Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)

Xyrene Coltrane

"WHAT HAPPENED?" TANONG ni Eliza kay Xyrene pagkabalik ng dalaga mula sa Restaurant. Hindi niya ito sinagot bagkus ay agad siyang nagpunta sa kanyang kwarto.

Nang makahiga'y napatuon ang kanyang tingin sa kisame at hindi namalayang lumalim ang kanyang iniisip. Bakit niya pa ba kailangan pang isipin iyon?

Pinuntahan niya kasi si Xavier no'ng marinig ng kanyang tainga ang daing ng binata. Tapos na naman niyang patayin 'yung mga bumaril sa kanila kanina at nagtira ng isa para matanong kung sino ang nag-utos sa kanilang paulanan sila ng bala. Pero dahil sa gigil na gigil na siya no'n ay pinatay na niya lahat.

Tama ang kanyang hinala na kaya ito dumaing ay dahil may daplis ito sa braso. Kaso napansin niyang parang hindi naman yata tama ng baril iyon. Parang may patalim na tumarak sa braso nito.

He just glared at her na siyang kinatigil niya no'n nang hawakan niya ito. Hindi niya iyon inasahan kung kaya't napaatras siya ng bahagya. He never used that kind of stare at her kahit na hindi pa sila ganoong magkakilala. Ngayon lang.

Tutulungan pa sana niya ulit ang binata no'n kaso tinabing nito ang kanyang kamay ng malakas. Bubulyawan na sana niya ito kaso mabilis na nakarating sa kanila ang mga pulis maging ang pamilya nila.

Napatalukbong siya ng kumot at doon nagtititili. Frustrations and curiousity is killing her. Bahala na nga iyong gagong iyon. Wala naman siyang ginagawa hindi ba?

* * *

Eliza Altamirano

NAGLALARO si Eliza ng Candy Crush sa kanyang computer nang marinig niya mula rito ang boses ni Akihiro na kararating lang.

"Dumating na ba si Xy?" tanong ni Akihiro.

"Oo nasa kwarto na niya. Bakit?" Tugon niya rito at nagtanong pabalik.

"Anong oras siya nakarating?"

"Mga ten minutes bago ka nakauwi. Pagod yata dahil dirediretso sa kwarto niya. H'wag mo na lang istorbohin."

"Bakit daw?"

"I don't have any idea."

Hindi na muli ito nagtanong pa at pumanaog na sa taas. Iwan daw ba siya ng walang pasabi? Itinuon na lamang niya muli ang paglalaro ng pesteng mga jelly crystal na 'to. Bakit ba kasi ang hirap kung minsan laruin nito?

Habang siya'y naglalaro ay biglang tumunog ang isang alarm message ng isa pa niyang computer sa kaliwa.

Para magkalinawan, siyam ang monitor ng buong set na ginagamit niya. Meaning, siyam na magkakaibang monitor pero 'yung iba, pang isahan lang. Nakasabit ang mga monitor sa isang transparent glass para mapagsama sama.

At para saan ang siyam na monitor? Bawat isang monitor may sariling linya sa iba't ibang satellites na nasa space. Lahat iyon ay nakakonekta sa iisang server na gamit niya.

At upang hindi ma-track ng NASA at ng iba pang bansa na may satellites ay gumawa siya ng isang software upang maiwasan ang ganoong klase ng senaryo.

Malaki rin ang pakinabang software na ginawa niya sa kadahilanang kaya rin nilang makita ang buong lugar sa isang malayong tingin. Mapa kung'baga, kapag naiipit sila sa mga pulis ay madaling matutukoy ng software niya ang pinakamabilis na lugar na pwedeng nilang pagsingitan miski eskinita pa 'yan upang makatakas.

Nagulat siya pagkatapos mabuksan ang nilalaman ng message na dumating sa kanya.

Headline video na galing sa iba't ibang CCTV cameras. At nagkataon namang kuha ito sa CCTV camera ng restaurant na pinanggalingan ni Xyrene.

Nang mapanuod ang naturang video ay muli siyang nagitla. Sinuri niya ang oras kung kailan iyon nakunan at naganap lamang ito noong 07:44:09PM. Palitan ng mga bala ang nagaganap at kitang kita niya kung paanong nagtulungan sina Xyrene at si Xavier.

Since hindi na siya nagtaka pa sa kakayahan ni Xy ay kay Xavier siya nag-focus panuorin.

Magaling nga ang binata, mabilis at agresibo. Mabilis lang nito napatay 'yung mga armadong lalaki.

* * *

Xyrene Coltrane

BAHAGYA SIYANG NAGISING nang marinig ang kanyang alarm clock na tumutunog hudyat na kailangan na niyang gumising. Like the usual that she's been doing, hinambalos niya ito ng isang baseball bat na katabi lamang ng kanyang kama.

"Ugh! I really hate waking up so early!" she said while groaning with irritation.

Alam niyang may nangialam na naman sa kanyang alarm clock na madalas naman niyang hindi sine-set miski isang beses sa kanyang tanang buhay. Ni hindi nga niya alam kung bakit pa siya bumili noon gayong hindi naman niya kailangan iyon.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang sunod naman niyang narinig ang tunog ng kanyang cellphone na may nakakabulahaw na tugtugin. Napabalikwas na siya ng bangon at mabilis na hinagilap ang kanyang cellphone.

Seryoso siyang mapapatay niya ang tumatawag sa kanya ngayon. Itatak nila iyan sa bato!

"Hello!" tugon niya sa tawag na may halong pagka-irita.

"Welcome to hell, mamamatay ka na." Natigilan siya saglit nang marinig ang naging tugon ng kanyang katawagan.

Ano nga muli ang sinabi nito? Siya? Mamamatay na? Seryoso ba 'to?

"Do you even know me?" mukhang kinakailangan na niyang magpalit ng numero.

"Kilala kita kesa sa sarili mong pagkakakilala sa sarili mo." This is not good. Not really good. "Say Hi to satan." Huli nitong saad bago binaba ang tawag.

Napaismid siya sa sinabi nito. Say Hi, to me?

Naagaw ang kanyang atensyon sa isang bagay na biglang pumasok sa kanyang kwarto isang maliit na bagay na alam na alam niya kung ano iyon.

"Same old plan, but hey I'm way more evil than Satan." She muttered on herself while quickly running out of the house. It's a teargas for Pete sake.

Hindi pa man din siya nakakalabas ng bahay nang maalarma siya sa sunud-sunod na baril mula sa mga 'di kilalang armadong lalaking nakasuot pa ng old black attire with matching a black face sized bonnet. Nagtago siya sa pader na pagitan ng sala at kusina. Mabilis niyang kinuha ang kanyang maliit na baril sa kanyang binti. Oh freakin' hell, she's still wearing black lingerie!

Nakipagpalitan siya ng putukan ng baril habang binabagtas ang daan palabas. But since mukhang nasa harapan ng kanyang bahay ang mga kalaban ay mas minabuti niyang sa likurang bahagi na lamang lumabas.

Hindi niya nagawang mabuksan ang seradura ng back door nang barilin iyon ng isa sa mga armadong lalaki. Tiningnan niya ang loko lokong mukha ng lalaking iyon saka niya pinaputukan ang mukha. Sira ulo ka ah!

Nang makalabas ay saka siya tumalon sa bakod ng kanyang bahay at mabilis na pumasok sa kanyang kotse. She was about to start the engine nang pinagbababaril muli siya ng mga kalaban. At dahil inis na inis na siya sa mga ito, lalo pa't hindi pa siya nakakaligo! Aba nga naman oo.

Binaba niya ang bintana ng passenger seat at saka tinutukan ng baril ang bawat lalaking nakikita niya. Bawat isang lalaki ay isang bala lang at lahat ng kanyang tira'y sapul sa noo. Walang mintis walang daplis. Lahat sentro. Bull's eye ika nga.

Napangisi siya at hinalikan ang kanyang baril. Wala pa 'ring kupas. Pagkatapos no'n ay saka niya muling pinaandar ang kanyang kotse at binagtas ang daan papuntang EDSA.

Napatigil siya sa isang kalye nang magulat siyang may isang bagay ang nasa likuran ng kanyang kotse. Kinuha niya iyon at napagtantong isang punyal ang bagay na ito. Namangha siya dahil mukhang majority ng parte ng punyal ay gawa sa ginto. Lalo na ang lagayan nito. It was well-designed. Kitang kita sa bawal hulma nito ang gintong ginamit as well as the ancient designs.

Hinila niya ang hawakan ng punyal. At napatuon siya rito ng husto nang habang hinihila niya ang espada'y may nakaukit na mga salita roon.

Napangisi siya nang magbasa iyon. At talagang napatawa siya nang bahagya nang ma-realize niya ang nangyari kanina. Plano talaga ng mga lalaking iyon na dito siya kotseng ito siya sumakay. Dahil dito nila nilagay itong punyal na ito.

You are cordially invited to attend GVA Battle 2012... Congratulations!

Isang makahulugang utas ang kanyang nasambit matapos mabasa ang nakaukit sa patalim.

"So I'm in..." mahina niyang utas. "Ay mali! We're in." Ito na kasi ang hinihintay niya. Let's see... kung sino mananalo. Laro niyo o ang paglalarong gagawin niya?

TINATAWAGAN niya si Eliza matapos niyang makapagparada sa isang kalsada. Habang naghihintay ng sagot mula sa babaeng iyon ay napagawi siya sa paligid. Hindi siya gaanong pamilyar sa lugar kung kaya't binuksan niya ang kanyang telepad na nasa dashboard ng kotse.

"Locate the current coordinates."

"Legarda St. Recto, Manila." Sagot sa kanya ng kanyang improvised pad.

Matapos niyon ay saka naman sumagot ang kanyang tinatawagan.

"Hello, Xy!" bati ni Eliza sa kanya.

"Where are you?"

"Huh? Nasa may Robinson Galleria. Teka, what happened to our house? Nakatanggap ako ng alert message from my computers na sumabog na ang ilan sa mga iyon."

"Just, stay there. I'll explain everything, kapag nakarating na 'ko d'yan. Wait, where's the others?"

"Para namang hindi mo kilala ang dalawang babaerong iyon. Syempre nasa'n pa ba?"

Napabuga na lamang siya ng hangin. "Alright, just contact them right away. May bagay tayong kailangang pag-usapan. And this is urgent."

Pagkatapos niyang makapagbigay ng utos ay ibinalik niya ang kanyang cellphone muling minaniobra ang sasakyan.

As she was passing through a lot of traffic in Manila, naaala niya ang isang taong hindi naman karapat-dapat alalahanin pa— Xavier.

She still doesn't get it why is he acted so cold that night. She even tried her best to think back what she did wrong to make him so pissed and cold. Pero kahit anong isip niya'y walang pumapasok na senaryong ikinagalit ng binata sa kanya.

At bakit nga ba niya pa iniiisip ang lalaking iyon?

Mabilis niyang inihinto ang sasakyan nang matanaw niya si Eliza na kaway ng kaway sa kanya nang lagpasan niya ito. Mabuti't nakita niya ito sa salamin sa loob. Pinaandar niya ito pabalik.

"Saan ka dederetso, aber?" tanong sa kanya ni Eliza nang makalabas na siya mula sa kotse.

"What?" pabalik niyang tanong rito at nag-asta na hindi alam ang tinutukoy nito.

"Gosh, Xy, lumampas ka na kaya sa lugar kung nasaan ako. Ta's sasabihin mo, what? Like hello! Sino ba iyang pumapasok sa isip mo at hindi mo man lang ako nakita nang dahil doon?"

Napabuntunghininga siya nang ma-realize na nawala pala siya sa focus nang matabunan ng mukha ni Xavier. What the hell?!

"Hmm... Sorry." She apologized.

"Okay, sige. Tara pasok na tayo sa mall. Ang init init rito sa labas. Paparating na yung tatlo."

"As usual... Lagi naman tayong pinaghihintay ng mga iyon. Nothing's change."

Tumango si Eliza bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

HUMIHIGOP sila ng kape mula sa Starbucks nang matanaw ang dalawang binata na papalapit na mula sa kanilang kinauupuan.

"Hello, ladies."

"What is it?" Akihiro asked.

Tiningnan lang nilang dalawa ang dalawang binatang ito ng blangko bago sinagot ang tanong ni Akihiro.

"Unfortunately, our house has been ruined by someone. Tapos hindi niyo man lang pinagkaabalahang tingnan o basahin man lang ang text ko regarding it?!" Eliza blurted.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang binata at mabilis na tiningnan ang kanilang mga cellphone. Tanging... "Oh shit!" lang ang kanilang narinig na dalawa.

"Sorry, Xy... medyo—" She stood up and bent over to him that made him startled a bit. She wiped his cheekbones and made him see what she had discovered.

"Ano? Dadahilan pa?" kiss mark ang kanyang nakita mula sa labi ni Andrei na kaagad nilang napansin ni Eliza kanina.

"Okay, sorry. Pero mas mabuti kung pag-usapan na muna natin ang tungkol sa bahay nating nasira na. Sa'n na tayo tutuloy? At saka ang pinakamagandang itanong ay kung bakit nangyari iyon sa tinitirhan natin?" untag ni Akihiro.

"No, no, no. May natira pa remember? May underground tayo 'di ba?" Eliza interfered.

"Pero, hindi ba sumabog na rin iyon?" Andrei asked.

"No. Sure akong hindi. Still on pa rin yung isang monitor doon at iyon ang inportante dahil nandoon lahat ang back-up files na nasa mga conputer sa may ICT Area." Eliza reassured.

"Sa totoo lang, guys." Singit niya sa mga ito. And they all looked at her. "May koneksyon kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog ng bahay natin sa totoong topic natin ngayon."

Maingat niyang inilabas ang patalim na kanyang nakuha sa kotse na nakabalot pa ngayon sa isang putting tela.

Nang maibulatlat ang tela ay doon lumantad sa tatlo ang sinasabi niyang maliit na punyal na may nakaukit na mensahe sa patalim.

Kitang kita niya ang pagkagulat na rumehistro sa mata ng mga ito. "I-Is this..."

Nginisian niya ang tatlo at tumugon. "Yeah... The battle has just begun."

Napalunok ng laway ang mga ito. "At hulaan ko, may tumatakbo ng plano ngayon sa utak ng ating Legendary Assassin, tama ba?"

Tumango siya bilang sagot.

"Pag-usapan na natin..."

* * *

Xavier Villareal

NAKATULALA siya sa kisame ng kanyang kwarto habang hawak ang Token of Death. Tiningnan niya muli iyon at pinagmasdan.

"Ibig sabihin, may tatlong araw na lamang kami bago tuluyang sunduin at dalhin sa battle ground" pinaglalaruan niya ang naturang bagay sa kanyang kamay nang bigla niyang maalala si Xyrene.

He left her last night to her parents at malamig na tinitingnan at sinungitan matapos nang nangyari.

Shit! Ano ba, Xavier! Bakit mo ba kasi siya ginano'n? You glared at her na parang siya ang may kasalanan ng lahat! Pero ang totoo no'n ay badtrip lang talaga siya dahil sa pagdating ng masamang balita ukol sa magaganap na labanan.

Ginulo niya ang kanyang buhok dahil sa ginawa niya sa dalaga. Hindi ka dapat makonsensya, Xavier. Hindi dapat!

Oo napakababaw ng dahilan niya. Pero hindi ba dapat lang na mag-sorry siya sa dalaga kasi mali naman niya? At isa pa, mapapangasawa pa niya ito?

Pero anak ng! Hindi na pala pwede. Hindi maaaring mapadikit sa kanya ang alaga hanggang nasa ibang isla siya. Ang ibig niyang sabihi'y, mapadikit sa pangalan at sa buhay niya dahil maaari itong maging alas ni Emmanuel laban sa kanya.

Oo kayang ipagtanggol ni Xyrene ang sarili nito. Pero it's not enough kapag si Emmanuel na ang usapan. Gagawin kasi ng matandang iyon ang lahat para lang madamay ang mga taong malapit sa kanya. Lalo na sa grupo o taong aabot sa top three ng battle. At hinding hindi niya hahayaang mangyari iyon— lalong lalo na kay Xyrene.

Kaya tama lang... hindi na niya kailangan pang kausapin at humingi ng sorry sa dalaga. At tama lang na ma-postpone muna ang kanilnag kasal. Hindi naman sila nagmamadali kaya okay lang. Fine, kanya na itong lilinawin, papakasalan niya si Xyrene hindi dahil sa gusto niya itong gawing laruan. Wala na rin naman dahilan pa para gawin niya iyon dalaga. Lalo pa't kinakailangan niyang mag-focus sa magaganap na battle. Kailangan niyang magseryosong hanapin ang mamamatay taong iyon.

Napagpasyahan niyang tumayo na mula sa pagkakahiga at maligo, ngunit bago iyon... ibinato niya ang hawak ng punyal sa dartboard na nakasabit sa isang dingding ng kanyang kwarto.

PUMASOK siya sa tambayan nilang Warlords nang makita niya ang mga ito sa madalas nilang gawin sa lugar na ito. Billiard sa may gilid; laro ng PSP sa may sulok; Basa ng libro sa sofa; at higit sa lahat... may katawagan sa phone. Siguro naman kilala niyo na 'yung kung sino ang mga gumagawa niyan hindi ba?

Lumapit siya sa kanila. "Hey, guys." He muttered.

Napatingin silang lahat sa kanya. Nakangisi ang mga itong tumingin sa kanya ngunit nagbago kaagad iyon nang ipakita niya ang punyal na kanyang hawak. Napailing iling na lamang siya sa naging reaskyon ng mga ito at ibinatong muli ang patalim sa dartboard na mayroon rin sila sa lugar na ito.

He took a deep sighed. "H'wag niyo 'kong titigan ng gan'yan mga 'tol. Dapat in-expect niyo na iyan. Hindi madali ang pinagdaanan ko para lang ibigay sa akin ang punyetang Token of Death na iyan." Paliwanag niya sa mga ito at nagpahiwatig ng kaunting... kaunting konsensya man lang.

"E 'di mukhang kinakailangan na nating maghanda para diyan." Utas ni William nang tumabi ito ng upo sa kanya.

"Yeah. Natandaan niyo iyong sinabi ni Emmanuel hindi ba? Nasa battle rin ang taong may kagagawan ng pagkakamatay niya— ang pagkamatay ng dati kong nobya." Alam niya na alam na nito ang ibig niyang sabihin.

"Ano'ng plano mo, Xavier?" he turned his head to Marco. "Kung may naisip ka na nga."

Muli siyang napabuntung-hininga. "Well, na kay Emmanuel ang lahat ng information na kailangan ko. Unless..."

"Unless what?" They asked when he stopped.

"Unless... kukuhain natin iyon sa kanya ng hindi niya nalalaman." Aniya.

"Whoah! Just whoah! Mukhang hindi mo alam na delikado 'yang iniisip mo, Xavier." Hindi makapaniwalang reaksyon na tugon sa kanya ni Harold.

"I know. Maybe as of now... iyan palang ang pupwede kong maisip na paraan at plano."

"But, Xavier..." I faced William and he was surprised in his serious face, facing him right now. "Kung malaman mo na nga— I mean natin kung sino iyong pumatay sa kanya. What will you do then?"

"I'll kill him." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Oh c'mon dude! That was the most pathetic move." Harold hissed once more.

"What do you mean?"

"Look. If ever na malaman na nga natin kung sino siya at papatayin mo agad ng gano'n gano'n lang e 'di parang binigyan lang natin ng impression ang ibang manlalahok na lumabag sa batas ng GVA Rules and Regulations?"

Natahimik siya dahil sa paliwanag ni Harold. Yeah, he's right about that. Maaaring ngang isipin ng iba na kung kaya ng isang tulad nila na nananalo na sa nakaraang laban ang lumabag sa batas. Maaaring magkaroon rin sila ng lakas ng loob na gumawa ng mga 'di kaaya-ayang galaw na maaaring maging masama para sa grupo niya. At maaaring gano'n rin ang gawin ng taong pakay niya roon.

Nanatiling tahimik ang buong tambayan hanggang sa binubot ni Marco ang patalim mula sa pagkakatarak nito sa dartboard.

"So I guess. This battle year will be the most deadly event of the century."

* * *

Aries – Constellate Assassins

"SIS! Ito na ang pinakahihintay nating pagkakataon." Utas ni Aries sa kanyang kapatid na si Virgo. Nakangisi lang rin ito sa kanya na tila nanalo sila sa isang lotto.

"Hey, help me with this, shit!" Aquarius yelled a meter away from them.

Pinuntahan nila ang isa pang kapatid na si Aquarious and she groggily pulled the man's neck when he's trying to kill her sister. She pulled him up and Virgo immediately stabbed her favorite swiss knife on the man's heart.

"Thanks for the help, Sissy." Aquarius said while catching her breath instantly.

"No problem." They said in unison.

"C'mon, we should better get going, kailangan pa nating maghanda para rito." Utas niya at muling nilapitan ang kotseng pinanggalingan nila ni Virgo at hinugot ang isang punyal na nakatarak roon.

Ngumisi ang mga ito pagkakita sa bagay na ito.

Nakauwi na silang tatlo sa kanilang tahanan mula sa isang misyon na ginawa nila kanina. Sa totoo lang ay alam niyang hindi iyon misyon gaya ng karaniwan nilang tinatanggap na tatlo. Dahil isa iyong pagsusulit kung deserved ba nilang makasali sa gaganaping GVA Battle 2012.

"Kailangan natin itong paghandaan ng sobra, Aries." Virgo said. She faced her.

"Anong sabi ko kapag nasa bahay na tayo?"

"Oh! Sorry sissy— I mean, Bianca." She patted her shoulder.

"Much better."

"So, kailangan na 'di ba?" Kita niya sa mukha nito ang pagkagalak sa magaganap na laban. Napatawa siya ng bahagya.

"Let's just spend our last three days here, right Lianne?" She was talking about Aquarius. Tumango ang dalaga bilang tugon sa kanya.

"Kasali kaya ang Black Death, Sissy?" Lianne asked when she walked at them and sat beside her on their couch.

Nagkibit-balikat lamang siya. "Well, siguro oo. Since sila ang may pinakamabilis na nakaangat sa mundo ng mga Assassins at maging isang sikat dahil sa pagiging malihim nila. Siguro, this time they're going to accept the invitation."

"Well, I think you're right. Sa pagkakakilala natin sa kanila. I'm sure, gusto nila ng ganitong thrill sa buhay 'di ba?" Jamie, the Virgo girl said.

Sana nga ay sumali ang Black Death Assassins para naman mas maging thrill ang GVA Battle. Alam niya ngayon pa lang na alam na ng GVA Battle Committee ang mga kakayahan ng apat sa pakikipagpaglaban at kung gaano ang mga ito katalino.

But, they need to win this game.

Kung sumali man sila o hindi isa lang ang naiisip niya, wala silang dapat santuhin na miski sino. Kahit sino kaya niyang patayin sa mga haharang sa daan nilang manalo sa battle.

"So, let's play with it now, sis. Sayang ang chance na ito, oh." She faced them both and Lianne was holding dagger. Nginisian niya ang mga ito.

"C'mon... let's play with it but be careful of handling that okay...?"

.

.

.

"... that's our Token of Death."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action