Chapter 41


Chapter 41

[Timi's POV]

What the hell.. What the hell.. What the hell!!

Nanginginig ang mga tuhod ko habang sinusundan ko si Ice at Erin. Hindi na naka-akbay si Ice kay si Erin pero nakahawak naman ang kamay ni Erin sa braso ni Ice.

Masaya silang naguusap. Mukhang nagbibiruan. Ang sweet nila.

Ang sakit sa dibdib. At ako namang si tanga, sinusundan pa sila.

Oo pwedeng magkaibigan lang sila. Pero lecheng yan! Alam ni Ice ang ginawa sa akin ni Erin. Dati na silang naging magkasabwat para saktan ako. Pero bakit ganun? Bakit sinasamahan pa rin siya ni Ice?!

Nakakainis. Ang bigat sa dibdib.

Huminto sila sa isang art gallery.

"Magling yung nagtuturo sa amin ngayon. Gustong-gusto ko yung painting niya na Angel's Dream. At gwapo ang gwapo niya," dinig kong sabi ni Erin.

"Mas gwapo pa sa akin?" tanong naman ni Ice.

Erin rolled her eyes at him.

"Ewan ko sa'yo Ice. Gwapo man si Sir Caleb, taken na siya."

Nginitian ni Ice si Erin.

"Go home Ice," sabi ni Erin.

"I'll wait for you."

"Wag na."

"Eh. Wala naman akong gagawin."

"Ang kulit mo. Sige na papasok na ako."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ice.

"Alright Erin!"

Pumasok na si Erin sa loob ng art gallery. Tinignan ko si Ice. He's still smiling while looking at her. His expression is soft and full of affection.

Parang sinasaksak ang dibdib ko.

Bakit niya tinitignan si Erin ng ganyan? Bakit ganun?

Naloloko na naman ba ako?

Biglang lumingon si Ice sa kinalulugaran ko at nag tama ang mga paningin namin.

Kita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya ako. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

"T-Timi? W-what are you doing here?"

Napapikit ako at pilit kong pina-kalma ang sarili ko.

"N-nakita mo si---" huminga siya ng malalim. "I can explain."

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at ipinakita kay Ice ang picture na sinend sa akin ni Erin.

Mas lalong nanlaki ang mata niya.

"Explain ba kamo Ice? Kailangan ko pa ba nun?"

"N-no Timi! You got it all wrong! The truth is---!"

"Shut up Ice! Kitang kita na ng dalawang mata ko! Anong sasabihin mo, magkaibigan lang kayo ganun? Wag mo akong pagmukhaing tanga!"

"No Timi! I need you to listen to me!"

Hinawakan ni Ice ang braso ko.

"Bitiwan mo ako."

"Please, listen to me Timi!"

"Tama na! Mali talaga! Mali na pinagkatiwalaan kita! Kahit sabihin mong magkaibigan kayo ni Erin, Ice alam mo ang ginawa niya sa akin. Alam mo kung paano niya ako sinaktan. At hindi ko pa rin nakakalimutan na minsan niyo na akong pinaglaruan! Kaya kahit anong sabihin mo, yung fact na kasama mo siya ngayon, hindi pa rin magbabago yun!"

"Ice!!!"

Bigla kaming napalingon ni Ice nang marinig naming ang sigaw ni Ayen. Dire-diretso si Ayen sa amin at bigla na lang niyang sinuntok si Ice.

"I saw everything," he told him coldly. "Akala ko hindi mo sasaktan si Timi."

Tumayo si Ice at tinulak niya si Ayen.

"Wag ka munang makikielam dito! Hindi mo alam ang nangyayari!"

Bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Ang dami nang bystanders na nanunuod. Lahat nakalabas ang phone para kuhanan sila ng video.

Shit.

"Tama na Ice," I told him coldly.

"Timi," he touched my hand. "Please come with me. We need to talk. It's not what you think. I'll call Erin at maguusap tayong tatlo."

Tinabing ko ang kamay niya.

"Get away from me."

"Timi--!"

"Tama na bro," sabi ni Ayen at hinila niya na ako palayo.

Narinig ko na tinatawag ako ni Ice pero mukhang naharang siya ng mga bystanders.

Alam kong halos lahat ng mga taong nadaraanan namin ay nakatingin sa amin. I could feel their stares burn into my flesh. Kung anu-ano pang naririnig kong bulungan.

"--sinigawan si Ice Monasterio! Ambisyosang froglet!"

"GF ata na nakipag break kay Ice?"

"My poor baby Ice!"

"Di naman kagandahan..."

I wipe my tears aggressively. Nanginginig ang buong katawan ko. Naiinis ako, nasasaktan, nagagalit.

Bwiset! Bwiset silang lahat! Wala silang alam!

Naramdaman kong tinakpan ni Ayen ang magkabila kong tenga.

"Don't mind them, Timi."

Dali-dali kaming lumabas ni Ayen sa mall at pumunta sa parking lot bago pa may makarating na mga reporters at harangin kami.

Bahala nang si Ice ang humarap sa lahat.

Bahala na siyang magpaliwanag sa kanilang lahat.

Pagkasarang-pagkasara ni Ayen sa pinto ng kotse, napahagulgol na lang ako ng iyak.

Hindi umiimik si Ayen. Hinayaan lang niya ako umiyak. Hinayaan niya akong ilabas ang sama ng loob ko.

Tahimik siya habang nagmamaneho papunta sa condominium ko. Hanggang sa makarating kami dito. Hanggang sa makapasok sa loob ng condo ko, hindi siya umiimik at hindi rin ako tumitigil sa pag iyak.

Inabutan agad ako ng tubig ni Ayen.

"S-salamat..."

"Timi..." hinawakan niya ang kamay mo. "Gusto mo ba ako ang kumausap kay Ice about this?"

Umiling ako, "ayoko. Ayoko nang malaman lahat ng mga dahilan niya. Ayoko."

"But you still need to know kung ano man ang sasabihin ni Ice."

"Para ano? Para maloko ulit?!"

Napatingin si Ayen sa kisame habang humihinga ng malalim.

"I can't believe it..." halos pabulong niyang sabi. "Kita ko kung gaano ka niya kamahal. Paano niya nagawa 'to? Hindi pwede 'to."

"He's a good liar! Napaikot na naman niya ako! Sila ni Erin. Ayen.. ang sakit. Ganito ba ako ka-tanga para hindi makita yun? Bakit ganun? Bakit binigyan ko pa siya ng chance? Ang sakit sakit sakit."

Hinila ako ni Ayen papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Please stop crying Timi. Please..."

"S-sorry. Ang sakit lang talaga sobra. Sobra sobra Ayen."

Humiwalay si Ayen sa pagkakayakap sa akin at nagulat ako nag hawakan niya ang pisngi ko.

"A-Ayen...?"

He wiped my tears away.

"Ang sakit makita kang ganyan alam mo ba?"

Nahinto ako sa pagiyak. Ang bilis ng kabog ng puso ko.

No. This isn't happening..

He stare at my lips.

NO. NO. NO..

I was about to pull away pero bigla na lang niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.

~*~

[Ice's POV]

"Laman ka ng balita! Ano ba ang nangyari?!" tanong sa akin ni Aiscelle nang makarating ako sa bahay.

Kinailangan pa akong sunduin ni Rochelle dahil hindi ako makaalis sa mall. Nagkumpulan ang mga tao, reporters at usisero. Ni hindi ko alam paano kumalat ng ganoon kabilis ang nangyari.

Hindi ko nagawang habulin si Timi. Hindi ko mapaliwanag sa kanya ang lahat.

Damn! I am so stupid! Ba't ko hinayaan na mangyari ang bagay na 'to?!

"Uy nagkakagulo sa mall?"

Pareho kaming napatingin sa kadarating pa lang na si Erin.

"Napagkaguluhan ka ba Ice?" tanong niya.

Dali-dali akong lumapit kay Erin at hinawakan ng mahigpit ang braso niya.

"Paano mo nagawa yun?!" nanggigigil na tanong ko kay Erin.

Para akong sasabog sa sobrang galit. Nagtitimpi ako dati pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko ngayon.

"I-Ice ano ba!"

Hinatak niya ang braso niya pero hindi ko ito binitiwan.

"Ice stop it!" dinig kong sigaw ni Aiscelle pero hindi ko siya pinansin.

"Yung picture! Ba't ka nag send kay Timi ng ganung picture ha?! Anong gusto mong palabasin?!"

Biglang ngumiti si Erin.

"So pinakita na pala niya iyon sa'yo? Galit na galit ba siya sa'yo?"

"She broke up with me!" sigaw ko sa kanya.

Nanginginig ako sa galit. Binitiwan ko siya dahil alam ko, any minute, hindi ko na makokontrol ang sarili ko at masasaktan ko siya.

"Eh ba't mo hinayaan? Ba't hindi mo ipinaliwanag na kapatid mo ako?! Hindi ka niya hinayaan 'no?" humagalpak siya ng tawa. "I knew it! Hindi ka kasi niya pinagkakatiwalaan Ice! Hahahahaha!"

"Erin!!"

I want to puch her! I badly want to hurt her!

Ibinaling ko ang atensyon ko sa pader at pinagsusuntok ito.

"How dare you! How dare you! Ba't bagawa mo 'to Erin! Bakit mo ginawa 'to!"

"Ice tama na!" hinawakan ni Aiscelle ang braso ko at hinila ako papalayo sa pader. Ibinaling niya ang tingin niya kay Erin. "Erin, ano ba 'tong ginagawa mo?!"

"Hindi ko kasalanan na hindi ka pinagkakatiwalaan ni Timi! Kung sinabi niya sa'yo ng mas maaga at hinayaan ka niyang magpaliwanag, edi hindi hahantong sa ganito!" sigaw niya sa akin.

"Of course may trust issue siya sa akin! Alam mo ba kung bakit, ha?! Dahil sa ginawa natin noon! Dahil sa pagpilit mo sa akin na lokohin at paglaruan siya! At hindi ko siya masisisi!"

"So kasalanan ko ganun?! Ice, binigyan kita ng choice noon! At pinili mo ako over her! Kasalanan ko?! It's your choice!"

"Pinili kita noon dahil kapatid kita! Dahil ang laki ng atraso ng mga magulang ko sa'yo. Dahil may kasalanan ako sa'yo!"

"Oo! Ipamukha mo sa akin na pinili mo ako dahil naguguilty ka at yun lang yun! Hindi naman kasi talaga ako mahalaga sa pamilyang 'to 'di ba?!"

Napahilamos ako ng mukha. I feel so frustrated.

Bakit kailangan mangyari ang bagay na 'to?

"Mahalaga ka sa akin Erin. God knows kung gaano kayo kahalaga ni Aiscelle sa akin. Pero akala ko mahalaga rin ako sa'yo. Kaya nga pinagkatiwalaan kita 'di ba? Nirespeto ko ang hiling mo na wag ipaalam kay Timi ang about sa atin dahil gusto mong sa'yo manggagaling ang bagay na yun. Pero umasa ako sa'yo na kakausapin mo siya ng maayos para maging okay na 'to. Umasa ako na may paki ka sa akin. Erin hindi mo alam kung gaano mo ako na saktan."

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Erin.

"I am only trying to test her. Pero tama naman ako 'di ba? Hindi ka niya pinagkakatiwalaan! Paano ka makikipagrelasyon sa babaeng hindi ka pinagkakatiwalaan?!"

"Again, it's your fault kung bakit hindi niya ako pinagkakatiwalaan!"

"Wag mong isisi sa akin ang lahat ng mga naging desisyon mo!!"

Lumapit ako sa kanya at tinignan ko siya ng diretso sa mata.

"You're hopeless, Erin. Hindi ka marunong mag move on. Gusto mo lahat ng taong nasa paligid mo ay miserable rin katulad mo. Hindi dapat kita pinagkatiwalaan. Ayun ang pagkakamali ko." Dinuro ko siya, "tandaan mo Erin, hinding hinding hindi kita mapapatawad kapag nawala sa akin si Timi!"

"Ice!" hinatak ni Aiscelle ang braso ko. "Bawiin mo ang sinabi mo kay Erin! Bawiin mo 'yan please!"

Tinabing ko ang kamay ni Aiscelle at dire-diretso akong lumabas ng bahay.

Hindi pwedeng mawala sa akin si Timi.

Minsan na siyang nawala at hindi ko na ulit papayagang mangyari yun.

Ikamamatay ko.

To be continued...


Aly's Note:

Lovely readers, na post ko na po ang teaser ng story ni Jasper Yu. 

Title: Sana

Look niyo na lang sa works ko! 

Paalala lang na i'll post the first chapter of Sana once na matapos ko na ang Game Over! (Which is very soon!)


Anyway, I am into blogging na rin! If you want to read my thoughts, food trips, little adventures pati na rin book and movie reviews ko, please check out my blog --- alythestoryteller.wordpress.com

Or click the link on my bio! Thank youuuu <3


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top