Chapter 28

Chapter 28


[Timi's POV]


"At pag dumating na ang right time, patay ka talaga sa akin."

Napalunok ako. Agad kong kinuha yung tindor sa harap ko at sumubo ng cowboy casserole na niluto ko.

At nakakabwiset dahil ang init, napaso dila ko.

"Aw!"

"Are you alright?" nakangiti niyang sabi sabay abot ng isang basong iced tea.

BWISET. Iced tea talaga?!

Ininom ko 'to.

"Ba't parang natataranta ka?" naka-ngisi pa rin niyang tanong.

Anak naman ng!

Kanina lang namumula siya. Kanina parang hiyang-hiya siya. Ngayon naman ang yabang na naman ng dating niya.

Ba't hindi ako manalo-nalo sa taong 'to?!

"Namumula ka. Kinikilig?" tanong niya ulit.

"No. I'm furious."

"Bakit naman?"

"Ewan ko sa'yo! Nakakabwiset kasi mga jokes mo eh!"

"Joke? Sino nagsabing nagbibiro ako. I'm serious nung sinabi kong naghihintay ako ng right time. I'm serious nung sinabi kong patay ka sa akin. But don't worry, in a good way naman yun."

He winked. Mas lalong nag init ang mukha ko.

"Ikaw ha Monasterio, alam mong---!"

Biglang nag ring ang phone ko.

"Save by the bell," ngiting-ngiti na sabi niya.

Pasalamat siya! Pasalamat talaga siya! Pero hindi pa ako tapos sa kanya!

Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin. It's Rika. Bigla akong kinabahan.

Agad akong lumayo kay Ice at pumwesto kung saan hindi niya ako maririnig.

Ano na kaya ang nangyari sa paguusap nila ni Geo? Hindi naman bayolenteng tao si Geo. Hindi naman siguro siya magwawala o gagawa ng eksena 'di ba?

Teka sino bang niloko ko?!

Si Jasper nga hindi bayolente pero nagawang mag wala sa bar dahil broken hearted!

Agad kong sinagot ang tawag ni Rika.

"Hello Rika?! Are you okay?"

"Yes Timi I'm fine. Tumawag lang ako para hindi ka mag-alala. Hindi ako makakuwi tonight."

"Eh? Why? What happened?"

"Sinugod kanina si daddy sa ospital. Over fatigued. Dito muna ako mag stay para bantayan siya."

"Oh my gosh! Kamusta si tito?"

"Okay na siya. No need to worry. G-Geo's here with me."

"Rika..."

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Rika.

"I wasn't able to talk to him, Timi. Bago ko pa masabi, naka-receive na ako ng tawag na sinugod si daddy."

"It's alright Rika. It's alright. Makakahanap ka ulit ng tamang oras."

"Timi... nakokonsensya ako. Sana kaya kong turuan ang puso ko 'no? Para siya na lang.."

"Rika, alam mo ba, narealized ko na yan ang pinaka mahirap gawin. Ganun naman talaga eh, may masasaktan at may masasaktan ka. Pero mas okay nang masaktan mo siya at least nagpaka honest ka kesa naman ang bigyan siya ng false hope na may pagasa siya sa'yo."

"You're right. Sana katabi kita ngayon. I need a hug."

"I'll be there in a sec."

"No! Ano ka ba! You don't need to do that. Magpahinga ka na okay? See you tomorrow."

"Are you sure?"

"I am. Good night Timi."

"Good night Rika."

I ended the call.

Napa-buntong hininga ako.

Sana pag nagawa nang sabihin ni Rika kay Geo ang nararamdaman niya eh maging maayos pa rin ang relationship nila.

"Okay ka lang?"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong papalapit sa akin si Ice. Kung kanina, may nakakalokong ngiti sa labi niya, ngayon naman nagaalala ang mukha niya.

I can't help myself to smile.

Dati poker face at isang matipid na ngiti lang ang nakikita ko sa kanya. Pero ngayon unti-unti ko nang nakikita ang iba't-ibang emosyon niya.

This guy broke my heart.

But still, sa simpleng paraan, kayang kaya niya akong pasiyahin at paibigin ulit.

Grabe ka talaga Ice.

"Why are you smiling?"

"Wala lang. Wala."

Lumapit si Ice sa akin at nginitian din niya ako.

"I love you."

Napa-hinga ako ng malalim.

Those words are so powerful. So powerful that it could take my breath away.

Tatlong salita na kayang kayang maka-cause ng tsunami sa feelings ko.

Lalo na at siya ang nagsabi nito.

"B-ba't mo naman bigla biglang sinasabi 'yan?"

"Wala lang. Dati ang hirap bitiwan ng mga salitang yan. Ngayon gustong-gusto kong paulit ulitin sa harap mo."

"Ice..."

Kinuha ni Ice ang kamay ko at hinawakan niya ng mahigpit.

"Thank you dahil hinayaan mo ako ngayong gabi na makasama ka. Sobrang na-appreciate ko yun, Timi."

Napaiwas ako ng tingin. Ang init na naman ng mukha ko. Para akong may daga sa dibdib.

Ano ba yan, ba't parang nanunuyo lalamunan ko? Ba't ako ninenerbyos.

Napalunok ako.

"P-pwede naman ulit tayo l-lumabas bukas... dahil wala ka naman gagawin 'd-di ba?"

Hindi sumagot si Ice.

Napa-angat ang tingin ko sa kanya.

He's smiling brightly.

Oh god. I love his smile.

Medyo tinulak ko siya palayo sa akin.

"Kung ayaw mo 'di wag!"

"N-no! Gusto ko! I want to! Hindi lang ako nakapag react kanina kasi akala ko nabibingi ako. Pero gusto ko. Please? Labas tayo? Please?"

"Oo na sige na. Napipilitan na ako kasi excited ka."

"Kahit ikaw ang nagyaya?"

"Heh! Wag na tayo tumuloy!"

"Joke lang! Buti napilitan ka sa akin. I'm really happy!"

Ang lawak ng ngiti ni Ice. Ang ganda ng mata niya. Buhay na buhay.

My heart skipped a beat.

Ang sarap talaga malaman na ikaw ang nagpapsaya sa isang tao. Lalo na kung yung taong 'to eh mahal mo.

Tae oo na inaamin ko na.

Bigla akong may naalala.

"Oh my gosh! May kikitain pala ako bukas ng mga lunch time!"

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Ice.

"Uhmm. Sa work?"

Umiling ako, "no. It's Stan."

Mas lalong naging gloomy ang aura ni Ice at kumunot ano noo niya.

"Ba't ka makikipagkita sa kanya?"

"Wala. May date kami," sabi ko casually. Pero deep inside humahagalpak na ako ng tawa.

Ang sarap mang makita ng ngiti niya, ang sarap din niyang pagselosin.

Lulubusin ko na 'to. Dati kasi hindi nagseselos si Ice sa kahit na sino eh.

"Ba't kayo may date? Kayo na ba ulit? Makikipagbalikan ka na sa kanya?"

Nagkibit-balikat lang ako at naglakad ako papunta doon sa may stool.

"Timi!"

Hinawakan ni Ice ang wrist ko kaya napaharap ako sa kanya.

Nawala ang kapilyahan na ginagawa ko.

Kita ko sa mukha niya ang takot.

"Mahal mo pa ba si Stan?"

Nginitian ko si Ice.

"Masyado kang kinakabahan. Maguusap lang kaming dalawa."

"T-talaga? Hindi kayo mag d-date?"

"Hindi. Niloloko lang kita."

Napabuntong hininga siya ng malalim at nginitian niya ako.

"Sama ako."

"Huh? Ayoko!"

"E-eh baka kung anong gawin sa'yo nun."

"Mabuting tao si Stan."

"Masakit pa rin yung suntok niya sa akin."

"May black eye rin naman siya dahil sa'yo."

"Pero kasi---!"

"Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?"

Napayuko siya, "nagtitiwala...."

"Yun naman pala eh. Wag kang mag-alala, saglit lang kami maguusap bukas."


~*~


Akala ko talaga babae lang ang makulit eh. Kahit mga lalaki rin pala.

Napatingin ako kay Ice sa driver's seat na ngiting ngiti habang nag p-park sa cafe kung saan kami magkikita ni Stan.

Okay na kagabi eh. Nagkalinawan na na saglit lang kami maguusap nitong si Stan at kahit hindi na siya sumama. Hindi na siya kumontra nun. Nag movie marathon pa nga kaming dalawa eh. (Big Hero 6 at Meet the Robinsons ang pinanuod naming. Say no to romance movie pag kasama siya.) Doon siya natulog sa amin.

Ako sa kwarto ko. Siya sa sofa ng living room.

Paglilinaw ko lang.

Tapos kaninang umaga, ang sigla pa niyang mag breakfast. Nag goodluck pa sa akin sa paguusap namin ni Stan.

Tapos bigla na lang sumakay sa kotse ko. Ihahatid na raw niya ako. Wala akong nagawa kasi nanakaw na naman niya ang susi ko.

Kaya eto ako ngayon, kasama ko siya.

Anak ng tinapa.

"Don't worry, hindi ako lalabas ng kotse," sabi niya.

"This time ba nagsasabi ka na ng totoo?"

"Promise! Peksman mamatay man si Stan!"

"Ice!"

"Joke lang!" he laughed. "Promise. Promise talaga."

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Magagalit talaga ako sa'yo pag lumabas ka ng kotse. Promise rin talaga!"

He gave me a smile, "at ayoko naman magalit ka. Kaya dito lang ako. I'll be a good boy," he winked.

Napangiti ako.

Kainis.

Ang pogi. Sarap patayin.

Bumaba na ako sa kotse at pumasok sa cafe. I immediately spotted Stan. Nilapitan ko siya.

"Hey Stan."

Napa-angat ang tingin niya sa akin. He look so wasted. Ang gulo ng buhok niya, lukot ang damit, ang laki ng eyebags, at kita ko pa rin ang pasa sa mukha niya gawa ng suntok ni Ice.

"Are you okay? What happened?"

Napapikit siya.

"Help me," halos pabulong niyang sabi.

"Stan.... Anong problema? Please tell me!"

"I---I followed her here in the Philippines. I thought she still loves me. Pero naloko na naman ako. Ang sakit Timi."

"Is it Grace?"

Tumango si Stan. Napahinga ako ng malalim.

Grace is Stan's ex girlfriend. Yung girlfriend niya bago ako.

Yung nanloko sa kanya dati.

Yung dahilan ba't siya nasasaktan at ba't naging kami.

Naalala ko yung gabing yun. Nasa Paris na ako at nagaaral. Madalang lang ako nun mag check ng social media accounts ko kasi iniiwasan kong makita noon si Ice. Pero yung araw na napili ko pang i-check yung social media ko eh yun din yung araw na ang bumungad sa timeline ko ay ang photo ni Ice at katabi niya si Erin.

Isang photo lang yun pero parang bumalik lahat sa akin yung sakit. Hindi pa gumagaling ang sugat ko dahil sa kanila, nadagdagan na naman ng bago.

I went to this pub near my apartment in Paris. Halos walang tao doon sa pub. Perfect place para magpakalasing. But that time, nandoon din si Stan at nagpapakalasing. Nag break na kasi sila ni Grace nun.

Si Grace na minahal niya ng husto. Binilhan niya ng mga mamahaling gamit, pinatira niya sa apartment niya, pinakain niya, inalagaan niya. Tapos malalaman niya na pineperahan lang pala siya.

Yung gabing nakita ko si Stan sa pub na yun ay yung mismong gabi kung saan nahuli ni Stan si Grace na may kasamang lalaki....sa kama niya.

No need to elaborate things. Kitang-kita na ng dalawang mata niya ang lahat eh.

Magkaklase kami ni Stan pero hindi kami close. Pero nung gabing yun, doon nagsimula ang relationship namin.

Nag open up siya sa akin. Ganun din ako. Sabay kaming umiyak at nagpakalasing.

Nagising ako sa apartment niya. Katabi ko siya.

At doon na nagsimula ang abusive na relationship namin.

Kami pero walang pakielamanan. We're just using each other para makalimot.

Kaya nung tinapos namin ito, parang wala lang din.

"Bakit binalikan mo pa siya Stan?"

"I love her."

"At nagpaloko ka ulit ganun?"

Napapikit siya at hinawakan niya ang kamay ko.

"I need you."

"Stan---"

"Please Timi? Pwede ba natin ulit i-start yung relationship natin? Please. Please. Hindi ko kaya yung sakit eh. Please."

"Hindi ako ang gamot para makalimot ka Stan. Yung relationship natin dati, oo, pag magkasama tayo pansamantala natin nakakalimutan ang sakit noon pero hindi totally nawawala. You really need to move on. You need to forget her for good."

"It's not that easy, Timi. Ang sakit."

"I know you can do it."

"Ikaw ba nagawa mo na?"

Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang hindi.

Kasi siya pa rin ang mahal ko.

Hindi ko alam ba't ko pinapangaralan si Stan ngayon. Pareho naman kami ng ginawa 'di ba? Pareho naming binigyan ng chance ang mga taong nanakit sa amin.

Napalingon si Stan sa labas ng bintana.

"I saw you with that guy."

"S-Stan..."

"Tinatanong mo ako kanina kung bakit ko pa binalikan si Grace. Ikaw, ba't mo pa siya binalikan?"

"Pinatunayan niya na worth it siyang bigyan ng chance, Stan."

"Same as Grace, Timi. Pero mali pa rin ako."

Tumayo si Stan then he tapped my shoulder.

"Sana hindi ka nagkakamali. Sana hindi ka nabubulag."

At bago pa ako makasagot, tuluyan na siyang umalis.


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top