Chapter 7 (2/24/14)

Chapter 7

 

[Timi’s POV]

 

“Nakakainis ka talagang nilalang ka!” sabi ko kay Ayen habang hinahampas ko ang braso niya. “Tapos ang kapal pa ng mukha mo na magpalibre ha? Kainis!”

            “What?” tanong niya habang punong-puno ang bibig niya ng pagkain.

            Seriously?!

            Kanina sa recording room, kung maka-asta kala mo kung sinong supladong gwapo. Ngayon kung makalamon kala mo hindi pinakain ng sampung taon!

            “Ba’t mo niyayang sumama yung Ice na yun sa’tin ha?”

            “Eh ano? Kaibigan natin siya.”

            “Wow! Kaibigan? Ha! Talaga ha!”

            Tinaasan ako ng kilay ni Ayen, “bitter lang? Ano, hindi pa rin nakaka-move on?”

            “Excuseeee me! Moved-on na ako! Wala nang natitira ni katiting na pagmamahal sa puso ko!”

            Ibinaba ni Ayen ang kinakain niyang burger at binigyan ako ng isang mapanghusgang tingin.

            “Neknek mo. Move on your face. Kung maka-react ka nga ngayon wagas eh.”

            “Ba’t ayaw mo bang maniwala ha?!”

            “Eh kasi kung moved on ka na, okay lang sa’yo na inimbita ko si Ice. Yung fact na ayaw mo siyang makasama ay patunay na may nararamdaman ka pa rin para sa kanya.”

            “Pwede bang galit ang nararamdaman ko sa kanya?”

            “Kung naka-moved on ka na, hindi ka na makakaramdam ng galit sa kanya. Kasi mawawalan ka na ng pakielam sa taong yun.”

            Napasimangot ako.

            I want to argue with him.

            Pero sino bang niloloko ko? Tama naman kasi ang sinabi niya eh.

            Oo nagagalit ako sa kanya. Galit ako kay Ice.

            Galit ako sa ginawa niya sa akin noon. Galit ako dahil hindi ko makalimutan ang sakit na naramdaman ko nang dahil sa ginawa niya. Nagagalit ako kasi hindi ako ang pinili niya noon.

            At naiinis ako dahil kada makikita ko siya, bumabalik yung sakit.

            Bumabalik dahil may nararamdaman pa rin ako.

            Dahil naapektuhan pa rin ako sa kanya.

            Dahil nahuhulog pa rin ako sa kanya ng paulit-ulit

            Napa-buntong hininga ako.

            “Dami mong alam sa pag m-move-on, NGSB ka naman.”

            “NGSB?”

            “No girlfriend since birth,” nilingon ko siya. “Teka, wala ka ba talagang niligawan noon? O nagkagusto man lang sa kahit na sino? Never ka bang nainlove?”

            “Ano tingin mo sa’kin, bato? Syempre naranasan ko rin ‘yan ‘no!”

            “Weh? Kelan?”

            “Nung grade five ako.”

            Halos maibuga ko sa kanya yung iniinom ko.

            “Wow ha! Ang aga mong lumandi!”

            “Bakit ba! Sweet ko nga nun eh. Sinulatan ko pa siya ng tula.”

            “Oh eh nainlove ba naman siya sa’yo?”

            He shrugged his shoulder, “tingin ko oo. Pakipot lang siya. Class muse eh.”

            Napailing na lang ako sa taong ‘to. NGSB nga pero mas maaga pa pala siya lumandi kesa sa akin.

            “After ng paglalandi mo nung gradeschool, kelan naman ang sunod?”

            Ibinaba ni Ayen ang kinakain niya at napansin kong medyo lumungkot ang mukha niya. Kaya lang agad din siyang ngumiti.

            “Wala na. Na-realized kong mas maganda ka-partner ang pagkain kesa sa babae!”

            Binatukan ko nga.

            “Aray naman!”

            “Ikaw, ba’t ang sungit mo kay Mia?”

            Umiling lang si Ayen.

            “Bilisan mo kumain at mag se-set up pa tayo sa condo unit mo.”

            Napataas naman ang kilay ko.

            “At bakit?”

            “Mamaya na ang dating ni Rika eh. Surprise salubong?”

            Napatayo ako bigla.

            “What? Ba’t hindi ko alam yan? Ako na bestfriend niya eh hindi alam na darating siya ngayon? Samantalang ikaw na outsider eh alam? Bakit?”

            He snorted, “ulyianin.”

            “Huh?”

            “Sinabi niya sa’yo! Nakalimutan mo lang!”

            Inilabas ko ang planner ko at ayun, sulat kamay ko pa, nakalagay na uuwi nga ngayon si Rika.

            “Tsk, tsk. Puro Ice kasi ang nasa isip.”

            “Shut up! Tara na nga!”

            Kinuha na namin ang bill at dahil gentle dog ang kasama ko, ako ang nag bayad ng kinain namin. Mas mayaman daw kasi ako. Buset.

            Gamit ang kotse ni Ayen eh nag drive na siya papunta sa condo ko.

            “Feeling ko exciting mamaya,” sabi niya.

            “Bakit naman?”

            “Wala. Kasi nandoon mamaya si Rika. Tas after five years magkikita na sila ni Geo. Eh nandoon din mamaya si Kite na makikita na rin si Rika after five years. Si Kite na may gusto sa’yo. And the most exciting part eh, baka nandoon pa si Ice.”

            I cursed.

            I really miss Rika, pero parang gusto kong dumuty sa restaurant mamayang gabi.

~*~

 

Nagbubunyi ako dahil hindi makakapunta si Ice. Maiiwasan ko ang another awkward meeting with him.

            On the way na si Rika at Geo galing airport. Yes, kasama niya si Geo dahil sinundo siya nito sa airport.

            Sayang! Dapat sumama rin ako. I want to see Geo’s reaction pag nakita niya si Rika ngayon. Kaso alam ko na kailangan niya ng moment alone with her kaya hinayaan ko nang siya ang sumundo.

            Ngayon naman ay nandito ako sa condo ko, naka-tshirt, tunaw na ang make-up, magulo na ang buhok at tinatagaktakan ng pawis.

            Paano ang magagaling na lalaki, sa akin pinaluto ang lasagna na kakainin namin mamaya. Habang sila nandoon sa harap ng TV ko at naglalaro ng PS4. Mga bwiset.

            Pinunasan ko ang pawis sa noo ko and I tied my hair in a messy bun.

            “Timi, kahit ganyan ang itsura mo, you’re still beautiful.”

            Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon at kasalukuyang inilalabas ang cake na dala niya.

            “I know, Kite. Hindi mo naman kailangan ipagdiinan.”

            He chuckled.

            Sinilip ko yung lasgna sa oven.

            “Saglit na lang ‘to. Maluluto na.”

            Nilapitan ko si Kite at tinignan yung cake na dala niya.

            “This is from your café?”

            “Yep. Kaso hindi ko pwedeng sabihin sa’yo ang ingredients baka nakawin mo eh.”

            I laugh, “oh come on. Cakes are my specialty. For sure walang-wala yan.”

            “Tignan lang natin kung masabi mo pa yan pag natikman mo ‘to.”

            We both laugh.

            Lumapit ako sa oven to check the lasagna again at nakita kong maayos na ang pagkakaluto nito. Nung inilabas ko, amoy na amoy yung spices na inihalo ko.

            “Nagutom ako ah?” sabi ni Kite.

            Nilingon ko siya at nginitian.

            “Excited ka na ba?” tanong ko.

            “Saan?”

            “Na makita ulit si Rika.”

            “Oo naman. Bakit mo naman natanong?”

            I shrugged, “wala lang.”

            Sinulyapan ko ulit siya at nakita kong nakangiti siya.

            “Natatakot ako pag ngumingiti ka nang ganyan.”

            “Wala lang. Feeling ko kasi kinakabahan ka na baka magkagusto ulit ako kay Rika,” ngingiti-ngiti niyang sabi sa akin.

            “Mali ka ng feeling.”

            “Guys pa-akyat na sila!” sigaw ni William mula sa living room.

            Nataranta kami ni Kite at agad na pumunta sa living room.

            “Yung cake nasaan?” tarantang tanong ni Jasper.

            “Ay wait naiwan ko sa loob!”

            Bumalik ulit sa kitchen si Kite.

            “Timi, hawakan mo ‘tong party pooper,” sabi ni Ayen at may inabot siya sa aking stick.

            “Party pooper? Seriously? Magkakalat kayo sa condo ko?!”

            “Okay lang yan! Ikaw naman magliligpit eh,” sabi naman naman ni Jasper.

            “Kaya nga ayoko eh!”

            “Ssssh! Parating na sila! Wait yung ilaw patayin natin!” saway ni William.

            “Ito na ang cake!” sabi naman ni Kite na kalalabas lang ng kusina at dala-dala na yung cake.

            Umayos kami sa living room na naka harap sa pinto. Pinatay naman ni Jasper yung ilaw. Maya-maya, narinig ko nang bumubukas ang pinto at nang may magbukas ng ilaw, sabay-sabay kaming sumigaw.

            “WELCOME HOME!!!”

            Nakita ko sa harapan ko si Rika kasama si Geo. Gulat na gulat siya pero agad ding napalitan nang ngiti at saya ang expression niya.

            “Oh my gosh!”

            “Rikaaaaa!”

            Pareho kaming nagyakapan dalawa.

            Namiss ko siya! Ilang buwan din kaming hindi nagkita. Actually condo namin tong dalawa. Oo hanggang dito, housemates kami.

            Pinagmasdan ko si Rika. Naka simpleng dress lang siya na sleeveless pati flipflops pero halatang ang laki ng pinagbago niya.

            Hindi na siya nakasalamin ngayon.

            May kulay ang buhok niya. Chestnut brown at ang ikli-ikli na nito.

            Mas naging fierce ang itsura niya.

            Marunong na siyang mag make up.

            Mukha siyang ramp model.

            Pero hindi pa rin nagbabago ang innocent smile niya.

            Sa likod niya ay nakatayo si Geo na ang gwapo-gwapo ngayon at halata ang kasiyahan sa kanya.

            “Ehem, excuse me pero kami ang hindi mo nakita ng five years” sabi ni Jasper sa isang banda.

            “Jasper!” lumapit si Rika dito at niyakap siya.

            “Tama nga ang sinabi ni Timi, ibang klase ka na!”

            “Hi Rika!” bati ni Ayen.

            “Rikaaaa!” sabi naman ni William and they both enveloped her in a hug.

            I glanced at Kite at parang natulala siya.

            “Uso huminga,” bulong ko dito.

            “Wow,” he muttered.

            “I know right.”

            Lumingon si Rika kay Kite at nginitian niya ito.

            “Hi Kite.”

            Biglang lumawak ang ngiti ni Kite habang iiling-iling.

            “You’ve changed.”

            “Panget ba?” tanong ni Rika habang hinahawakan ang buhok niya.

            “No. You’re beautiful.”

            Nilapitan ko si Geo.

            “Selos?”

            Umiling siya.

            “Nope. I know she’s over him.”

            Napangiti ako.

            Alam ko rin na she’s already over him. Nakita yun ng dalawa kong mata. Na-witness ko yun.

            At sa parteng yun, naiinggit ako kay Rika. Siya kasi nagawa niyang makapag move on.

            Pero bakit ako, hirap na hirap?

            “Agghhh Timi!”

            Nilingon ko si Jasper.

            “Ano?”

            “Ba’t hindi mo ginamit yung party pooper?!” sabi niya habang nakaturo sa party pooper na ipinatong ko sa sofa.

            “Makalat eh!”

            “Sayang pera ko! Bayaran mo ‘ko!”

            Natawa sila kay Jasper. I glared at him.

            “Ay wait, nasaan ang pasalubong naming Rika?” tanong naman ni William.

            “Wala!” natatawa-tawang sagot ni Rika.

            “Guys wala raw pasalubong. Uwi na tayo!”

            Nagtawanan kaming lahat.

            “Ginawa rin nila sa’kin yan,” sabi ko kay Rika. “But I’m really glad you’re back.”

            Lumapit sa akin si Rika at binulungan ako.

            “Feeling ko marami kang dapat ikwento sa akin. Alam kong  nagkita na kayo ni,” she rolled her eyes.

            Natawa ako.

            Oo ang dami kong ikukwento sa kanya.

            Pero bago ang lahat gusto ko muna tanungin sa kanya kung paano siya nakapag move-on.

            Kailangang-kailangan ko na kasi.

To be continued…

***

Author's Note

Hi Fallers. Gusto ko lang mag sorry kung ang bagal ng update ko. Hindi ako nagpapakatamad promise. Sadyang ang dami ko lang talaga ginagawa simula pa noong February kaya sorry po.

At magpapaalam na naman ulit ako sa inyo. Go-gorabells kasi ako papunta sa isang malayong lugar wahahahhaa at sa March 10 pa ang balik ko so baka mga 11 or 12 pa ako makapag update ulit. Hindi kasi ako makakapagdala ng laptop. Mahal ma-excess baggage at pulubi lang ako. Kaya ipagpatawad niyo po.

Hopefully after that tuloy-tuloy na rin ang update ko since tapos na by that time ang workshop ko at wala akong iniintinding manuscript. (Not unless may panibago na naman na ipapagawa sa akin)

Salamat po sa pag intindi.

- Aly A.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top