Chapter 13: Kissing Bandit (Part 2)

I'm dedicating this chapter to airamaeton ba? Tama ba ako? Ito na yung dedication mo.

Nga pala guys, I want to acknowledge si tropang Xhinitoprinz sa paggawa ng new Book Cover ng GVA. Kung gusto niyong magpagawa sa kanya ng Book Cover just click the external link okay? Repapips!!! Salamat uli sa Book Cover. Mamaw ka! LOL








                                                          Chapter 13:

                                                Kissing Bandit (Part 2)




(Eliza)

"Oh ano na Eliza? Pupunta daw ba si Xyrene?" Oh no! Naiinip na si Akiro. Ayaw niya kasi ng pinaghihintay siya, sobrang mainipin niyang tao.

"Ah... Eh... Sabi kasi niya, ma-may l-lakad daw siyang i-importante." I looked at his eyes and it seems he's not convinced for what I've said.

Even Andrei's expression demanding a further explanation. Oh geez. Ang beauty ko, nasisira!

I sighed. "I'm telling the truth guys! Kasama niya si Villareal."

"What?!" Nako! Ayan na ang mga nakakunot-noo niyang noo.

"Eh iyon ang sabi niya sa akin eh." Ginamit ko ang pout ko jan ah. Malay niyo epektib.

"Don't pout, kala mo bagay sayo." Sinamaan ko nga ng tingin 'tong Andrei na 'to as if naman na 'di bagay sa akin no. Ang ganda ko kaya.

"Saan daw sila pupunta?" Jusko ko po! Poker face na ang BFF ni Xy! What to do?

"Hindi niya nasabi basta daw..."

Tinignan ko muna sila ngayon ay hinihintay ang sagot ko. Para naman ako nitong nasa hotseat. Daig ko pa artista ah.

Ang kaibahan lang dalawang gwapo ang nagtatanong sa akin.

I sighed. "Well, she told me that we need to discuss about hercomeback." I'd emphasized her and I know that they've already known who am I talking about.

I saw Akiro took away his eye's contact with me. Okay. I get it. Alam na niyang nagbalik na ang kanyang walang kwentang EX-GF and my Evil Half-Sister— Claire Perez.

A well-known fashion designer in America and also the daughter of Engr. Heraldo Perez— founder of Perez Inc.

Why it had happened that she was my Evil-Goddamn-Half-Sister? Simple lang... My mother, is her mother. Nagkaroon kasi ng issues si Mommy kay Daddy at sa Daddy ni Claire. And I don't wanna spill it. Its embarassing to deal with.

"I saw her too. Before my class had been started." Pag-amin ni Andrei.

Tumingin naman kaming dalawa kay Akiro. "How 'bout you dude! Have you seen her?'

We know that its kind a stupid to ask such question. Kasi alam naming sa hilatsa palang ng mukha niya. Alam kong nakita na niya bruhang babaeng iyon.

"On the Masquerade Ball." So nagbalik na siya kagabi palang? At nagawa pang makiparty? Psh...

He's about to explain that to us when his phone rang. He immediately answered it. "Yes? Who's this?" Then he stiffened.

Nilagay niya sa loudspeaker ang tawag na natanggap niya. Ay nako! For sure, trabaho na naman 'to.

"Black Deaths... I want you to kill Superintendent Jason Heralde. Ilalagay ko agad ang bayad na 10 Million Pesos sa account niyo. And I want you to kill him ASAP." See? Tama ako.

"I'm not satisfied to your P10 Million offer. You know that our job—"

"Fine. P20 Million."

Tumingin sa amin si Akiro. And Andrei and I disagree with his offer.

"Make it higher. Make it higher and we're going to kill him exactly 3am time later."

"Paano ako makakasiguro na gaga—"

"Mukhang nakakalimutan mong kami ang Black Death Assassins"

And a moment of silence.

"Uh, P50 Million?"

Napangisi kami sa bitaw na ngisi rin ni Akiro. Such a meanie Dark Raven.

"P100 Million. No more no less. Send the money to our account at kapag wala yun eksaktong alas-tres ng umaga mamaya, pamilya mo ang papatayin namin." We know na wala nang magagawa pa ang nagpapapatay. Dapat alam niyang kahit hindi siya magpakilala sa amin ay makilala parin namin siya at gagawin ang panakot ni Akiro.

Nanatili itong tahimik.

"So, what now General Crisostomo Lopez?" Napapailing nalang kami ni Andrei na may ngiti sa retention ni Akiro pagdating sa boses ng tao.

Isa 'yun sa mga ability na kapaki-pakinabang para sa amin. Si Akiro ang may mataas na pandinig at magaling sa pagmememorya ng boses ng tao.

Sabi niya sa amin noon, madali lang naman daw makabisa ng boses eh. As long as you know how to mix a soprano, bass, alto at tenor and connect it sa alam mong taong may pagkahawig sa boses na narinig mo ay agad mong malalaman kung kaninong boses ito.

Sometimes, there's a 3 is to 10 chance na hindi ang accurate ang paghula ni Akiro sa kung sino yung nagtatago sa boses. Pero most of the times, wala pa siyang palya pagdating dito.

"Silence means agreeing to us. Tutuparin namin ang usapan. Basta tumupad ka sa pera. Or else... Your family is in a big danger." Then he hung up.

Tinignan niya agad kami. "Call DS. I have a plan to deal with" Mamaw talaga tong lalaking 'to. Hahaha.

"Copy~" Andrei and I both said.

(Xyrene)

"Dito mo nalang ako ibaba." I said once I've calculated five-meter radius habang nakasakay ako sa kotse nitong lalaking 'to.

"So, that's your house" Napatingin ako sa kanan na tinitignan niya. May bahay nga. Ano naman?

"Mesmerized?" Asar lang yan. Sakto kase na yung bahay na tumapat eh isang bungalow style.

"Not really." Umbagan ko 'to. Halata sa tono ang kayabangan at pandidiri sa bahay na 'yun.

I just rolled my eyes on him and started unbuckling my seatbelt. I didn't notice na nasa labas na siya at binuksan yung pinto sa side ko.

I was stunned a bit at pinagpatuloy ang pag-alis ng seatbelt, lechugas bakit kase ang higpit. Pulupot ko nga 'to sa lalaking 'to itong belt na 'to.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang pumasok sa pwesto ko at tinulungang tanggalin ang seatbelt. Magkalapit kami ng mukha at nararamdaman ko ang paghinga niya at miski ang amoy na pabango nito na halatang mamahalin. Napapatitig ako sa hugis ng mukha nito. Mapanga siya at walang bahid ng bruise bilang palantandaan ng peklat na maaaring niyang ikapangit. Maputi ang mukha at may matangos na ilong.

"Done checking my face sweety?" Nagulat ako ang mukha ko nang makita kong nakatingin pala siya sa akin. And take note, gamit ang kanyang smirk ah.

Nag-ubo ako kunwari. "Huwag kang asa!" Then, hinawi ko siya para makalabas na ako.

"Sus, ayaw pa umamin." Napalingon ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo jan."

"Ayaw mo kasing umamin."

Nakunot noo ako. "Umamin saan?"

"Na gusto mo ko."

Tumingin ako sa kanya right through his eyes. Chinecheck kung nakadroga ba 'to, kung nakahithit ng shabu, marijuana at nakalaklak ng muriatic acid. Masama sa kalusugan yun ah.

"May saltik ka ba?" Seryoso kong tanong sa kanya. I just want to clarify baka mamaya may saltik na diba? Mahirap na.

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi." Sagot nito.

"Sure?" Double check baka nagsisinungaling 'to eh.

"Bakit ba?" Iritado na niyang tanong. Madaling pala mainis 'to eh.

Napapailing nalang ako. "Huwag ka kaseng asa masyado na may gusto ako sa 'yo. Mukha kang tanga eh." Then I left him at pumunta sa may gate ng bahay. Pero naramdaman kong hinawakan ako ni Xavier sa braso ko at iniharap sa kanya.

"Wala kang gusto sa akin?"

"Iyon ba akala mo?"

Then tinignan niya ako. Ano bang nasa kokote ng lalaking 'to? Na lahat ng babae magkakagusto sa kanya? Asa naman niya.

Nagpumiglas ako sa hawak niya sa akin at sinabi ang dapat na ako ang dapat magsabi na plano niyang siya ang magsasabi.

"Nga pala... Break na tayo." Then I left him dumbfounded.

Lumapit ako sa gate at malas nga naman eh nakalock pa. Hindi ko naman kase bahay 'to remember? Buti nalang may pang-unlock ako sa bag. Kinuha ko yun at sinuot sa padlock. Alam kong nakatingin sa akin si Xavier kaya sinikap kong di niya mahalata na hindi talaga susi ang hawak ko.

Ang hirap namang buksan nito. Mahahalata na ng lalaking 'to na hindi ko 'to bahay.

Kaya hinarap ko muna siya. "Hindi ka pa ba aalis?"

Umiwas ito ng tingin sa akin at napalitan ang kanyang ekspresyon na animo'y 'di makapaniwalang nangyari sa buhay niya. Iyong tipong may nakagawa sa kanya na isang bagay na hindi niya matanggap na sasalungat sa inaakala niya.

I do hope alam ko pa ang sinasabi ko dito.

Sabi sa inyo may sapak 'tong lalaking 'to eh. Ito ba ang gusto niyong lalaki na kinahuhumalingan ng mga babae? Psh. Mga 'di kasi kayo naniniwala na 'looks can be deceiving eh' puro kayo sa physical attributes natingin at hindi sa loob. Ano bang malay niyo na yung iniidolo niyo eh may sapak sa ulo.

Nagulat ako nang bigla itong tumingin sa akin at ramdam ko ang coldness ng mukha niya. "May mga babae pa palang mapangpanggap at magaling umarte na hindi niyo gusto ang lalaki pero ang totoo, nasa loob ang mga kulo niyo." What is he talking about?

Tinaasan ko siya ng kilay, "Kung may problema ka sa akin... 'Dun ka sa barangay magreklamo at hindi ako mukhang barangay tanod. Now, kung wala kang matinong sasabihin you may leave me now. And oh~ by the way! Thanks for ruining my day for introducing me to your hellhound mother." Napatiim bagang ito pero sumakay narin siya pagkatapos niya akong tapunan ng you-dissapointed-me-look.

At ang hinayupak, di talaga nagthank you sa akin?! Wow! Akala niya makakaulit pa siya huh. Tss. Never!!!

Nang makasiguro akong 'di ko na nakikita ang kotse nung hinayupak na iyon ay agad akong lumapit sa gate. Actually, parte 'to ng apartment namin. Dito nakalagak yung ibang motorbikes ko. Pero hindi talaga namin 'to bahay. Gumawa kami ng isang account na siyang na magiging source ng pambayad dito.

Humawak ako sa isang grill ng gate. Ang kanang kamay sa bandang ibaba at yung kaliwa sa may bandang itaas. Bumwelo ako ng unti at buong lakas kong nagsidetumbling sa gate para makapasok sa loob.

Pumasok ako sa loob at do'n ko nakita ang mga babies ko. Ang mga pinakamamahal kong bikes! Kinuha ko yung isang simpleng Isuzu Motor at inalabas sa bahay.

I drove away to my apartment. Ten-Kilometers pa kasi ang layo sa totoo kong tinitirhan.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko habang patuloy na nagdadrive. I clicked my earpiece's button.

"DS... Mcdo franchise at Garnet Bldg. Ortigas Ave. Ortigas Center, Pasig City." Oh come on! Right into the middle of the night? They accepted killing offers? Ugh!

Agad kong kinambyo pakanan ang motor at pinuntahan ang binigay na location ni Dark Raven.

We're on a mission again at hindi ako pwedeng 'di pumunta do'n. Pambawe ko 'to sa 'di ko pagsipot sa meeting nila kanina na for sure it's all about Claire ang pinag-usapan.

LOCATION AREA

"Lemme do the shot!" Sabi ko sa kanila ng makarating ako at kinuha sa mga dala nilang gamit ang pwede kong gamitin na baril.

"Why in a hurry?" Nako po! Galit 'to sa akin I know. Paniguradong sinabi nitong matabil na dila ni Eliza kung sino kasama ko kanina.

Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. Were on a job so we shouldn't forget that work first before anything else. "Hurry? Insane Dark Raven? Just too tired. Tired of being not me kapag kasama ko 'yung Villareal na 'yon. At kung pwede? Bukas niyo na ako i-hotseat? I'm not on a mood."

Tinitigan niya lang uli ako ng matiim. Alam kong binabasa niya sa maganda kong mukha kung nagdadahilan lang ako.

Jusko naman! Wala ako sa mood. Halo halo pa ang mga nararamdaman ko ngayon. 'Di ko na alam kung ano ang uunahin. Kung iyong bang part na parang may iba akong nararamdaman dun sa Xavier na iyon, yung pinatay ko kanina gamit ang Kissing the Bandit style ko na hindi ko alam kung ano talaga ang plano o itong napipintong pagsabak ko sa isang malaking gulo.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "What's the order?!" I gritted. He take a few more seconds bago siya nagfocus uli.

"Kill Superintendent Jason Heralde." Isang superintendent ang papatayin?

"Info?" I asked them while preparing my sniper out of it's box. Good thing, dala nila 'to.

"He's currently the Superintendent Officer in Bulacan." Napatingin ako kay Andrei.

"Bulacan? Pero andito sa Ortigas?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Anong pakulo naman ang gagawin ng isang alagad ng batas dito sa Maynila?

"Base sa mga nakalap ko. Jason Heralde is a highly respected police officer in Bulacan. He also manages a small enterprise in their province pero dahil umunlad at lumago, nagtayo sila dito sa may Ortigas ng branch ng store nila." Dagdag ni Eliza.

“And apparently, gaya ng iba. Korakot din siya ganoon ba at may atraso sa isang mas mataas sa kanya which probably ang napapabalitaang kaalitan niyang si General Crisostomo Lopez tama ba?” Ako na nagtapos ng ibang details.

Naramdaman kong inakbayan ako ni Andrei. “Kaya inlove ako sa’yo eh. Bakit ka kasi ganyang katalino Xy? Pwede bang miski isang araw lang tumigil sa pagpapatibok nitong puso ko.”

Kinasa ko sa harap niya yung hawak kong baril.

“WOAH! CHILL KA LANG!”

“Gusto mong itong baril na ‘to ang magpa-chill sayo?”

“Ito naman di na mabiro. J-joke lang yun promise!!!”

“Umayos ka Black Initiator hah.”

“Opo. Aayos na.”

“Pwede bang tapusin na lang natin ‘to ng maaga? It’s already 10:00pm at parating na sila.”

Akiro

* * *

We’ve waited for almost four hours nang mapansin naming may dumating na mga kotse na may kasamang mga convoy. Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay tumungo.

Ang utos sa amin, patayin si Jason Heralde pero dahil may saltik si Akiro ay nangako siya na papatayin namin siya ng eksaktong 3:00 am para makuha namin ang 100 million pesos na bayad sa serbisyo namin.

And the main reason why Akiro wants to kill the target at exactly 3:00 am ay dahil alam niyang may magaganap na trading ng shabu at mga iba’t-ibang uri ng baril sa pagitan nina Jason Heralde at ng hindi pa naming matukoy na kasapi.

It’s obviously illegal. At sa pagkakaalam ko sa alitan nina Heralde at Lopez...

Dati silang magksangga sa Army noon pero dahil napromote as General si Lopez ay siyang naging hudyat ng kanilang alitan hindi lamang sa posisyon kungdi maging sa pera na nakukuha nila sa pamamagitan ng pagpapabingo sa bayan na siyang tinigil ni Lopez.

Hindi noon matanggap ni Heralde na ang dati niyang kaibigan ang nagsumplong sa kanya bilang leader ng bingo-han sa bayan nila noon. Pero dahil maimpluwensya narin ng mga araw na iyon si Heralde ay napawalang-saysay ito.

Halos limang taon ang lumipas at hindi parin matapos-tapos ang alitan nilang dalawa na umabot pa nga sa aksidenteng pagkakabaril ni Heralde sa panganay ni Lopez na pinangalanang Kennedy ang siyang maaaring hudyat kung bakit gusto niyang papapatayin si Heralde bilang ganti sa ginawa nito sa kanyang anak.

How did I know such story?

Come on! I’m Dark Scheduler afterall.

Its 02:02 sa orasan ko. At papaakyat palang sila sa isang building dito sa Garnet road. Agad nilagay ni Eliza ang blonde wig nito maikli pa sa buhok niya at nilagay ang night built-in vision sunglasses nito.

Agad namang sinuot ni Andrei ang cap niya at inayos ang suot na pangjanitor at pumasok na sa exit area sa likod ng building na ito.

Si Akiro naman ang bahala computer na dala nila.

At ako? I’d disguised myself as multi-billionaire business woman. I’m wearing a White and Blue touch of color to my newly made cocktail dress. Nakapusod ang buhok ko at may hawak na purse na may lamang simpleng baril.

Lumabas na ako sa Van na dala namin at agad na pumasok sa main entrance.

I saw Eliza flirting now with the guards and that’s my cue to pass on the security at pumasok sa main lobby. Nginitian ako ng babae sa information desk at ngumiti rin ako sa kanya.

“Andromeda.” Simpleng sabi ko sa babae na siya niyang mas lalong kinaseryoso.

It’s a passcode para sa mga VIP members ng building na iyon. But the thing is ginagamit ngayon iyon ng ilang guests particularly Mr. Heralde for some business purposes. Iyon ang paliwanag niya sa akin.

May nilabas ako sa purse ko na kinaagaw ng atensyon niya. Nilabas ko ang isang black card na may seal for VIP members na accredited lang para sa mga inimbita ni Heralde for the selling of his illegal weapons for the exchange of illegal drugs.

“This way Madamme.” Sabi niya sabay sinamahan niya ako sa elevator.

As we entered this damn elevator, I noticed that this girl might be some kind of a victim. Ramdam ko sa hilatsa ng mukha niya na ayaw niya ng ginagawa pero sigurado ako na ginagawa lamang niya iyon dahil sa pera.

“What’s you’re name miss?” She turned her head to me and as expected curiosity had drawn to her face.

“Why did asked Madamme?” She asked not mentioning that I;m more superior than her.

“Because I want to. May dahilan ba para tanungin ko ang pangalan ng isang tao?” Sabi ko sa kanya at humarap muli siya ng tuwid.

“Madeline. Madeline Reyes.” Sabi niya pagkatapos ng isang minuto.

*ding*

 

The elevator stopped at 23rd floor. As far as I know this building is about 25 floor. She guided me all along and stopped infront of door. Room 2513.

The girl knocked three times and a big guy behind the door opened it.


”A VIP member and a... Customer.” Sabi ng babae sabay tingin sa akin at sinabihang pumasok na ako. Binuksan naman ng lalaki sa pintuan ng mas malawak para makapasok ako.

Nang nasa loob na ako. Nakita ko na halos mga negosyante nga ang narito. At ang kwartong ito ay hindi basta basta kwarto. Isa itong malaking room for private meetings na madalas gamitin ng mga foreign business owner kapag may immediate meeting from their place to another.

“And you are?” Another big guys appeared in front of me. He was a blonde muscular guy. Isang tingin ko lang alam ko nang magaling siya defense at malakas ang reflexes niya. Base narin siguro sa mga hiwa at peklat niya sa braso kaya ko nasabi.

I smiled at him. “Mrs. Clifford” Sinuri niya pa ako. Kung maganda ako o hindi. Tss. Ano ba naman itong pinagsasabi ko.

“Very well, welcome Madamme. I bet you’re the beautiful wife of Mr. Clifford of Clifford International.” I smiled at him. Nakahinga naman ako ng maluwag do’n.

“Hahaha. Actually, my husband ordered me to be his representative for attending this gathering. It will be my honor if someone can explain and guide me here. It’s my first time to attend such a midnight gatherings you know.”

“Is that so Madamme. Then it will be my great honor to guide you.”

“Oh really? Thank you.”

“DS... It’s already 02:33 am. Nakastand-by na yung dalawa sa susunod na gagawin mo.”

Napahawak ako ng unti sa tainga ko para kunwari may inaayos lang pero ang totoo para pakinggan yung sinasabi ni Dark Raven.

I just hissed at him as a sign of ‘copy’...

“This way Madamme.” Sabi ng lalaki habang ginaguide niya ako sa mga nakadisplay na mga baril sa paigid.

Nagmistulang museum ang maliit na hall na ito at nakadisplay nga ang iba’t-ibang klase ng baril sa harapan kalapit ng emcee ng event.

Sa bandang kaliwa ang mga baril samantalang nasa bandang kanan ang mga ilang pakete ng droga na nakaselyo pa sa mamahaling tela.

This is not any ordinary trading.

I can sense that. Mukhang may mas malaking event pa ang magaganap. At kelangan ko nang mahanap ng mga mata ko si Heralde. Tumingin ako sa wristwatch ko and its already 02:35 am. Meron nalang akong ilang minuto para hanapin siya.

“Are you okay Madamme?” Tanong sa akin nung lalaki.

Nakalimutan ko palang sabihin. I’m also wearing face masked na halintulad sa mukha ng asawa ni Mr. Clifford so I don’t bothered to be recognized by anyone here.

“Yeah. I’m okay.” At kung suswertehin ka nga naman at nakita ko rin siya sa wakas. Katabi niya ang isang... Sandali... Sa pagkakaalam ko ang kasama ngayon ni Heralde ay walang iba kungdi si...

Shit!

Ang dalawang leader ng Russian Mafia at ng Yakuza Boss.

“Ah... excuse me please. I need to pee.” Mejo namula ng unti itong kasama ko.

“Gusto niyo po ba ng kasama?”

“Sasama ka sa loob?

“A-Ah... E-eh... No Madamme.”

And with that, iniwan ko siya at pumunta ng washroom.

Nagtagal muna ako ng limang minuto bago lumabas uli. Mabuti at nasa ibang guest na ang atensyon nung big guy na kasama ko kanina. Agad kong nakita si Heralde at mukhang papalabas ito at may kausap sa telepono.

Tama ako na lumabas nga ito na at siya ay sinundan ko. Lintik na pagiging Assassin nga naman oo! Daig pa namin ang secret agent nito eh. Pero wala naman akong magagawa dahil sang-ayon ako kay Akiro nung pinaliwanag niya na kung kinakailangang lumang taktika ang gamitin ay maaari.

Alam kong alam na ni Akiro na may iba pa siyang hinala sa trading na nagaganap. Kaya pumayag narin at pinilit ko talagang ako ang papasok dito.

I saw him na sumakay sa elevator. Since wala na namang ibang tao at kontrol na ni Akiro ang mga CCTV ay inilabas ko sa purse ko ang maliit na USB Connector at ikinabit iyon sa pindutan ng elevator. Mejo nahirapan ako sa pagtanggal ng mga turnilyo pero nagawa ko pa namang nagawan iyon ng paraan.

Kinabit ko naman ang kabilang dulo no’n sa Iphone ko at agad na tinrack ang babaaan ni Heralde.

Basement. Ay nako! As expected. Dapat pala bumaba na agad ako.

Pumunta ako sa may emergency exit door. Pinunit ko ang cocktail dress ko at kinuha ang damit sa may malapit na sulok ng hagdanan ang nilagay na damit ni Andrei base narin sa plano.

Nang matapos ko ng isuot iyon maging ang maskara ko ay mejo naasar ako dahil mukhang mahuhuli ako. Kaya naman nilabas ko ang isang magnetic dagger sa lagayan ko ng armas sa pantalon at kinuha ang improvised rope at itinali iyon.

Inihagis ko iyon sa may bars ng hagdanan at tumalon sa maliit na pagitan ng mga hagdanan at swabeng nagsa-slide pababa sa pinakaibaba.

Naabutan ko si Heralde na may hawak na suitcase at tinignan ang laman nito. Hindi ko iyon masyadong makita dahil mejo malayo ako sa lugar niya.

Nagtago agad ako ng biglang bumalik ito sa may elevator. If i’m not mistaken to my calculations babalik siya sa 25th floor. I smirked nang makaiisip ako ng brutal na pagpatay.

Hinila ko muli yung tali na nakakabit sa akin at agad namin iyon nagloose at iniakyat ako ng swabe pataas. Kahit papaano pala sanay parin ako sa stunt na ‘to.

Humawak agad ako sa isang bar nang matantya ko na ang 22nd floor. Alam kong mas nauna ako sa kanila dahil sa bilis ng pag-akyat ko. Pumunta agad ako sa harap ng elevator door binuksan iyon ng ubod ng lakas pero di ko parin mabuksan.

“Gusto mo ng tulong?” Nagulat ako ng biglang sumulpot itong si Black Initiator.

“I badly needed.” Nasabi ko nalang at agad siyang pumwesto sa may elevator at binuksan iyon ng ubod ng lakas. Lalaki siya kaya alam kong kaya niya yang mabuksan.

Nang mabuksan na ito ay tama ako na wala di pa siya nakakaabot ng 22nd floor.

“Alam kong ganyang plano ang gagamitin mo DS.”

Narinig kong sabi sa earpiece ni Dark Raven. I already knew na kinontrol niya ang system control ng elevator para mejo matagalan pag-akyat nito.

“Alam kong kakailanganin mo ‘to.” Sabay abot sa akin ni Andrei ng bomba. Umiling ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis.

“Put that above from the elevator. And put the another one sa ilalim ng elevator. Nakuha mo?” utos ko sa kanya.

“Pero paano?” I push him away dahil nasa 22nd floor na si Heralde at agad na umaalma ng posing yung mga tuta niya para lang maproptektahan ang amo nila.

“Sino ka?” Imbes na sumagot at pumasok ako sa elevator.

“Babarilin niyo po ako mga kuya? Eh aakyat po ako sa 25th floor. May gatherings po kasi ng mga friends ko eh,” Childish kong sagot sa kanila.

Pero ganoon parin ang mga pwesto nila at nakatutuok ang mga baril nila sa akin.

I smiled at them at tumingin kay Heralde. Mejo fierced ang mukha nito pero wala akong pakialam do’n at agad kong hinatak ang kwelyo nito matamis hinagkan ang mga labi niya.

Naramdaman kong sumenyas siya sa mga bodyguards niya tumigil at hinalikan ako pabalik. At doon lamang tumunog uli ang elevator at nagsara ang pintuan. Binunot ko ang baril ko sa purse ko ng maayos at di nila mahahalata.

Humawak ako sa likod ng leeg niya at humiwalay sa halik.

“You know what po. Ang sarap niyong halikan.” Masigla kong turan sa kanya.

“Talaga?—“

“Pero kailangan mo nang mamatay.” Then kinalabit ko ang gatilyo na nakatututok sa tagiliran niya.

Agad akong sumandal sa pintuan ng elevator at ginawang pangnanggalang ang katawan ni Heralde nang magpaulan ng bala ang tatlo niyang bodyguard.

Nang mapansin nilang ang amo na nila ang nababaril nila ay tumigil sila pero cue ko yun para barilin naman sila sa mga ulo nito.

Tumilamsik ang mga dugo sa buong kasuotan ko at maging sa mukha ko. Tumigil ang elevator sa mismong 23rd floor. Sa pagbukas no’n ay nagulat ako nang makita ko ang ‘di ko inaasahang makita.

.

.

.

.

.

“Oh~ I guess you killed that man... Dark Scheduler.”

To be continued...

* * *

NOTE:

5:30 ko siya pinost kaya kung may mga typo man at maling english grammar. Pagpasensyahan na.

Di ko kasi natapos itype kanina umaga yung huling part kaya ngayon ko lang uli tinype.

Up to the next UD uli po. Follow, Vote and Commment ah. ;)

Abangan kung sino ang nakita ni Dark Scheduler sa pagbukas ng elevator.

At kung bakit nasa gatherings ang isang Russian Mafia at ang Yakuza Boss...

 

© XavierJohnFord

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action