Chapter 39
Chapter 39
[Timi's POV]
Nanlalambot ako. Ni-hindi ko magawang pulutin ang phone ko. Nandoon lang ako, nakatayo at naninikip ang dibdib.
Si Ice yun. Malinaw na malinaw. He's with Erin.
He's sleeping with Erin. Fuck. How dare he act so innocent kung ginagawa niya naman pala ang bagay na yun kay Erin?!
Huminga ako nang malalim. Ayokong mag assume. Ayokong mag hinala agad. Ayoko. I need to ask Ice. I need to talk to him.
Baka mamaya old photo na 'to? Baka edited. Baka hindi naman ito tulad ng iniisip ko.
Sana. Sana talaga.
"Timi?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Ice na papalapit sa akin. Agad kong pinulot ang phone ko at sinilid 'to sa bulsa ko.
"Timi tulungan na kita dito," nakangiti niyang sabi habang kinukuha ang mga ice cream.
Tumango lang ako without looking at him.
"Hey, something's wrong?" tanong niya habang pilit na sinisilip yung mukha ko.
I look at him. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong sabihin ang text ni Erin, pero para akong nawawalan ng boses.
Naninikip ang dibdib ko.
Natatakot ako sa sasabihin niya.
I tried my best to smile, "w-wala. May nabasa lang akong depressing news sa facebook kanina."
"Oh..really? Ano yun?"
"M-may namatay...na aso," palusot ko.
"Oh... t-that's sad."
I gave him a sad smile.
He place his arm around my shoulder and he pulled me near him. He kissed the top of my head.
Napapikit na lang ako.
Naiinis ako sa sarili ko. Isang tanong lang yun pero hindi ko magawang sabihin kay Ice. Gusto ko malaman ang totoo but at the same time natatakot ako. Naduduwag ako.
Paano kung niloloko ulit niya ako? Paano kung lahat nang ito eh pagpapanggap lang?
Ayokong malaman. Ayoko. It will break me.
Sabay na kaming bumalik ni Ice sa porch kung saan nandoon sina daddy. Lahat masaya, lahat nagtatawanan at nagbibiruan. Si daddy walang humpay ang pangaasar sa amin. Ang lakas naman maki-ride on nung iba.
Lahat sila botong boto kay Ice.
Nakikitawa ako, nakikipagbiruan.
Pero parang sasabog na sa bigat itong dibdib ko. Parang gusto kong umakyat sa kwarto ko, magkulong at umiyak.
Hindi ko kaya komprontahin si Ice ngayon. Inaamin ko ang duwag ko.
Pero masisis mo ba ako? Minsan na akong naloko at nasaktan ng taong 'to. Ngayon na ibinigay ko na ulit ng buo ang tiwala ko, bigla akong may makikita na ganito.
And I'm afraid that he's going to break my heart again. I'm afraid na matulad na naman ng dati.
Kasi ikamamatay ko na.
"Timi."
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Ice ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Are you okay?"
"Ah o-oo. Medyo sumakit lang ulo ko."
"May sakit ka anak?" tanong ni mommy at agad niyang inilagay ang kamay niya sa noo ko.
"No ma, I'm fine. Masakit lang ang ulo." Tumayo ako, "iinom lang po ako ng tubig."
"May gamot tayo sa medicine kit. Inuman mo na agad yan," sabi naman ni daddy.
"Opo."
Bigla rin tumayo si Ice at sinundan ako.
I want to be alone pero hindi ko alam kung paano ko siya paalisin ng hindi siya maghihinala.
"Where's the medicine kit?" tanong niya.
"No. Hindi ako iinom. Mag tutubig lang ako."
"But Timi--!"
"I'm fine Ice. Nainitan lang ako siguro."
"You sure?"
"Oo naman."
"Anak."
Napalingon ako at nakita ko si mommy na papalapit sa amin.
"Naguwian na sila pero dito makikitulog si Ninang France mo. He'll occupy the guest room."
"O-oh. Paano po si Ice?"
"Don't worry about me. Pwede ako matulog sa sofa," sabi ni Ice sa akin.
"Anong matutulog sa sofa?" sabi naman ni daddy na kararating lang galing sa porch. "Sige na, pinapayagan ka na namin sa kwarto ni Timi. Aalagaan mo naman ang anak namin 'di ba?"
"Daddy!!" saway ko sa kanya.
Grabe ano bang nangyayari sa tatay ko? Feeling ko nagayuma 'to ni Ice eh. Dati halos patayin niya sa tingin yung mga lalaking nanliligaw sa akin. Pero si Ice....
Mapapatay ni daddy si Ice kapag totoong gaguhan ang relasyon namin.
Umakyat na kami ni Ice sa kwarto ko. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Siguro kung hindi ako tinext ni Erin, malamang ang saya ko ngayon.
But now, I just want to be alone. Gusto kong magisip. Ang sikip ng dibdib ko.
"I'll sleep on the floor," sabi ni Ice.
Nilingon ko si Ice and he's smiling at me genuinely.
I sigh.
"Ano ka ba. Nagtabi na tayong matulog nung nandoon ka sa condo ko at kanina 'di ba? Ba't sa sahig ka ngayon matutulog?"
"Timi, I can feel that it's making you uncomfortable and really, it's okay if I sleep on the floor."
"H-hindi naman ako uncomfortable. Medyo masakit lang ang ulo ko. Promise."
Lumapit siya sa akin, "gusto mo masahihin ko ang noo mo para kahit papaano mawala ang sakit ng ulo mo?"
I gave him a smile, "wag na ano ka ba."
Ipinatong ni Ice ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako ng maigi.
"Something's wrong, I can feel it. You know you can tell me right?"
Napalunok ako.
I should tell him the truth. Kailangan kong lakasan ang loob ko. I need to know what's going on. I need to know kung mahal ba niya ako o...
Naramdaman ko na parang gustong kumawala ng luha sa mga mata ko.
I pulled him at hinalikan ko siya.
He kissed me back.
"Timi.." he whispered nang humiwalay siya sa akin.
"I love you Ice."
No. Dapat tanungin ko siya. Dapat malaman ko ang lahat.
Fuck ang duwag ko.
"I love you too."
I kissed him again. This time, mas deeper, mas passionate.
I need to feel it. I need to feel that he loves me. Please, please. Ayokong magduda. Gusto kong magtiwala.
"Timi---"
Hindi ko siya hinayaan magsalita. I kissed him again. More aggressively.
Ang bigat sa dibdib. Bakit ganito.
Ice, do you really love me? Hindi mo naman na ako lolokohin 'di ba? Please.
"Timi!"
Humiwalay si Ice sa akin. Tinignan niya ako sa mata.
"W-we need to stop."
Napakunot ang noo ko. "Bakit?!"
"I-if we don't then I won't be able to control myself."
"I don't care."
I pulled him and I kissed him again.
He kissed me back, harder.
Mas lalo akong hinila ni Ice papalapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mga kamay niya sa likod ko. Pinagapang ko naman ang mga kamay ko sa buhok niya.
I love you Ice. I love you. I love you. Please, sana mali ang hinala ko. Please. Pag nawala ka sa akin, pag niloloko mo lang ako, ikamamatay ko.
I'm scared. I'm really scared to know the truth because it might break me.
I love you.
Napahiga ako sa kama kaya ngayon ay nakapa-ibabaw na si Ice sa akin. Tinignan niya ako sa mata.
"Are you sure about this?"
I badly need to feel that you love me.
Tumango ako.
Bigla na lang akong hinalikan ni Ice. Mas mahinahon. Mas passionate.
Unti-unting bumaba ang halik niya sa chin ko, sa pisngi, hanggang sa mapunta na ito sa leeg ko. Para akong mauubusan ng hininga. Ramdam na ramdam ko ang bawat hawak niya. Sa pisngi ko, sa braso, sa leeg, sa bewang, sa hita.
MY. WHOLE. BODY. IS. BURNING.
Napahawak ako sa braso ni Ice. Ang hirap huminga. Parang umiikot ang buong paligid. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Our lips met again. He held my hand, our fingers intertwined. Humiwalay siya sa akin at tinitigan niya ako sa mata habang magkadikit ang mga noo namin.
"I love you so much," bulong niya sa akin.
Sinabi mo rin ba yan kay Erin habang ginagawa niyo 'to?
Naramdaman ko ang mga daliri ni Ice sa leeg ko pababa sa suot kong polo. Napalunok ako habang nararamdaman kong iniisa-isa na niya ang butones nito.
No, he's not looking at my chest while doing that. He's looking at my eyes. Yung mga tingin na parang sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal.
Ganyan din ba ang ginawa mo kay Erin? Tinitigan siya sa mata habang pinaparamdam mo kung gaano mo siya kamahal?
"I love you," he whispered again. "I love you."
Totoo ba yan Ice?
"Timi..."
He kissed me again.
But this time, I did not kissed him back. Instead, I pulled away.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang bigla akong humiwalay.
"T-Timi..?"
"I'm sorry, I-I think I'm still not ready for this."
"Timi..."
Agad niya akong hinila papalapit at niyakap ng mahigpit.
"I'm so sorry. Timi, I'm sorry. I lost control. Sorry. Sorry!"
Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko.
"Timi please don't cry. I'm really sorry. I promise I will never do that again. I swear."
Umiling ako.
"N-no. N-nag paalam ka. M-my fault. I tempted you S-sorry."
"No. I'm sorry."
Pinunasan niya ang luha ko then he kissed my forehead.
"I'm sorry."
Niyakap ko ng mahigpit si Ice. Mahigpit na mahigpit na mahigpit.
God, please give me strength. Please. Natatakot ako.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top