Chapter 29

Chapter 29


[Timi's POV]

"Are you okay?" tanong sa akin ni Ice pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko.

Tinignan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ba't ganyan ang mukha mo? May ginawa ba sa'yo yung Stan na 'yun? Ano ang sinabi niya? Tell me. Susugurin ko siya!"

I gave him a small smile, "wala ano ka ba. Nag usap lang kami."

Napatango si Ice and then he gave me a smile.

"Tara?"

Nginitian ko rin siya at tinanguan.

"Sana hindi ka nagkakamali. Sana hindi ka nabubulag."

Napatingin ako sa labas ng bintana. Paulit-ulit na nag e-echo sa utak ko ang sinabi ni Stan.

Alam ko na binuksan ko na maigi ang mata at puso ko. Alam kong buong katawan at pagkatao ko, sinasabi nang magtiwala ako kay Ice.

Sana nga hindi ako nagkakamali at hindi rin ako nabubulag.

Sana...sana tama lang na binigyan ko siya ng second chance.

"Hey Timi."

Napalingon ako kay Ice.

"Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng lalaking yun sa'yo. You look worried. But don't worry, mag e-enjoy tayo ngayon, okay?"

Napangiti ako kay Ice.

Niloko ni Grace si Stan kasi may kailangan siya rito.

Si Ice, walang ibang ginawa kundi ang pasiyahin ako.

Siguro nga magkaiba kami ng sitwasyon ni Stan.

"Thank you, Ice."

~*~

[Ice's POV]

"Rochelle please! Hindi ako pwede ngayon. Please? Pass muna ako?" sabi ko sa manager ko.

"Ice you need to be here. Nandito rin ang ibang EndMira. Sorry na, biglaang change of sched eh. Promise after nito bibigyan kita ng three days leave."

"But Rochelle---!"

"Timi will understand. Pinatawagan ko na rin siya kay Geo para ipaliwanag."

"What?!"

Napalingon ako kay Timi at oo nga, may kausap siya sa kabilang linya.

Mas lumalim ang pag buntong hininga ko. Nakakainis naman oh!

Nakatigil sa isang gasoline station ang sasakyan namin. May bibilhin lang sana kami sa convenience store nang bigla akong tawagan ni Rochelle para sabihin na na-move today ang album cover shoot namin na supposedly eh bukas pa.

Nakakainis naman. On the way na kami ni Timi sa park kung saan ko siya dapat dadalhin eh. Tapos biglang mauudlot.

Gusto ko lang naman makasama siya. Gusto kong makabawi. Kanina after niyang makipagusap kay Stan, kita ko sa mata niya na bothered siya. Hindi ko alam kung anong problema. Pero gusto ko siyang pangitiin.

Bakit palagi na lang kulang ang oras ko?

"Ice."

Napalingon ako kay Timi na kakapasok lang sa loob ng kotse.

"Sorry Timi ah? Sorry talaga."

"Ano ka ba! Mas mahalaga yun. Sasama na lang ako sa'yo."

Parang biglang pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko at hindi ko mapigilan ang pag lawak ng ngiti sa labi ko.

"Sasama ka?"

"Ayaw mo?"

"Gusto! Gusto ko! Mag eenjoy ka doon promise!"

Napataas ang kilay ni Timi, "and why is that?"

Napangisi naman ako, "dahil mag t-topless ako?"

Hinampas niya ako sa braso ko.

"Hindi ko ikakasaya yon! Marami na akong nakitang lalaking naka topless. Sawa na mata ko."

"Tignan lang natin!"

"Hindi ako maapektuhan sa'yo."

"You're a bad liar!" ngiting ngiti ko pa ring sabi.

"I'm not!"

"Oo kaya! Pero okay lang. Masarap ka naman mahalin eh. Sobra."

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Timi. Napalunok siya at iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"M-mag drive ka na nga! Ma-late ka pa eh!"

Mas lalong napa-lawak ang ngiti ko.

"Alright love!"

"Anong love?!"

"T-timi pala! Timi."

Nag pout siya.

"Pero matatawag rin kitang love at ganun din ang itatawag mo sa akin at wala kang magagawa. Sapilitan 'to," bulong ko sa kanya.

Napangiti siya.

"We'll see."

Tumango ako.

"We'll see."

Nagsimula na ako mag maneho. Nawala na ang badtrip ko.

Next time ko na lang doon dadalhin si Timi. Masaya ako na makakasama ko pa rin siya buong mag hapon.

~*~

[Timi's POV]

"Wow pre! You're here!" salubong sa akin ni Jasper na naka coat and tie at pormang porma.

"Ang pogi natin ah!" sabi ko sa kanya.

"Oo naman. Nagpapogi talaga ako para pag lumabas yung album namin at nakita ako ng mga babaeng nagpaiyak sa akin, magsisisi sila." Napalingon si Jasper kay Ice, "no offense sa kakambal mo ah?"

Hinampas ko ang tyan ni Jasper.

"Ang loko mo!"

Tumawa naman ng mahina si Ice, "okay lang yun. At hindi mo na kailangan magpagwapo para iyakan ka ng kakambal ko. Ngayon pa lang umiiyak na siya dahil sa'yo."

"Yon? Iiyakan ako? Si Aiscelle Monasterio na sobrang taas ang tingin sa sarili eh iiyakan ang kagaya kong hampaslupa? No offense ulit ah?"

Napailing si Ice, "siguro dapat mo siyang kausapin ng maayos."

"No thanks bro. Naka moved on na ako."

"Hindi halata."

Napakunot ang noo ni Jasper. Nawala na rin an gang good vibes na aura ni Ice.

Napalunok ako.

Ba't nakakaramdam ako ng matinding tension sa pagitan ng dalawang 'to?

Buti na lang at tinawag na ng make-up artist si Ice at pinagpapalit na siya. Naiwan naman ako sa tabi ni Jasper.

"Naka-moved on ka na ba talaga kay Aiscelle?"

"Oo naman Timi. Kahit makipagbalikan pa siya sa akin ngayon, ayoko na. Tama na ang isang torture. Tsaka okay na ako 'no."

"Dahil ba kay Nica?"

"Eh? Si Nica? Paano siya napasok sa usapan na 'to?"

"Dahil close kayo. Ininvite mo pa siya sa concert! Hinatid mo pa siya paguwi!"

"Eh ininvite rin naman kita? Dahil kaibigan kita. At kung walang maghahatid sa'yo pauwi, ihahatid din kita."

Napa-simangot ako. May point siya.

Pero ba't iba pakiramdam ko?

Iniwan ko si Jasper doon at nilapitan ko ang ibang EndMira. Nandito rin si Ayen kaya lang hindi siya nakaayos which means hindi siya kasali sa shoot.

"Pupunta ka rito pero wala ka namang dalang pagkain," sabi ni Ayen.

Sinapak ko nga sa braso. Bwiset eh. Nanumbat pa samantalang kada pupunta siya sa restaurant ko, hindi niya binabayaran mga kinakain niya. Kapal ng mukha.

Napatingin ako sa paligid. May nakita akong mga babae rin na naka gown at ayos na ayos. Mukhang kasali rin sila sa shoot.

"Mukhang pinaghandaan ang album niyo ah? May ibang models din na kasama."

"Ah yes. May photobook kasi na kasama ngayon yung album. May part doon na may mga ka-pair ang EndMira."

"Oh, I see."

Tinignan ko yung mga girls. Lahat ang gaganda. Sino kaya ang maswerteng ka-partner ni Ice?

Bwiset parang nagseselos ako.

"Ayan na pala si Ice. Mag start na tayo," dinig kong sabi ni Rochelle.

Napalingon ako kay Ice. Naka coat and tie na rin siya. May kausap siyang isang lalaki doon na tingin ko eh yung photographer.

Napalunok ako.

Ang gwapo niya.

Anak ng--! Sabi niya mag t-topless siya mamaya? Pero bakit parang dito pa lang eh busog na mata ko?

Seryoso bang mahal ako ng nilalang na 'to?

May lumapit na babae sa kanya. Naka gown ito na red. Petite, maganda, mukhang may lahi.

Nag shake hands sila.

Bakit? Bakit niya hinahawakan ang kamay ni Ice ah?!

"Siya yung partner ni Ice. Ganda 'no? Kabahan ka na, Timi," bulong ni Ayen sa akin.

"Wag kang maka-punta punta sa restaurant ko!"

"Joke lang! Ikaw naman! Ikaw pa rin loves niyan!"

"Tse!"

Napabalik ang tingin ko kay Ice. Nakatingin na rin siya sa akin at nginitian niya ako.

Napangiti rin ako at ramdam ko na naman ang pag init ng mukha ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

Hanggang kelan ako pakikiligin ng isang 'to?!

"Guys we have a problem," dinig kong sabi ni Rochelle. "Kulang tayo ng isang model. Hindi makakarating yung partner ni William."

"Ha? Eh kailangan nang mapush yung photoshoot!" sabi naman nung photographer.

"Okay lang po siguro kung wala akong kapartner," sabi naman ni William. "Sanay naman akong mag-isa eh."

Natawa ako, "drama mo boy!"

"Ako na lang partner ni William!" sabi naman ni Ayen. "Bagay naman kami eh."

"Oo nga! Si Ayen na lang. Feeling ko in love na ako sa kanya eh."

"Mga tol tumigil kayo ha! Nakakadiri na!" sabi naman ni Geo habang natatawa-tawa.

Nagtawanan na rin kami.

"Hay naku! Hindi ko makuhang mamroblema sa inyo eh kasi puro kayo kalokohan!" sabi naman ni Rochelle.

"Ganun talaga Rochelle. Kasama sa trabaho mo ang kaharapin ang kalokohan namin!" sabi naman ni Jasper.

Napailing na lang habang ngingiti-ngiti si Rochelle.

Siguro na-realized niya kung gaano siya kaswerte na EndMira ang mina-manage niya. Kasi ganun din ang nararamdaman ko. Ang swerte ko na sila ang kaibigan ko.

"Pero eto na seryoso. Pwede tayong tulungan ni Timi!" sabi naman ni Ayen.

Napalingon ako bigla, "eh? Ako? Saan naman ako hahanap ng model. For your information, chef ako at hindi talent agency---" natigilan ako.

Lahat sila nakatingin sa akin at nakangisi.

"You look so beautiful, Ms. Timi," sabi ni Rochelle. "What do you think, Fredie?" tanong naman niya sa photographer.

Napatingin yung photographer sa akin mula ulo hanggang paa at nginitian ako.

"Perfect madam!"

"E-eh?!"

Lumapit si William sa akin, "Ms. Stephanie Cruz, will you be my partner for this shoot?"

"T-t-teka lang guys ha! Hoy ah tigilan niyo ako ha!"

"Dali na! please?! Ice oh pakiusapan mo naman si Timi!" sabi naman ni Geo.

WOW!

"Timi, please? Babawi ako sa'yo promise!"

He smiled at me. Yung killer smile. Yung ngiting nagpapalundag sa puso ko.

Leche.

"Oo na! Mahal talent fee ko!"

At hinatak na ako ni Rochelle papasok ng dressing room.

Mabilis nila akong inayusan. Buti at magaling ang make-up artist nila dahil kahit nagmamadali, ang ganda pa rin ng kinalabasan. At infairness, naka-ilang selfie ako dahil ang ganda ko talaga ngayon.

Pinausot nila ako ng gown na color white. Fit ito sa katawan ko, floor length, pero high cut kaya kita ang right leg ko.

"Ay ayan! Ang pretty pretty!" sabi ni Fredie. "Girlaley kinabog mo pa ang ibang model dito!" bulong niya sa akin.

Napa-ngiti ako. Ano ba! Lumalaki ulo ko sa mga ganyang praises eh! Pero aware naman ako na mas maganda ako sa kanila.

Lumabas na kaming dalawa.

"Ganda oh!" sabi ni Jasper. "Miss can I get your number?"

"Sure. At pakibayaran na rin lahat ng utang mo sa restaurant ko!"

"Aw! Kala ko friends tayo!"

Napatawa na lang ako habang iiling-iling.

Biglang tumama ang tingin ko kay Ice. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Parang sinusuri niya ang kabuuan ng itsura ko.

Ano ba! Wag niya nga akong tignan ng ganyan!

Para akong kinukuryente.

"Let's start guys! Nakuhanan ko na sina Geo at Jasper together with their partners. Kayo naman ang next Ice and Timi."

"Eh? Ako? Akala ko po si William ang partner ko?"

"Nag palit na kami ni Ice," sabi ni Will sabay kindat.

Ay anak naman ng---!!

I love you pre!

Lumapit si Ice sa akin.

"Tara?"

Tumango ako.

Ba't kinakabahan ako?

"Alright! Mag pose kayo na parang nagsasayaw kayo. Timi, ipatong mo yung dalawang braso mo sa shoulders ni Ice. Ice, ang kamay sa bewang ni Timi."

Sinunod namin ang sinabi niya.

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Ice. Yung kamay naman niya naramdaman ko sa bewang ko.

Oh god. Nakukuryente na talaga ako.

"Ay mga bhe, ano yan? Dance na pang highschool prom? More intimacy! Iinggitin natin ng bongga ang mga fans! Closer!"

Medyo naglapit kami ng onti ni Ice.

"Nandidiri ba kayo sa isa't isa? Timi, ang hot ni Ice pagkakataon mo na 'to! Closer!"

Ice chuckled.

Walangyang photographer 'to ah?!

"Closer!"

"Ano bang closer gusto nito?" bulong ko.

"Baka yung ganito."

Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Ice papalapit sa kanya. Inayos niya ang kamay ko sa balikat niya. This time, mga braso ko na ang nakapatong dito at magka-lock na ang dalawang kamay ko sa batok niya. Siya naman, magka-lock na ang dalawang kamay sa likuran ko.

"Ayan! Ganyan! Bonggacious! Pagdikitin niyo ang mga noo niyo!"

Idinikit ni Ice ang noo niya sa noo ko at napangiti siya.

"I'm glad na tinawagan ako ni Rochelle para mag photoshoot ngayon," bulong niya. "Sobrang ganda mo. I badly want to kiss you."

Nag-init ang mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa labi ni Ice.

At bigla na lang nag flash ang camera.

To be continued....


Readers, mawawala ako ng isang linggo kaya baka one week ding walang update. Mag babakasyon lang si Ms. Author. Hahanap ng inspirasyon sa tabing-dagat. Hahaha.

Kita-kits after a week! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top