Chapter 4 (2/2/15)
Thank you po sa pag aantay, Fallers! <3
***
Chapter 4
[Timi's POV]
"Okay na ba ang panna cotta?"
"Yes chef! Nilagay ko po muna sa fridge."
"How about the pasta?"
"Malapit na po yung sauce!"
"Good."
Humarap ako sa niluluto ko at tinikman yung cowboy casserole. Perfect.
Mag laway ka sana dito, Monasterio!
It's Wednesday afternoon. Busy kaming lahat sa kitchen dahil may taste test mamayang 5pm. Pupunta rito ang kauna-unahang customer na nagpa-cater sa amin na sa kasamaang palad eh si Ice Monasterio ang taong yun.
Syempre ginamit ko lahat ng skills ko na natutunan ko sa Paris. Pinasarap ko ng husto ang bawat putahe na ipapatikim ko sa kanya. Even the stake na nilait-lait niya.
Pagka hindi pa siya nasarapan sa gawa ko, naku! For sure bitter siya! Ayun lang ang tanging dahilan. Bitter siya!
"Miss Stephanie!" sabi nung isa kong server na kapapasok pa lang sa kitchen. "Nandito na mo sina Sir Ice."
Napatingin ako sa orasan. It's still 10 minutes before 5. Wow. Infairness ah. Dahil celebrity siya, ine-expect ko na late siya. Nakakagulat na maaga ang isang 'to.
"Okay. Bigyan mo muna sila ng drinks."
"Okay po."
"Guys, mag plating na tayo," sabi ko naman sa mga chefs ko.
Nag si-kilos na naman sila at kanya-kanyang ipinlating ang mga naka-toka sa kanilang putahe. Good thing, magagaling mag plating ang mga ito. Itsura pa lang ng foods na pinresent nila nakakatakam na.
Nang matapos ko na rin i-plating ang cowboy casserole ko. Isa-isa ko nang chineck yung mga pagkain. Medyo nagmamadali na rin ako para naman makapag re-touch pa ako.
At oy, hindi ako mag re-retouch dahil haharap ako kay Ice! Syempre dapat presentable ako! Hindi yung haggard looking na amoy kusina. Naka chef's uniform pa man din ako.
"Wait, nasaan na yung steamed asparagus?" tanong ko sa kanila.
"Ahm, chef, si Lianne po ang nag p-prepare nun," sabi ni Miko, yung sous chef ko.
"Where's Lianne?"
Tinignan ko ang buong kitchen at nakita ko sa dulo si Lianne na may niluluto pa rin. Nilapitan ko siya.
Sa gilid niya ay nakita kong may plato na may lamang tatlong scrambled eggs.
Mukhang alam ko na kung ano ang pinagdaraanan ng batang 'to ah.
"C-chef Timi..."
"Hindi mo magawa ang hollandaise sauce?"
Nahihiya-hiya siyang tumango sa akin.
"Okay lang 'yan. Makukuha mo rin 'yan. But for now, pumunta ka na doon at sumama ka nang mag present sa kanila. Ako na ang bahala rito."
"T-thank you po..."
Sinunod naman ni Lianne ang utos ko at sumama na sa kanila. Inilabas na nila isa-isa yung mga pagkain at sinabi ko naman na isusunod ko na lang yung steamed asparagus.
Nagmamadali ako sa pag gawa ng hollandaise sauce. Mas lalo pa akong nataranta nung may pumasok na server at sinabing hinahanap ako nung bwiset na si Ice at ayaw mag simula hangga't wala ako doon.
What the hell 'di ba?!
Bakit ayaw niyang magsimula nang wala ako doon? Ako ba ang magsusubo sa kanya ha?
Kakainis!
"Ma'am, uhmm, nagagalit na po si sir. Nasaan na raw po kayo? Pinagtataguan niyo po ba raw siya?" sabi nung server ko na pangatlong beses na akong pinasok dito sa kitchen.
"Ito na, ito na. Lalabas na," sabi ko habang pine-plating ko na ang steamed asparagus na may hollandaise sauce sa ibabaw.
Dire-diretso akong lumabas ng kitchen and the moment na nakita ko siya na naka-upo doon at mukhang inip na inip, na tempt akong lagyan ng sabong panlaba ang asparagus na hawak ko.
Kakainis!
Huminga ako ng malalim to regain my pose.
"Hi!" masigla kong sabi, "let's start?"
Biglang napatayo si Ice then he looked at me weirdly. Then, bigla na lang siyang ngumiti ng nakakaloko.
What the--? Problema nito?!
At kelan pa siya natutong ngumiti ng nakakaloko ha?! Kelan pa!!
Damn it, he's so handsome!
I just raised my eyebrow at him pero hindi ko na lang siya inintindi. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapa-apekto sa nilalang na 'to at mas lalong hindi ko na siya papatulan. Bahala siya sa buhay niya.
Inilapag ko yung asparagus sa table kung saan naka-hilera yung mga foods. Napatingin ako sa mga chefs ko at nagulat ako na ang awkward ng tingin sa nila sa akin. Si Lianne naman, parang may gustong sabihin pero itinikom na lang niya ang bibig niya.
What the hell is happening?
Hinarap ko si Ice at nagulat ako nang sobrang lapit na niya sa akin. Bigla niyang inilagay ang daliri niya sa tip ng ilong ko at parang may pinahid siya doon. Dinala niya sa labi niya ang daliri niya at ngumiti sa akin.
"The sauce is good."
Doon ko lang na-gets ang lahat. Napahawak ako sa ilong ko at ayun nga, may hollandaise sauce ako doon. Nag-init bigla ang mukha ko. Parang gumuho ang confidence ko. Lalo na't nang makita ko yung mga chefs ko na parang gustong matawa dahil sa akin.
I want to glared at Ice. I want to shout at him.
Talagang ginawa niya yun sa harapan ng mga chefs ko? Samantalang ang tagal kong in-earn ang respeto nila ngayon sa akin!
Ang hilig talaga manira ng isang 'to!
Huminga ako nang malalim.
Kalma Timi, kalma.
Nginitian ko si Ice. A deadly smile that could melt anyone.
"Thanks for the complement sir. Though mas masarap ang hollandaise sauce kung i-p-pair natin ito sa steamed asparagus kesa sa akin. Why don't you try it?"
I saw Ice blinked in surprise.
Akala niya magwawala ako sa inis?!
Sorry siya! Nag bago na ako!
Hindi na nag react si Ice at isa-isa na niyang tinikman ang mga inihanda naming foods. Bawat tikim niya ay hindi siya nag re-react.
"So, how is it, sir?" tanong ko sa kanya nang matapos niyang tikman lahat.
"It's okay," matipid niyang sagot.
Wow. Okay lang ang sagot niya?!
"May mali ba sa lasa? Or may gusto ka bang palitan? How about the cowboy casserole?"
"Ayos lang."
Huminga ako ng malalim. Inuubos niya ang pasensya ko ah?
"Sir, you could tell us what's wrong. Para mas mapasarap pa namin yung food."
"Can we talk?" seryoso niyang sabi.
I raised my eyebrow, "we're already talking, sir."
"Alone."
Kahit nag a-alangan akong makipag-usap sa kanya, pinapasok ko muna ang mga chefs ko at pumwesto kaming dalawa ni Ice sa dulong table.
"So...pwede mo na po bang sabihin sa akin kung anong mali sa food namin?" I asked him with my business tone.
He just stared at me seriously.
At dahil ayokong magpatalo, I just hold his gaze.
Kahit na para na akong natutunaw sa tingin niya. Kahit na kinakabahan na naman ako.
"Sir?" sabi ko sa kanya while smiling.
He sighed.
"Timi, stop it. Tayong dalawa na lang ang magkaharap. Why are you still pretending na hindi mo ako kilala?"
I was taken aback from what he said pero hindi ko ipinahalata.
"What are you talking about? I am not pretending na hindi tayo magkakilala. You're my first customer and you're so damn popular kaya paanong hindi kita makikilala?"
Napapikit siya, "Timi, please---"
"---it's Stephanie."
He gave me a long look na para bang sinusuri niya ako. At habang tinitignan niya ako, pilit ko nang pinapahinahon ang sarili ko.
"You've changed," he told me quietly.
I gave him a sad smile, "hindi mo lang nabigyan ng chance ang sarili mong mas kilalanin pa ako noon."
"I'm sorry. I am really, really sorry sa lahat ng nagawa ko."
Napaiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang nangingilid ang luha sa mata ko?
Nung lumipat ako ng school, ilang beses kong hiniling n asana humingi siya sa akin ng tawad. Na aminin niya na pinagsisisihan niya ang ginawa niya sa akin. Papatawarin ko siya. Tatanggapin ko ulit siya sa buhay ko. Kasi naman, mahal na mahal ko siya eh.
Noon.
Pero katulad nga ng sinabi niya, nagbago na ako ngayon.
I smiled at him, "what are you talking about? That's all in the past. Masaya na ako ngayon. And anyway, wala na naman tayong ibang koneksyon ngayon 'di ba? You're my customer and I am your chef. Let's be professional."
Nakita ko ang gulat at sakit sa mata ni Ice habang nakatingin lang ako sa kanya, expressionless. Hindi siya nag salita. Or more like, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
I look at my wrist watch, "anyway, Sir Ice, I think I need to go. May kailangan pa akong puntahan eh."
Tumango lang siya.
"Okay. See you Timi," walang kabuhay-buhay niyang sabi sa akin.
Again, I smiled at him, "it's Stephanie. See you, sir."
Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya. The moment na nakatalikod na ako, nawala na bigla ang ngiti sa labi ko at parang may naka-bara sa lalamunan ko.
Bakit ang bigat sa dibdib? Bakit para akong naiiyak?
It's been five years. I know, okay na ako.
Pero bakit parang bumabalik na naman ako sa umpisa?
Dali-dali akong pumunta sa office ko sa may kitchen at nagpalit ng damit. Matapos nun, nagpaalam na ako sa mga chefs ko na uuna na ako ng alis dahil may kailangan pa akong puntahan.
I need to unwind. Kailangan kong makalimot.
Plano kong pumunta ng bar ngayon at uminom. I called Ayen kung pwede siya kaya lang may i-m-meet pala siyang singer ngayon na susulatan niya ng kanta.
At kung busy si Ayen, malamang na mas busy ang ibang EndMira.
Si Rika naman, nasa province pa rin hanggang ngayon.
So I am all alone.
Lumabas na ako ng restaurant papuntang parking lot nang magulat ako dahil may nakasandal na lalaki sa kotse ko. Naka-suot ito ng puting polo at naka-shades. May naglalarong pilyong ngiti sa kanyang labi at mukhang kanina pa niya ako inaantay.
Agad ko siyang nilapitan.
"Hi," ngiting-ngiting bati niya.
"Kite."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top