Chapter 43


Chapter 43


[Timi's POV]


"Nakaka-touch naman. Dito ka talaga nagpunta sa secret place nating dalawa," ngiting-ngiti na sabi ni Erin.

Nakatingin ako sa kanya ng masama. Nanginginig ang buong katawan ko. My hand balled into fist at grabe ang pagtitimping ginagawa ko dahil ngayon, gustong gusto kong sugurin ang babaeng 'to at ihulog sa puno.

"Umalis ka na rito," mariin kong sabi sa kanya.

"Oh? Why? Pagmamayari mo na ba 'tong tree house at pinapalayas mo ako?" she asked with her too sweet voice.

I badly want to hurt this girl.

"Ayokong marinig ang kahit anong sasabihin mo, Erin!"

She stared at me and then she laughed. She laughed so hard that it made my skin crawl.

Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Ganyan ka naman Timi eh. Hindi ka marunong makinig! Wala ka pa rin pinagbago! Pinaniniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan not knowing na nasasaktan mo na ang mga taong nasa paligid mo. Ang kitid kasi ng pangunawa mo!"

Tinulak ko siya palayo.

"At bakit ha?! Alam na alam ko na naman ang sasabihin mo eh! Ikukwento mo sa akin yung tungkol sa picture na sinend mo! Kung gaano kayo kasaya ni Ice nun! Ano, gusto mo pa bang i-detalye ang ginawa niyo? Please lang! Ayokong masuka!"

Napahagalpak ulit ng tawa si Erin.

Nakakainis siya! Onti na lang sasabunutan ko na ang babaeng 'to!

"Wow Timi, kelan ka pa naging manghuhula at nahulaan mo agad ang sasabihin ko ha?"

Timi, magtimpi ka at baka mapatay mo ang babaeng yan!

She smiled at me sweetly.

"Oo, magkatabi talaga kami ni Ice nang gabing 'yan. Alam mo ba na kwarto niya 'yon?"

Nanginginig ang buong katawan ko. God knows kung gaano katinding galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Oh, nakapasok ka na ba sa room ni Ice, Timi? Ako kasi ilang beses na eh."

"Shut. Up." mariin kong sabi habang ang sama ng tingin ko sa kanya.

Onti na lang. Onti na lang talaga.

Tumawa ulit siya. "Kung sa bagay paano ka nga naman makakapunta sa kwarto ni Ice? Hindi ka nga pala niya pwedeng dalhin sa bahay because we live together."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Erin.

Magkasama sila sa isang bahay? Kelan pa? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Ano pa ang hindi ko nalalaman?

Gaano katagal na niya akong niloloko? Ilan sa mga sinabi niya sa akin ang totoo?!

Tanga Timi! Ang tanga tanga tanga tanga mo!

"Oh? Nagulat ka?" napatakip ng bibig si Erin. "Oppss. Hindi mo nga pala alam."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ko si Erin.

"Hayop kang babae ka!! Hayop ka!!"

Sinampal ko siya ng malakas habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa mata ko.

"Ano bang nagawa ko sa'yo para saktan mo 'ko ng ganito ha, Erin?! Ba't ginagawa mo 'to sa akin ha?! Ang sama sama sama mo! Baliw ka! Napaka bitter mo! Gusto mo si Ice ha? Edi isaksak mo siya sa baga mo! Magsama kayong dalawa!"

Tinalikuran ko siya at plano ko na sanang bumaba sa tree house nang bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Hindi pa ako tapos magkwento Timi."

Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya pero ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Bumabaon ang kuko niya sa balat ko.

"Bitawan mo 'ko! Baliw!"

"Alam mo, kada nakikita ko ang mukha mo, lagi kong naiisip na bakit mo pa sinagot sagot si Ice samantalang hindi mo naman siya kayang pagkatiwalaan ng buo."

Napatigil ako and it's my turn to laugh.

"Well, mukhang hindi ka na-inform na dalawang beses na akong niloko ng hayop na 'yon dahil sa'yo."

Nginitian niya ako.

"Pero nung nakita mo yung picture ni hindi mo man lang siya cinonfront."

"Ano pa ba ang dapat ko sabihin sa kanya? Ayan na ang ebidensya! Ipinakita mo na!"

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Erin at napailing siya.

"Hinding hindi ka talaga nagbago Timi. You are the same old Timi na spoiled, selfish, sarado ang isip at pinapaniwalaan lang ang gustong paniwalaan."

"Wala kang alam Erin!"

"Mas wala kang alam! Ang tanga mo alam mo yun?! Sobrang tanga Timi! Shet! Isang simpleng test ko lang sa'yo, napatunayan ko na agad ang kawalan mo ng tiwala kay Ice! Leche! Sa totoo lang kung ako ang tatanungin, I don't want you for him!"

I look at her, confused.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Anong ibig kong sabihin? Wala kang tiwala kay Ice! Alam mo pinahihirapan mo lang sarili mo eh. Nag e-emo ka rito. Iyak iyak ka na parang tanga. Samantalang umpisa pa lang, pwede mo naman tanungin si Ice para malaman ang lahat! Alam kong nirerespeto niya ang hiling ko but for Pete's sake! Alam ko rin na any minute, ipapaliwanag niya ang lahat sa'yo kasi tanga rin yung isang yun and parang asong ulol na patay na patay sa'yo! Kaya kahit masaktan ako, basta wag ka lang mawala sa kanya!"

"T-teka nga Erin! You are not making any sense! Ano ang ibig mong sabihin?! Ipaliwanag mo nga kundi iuumpog talaga kita sa pader!"

Napahinga ng malalim si Erin.

"Magkapatid kami."

Parang nabingi ako. Feeling ko ayaw gumana ngayon ng utak ko. Hindi ko ma-process ang sinabi niya.

Magkapatid? Silang dalawa?!

P-paanong nangyari--?

"You're lying to me again. Ano na naman ang plano mo ha?!"

"Oh my god! This girl is hopeless! Bobo mo 'no? Leche ka! Yung kasinungalingan, ang dali mong pinaniwalaan. Pero nung sinabi sa'yo ang totoo, ayaw mong paniwalaan. God! Hindi kita kinakaya! You are so stupid!"

Napailing ako.

"Bakit hindi sinasbi ni Ice? Bakit ang dami niyong nililihim sa akin ha?!"

"Dahil hindi lang sa'yo umiikot ang mundo niya leche ka! Meron din siyang ibang mga taong pinapahalagahan! Ayokong sabihin niya sa'yo ang totoo! But since kayo na at gusto niyang magpakatotoo sa'yo---which by the way is hindi mo nagawa sa kanya---he asked me na kausapin ka. Kaso bobo mo, hindi ka naman nakipag kita sa akin. Ni-hindi mo rin siya naisipan i-confront at hinayaan makapagpaliwanag! Edi nauwi lahat sa ganito. Ngayon nagda-drama-drama ka. Iyak iyak ka diyan. Gumawa ka pa ng eksena sa mall. Nakakahiya!"

Oh my god.

I hurt him. I hurt Ice.

At kahit inis na inis ako kay Erin, parang kutsilyong tumatanim sa puso ko ang mga sinabi niya dahil totoo.

Hinayaan kong pumasok si Ice sa buhay ko pero hindi ko naman siya nagawang pagkatiwalaan.

Pero sinaktan niya ako dati...

Napapikit ako when the realization hits me.

"It's your doing kung bakit ako nasaktan ni Ice dati. Tell me, mahal na ba niya ako noon pa?"

Hindi agad sumagot si Erin.

"Erin naman! You owe me this!"

"Oo mahal ka na niya dati pa! At para sabihin ko sa'yo, wala akong utang na loob sa'yo!"

"Bakit ha? Bakit mo ako gustong gustong saktan ha? After lahat ng pinagsamahan natin, naging tunay ka bang kaibigan sa akin?!"

Bigla na lang niya akong sinampal ng malakas.

Gaganti sana ako kaso napahinto ako nang makita kong may umaagos na luha sa mata ni Erin.

Galit na galit na galit ang tingin niya sa akin.

"Ikaw pa ang may ganang magtanong niyan sa akin, Timi? Ikaw pa?!" Napapikit siya at huminga ng malalim. "Now let me tell you a story. Naalala mo nung 15th birthday mo? Nung hindi ako makapunta sa celebration mo at nag tantrum ka? Galit na galit ka sa akin? Alam mo ba, kahit ang lakas lakas lakas ng ulan ng gabing yun, sinubukan kong pumunta sa birthday mo ha?! Dahil ayoko nang sumama ang loob mo! At yang jowa mong nagmamagaling, nag volunteer pa na siya na ang magmamaneho papunta doon sa party mo! At alam mo ang nangyari ng gabing yon? HA?! ALAM MO BA?! Naaksidente kami! My sister died, Timi! Sa kagustuhan kong makapunta sa'yo, nawala ang ate ko sa akin! Timi! Namatay siya!"

I feel a shiver down my spine. My head is spinning. Nanlalambot ako. Hindi ko namalayan ang unti-unti kong pag upo sa sahig ng tree house.

Naalala ko ang gabing yun. I was so mad at Erin because she promised me na pupunta siya. Ilang araw kaming excited para sa birthday ko kaya naman nung nagsabi siyang hindi na siya makakahabol, sobrang sama ng loob ko. I remembered telling her not to go. Pero deep inside, gusto kong maramdaman niya ang inis at sama ng loob ko. Deep inside gusto kong gumawa siya ng paraan para makahabol siya.

I never thought....

Napatakip ako ng bibig habang patuloy ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"I'm sorry.." halos pabulong kong sabi. "I'm so sorry."

Tumalikod si Erin sa akin at dumistansya siya.

"Wala nang magagawa ang sorry mo."

"Hindi ko alam... why didn't you tell me?! Bakit ang dami mong nililihim sa akin non?!"

"Bakit sinubukan mo bang mag tanong sa akin ha?!"

"I am waiting for you to open up!"

"Hindi ako nag o-open up dahil akala ko hindi ka interesado sa buhay ko dahil never kang nagtatanong nang tungkol sa akin!"

Napa-hawak ako sa noo ko.

"This the reason why you hate me so much? Dahil sa aksidente? Hindi ko ginusto ang nangyari, Erin. Hindi ko ginusto. I'm so sorry. I'm was young and immature. I'm so sorry."

Napailing si Erin habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"Timi ate ko yun eh. Ang sakit sakit nang mawala siya! Alam mo yun?! Kung hindi ka nagtantrum non hindi siya mawawala! Kung naging maingat si Ice sa pagmamaneho hindi kami maaksidente! Kasalanan niyo 'to! Kasalanan niyong dalawa 'to! Hindi mo ba alam na simula nang mawala siya, lagi kong naririnig ang boses niya sa ulo ko? I am having a lot of hallucinations and nightmares! Hindi ako maka-move on! It's all your fault!"

"Erin.."

Lumapit ako sa kanya and I tried to hug her pero nag pupumiglas siya. Pero niyakap ko pa rin siya kahit pilit siyang kumakawala sa akin. Sabay kaming umiiyak.

"Erin hindi ko alam. I'm so sorry! I'm so sorry!"

"It's all your fault! Ang sakit sakit tanggapin! Bakit hindi ako makaalis?! Kahit anong gawin ko! Ayoko na! Ang sakit talaga!"

"Erin!"

"Ang sakit!"

"Erin please.."

Tumigil si Erin sa pagpiglas at hinayaan niyang yakapin ko siya. I hugged her tight. My dear friend... my dear dear friend.

Hindi ako aware sa mga pinagdadaanan niya. Alam kong ilang beses niya akong sinaktan. Ang daming masasakit na salita ang nabitiwan namin sa isa't-isa.

But still...

"It's my fault Timi.." she whispered softly. "It's all my fault. Kung hindi ako nagpumilit umalis, kung hindi ko sana hinayaan si Ice na mag drive nung gabing yun, buhay pa sana si ate."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"Tell me, bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? Sana ako na lang ang namatay. Wala namang kwenta ang buhay ko eh!"

"No. Don't say that! Alam kong importante ka kay Ice! Wag na wag mo nang sasabihin yan!"

Umiling siya, "not really. Lagi na lang ako ang mas nagpapahalaga."

"Erin--!"

"Shut up Timi. Ayoko na makarinig ng kahit anong comforting words na galing sa'yo."

Pinunasan niya ang luha niya at tinignan ulit niya ako. The old Erin is back. Yung matatag, yung palaban at hindi aatras sa kahit ano.

But deep inside she's breaking.

Oh she is so like me.

"Tapos na ang role ko rito. Nakausap na kita. Kahit ayoko sa'yo, I want my brother to be happy."

Tumalikod na siya at bumababa sa tree house. Agad akong humabol.

"E-Erin wait!"

Tuloy-tuloy siyang naglalakad at hindi niya ako iniintindi.

"Erin naman! Magusap nga muna tayo!"

Nilingon niya ako and she rolled her eyes at me pero tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Anak naman ng--! Ano ba Erin naman! Ang pabebe mo! Please lang wag mo akong paghabulin dahil ang taas ng heels ko!"

Hindi niya ako pinansin.

Nakakainis! Kung kanina naawa ako sa kanya dahil umiiyak siya, ngayon gusto ko na siyang batuhin ng sapatos ko.

At last nahabol ko na rin siya at hinatak ko ang braso niya.

"Ano ba Timi! Tama na okay? Ano pa ba gusto mong malaman ha?!"

"Ang dami mo pang hindi kinukwento! Gusto kong malaman ang tungkol sa family mo! Paano kayo naging magkapatid ni Ice? Kamusta na yung plano mong salihang art contest dati? We need to talk."

"Oh goodness! I don't want to talk to you! Kung gusto mong malaman yan, tanungin mo na lang ang jowa mo! And please lang, nababaliw na yun kakahanap sa'yo! Kung tinatawagan mo kaya siya 'di ba?"

"Erin naman---"

"Hi girls."

Napatingin kami ni Erin sa nagsalita. Sa 'di kalayuan ay may dalawang lalaking papalapit sa amin. Pareho kaming natigilan. Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang na-realized na nasa isolated kaming lugar.

Shet.

"Ang gaganda niyo naman," sabi nung isa habang may inilalabas siya sa bulsa niya.

Napalunok ako.

Baril.

"Gusto niyong makipag-bonding sa amin?" sabi nung isa sabay akbay kay Erin. Itinutok niya ang hawak niyang baril sa ulo nito.

Inakbayan din ako ng isa at tinutukan naman ng patalim.

"Cellphone at wallet."

Dali-dali kong inilabas ang phone at wallet ko. Ganun din si Erin.

"H-hindi kami magsusumbong. Pakawalan niyo na kami please," sabi ko doon sa lalaki.

"Ha? Pakawalan agad? Eh hindi pa nga tayo nag eenjoy."

Oh god. No. No. No.

Parang nawala ang dugo sa katawan ko. Nahihilo ako.

No. Hindi 'to nangyayari. Please. God save us. Please.

Bigla akong nakaaninag ng ilaw na papalapit sa amin. Parang bigla akong nabuhayan ng dugo.

"Pare halika na!" sabi nung nakahawak sa akin at itinulak ako papalayo.

"Shit!" sabi nung isa at napatingin doon sa ilaw.

Napatingin ako doon sa ilaw.

Ay shit shit shit! Nag iiba siya ng way! Lumiliko siya! No! Hindi pwede!

Sumigaw ako.

"Tulong! Tulungan niyo kami!"

"Putangina manahimik ka!" sigaw nung isang lalaki at kinasa niya ang baril na hawak niya sabay tutok sa akin.

Halos hindi ko na masundan ang pangyayari.

I know he pulled the trigger. Nakarinig ako ng malakas na putok.

But instead ako ang tinamaan, bumagsak si Erin sa harapan ko.

"Pare halika na!"

Tumakbo sila papalayo sa amin.

Habang si Erin, hawak hawak ko, duguan, walang malay.

She saved me.

At tuloy tuloy na bumagsak ang luha sa mata ko.

To be continued....


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top