Chapter 3
Chapter 3
[Timi’s POV]
Finally natapos na rin ang araw na ‘to.
Wala pa akong pahinga. Pagka-landing ng eroplanong sinasakyan ko sa NAIA eh trabaho agad ang inatupag ko. At nakaka-stress ang una kong customer. Nakakastress talaga.
Kaya naman nang matapos ko na ang lahat ng dapat kong asikasuhin, agad akong sumakay ng taxi at dumiretso pauwi sa condo unit ko.
Oo, naka-bukod na ako ngayon kina mommy at daddy. Medyo malayo kasi ang bahay namin sa restaurant ko. Pero supposedly dapat uuwi ako ngayon sa amin kaya lang, wala naman silang dalawa ngayon. Nasa Palawan pa sila at nag ho-honeymoon---ulit.
Buti na lang at hindi kalayuan ang condo ko sa restaurant kaya naman in less than ten minutes, nakarating na ako dito.
Pero nagulat ako pagkabukas ko ng ilaw ng unit ko ay may nagliparang party poopers sa akin at nakita ko ang EndMira sa harapan ko.
“Welcome home Timi!!” sabay-sabay nilang sabi.
“What the hell? Are you serious?!” gulat pero naka-ngiting sabi ko sa kanila.
Dali-dali akong tumakbo papalapit at pinagyayakap ko sila. Si Geo, si William, si Jasper.
“Oy! Ba’t wala akong hug?!” reklamo ni Ayen.
“Naka-isa ka na kanina!” sabi ko sa kanya tapos tinignan ko ang ibang EndMira. “Akala ko nakalimutan niyo na ako eh. Akala ko si Ayen na lang ang nakaalala sa akin.”
“Pwede ba yun? Syempre kahit gaano kami ka-busy, hindi namin palalagpasin na salubungin ang balikbayan naming best friend!” sabi ni Geo.
Lumapit si Jasper sa akin at ngumiti, “so, nasaan na ang pasalubong mo sa amin?”
“Wala!”
“Wala siyang pasalubong guys. Tara na. Umalis na tayo. Dalhin niyo ang cake,” sabi naman ni William.
Nagtawanan kaming lahat.
Nag set up na agad kami at kinain ang cake na dala nila. At dahil puro matatakaw na lalaki ang kasama ko, nag order na rin kami ng pizza pa.
Habang nagku-kwentuhan, hindi ko maiwasang mapatingin sa bawat isa sa kanila. Ang laki na ng pinagbago ng mga itsura nila. Alam kong gwapo na sila noong highschool pa lang kami. Pero nang makita ko sila ngayon, narealized ko na mukha pala talaga silang mga totoy noon. From being a cute kid, they are now a hot, gorgeous grown-up men.
Pero nakakatuwang isipin na kahit nagbago na ng husto ang mga itsura nila, ganun pa rin ang mga ugali nila.
Ang dami naming napagkwentuhan lahat. Kinukulit nila ako sa lovelife ko. At dahil gusto kong gumanti, isa-isa ko rin silang inintriga sa mga lovelife nila hanggang sa mapako ang topic kay William.
“So kamusta naman yung naging girlfriend mo na journalist na shinota ka lang para maka-kuha ng scoop about EndMira?” tanong ko sa kanya.
“Ay malupit ang nangyari!” sabi ni Ayen.
“Nadurog ang puso ni William doon!” dagdag naman ni Geo. “Kala ko mag su-suicide na itong si Will eh!”
“Shut up. I didn’t even like that girl!” depensa naman ni Will sa sarili niya.
“Weh? Talaga?”
“Oo nga sabi! Change topic! Si Jasper naman!”
Nilingon namin si Jasper pero wala na siya sa upuan niya.
“May umiiwas sa topic,” sabi ni Will.
“What happened ba?” tanong ko.
Geo shrugged, “walang nakakaalam sa amin. Basta nagsimula yan ng second year college. Akala namin nagkakamabutihan na yung dalawa then suddenly, they stopped talking to each other. Everytime na tatanungin namin si Jasper, nag-iiba ang mood niya.”
“Wait lang.”
Tumayo ako at nilapitan ko si Jasper na nasa veranda ng unit ko at mukhang may malalim na iniisip.
Tinapik ko ang balikat niya.
“Kung kailangan mo ng alak, may sari-sari store sa may kanto. Meron silang san mig beer.”
Napangiti ng matipid si Jasper, “so napagusapan niyo na ako?”
Hinarap ko siya, “what happened?”
Hindi umimik si Jasper at tumingin lang siya mula sa malayo.
“Okay. I understand If you don’t want to talk about it. But don’t forget na nandito lang kami ha?”
Huminga siya ng malalim at tinignan niya ako.
“Do you remember how much Aiscelle pushed me away when we were in Highschool? Nagsisi ako kasi sana nung tinulak niya ako palayo, lumayo na lang ako. Edi sana hindi niya nagawang makapasok sa buhay ko. Sana, hindi niya nagawang sirain ang buong pagkatao ko.”
Napatulala ako sa sinabi ni Jasper because I understand him. Ganyang-ganyan ang naging sitwasyon ko kay Ice. Ganyang-ganyan ang pinagsisisihan ko.
“Bakit ba tayo ginanito ng mga Monasterio?” halos pabulong na sabi ko sa kanya.
Ngumiti si Jasper, “pamilya sila ng mga heartbreakers.”
Napatango na lang ako. Pamilya nga sila ng mga heart breakers----pero ang hirap din nilang kalimutan.
Sobra.
[Ice’s POV]
Naka-tayo lang ako sa labas ng kwarto ni Erin habang kinakausap ng mama niya ang doctor na pinatawag namin.
Erin is already sleeping at nagamot na rin ang sugat sa kamay niya. Buti na lang at hindi ganoon kalalim iyon.
Maya-maya lang, lumabas na ang doctor kaya naman pumasok na ako sa kwarto niya and I approached her mom.
“Ano pong sinabi ng doctor?”
“Yung pag p-paint niya ang nag trigger ng PTSD episode ni Erin. She used to paint so well. She used to love that stuff. Gusto kong mabalik sa kanya yun,” umiwas siya sa akin ng tingin at alam kong maluha-luha na siya. “It’s been seven years. Masyado ng mahabang panahon ang lumipas. Bakit hindi pa rin niya magawang makakawala sa nakaraan?”
Lumuhod ako sa gilid ng kama ng Erin then I hold her hand.
“It is my fault. I’m so sorry…”
“Hijo,” ipinatong ni Tita ang kamay niya sa balikat ko. “Aksidente ang nangyari. Hindi mo kasalanan. At alam kong nagiging malaking pabigat na ang Erin ko sa’yo, pero nagpapasalamat ako dahil hindi mo siya pinapabayaan. Inaalagaan mo pa rin siya—kayo ni Aiscelle—kahit na ang laki ng kasalanan ko---!”
“Tita!” saway ko sa kanya. “Erin is important to us okay? Hindi namin siya pababayaan. Hindi man siya lumaki na kasama namin, ka-dugo pa rin namin siya. At hindi ko siya kayang pabayaan.”
Nginitian niya ako at muling nagpasalamat bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa unan ni Erin at napansin ko na may papel na naka-singit dito. Kinuha ko naman ito at nakita kong isa pala itong sobre.
Ibabalik ko na sana ulit ang sobre sa ilalim ng unan kaso bigla kong naaninag ang litratong nasa loob ng sobre.
Kinuha ko ito at tinignan at hindi ko maiwasang mapangiti.
It was a picture of Erin when she’s still young. Mga around 13 and 14 years old. Sa litrato, maganda pa ang ngiti niya. Masaya. Punong-puno ng buhay. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako napangiti. Dahil sa litrato na yun, may katabi siya na babaeng may magandang mata at matingkad na ngiti.
Si Timi—at magka-akbay sila ni Erin sa litrato. Masayang-masaya.
I look at Erin.
Alam kong galit siya sa akin at kay Timi. Alam kong kaming dalawa ang sinisisi niya sa nangyari. But I know, deep down, she’s just scared. She’s been living in a dark.
At gagawin ko ang lahat, mai-alis lang siya sa lugar nay un.
To be continued…
***
PTSD = Post Traumatic Stress Disorder
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top