Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)
NOTE: Isipin niyo nalang na si XAvier yung lalaki sa picture sa gilid okay? And I'm dedicating this chapter to ImYourButterfly. Kasi no. 0 fan niya daw po ako. LOL ito na yung dedic mo. Sa GVA ko nalang nilagay. =D
Chapter 12:
Kissing Bandit (Part 1)
(Xyrene)
"HINDI NGA PWEDE KASI GIRLFRIEND KITA!!! ANO 'TO? GAGUHAN LANG?" Natahimik ako sa sinabi niya. Sineryoso ba talaga niya yung pagpapanggap ko nun sa bar? Pero imposible! Itong lalaking 'to? Magseseryoso sa babae? Wow lang.
Balita ko dito kahit demonyo ang ugali kapag magalit, pagdating sa babae matinik 'to eh.
"Tell me you're joking..." Yun lang ang nasabi ko. Hindi siya patanong. It's a command.
"No, I'm not joking." He gritted.
Napapailing ako. Paano ko 'to lulusutan? Shit! Sa lahat ng ginanito ko si Xavier lang ako nahirapang gawan ng lusot.
"Now, you're not going anywhere. Naintindihan mo? Hindi mo itutuloy ang date niyo." Tinitigan ko siya.
Magkasalubong ang mga kilay nito na akala mo may umaagaw ng pagkain sa kanya.
Full of authority ang utos niya sa akin. As if no one ang may kayang bumali sa utos nito.
Para siyang hari na sa isang utos ay dapat mong sundin agad.
He's indeed deserved to be The Emperor of Gangsters.
I just nodded as if may magagawa pa ako. Darn it! This is the first time na napasunod ako ng isang tao.
Dati ako lang ang masusunod pero itong lalaking 'to. Nagawa niya akong mapasunod sa kanya.
Mejo nag-lighten ang mukha nito. Mejo nakahinga naman ako ng maluwag kasi mejo lumuwag din ang paghawak niya sa braso ko.
"So, tara na." Ayaya nito. Mejo nakangiti na siya. Yung totoo? Sino ba sa amin ang may titulo ng ka-bipolar-an?
"Malay ko sayo." Iritado kong tanong sa kanya.
"Ganyan ka ba maging girlfriend sa boyfriend mo? Masyadong masungit at mataray?" Tanong niya. Nakapoker face akong tumingin sa kanya.
"Edi mag-break na tayo. Eh sa ganun ako eh." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
Alam ko na ang susunod na mangyayare. Hahaha. Gotcha!
"NO! HINDI!!! HINDI AKO PAPAYAG!!!" Naramdaman ko ang mga kamay niyang biglang humila pabalik sa loob ng room.
NapakaOA naman nito. Halatang umaarte eh. See? Best Actor noh? Pro na pro sa larangan na 'to eh.
"Okay fine!" Bawe ko! Baka magpakamatay pa'to sa harap ko edi sira na ang gandang taglay ko? Psh.
Conceited ba masyado? Bakit aangal kayo? Gusto niyong matikman ang shotgun ko sa bahay?
"Good. Nakakatatlong araw palang tayo tapos break agad?" So gusto niyang magtagal tapos siya ang makikipagbreak? Asa mo tsong. Sige! Sasakyan ko yang trip mo. Asa kang ikaw ang makikipagbreak.
"Kailan nga ba tayo naging tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Nung nasa bar tayo." Sagot niya.
Lumabas na kami sa ng room. Pero I acted na may nakalimutan sa room.
"Gusto mong samahan kita?" Tanong niya, infairness gentleman kahit paano ah. Wow.
"Ah hindi na, ako nalang... San ba kita puntahan? Para dun na ako dumiretso." I'm still wearing my poker face and a blank mood.
"Ah... Sa parking lot na. I will wait for you there. Hanapin mo lang yung Lamborghini Avendator ko dun." Wow! Bigtime kailangang sabihin ang brand. Meron na ako niyan. Sumabog lang nung ginamit ko sa trabaho ko, asar na mga police eh. Bulilyaso ang plano.
"Oh sige, alam ko naman ang itsura nun. Kaya mauna ka na. Don't worry, di kita tatakasan." I'll assure him. Baka kung anong arte na naman ang gawin nito eh.
He just smile.
Tumalikod na ako at baka mahypnotized pa ako ng mga mata nitong lalaking 'to.
Actually wala naman talaga ako kukunin sa room eh. Alibi lang ba...
Kailan ko kasing makontak sina Eliza agad.
Sa halip na room ako pumunta eh sa washroom ako pumunta para ako lang.
After kong macheck na ako lang tao dito ngayon ay agad kong tinawag si Eliza.
Wala pang 1min nang sumagot siya. "Hello Xy? Asan ka na ba? Ang tagal mo kaya." Sabi niya pagsagot nito.
"Eliza listen very carefully, I want you to tell everything that you know sa pagbabalik ni Claire kay Akiro. He needs to know this. Even though were against it. Hindi na ako makakapunta diyan."
Alam kong nagtaka siya. "Bakit Xy? May problema ba?" Tanong niya.
"Kilala mo naman si XJF diba?" I know na alam niya. Dahil acronym yan ng pangalan ni Xavier.
"What about him?" Tanong niya agad.
"Sineryoso ata nung gago yung pag-announce ko na boyfriend ko siya. Makaasta kasi ngayon eh akala mo daig pa ang naagawan ng pagkain kapag sinasabi kong makikipagdate ako kay Akiro eh." Paliwanag ko na. Sinabi ko agad dahil unting oras nalang ang meron ako at mahahalata nung hudlom na wala ako sa room.
"Oh~ his upto something. Baka tinamaan ng ganda mo. Alam mo naman yang ganda mo eh pamatay minsan." Yan ang kaibigan, nasakay sa trip kung minsan.
"I know na maganda ako wag mo nang ipaalala. Basta ang gawin mo ikaw na bahala kay Akiro at magdahilan kung bakit di ako makakarating. Okay? Bye!" Di ko na siya pinatapos pang magsalita dahil kailangan ko nang pumunta ng Parking Area.
PARKING AREA
Nang makarating ako with a full speed pa sa pagtakbo yan. Anak ng! Umeeffort ako para sa lalaking yun? Ugh!
Nakita kong may kasama siyang ibang babae at take note guys, kahalikan pa.
Wow! Tama yan. Matinong gawain ng BOYFRIEND. Tinignan ko yung girl, kulang nalang eh halos ipangalandakan na ang boobs nito at ang kaingkingan sa suot na micro miniskirt eh.
Uminit ang ulo sa di ko alam na dahilan. Tangina! Gaguhan daw ba huh! Sige lang. Sino bang nanggagago ngayon?
Shit! Enough of this drama and acting. Sagad na ang pasensya ko. Pati importante naming meeting di ko napuntahan dahil punyetang lalaking 'to.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Agad kong hinawakan sa balikaw yung babae, at kita mo nga naman. Ito yung Danzel kaninang umaga ah. Tss.
"Now, what?!!!" Sigaw nito pero hindi niya ako tinignan kasi biglang bumalik uli sa pakikipaghalikan at ang mokong naman nakapikit pa. Unti unti nang tumataas ang kilay ko. Pigilan niyo ko at baka samaain sa akin ang dalawang 'to.
Hinawakan ko uli s balikat yung babae at naubos ata ang pasensya at hinarap ako. "Ano bang prob—" Nanlaki ang mata niya ng makita ako.
Napangisi naman ako kasi mukhang natrauma na 'to sa akin. Tinignan ko siya ng mariin.
"Leave? Or Die?" Die? Yeah I mean it. Sabihin niya. At papatayin ko na agad siya. Agad naman siyang kumalas sa pagkakakapit niya kay Xavier at biglang tumakbo.
"Wow! Takot pala sayo yun?" Biglang sabi ni Xavier.
Hinarap ko siya. "Masarap ba ang halik niya?" Tanong ko habang nakangiti sa kanya.
Napangisi naman siya. "Oo. Sobra." Sabj niya with matching Uhmm-Delisyoso na nasarapan.
Ako naman ang ngumisi. "Ako din. Nasarapan kanina nung papunta ako dito. May nangharang at nagnakaw ng halik eh. Ay mali! Di lang pala halik a torrid one actually. Alam mo na dare daw kasi niya eh." Sabi ko habang napunta sa shotgun seat ng kotse. Ishot-gun ko talaga 'to eh.
Mukhang natigilan naman siya sa labas. Mukhang nagulat sa sinabi ko.
May tinawag pa nga ata sa phone at galit na galit sa kausap.
Well, serve him right. Kaya niya akong utusan? Maya ko siyang kontrolin at manduhan.
At tska drama lang 'to diba? Ano bang problema niya?
Agad siyang sumakay sa kotse after nung may tinawagan siya. Dark ang aura niya at mukhang manglalapa. At pinaharurot ang kotse.
Buti sanay ako sa car racing kungdi kanina pa ako bumulagta dito.
"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko habang cool na nakaupo at di naapektuhan mabilis niyang pagpapatakbo.
Hindi siya sumagot. Then fine. As if naman na interesado ako. Alam kong may kailangan tong lalaking 'to kaya sige, magiging mabait ako kaya pagbibigyan ko siya.
Ilang minuto pa ng mapahinto kami sa isang malaking mansyon. Bumisina ito para pagbuksan siya ata agad namang bumukas ang black gate nila na.
Tumigil kami sa isang malaking mansyon. Ito ata ang main house eh. Ito na kasi ang pinakamalaki.
"Where's mom?" Tanong ni Xavier habang binibigay ang mga gamit nito sa isang butler.
"Pagpasensyahan niyo na po yung damuhong lalaking iyon ah. May sapak pa kasi yan eh." Sabi ko sa mejo my katandaang butler nila.
Ngumiti lang ng kay tamis sa akin yung Butler. Bakit parang kinilabutan ako?
Nagdidiretso kami sa loob at doon tumambad sa akin ang dalawang hagdanan paakyat na ang tinutumbok ang isang lugar kungdi ang gitna.
Parehas ito ng lugar nang makaharap ko sina Fujiwara.
Umakyat kami sa kanang bahagi. At sa taas namin naabutan ang isang ginang na kahit may edad na ay may angking ganda parin.
Tss... Ang nanay ng mga Villareal.
Wag lang magpakita sa akin ang tatay nito. Kungdi talagang papatayin ko na siya. Agad-agad.
"And who she?!" Tanong ng ginang na nakataas ang isang kilay sa akin.
Maamo naman ang mukha nito ngunit para itong leon kung makatingin sa akin.
"She's my girlfriend." Pantay na tonong sagot ni Xavier sa ina niya.
"Alam mong ikakasal ka na pero may kinakalantari ka pa? At sa isa pang... Manang?!!" singhal nito sa anak habang nakatingin sa akin na akala mo eh nandidiri.
"Hindi ko tinatanggap ang kasal na iyon ma."– Xavier
"Pero wala ka nang magagawa pa." Sabi ng ina nito.
"Will you please ma! Pumunta kami rito para dito magdinner at hindi makinig sa mga lintanya niyo"– Xavier
"Oo nga naman..." Tumingin sa akin ang ginang. "Sa tingin ko nga ay kailangan kong ipakita ang tamang etiquette. Hindi ba?"
So, ito pala ang drama ng lalaking yan? May madilim na madilim na ekspresyon pa siyang nalalaman kanina. Sige fine. Pagbigyan.
Ngumiti ako ng kay tamis sa ginang. Buti at di ko suot ang retainer ko. "Good Afternoon po." Sabi ko sabay yuko.
"There's no good in the afternoon." Malamig na tonong sagot niya sa akin.
Kapal lang ah. Anong akala niya? Natakot ako doon? Psh. Whatever.
"Halika ka na nga!!!" Sigaw sa akin nitong lalaking 'to sabay hila na naman sa akin. Sapukin ko kaya ito. Makahila? Siya na nga nahingi ng pabor eh.
Huminto kami sa kakalakad. Actually, kakakaladkad since kaladkad naman ang ginawa niya sa akin eh. Napatingin ako sa kanya.
"Hoy! Problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa kwarto ko na tayo." Sagot niya.
"So?!!! Hindi pa ba ako aalis? Di pa ba tapos misyon ko?" Napatingin siya sa akin na akala mo nahulaan ko yung pakay niya.
"Makatingin ka jan. Hindi mahirap hulaan ang gusto mong iparating kanina sa room kaya alam kong may kailangan ka." Pag-amin ko sa kanya.
Effort akong mag-explain ah.
"Hindi pa." Sagot niya.
"Ano? At bakit? Napakilala mo na ako diba?" Sapakin ko 'to eh. Magtatampo na naman sa akin mamaya si Akiro nito. Maggagabi na kaya.
"After dinner nalang kita ihatid." Suhestyon niya.
"No. Take me home! Oh~ no need. I can handle myself naman. So ciao!" Sabi ko sabay talikod.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang mga braso ko.
"Hindi!!! Kung yun pagpapanggap na girlfriend kita ang iniisip mo then sige, panindihgan natin sa harap ni mama." Napanganga ako sa sinasabi nito.
"Nakadrugs ka ba?" Tanong ko sa kanya. Syempre buti na yung sigurado.
"Hindi ako sira. Sige na, ang gusto ko lang naman eh pahiyain mo ang mommy ko. Naka-arranged marriage ako ngayon at ayoko pang matali sa babaeng di ko mahal." Wow! I pity him. Tsk tsk tsk.
Akalain mong meron pa pala n'on? Yung arrange marriage thingy.
"Since sinira mo naman din ang araw ko then fine! Pero..." Napangiti ako sa naisip ko.
"Pero ano?" Tanong niya na mejo kinakabahan? Tss...
Tumingin ako ng mata sa mata sa kanya. Napansin kong napalunok siya.
"Gusto ko..."
Napalunok uli siya. Mukhang nakaramdam ang loko na masama ang iniisip ko ah.
"Gusto kong halikan mo ako ngayon na." Deretso ko nang utos sa kanya.
Napalaki naman ang mata niya sa narinig at namula. Sus, akala ko ba manwhore 'to? Ako na nga nag-iinitiate diba? Choosy pa 'to?
"S-Sigurado ka ba sa sina—" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.
Hinila ko agad ang kwelyo ng leather jacket niya at matamis na hinagkan ang kanyang mga labi.
Mukhang nasobrahan ako sa paghila sa kanya dahil napahiga kami sa kama niya.
Nasa kwarto niya kami diba?
Pinagpatuloy lang namin ang halikan ng may marinig kaming...
*Blaaaag*
* * *
(Xavier)
Di ko aakalain na itong babae mismo ang nag-initiate ng make out session.
Anak ng!
Lalaki lang ako at nadadarang. Lalo pa't ang mga labi ni Xyrene ang masarap halikan.
I've never kissed a girl before na kasing galing ni Xyrene. May lasa ang kanyang labi. Para siyang nakakain lagi ng strawberry, samantalang hindi siya nakalipstick o yung tinatawag nilang lipgloss.
Kanina sa room. Nagdilim talaga ang mga mata ko nang marinig kong makikipagdate. Ewan ko kung bakit.
Pero dahil sa nangyaring iyon ay naisip ko ang plano para hindi matuloy ang kasal namin ng babaeng di ko man lang kilala.
I think Xyrene will be the perfect girl for that. Mukha naman siyang matapang and capable of defensing herself.
Kakaiba rin siya sa mga babaeng nakilala ko. Pero feeling ko... Nabago na yun nga—
*Blaaaaag*
Nasa kalagitnaan ako ng umaatikabong halikan namin dahil sa totoo lang, naaakit akong lagi siyang halikan. Nagstart yun nung una naming kiss sa bar. May lumagabog na siyang kinatigil naming dalawa.
Napatingin agad ako sa pintuan ng kwarto ko dahil alam kong may nakakita sa amin.
"Isn't great? Unang impression sa akin ng mama mo eh... A 'manang' bitch?" Napatingin ako kay Xyrene habang natayo mula sa kama ko.
So... She planned it??!!
"Did you—" She stopped me.
"Know that it will happen? Yeah... So easy to predict dude." Wow!
Hanep!!! Binabawe ko na sinasabi ko about her. She's damn amazing.
"Tara na... Let's this thing finish." She said na nasa my pinto na. Napangiti ako sa kanya. So I think this gonna be fun.
Pagbaba namin galing kwarto ko ay agad kaming pumunta sa dinner area. Maaga kasi silang nagdidinner. Ewan ko jan sa nanay kong bangag kung bakit.
"Buti naman at nandito na kayo. Kala ko tatapusin niyo muna yung kababalaghan ninyo bago bumaba dito eh." Hinigpitan ni Xyrene ang hawak sa kamay ko bilang tanda na si Mommy ang sumilip kanina.
"No ma, marami pa kaming oras para gawin iyan." Sabi ko habang inaalayan ko si Xyrene umupo sa pwesto niya.
"Por dios por santo! Nasa harap kayo ng hapagkainan." Gulat na sabi ni Mommy.
"Anong sinasabi niyo po Mommy? Marami pa kaming oras para ipakita sa kanya yung mga picture ko nung bata po ang tinutukoy ko." Sabi ko kay Mommy.
"P-Picture?" Alanganing saad nito.
Hinila ko palabas ang upuan ng uupuan ko. "Ano po bang iniisip niyo Mom?" Tanong ko habang nakaupo
"W-Wala naman..." Sagot nito.
Naging tahimik kaming kumain hanggang sa magsalita si Mommy.
"So where did you learn how to use dinner utensils?" Napatingin ako sa kanya at nakatingin ito kay Xyrene.
Tinignan ko rin si Xyrene at kapansin-pansin ngang magaling itong gumamit ng fork at knife sa paghiwa sa American Steak na nakahain.
Ang alam ko, libre na ang tuition at miscellaneous fees niya sa Crimson University.
Napaimpress niya kase si Ate. Kaya binigyan niya ito ng test at lumabas na halos 3 mistakes lang ang nakuha kaya para itong nakakuha ng scholarship.
Kaya inaasahan kong mahirap itong babaeng 'to base narin sa pananamit.
Pero hindi eh. Siguro may kaya rin siya. Diba kasama pa niya yung mga kaibigan niya sa Bar? Eh mayaman naman yung mga kasama niya so I'm expecting na mayaman siya.
Tinigil ni Xyrene ang pagkain at pinunasan niya ang bibig niya with poise. "May mga bagay na dapat hindi niyo na malaman. May mga bagay, na dapat hindi lang mata ang ginagamit sa pang-araw araw na buhay para makita ang mga dapat lang makita." Makahulugan niyang turan kay Mommy. Miski ako napakunot ng noo sa sinabi niya.
“What do you mean by that hija?” Naguguluhang tanong ni Mommy.
Ngumiti lang si Xyrene bago sumubo uli ng pagkain nito. Ipinagpatuloy nalang muli ni Mommy ang pagkain kasi dinedma siya. Wow! Siya lang ang nakagawa kay Mommy iyon.
“Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat Hija?” Biglang sabi ni Mommy habang parang minumurder ang steak na nasa harap niya. Patay!
“Ano po iyon?” Tanong ni Xyrene na parang relax na relax paring kumain at maghiwa ng steak.
“Ang ayoko sa lahat eh yung mga babaeng kaladkarin para sa anak ko.” Sagot nito.
“Oh talaga po Tita? Ano po bang klaseng kaladkarin ang ayaw niyo Tita?” Paanong nagagawa nitong babaeng ‘to na makipagsagutan pa sa nanay ko maliban sa katotohanang may masamang gagawin ang nanay ko sa kanya?
“Iyong tipong mga nag-aabang sa kalsada. Nakamicro-miniskirt tapos kung makapaglipstick eh wagas” Juskoooo~ Ayoko ng ambiance sinasabi ko sa inyo.
Sumubo muna si Xyrene tapos nginuya ang kinakain bago muling nagsalita. “Talaga po? May nadala na po yang barasubas kong kalaguyo na kaladkarin dito?” Tanong niya may bahid ng unting gulat sa narinig.
“Oo Hija eh. Pero itong klaseng kaladkarin na babae eh kinakailangan pang magdisguise para lang makapasok sa pamamahay ko.”
“Ano naman pong klaseng disguise na suot niya tita?”
“Katulad ng suot mo.”
Umarte itong nagulat. “Talaga po Tita? Ay nakooo~ napakakaladkarin na ngang babae iyan pero napakawalang originality naman sa pananamit. Style ko po iyon kaya. Nakakaimbyerna.”
Hands down na akong sa babaeng ito. Ang galing magpaikot ng topic.
Napatingin naman ang Mommy ko sa kanya na ngayon eh kumakain uli. Yung tingin na hindi makapaniwala at pinagmukhang siyang slow? Hahahaha.
Pero maya-maya’y napasmirk ito. Oh shit. Eto ang ayaw ko.
“Pero alam mo kung anong ayaw ko sa lahat?” Sabay kuha ng table knife.
Shit!
“Ano po?” Bakit ba parang relax na relax pa itong babaeng ito. Alam ba niyang masyadong brutal ang nanay ko? And when I say BRUTAL. As in it’s literal meaning.
“IKAW!” Sigaw nito at biglang binato sa kanya ang table knife.
Tumayo ako para saluhin iyon sa kahit na anong paraan. Pero nagulat nalang ako sa nangyare.
(Elizalde Villareal) *Xavier’s Mom
Naiinis na ako sa babaeng mukhang manang na’to parang hindi siya natinag sa mga sinasabi ko. Eh siya lang naman talaga ang tinutukoy ko.
“Pero alam mo kung anong ayaw ko sa lahat?” Tanong ko sa kanya suot ang mga ngisi kong mga ngiti.
“Ano po?” Tignan natin kung makarelaz ka pa.
“IKAW!” Sabay hagis sa kanya ng table knife na hawak ko. Ang ayaw ko sa lahat ay mga kaladkaring mga babae. Masyadong babaero ang anak ko kaya alam kong ang mga pinapakilala niyang mga babae sa akin eh mga walang breeding. Para lang hindi matuloy-tuloy ang kasal niya.
But I was surprised sa ginawa niya.
Relax niyang nakuha ng kamay niya ang table knife nang hindi tumitingin. Hawak niya yung binato ko gamit ang kaliwa niyang kamay tapos ang kanang kamay naman ay yung kutsara niya na isusubo niya.
Alam kong pati ang anak ko eh nagulat sa nangyari. I know it’s a simple gesture but sa isang katulad niya? Trully unbelievable.
Matapos niyang isubo yung pagkain na nasa kanang kamay niya ay tumingin siya sa akin suot ang mga mapang-asar na ngiti.
“Remember the speech na sinabi ko po Tita? Hindi niyo naindtindihan no? I didn’t expect na ang di pagpansin sa mga matatalinghagang salita ay hindi niyo gawain Mrs. Villareal.” Ano?!!!
“And asan po pala manners niyo Tita? Por dios por santo nasa harap kayo ng hapagkainan.” Ginata niya pa ang tono ng mga huli kong sinabi sa kanya kanina. The nerve of this lady!!!
(Xyrene)
Kita sa mukha niya ang pagkairita sa mga ginawa ko sa kanya. Tss. Yan palang ginawa ko ganyan na siya? Alam ko na kung san nagmana ng init ng ulo itong si Xavier.
“Kung inyo pong mararapatin Ginang, ako ay aalis at salamat sa pagkaing inyong inihain.” Tinignan ko na si Xavier na nagpipigil ng tawa. At hoy! Rhyme yung sinabi ko. Hahaha.
Tumayo narin si Xavier at agad akong sinundan kasi nauna akong umalis sa mesa. Pero bago pa man din kami makaalis sa dining area. “Masyado ka atang bilib sa sarili mo babae. Porket naganun mo ako panalo ka na? Ang taas ata masyado ng self-confidence mo.” Sabi niya na may tono ng pagmamayabang.
Huminto kami ni Xavier, at humarap ako sa nanay niya at biglang ngumiti na mejo kinagitla niya. “Alam niyo Mrs. Villareal, No one is born with self confidence. Self confidence is learned and earned with experience.” Sabi ko sa kanya na nakapagpatahimik sa kanya.
“At alam niyo po ba kung sinong nagsabi nun? Si Dennis Waitley kung hindi niyo po alam.” Then after that umalis na kami.
“You know what! Paano mo nagaw iyon?” Tanong sa akin ni Xavier nang makalabas na kami ng mansyon nila.
“Ang alin dun?” Dalawa kaya ang ginawa ko kanina. Una, sinagot ko ang nanay niya at yung isa ay ang pagsalo sa kutsilyo.
“Yung pagsagot mo sa nanay ko.” Tinignan ko siya with a irritated look. “You know what! Just sent me home. Ayokong sagutin yang tanong mo. Kuha mo?”
“Nagtatanong lang eh.” Narinig kong sabi niya habang napunta na sa driver seat. Aktong bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang may maramdaman akong mga kaluskos. I can sense it from here. Malayo pero rinig ko. Umihip ng malakas nahangin eh.
“May problema ka ba?” Tanong niya sa akin nang mapansin niya atang di pa ako napasok ng kotse.
Hindi ako sumagot. Bagkus humakbang ako ng isa pabalik. Saktong may malaking batong nakaharang.
Fvck!
Narinig kong nagkasa na iyong taong nagmamay-ari ng kaluskos.
Agad kong sinipa ang bato patagilid. Nasa kaliwa ko ang target kaya doon ko pinatamaan. Agad naman akong sumakay ng kotse.
“Ayos ka lang? Anong sinipa mo?” Tanong niya sa akin pagpasok ko.
“May naamoy akong nakakaurat na pusa kaya sinipa ko.” Sabi ko nalang habang sinusuot ang seatbelt ko.
Humarap ako kay Xavier at kinabig ang batok nito at hinalikan. Since ang kotse niya ay yung nabubuksan ang bubong ay habang nakikipaghalikan ay pinindot ko yung button ng konti.
At nang nasipat ko na sapat na iyon ay agad kong binunot ang Silencer ko sa bag ko na nasa likod at itinutok sa may nakabukas na bubong at inasinta ang target.
Then...
*ploook*
Agad kong ibinalik ang baril ko at binalik sa dati ang kotse. Grabe. After a year nagawa ko uli ang gawain ko ah. Kissing the bandit—papatayin mo ang target na mula sa malayo habang nakikipaghalikan ka na hindi niya napapansing may ginagawa kang iba.
Tinignan ko naman si Xavier na napadilat na mula sa paghahalikan namin. Good thing at nakapikit siya kanina.
“Para saan iyon?” Tanong niya na parang hindi pa makapaniwala.
Nginitian ko siya at sinabi ang madalas ko ring dialogue sa mga nagtatanong kung bakit ko sila hinahalikan. “Just can’t get enough of you.” Sabay kindat.
(Someone)
“Nakahanda na ba ang lahat?” Tanong ko sa kasama ko.
“Opo, nakahanda na po ang lahat. Utos niyo nalang po ang kailangan.” Sagot niya.
Nangingiti ako habang nakatingin sa bahay ng mga Villareal mula sa labas.
“Simulan niyo na.”
Pinagmasdan ko lang ang mangyayari.
Maya maya pa’y....
“Sir, natamaan po ng bato ang kasamahan natin.” Ano?
“Anong pinagsasabi mo?”
“May tumamang bato po sa kanya.”
Tumingin agad ako sa mansyon wala naman akong nakikitang mali. Mukhang paalis palang naman yung kotse na iyon.
“Ipagpatuloy niyo parin. BILIS!” Utos ko.
Agad naman na inaasinta na ng tauhan ko ang target namin. Pero maya-maya pa’y...
*plook*
Tinignan ko yung may hawak ng sandata. Ayun at nakahandusay na at may tama ng baril sa noo.
Shit! Bulilyaso...
Itutuloy...
* * *
NOTE:
Ito lang po muna.
Tinamaan po ng WB eh. Kaya ito lang ang nakayanan.
Bawi-bawi din next time.
DI ko na muna siya nilagyan ng kabrutalan ng sobra. Tinamad eh.
At tska nga pala...
Sorry pero hindi ko nalagyan ng sweet moments na gusto niyo.
Di ko na nakayanan po eh.
Sobrang pagod po ngayon.
Pinilit ko lang ipagpatuloy sa laptop itong chapter na ito.
Part 1 muna.
Hahaha.
Thanks for supporting at sa naastigan sa story.
I need feedbacks. COMMENT niyo po sana. I just wanna know kung okay pa ba yung story. At yung mga reaction niyo.
Kaya minsan lang akong maging ganito.
Kaya yung mga SILENT READERS jan. Comment comment din pag may time. LOL
Sige na...
Ginagawa ko na sa CP yung ibang chapters ng iba kong story.
Once na mabasa niyo ‘to.
Ginagawa ko na yung UD. Okay?
Pero di pa alam kung kelan ang posting. LOL
© XavierJohnFord
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top