I

"PAGSUSUNOG ng kilay ang kailangan mo dahil tayo'y kapuspalad. Magsumikap ka, maging masinop at masipag sa lahat ng bagay. 'Wag kang pumares sa mga ka-klase mong may mga gintong kutsara sa bibig. Kaya tumayo ka na riyan and fix yourself for school." Parang sirang-plaka na paulit-ulit na pambungad iyon sa akin ng aking Ate t'wing umaga.



Isang mahinang ungol lang ang naging tugon ko sa kanya.



Tumahimik ka na Teh, please. Gusto ko pang matulog. Inaantok pa 'ko e.



Wala siyang isa mang kataga na narinig mula sa akin kaya naman nagpatuloy na naman siya sa pagmi-misa niya sa akin. "Bumangon ka na para makapag-handa ka na. Bababa na ako para i-prepare ang breakfast natin, ok? Bangon na diyan. 'Wag matigas ang ulo, little sis."



Umungol ulit ako saka tumango. Narinig kong pinihit niya ang pinto ng kwarto ko, hudyat na lumabas na siya.



Thanks G!



Hindi parin ako kumilos. Imbes na magkumahog sa pagbangon ay kinapa ko ang isang unan sa tabi ko para ipangtakip sa mukha ko. Hindi ko kasi maimulat ang mga mata ko, pagpinipilit ko kasing buksan ang mga mata ko ay sobrang hapdi.



Shucks! Inaantok pa ako. Ok, aaminin ko, tinatamad akong pumasok. My gosh! Sino bang hindi? Bukod sa ako'y puyat, nakakatamad ring makinig sa mga instructors kong mga walang kwenta. Lalo naman ang makihalubilo sa mga walang kwentang tao.



Makakasalamuha ko rin ang iba't ibang fuckboy na naipon na yata lahat sa Johanssen High.



Mga babaeng wagas kung mang-hamak at mang-lait sa kanilang kapwa pero pailalim naman ang kalandian. Kung maka-asta, akala mo naman ay walang ginagawang kababalaghan pero nasa loob naman ang kulo.



Mga bully na animo'y matatapang pero wala namang bayag. Malaki siguro ang problema ng mga taong 'yon sa pamilya nila kaya sa school nila sila nag-aamok. Doon nila inilalabas ang lahat ng mga kawalang-hiyaan nila marahil siguro ay mga kulang sa pansin sa kanilang magulang. Now tell me?! Masisisi ba ako ng ate ko kung bakit ayaw at tamad akong mag-aral? May kasabihan nga tayo na daig ng masikap ang matalino. Hindi naman kasi lahat ng mga nakakapagtapos ay nagiging successful sa buhay.



Baka kasi talaga wala sa pag-aaral ko ang tagumpay ko. Marami nga diyan tulad ni Albert Einstein na tamad mag-aral pero isa pa lang genius.



Ang isipin pa lang na papasok ako sa JH ay talagang nakaka-bad vibes na. Different people with the same badness. Tsk.



Haay life! Why you so cruel.



May mga haka-haka nga na ang Johanssen High raw ay isa lamang extension ng isa pang JH. Ang orihinal daw na JH ay matatagpuan kuno sa ilalim ng dagat sa parteng west Philippine sea. Mga ubod ng sama raw ang mga nag-aaral do'n.  But sad to say, there is no concrete evidence of this.



"Viya, bangon na. Naku, 'pag ako umakyat diyan, makikita mong bata ka!" Sigaw ng ate ko mula sa unang palapag ng bahay.



Pahablot kong inalis ang unan na nakatakip sa mukha ko. Bad trip! Di bale, sa school ko nalang ulit itutuloy ang pagtulog ko.



Shit! Ang sakit ng ulo ko. Ilang oras lang ba ang tulog ko? Dalawang oras lang! At mas lalo lamang sasakit ang ulo ko sa Environmental Science, Chemistry, English, Filipino, at higit sa lahat ay sa Math!


Hindi naman nagagamit ang square root, binomial formula, algorithms, law of functions, scientific method, scientific notation, specific heat, periodic elements, mga eklavo na 'yan sa ating daily life? Bakit kaya hindi na lang basic mathematics ang ituro nila?



Hello?! Ni minsan man ay hindi sumagi sa isip ko na maging isang Engineer, Chemist at Doctor balang araw. Mas lalo namang wala akong balak na mag-apply ng trabaho sa NASA o National Aeronautics and Space Administration.



Hindi rin natin naa-apply sa pakikipag-communicate natin sa ibang tao ang mga idiomatic expressions, rhetorics, figures of speech na 'yan. So, bakit kailangan pa nating matuto ng mga ganito? Sa panahon kasi ngayon ay pinagtatawanan nalang ang mga taong malalalim kung magsalita at 'yong mga makakatang tao.
Wala rin akong balak magtrabaho sa call center. Ayoko ring makapangasawa ng foreigners! So, foreigners talaga? As in madami? Syempre! Maganda ako e. Magandang-maganda. Hehe.



P.E lang ang paborito kong subject sa lahat e. As in, isa lang. Para sa akin ay ito ang pinakaimportanteng kwaderno sa lahat. Bukod sa pampatalas ng isip ay pampalakas pa ng katawan. Engaging in different kinds of physical activities such as sports and recreational games helps to improve and maintains our psychomotor capabilities.



Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Wala sa loob kong bumuntong-hininga. Inalog-alog ko pa ng mahina ang ulo ko baka sakaling mabawasan ang sakit no'n.



Dumeretso ako sa banyo. Mabilis lang akong naligo, nagbihis at inihanda na ang aking gamit para sa pagpasok. Nang matapos ako sa lahat ay bumaba  na ako.






PABABA na ako ng hagdan nang makasalubong ko ang ate kong ubod ng sama makatingin. "Saan ang pabasa, Teh?"



"Huh?!" Salubong ang kilay na tanong ni Ate Vhey, mukhang hindi niya yata nakuha ang ibig kong sabihin.



"Pang-biyernes santo kasi 'yang mukha mo. Hehe."



Pinaningkitan niya ako ng mga mata dahil sa sinabi ko.
"Naku, ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano 'yang mga pinagsasabi mo. Kung hindi pa ako umakyat ay hindi ka pa bababa. Dali na. Bilisan mong kumain dahil late ka na. Naku, ikaw talagang bata ka. Kahit kelan ay napakatigas ng ulo mo."



"Chill. Ang aga-aga ay 'di maipinta 'yang mukha mo," nginitian ko siya ng ubod ng tamis saka ko ininat ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawa kong kamay. "Smile. Maganda tayo pareho kapag naka-smile tayo."



Tinampal niya ang kamay ko. "Dinadaan mo lang ako sa biro. Halikana't kumain nang makaalis ka na."



Masaya naming pinagsaluhan ang breakfast na inihanda ng ate ko. Sinangag na kanin, pritong itlog, kamatis na pampakinis ng kutis, dilis na tuyo na may sawsawang suka with garlic and chili tsaka kape.



"Hmm. Ang sarap Teh, sana bukas ay tinapa naman at tsaka inihaw na isda."



Nginitian ako ni ate Vhey, "Sige ba. Basta ba promise mo sa akin na palagi mong dadamihan ang pagkain."



Tinanguan ko siya ng paulit-ulit habang hindi magkandaugaga sa pagmamadali sa pagkain.



Punong-puno ang bibig kong bumaling sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa ang nag-iisa kong bestfriend na mas maingay pa sa armalayt ang bibig.



"Hello beautiful creatures like me! Good morning! Gusto ko sana kayong daluhan sa inyong umagahan ngunit kung inyong mamarapatin ay kapita-pitagan ko itong tatanggihan sapagkat, ako'y pumarito lamang upang sunduin ang kaisa-isa kong matalik na kaibigan at kapanalig---"



Hindi na natapos pa ni Tasya ang kanyang talumpati este walang kabuluhang sasabihin dahil binato ko siya ng plastic na baso.



"Ouch!" Napaigik siya nang tumama sa sentro ng noo niya ang baso. Lihim naman akong natawa sa hitsura niya.



"Pwede ba, tigilan mo ako sa pagiging makaluma mo. Naririnde na ang mga tenga ko sayo."



Sapo-sapo niya ang parteng tinamaan ng plastic na baso.
"Ay, ang sungit! Ang aga-aga nananakit ka'gad. Ate Vhey oh, pasampal naman po ako sa kapatid mong hindi manlang nagmana sa ginintuan mong puso."



Dadamputin ko na sana ang isa pang plastic na baso na malapit sa ate ko nang agawin iyon ni ate Vhey. "Magsitigil nga kayong dalawa. Sige na't umalis na kayo. Late na kayo kaya naman bilis-bilisan niyong kumilos."



"Bye ate."



"Bye ate Vhey."



Sabay na paalam namin ni Tasya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top