Chapter 15: Face to Face

Xavier Villareal

PUMUNTA SI XAVIER sa binigay na location ng Assassin na nakausap niya kanina at pinagbantaan ang buhay ng kanyang mga kaibigan. Ewan niya pero nang kanyang marinig mula sa babaeng iyon ang pakay nito na kanilang pag-uusap ay bigla siyang na-curious. Sa sinabi nitong iyon ay nakumpirma niyang nadamay ito sa insidenteng iyon.

Hinihintay niya ngayon ang taong iyon sa may abandonadong building. Hinanda niya ang kanyang sarili sa mangyayari. Nagdala siya ng baril at kung ano man ang pwede niyang magamit laban rito kung sakaling may gawin itong hindi niya ikakatuwa. Remember? That girl is an Assassin. Tuso ang mga ganoong tao.

Well, okay. Naging Assassin rin naman siya at naging isa mga ganoong klase ng tao. Pero dati iyon. Tumiwalag na siya. Masakit mang aminin ngunit sa pinagdaanang niyang iyon ay nasubukan ang katatagan ng kanyang loob. Sinuong niya ang kamatayan na siyang pinapataw nila sa mga gustong umalis sa organisyon nila.

Yeah, they will kill you. That's their absolute law, but since he survived it. They let him live in one condition— ang gawin niya ang last assignment bilang assassin. Iyon ang pinangako ng mga ito sa kanya.

Pero hindi siya kumbinsido sa pangako nilang iyon. Dahil kadalasan sila rin mismo ang bumabali no'n.. kung kaya't do'n niya ito ginamitan ng katusuhan. Kung tuso sila, mas tuso siya sa mga ito.

Napamulagat siya sa narinig at bumalik ang atensyon sa paligid.

"So, pumunta ka nga." Iyon ang kanyang narinig. Nandito na ang kanyang katagpuan.

Nilinga linga niya ang kanyang tingin sa paligid ngunit hindi niya matanaw kung nasaan ito.

"Nasaan ka?!" tawag niya rito.

Walang nagpakita. Bagkus ay sumagot ito sa kanya. "Hanapin mo 'ko." Then he heard her chuckled.

Damn her!

"Punyeta! Nasaan ka! Magpakita ka kung 'di ka takot!" He scowled at her.

"What are you looking at? You can't see me? I thought you're an Ex-Assassin? So I was expecting that you can find me easily. Well, but I guess your skill dumped you. How pity."

He clenched his fist when he heard and realized what is she pointing out. She damn knows him. A damn a lot!

"H'wag na h'wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko hayop ka!" He squaled.

Ngayon mas malakas na ang kanyang kutob na hindi ito basta basta isang assassin lang. Sa paraan nito ng pang-aalaska sa kanya ay talaga nga namang pinag-aralan ito ng taong ito. She's way smart enough to trick him. At isa pa, Emmanuel wants her in the GVA Battle. Hinding hindi mag-aaksaya ng panahon si Sy sa pakikipag-usap sa kung sinu-sino lang. Hindi bibigyan ng special invitation ni Emmanuel ang taong ito kung hindi nito nakuha ang atensyon ng ginoo.

"You know what, sweet friend lover... Why don't we go on to our main topic? Isn't it great idea?"

"And how are we going to discuss it if I don't even know where the hell are you?!"

"Hindi ka talaga papatalo, 'no?"

He smirked. "Wala sa bokabularyo ko ang magpatalo, Miss. At isa pa, paano kita makakausap kung hindi ka nagpapakita? Nasaan ang utak mo? Nasa baga? Anong malay ko kung tinatraydor mo na agad ako ng patalikod?"

Pagkatapos niyang magsalita'y mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran at binaril ang isang speaker na nakasabit sa isang tagong pader.

Nakiramdam muli siya. Nakikinig sa bawat kaluskos na ginagawa ng paligid. Akala 'ata ng taong ito'y hindi niya mapapagtanto kung nasaan ang ginagamit nitong bagay upang siya'y kausapin.

"Searching for me?" nakita niyang may lumabas na babae sa kanyang harapan.

She's wearing a mini black short revealing her white and skinny legs. Her hair tied up with a simple style, 'yung tipong tinali lang 'yung buhok sa likod pero halata mong kulot ang dulo ng mga buhok nito. She also wearing a sports bra again na pinatungan ng isang sleeves blazer. Mayroon rin itong mga kolorete sa kamay gaya ng itim na gwantes at isang black watch. Nakasuot naman ito ngayon ng isang itim na personalized mask pero hanggang bibig to chin lang ang natatakpan. Halintulad iyon sa sinuot ng bida sa City Hunter nung time na nakita niya ang kanyang kapatid na nanunuod no'n dati.

"Done checking me?" siya'y namula nang ma-realize na sinusuri nga niya ang suot nito. Damn! Kung hindi ka ba naman tuso masyado ay iisipin niyang inaakit mo lang siya.

Bwisit! Kahit anong tanggi ng isip niya ngunit ang kanyang katawan naman ang turn on na turn on. Shit this woman! She'll be the death of him. Walang lalaki ang hindi magkakainteres sa katawan ng babaeng gan'yan ang suot.

He cleared his throat. He needs to get back to his senses. "Checking you? Yeah right." Tugon niya na may tunog sarkasmo.

"Oh well, since you're here—" he cut her.

"Anong kinalaman mo sa nangyari dalawang taon na ang lumipas?" He immediately asked her.

"Hindi ka naman siguro nagmamadali niyan, Xenon." She said sarcastically while grinning.

"Dahil mas importante ang ibibigay mong sagot kesa sa mga litanya mong walang kakwenta kwenta panigurado."

Umupo ito sa isang silya sa 'di kalayuan at dumikwatro. "Well, okay. I get your point. Such a busy person, eh?"

He glared at her. "Anong kinalaman mo sa insidenteng iyon?" Mariin niyang tanong rito.

"I'm going to answer your question in one condition." Daming paliguy-ligoy, kainis.

"What?!" Sagot niya habang napapapikit at pilit na pinakakalma ang sarili.

Nang dumilat siya, she saw her glaring at him, too. At seryosong seryoso ito. "Forget me."

Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "What?"

Tumayo ito. "Para mas madali mong maintindihan. Kakalimutan mong may Dark Scheduler na nag-e-exist."

Nakikipaglokohan ba sa kanya ang babaeng ito? Anong klaseng kondisyon niyan? Napaka-weird tulad ng dalagang ito.

Gusto nitong kalimutan niya ito? As in iyong parang 'di niya ito nakita? Hibang ba ito?

Sa totoo lang, madali naman iyon iyon. Mukhang simple lang naman. Hindi naman siya sa babaeng ito interesado, Kung'di sa sagot sa kanyang tanon. Iyon lang ang sagutin nito at kakalimutan niya ito kahit ang weird ng kondisyon.

"Ok." Tugon niya rito. Pinagmasdan lamang siya ng dalaga at waring tinatanya kung nagsasabi ba siya ng totoo at hindi lang basta oo ng oo. "Not convince? Wala akong pakialam sa iyo, honestly. All I cared was your answer."

"Hindi lang ikaw ang gusto kong makalimot na kilala ako. Pati ang mga kaibigan mo."

Nakipagtitigan siya rito. Lakas pala talaga ng sapak ng dalagang ito. Nasobrahan sa pagiging weird. Pero bakit gano'n? Bakit sa t'wing tinitingnan niya ang mata nitong natatakpan ng maskara'y tila nakikita niya ang sakit na nananalaytay at gumuguhit roon? Bakit tila para itong nasasaktan sa naging kondisyon nito?

Napalabi siya bago muling tumugon. "Fine! I'll convince them. Or better yet ako nang bahalang mang-blackmail sa kanila kapag hindi nila magawa. Puwede bang sumagot ka na lang?" Hindi niya kasi alam kung bakit pati siya naapektuhan sa naging tingin nito.

Muling ngumisi ang dalaga at parang biglang nabura ang emosyong nabasa niya sa mata nito. Umaarte lang ba ito? O talagang may pagka-bipolar?

"They kill him. The man I loved." Tugon ng dalaga sa tanong niya kanina.

Napakunot siya ng noo. He was about to ask her again pero biglang may tumawag sa kanyang phone at mabilis niya iyong sinagot dahil sa inis nito sa kanyang ginagawa.

"Hello?!" Bulyaw niya sa kabilang linya.

"Oh, pre! Chill ka lang! Aba'y katanghaliang tapat ang init ng ulo mo."

Teka, si Charles ito, ah. Nag-angat siya muli ng tingin ngunit muli siyang nagitla nang wala na sa kanyang harapan ang babaeng kausap. Para itong naglaho ng 'di niya nalalaman. Napatingin siya sa inupuan nito kanina at doon nakita ang isang sulat. Lumapit siya roon at binasa iyon.

"Hello, Pare? Hoy! Nasaan ka ba? Nandito kami sa may bukas na bar kahit tanghali ay bukas sa may Quezon City. Baka gusto mong pumunta kahit na bumabagyo." Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nakatuon sa sulat.

"I didn't expect na naniwala ka na hawak ko sa leeg mga kaibigan mo. Tanga mo naman. Oh well, nasagot ko na ang tanong mo at iyon lang ang masasabi ko. Ayaw ko na palang malaman ang dahilan mo kung bakit alam mo ang insidente noon. I'll just figure it out on my own. Kabagot ka palang kausap.

— Your beautiful Nightmare."

He crumpled it. "Hoy, Pare! Ano na? Are you up to something d'yan sa inyo o may niyayari ka na namang chix d'yan?"

Napamulagat siya sa sinabi ni Charles. "Tarantado! Kung anu-ano iniisip mo. I'm on my way."

"Ulul mo! Kausapin mo pagong. Ano ka chicks? 'Ge, masagasaan ka sana."

"Pakyu, pre. Give me your exact location." Narinig niya pa ang kantyaw ng iba sa kabilang linya.

"Ito naman hindi na mabiro. I'll text you the exact address." Pagkasagot niyon ni Charles ay saka niya ito binabaan.

Mainit ang kanyang ulo habang nagmamaneho papunta sa tinext sa kanya ng ugok niyang kaibigan. Talagang naisahan siya ng babaeng iyon. Hindi pala talaga nito hawak ang mga kaibigan niya at ginamit lamang nito sila upang mapapunta siya. Napahampas siya sa manibela. Wala pang nakakagawa ng ganoon sa kanya. Hindi niya pa naranasan ang malinlang. Tapos nilayasan pa siya at iniwan lang ang kakarampot na detalye? Ni hindi man lang nito nilinaw ang lahat upang hindi na siya nagtataka ngayon? That bitchy woman! Now, how can he forget her?!

Alam niyang may dahilan kung bakit iyon ang kondisyon nito sa kanya na wala naman kinahantungan dahil walang kwenta ang sinagot nito sa kanya. At mas lalo lang siyang naguluhan.

ALAS-kwatro na ng hapon nang makarating siya sa bar na sinasabi nina Charles. Nahirapan pa siyang hanapin ito dahil hindi mo aakalaing bukas nga dahil ang isang bar ay kadalasan aa gabi lang bukas. Itong bar lang na ito ang tanging hindi. Bukas ito umaga hanggang gabi.

Ngunit kung sa gabi puro kasiyahan ang nagaganap... sa umaga naman nagaganap ang ilegal na gawain.

When he came in... All things around here were simply expensive. Nakakasigurado siyang mga elites lang ang pwedeng makapasok rito kung kaya't madali niyang nakita ang apat na may kausap na babaeng tila isang negosyante.

"Xavier," utas ni Marco nang makita siya nito.

Nilapitan niya ang mga ito.

"Anong mayroon?" tanong niya at sinilayan ang kausap ng mga ito.

Tumayo ang magandang dilag at inalok ang kamay nito. "I'm, Ms. Graham. Asia Graham."

Nakipagkamayan siya rito bilang respeto sa dalaga. "Nice to meet you, Ms. Graham. Please, seat down."

Nang makaupo silang dalawa'y nagsalita si Charles tungkol sa pinunta ni Ms. Graham.

"Gusto niyang ipagbili ang forty-nine percent shares of stock nito sa atin. Hati hati tayo sa forty-nine na iyon at kung ipagpapahintulot mo ay gusto niya pang ibenta ang natitira nitong shares na nasa kabilang kompanya."

Mariin lamang siyang nakinig sa naging usapan nila. And he's cool with it. This is more likely a business talk kung mapapansin. But he knew a lot. Alam niyang may purpose si Ms. Graham kung bakit nito gustong ipagbili ang stocks sa kanila.

"Magandang taktika ang iyong ginagawa, Ms. Graham." Pauna niyang saad.

Ngumiti ng ubod ng tamis ang dalaga at kapagkuwa'y nagwika. "This is business, Mr. Villareal. 'Yun lang ang ipinunta ko rito, wala nang iba."

Siya naman ngayon ang napangisi. "H'wag na tayong maglokohan rito, Binibini. May gusto kang mangyari, and I wanna know it."

Asia Graham is one of the most powerful businesswoman and one of the most influential in the business industry. Mas nakilala ito sa pagbebenta nito ng shares of stocks at ang pagbili ng stocks ng iba. She's one of a hell rich woman in the making.

Kinuha ng dalaga ang in-order nitong isang pineapple juice at uminom saglit. Pagkatapos no'y tiningnan siya nito at lumatay ang kakaiba nitong ngisi.

Sabi na nga ba!

"Sabihin na nating may digmaan na mangyayari, anytime soon. Kailangan ko lang ng isang taong mapagkakatiwalaang mapasakamay lahat ng ipunandar ko buong buhay ko. Alam mo naman na sa mundo ng negosyo, malingat ka lang saglit ay maaaring mawala na sa iyo ito kaagad agad. Kaya habang mas maaga pa'y kailangan ko nang paghandaan iyon. At ikaw ang alam kong ang makakatulong sa akin ngayon."

"Why us?" tanong niya rito habang inaalisa ang sinabi nito? A war might start anytime soon?

"I don't have enough reason to be honest with you guys. Maybe sinabi lang ng instinct ko?"

Bakit parang hindi siya sigurado kung papayag o hindi?

"Miski ako, hindi ko rin alam kung anong magandang rason para tanggapin 'yang business offer mo." Prangka niyang tugon.

"Inaasahan ko nang iyan ang isasagot mo, Villareal." Pagkatapos niyon ay tinawag niya ang isang lalaki na kasama pala nito at may hiningi mula roon. The guy handed her a long brown envelope. Pagkaabot kay Asia ay sa kanya naman ito inabot. "Tanggapin mo at basahin."

"Why do I need to?" tanong niya rito. Kailangan niyang mag-ingat. Base sa pagkakakilala niya'y magaling mag-sales talk ito at marunong maging tuso.

"Wala naman sigurong masama kung babasahin mo at titingnan hindi ba? Don't worry, hindi 'yan nangangagat." Kay Marco na nito inabot ang envelope. Then Marco handed it over him. Mariin pa rin siyang nakatingin sa dalaga. tinatantya kung paniniwalaan ba ito o hindi.

"Nangangalay ako, abutin mo na!" napilitan siyang abutin ang envelope kay Marco nang magreklamo na ang kaibigan.

Binuksan niya iyon at binasa. Nang matapos ay mabilis siyang napatingin kay Asia Graham. "Is this legitimate?"

"Of course,"

Lumapit na rin sa kanya ang iba pang Warlords dahil sa naging reaksyon niya sa nilalaman ng mga papel. Sino ba naman ang hindi magugulat kung kabuuan ng SALN ito ng dalaga? Ito ang lahat ng nilalaman ng papeles na ito at nalulula siya sa daming number figures na nababasa niya. Maging ang mga photocopies ng mga titulo nito ng mga lupang nabili ay naririto.

"Ano pa ba ang ayaw mo, Xavier? You can have all the treasures that I have in just a simple signature of yours. You can actually be the ruler of this state kung gugustuhin mo."

Binigay niya ang lahat ng papeles kay Marco at seryosong tiningnan ang dalaga. "Anong pinaplano mo kapag sa oras na magsimula na ang sinasabi mong War?"

Napatingin ang dalaga sa isang bintana at napabuga ng hangin. "Hindi mo pa 'ko kilala masyado, Villareal. Kaya kahit sabihin ko pa sa iyo ang dahilan at ang plano ko sa buhay ay hinding hindi mo ito maiintindihan. And besides, I just came here for business."

Hindi na siya muling nagsalita pa at tinitigan na lamang ito ng malalim. Bakas sa mukha ng dalaga na may bigat ito ng pakiramdam na nararamdaman. Hindi sa literal kung'di sa puso nito. Para itong may pinagdadaanang mabigat.

"Is this all because of a man?" he asked her. Napatingin sa kanya ang dalaga. nginisian siya nito napatawa ng pagak.

"Hindi lahat ng kawirduhan na ginagawa ng babae ay dahil sa lalaki." Sabi nito sa kanya. "Paano mo naman nasabi?"

"Well, my instincts said so." Nakangiti niyang tugon sa naging tanong na siya rin nitong kinangiti.

"That's my line."

Muli niyang kinuha ang papeles at sinarado iyon. "I'll think about it, Ms. Graham. Kokunsultahin ko muna ang instinct ko para rito."

Napailing iling na tumayo ang dalaga at nakipagkamay sa kanya. "Asahan ko na lang na pumayag ang instinct mo, Mr. Villareal. Have a nice day."

Nang makaalis ang dalaga ay inakbayan siya ni William. "Ang astig mo, p're."

Tiningnan niya ito. "Pick up line ba 'yan?"

"Ano ka chicks?"

"Ah, hindi ba pickup? Oh bakit nga?"

"Bipolar ka kanina. Pagpasok mo rito para kang kakain ng tao ta's no'ng nakausap mo lang si Ms. Continent, nabago naman mood mo." Binatukan niya si William.

"Kung anu-ano napapansin mo, gago!"

"Aba'y pasensya naman,"

"Xavier," napatingin siya kay Marco na seryosong nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Anong war ang sinasabi niya? Is it...?"

Napakibit balikat muna siya bago sumagot. "Hindi ko rin alam, pare. Pero kung tama ang hinala ko. Baka GVA battle ang tinutukoy nito."

"Paano kung hindi?" tanong ni Harold.

"Kung hindi? Hindi ko na alam ang sagot pare. Pero kung ano ang sigurado? Sasali tayo sa GVA ngayong battle year."

Napabuntung hininga ang lahat. "Mukhang kinakailangan na nating maghanda."

* * *

Xyrene Coltrane

"MUSTA lakad natin d'yan?" tanong ni Eliza sa kanya pagkapasok niya sa bahay nila. Nakaupos ang dalagang ito sa sofa habang nilalantakan ang isang bowl ng ice cream.

Nginisian niya ito at nagwika. "Well, pretty succesful and... entertaining."

Saka naman bumaba ang dalawang kolokoy mula sa mga kwarto ng mga ito.

"Entertaining?" they asked in chorus.

Tumango siya. "Kung nandoon lang kayo. Matatawa kayo sa itsura ni Xavier nang layasan ko siya nang malingat lang kanina."

"Ikaw talaga! Kapag talaga sa usapang 'Talk with him/her' privately lumalabas ang kapilyahan mo." Natatawang utas ni Eliza sa kanya.

"Yeah right." Ang nasabi na lamang niya.

Hindi naman talaga niya balak ungkatin ang tungkol sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. May kinompirma lang siyang isang bagay kaya naman kinausap niya ito at sinabing hawak niya sa leeg ang mga kaibigan nito. Natatawa nga siya nang pumunta nga ito sa sinabi niyang lugar. Well, hindi naman niya ito masisis, dahil usapang kaibigan na ang nakataya sa kanyang kunwariang banta.

At kung ano man ang nakompirma niya sa binata ito ay sasarilinin na lamang niya iyon. Para iyon sa larong gagawin niya. Two can play this game, right?

Napapangiti na lamang siya nang muli niyang maalala ang naging kondisyon niya sa binata. Magagawa nga ba nitong makalimutan si Dark Scheduler gayong iniwanan niya ito kanina at binitin sa impormasyon hinihingi nito?

"Tingin mo ba magagawa ni Xenon na may Dark Scheduler na nabubuhay sa mundo?"

"'Di ko alam. Who knows?"

Then a silence filled them up.

Hanggang si Andrei na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Oo nga pala. Tumawag sa akin ang tita mo, Xyrene."

Napalingon siya rito at nagtanong. "Anong sabi?"

Sumandal muna ito sa sofa bago sumagot. "Sabi niya pumunta ka raw sa mansyon niyo dahil may sasabihin daw siyang importante."

Napaisip siya kung bakit siya nito pinapatawag. Pero mukhang hindi na niya kailangan pang isipin iyon dahil nakakasigurado siyang may irereto na naman itong lalaki sa kanya. Kailangan na raw kasi niyang magkanobyo o mag-asawa 'agad upang may makatuwang siya sa pagpapatakbo ng Coltrane Empire sa hinaharap. Pero sinong loko loko ang magpapauto sa tiyahin niya? Aba'y mas gugustuhin pa niyang maging single woman habang buhay. Kesa naman mag-asawa, sakit sa ulo ang mga lalaki para sa kanya.

Magsasalita na sana siya na ipasabi sa tiyahin niya na hindi siya pupunta dahil busy sa school nang may idugtong si Andrei sa sinabi nito."And one more thing, sabi pa niya... 'pag hindi ka pumunta ay malilintikan ka raw sa kanya."

Hindi na siya pumalag pa matapos sabihin iyon ni Andrei. Hindi na siya tatanggi dahil si Tita Genevieve na ang kausap. At kung may aaminin man siya na kinakatukan niya? Walang iba kung'di ang kanyang tiya. Bakit?

Dahil ito ang nagturo ng lahat sa kanya. Mula sa basic defend skill hanggang sa pinakamahihirap na stances ng self-defense. Ayon kasi rito ay para rin sa kanya ito. Gawa na rin siguro nang nangyari kina Mom and Dad due to the accident happened way back before when she was still young.

Napabuntung-hininga siya nang muling bumalik sa kanyang isipan ang isa sa pinakamasakit na nakaraan na nangyari sa kanyang buhay. Pero kapag naiisip niyang nasa mabuti nang kalagayan ang mga ito ay napapanatag siya. Lalo pa't thankful siya sa kanyang tiyo at tiya na sobrang nag-alaga sa kanya at tumayong mga magulang niya matapos ng araw 'ring iyon. Naalala pa niya na dapat ay mag-aampon ang mga ito sa orphanage noon dahil hindi sila mabiyayaan ng anak noon ngunit nang mangyari iyon ay siya na mismo ang inampo nila.

Sa pagkakaampon nila sa akin, dalawa na ang naging apelyido niya. Gustave from her real parents while Coltrane naman ay kay Tito na surname nila. Well, actually, Tita and Mom where sisters.

Dati Coltrane lang ang gamit niyang apelyido noon pero no'ng nag-matured na siya at nagstart na maging Assassin ay pinilit niya sina tita na idugtong pa rin ang Gustave sa pangalan niya bilang alaalala man lang mula sa mga ito na sinang-ayunan nila. Kung kaya't her full name is Xyrene Gustave-Coltrane.

"Okay fine." Iyon na lamang ang kanyang nasabi matapos sabihin ni Andrei iyong huling utos sa kanya. Wala na naman siyang magagawa pa.

Siya'y tumayo para makapaghanda na. Wala talagang pinipili na panahon ang kanyang tiyahin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action