Chapter 36

Chapter 36

[Timi's POV]

"Kite?"

Naka-ngiting lumapit sa akin si Kite.

"Hi Timi! How are you?"

"What are you doing here?"

"Masama na ba akong dumalaw porket may boyfriend ka na?"

Natigilan ako sa sinabi ni Kite. Alam na niya na kami na ni Ice.

"Ice told me," dagdag ni Kite.

"I-I see..."

"Tara coffee? My treat!" ngiting-ngiti na sabi ni Kite.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko. I know Kite is my friend. Pero alam ko rin kung ano ang nararamdaman niya para sa akin kaya naman napapaisip ako kung dapat pa ba na sumama ako sa kanya.

"Timi," ipinatong ni Kite ang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry. I'm not making a move on you. Gusto ko lang mag kape. Wag kang magalala, ipinaalam na kita kay Ice bago pa ako pumunta rito."

"T-talaga?"

"Oo naman. May respeto ako sa pinsan ko at lalo na sa relasyon niyo okay?"

Nginitian ko siya.

"Thank you Kite."

"Sus. Halika na nga!"

Dinala ako ni Kite doon sa café niya. Kaya pala ang lakas ng loob magsabi na treat niya dahil doon din naman niya eh dito rin naman niya ako dadalhin.

"Kamusta yung pesto? Mas okay 'no? Inimprove ko yung recipe eh," sabi niya habang kumakain kami.

"Umamin ka, kaya mo ako dinala rito para ipa-try na naman yung bagong recipe mo 'no?"

He grinned, "ganun na nga. Tsaka para malaman mo na mas lamang pa rin ang cooking skills ko kesa sa'yo."

Napailing ako, "walang-wala ka pa sa level ko. Pero masarap ka naman magluto kaya okay lang yun."

"Ang yabang mo ah? Natikman ko yung desserts sa restaurant mo, mas masarap pa rin yung dito sa café ko."

"Oo na! Pagdating sa desserts talo na ako!"

He chuckled.

"Timi."

"Hmm?"

"I'm glad okay na kayo ni Ice."

Napa-angat ang tingin ko kay Kite. He's looking at me seriously.

"Well, na-basted man ako, at least masaya na ang lovelife mo 'di ba?"

"Kite..."

"And oh, I forgot to tell you na naka-move on na ako sa'yo. Kaya ang tagal kong hindi nagpakita sa'yo dahil inaayos ko na ang buhay ko. Dati nung nagpunta kang Paris, hirap na hirap akong kalimutan ka. Pero ngayon, ang bilis ko na nagawa. Iba pa rin pala talaga kung tanggap mo na sa sarili mo na wala na talaga."

He smiled at me.

Hindi yung mapagpanggap. Walang halong bitterness.

His smile is genuine.

"Kite, salamat ah? And I'm so sorry."

He shrugged, "wala yun. Ganun talaga ang buhay. Yaan mo pag nagka-girlfriend ako ipapakilala ko siya sa'yo."

"Kikilatisin kong maigi."

"Sus. Kung sino man ang magugustuhan ko, for sure pasado sa'yo. Mataas ang taste ko eh."

I giggled, "kung sabagay, nagkagusto ka nga sa akin eh."

"Oo nga! 'Di ba? Nga pala, ang tagal nang hindi nagpaparamdam ni Rika. Kamusta na siya?"

Napataas bigla ang kilay ko dahil sa tanong ni Kite.

"What? Kinakamusta ko lang si Rika!"

Mas tumaas ang kilay ko.

"Timi! Ano 'yan?!"

Ngumisi ako at umiling, "wala!"

"Eh ba't tinataasan mo ako ng kilay? Ang malisyosa mo! I'm just asking."

"Wala naman akong sinasabi ah?"

Napailing na lang si Kite habang nakangiti, "just tell Rika I miss her. Hindi niya kasi ako pinapansin. At wag mong bigyan ng meaning please?"

"Oo na. Inaasar lang kita!" natatawa-tawa kong sabi.

Biglang tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa tumatawag. It's Ice.

"Chinecheck ka na ng boyfriend mo. Walang tiwala sa akin ang mokong."

Napatawa ako ng mahina, "wait sasagutin ko lang yung call niya."

Tumayo ako at medyo lumayo then I answered his call.

~*~

[Ice's POV]

Ilang beses akong napabuntong hininga at kanina pa ako patingin-tingin sa orasan. Ang tagal naman mag 7pm.

Kanina tinawagan ko si Timi at napagkasunduan namin na mag di-dinner kami ng sabay. Syempre naman! Kung nakasama nga niya mag lunch si Kite, dapat kasama niya rin akong mag dinner!

Mamaya gumawa ng moves ang pinsan kong yun eh.

Napa-buntong hininga ako.

Kailangan ko nang tigilan ang kakaisip na karibal ko si Kite. Sinabi na naman niyang sumuko na siya kay Timi. Tsaka girlfriend ko na si Timi. Nag t-text na siya sa akin kung pwede ko siya bigyan ng masahe---which is I turned down kasi baka kung saan mauwi iyon.

Kaya dapat paniwalaan ko at pagkatiwalaan ko na mahal ako ni Timi. Mahal niya ako. Hindi niya ako ipagpapalit.

Napa-hinga ulit ako ng malalim.

Kalalaki kong tao, naiinsecure ako bwiset!

Tumingin ako sa orasan. May two hours pa bago mag 7pm. May isa pa kaming shoot bago kami pwedeng umalis. Miss ko na si Timi. Gusto ko na siyang makita.

"Pre ang ganda talaga!" dinig kong sabi ni Jasper.

Napalingon ako sa kanila at nakita ko sina Jasper, William at Ayen na nagkukumpulan sa isang mesa at parang may tinitignan. Si Geo naman nasa gilid lang nila at busy sa gitara niya.

Nilapitan ko sila.

"Ano yan?" tanong ko doon sa tatlo.

"Halika rito pareng Ice!" inakbayan ako ni William at hinila papalapit sa kanila.

"Tignan mo 'to oh!" sabi ni Jasper sabay turo doon sa tinitignan nila.

Isang magazine.

At doon sa magazine, may babaeng blonde na naka-higa sa sofa at uhmmm---walang saplot.

"Ganda niya 'no?" bulong ni Jasper na parang nandedemonyo.

"Saan niyo nakuha yan?!" tanong ko.

"May nakaiwan lang," sabi naman ni Ayen sabay lipat sa kabilang page.

Ngayon naman isang brunette na babae na nakasakay sa kotse at tanging suot niya lang ay isang eyeglass at necktie. Yun lang, wala nang iba.

"May mas sexy pa dyan! Pakita niyo kay Ice!" sabi ni William at nilipat ni Ayen yung magazine hanggang sa makarating doon sa babaeng nag s-shower at katulad nung mga naunang picture, nakahubad ang babae.

"Ano ba 'yang tinitignan niyo," sabi ko sa kanila sabay iwas ng tingin.

"Ay sorry. 'Di kami aware na mas trip mo ang lalaking nakahubad kesa sa babae?" natatawa-tawa namang sabi ni Jasper.

"Gago."

"Nagmumura si Ice!" sigaw ni Ayen sabay duro sa akin.

"Namumula rin yung tenga. Mas gusto nga niya ata ang lalaking nakahubad!" sabi naman ni William.

"Ikaw Ice ah!" at siniko-siko ako ni Jasper.

"Ano ba--! Tumigil kayo!"

"Nag b-blush ka bro! Ang cute mo! Pa-kiss nga!" inakbayan ako ni William at akmang hahalikan sa pisngi.

"Mandiri ka!"

"Uy ano 'yan?"

Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita at nakita namin si Timi na papalapit.

Si Timi---

What is she doing here?!

"Timi!" salubong ni Jasper at nilapitan niya ang girlfriend ko. Inakbayan pa niya ang girlfriend ko.

"Halika rito may papakita kami sa'yo," dagdag pa niya sa girlfriend ko sabay hila papalapit sa amin.

"O-oy! Anong ipapakita?!" sabi ko sabay harang doon sa magazine.

"Bakit ano ba 'yan?" tanong ni Timi.

"Si Ice nagdadala ng playboy magazine!" sabi naman ni William sabay taas nung magazine na nasa likod ko at inabot niya kay Timi.

"H-hoy! Hindi ko dinala 'yan!" hinampas ko ng mahina si William sa tyan.

"Tsk tsk si Ice mahilig," iiling-iling na sabi naman ni Ayen.

"Wala eh. Lalaki eh. At least alam mong hindi bading si Ice, Timi."

Napatingin ako kay Timi. Nakataas ang kilay niya sa akin at masama ang tingin. Parang nanlamig ang buong katawan ko.

"D-don't believe them! Hindi ako ang nagdala niyan!"

Mas lalong tumaas ang kilay niya.

Para akong aatakihin sa puso.

"Anong oras ang tapos niyo?" tanong niya.

"S-six thirty."

Naupo siya doon. Seryoso ang mukha.

"Sige, iintayin kita. After mo, sumama ka sa akin. Mag uusap tayo."

"Y-yes ma'am!"

Hindi na siya sumagot.

Holy crap. Feeling ko hindi ako makakapag-concentrate nito sa shoot.

To be continued...


Waaah sorry po kung maikli lang ang update ngayon! I'll try my best na makapag update agad agad. Malapit na rin ang "meet the parents." Wahahaha


Anyway, salamat po sa lahat ng greetings last October 10 <3


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top