Chapter 38

Chapter 38


[Timi's POV]


"Ice kumain ka pa. Wag kang mahihiya ah? Kuha lang nang kuha," sabi ni mommy kay Ice habang ipinaglalagay siya ng cowboy casserole sa plato. Kita ko naman ang saya sa mata ni Ice.

"Hindi ka ba kailangan mag diet?" tanong ko. "'Di ba ganun ang mga celebrities? May sinusunod na diet? Lalo ka na, nag m-model ka pa."

"Sus diet diet pa!" sabi naman ni daddy. "Ang tunay na gwapo, 'di na kailangan niyan."

At nangunsinti pa ang ama ko.

"Kaya pala babes wala ka nang abs ngayon," sabi naman ni mommy at hindi ko napigilan ang tumawa.

"Pogi pa rin naman ako," at kinindatan ni daddy si mommy.

Napailing na lang ako at nilingon si Ice. Ngiting ngiti siyang nakatingin sa mga magulang ko.

Siniko ko siya kaya naman napalingon siya sa akin.

"Aliw na aliw ka na."

He smiled at me.

"Ano Ice inuman na tayo!" singit ni daddy.

"Hindi pwede!" sabi ko bago pa makasagot si Ice. Malamang eh o-oo yang Yelo na yan. Palibhasa hindi makatanggi sa tatay ko.

"Bakit hindi pwede?" tanong sa akin ni daddy.

"Uhmm Timi..." singit ni Ice but I cut him off.

"Ayokong magbuhat ng lasing."

"Hindi ko lalasingin si Ice, promise!" sabi ni daddy.

Umiling ako, "daddy isang bote pa lang ng beer lasing na yan."

"U-uy hindi ah..." sabi ni Ice at namumula-mula na naman ang tenga.

Hindi raw? Sapakin ko kaya ang isang 'to.

"O sige tutal ang dami namang dinalang ice cream nitong si Ice, gagawan ko na lang siya ng milkshake!"

Mas lalong nag blush si Ice.

"Hay naku Stephen, hayaan mo muna yung mga bata!" saway ni mommy. "Ang kulit mo. Inaagaw mo na si Ice kay Timi. Hindi mo ba nahahalata na gustong masolo ni Timi si Ice?"

"M-ma!"

I heard Ice chuckled.

Nanay ko ang hilig nanlalaglag eh 'no?

"Anong oras ka ba uuwi hijo?" tanong ni daddy. "May pasok ka ba bukas?"

"W-wala po."

Napalingon ako, "wala kang pasok."

"Yep. Nag leave muna ako sa lahat ng mga gagawin."

"Yun oh! Dito ka na matulog. Mag inuman tayo mamayang gabi para kahit malasing ka pwedeng pwede."

Ang tatay ko talaga ayaw mag paawat sa inuman eh. Jusko.

Tinignan ko si Ice, "ano okay lang sa'yo malasing?"

Napayuko siya, "h-hindi naman ako malalasing eh."

"Oo nga naman Timi! Wala kang bilib dyan sa asawa mo. Hindi malalasing yan!" sabi ni daddy.

"Daddy, boyfriend pa lang po."

"Dun na rin ang uwi nun."

Hay daddy.

Ano ba 'tong pinagmanahan ko.

~*~

Matapos naming mag lunch, pinaakyat kami ni mommy at daddy sa kwarto ko dahil may biglang dumating na mga business partners nila. Mukhang dismayado pa nga si daddy kasi kanina sabi niya tuturuan niya si Ice gumawa ng cowboy casserole after mag lunch.

Natatawa tawa nga si mommy kasi kakakain lang, magluluto na naman? Ibang klaseng trip ni daddy 'to.

Well at least masosolo ko ang boyfriend ko. Who would have thought na ang tatay ko pa ang magiging kaagaw ko? Hay naku.

"So this is your room," sabi ni Ice habang iniikot niya ang tingin niya sa kwarto ko.

Naupo ako sa kama habang siya naman ay lumapit sa shelf ko kung saan nakalagay ang mga cook books ko at iba't ibang cooking manuals.

Napatingin si Ice sa gilid ng bookshelf ko kung saan nandoon yung mga pictures ko. Kinuha niya yung isang picture frame na may photo ko noong 9 years old pa lang ako at may hawak akong cake.

"Ang cute mo noon," nakangiti niyang sabi.

"Noon lang?"

Nilingon niya ako, "maganda ka na kasi ngayon."

Napailing ako habang naka-ngiti. "Saglit pa lang kayo nagkakasama ni daddy, nahawahan ka na agad niya sa mga korning banat?"

Napatawa siya ng mahina. "Bakit pala may hawak kang cake dito sa photo? Birthday mo? Ilang taon ka nito?"

"Hindi. Ayan yung first time kong makapag bake ng cake. I was nine years old. Sa sobrang tuwa ni mommy, aya, pinicture-an ako. Remembrance raw."

"Wow. Nine years old."

"Ay naku, seven years old pa lang ako, laman na ako agad ng kusina. Laging nanunuod kay mommy at daddy pag nagluluto sila. Nung bata ako, mas trip ko mag bake. Enjoy na enjoy ako kapag pinapatulong ako ni mommy sa pagb-bake. Then one time, nagsabi ako sa kanya na gagawa ako ng cake at ayokong tumulong siya sa akin. Binilhan niya ako ng gamit at naunuod lang siya the whole time. Nung unang beses, palpak ang nagawa ko. Hindi umalsa yung cake. Pero nung second try ko, ayun okay na. Sumobra lang yung tamis kasi nag enjoy ako sa pag lagay ng chocolate. Pero as time goes by, mas nag iimprove."

Naupo si Ice sa tabi ko at nginitian ako.

"Ipag bake mo ako next time ah?" sabi niya. "'Di ko pa natitikman ang cake mo."

"Mas masarap mag bake si Kite."

"So? Siya ba girlfriend ko?"

Hinampas ko ng mahina si Ice sa braso. "Sira ka talaga."

Biglang sumampa si Ice sa kama ko at nahiga.

"Oy at home na at home ah!"

"I'm sleepy. Patulog saglit ah?"

Napalingon ako sa kanya at kita kong nakapikit na siya. Tinabihan ko si Ice at tinitigan.

"Anong oras natapos ang shoot niyo kahapon?" tanong ko.

"Hmm? Uhmm maaga," sagot niya nang hindi idinidilat ang mata.

"Weh? Seryoso nga. Bawal magsinungaling. You know I can ask Jasper or yung ibang members ng EndMira."

Idinilat niya ng bahagya ang mata niya at nginitian ako. "Five a.m"

"What?! Inumaga na kayo?"

"Nagkaroon kasi ng problem sa isang location."

Napatahimik ako. Ibig sabihin wala pang tulog ang isang 'to.

Mas lumapit ako kay Ice at hinawi ko ang ilang strands ng buhok niya na tumatakip sa mata niya.

"Magpahinga ka muna," I whispered softly.

Napangiti si Ice habang nakapikit at hinila niya ako atsaka niyakap.

"Timi.." he whispered.

"Hmm?"

"I love your parents."

I laughed softly, "halata nga eh. At mukhang gustong gusto ka rin nila. Lalo na si daddy."

"They really love each other. It's nice. Ang sarap tignan 'no?" Dumilat ulit siya. "Alam mo, hindi ganyan ang parents ko. Wala talagang love sa kanilang dalawa. They got married para mas lumago ang negosyo nila. Kaya hindi ko na-witness ang bagay na yun. Yung sweet at malambing sila sa isa't isa. Kaya tuwang-tuwa ako sa parents mo."

"Ice..." I gently touch his cheek. "Don't worry. Magiging katulad din tayo ni mommy at daddy."

"I know we will."

Hinalikan niya ako sa noo.

"I love you so much."

Nginitian ko siya at niyakap nang pagkahigpit higpit.

"Me too, Ice."

~*~

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kami ni Ice. Pareho na lang kami napabangon nang makarinig kami ng malakas na katok sa kwarto ko.

"Open seasame the doorlalu anubey!"

"Shit!" sabi ko.

Napabangon si Ice habang kinukusot-kusot ang mata.

"Si Tita?" he asked at halata mong groggy pa siya sa antok.

"Hindi!!"

Kumuha ako ng kumot at itinaklob ko kay Ice. Wala man kaming ginawang milagro at fully clothed man siya, it's better to be safe.

"Diyan ka lang. Matulog ka lang," sabi ko kay Ice.

"Inaanak kong dyosa anubey! Open the door!"

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa harap ko ang mukha ng Ninong France ko.

"Inaanak!!! I miss yah!" at niyakap ako ng mahigpit.

"Ninong! What are you doing here?"

Humiwalay siya ng pagkakayakap. "Anong ninong? Ninang dapat gaga!"

"Ay sorry, ninang dyosa!" I winked at him.

"Much better! So, where's the boyfriend?"

"B-boyfriend?"

"Yea! Sabi ni daddy mo nandito si boyfriend?"

"Ah, hehehe."

Naku naman hinahanap na niya si Ice!!

"Timi.."

Napalingon ako kay Ice at inalis niya ang nakatalukbong na kumot sa kanya.

"Timi what---?"

Oh no.

"Oh to the M to the G! Ang pogi dear!" tili ni Ninang France sabay pulupot ng kamay sa braso ni Ice. "Hi pogi, ikaw yung boyfriend ni Timi?" At nagpungay pa ng mata.

"Ah ninang!!" hinila ko si Ice palayo sa kanya.

"Hmp! Binakuran! Parang aagawan kita. Threatened sa beauty ko?"

"No! You're just making him uncomfortable!"

Ice laughed shyly.

"Hehe, I-Ice po name ko," sabi niya.

"Ice," tatango tango na sabi ni ninang. "Pati ang name, pogi pakinggan! Bonggacious!"

"Ninang, ba't po pala kayo napapunta dito?"

"Ay, biglaan lang nagkayayaan na gumorabells dito sa bahay niyo. Nasa baba rin ang iba mo pang mga tito at tita kaya bumaba na kayong dalawa. Gusto nila ma-meet si pogi."

"Ah s-sige po susunod po kami."

"Bilisan ah. Baka mag round two pa kayong dalawa."

Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"N-ninang! W-wala kami ginagawang ganun!"

"Sus! Palusot dot com."

"Ninang!"

"Oo na! Kunyari naniniwala na ako.Bilisan niyo na sa baba!" at iniwan niya kami doon.

"Timi, anong round two sinasabi niya?" tanong ni Ice habang nakatingin sa akin na napaka inosente. Bwiset!

"Wala!"

"Eh?"

"Wag mo nang tanungin! Ayusin mo buhok mo. Nasa baba ang mga kaibigan ni mommy at daddy."

"Ah s-sige."

Pinadaan ni Ice ang mga daliri niya sa buhok niya. Sa totoo lang, mas lalong gumulo ito kesa umayos. Pero ang hot tignan bwiset. Just woke up look. Ang sarap niya ulit hilahin sa kama.

"Err, mas gumulo ba?"

"H-hindi. Gwapo ka na."

He grinned, "talaga?"

Sinampal ko siya ng mahina. "Ba't ngumingiti ka ng ganyan ha?!"

"Eh naga-gwapuhan ka sa akin eh."

"Kinilig ka naman?"

"Oo."

"Ang bading mo Ice."

Pinanliitan niya ako ng mata, "gusto mo patunayan ko sa'yong hindi totoo yang sinasabi mo?"

"Sus ano kaya mo?!"

"Wag mo 'kong subukan."

He stepped forward. Hinawakan ko ang dibdib niya para hindi siya makalapit sa akin. (At libre chansing! Hot eh)

"Oy Ice ah!"

"Mag round one tayo tapos round two na agad."

Nanlaki mata ko at bigla ko siyang nahampas.

"Ikaw! Naiintindihan mo naman pala sinabi ni ninang!"

He chuckled, "sarap mo tignan habang nag b-blush eh."

"Bwiset ka!"

"I love you too!"

He's hopeless.

And I'm hoplessly in love.

Bwiset. Ang keso.

Pero totoo.

~*~

"Ay ang gwapo! Gwapo nga!" sabi ni Ninang Kryzel, ang best friend ni mommy.

"Di ba? Magkamukha kami nung kabataan ko? Kaya in-love na in love si Nami sa'kin eh." sabi naman ni daddy.

Sinampal ng mahina ni mommy si daddy. Napatawa kaming lahat.

"Di ba ikaw yung bokalista ng Endless Miracle?" tanong ni Ninong Drew, isa sa mga kaibigan ni mommy at Tito ni Geo.

"Ah opo. Kayo po yung Tito ni Geo?"

"Yep! Sabi ko na eh. Nakita na kita!"

"Sikat na sikat ang banda niyo grabe," sabi naman ni Tito Rence, ang asawa ni Ninang Kryzel.

"Ay really? Kaya pala poging pogi! Celebrity!" singit naman ni Ninang France.

"Saan ka ba naglalalagi at hindi mo alam na celebrity itong si Ice?" tanong ni Tita Yannie, ang asawa ng kapatid ni mommy na si Tito Nico.

"Gaga. Busy ako maghanap-buhay sa Singapore! You know naman na minsan na lang akey makauwilalu ditey!"

"Pero ito Ice seryosong tanong," sabi ni Tito Rence. "On a scale of one to ten, gaano mo kamahal si Timi? 10 ang pinaka highest!"

Napahawak sa baba si Ice, "hmm..."

Hinampas ko siya, "talagang pinagiisipan mo ha?!"

He grinned, "hindi po nasusukat eh."

Biglang nagtawanan ang lahat habang inaasar kaming dalawa.

"Sabi sa inyo mana sa akin eh!" pagmamayabang ni daddy.

"Pwede pwede!" sabi naman ni Tito Drew.

"Kasalan na yan!" sabi ni Tito Rence.

"Ep! Bago ang kasal kailangan munang maturuan si Ice mag luto," sabi naman ni mommy.

"Eh ako nang bahala doon babes!" at inakbayan ni daddy si mommy.

Napailing na lang ako sa kanila habang ngingiti ngiti.

Kita kong nagbublush na naman si Ice pero halata sa itsura niya ang saya.

Ang galing naman kasi ng isang 'to. Wala pang masyadong sinasabi, nakuha na niya agad ang kiliti ng pamilya ko.

Effortless.

Iba ka talaga Ice.

"Ay anak, kunin mo naman yung ice cream na dinala ni Ice. Kainin natin," sabi ni mommy.

"Ah sige po kukunin ko."

"I'll come with you," sabi ni Ice.

Nginitian ko siya, "wag na. Ano ka ba. Kaya ko na. I-interrogate ka pa nila."

"But--!"

"Kaya ko na," I winked at him at wala siyang nagawa kundi ang mag stay doon.

Pumunta ako sa kusina at kinuha ko yung pistachio flavor na ice cream. Loko talagang Ice 'to, sukat ang daming binili.

Masyado siyang sweet.

Bigla naman tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'to mula sa bulsa ko at nakita kong may nag text. Unknown number.

["You're with Ice?"]

Eh? Sino kaya 'to?

["Who's this?"] reply ko.

Maya maya lang din ay nag reply na agad siya. Pero hindi lang text message ang sinend niya sa akin. May naka-attach din na photo.

Photo ni Ice.

Natutulog.

At sa tabi niya ay si Erin.

["We need to talk, ex-bff. - Erin."]

At tuluyan ko nang nabitiwan ang phone ko.

To be continued.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top