Chapter 11: The Girl from the Past

                                                       Chapter 11:

                                           The Girl  from the Past

(Xavier)

I didn't expect na magiging ganoong ka awkward para sa lahat ang pagdating nung Ms. Coltrane na ang sabi nila ay Heiress ng Coltrane Empire which obviously the most riches family based on the American Survey in New York State.

Ewan ko pero bakit parang nakita ko na yung babaeng iyon eh. Matalino naman ako kahit na may Gang ako. At madali ako makamemorya ng tao lalo na ang postura. Pero syempre, iyong mga tao lang yun na maaaring kaibigan ko o babaeng nakapukaw sa akin ng atensyon.

"Oy pare! Space out ka na naman jan! Tara na at baka mahuli na tayo sa school. Remember, your sister. Andun sya ngayon at hindi papalag sa sa kanya ang pagiging stubborn natin." Napatingin ako kay William na nasa may pintuan ng kwarto ko.

Kumuha ako ng unan at binato siya. "Andito ka na naman sa bahay namin. Kahit kelan napakagalain mo." Tumayo na ako at sinuot ang bathrobe at nagderetso sa banyo.

"Bilisan mo na tol!!" sigaw niya sa may pintuan ng banyo.

"Oo na! Lumabas ka na dun!" Sigaw na sagot ko sa kanya at kinuha ang razor ko at alam na, papogi rin.

"Nga pala brad! Hiramin ko iyong isa mong Ducati ah!" Sigaw niya.

"Tarantado mo William! Hihiram ka na naman, may mga sasakyan ka naman sa inyo bakit mo gamitin?" Sigaw ko sa kanya habang binubuksan ko yung shower.

"Hehe. Tinatamad ako eh. Sige naaa~" Letse! Ayan na naman yung pagiging makulit nito eh.

"Oo na! Oo na! Lumabas ka na dun pwede ba?" Sagot ko na sa kanya nang matigil na.

Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto ng kwarto ko sa labas kaya naman tinuloy ko na lamang ang pagliligo.

Habang nagsashampoo ako.

May naalala akong babae. Yung sinasabi ni ate na Fiancèe ko.

Kailangan ko siyang mahanap. Di ako makakapayag na makasal.

Anak ng! Sino bang gustong magpakasal agad agad?

(Xyrene)

Crimson University

Bakit ba they keep staring at me as if na may nakakahawa akong sakit? Ugh! Mga tao nga naman.

'Gash! Look at her, diba she's gross?'

'Yeah! Tignan mo naman ang damit. Duuh! Manang na manang ang dating'

'Korek ka jan girl, para siyang may anak na noh'

'Yeah, at tska laspag ang itsura niya.'

Napatigil ako nang marinig ko yung huling sinabi ng babae.

Naramdaman kong napatigil at nagkaroon silence sa buong paligid.

'Duuhh! Diba siya yung bumangga kay Papa JF? Ang kapal lang ng mukha niya.'

'Korek at balita ko girl, may ginawa daw siyang masama kay Danzel eh'

'Eh diba, tropa niya eh gangster?'

'Yeah, and she's doom now'

Teka? Danzel? Wala akong natatandaan na ganung babae. Kung meron man, so what?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang CBA building at may klase pa ako sa Marketing ng 10am. 9am na so what? Edi matutulog nalang ako sa room.

Habang naglalakad ako eh may narinig akong tumatawag sa akin.

"HOY BABAENG MUKHANG MANANG!" di naman ako manang dahil sa gandang kong to mukha akong manang? Tss...

"HOY BABAENG BLUE GREEN ANG PALDANG HANGGANG TUHOD ANG HABA AT NAKADILAW NA BLOUSE!!!" Napatigil ako. Teka? Tiningnan ko yung damit ko. Oo nga ganoon ang kulay, tulad ng sinabe ng babaeng iyon. So ako nga ang kausap niya?

Lumingon ako sa likod at kita mo nga naman ang pagkakataon at napaaga ata ang pasko. Nakakita lang naman ako ng babaeng madaming kolorete sa katawan at clown ang make-up.

Teka??? Clown sa pasko? Pede rin.

Tinuro ko yung sarili ko at tinaasan lang ako ng kilay ng babaeng ito.

"May iba pa ba akong tinatawag na simpanget mo?" Di ko na pinansin yung sinabi niya dahil baka ipamukha ko dito na wala siyang gandang taglay. Kalandian siguro meron pa.

Tinitigan ko lang sya at mukha naman siyang napahiya nang hindi ako sumagot.

Sorry but I don't talk to clowns-- este strangers.

Tumalikod na ako at naglakad na uli at iniwan syang ewan. Naramdaman ko naman na napasinghap ang ilan sa ginawa ko?

Bakit? Ganoon ba kahirap talikuran itong hitad na'to at makasinghap naman kayo? Tara baba tas gaya kayo.

"HUMARAP KA SA AKIN YOU WHORE!!!" Sigaw niya na siyang kinapantig ng tenga ko. Did I mention something that my patience is not hard enough to conquer such malicious accusations?

"Anong sabi mo??" I asked her with a glint of irritation.

Napansin ko naman ang pagsmirk siya. "Bakit totoo naman ah. Nilalandi mo pa si Papa JF namin diba?" Napakunot noo naman ako doon.

"Who the hell is he?" I asked her with a full of curiousity drawn into my eyes.

Napataas naman ng kilay yung clown. "You don't know him?" Di niya mapaniwalang tanong.

"Seriously, you fckin' whore?" Dugtong niya. Eh kung biyakin ko kaya ng martilyo 'tong babaeng 'to

"Am I going to ask if I've already know you fckin' bitch?" serves her right! Ano bang akala nitong babaeng to na siya lang pwede mag-cuss? Tss.

Napanganga naman yung clown. Okay since lagi syang nagmumura, CUSSING CLOWN nalang tawag ko sa kanya.

"Anong tawag mo sakin?" so galit na siya nyan. Tss.

"Fckin' Bitch. Gusto mo isa pa?" sabi ko sa kanya na halos kinamula nya sa galit. Eh timang pala to. Nasabihan lang galit na galit na?

"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako niyan eh mas bagay nga sayo yun? And please... Don't you remember me you asshole?" tinignan ko siya mula ulo hanggang bagang este paa. Tsk tsk... Mukha kasing parehas lang bagang at paa nya eh. Pero infairness. Familiar siya.

Kapag tinanggal mo yung mga kolorete nya sa mukha... Kamukha niya yung sa...

Ahhh~ siya yung kalandian at nakipaghalikan kay Xavier kahapon. At yung nasuntok ko sa tyan ng bongga.

"Ano kilala mo na ako?" Tinignan ko ang mukha niya with a cold stare. Kapag di ko kilala cold ako sa pakikitungo maliban nalang kung kababata kita. Pero dahil bitch siya, nararapat lang na tignan siya sa ganitong paraan.

"Walang dahilan para kabisaduhin ko yang mukha mong retokada." malamig kong tugon sa kanya.

Mas lalo naman siya nagalit sa sinabi ko. Kasi nagtawanan lang naman yung mga nasa paligid nang marinig nila yung sinabi ko. *smirk*

"You don't know who are you messing up with" giit niyang sabi sa akin gamit ng kanyang nagbabagang mga mata.

Dapat na ba ako matakot sa ganyang tingin? Tss. Such a brat.

Lumapit ako ng sobra sa kanya most specifically sa tenga nya para sya lang ang makakarinig. "Messing up? With whom? To you? *giggled* edi ba nagsuka ka nga ng dugo nung suntukin kita sa tyan?" nagstiff naman sya nang marinig yun. Lumayo na ako sa kanya at umalis.

Nakakasampung hakbang palang ako ng may maramdaman akong palapit na isang bagay sa akin.

I tilted my head to the left at sinalo ng kanang kamay ko yung bagay na papalapit sa akin. Nang mahawakan ko... Isang baseball bat. Seriously?

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Cussing Clown na nakapostura pa na katatapos lang ng may ibinato.

Nanlaki naman di lang siya maging ang mga nanunuod sa amin sa ginawa ko. Haaay~ sinalo lang kamangha-mangha na agad?

"What's happening here???!" Sigaw ng lalaking malalim ang boses sa may likod ko.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang Hot Middle-Aged Man na nakanoot pa ang noo.

"Siya po Mr. Principal! Gumagawa po sya ng eksena dito." Sumbong ni Cussing Clown na siyang ikinalingon ko sa kanya. Seriously? Ako pa ah. Hanep din to ah.

"Is it true Miss..." lumingon ako sa sinasabi nung hitad na principal. "Ms. Xyrene sir." sabi ko. Ayaw kong sabihin ang surname ko na 'Coltrane' dahil malalaman nilang ako ang Heiress ng Coltrane Empire. Yung middle name ko pwede pa—ang Gustave.

"Surname please..." See? "Ms. Gustave sir. Xyrene Gustave." bakit ba kase andito itong Principal na'to. Diba andito ngayon yung mismong may-ari?

"So is it true?" tanong niya muli sa akin. Tinignan ko naman yung Cussing Clown at nakangisi pa ito.

So, ano 'to? Kampi nya ang principal? Tss.

"I'm waiting to your answer Ms. Gustave." Naiinip niyang sabi. Atat ba? May lakad? Sige layas na at kabadtrip ka lang.

"Kasi siya nga po ang nagawa ng eksena sir." pangagatong nung pesteng clown.

Teka nga... Bawal ba sa school na to ang paggawa ng eksena?

"So..." sabi sa akin nung lalaki.

"Is it a big deal sir?" Tanong ko sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya.

"Yes it is--" I stopped him when he said that. "In what manner sir?" tanong ko sa kanya.

Alam kong naiirita na siya sa pagsasagot ko sa kanya but duuh~ napakaewan niya.

"Alam mo bang ang paggawa ng eksena sa loob ng campus ay nakakaapekto sa pagiging attentive ng isang estudyante dito? Maaari silang malate kapag ganoon, dahil nawawala ang atensyon nila na baka malate sila sa pagpasok sa klase nila. At hindi maiiwasan ang curiosity ng ilan kapag may eksenang nangyayari dito." paliwanag niya na kinangisi ko.

"Ganoon ho ba sir? Ano naman po ba ang mangyayari kapag may lumabag sa batas na yan dito?" Tanong ko sa kanya.

"Suspension. And this is an absolutely law inside of the campus but may exception kapag dumadating ang mga events o di kaya ang pagdating ng mga may-ari ng school na to." sagot niya.

"So even the staff ng school maaaring masuspende ganoon ho ba?" tanong ko muli sa kanya suot ang isang matamis na ngiti.

"Yes Ms. Gustave." he answered.

"So, edi suspinde tayong dalawa sir." sabi ko sa kanya na siya nyang pinagtaka at kinagulat naman ng ilan ng nanunuod.

"At bakit naman Ms. Gustave?" Ngumisi ako sa kanya. Dahil halatang naiinis siya sa pagsasagot ko sa kanya.

"Hindi ba ang mabuting hakbang ng kailangang gawin ng isang staff na tulad nyo kapag may nangyayari na ganito ay ipapatawag niyo ang mga sangkot sa office niyo? But you chose to talk about it here. Dito na maraming nanunuod. Na maraming macucurious na manuod sa mga nangyayari dito kasi nasa school ground tayo. So, sabihin nga nating nilabag ko ang batas ng school, pero sa nangyayari ngayon sir, sino ho ba ang nagawa ng MALAKING EKSENA ngayon? Ako ba?" sabi ko sabay ngisi ng todo. Napatahimik siya sa sinabi ko.

"If you excuse me sir, may klase pa ako at late na ako kasi nagatungan pa ng isa pang eksena na dapat kanina pa tapos. Diba importante sa isang estudyante ang hindi nalalate? Paano ba yan sir late na ako. Nang dahil kanino? Sa eksena nyo." sabi ko sabay lakad na palayo.

Naghari ang katahimikan sa paligid.

Habang naglalakad ako palayo ay nagsalita uli yung Principal.

"But still you broke the law at hindi lang yan sumasagot ka pa sa mas mataas sayo." sabi niya na halata na ang pagiging iritado dahil napapahiya na.

Lumingon ako sa kanya.

"Okay sir, magpapasuspend ako. As long as magpapasuspend ka rin. Remember? Hindi ka kasali sa exception ng isang napakasimpleng batas ng school na'to. Ako nagsimula? Huh... Sino ba ngayon ang kasangkot? Diba kasali ka na? So may dahilan na para patawan ka ng suspension." After ng speech ko. Lumayas na ako. Wala syang kwentang kasagutan. Naturingang professional eh.

Habang naglalakad ako natanaw ko sina Eliza, Akiro at Andrei na napapailing at nakangisi.

Kinindatan ko sila bago nagtuloy sa building ng klase ko.

(Xavier)

'May eksena daw na nangyayare sa may schoolground'

'Oh? Talaga tara puntahan natin'

Yan ang narinig naming lima pagpasok ng campus.

Aba at himala, bakit ata bigla nawala mga nagtitilian sa amin na chix.

"Narinig niyo yon? May eksena na naman daw na nangyayari?" – William

"Hindi kami bingi William" – Charles

"Inuulit lang eh" sabay pout ni William.

"Taena pare! Wag ka ngang magpout ano ka bading?" Pang-iinis sa kanya ni Harold.

"Gago mo! Ako bading? Para saan pa at marami na akong nakasipping na mga model kung bading ako" Sagot ni William.

"Pota pare! Libog mo rin no. May aids ka na no?" napapailing nalang ako sa bangayan nina Harold at William.

"Ano ba kasi ang dahilan ng ate mo at ginawa ng ate mo yang napakawalang kwentang batas ng school na yan?" napatingin ako kay Marco nang magsalita siya. Wow! Record breaking. Ang haba ng tanong niya.

Ayaw ko man idescribe tong mga 'to sa inyo eh lalo na sa ugali eh kailangan na malaman niyo.

Pinakatahimik sa amin ay si Pareng Marco, daig pa niya ang pipi. Mapili sa kausap tulad ko at kung magsasalita man yan yung tanong na niya kanina ang pinakamahaba. So far...

"Tae mo pare! Tigilan mo nga ako sa aids aids na yan! Protektado ako loko!" – William

"Ulul mo! Anong proteksyon. Parang ang huling kwento mo sa min eh hindi masarap kapag may proteksyon ah kaya tinatanggal mo minsan" – Harold.

Pasensya na sa mga binubuka ng bibig nila. Sadyang ganyan lang sila magbangayan.

Ganyan talaga sila. Normal na kungbaga. Pero si William ang pinakamakulit sa aming lahat. Lahat ng gusto nya dinadaan sa pacute sa amin. Kami, nasakay nalang dahil may pinagdadaanan yan sa pamilya niya.

Pero solid na kaibigan yan. Malibog man yan minsan kapag may nakakasama na girls eh siya ang may pinakamabait pagdating sa kanila.

Ayaw niya na nasasaktan ang mga girls na nagiging syota niya. Kaya kung nakikipagbreak yan sa mga babae, sa magandang paraan. Kung kaya't sinasabihan siya minsan na ideal cassanova.

Maituturing na bestfriend niyang si William si Harold. Dahil sa aming lima, si Harold lang ang nakakatapat at nakakatagal sa pagiging makulit ni William.

Maging si William ganun din kay Harold kaya minsan kapag sobrang kulit ni William tinatawag namin si Harold para patigilin siya.

See? Super close ng dalawa. Hindi lang halata.

"Pwede ba wag kayong maingay!!!" iritado na sabi ni Charles.

Sa aming lahat si Charles lang ang masasabi kong magkatulad kami. Madali kaming mairita. Pero mas malala siya dahil maging mga syota niya na makulit ay nasasampulan ng kasungitan niya.

Tatawanan ko tong lalaking 'to kapag may nakatagal na babae sa kanya. Yung tipong susuko si Charles sa isang babae dahil sa kakulitan.

Letseeee! Bakit naspaspace out na naman ako at nagiging madaldal? Ugh!

"Ewan ko jan sa Ate ko. Alam mo namang may sapak yun minsan eh." sagot ko kay Marco. Naparoll eyes nalang siya.

Promise, ewan ko rin sa ate ko kung bakit ginawa niya yung batas na bawal ang paggawa ng eksena sa loob ng campus. At cinonsider niya itong Absolute law. Ay ewan.

"Tara tignan na natin kung anong gulo yun" Anyaya ni Charles sa amin. Kung di ko kilala tong lalaking to iisipin kong chismoso to. Pero hindi, eeksena rin yan gaya ng nakagawian.

Tumango na lamang ako sa kanila at nagtungo kami dun sa lugar kung saan daw may eksenang nagaganap. Kung sino man yun? Patay siya sa galit ng ate ko.

Nakita na namin ang kumpulan ng mga estudyante sa may malapit sa CBA building.

Since may building na malapit ay dun kami dumretso at umakyat sa may 2nd floor, kita mula dito sa may open staircase ang dalawang nagawa ng eksena.

Kilala ko yung isa...

Si Mr. Giordon. Principal at acting VP ng school.

Pero nanlaki ang mata ko sa kung sino ang kausap ni Mr. Giordon.

(Marco)

Napansin ko ang paglaki ng mata ni Xavier sa nakita niya. Sinundan ko ang tinitignan niya.

Diba...

Diba siya yung kaibigan ni Andrei? Yung nagsabing girlfriend nitong si Xavier?

Pero bakit ganyan ang itsura niya? Iba sa Dyosang nakita ko nung una ko siyang nakita.

Oo, maaga ko nang aaminin na may paghanga ako sa babaing ito. Iba ang aura niya bilang babae nang una ko siyang nakita.

There's a part of her na nakakapukaw ng atensyon.

Pero that was just a simple crush and nothing more.

Di ko rin sure pala kung paano naging girlfriend siya ni Xavier. Kung totoo ba yun o pinagkakatuwaan lang ng babaeng ito ang kaibigan ko.

Sa aming lima si Xavier ang matuturing kong bestfriend. Dahil magkasama na kami noong mga bata palang kami. Siya ang unang bata noon na nakatiis sa pagiging tahimik ko.

Naaalala ko pa noon na dinaig pa niya si William sa pagiging makulit para lang makipag-usap sa akin.

Napakajolly niya noon at masayahin. Mabait na bata, nang nag-teenager kami mas mabait siya.

Hanggang sa may nangyaring masama 4yrs ago. Nagbago siya sa aksidenteng yun at para nagkapartial amnesia at may ilang nabago sa ugali niya.

Nagising ako sa pagrereminisce nang biglang umakbay sa akin si William.

"Alam nyo, di ko napansin na yan pala yung kaibigan ng pinsan mo na sobrang ganda. Daig pa niya ang dyosa potek! Ano kaya kung ligawan ko siya?" napansin namin na napatingin si Xavier sa kanya ng masama.

Teka... Bakit ganito ito makatingin kay William?

"Ahh~ hindi nalang pala. Taken na pala siya." pagbawi ni William sa sinabi niya nang makaramdam ito ng nagbabagang tingin kay Xavier.

Umalis sa aking tabi si William at kay Xavier naman umakbay.

"Alam mo pare, oo nga pala. Di mo pa nakukwento sa amin kung paano mo nakita yung dyosang babaeng yan at take note, girlfriend mo pa. Swerte mo tsong!!!" Tanong sa kanya ni William.

Hindi naman sumagot si Xavier bagkus ay napatingin muli dun sa babaeng kaibigan ng pinsan ko.

Napatingin na lang din kami dun sa babae na kasalukuyang nakangisi kay Mr. Giordon.

Di namin naririnig ang usapan nila dahil mejo malayo sila sa amin kahit na nasa 2nd floor kami.

Pero kitang kita namin mula dito ang mga nangyayari. Lalo na yung pagtahimik ni Mr. Giordon.

Nagulat hindi lang ako, maging yung apat dahil first time naming hindi nakita na nakangisi si Mr. Giordon.

Kilala namin ang lalaki bilang maangas at walang takot sa mga kausap. At ito ang unang beses na mukha napahiya siya ng isang babae lang.

Hanggang sa tumalikod na yung babae at umalis. Ngunit may sinabi pa si Mr. Giordon na ikinalingon muli ng dalaga.

After noon at tumalikod na muli ito at iniwan si Mr. Giordon na tulala.

"She's incredible..." untag ni Harold ng matapos ang eksenang iyon.

"Unang beses ko lang nakita na ang kausap ni Mr. Giordon ang unang lumayas sa isang pag-uusap. Kadalasan, si Mr. Giordon mismo ang unang umaalis at iniiwan ang kausap na either talo o nanalo sa isang deal." Hinuha ni Charles na masasabi kong sang-ayon ako.

"Pero alam niyo. Gusto kong magpasalamat dun sa babaeng iyon. Dahil kahit paano para narin tayong nakaganti kay Mr. Giordon. That old hag! Siya lang ang tanging tao na kung kumausap sa atin eh kala mo siya ang dominante eh." tinignan naman siya ng masama ni Xavier.

"At anong ibig mong sabihin dun na maging ako walang panama dun sa matandang iyon?" tanong ni Xavier na may halong pagkairita.

"H-hindi n-naman pre." nauutal na sagot ni Harold.

Isa pa sa ugali ni Xavier na nabago ay ang pagiging mainitin nito ng ulo. Madali siyang magalit at sinasabi ko sa inyo. Daig pa niya ang demonyo kung magalit.

Tatawagin ba siyang Emperor of Gangsters kung ang bad side nya ay hindi nakakatakot?

"Tara na..." utos niya at agad naman kaming sumunod.

Habang pababa kami ay napatingin ako sa direksyon nung babae. Napansin kong may kinindatan siya sa isang building at ngumisi...

Sino ka ba talaga?

(Akiro)

"Wala paring kupas si Xy pagdating sa mga ganyan no?" Sabi ni Eliza. Oo tama, wala pa ngang miski isang nakakatalo kay Xy pagdating sa barahan.

"Wujuuu~ inggit ka lang eh" pang-aasar ni Andrei sa kanya.

"Di kita kausap kaya manahimik ka!" sabi ni Eliza at inirapan nito si Andrei.

"Eh sino naman kausap mo? Sarili mo? Tss. Sabi na eh baliw ka na." mas lalo naman nainis si Eliza sa pang-aaway sa kanya ni Andrei.

"Pwede ba manahimik kayong dalawa!!!" singhal ko sa kanila.

Nanahimik naman sila at nakita namin na isinasagawa na ni Xyrene ang infamous walkout niya.

Nakita niya kami at kinindatan. Ngumisi lang kami sa kanya bago sya tuluyang pumunta sa building ng klase niya.

"Ang ganda talaga ni Xyrene no?" Nagkukumislap na mga matang sabi ni Andrei. Minsan gusto kong sapukin tong lalaking 'to eh.

Hindi naman talaga niya gusto si Xyrene pero kung makapangligaw sa kanya kala mo totoo. Kung di ko lang alam na babaero tong lalaking to iisipin ko na pinagseselos niya lang si Eliza eh.

"Maganda naman talaga kami ni Xyrene no. Huwag ka nang magtaka pa." – Eliza

"Excuse me??? Ang sabi ko si Xy lang. Wala akong minention na Eliza. Tsk tsk tsk. Wag din umasa huh."

"Ugh!!! Just kiss already!" Sabi ko sabay lakad palayo. Mga letse! Sa araw araw ng ginawa ng diyos hindi na sila natigil sa bangayan nila.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay nagsabing... "EEEWWW!!!" Ang aarte.

"Mangilabot ka nga Akiro sa mga pinagsasabi mo. Parang sinabi mong humalik ako sa dikya eh. Eeew! How gross!" Mga letse!

Umalis na ako at alam kong away na naman yang gagawin nila eh.

(Eliza)

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Ang kapal ng mukha kung makipag-asaran sa akin akala mo siya walang pintas sa katawan.

Kung hindi ko lang siguro mahal 'tong lalaking 'to baka matagal ko na 'tong napatay.

Aba! Ayos lang sa akin na pumatay ng gwapo no! Bakit? Hindi ba ako makakagawa ng gwapo sa future? Tsk tsk tsk. Sa gandang kong 'to sasayangin ko pa ba ang gandang lahi na dapat ipakalat? Haaaay~ nako!

"Hindi ba dapat ikaw ang mangilabot jan! At ako??? Dikya? Wow! Nahiya naman ako sa mukha mong may pagkabisugo!" napanganga ako sa sinabi niya.

"ANONG SINABI MO?!!! AKO BISUGO?!!! Sa gandang kong 'to ako bisugo? Wow lang huh! Gusto mo atang matadtad ng bazooka sa mukha huh!" Ang kapal ng mukhang 'to grabeee! Siya lang ang nagsabing bisugo ako. Asaaaaar!!! If I know naaakit lang yan sa ganda ko.

"Bakit? Totoo naman na bisugo ka diba? Ni wala ngang nanliligaw o pumapansin sayong lalaki dito di ba?" sabi niya. Kapa—

'Hi Sweetchic! Ang ganda mooo~'

'Oo nga!!! Pwede bang amin ka nalang?'

'Mukha namang di ka gusto ng kasama mo eh. At least kami gusto ka namin'

Napalingon ako kay Andrei at ngumisi. "You were saying something?" Hahaha. You should've seen his face! Hahaha. Priceless. Pahiya unte eh. Akala niya ah~ sabi sa inyo eh, ganda ko lang.

I heard him cleared his throat. "Oo na. Palagi na naman eh" pabulong niyang sabi pero rinig ko naman.

Napangiti naman ako dun. Yiiieee!~ kinikilig ang maganda guys! Hahaha.

"Buti alam mo." Nasabi ko nalang at tumalikod na at lumakad palayo suot ang di matawarang kilig.

Habang naglalakad ako eh may narinig akong tumunog. Yung cellphone ko pala.

I grab my phone sa bag at sinagot ko na. "Yes hello? Magandang dyosa here."

“Hi there...” napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya.

"Y-you..." napatigil ako at nagdadasal na sana hindi siya.

“Yes it's me. The one and only. Prepare for my comeback my dear half GOOD sister.” naramdaman ko ang pagngisi niya sa kabilang linya.

Napatiim-bagang ako sa sinabi niya. "Walang dahilan para paghandaan ang pagbabalik mo my dear half EVIL sister" giit kong sabi.

“Let's see... Di mo rin masasabi yan my dear dimwitted sister” I ended the call. Wala nang dahilan para kausapin ko siya. Baka kung ano lang magawa ko.

I started dialling Xyrene's number...

Mga ilang ring ang nagdaan bago niya sinagot.

"Hello Xyrene. Be ready. SHE'S BACK." then I hung up.

Napatingin ako sa paligid. At malalim na nag-isip.

Ikaw ang unang umalis. Kaya walang kang karapatan para bumalik. Kung hindi dahil sayo. Hindi magiging kalungkot si Akiro. I'll make you pay you bitch. I'll make you...

Sabi ko sa sarili ko.

(Andrei)

Narinig niya pala yung binulong ko. Ugh! Bulong ba kasi yun? Asar naman.

Ay ewan! Kung ano ano nalang ang iniisip ko. Baka sabihin nun may gusto ako sa kanya.

Wala nga ba?

Arrrggghhh!!! Napahimalos ako ng mukha. Shet! Wag ngayon. Matagal ko na 'tong tinatago kaya di ko hahayaang mabulgar at wala akong balak na ipaalam.

Pumunta na ako sa room kung saan ang klase ko.

Pare-parehas man kaming apat ng course eh iba iba naman ang schedule ng klase namin.

Ayaw nga sana ni Eliza na maghiwa-hiwalay kami pero Xyrene has finally make her decision and that's an order from her.

I don't know why but I do have this kind of feeling na may pinaplano si Xyrene na lingid sa aming kaalaman.

I don't want to jump to any conclusion pero may hinala na ako kung ano yung planong yun. At panigurado... Iyon na naman muli ang gagawin niya.

Gaya ng ginawa niya dati nang magkaroon kami ng malakihang Assassination.

Napabuntong hininga na lamang ako kapag naiisip ko muli ang nangyaring iyon.

Hinding-hindi niyo nanaising alamin kung ano nga ba ang ginawa niya. Dahil baka mangilabot lang kayo.

Mangilabot na malamang nagkaroon na ng paghahatol mula sa langit dahil sa ginawa ni Xyrene. Ang pagpapakita niya ng ibang siya.

Habang naglalakad ako sa corridor ay napatigil ako dahil parang pamilyar yung babaeng pumasok sa isang room.

At nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Siya?!! Bakit ka pa bumalik?

Alam na niya kaya ito???

(Xyrene)

Nakasubsob ako sa mesa ko dito sa room at walang balak makinig sa professor.

Antok na antok ako kaya wag silang magulo at baka makakita lang sila ng dragon huh.

"Ms. Gustave..." narinig kong may tumatawag sa maganda kong pangalan.

"Ms. Gustave" asar na! Kasabi ko lang ng ayaw kong maistorbong matulog diba?

"Miss XYRENE GUSTAVE!!!" Napapaupo naman ako bigla dahil sa lakas ng boses ng isang lalaking may baritonong tono.

Iniangat ko ang ulo at tama nga ang hinala ko at ang professor ko nga ito.

"Mawalang galang na sa iyo Ms. Gustave pero kung napapansin mo naman bawal ang matulog sa klase ko. Kaya bakit ka natutulog sa klase ko?!" Sermon niya.

Humikab muna ako bago sumagot. "Siguro po kasi antok ang isang tao?" pwede ba!!! Tama na yung may nakabangayan na ako kanina? Ugh!

Dahil ayaw kong mamahiya ng tao ngayon ay tumayo ako.

Nagulat naman siya sa barabal kong pagtayo. Nag-bow ako sinabi ang mga katagang minsan ko lang ibigay sa isang tao.

"I'm sorry sir, hindi lang po ako gaanong nakatulog ng maayos kagabi dahil marami akong binasa na book according to my academic subjects. Hindi na po ito mauulit." sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis tamis.

Nyeta! Ka-bipolaran ko na naman umaariba.

Mukhang satisfy na siya sa sinabi ko. Dapat lang. Aba! Minsan lang ako magsorry no!

"You may take your seat. Siguraduhin mong hindi na ito mauulit nagkakaintindihan ba tayo?" I just nod and take my seat again.

Then nagpatuloy na uli siyang magturo and ugh! Napapapikit ako. Shet! Nakakaantok siyang magturo really!

After 5 minutes ay may barasubas na pumasok at bumukas ng pinto ng room. At heto na naman kami!

Nagsimula na kasing maghiyawan ang mga babae dito. Ugh! My precious ears! Pagbabayarin ko minsan tong mga lalaking pumasok na 'to.

I do hope na kilala niyo yung pumasok. Walang iba kungdi ang Warlords Platoon.

Sheez! Oo na gwapo na sila. Lalo na yung Xavier na yan. Huh? Did I said those words? Ugh! Scratch that! Di ako seryoso nung sinabi ko yun.

Astig silang naglakad sa aisle at umupo sa may likuran ko. Sa dami ng upuang bakante eh bakit sa likod ko pa?

At di lang yan, bago siya umupo eh ngumisi muna siya sa akin.

Okay? Bakit I found him hot when he do that? And what the fudge did I said that? What the hell!!! Oh no~ Xyrene! Get up to your senses! Antok ka lang kaya nasabi mo ang mga makasalanang salita.

Yeah! Right! Antok lang ako. Sobra!

Nagpatuloy nalang yung pesteng prof sa pagtuturo. Letse 'to!!! May favoritism? Porket anak ng may-ari di na pinagalitan?

Bunutin ko kaya nga ng mga uban ang gurang na'to sa isang hablutan lang? Hayop to ah! Porket gwapo pagbibigyan na malate?

Fck!!! Anong gwapo Xy? Oo na gwapo na siya pero di mo na kailangan banggitin diba? Letse!

Ano ba 'tong mga iniisip mo Xyrene?

Napahilamos ko sa mukha ang mga kamay ko sa frustration na dala ng utak ko. Gwapo lang naging ganito na ako. Peste!!!

Naramdaman kong may lumapit sa may gilid mukha ko. "Bakit ganyan ang mukha mo? Di ka ba sanay na nandito ang BOYFRIEND mo?" napastiff naman ako sa sinabi niya.

Shit! Oo nga pala, sinabi ko sa harap ng kaibigan niya maging sa mga kaibigan ko na boyfriend ko siya nung nagpunta kami sa bar.

Remember that day?

Ugh! Bakit ngayon mo pa binibring-up ang ganyang topic Xavier!

Naalala ko tuloy yung halikan namin.

Nanlaki ang mata ko nung maalala ko nga iyon.

Yung soft red lips niya na parang walang bisyo dahil sa pula ng mga iyon. Yung... Yung... Yung... Waaaah~ did I already imagining those things right now?

"So I guess I'm right. Ang pula mo eh." sabi niya na may ngisi sa mga labi. Pero mali siya ng inaakala no.

Dun ako sa mga lips— este dun sa *ehem* ako natulala.

Lumingon ako para makita ko siya. At kita mo nga naman ang mokong. Hayun! Nakatodo ngisi. Nyemas napatingin ako sa mga labi niya.

Agad akong nagbawi ng tingin bago pa niya mapansin na nakatingin ako sa mga labi niya.

Potarages naman oooh~ dala ba 'to ng antok?!!! Arrrggghh!!!

Hooh~ Xy! Focus ka na uli. Alam kong ngayon ang unang beses na nagkaganyan ka sa isang lalaki pero it should be not the reason why you need to be so affected to him.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko yung earpiece ko at sinuot yun sa tenga. Tutal naman mejo busy sa kakadiscuss ng lesson tong gurang kong prof.

"Hello?"

“Hello Xyrene. Be ready. SHE'S BACK.”

Napatigil ako saglit nang marinig ko ang sinabi ni Eliza.

She's back?!!

"Are you alright?" narinig kong tanong ni Xavier. Naramdaman niya ata ang pagstiff ng katawan ko.

Tinignan ko siya at tumango tango bilang sagot sa tanong niya.

"Hindi ka mukhang okay."

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Problema nito? Concern?

"Oh makataas ka naman ng kilay jan."

Magrereact na sana ako ng biglang may kumatok sa room.

Agad naman siyang pinagbuksan ng professor. At pumasok ang isang babae...

“Yes? Are you in this class Miss...” Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang babaeng pumasok sa room.

“Miss Perez Sir...” Tumingin siya sa akin at nagsmirk at tumingin uli sa Professor naming gurang. “Ms. Claire Perez sir.”

Napalitan ng mga nanlilisik na mga mata ang itinuon ko sa kanya.

Bakit ka pa nagbalik?

 

Sabi ko sa sarili.

“Oh~ so you’re the late transferee. You may seat now sa kung saan may space pa.” Sabi nito sabay lakad patungo sa akin.

Shit! May space pa sa tabi ko. Oh come on! Huwag dito.

At doon nga siya umupo. Letse! Wala na... mas lalong nabadtrip araw ko.

“Hi...” Ngiting sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng malamig na tingin. Sasagot na sana ako at iaabot ang kamay niyang nagpapaunlak na makipagkamay nang may umagaw.

“Oh hi... So you’re Ms. Perez...” At kita mo nga naman. At si Xavier pa. Tss. As if I care. Kapal ng mukha ng Cassanova na ‘to. Kakaiba rin ‘to eh. Pag maganda tska lang namamansin.

Bakit parang mas nabadtrip ata ako? Letse! Para gusto kong mambugbog ngayon.

“Hello... as far as I know you’re JF Villareal right?” JF? Ano yun? Nagpabago ba ‘tong mokong na’to ng name. Diba Xavier name nito?

Ah~ baka yung John Ford na name niya after Xavier. Arte... Tss. May paganun ganoon pa.

“Oh yes... Miss. Perez, please to meet a beautiful girl like you.” Sagot nitong mokong na’to na ginawaran pa ng nagkukuminang niyang ngiti.

Letse! Akin lang ang labi niya pwede???!!!

Teka? Anong sabi ko? UGH! Letse naman oh~ kung ano ano nang nasasabi ko dito. At kailan pa nagina akin ang mga labi niya?

Umiwas nalang ako ng tingin at tumingin sa harap.

* *

Buong klase nagdadaldalan lang ‘tong lalaking ‘to at nang hitad na ‘to.

Napakaunfair at hindi sila sinusuway ng Prof. Porket anak ng may-ari ganyan na?

Mga walang class. Tss.

Nang matapos na ang klase ay agad kong niligpit ang mga gamit ko.

Binilisan ko na dahil kating kati na ang mga kamao kong mambasag ng mga gamit mamaya...

Gusto ko talagang manapak ngayon eh~ letse lang.

Nang paalis na ako... bigla tinawag ako ng babaeng ayaw ko makasama at makita.

“Ahm. Xy, gusto mo bang sumama sa amin?” Tanong ng Claire na yan sa akin.

“Wait... magkakilala kayo?” Nagtatakang tanong ni Xavier sa aming dalawa.

“Oo.” “Hindi”. Sabay naming sagot.

Ako na ang nagbawe. “I mean yes.” Tinignan ko ang Claire na ‘to. Tss. Galing umarte. Best Actress ampotek.

“So, magkakilala pala kayo bakit hindi mo siya pinapansin kanina pa?” Eh ano naman sayong lalaki ka? Pake mo ba?

“Ah... ayaw kasi ni Xy na kinakausap siya pag nag-aaral.” Painosente nitong sagot. Sakalin ko kaya itong babaeng ‘to ngayon palang?

“Ahh~ okay. So sasama kaba?” tanong sa akin ni Xavier.

Sasagot na sana ako ng ayaw ko at wala ako sa mood nang biglang tumunog yung Cellphone ko.

Nakita kong tumatawag sa akin si Akiro.

YES! Nice one~ galing mong tumaming BFF... Tignan natin ngayon Claire.

Sinagot ko yung tawag... “Yes Akiro?” naramdaman kong nagstiff ang katawan ni Claire. *smirk* Oh yeah come on beybe...

“Sasabay ka ba sa aming umuwe? Oh may iba ka panglakad?”tanong ni Akiro.

Ngayon ko dapat magamit ang bipolar mode ko. Mejo nilighten ko muna yung expression ko at mejo palambing na ngumiti. “Ah talaga Akiro? May date tayo? Oh sure why not. I’m free. Wala pa namang NAG-AAYA sakin dito eh. Tska WALA pa akong kilala rito sa room. Alam mo naman. I hate FC right?” Oh yeah come on Xy galing mong magparinig.

Nakita ko sa Peripheral Vision ko na mejo nagdilim ang mukha ni Xavier. Problema nitong lalaking ‘to?

“Huh? Anong pinagsasabi mo jan? Ano na? May sasabihin si Eliza sa atin daw eh.”So mamaya palang malalaman ni Akiro?

“Oh yeah sure. Sa may Trinoma nalang tayo magkita okay? Patext naman si Eliza na NAKITA ko na kamo siya. Sige thanks. Bye Baby Aki? Mwuah!” Then I hung it up. Lumingon agad ako sa kanilang dalawa. Si Claire nakita kong mejo tulala. *smirk* Selos ka? Letse ka!

Tas hindi parin nagbabago ang madilim na itsura ni Xavier. Ano bang nangyari dito sa lalaking ‘to?

“Ahm... sorry guys pero may DATE ako eh. Alam niyo naman kahit mukhang manang ako ngayon gaya ng sabi ng iba eh lumalablayp din. So—“ Hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita naman si Claire.

“Ahm ay Jf Sorry pero may gagawin pala ako sorry huh. Sige una na ako ah~” sabi niya with palambing tone. At tska siya umalis na. Hinabol ko siya ng tingin at tumaas ang gilid ng aking mga labi.

Binalik ko naman ang tingin ko dito sa lalaking ‘to na ngayo’y madilim parin ang tingin sa akin.

Seriously, anong problema nito?

“Una na ako.” Nasabi ko nalang at kinuha ko na yung bag ko.

Pero bago pa ako makaalis ay bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Shit! Masakit ah~

“Ano ba!” sabi ko sa kanya. “Bitiwan mo nga ako!!!” singhal ko pa pero ang dilim lalo ng tingin niya. Para siyang papatay.

“May date ka?” Sabi niya in a low voice but a dangerous and full of rage.

Nagulat naman ako sa tanong niya. Ano naman kung meron?

“Ano naman sayo?” mataray mode naman.

“Kelan pa kayo nagdadate ng hapon na yun?” Okay? Nakadrugs ba ‘to? Interview lang?

“Nagstart lang kahapon. Bakit?” balewala kong tanong sa kanya. Sino ba ang sumapi dito? Pero infairness at humihigpit ang pagkakahawak niya ah.

Di naman siya sumagot kaya pinipilit ko nalang na tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. At ang bwisit ayaw naman bitiwan. Anak ng! Pigilan niyo ko baka mabugbog ko ‘to ngayon.

“Hindi pwede... Dito ka lang” sagot niya na kinatigil ko sa pagpumiglas.

Ano daw?

 

“At bakit?” mataray ko pa ring tanong sa kanya.

“Dahil... dahil... dahil.” Confirmed baliw na ‘to. May problema sa utak.

“Alam mo! Kung dahil ka ng dahil jan at wala kang maisip na salitang idudugtong jan sa kukote mong nabubulok na pwede ba bitawan mo na ako at may date pa akong pupuntahan!!!” sigaw ko na sa kanya. Wala namang tao na eh.

Kami na nga lang actually ang nandito at yun din mismo ang gusto kong mangyari ang makaalis na at baka kung ano pa ang pwedeng mangyari dito.

“HINDI NGA PWEDE KASI GIRLFRIEND KITA!!! NAKALIMUTAN MO NA BA?!!! ANO ‘TO GAGUHAN LANG?”

.

.

.

.

.

To be continued...

* *

NOTE:

Hahaha... Bitin ba? Sorry pero balik CLIFF HANGER muna ako.

Namiss kong maging ganoon eh.

Minsan lang naman.

Sa naghahanap ng more kilig scene?

Sa next chapter na. Hahaha...

Isasabay ko na sa pagpapakilala sa Claire na nasa picture sa kanan.

Pinagbigyan ko na yung ibang nagpiPM sa akin na ang hiling ay may kilig moment naman daw sa GVA.

Well, dito pasilip lang muna.

Sa next chapter susubukan kong ilabas ang mga KILIG MOMENTS na kaya ko. Base sa alam ko.

Sige yun lang muna about dito sa UD na ‘to.

I’ll message all of you kung kelan ang UD uli nito.

Nga pala...

Kung sino po ang may alam at kilalang MALE WATTPAD WRITERS/READERS pagbigyan alam nalang po na may group na kami na FOR BOYS ONLY.

And when we said BOYS, BOYS lang. Wala nang ibang gender okay?

 

At dahil for BOYS lang ang group. BAWAL ang BABAE. Sensya na pero ganun talaga. And admins naman nun ang nag-aaccept kaya tingin ko naman nagkakaintindihan. =)

 

We do hope na naiintindihan niyo.

(Click the external link para dun sa group)

©XavierJohnFord

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #action