Chapter 6 (2/17/15)

Chapter 6

 

 [Timi’s POV]

 

“Hay, ano na kaya ang gagawin ko?” tanong ko kay Ayen sabay buntong hininga.

            “Umuwi at matulog,” sagot naman niya sa akin.

            “Eh! Sama na kasi ako sa’yo!”

            Napailing na lang si Ayen.

            Nandito ako ngayon sa office ng agency na may hawak sa EndMira. I-m-meet kasi nitong si Ayen yung isa pang solo artist na sinulatan niya ng kanta at ngayon ay pakikinggan niya itong kumanta.

            At dahil wala akong work ngayon, sumama ako sa kanya. Ayoko kasing mag-isa sa bahay eh. Nababaliw ako kada naalala ko yung sinabi ni Kite. Yung lalaking yun kasi hanggang ngayon hindi pa rin pala sumusuko sa akin.

            Kailangan ko ng kasama para malibang. Si Rika nasa Cebu pa rin, ang ibang EndMira busy sa shoot ng music video nila. Itong si Ayen lang ang available.

            Well not totally available pero sa kanya lang ako pwedeng sumama. Gustuhin ko man na manuod ng shoot ng EndMira, ayoko naman makita pagmumukha ni Ice.

            Mamaya ma-inlove pa ako. Kainis.

            “Behave ka lang Timi ah? Wag kang mag re-react doon sa singer pag narinig mo ang boses niya. Keep your opinions to yourself,” sabi ni Ayen bago kami pumasok sa recording room.

            “Oo naman! Ano ba tingin mo sa akin, laitera?”

            “Oo.”

            “Sama nito! But wait, is she that terrible?”

            Nag kibit balikat lang si Ayen bago tuluyang binuksan ang pinto sa recording room.

            Pagkapasok namin dalawa, may sumalubong sa amin na isang babae. Halos ka-edad lang namin siya. Petit ito na mukhang may lahi. Brown ang mata at auburn ang color ng buhok. Maganda siya. Naka-suot lang siya ng plain white spaghetti strap dress and flipflops at nakalugay lang ang buhok niya pero ang ganda niya. Wala rin siya halos make-up sa mukha. Ang kinis ng balat. At ang amo ng mukha.

            Punyemas, nakaka insecure naman ang isang ‘to!

            “H-hi Sir Ayen!” bati nung babae at tinignan niya rin ako, “hi po!”

            Nginitian ko lang siya. Ibinalik niya ulit ang tingin niya kay Ayen.

            “Uhm ang gaganda po ng sinulat mong mga kanta! Thank you po talaga!” masigla niyang sabi kay Ayen.

            “Oh, ikaw yung singer?” singit ko.

            “Ah, opo ako po. Mia po pala,” sagot niya sabay lahad ng kamay sa akin.

            We shook hands, “I’m Timi. Ayen’s friend.”

            “I-I see!”

            Napangiti ako. Infairness ha? Hindi mayabang ang isang ‘to. Sana pag sumikat wag lumaki ang ulo.

            “Uhm thank you talaga Sir Ayen,” sabi ulit ni Mia.

            Tumango lang si Ayen sa kanya nang hindi man lang ngumingiti.

            “Let’s start,” he told her coldly.

            Nawala bigla ang ngiti sa mukha ni Mia.

            “S-sige po.”

            Tinignan niya ako and I know she tried her best to give me a smile but the one she did looks more like a grimace.

            Naglakad na papunta sa kabilang side si Mia kung saan napapagitnaan kami ng isang glass window. Nang tuluyan nang nasa kabila si Mia, siniko ko si Ayen.

            “Problema mo?” bulong ko sa kanya.

            “Wala ka na don,” he told me coldly.

            I rolled my eyes at him. Anong problema ng isang ‘to at naging cold bigla? Lalo na kay Mia? Ano, pinapalitan na niya si Ice sa pagiging cold? Trip na rin niyang maging “Ice” ang pangalan niya?

            Nag simula na ang tugtog. Acoustic ito at maganda sa pandinig. Intro pa lang, ang ganda na.

            Iba na ata ang levelling nitong si Ayen ah?

            ♪ “Nag simula ang ating musika,

            Sa unang stanza ng isang kanta.

            Doon ay una kong narinig,

            Ang iyong mala-anghel na tinig…” ♪

 

            Halos mapa-nganga ako habang pinapakinggan na kumakanta si Mia.

            Anak ng tupa! Ang ganda ganda ng boses niya! Nakakapanindig balahibo. Full of feelings niyang kinakanta itong sinulat ni Ayen na kanta. Ang ganda. Hindi mataas yung kanta. Hindi siya bumibirit. Pero nakakadala.

            Itong lalaking ‘to! Akala ko naman chaka ang boses! Mala-anghel na tinig pala!

           

            ♪ “ Hindi ko alam na sa pagtatapos pala nitong musikang ito,

            Isang malungkot na kanta ang ating magagawa…”♪

            Nung matapos siyang kumanta, hindi ko napigilan ang pumapalakpak. Shet ang galing niya!

            Napalingon ako kay Ayen and he’s glaring at me.

            “What?” I asked him, annoyed.

            “I told you to keep your opinion to yourself.”

            I scowled at him. Bwiset ‘to! Pumalakpak lang eh? Problema nito!

            Lumapit sa amin si Mia na ngiting ngiti.

            “Kamusta po? Ano po masasabi niyo?” tanong niya.

            “You did a great job Mia!” sabi nung isang lalaki na kasama namin sa loob ng room. Mga nasa mid thirties ata siya at sa itsura niya eh mukhang isa siya sa mga may handle nitong album na ilalabas na Mia.

            “How about you Ayen? How do you find Mia’s performance?” tanong ng lalaki kay Ayen.

            “It’s….okay,” sagot ni Ayen.

            Anong it’s okay?! Ang ganda kaya!

            “Medyo kulang lang sa emosyon,” dagdag pa ni Ayen.

            KULANG PA YUN SA EMOSYON? Damang-dama ko kaya! Sapukin ko ‘tong lalaking ‘to eh! Hindi marunong makinig.

            “Tsaka hindi ko gusto yung facial expression niya habang kumakanta. Please don’t do that in the music video or kahit sa mga mall shows mo.”

            Biglang napayuko si Mia at nakita kong namula siya. Malamang dahil napahiya.

            “G-ganun po ba? S-sige po. Gagalingan ko next time.”

            “In my opinion,” biglang singit ko ang I saw Ayen throwing me a warning look. Bahala ka diyan. “Ang ganda ng pagkaka-kanta mo Mia! As in! Wow! Bibili ako ng album mo! Pa-autograph ah? Ako na  number one fan mo!”

            Mia’s face lit up at nakita kong napangiti ulit siya.

            “T-talaga? Thank you po!” masayang-masaya niyang sabi.

            “Don’t listen to her. Wala siyang masyadong alam sa music,” singit naman ni Ayen.

            Ano bang problema ng isang ‘to?!

            Hinila ako ni Ayen palabas ng recording room.

            “May café sa baba. Doon mo na lang ako antayin. I’ll meet you after 20 minutes,” sabi niya.

            “What? Ano bang problema mo?”

            Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

            “Hey stop that!”

            “See you later, Timi!” at sinara na niya ang pinto ng recording room.

            WHAT THE HELL?

            Pati ba naman ang isang yun may topak?! Anong problema nun?!

            My god! Mga lalaki talaga ang hirap ispelengin!

            Bumaba ulit ako sa lobby at pumunta doon sa café na tinutukoy ni Ayen. I ordered an iced coffee pampatanggal ng init ng ulo sa bwiset na kaibigan kong yun.

            Nang makuha ko na ang order ko, naupo ako doon sa isa sa mga stools doon at nagbasa ng fashion magazine na nakalagay sa magazine rack nila.

            Nakita ko doon sa magazine si Mia. Mia Mills ang whole name niya at model din pala siya. Nakaka-tibo naman ang ganda ng bwiset na babaeng ‘to! Tapos kung taray-tarayan siya ni Ayen wagas?

            Ma-inlove sana ang lalaking yun kay Mia! Hmp!

            “Hi.”

            Napa-angat ang tingin ko sa bumati sa akin at bigla akong nasamid sa iniinom ko nang makita ko si Ice sa harapan ko.

            “Here,” inabot niya sa akin ang tissue at pinunasan ko ang gilid ng labi ko.

            ANONG GINAGAWA NIYAN DITO?

            “What are you doing here?!” tanong ko.

            He gave me a half smile then he leaned forward.

            “What are you doing here?” tanong niya.

            Oo nga naman. Siya nga naman ang dapat magtanong niyan dahil nandito ako ngayon sa teritoryo niya!

            AT SHET BA’T BA SIYA NGITI NANG NGITI?

            “Paki mo?” pagmamaldita ko at ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa ko.

            “What are you reading?”

            “Obviously, it’s a magazine,” I told him curtly.

            Sinilip ni Ice ang magazine na binabasa ko at inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita kong ngiting-ngiti siya.

            Aba bwiset! Ngiti na siya nang ngiti ah? Ano nang se-seduce siya? Ano akala niya e-epek pa yan sa akin?

            Aba uy!

            Medyo effective! Leshe!

            I raised my eyebrow at him. Ayaw pa rin kasi tumigil sa kakangiti. Bwiset talaga.

            “Go on. Just read. Don’t mind me,” naka-ngiting sabi niya sa akin.

            Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa magazine kesa ma-sapok ko pa ang bwiset na pagmumukha ng isang ‘to.

            Inilipat ko yung page ng magazine at halos mapanganga ako ng makita kong si Ice yung nasa next page. Naka corporate attire siya. Coat and tie. PERO LESHE BAKIT ANG SEXY NIYA SA MGA PICTURES NIYA DITO?!

            Alam niyo yung balot na balot ang katawan niya pero kitang-kita mo ang ka-sexy-han niya?!

            Ay punyemers naman oh! Meron pang naka longsleeves na polo, putting pants at shades!

            Bwiset naman oh? Kelan pa siya naging ganitong ka-gwapo?

            Ay anak ng tupa! Ba’t ang hot niya sa picture niya na nasa loob siya ng magarang kotse at nag d-drive?

            “Enjoying yourself?”

            Napaangat bigla ang tingin ko at doon ko lang naalala na nasa harap ko nga pala si Ice.

            Oh my gulay!

            I cleared my throat at isinara ko ang magazine na hawak ko. I look at him and I tried my best to make my expression as blank as possible.

            “So nag mo-model ka na rin pala,” I told him casually.

            He smiled at me, “napilitan lang.”

            NAPILITAN PA SIYA SA LAGAY NA YAN? FEEL NA FEEL NIYA YUNG MGA POSE NIYA EH!

            Feel na feel niyang mang-akit! Bwiset siya.

            “Timi—I mean, Ms. Stephanie---are you okay?”

            “Hmm? Why?” tinaasan ko siya ng kilay.

            “Ang pula kasi ng mukha mo. Are you sick? O hindi mo lang talaga kinaya yung mga pictures na nakita mo?”

            He grinned. From ear to ear.

            WHAT THE PACKING TAPE!!!

            “I---I---am---ahhh—“ ARGGH!

            Gusto ko siyang murahin!

            “Uy Timi!”

            Nakita kong papalapit si Ayen.

            Oh Ayen my savior! Kahit bwiset ka kanina I am so happy to see you again!

            “Uy! Tapos na shooting?” tanong ni Ayen kay Ice.

            “Yep. Natapos kami a few hours ago.”

            “I see! That’s good. At least on sched kayo.”

            “I know.”

            Lumingon si Ayen sa akin, “oh ano? Tara na. Pakainin mo na ako!”

            Tumayo ako at ipinulupot ko ang braso ko sa braso ni Ayen. Masaya akong dumating siya at buti na lang at wala na rin siyang topak.

            “Tara na!” ngiting-ngiti kong sabi.

            “Sama ka Ice?”

            Nawala ang ngiti sa labi ko.

            Ay anak ng tupa! Talagang niyaya siya nitong si Ayen?!

            Akala ko ba friends kami? Akala ko ba ako ang kakampi niya ha?

            “No thanks. I have a meeting in about thirty minutes.”

            “Sayang naman. Libre sana nitong si Timi! Next time na lang. Bye!” nag wave si Ayen kay Ice at hinila ko na siya.

            “Ah Ms. Stephanie!” tawag ni Ice.

            Napalingon ako agad.

            Ano gusto niya nang magbago ng isip? Sasama na siya? Sasama siya kasi ang ganda ganda ko today and he can’t deny na na-a-attract siya sa akin?

            Mukha niya!

            “Yes?”

            Tinuro niya yung hawak ko.

            “That magazine is not yours. Property yan nitong coffee shop.”

            Doon ko lang napansin na hawak-hawak ko pa pala yung magazine. Shet!

            Inilapag ko ‘to sa lamesa.

            “Sorry. Hindi ko napansin,” mataray kong sabi habang pinanlilisikan siya ng mata.

            He grinned at me, “if you want, I could send you a copy. Marami pa ako.”

            ABA’T---! ABA’T--!!!

            “No thanks.”

            Hinila ko na palabas si Ayen habang pulang-pula ang mukha ko.

            BWISET SIYA!!

            To be continued…

***

Aly's Note:

Yung song po doon sa taas, para sa mga magtatanong, wala po siyang title. Hahahahaa. Sinulat ko po iyon for the sake lang ng update na ito at hindi rin ito buo. So okay. Wahahaha

May page pala ang The Falling Game. Likey likey.

facebook.com/TheFallingGameOfficialPage :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top