II
"BEST, Bilis! Nakita ko si Finlo my babyloves. Bilisan mo naman baka hindi natin sila maabutan." Eksahederang pagpupumilit sa akin ni Tasya.
Hinablot niya ang kamay ko saka hinila para tumakbo. Pero hindi ako tumakbo. Siya lang, tumatakbo siya habang pilit na hinahawi ang ibang estudyante na nakaharang sa dinaraanan namin habang hila-hila niya ako sa isang kamay.
"Ang kupad mo talaga. Tsk." Komento ni Tasya sa akin nang mahalata niyang hindi ako nagpatangay sa kanya, palihim ko kasing inaagaw ang kamay ko.
Buti na lang at Monday ngayon. Every Monday lang kasi kami nagkakaroon ng flag ceremony. And after ng flag ceremony ay Monday mass. Kaya matic na, na walang klase sa first subject. At heto kami ngayon, nakikipagsiksikan while heading to our second subject. Isama pang may hinahabol na guy 'tong best friend ko at pati ako ay gustong idamay.
Napasimangot tuloy ako nang magawi ang tingin ko kay Tasya.
Grr.. Sa dinami-dami ba naman kasi ng tao sa mundo na pwedeng hangaan ay kay Finlo pa ito nahumaling. Actually, wala akong nakikitang masama sa bagay na 'yon pero sana naman ay sa iba nalang. Wag lang kay Finlo.
Hello, si Finlo kaya 'yon!
Si Finlo Azure Valachi o mas kilala sa tawag na Finlo ay isa sa mga miyembro ng JH Gangsta. Isa ito sa mga tanyag na grupo na mahilig manakit at mangbully sa campus namin. Binubuo sila ng mahigit tatlumpong estudyante na walang ibang kaligayahan kundi ang pahirapan ang kapwa nila. And I am one hundred percent sure na paiiyakin niya lang ang kaibigan ko.
Yes, he's a rich kid. Pero wala namang laman ang utak. At kung physical appearance lang din naman ang pag-uusapan ay 'di hamak na mas pogi pa sa kanya si Mossen. At sampung beses na mas mabait keysa sa Azure na 'yon.
Si Mossen ang kaisa-isahang guy na kaibigan at kaclose namin ni Tasya rito sa JH. Nagdo-dorm siya kasi afford niya. Mayamanin e! Nasa'n na kaya 'yon?
Habang focus ang mga mata ni Tasya sa crush niya ay inilibot ko naman ang mga mata ko. Baka sakaling makita ko si Mossen, pero ni anino niya ay hindi ko manlang mahagilap.
Malaya kong pinagmasdan ang boys dormitory tower. Isa iyong matayog na dormitory para sa mga lalaki na kung saan ay nahahati sa tatlong klase. The ground floor up to thirtieth floor is for Class-C. Ang Class-C ay para sa mga estudyanteng may kaya sa buhay.
Ang thirty first floor up to sixtieth ay para sa Class-B, sila 'yong mga mayayamang estudyante. At ang sixty first floor up to ninetieth floor ay para sa Class-A, sila naman ay 'yong mga super duper rich kid na kahit hindi na magtrabaho kahit pagtanda nila pati ang mga anak nila ay mabubuhay parin ng marangya.
Haay, life! Why so unfair?
Ibinaling ko ang aking pansin sa girls dormitory tower na kaharap lang ng boys dormitory tower, para kasi iyong Twin Tower na matatagpuan sa Kuala Lumpur, Malaysia, minus the bridge at the middle part of the structure. Nang sabay-sabay na magsilabasan ang mga kapwa ko estudyanteng mga babae na may bahid ng makakapal na pintura sa buong mukha na animo'y sasabak sa isang pageant. Tadtad rin ng burluloy at mga palamuti ang mga katawan nila. At ang mas agaw-pansin sa mga ito ay ang kanilang mga kakapiranggot na mga suot. Palibhasa kasi ay wala kaming actual uniform. Wala ring dress code, kaya gano'n na lamang sila mamihasa.
My G! Isang dangkal ko na lang yata siguro ang mga suot nilang skirt, sobrang ikli. Tapos 'yong mga damit naman nila ay palitaw pa ang pusod. Tsk.
Masyado naman yata silang mayaman para magtipid sa tela. My G! Parang hindi namin keri ang magsuot ng gano'n ni Besty.
Ibinaba ko ang aking mga mata sa suot kong damit. Naka-ripped denim jeans ako na pinarehasan ko ng puting loose t-shirt. Tsaka ko ipinasok ang nasa harap na laylayan ng damit ko sa aking jeans. Kapagkuwa'y si Tasya naman ang aking tinapunan ng pansin. Simpleng dress ang suot niya. Pero kahit simple lang ay litaw na litaw ang angking ganda ng kaibigan ko. Naniniwala kasi siyang, simplicity is beautiful.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Honestly, hindi ko kasi afford ang tuition dito. Pero, dahil sa raketera ako at sadyang maparaan, ay nagawan ko ng paraan para makapag-aral ako rito. Si Besty kasi ay kayang tustusan ng kanyang pamilya ang lahat ng luho at pangangailangan niya. Samantalang ako, ay sadya yatang ipinanganak na mahirap. Naaawa na nga ako sa ate ko na halos makuba na sa paghahanap-buhay, matustusan lang ang lahat ng aming mga basic needs.
Nilingon ko si Tasya nang mapansin kong tumigil siya sa paglalakad.
"H-hi F-finlo." Nauutal na bati ni Tasya sa binatang nasa harap niya.
Walang hiya talaga itong bestfriend ko. Sa rami ng pwedeng magustuhan ay sa kampon pa talaga ng kasamaan na in love. Tsk.
Wala sa oras na naitakip ko ang magkabila kong mga palad sa aking tenga nang maghiyawan ang mga katropa ni Azure.
"Woah! Bro, may nabihag na naman sa kakisigan mo!"
"Putcha! Walang kupas 'yang pagiging chick magnet mo, tol."
"Ibang klase, biruin mo pare, lahat ng uri ng babae napapa-ibig mo. Tsk!"
Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa mga narinig ko sa mga hinayupak na 'to.
Putragis! Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Pipili na lang ng taong hahangaan do'n pa talaga sa lalaking makapal ang apog.
"What do you want, bitch?" Nanunuyang tanong ni Azure kay Tasya.
Nakakaloka talaga itong bestfriend ko. Ang sarap hambalusin ng silya, siya na nga ang tinawag na bitch, siya pa ang kinilig. Pambihira!
"W-wala naman. I just stopped by to say hi."
Mas lalo pang naghiyawan ang mga asungot dahil sa sagot ni Tasya.
At dahil, hindi ko na kayang makita ang bestfriend ko na pinagtatawanan ng iba ay kinaladkad ko siya. Nagpumiglas siya at sinusubukang makawala pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso.
DINALA ko siya sa assign room namin saka medyo may kalakasang isinalampak siya sa bakanteng upuan. Mabuti nalang at wala pa ang iba naming kaklase. Walang mga atribida at isyusera.
"Gano'n ka na ba talaga ka-desperada para ipahiya ng gano'n ang sarili mo?!"
"Chill, besty. It's no big deal. Wala lang 'yon. Ang KJ mo talaga. Sayang naman kasi ang pagkakataon na mapalapit ako sa kanya e."
Mahina ko siya binatukan, "Kung gusto mong ipahiya 'yang sarili, go a head. But, don't expect me to be there witnessing your stupidity."
★
A/N: Hello. Please don't forget to votes, leave some comments and share my story if you feelin' it 😘
PS: Check out my other stories, especially this one 👇
The More You Hate, The More You Love (TMYH, TMYL)
PSS: Please follow my account, this account actually 😁
@Abel_Claros
PSSS: Keep safe everyone 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top