P R O L O G O

"ANO BA 'YAN hindi pa nga gumagaling ang iba mo pang mga pasa at sugat sa mukha mo ay may bago na naman! Ano!? Mag-eempaki na naman ba ako?" Patuloy sa pagtatalak ang ate ko sa akin.



Panglimang beses na naming lipat ito sa loob lang ng dalawang linggo. At dahil 'yon sa OA at exaggerated kong Ate. Si Ate Vienna Fhey. Dalawa nalang kasi kami sa buhay. Sabay raw na namatay ang parents namin--- car crashed raw. Siya ang tanging nagtaguyod sa akin. Kaya kahit dalawa nalang kami sa buhay ay thankful parin ako dahil palagi siyang nasa tabi ko.



Ako nga pala si Viola Fraia Provenzano. Maganda, sabi ng bestfriend ko. Astig, sabi parin ng  bestfriend ko, at habulin--- habulin ng gulo. Kasalukuyan akong nasa third year highschool. At ako na yata ang pinaka-masipag mag-aral sa lahat ng estudyante sa buong mundo. JOKE! Ang totoo niyan ay ayaw ko talagang mag-aral, pinilit lang ako ni ate Vhey. Sabi kasi niya, education is the road to success. Pero syempre hindi ako naniniwala sa kasabihang ito, may sarili kasi akong pananaw sa buhay.



'Viya' ang tawag sa akin ng ate ko at ng bestfriend ko.



"ARAY!!! Dahan-dahan lang naman. Mahapdi kaya." Reklamo ko sa kanya nang mas idiniin niya pa sa sugat ko ang bulak na may alcohol.



Eto ang nakakainis e, magkukusang-loob na gamutin 'yong sugat mo tapos labag naman sa kalooban niya. Tss.



Ibinaba niya ang hawak niyang bulak saka hinawakan ang mukha ko gamit ang magkabilang mga palad. Sinipat niya iyon ng tingin. "Pasalamat ka at hindi nagiging peklat ang mga sugat at galos na natatamo mo mula sa pakikipag-away. Karamihan pa naman sa mga sugat at galos mo ay nasa mukha mo. Tsk tsk."



Hindi na ako nag-abala pang sumagot. She's so protective as always. Tsaka alam kong hahaba lang ang usapan namin.



"Nakikinig ka ba? Kanina pa ako dada ng dada rito pero hindi ka manlang nakikinig. Nagtataingang-kawali ka na naman. Pwede ba, itigil mo na 'yang pakikibasag-ulo mo. Sa huli nating nilipatan bago dito ay binugbog mo ang naghaharing siga roon. Ano na naman kaya ang magiging dahilan ng paglipat-bahay natin ngayon?" Sikmat niya sa akin. Tapos niya ng gamutin ang mga sugat at pasa ko. Ibinalik niya na rin ang first aid kit sa lalagyan nito.



"Hindi naman ako ang pasimuno a. Sila kaya ang mauna-una. Syempre, marunong ako ng self- defense, kaya pinagbigyan ko sila. Don't worry, next time ako na mismo ang lalayo sa gulo, promise." Nakangiti kong saad saka itinaas ang kamay para mangako.



"Kaliwa 'yan. 'Yong kanang kamay mo ang itaas mo. Kitams. Labag sa loob mo, no? Basta ipangako mong last lipat na natin to dahil kung hindi.... Ewan ko nalang, baka dalhin na talaga kita sa rehabilitation center." Mataray na sita nito kapagkuwan ay pinagkrus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib habang nakataas pa ang isang kilay.



Wala akong nagawa kundi ang itaas ang kanang kamay. "Teka, bakit doon? Mukha ba akong drug addict? Alam mo namang saludo ako kay tatay Digong at hindi ko magagawang magtaksil sa kanya." Nakapout kong usal.



Nilingon ko siya nang magsalita ulit siya. "Knowing of you, makakatakas ka lang kapag sa bahay-ampunan kita dinala. Kaya sa rehab nalang para wala ka ng takas. Sige na, magpalit ka na ng damit mo at sumunod sa akin sa komedor para makakain na tayo." Tinanguan ko lang siya saka umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.



Pagkatapos magbihis ay nagtungo na ako sa komedor. Masaya naming pinagsaluhan ang mga niluto niya para sa aming hapunan. Nang matapos ang hapunan ay nagprisenta akong maghugas.



"Teh, umakyat ka na at matulog. Ako na ang bahala dito." Sambit ko.



Humihikab siyang tumingin sa akin. "Sige. Inaantok na din ako e. May trabaho pa ako bukas. Just don't forget to close the windows and doors. And please, switch off the lights. Pagkatapos mong gawin lahat ng bilin ko ay matulog ka na rin. May pasok ka pa bukas. Goodnight little sis. Sweet dreams." Lumapit siya sa akin. Hinalikan ako sa aking magkabilang pisngi bago magtungo sa kanyang silid.



Nang matapos ako sa lahat ng kinailangan kong gawin ay mabilis akong naligo. Nagbihis ng isang itim na t-shirt na medyo maluwang at short na maong shorts. Tinuyo ko muna ang medyo may kahabaan kong itim na buhok. Nang matuyo ang buhok ko ay isinunod kong isuot ang black na cap ko. Nagwisik ng baby cologne at nagpulbos. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Ang ganda mo talaga!



Sinulyapan ko ang nag-iingay kong cellphone. Tatlong message ang nakaregister sa notification ko. Galing 'yon lahat kay Anastasia. Ang kaisa-isa kong bestfriend mula pagkabata.



From: Best Tasya



Nasa'n kana? D2 na aqoe sa V Club. Meet me here.



From: Best Tasya



Matagal kapa ba? Inaamag na aqoe d2.



From: Best Tasya



Kainis qa. Nasa'n kana ba kasi? Natutuyo na ang matris ko sa kahi2ntay sayo. Che!



Natawa ako sa huling mensahe niya. Luka-luka talaga ang isang 'yon. Makareply na nga lang.



To: Best Tasya



OTW na. Ayaw mo no'n? 'D ka na mabu2ntis 🤣🤣🤣 See u there 💋



Kinuha ko ang 29 na knife at 38 na handgun ko na itinago ko sa ilalim ng mga damit ko. Isinuksok ko ang mga 'yon sa gun pocket ng damit ko.



Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng aking silid saka nag-tip toe na bumaba sa unang palapag.



Nilisan ko ang apartment na inu- okupa naming magkapatid. Sumakay ako sa aking Aprilia RSV4 saka iyon pinaharurot ng mabilis patungong V Club. Ito ang binili ko sa unang sweldong natanggap ko sa trabaho ko. Next time ay ibibili ko naman ang Ate ko ng sasakyan niya para hindi na siya nahihirapang mag-commute kapag pumapasok siya sa work niya o kung saan paman siya pupunta.



Nagpark ako pagkarating ko. Pumasok ako sa loob ng V Club gamit ang back door. Hindi ko kasi pwedeng i-expose ang naiiba at naka-aangat kong kagandahan. Charoot! Kailangan kasi naming mag-disguise kung gusto namin ng maayos at tahimik na buhay. May mga gago kasi sa mundo na mahilig manggulo ng buhay ng may buhay.



Dumeretso ako sa sarili kong ward. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang babaeng nakasimangot at napaka sa lahat ng bagay. Beauty, brain, body, and economic status. You mention it and she just have it all.



"Where the hell have you been, best? Kanina ka pa hinihintay ng manager. Sabi niya wag mo raw maipagmalaki sa kanya ang title mong undefeated champion." Nice. Ang sarap sa pakiramdam ng pambungad sa akin. Nakakakulo ng dugo.



"Pakialam ko. 'Yaan mo siya. Hindi naman ikababawas ng ganda natin ang mode niya. Lagyan mo na ako ng make up sa mukha. Tapos ako naman ang magme-make up sayo."







"IT'S READY TO rumble!!! In the right corner, no other than but the challenger, The Hook versus the undefeated champion, Tigre on the left corner." Nagwala ang audience nang banggitin ang pangalan ko.



Limang taon na akong nagtatrabaho sa club na 'to bilang kick boxer at wrestler. Lahat ng laban ko ay naipanalo ko. Lingid ito sa kaalaman ng ate ko kaya tumatakas ako tuwing gabi para lumaban. Inilalaban ako sa kapwa ko babae at pati na rin sa lalaki. Tulad ngayon, kalaban ko ang numero unong bully sa school ko.



Humanda ka sa akin. Makikita mo ang hinahanap mo sa mga kamao ko. Ewan ko lang kung hindi ka pa magtanda.



Iginiya ng referee ang kanyang kamay hudyat na mag-uumpisa na ang laban. Kasabay niyon ang pagtunog ng bell.



Nginisihan ko siya nang makalapit ako sa kanya saka sinuntok siya sa kanyang mukha. Nang mapaluhod siya ay itinaob ko siya pagkuwan ay ipinilipit ko ang isang kamay niya. Gamit ang malakas na pwersa ay pinatamaan ko siya ng isa pang suntok sa kanyang batok dahilan para panawan siya ng ulirat.



Tumunog ng paulit-ulit ang bell. Hudyat na tapos na ang laban.




Kringgg... Kringgg... Kring...




Bumalik sa gitna ng ring ang announcer kanina. Hinawakan ang kanang kamay ko bago nagsalita."And the winner of the Wrestling Mania 2019, is no other than but still the undefeated champion, Tigre." Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manonood. Kumaway lang ako sa kanila.



Pagkababa ko ng ring ay sinalubong ako ni Tasya na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. "Apir. Panalo na naman tayo. Pumusta ka rin sa akin ma'mya dahil siguradong maipapanalo ko rin ang laban ko." Napailing lang ako sa sinabi niya.







★★★

Hello mga ka-abelablab ko 😘 Please votes, leave a comments and share!
Also, follow this account if you feelin' it 😘



Keep safe everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top