Chapter 37

Chapter 37


[Timi's POV]


"Hindi mapakali si Ice," bulong sa akin ni Ayen habang nanunuod kami ng music video shoot nila.

Maya't maya kasi ang tingin dito sa pwesto ko. Bakas na bakas sa mukha niya na gusto niya na akong kausapin at magpaliwanag.

Alam ko naman talagang hindi si Ice ang nagdala ng playboy magazine. Sus. Baka si Jasper pa ang paghinalaan ko. But si Ice? No.

Ang sarap lang talaga niyang pag tripan.

I know ang sama ko. But I can't help it! I love seeing his face flushed with embarrassment.

"Yaan mo siya," naka-ngiti kong sabi.

"Ikaw talaga, pasaway ka Timi," natatawa-tawang sabi ni Ayen. "Pero wag sosobra sa pang-aasar sa kanya ah? Alam kong malaki ang takot ni Ice na mawala ka sa kanya kaya siya ganyan ngayon."

Tinapik ko si Ayen, "wag kang magalala, 'di ko aabusuhin." I winked at him.

He grinned, "that's good to know. So, nagkausap kayo ni Kite?"

Tumango ako.

"Kamusta naman ang paguusap niyo?" tanong ni Ayen.

"Hmm, okay naman. We're still friends. At sabi niya, naka moved on na siya kaya all is well."

Napatango si Ayen. "Moved on...." bulong niya.

"Why?"

"Wala. Ang ganda lang pakinggan 'no? 'Moved on.' Hanga ako kay Kite. 'Di biro gawin yun eh."

Napalingon ako kay Ayen. Hindi siya nakatingin sa akin instead, pinapanuod niya ang EndMira.

Pero kahit hindi niya ako lingunin, ramdam ko ang lungkot niya.

"Ayen... yung babaeng nagugustuhan mo, umamin ka ba sa kanya na gusto mo siya?"

Napalingon bigla si Ayen sa akin. "Ba't mo naman nai-tanong 'yan?"

"Wala lang. I'm just wondering kung alam niyang gusto mo siya? Baka naman kasi may pagasa ka sa kanya, sadyang nagpaka-torpe ka lang."

Biglang napatawa si Ayen ng malakas. Sinaway pa siya ng director dahil dinig na dinig ang tawa niya.

"Sorry sorry!" sabi niya habang pinipigilan ang tawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Care to explain kung ano ang nakakatawa?"

"Timi," ipinatong ni Ayen ang kamay niya sa balikat ko. "Seriously, lagi kong kasama si Jasper. Nahawa na ako sa lahat ng pang po-porma niya sa mga babae tapos sasabihan mo akong torpe?"

Nanlaki ang mata ko, "so umamin ka doon sa babae?!"

"Hindi."

Napa-palo ako sa noo ko. "Hindi ka umamin? Torpe ka nga!"

"Wala naman mangyayari kung aamin ako."

"Ano namang klaseng palusot yan! You'll never know!"

"She likes someone, Timi."

"So? Umamin ka pa rin dapat. Yes, masasaktan ka. Pero minsan mas okay nang marinig ang masakit na salita para tuluyan ka nang makapag move on."

Umiling siya, "no. It's not that simple. Magugulo lang ang lahat."

"Takot ka lang sa rejection kaya ayaw mong umamin."

He looked at me then he smile. "No. Hindi sa takot ma-reject 'to. Rejected na nga ako kahit hindi pa ako umaamin eh. Hindi rin ito sa pagiging duwag o torpe. It's just that, she is so important to me and I don't want to lose her. Pagka sinabi ko sa kanya, masisira ang friendship namin. Alam kong siya ang kusang lalayo dahil that's how she is. Alam kong masasaktan siya pag nalaman niyang nasasaktan ako and I don't want that. I still want to be her friend. I still want to be by her side kaya hindi ako umaamin."

Napatingin si Ayen sa may kisame. Nakita kong naluluha-luha siya.

Parang naguilty ako. Dapat hindi ko na binrought up. Dapat hindi na.

Hindi ko alam ang sitwasyon niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari but still sinabi ko sa kanya yun.

"Ayen, I-I'm sorry. Wag oh."

He laughed softly, "iyak? Napuwing ako."

"Eh. Sorry na."

"Tss, wag ka nga mag sorry."

Napahinga ako ng malalim.

"I feel sad."

"Hmm? Why? Ang ganda ganda ng lovelife mo ngayon. Wala kang dapat ikalungkot."

"Eh dalawa sa EndMira brokenhearted. Ikaw at si Geo."

"Sus. Buti nga dalawa kami eh. At least may mayayaya akong mag bar mamaya after nito. I-imagine mo kung ako lang 'di ba? Magaya pa ako kay Jasper na nag iskandalo sa bar."

Napatawa ako ng mahina, "please lang wag na kayong mag bar ha? Mamaya pareho kayo ni Geo na magiskandalo. Mas malaking gulo yun. Puputi na ang buhok ng manager niyo sa inyo."

"Well, ginusto niya i-handle ang EndMira eh," natatawa-tawa niyang sabi.

"Sa ilang taong pagkakaibigan natin, buti hindi ako nasisiraan ng bait sa inyo."

Tinignan ako ni Ayen at mas lumawak ang ngiti niya. "Kasi mas pasaway ka kesa sa amin."

Napatawa ako.

"Kung sabagay."

~*~

I tried to talk to Geo after ng shoot nila kaya lang ang bilis niyang nawala. Kanina isang hi lang ang binanggit niya sa akin. Ngayon naman ni-hindi na nakapagpaalam.

Alam kong nakakaramdam iyon na babatukan ko siya kaya siya ganyan. Kaya lang nagaalala na ako sa isang yun. Ni hindi makausap ng matino ng EndMira eh.

"Pinakitaan ko na nga ng picture ng hubad na babae, no reaction pa rin," sabi ni Jasper sa akin.

Hinampas ko nga. Bwiset eh.

"Speaking of..." bulong niya sabay tingin kay Ice na papalapit sa amin.

"Timi, o-okay na ako. Alis na tayo?" ngiting-ngiti niyang tanong sa akin pero halata pa rin ang nerbyos niya.

Hindi ako sumagot at diretso lang ako naglakad palabas.

"Sige guys una na ako!" sabi ni Ice at naramdaman kong sumunod siya sa akin.

"Naku patay siya kay kumander!" dinig kong sigaw ni William at halos mapatawa ako, pinigilan ko lang.

"Timi," tawag niya sa akin nung nakasakay na kami sa elevator pareho papunta sa parking lot.

Dedma.

"Timi!!" hinawakan niya ako sa braso. "Timi I swear, hindi ako ang nagdala nung playboy magazine. May nakaiwan lang nun."

"At tinignan mo naman?"

"No! I mean yes, tinignan ko."

Napalingon ako sa kanya. Pulang-pula ang tenga niya. Ang sarap hawakan. Ay bwiset! He's blushing! Oh gosh, gusto ko siyang i-hug.

But instead, tinaasan ko siya ng kilay.

"Tinignan mo? Hindi ka na makapag antay sa akin kaya katawan na lang ng iba?"

"No! Of course not! S-sina Jasper may kasalanan. They forced me to look at it."

Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"O-okay. Hindi naman nila ako masyadong pinilit, but I am so scandalized I can't look away."

Mas lalo siyang namula.

Alam kong ang sama sama ko dahil pinagtitripan ko siya ng ganito. But gosh! His expressions! It's all worth it.

"Sus. Gusto mo lang makakita ng katawan ng babae."

"Yung iyo lang."

"What?"

"W-wala!"

Hinampas ko siya sa braso. "Ang SPG mo ha?"

"H-hindi ah!"

Napangiti ako ng malawak then I kissed him. Isang mabilis na halik.

"Ba't ang bilis?" reklamo niya.

"Wow. Demanding!"

Nag bukas ang elevator at bumaba na kami ni Ice.

"Where's your car?" tanong niya.

"Iniwan ko na sa condo. Para doon tayo sa kotse mo," I winked.

"Alright! So where do you want to eat dinner?"

I shrugged, "kahit saan. Gusto mo sa condo ko eh. Wala pa si Rika."

"Are you seducing me, Timi?"

"Ang dumi mo mag isip, Ice! Wala pang meet the parents, seduced na agad?"

He laughed, "okay then sa hotel tayo."

"What?!"

"Mag didinner," paglilinaw niya. "Wag madumi mag isip, Timi."

Napailing na lang ako habang nakangiti at sumakay na kami sa kotse ni Ice.


~*~


"Dinner lang kailangan pa sa hotel. Nagpapakitang gilas?" sabi ko sa kanya habang kumakain kami.

"Sige bukas sa MCDO naman tayo."

"Gusto ko yan! Pero hindi ka ba pagkakaguluhan pag kumain tayo sa mcdo?"

"Edi papadeliver tayo sa condo mo."

"So mag i-stay ka sa condo ko?"

"Para kumain."

"Oo nga, para kumain! May sinasabi ba ako?"

Napangisi si Ice.

"Oy Monasterio wag mo akong ngitian ng ganyan ah? 'Di ko pa nakakalimutan yung playboy magazine!"

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Mukha ba talaga akong magdadala ng ganun?"

"Sus. Lahat naman ng lalaki eh."

"Ibahin mo ako. Loyal ako sa'yo. At conservative ako."

Napailing ako habang natatawa.

"Mag-sama kayo ni Stan."

"Stan? At ba't naman nasama sa usapan natin ang lalaking yun?"

"Pareho kayong conservative."

Halos maibuga ni Ice ang kinakain niya dahil sa sinabi ko. Kinailangan pa niyang uminom ng tubig dahil nabilaukan siya.

"Oh ba't parang gulat na gulat ka?"

"Are you serious? That guy? Conservative?!"

I rolled my eyes at him. "Porket mukha siyang foreigner, hindi na mukhang conservative?"

"He punched me."

"Oh ano kinalaman nun?"

"B-basta!" napahinto si Ice then napatingin siya sa akin. "Why do you trust that guy so much? At dinedepensahan mo siya palagi."

"Stan is a good guy, Ice. Feeling ko nga magkakasundo kayo kung hindi lang kayo nagkasuntukan sa unang beses na pagkikita niyo eh."

Umiling siya, "Timi, Jasper told me something. Ayoko nang sabihin sa'yo 'to because I know he's your friend. Pero gusto ko lang magingat ka."

"Hmm? Ano yun?"

"Yung gabing nalasing ka, according kay Jasper, yung Stan na yun—he's taking advantage of you. Buti na lang nakita ni Nica. At buti dumating agad si Jasper."

"What?" it's my turn para mapatawa ng malakas. "That's impossible, Ice!"

"It's true."

Napailing ako, "siguro na-misunderstood niyo lang ang lahat. Hindi magagawa sa akin ni Stan yun."

"How sure are you?"

"Ice, kung ganoong tao si Stan, sana matagal nang may nangyari sa amin."

Napatigil si Ice.

"Y-you mean to say.. you and Stan...?"

"Ano ka ba! Walang nangyari sa amin ni Stan. Matagal kaming naging mag-on pero walang nangyari sa amin. Ilang beses akong natulog sa kanila—magkatabi pa kami—pero wala. Wala talaga. That's why I know na hindi magagawa ni Stan yun. Yung time na una kaming nagkita? I was drunk. Inuwi niya ako sa apartment niya. You know, nung panahon na yun, I am so desperate. I want to feel loved because I feel like a shit. I'm drunk and desperate that's why I throw myself at him. Pero nag held back siya. Pinigilan niya ang sarili niya. Kahit naghuhubad na ako nun, hindi niya ako pinatulan."

Parang nag flashback sa utak ko lahat ng nangyari noon. Inis na inis ako sa sarili ko nun but at the same time, natatawa na lang ako. Buti na lang si Stan ang nakakita sa akin nun kundi, ay, naisuko ko sa iba ang bataan ko.

Pero nung panahon na yun, naalala ko nung akala ko may mangyayari na sa amin ni Stan, hindi ako natatakot o kinakabahan. Actually wala akong nararamdaman nun.

Unlike nung kay Ice. Tabihan pa lang niya ako para nang nagwawala ang buong katawan ko.

Iba talaga pag mahal mo.

Napahawak sa noo si Ice at napahinga ng malalim.

"Then, kailangan ko palang magpasalamat sa kanya...for taking care of you."

"Wag na. Magkakasapakan lang ulit kayo. Hindi ka rin niya gusto."

Napangisi siya, "well atleast the feeling is mutual."

Hinawakan ni Ice ang kamay ko.

"Timi, excited na ako..."

"Pumunta sa condo ko? Ikaw ah. Porket nalaman mo lang na virgin ako gusto mo na agad baguhin yun?"

"No! Ano ka ba. I'm talking about yung sa weekend. Y-yung pupunta ako sa bahay ng parents mo?"

Napangiti ako, "wow! Excited ka! Hindi ka kinakabahan?"

"I'm so nervous I think I am going to have a heart attack."

"Hindi ka naman siguro tututukan ni daddy ng baril."

"Thanks. Nakatulong yan."

Napatawa ako.

~*~

"Tingin mo gusto ng mommy at daddy mo ang pistachio flavor? Eh double dutch? How about rocky road? Kumakain din ba sila ng halu-halo flavor?"

Napa-palo na lang ako sa noo ko nang salubungin ko si Ice sa labas ng bahay namin---nina daddy---na may hawak na apat na gallon ng ice cream.

"Ice, magtitinda ka ba ng ice cream dito?!"

"Eh hindi ko alam ang ibibigay ko sa kanila! Nataranta ako kanina sa grocery kaya binili ko na lang lahat."

Itong si Ice ang gwapo kaso paranoid. Sarap kurutin sa cheeks.

"Anyway let's go. Nagiintay na sila sa loob."

Kinuha ko yung isang plastic na may lamang dalawang gallon ng ice cream sa kamay niya.

"May ube flavor?" tanong ko.

"W-wala. Ayun ba ang favorite nila?"

"Yun ang favorite ko."

Tumalikod si Ice at naglakad palayo.

"Uy! Saan ka pupunta?"

"Bibilhan ka ng ice cream."

Napatawa ako, "ano ka ba! Okay lang! Ikaw talaga."

"Kaso gusto mo yun eh. Tapos kung ano pa ang gusto mo, yun pa ang hindi ko nabili."

"Nandito ka naman eh. Okay na yun." I winked. He grinned.

"I forgot something."

"Ano na naman?"

"Ito."

He leaned forward at hinalikan ako.

"Ang sweet!" sabi ko sa kanya.

"Really?"

I nod.

"Edi isa pa," sabi niya at hinalikan ulit ako.

"Ano yan!"

Bigla kaming naghiwalay ni Ice nang may sumigaw. Nagulat ako nang makita ko si Daddy sa may pintuan, seryosong nakatingin sa amin at nakapamewang.

"G-good morning po!" bati ni Ice.

Dad is glaring at him.

"Hindi ka pa bumabati sa amin, nag f-first base ka na sa anak ko?"

Uh-oh.

"S-sorry po. I-I didn't mean to---I'm so sorry Tito Stephen."

Lumapit si daddy kay Ice. Ang sama ng tingin. Nakita kong napayuko si Ice.

"Ice."

"Y-yes sir?"

Biglang lumawak ang ngiti ni daddy, "I'm just kidding hijo!" at humagalpak siya ng tawa.

Napailing na lang ako.

Magkaka heart attack ata si Ice sa pamilya ko. Hindi lang ako ang mahilig mantrip sa kanya—pati na rin si daddy. Paano kung makikisali pa si mommy?

Inakbayan ni daddy si Ice.

"Anong sir? Anong tito? Tawagin mo na akong dad para mas maganda!" sabi niya.

"D-dad.." tawag ni Ice habang ngingiti-ngiti.

"Oh 'di ba? Mas okay!" masiglang sabi ni daddy.

I rolled my eyes. Hay naku.

"Tara sa loob! Nagluto si Nami ng masarap na pagkain."

At hinila niya na si Ice papasok.

Kinalimutan ang maganda niyang anak sa labas ng bahay.

Hay naku talaga.

To be continued...


Sa mga nagcomment last chapter 35 na manhid si Timi dahil hindi niya mahalata na gusto siya ni Ayen---TSE! Wahahahaha! Kahit kayo rin naman nagulat na gusto rin ni Ayen si Timi eh! Manhid din kayo kagaya ni Timi! Wahahahaha XD


At sa mga nagtataka kung kelan ba nabanggit na may gusto si Ayen kay Timi, baka po nalagpasan niyo ang Chapter 34 :)


Malapit na matapos ang Game Over!! Ilang chapters na lang? SECRET. Magugulat na lang kayo na the end na pala xD


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top