan'yan pa. Saka about do'n sa wedding..."
Siya naman ngayon ang napakunot-noo. Anong mayroon sa kasal nila?
"What is it?"
"I've already decided to tell my aunt na h'wag na muna nating ituloy iyon." Hindi niya alam ang pakiramdam na biglang lumukob sa kanya ngunit sa kanyang pakiwari'y biglang bumagsak ang isang mundo sa kanyang balikat.
"A-Ano?"
"Look, Xavier—" he cut her.
"No. We will do it the day after tomorrow at hindi ako napipilitan do'n kung iyon ang iniisip mo."
"No. Listen to me first... I think we better think about it, bago natin gawin. Oo, they've decided but hell, may mga importanteng bagay akong dapat ayusin ngayon and it will take several months to finish that."
Mas lalo naman siya. Pero kaya pa rin niyang pakasalan ito sa kamakalawa. Saka after ng araw na iyon ay saka pa lamang naman sila susunduin 'e. Kaya walang kaso sa kanya iyon.
"I hope you understand me, Xavier. H'wag ka rin naman excited masyado sa kagustuhan ng magulang mo at nina Tita Genevieve. Kakausapin ko mamaya si Tita at kahit na medyo mahirap nang mapabago ang isip no'n, alam ko namang kaya ko."
Tokwang 'yan. Siya pa ang excited? Wow! Asa naman!
"Hindi ako, excited." He said with a flat tone.
She rolled her eyes. "Yeah yeah yeah... sabi mo 'e."
"But seriously... we need to think about it first. Lalo pa't busy pala tayo sa mga susunod na mga araw at buwan. Makakapaghintay pa naman iyon. Like duh! Sa tingin mo ba papayag iyang tatay mo na hindi ka makasal sa akin?"
"Lakas din ng self-confidence mo, 'no?"
She flipped her hair. "Kahit naman ganito ang itsura ko. Maganda ako."
"Yeah yeah yeah... sabi mo 'e."
Siya'y napabuntong-hininga matapos no'n. Sa tingin niya ay iyon muna ang mas nararapat nilang gawin. Emotional and physically, pagod siya. At kailangan niya ng mahabang pahinga bago sila sunduin ng mga tauhan ng GVA Battle.
He took a deep sighed again. "Okay, sumasang-ayon ako..." she smiled but... "but..."
Siya naman ngayon ang napangisi. "Ano?" 'di mapakaling utas ng dalaga.
"H'wag na h'wag kang gagawa ng mga bagay na ayaw ko—"
"Anak ng tokwa naman, Xavier! Ako pa talaga ang inakusahan mong gagawa ng mga bagay na ayaw mo, ah!"
"H'wag ka nang mareklamo. Dadada ka pa 'e wala ka rin namang magagawa pa. Second..."
"What? At ngayon naman may second pa? Aba ayos!"
Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa labi nito. Anak ng! ang lambot ng labi potek!
"Itikom mo iyang bibig mo o hahalikan kita rito?" then she stopped screaming like a twelve year old girl.
"H'wag ka na ngang magreklamo nga 'di ba? May magbabantay sa iyong mga bodyguard—" she cut him by wailing her head away from him.
"Gago ka ba? Ano ako? Batang nawawa—" hindi na niya ito pinatapos pa dahil mabilis niyang sinunggaban ang labi ng dalaga. Sabi na kasing manahimik, ayan tuloy naparusahan.
He was about to pulled out his lips when he felt her arms clinging on his shoulders then she held his nape to deepened their kiss.
Okay, now he was the one who'd been shocked.
Curse you, Xyrene! Why did you kiss him back? Wala na siya sa katinuan, pero iisa lang ang naiisip niyang nangyayari ngayon. They were kissing and she's teasing him by pulling out her lips unto him but no way will he let that happen.
Now it's his turn to hold her nape and deepened their kiss. He licked her lips and put some force on it to let him in, but he didn't expect that this woman already knew na ang ayaw niya sa lahat ay iyong hindi binibigay sa kanya ang lahat. At alam niyong alam niya ang gusto niyang hingiin sa dalaga ngayon.
He wanted her tongue. He wanted to taste every single detail of her lips— of her mouth. Shit! Ngayon lang siya nasaparan sa isang halik and Xyrene was way good at this.
Naramdaman kong nangingiti ang dalaga ngayon base sa mga labi nitong forming a smile just like she won a billion dollar.
Finally, she pulled away herself. Ugh! Bitin! Kahit ayaw man niya ay hinayaan niyang mapaglayo ang kanilang mga labi dahil baka may makakita sa kanilang ibang tao rito.
Nginisian siya nito. "Wow, can't get enough with my lips?"
Hindi niya napansin na tila namula na pala ang kanyang pisngi at nakita iyon ng dalaga. Kahiya pare!
"Asa!" tugon niya sa dalaga at napatingin ng malayo sa mga mata nito.
"Yeah yeah yeah... kwento mo sa pagong."
She held back her bag na nahulog sa sahig saka tumingin sa kanya. Tinging kaakit-akit kahit hindi niya gusto ngayon.
Siya tumikhim at muling nagwika sa dalaga. "Seriously, Xyrene, kahit anong gawin mo pababantayan pa rin kita sa mga bodyguards ko habang wala ako."
Kumunot-noo naman ito, "Aalis ka? Bakit ba kasi kailangan ko pa ng bodyguards? I can protect myself."
"Oo nga, ando'n na tayo. Pero kahit ano pang reklamong sabihin mo, hindi na magbabago ang isip ko na ipabantay kita. And yes, aalis ako. Katulad rin ng sabi mo kanina, may bagay rin akong dapat ayusin ngayon and it's merely important." Alam niyo naman ang ibig niyang sabihin 'di ba?
"Para namang mababantayan ako ng mga tao mo." She whispered pero hindi niya iyon narinig.
"Ano sabi mo?"
"Wala, wala. Ang sabi ko hindi nga ako matatali sayo pero sa mga bodyguard mo naman ako bantay sarado."
Umismid siya sa sinabi nito. "Oo naman. Ako pa. 'E gwapo itong fiancé mo."
Tumango tango ang dalaga habang nakahawak sa baba nito. Teka nga, pinag-iisipan pa ba nito ang kanyang kagwapuhan? Aba't!
"Problema mo?" tanong niya rito.
"Oo nga, gwapo ka nga..." napangiti naman siya sa sinabi nito kaya lang. "... kung hindi ka lang masyadong hambog."
"At itong hambog na gwapong 'to ang pakakasalan mo sa ayaw at gusto mo."
"At alalahanin mo, ang ordinaryong babaeng ito ay alam na may salitang Annulment sa mundo."
Muli siyang napasimangot.
"At sisiguraduhin ko namang makakalimutan mo ang salitang iyon, 'pag sa oras na maranasan mong makasama ang gwapong hambog na 'to. Lalo na..." he grinned wickedly. "Lalo na sa honeymoon."
"Well, let me remind you, Mr. Villareal. Matagal pa iyon. H'wag kang umasa masyado."
Ang galing rin minsan nitong babaeng ito na manira ng magandang mood sa pagitan nilang dalawa.
Siya'y napabalik sa kanyang wisyo nang biglang nagsalita si Xyrene. Na nagpagising sa kanyang lamang lupa.
"Since, mukhang hindi naman pala matutuloy ang kasal natin... gusto mo bang i-advance na ang honeymoon?" She wickedly grinned at him again na mas nagpa-excite sa kanya. Potek na 'yan, para siyang asong ulul na natigang ng mahabang panahon.
He smiled triumphantly. "That would be great! Hinding hindi na 'ko magpapakipot pa."
She chuckled. "Oh no! Then I'll just drop by to your pad later. Be sure na ibibigay mo sa akin ang isang magandang gabi, Xavier. Dahil minsan lang 'to, kaya lubusin mo."
Pagkatapos no'n ay iniwan na siya ng dalaga. Iniwan siya nitong na nakangiti ng sobra sobra. Excited na siya tyanggala! Mukhang kinakailangan na niyang mag-exercise dahil mukhang mahaba-habang oras ang kanilang bubunuin mamaya sa kanyang tirahan.
MAGLALAKAD na sana siya pabalik sa kanilang tambayan nang may maramdaman siyang nagmamasid sa kanya. Kanina pa 'to nakabantay sa kanila. Nagpalinga linga siya ng tingin kung nasaan ang taong iyon. Pero 'pag tingin niya sa bandang kaliwa niya ay... nakita niya si Jessa. Anak ni Mr. Lazatin na namatay noong nakaraang dalawang linggo lang.
Masama ang tingin na ipinupukol nito kay Xyrene habang paaalis ito kanina. Pero mas nagulat siya sa hawak ng dalaga.
Doon niya lang napansin ang isang bagay sa kaliwang kamay nito...
She had a tattoo... a black rose. Wait? Don't tell him na siya iyong leader ng Black Lily. The second strongest female gang na nakuha ang second spot for being powerful in Asia.
Pero mas nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong ang bagay na hawak nito... Token of Death.
She was grudgingly holding it like while still looking at Xyrene. Mukhang napansin siya nitong nakatingin sa kanya kaya bigla nitong itinago sa likod ang hawak nga Token at nginitian siya sabay sumibad ng alis.
Kasali ito sa GVA?
Tumunog ang kanyang cellphone habang naglalakad pabalik sa tambayan nila. He held it out on his pocket and slid the answer key.
"Hello?"
"Xenon." Si Silent Keeper— Marco.
"What?"
"Ano nang gagawin mo?"
Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito. Anong pinagsasasabi nitong gagong 'to? Akala ba nito at nakalimutan na niya ang atraso nito sa kanya?
"What do you mean by that Silent Keeper?"
"Idiot! Nakalimutan mo bang we need to kill a man and stain our token as a sign of confirmation that we are going to accept they're invitation?"
Napatampal siya sa kanyang noo nang maalala iyon. "Shit! Nakalimutan ko."
Tapos bigla niyang naaalala ang mga tingin kanina ni Jessa habang hawak ang token na hawak nito. "Ikaw na munang bahala do'n."
"Wait! Hindi—"
Binaba na niya ang tawag at mabilis na sinundan si Xyrene. Anak ng putakte! Nasa panganib ito ngayon. At gagawin siyang target ni Jessa sa token nito.
* * *
Xyrene Coltrane
PAPALABAS na siya ng eskwelahan nang marinig mula sa 'di kalayuan ang pagtawag ng isang tao sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito at nakita ang isang babaeng nakalugay ang buhok nito at may makapal na eyeliner. Nakangiti ito sa kanya at ayaw niya ang paraan ng pagngiti nito sa kanya. Mabilis na siyang kinutuban.
"You're, Xyrene right?"
"Yeah, bakit?"
"Well, actually I'm Jessa Lazatin kung hindi mo alam." Utas nito sa kanya at inalok ang kamay nito sa kanya. Teka, Jessa Lazatin? Ito 'yung tinutukoy ng mga Constellates sa kanya na nag-utos na ipapatay siya sa mga ito.
Nakapag-usap kasi sila ng mga Constellates kanina bago siya inabutan ni Xavier kanina at ang GVA ang kanilang topic. Alam na ng mga ito na kasali silang Black Deaths sa nasabing laro. Sinabi rin sa kanya ng mga ito ang dahilan kung bakit kinakailangan pa siyang ipapatay ni Jessa Lazatin. At doon niya nalaman na konektado iyon sa sinasabi nilang Token. Iyong punyal na binigay sa kanila. Iyon raw kasi ang tawag roon. Sinabihan rin nila siya na kinakailangang mabahiran iyon ng dugo ng kanilang papatayin upang maging opisyal na silang manglalaro ng GVA. Napaka-ironic ng gusto nilang gawin hindi ba?
"Oh! You're Jessa Lazatin. Anong mayroon?"
"Yeah, it's me the one and only. I was just wondering if you're the newest freshman girl here on our school." Tumango lamang siya bilang sagot at hindi nagsalita. Well, supposedly her question is answerable by yes or no. Tango at iling.
"Oh, I was right, you're not that beautiful." Napatawa siya sa naging usal nito sa kanya. Akala ba niya papatayin siya nitong babaeng ito? Ganito ba ito sa mga bibiktimahin niya? Usap usap muna bago patayin?
"What's funny?" nagtataka nitong tanong.
"You're face," Then she laughed so hard when she saw how did her face change into a demon's face.
"Tinatawanan mo ang kagandahan ko? How awful you are."
"Yeah, I'm such an awful girl, but I guess I'm not that conceited like the way you see on your face."
Kitang kita niya ngayon kung paano ito nagtitimping magalit. Sige na nga, masakyan nga ang trip nito ngayon sa kanya. Tingnan natin kung paano siya nito papatayin.
She smiled at her— pilit syempre. "Oh please freshie. I just want to invite you to have a coffee drink nearby on our school. I hope that you don't mind."
Since sinasakyan niya ang acting nito, "Oh sure, it'll be my pleasure to have a cup of coffee with you, Ms. Lazatin."
Ngumiti ito sa kanya— a smirk maybe. Syempre, iniisip nitong kumagat siya sa pain nito. Well, asa siya! Hindi man lang niya naisip na galingan pa ang pag-arte? Halatang halata kaya ito.
HABANG naglalakad sila palabas ng school ay panay ang tingin nito sa paligid. Napansin niya rin na may kinukuha ito sa bag nitong dala. Medyo blangko pa ang mukha nito at mukhang may masama talagang gagawin sa kanya itong babaeng ito.
"Ano'ng order mo?" Tanong niya sa akin habang nakapila sa isang Coffee Shop na malapit lang rin pala sa school.
"Well, Iced Caramel Macchiato, the usual."
"Okay, hanap ka nalang ng chairs natin there, oh." Conyo lang? Bangasan niya 'to.
"Oh, sure." Kaagad siyang naghanap ng lugar na mauupuan nilang dalawa. Sakto at may kakaalis lang na dalawang babae na nakapang-school rin nila na ganito. Kaya do'n na siya umupo kaagad. Baka maunahan pa siya pag nagkataon, saka perfect spot para sa gagawin ni Jessa sa kanya. Oh, 'di ba? Ang bait pa niya at tinutulungan pa niya ito sa pagpatay sa kanya?
Matapos ang ilang sandali ay natanaw na niya itong papalit sa kanya bitbit ang kanilang in-order. Nginitian pa siya nito bago umupo. "Here is yours." Kinuha naman niya iyon.
"Thanks," she said while claiming it.
Iinom na sana siya ng coffee nang mapansin niyang may tumunog sa ilalim. "Hey, mukha iyon 'ata iyon." Sabi nito sa kanya.
Ibinaba niya muna ang kanyang inumin at tumingin sa ilalim. She smiled wickedly nang matanaw ang mga braso nito na tila may nilalagay sa kanyang inumin. Lalasunin mo siya sa ganyang klase ng taktika? Paano ito makakakuha ng dugo mula sa kanya?
Naisip niyang bigla na maaari siya nitong laslasin sa oras na mainom na niya ang inuming nilagyan nito ng baso. Not a bad move.
Bumalik na siya mula sa pagkakayuko sa ilalim nang makuha ang isang pisong halata namang ito ang nagtapon at sinabing sa kanya iyon. "Sorry, akin nga yata ito. Swerte 'to alam mo ba?"
She smiled back at her but this time may halo na talagang ngisi ang mga iyon.
She grabbed her cup of coffee and put it on her lips. Sinulyapan niya muna si Jessa saglit at tama nga ang kanyang, pinagmamasdan siya nito kung paano niya ininom iyon. Punyeta! Paano ba 'to nakapasok sa GVA kung ganito naman ito katanga at kamanhid na alam na ng papatayin niya na may balak na itong patayin siya?
Hindi siya tanga upang inumin talaga iyon. Muli niya iyong binaba at kitang kita sa mukha nito ang pagkainip. "'Di ba tayo nito male-late?"
"Hindi iyan! Ano ka ba?! Kaya kung gusto mong 'di tayo ma-late 'e 'di ubusin nalang natin agad itong coffee." Then she sips her cup.
Nagkibit-balikat lamang siya at nilapat muli ang cup sa kanyang bibig.
Then the camera is on. Kunwari ay nahihilo siya ng unti ta's medyo nagbi-blink blink na ang kanyang mga mata. Tapos ay nagduduwal kunwari na akala mo ay buntis but hell she's still a virgin, 'no.
She saw her lips twirled and form an evil grin. "I told you so, h'wag kang lalapit kay Xavier ko. He's mine and mine alone. Kita mo nangyari. Olats ka ngayon at sino ang pumatay sa iyo? No other than me."
Natatawa na lang siya sa mga pinagsasasabi nito.
Kinuha na nito sa dala nitong bag ang isang punyal.
Luminga muna ito sa may counter, medyo tago kasi itong pwesto na katabi lang ang bintana saka tumingin muli sa kanya.
She held her arms widely and she was about to cut her precious arms when she grudgingly grabbed her hand and twisted it. Jessa screamed a bit but she dodged her arms on her neck para hindi ito makagalaw pa.
"Unang-una sa lahat, salamat sa kapeng nilibre mo sa 'kin..." mas hinigpitan pa niya ang ginagawa niya sa dalaga dahilan upang ito'y mapaungol sa sakit. "Second, wala akong pakialam sa Xavier, Xavier mo na iyan. May atraso siya sa akin kanina kung ang tinutukoy mong nilalapitan ko siya kanina, desperately."
This time, mas diniinan pa niya ang ginagawang pag-ipit ng kanyang braso sa dalaga. "And lastly, ngayon lang tayo nagkita at nagkausap kaya h'wag na h'wag mo 'kong ma-I told you so, I told you so nakuha mo?"
Nagkatitigan pa sila ng ilang minuto pero mukhang hindi na nito kaya pa ang ginagawa niya sa leeg nito kaya naman napapadaing ito sa sakit.
"Ahm... Ladies, may problema po ba?" mukhang nakita sila ng isang crew ng starbucks kaya naman binitawan na niya ito at hinarap 'yung crew.
"Wala naman. We're just..." tiningnan niyang muli si Jessa and she saw her touching her neck because of what she did, and then faced again the crew. "We're just practicing something that we've learned a while ago on our taekwondo class."
Kinuha na niya ang kanyang bag at mabilis na umalis sa lugar na iyon.
Nakakailang lakad pa lamang siya nang bigla niyang maramdaman ang hablot ng isang kamay sa kanyang buhok. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung hinahawakan ang kanyang buhok!
"Hindi pa tayo tapos babae ka!" then Jessa pinned her on a wall. Mukhang nasa isang eskinita na sila kaya wala masyadong nakakakita sa ginagawa ng dalaga sa kanya.
She looked at Jessa with a grimaced look and said, "Boba! Tapos na! Lalasunin mo na nga ako palpak ka pa! Halata ka masyado kanina alam mo ba iyon?"
"Alam mo iyon?"
"Bobita! Uulitin ko pa ba 'e kanina ko pa nga sinasabi 'di ba?"
Then Jessa slapped her. How dare she do that?
"One more word and I'll cut your tongue."
"As if you can do that."
She smirked then she shouted. "Veronica! Tiffany!"
Then two hot and oozing girls came out from nowhere. So now what? Reinforcements? Oo nga naman, 'di nga pala siya nito kaya kailangan pa ng katulong. Sabagay maganda nga ang mga kasama nito kaso mukhang tinablan yata sila ng pagka-clown kaya 'ayan at gan'yan ang mga pagmumukha.
"Hold her tight." Jessa commanded her pathetic apprentices.
Gaya ng utos ng hitad na ito sa mga alipores nito ay hinawakan nga siya ng mga ito ng mahigpit. Iyong tipong dikit na dikit na ang kanyang mukha sa sahig.
"Hindi ko tatanggalin ang dila mo, babae. Kadiri kaya. Anong akala mo sa'kin? Demonyo?"
"Demonyita, boba!" She shouted then received a two slapped from her apprentices.
Sige lang! Bilang sa kanya iyang mga ginagawa niyo.
"Ang ingay mo alam mo ba 'yon?"
"Hindi, ang tahimik ko nga 'e. Boba na nga wala pang sintido kumon." Then Jessa slapped her again. Pati na rin 'tong dalawa pa, gano'n din ang ginawa.
"Alam mo ba ang dapat na ginagawa sa iyo?"
"Tatanong ka pa 'e ikaw lang din naman ang sumasagot sa tanong mo, bobo ka talaga, 'no?" Then another three heart warming piece of slapping shits she received from them.
"Dahil sa ingay mong 'yan? Bago kita patayin kakalbuhin muna kita."
Then Jessa held out a long elongated scissors from her bag. Tinamaan ka nga naman ng lintik oo. "Hawakan niyo ang ulo niyan."
Tapos hinawakan no'ng Tiffany ang kanyang baba at 'yung si Veronica naman ay sa bandang batok niya. Letse! Nagkalokohan na nga.
Nagpupumiglas na siya pero nasimulan na palang gupitin ng hayop na si Jessa ang mahaba niyang buhok.
At iyon na ang tamang pagkakataon para ilabas ang demonyo sa kanyang katawan. You really made her mad, Jessa! Bigtime!
"You leave me, no choice..."
* * *
Bianca Brown (Aries) – Constellate Assassins
PINAPANUOD nila ngayon ang ginagawa ni Jessa kay Dark Scheduler. No'ng nagka-usap silang tatlo kanina ni Scheduler ay hindi mo pa rin talaga mawari ang mukha nito. Ngayon lang nang simulan na ng mga Black Lily ang paggupit nila sa buhok ng dalaga.
"You leave me no choice..." huli nilang narinig mula kay Scheduler tapos ay bigla nitong hinawakan ang braso ng dalawang nakahawak sa kanyang ulo.
Pwersahan nitong hinila ang dalawa na naging resulta ng pagbunggo ng dalawa sa isa't isa. Halata naman sa mukha ni Jessa sa pagkagulat. Pero napangisi sila nang makita sa mga mata nito ang takot, lalo pa nang makita nito kung paano dahan dahang tumatayo si Scheduler mula sa pagkakaupo nito sa sahig.
Crowning glory ng babae ang pinutulan ba naman ni Jessa, at malas nito at si Scheduler pa ang ginawan niya ng katarantaduhan, ngayon... magdusa siya.
Jessa threw a several basic kicks and punches to Schdeuler pero madali lang naiilagan ng dalaga ang mga ito na parang isang simpleng bagay lang na kayang gawin. Nakita rin nila kung paano namilipit sa sakit si Jessa nang mahuli ni Scheduler ang binti ng bruha nang sumipa pa muli ito.
Scheduler held tightly Jessa's legs and twisted it. Jessa screamed in pain pero hindi nagpapigil si Scheduler, hinawakan at hinila pataas nito ang buhok ni Jessa mula sa pagkakadapa nito. Sinubukang sumipa patalikod ni Jessa but Scheduler pinned her feet on Jessa's back kaya hindi na ito nakasipa pa.
Iniharap ni Scheduler ang mukha nito sa mukha ni Jessa and they didn't expect na sasampalin niya ito.
"Ito para sa lason na binigay mo kanina." Then another slap.
"Ito? Ito naman ang paghila mo kanina sa buhok ko." Then a two hard slap ang sumunod.
"At ito? Para sa pagputol ng buhok ko... wait... It's not enough." Then she slapped not just once, twice, thrice quadrupled but a multiple slap.
Pagkatapos ni Scheduler kay Jessa ay nilapitan naman niya ang dalawa pang kasama ng dalaga. Gano'n din ang ginawa nito pero mas matindi pa. 'Yung isa hinambalos niya ang mukha nito sa basurahan na malapit lang sa kanila habang ang isa naman ay tinadyakan niya ng sampung beses dahilan para magsuka ng dugo 'yung naturang babae.
"She's still unpredictable, Sissy." Virgo said.
"Well, she is still the well-known Scheduler after all."
"Yeah. A damn hot Assassin na walang awa." Aquarius said.
Ngumisi lamang siya ng sinabi iyon ng kanyang mga kapatid. Yeah, after all she's the Legendary Assassin.
Ngunit hindi niya maiwasang isipin 'yung sinabi nito sa kanila kanina. Is it possible to happen?
Ano nga bang plano ang nasa isip mo, Scheduler?
* * *
Xavier Villareal
"NAKO, Sir, nakaalis na po sila kani-kanina lang." Sagot sa kanya ng isang crew ng shop na pinuntahan nina Jessa at Xyrene. May nakapagsabi kasi sa kanya na dito raw sila nagpunta kanina. Kaya naman mabilis siyang tumakbo papunta rito.
Lumabas siya ng shop at nagpalinga linga sa daan. Shit! Saan na ba sila nagpunta? Anak ng gago naman oo!
Tumakbo siya sa kung saan. He tried to enter every shop na madadaanan niya dahil nagbabakasali na nadaan nila iyon at baka may binili.
But the heck, Xavier! Bibili pa ba sila sa kalagayan na iyon? Jessa is a part of GVA right now at sa pakiwari niya ay galit ito kay Xyrene, sa tingin mo anong gagawin nito para lang mabahiran lang ng dugo ang token na hawak?
Malamang papatayin niya iyon. Pero saan?
He's still running along the road when he heard nearby ang pagbabasag ng mga bote. Nang marinig niya iyon ay kaagad niyang tinakbuhan ang lokasyon niyon.
At doon nga sa isang eskinita niya nakita si Xyrene na punit punit ang damit pati ang buhok ay gano'n din. Parang may naggupit sa dalaga dahil umikli ito ng sobra.
Nang maglandas ang kanilang mga mata ay parang nagkaroon ng sariling utak ang kanyang paa at tumakbo palapit sa dalaga at mahigpit na yinakap. He hugged her tight. Sa sobrang higpit na para siyang nakadama ng saya nang makita itong buhay. Na makitang hindi natuloy ang pagpatay sa kanya ni Jessa.
This feeling... muli ko na naman itong naramdaman sa ikalawang pagkakataon. Hindi niya nga alam kung ito ba 'yung feeling na nagpasaya sa kanya simula nang mawala ang taong mahal niya noon o baka nag-aalala lang siya sa dalaga ng lubos.
"You don't know how much I was scared nang makita kitang kasama mo si Jessa, Xyrene. You don't know that and you will never know it."
"H—Hindi... a—ko maka—hinga!" Mabilis siyang kumalas sa dalaga nang maramdaman niya ngang hindi na ito makahinga dahil sa kanyang yakap.
"S-Sorry."
Hinawakan ng dalaga ang dibdib nito at hinahabol ang hininga. Naalarma naman kaagad siya ro'n. Hindi nga ito namatay sa kamay ni Jessa pero baka dahil sa yakap niya naman ito mamatay. "Are you 'kay?"
Tumango ito na ikinahinga niya ng maayos.
Nang makabawi na ito ng hininga ay hinawakan niya kaagad ang magkabilang pisngi nito at sinabing, "Sa susunod, mag-iingat ka naintindihan mo? Nag-alala ako ng sobra sa iyo 'lam mo ba 'yon?"
She just stared at him, curiously. Nagtataka siguro kung bakit siya nagkakaganito. Shit naman! Nag-alala nga siya 'di ba? Masama ba iyon?
Since tinitigan lang siya ng dalaga ay tinitigan na rin niya ito. He stared at her face— her beautiful face. Kitang-kita ko ang mga lapat ng sampal sa magkabilang pisngi nito. Sinampal siguro ito ni Jessa.
Napagawi naman ang kanyang paningin sa mga labi nito. Shit! Kissable pa rin hanggang ngayon at anak ka nga naman ng pagong, bakit parang natural lang sa kanya ang mapa-pout ng labi?
Napalunok tuloy siya ng malalim dahil do'n.
He just stared back at her eyes para malayo sa tukso pero anak ka nga naman ng tokwa e masyado talagang nang-eengganyo ang mga labi nito.
It leaves him no choice but to lean on her. When his lips touch hers, He felt a sudden current flowing upward from his gut papunta sa mga labi nila. At sa hindi maipaliwanag na imahinasyon, siya lang ba o pati ang dalaga ay naramdaman rinin ang kuryenteng iyon sa kanilang mga labi.
But he doesn't care about that anymore. Basta ang mahalaga ay kasama niya ngayon ang babaeng ito at pinagsasaluhan ang mga matatamis nilang mga halik.
There's a sudden realization na nag-pop-out sa kanyang utak...
The way he look at her in her eyes, the way she moves, the way she smiled. Lahat iyon ay gusto niya.
Alam niyang kaya niya itong mapasa-kanya. At ang kasal? Mangyayari iyon. At pagsusumikapan niyang manalo sa GVA Battle 2012 para lang masabi niya sa kanyang sarili na...
This girl is mine and I'll do anything to make her mine. Kahit na magkasalungat ang aming mundo? Susubukan ko iyong paglapitin, at sa oras na magawa niya iyon...? He will be the happiest man on Earth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top