Chapter 23
Chapter 23
[Timi's POV]
"Rika, kailangan mong sumama sa akin! Magagalit talaga ako sa'yo pag hindi! Alam kong naka leave ka at wala ka talagang importanteng gagawin!"
Napa-simangot si Rika, "eh kasi Timi..."
Bumuntong-hininga ako.
Kakasabi ko lang kay Rika yung about sa mini concert for a cause ng EndMira. Sinabi ko na binigyan kami ng tickets ni Geo at ine-expect niya na pupunta kami doon.
Pero tulad ng ikinakatakot ko, ang dami nang idinahilan ni Rika, wag lang pumunta sa concert na yun.
At ramdam ko kung bakit.
"Are you avoiding Geo?"
Napa-iwas ng tingin si Rika, "no I-I'm not."
"Kilala kita at alam kong nagsisinungaling ka. May ginawa bang mali si Geo sa'yo?"
Nilingon ako ni Rika.
"Timi.... Hindi ko siya kayang harapin."
Nagulat ako nang makita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Rika.
Lumapit agad ako sa kanya.
"Hey, what's wrong?"
"Timi... nakokonsensya ako," napayuko si Rika at pinunasan niya ang luha sa mata niya. "I still love Kite at nakokonsensya ako kay Geo."
"Oh no.." napa-akbay ako kay Rika.
"Alam mo yung akala ko naka-move on na ako kay Kite pero nung nakita ko siya na-realized kong hindi pa pala? At naiinis ako sa sarili ko kasi gustong-gusto ko na si Geo na lang ang mahalin ko. Ang tagal na niyang nandyan para sa akin. Pero hindi ko magawang suklian yung nararamdaman niya. Kada nakikita ko siya nakokonsensya ako. Nasasaktan na kasi siya dahil sa akin. Nahihirapan na siya. Iniisip ko, sana pwede ko na lang baguhin ang nararamdaman ko. Kaso hindi eh. Hindi ko siya kayang harapin...."
Napa-buntong hininga ako.
"Pero Rika, mali na iwasan mo siya. Knowing Geo, alam kong nararamdaman niyang iniiwasan mo siya. Yun lang, wala siyang idea kung bakit. Tingin mo hindi siya nasasaktan ng ganun? I think mas better kung kausapin mo na siya."
"Natatakot ako Timi. Ayokong makita yung expression niya pag sinabi ko sa kanya yun. Ayokong makitang masaktan siya."
"You need to do it. Rika, ibinigay na ni Geo sa'yo ang puso niya sa loob ng limang taon. Never siyang nainips sa'yo. Ang haba na ng panahon na yun, Rika. Kung wala talaga, pakawalan mo na siya. He also deserves to be happy."
Hinayaan ko munang mapag-isa si Rika. Hinayaan kong makapag-isip siyang maigi.
Sa totoo lang, nalulungkot ako para kay Geo.
Hindi ako against na si Kite ang gusto ni Rika. Alam ko kung bakit niya nagustuhan ito. At masakit dahil alam ko ang nararamdaman ni Kite para sa akin.
Pero kung tatanungin ako, sana nga minahal na lang din ni Rika si Geo.
Alam kong may pagka-loko loko ang kaibigan kong yun. Pero kung ikukumpara naman kay Jasper, Ayen at William, mas matino ng mga 5% si Geo sa kanila. At alam kong kahit may times na nahahawa na siya sa pagka-baliw nung tatlo, naniniwala akong tapat mag mahal yang si Geo at sobrang loyal.
Five years niyang inantay si Rika. Five years! At nakakalungkot kasi itatapon lang ni Rika basta yon!
Lakas maka Popoy at Basha ng peg kahit hindi naging sila!
Yun lang, kung wala na talaga, mas okay na rin na pakawalan na ni Rika si Geo.
Alam kong makakahanap pa rin ng iba si Geo. Yung kaya nang suklian ang pagmamahal niya.
Sana lang wag magsisi ang best friend kong si Rika.
Dahil naka-leave si Rika, iniwan ko siyang mag-isa sa condo namin. Sa totoo lang gusto ko na rin mag leave para naman may kasama si Rika. Mamaya mag suicide yun don.
Charot.
Hindi naman suicidal ang babaeng yun at kasama naman niya si Hotdog. Pag-aalaga pa lang kay Hotdog malilibang na siya at di na niya maiisip pa ang nararamdaman niya.
Paano kasi ang asong yun, dahil tuta pa lang at bulilit pa lang, hindi pa masyadong marunong kung saan ang tamang lugar para mag pupu.
Libangan ko si Hotdog.
Para di ko maalala si Ice. Thank you Ice sa regalo mo. Minsan ayoko nang turuan si Hotdog kung saan ang tamang pupu-an para naman ma-distract ako palagi. Yun lang mangangamoy sa condo namin.
Pagka-park ko sa tapat ng restaurant ko, biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko sa bag ko yung phone para tignan kung sino ang tumatawag.
Calling...
Monasteriong panget...
AY TINOLA! BA'T SIYA TUMATAWAG SA AKIN HA?! BAKET?
Ano ba! Sasagutin ko ba o hindi? I-end call ko ba? I-o-on ko na ba ang airplane mode ng phone ko? Ano! Ano ba!
Sagutin ko na lang?
Paano kung magyaya siyang kumain sa labas?! Hindi ako makaka-hindi kasi inindian ko siya last time!
Libre kaya niya?
Bago pa ako makapag decide kung sasagutin ko ang tawag o hindi, huminto na sa pag ring ang phone ko.
Napa-simangot ako.
Ano, walang pasensya?! Hindi lang na sagot agad, i-e-end mo na agad?! Ganon?! Hindi makapag-antay?!
Bigla ulit tumunog yung phone ko at nakita kong tumatawag na naman siya.
OH MY GOD!!!
Timi kalma! Ano ba! Tatampalin kita!
Sinagot ko yung tawag niya.
"Hello?" dinig kong sabi niya mula sa kabilang linya.
Ay fuschia! So ginagamitan niya ako ng just-woke-up-husky voice niya? Ganon? Paos? Ganon! Akala niya hot yang ganyan ha?!
"What?" irita kong sabi.
"Where are you?" tanong niya naman.
AT BAKET KAILANGAN MONG MALAMAN KUNG NASAAN AKO?! TAYO BA HA? TAYO BA?
"Sa restaurant ko. Bakit?"
Napakamot ako sa ulo ko. Pancit! Ba't ko sinabi?!
"Ah... wala lang."
Ba't naiimagine kong naka-ngiti siya ngayon? Yung ngiti niya na sobrang lawak na nagiging rainbow shape na yung eyes niya.
What the hell is happening to me?!
"Okay. Don't call me again kung wala ka namang importanteng sasabihin!" irita kong sabi sa kanya.
Buti na lang wala siya sa harapan ko.
Buti na lang hindi niya nakikita ang ngiti sa labi ko na hindi ko magawang itago.
Walanjo!
"Oh, alright! Sorry Timi," sabi niya pero halata naman sa boses niya na hindi talaga siya nagsisisi sa ginawa niya.
"B-bye na," sabi ko.
"Ingat ka ah? Bye."
And then he ended the call.
Wow. Siya naunang nagbaba ng phone!? Hindi ba dapat ako?!
Napailing na lang ako.
Oh god, what the hell is happening to me. Ba't lahat na lang ng bagay nagiging big deal sa akin ngayon?
Lahat ng bagay na may kinalaman kay Ice.
Gusto ko nang umuwi at mag pulot ng pupu ni Hotdog.
Bumaba na ako sa kotse at pumasok sa restaurant. Nagulat ako nang pagpasok ko, walang kumakain ni isang customer.
Instead, ang daming naka-set up na lights sa paligid na para bang may nagaganap na photoshoot ngayon dito.
Nakita ko agad si daddy na may kausap na isang lalaki.
Naka-chef's uniform ngayon si daddy. Pormang porma. Gwapong gwapo na akala mo eh binata pa rin. Ang ayos pa ng buhok at mukhang kagalang-galang.
Nilapitan ko siya.
"Hey dad."
"Oh, Timi, you're here! Nandito na ang mga photographers! Mag ayos ka na."
"P-photographers?"
Napa-kunot ang noo ni daddy, "hindi ka ba na-inform ng mommy mo?"
"Eh? Na ano?"
Napakamot siya sa ulo.
"Naku sabi ko sa mommy mo sabihan ka eh."
"Daddy!"
Napataas siya ng dalawang kamay.
"Okay, okay, i-f-feature 'tong restaurant natin sa isang sikat na food magazine. I-interview-hin ka rin kaya mag-ayos ka na."
Mas lalo akong napa-simangot, "daddy naman eh! Sabi ko ayokong nagpapa-interview sa mga ganyan! Ba't hindi niyo po ako sinabihan agad?"
"Eeh anak, just this once okay? Nandyan na rin si Ice eh."
Nanlaki ang mata ko.
"S-s-si Ice?! Si Ice?! What is he doing here?!"
"Errmm... regular customer? Kailangan mag interview ng regular customer eh. Tsaka endorser na rin natin siya."
Humila ako ng upuan at napa-upo ako.
Shet.
Sabi na eh. Dapat dati ko pa ipinalipat sa pangalan ko ang restaurant na 'to para hindi na magawang makielam nina daddy.
Hindi naman sa gusto kong angkinin lahat ng profit.
It's just that...
...sa lahat ng artista sa mundo, BA'T SI ICE PA?!
~*~
"Hi," naka-ngiting bati sa akin ni Ice.
Kalalabas ko lang ng restroom para magpalit at sakto nun ay kalalabas lang din niya ng restroom ng boys.
Naka-ngiti siya sa akin. Yung malawak na ngiti niya na naimagine ko sa kotse kanina nung kausap ko siya sa phone.
Naka v-neck shirt lang siya na blue at pants na itim. Medyo nakababa ang buhok niya ngayon. May naka-sabit na shades sa shirt niya.
At amoy ko ang pabango niya.
"Hi Timi," paguulit niya sa bati niya sa akin nung 'di ako sumagot.
I rolled my eyes at nag walk out ako. I heard him chuckled.
BWISET!
Una akong kinuhanan ng mga photos. Ma-e-enjoy ko sana 'to kung hindi nanonood sa akin si Ice. Alam kong bawat galaw ko sinusundan niya ng tingin. Nako-concious ako. Nakaka-ilang. Ang sarap niyang sapakin.
At sa sobrang nerdyos ko, nasipa ko pa yung lamesa at tumapon yung ICED TEA na nasa ibabaw.
Great. Just great.
Sumunod naman na kinuhanan ng photo is si Ice. Nag serve ng isang dish namin at kunyari kinakain niya.
Gusto ko talagang mag mura.
Kakain lang kailangan ganyan ka-gwapo? Nakakapikon!
Hindi ko mai-alis ang titig ko sa kanya. Na-glue na ang mata ko sa mukha niya.
Nakakainis talaga. Nakakainis!
Ayoko nitong epekto niya sa akin. Ayoko talaga.
Lumabas ako ng restaurant para magpahangin.
"Timi?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Stan na kabababa pa lang ng kotse niya. May hawak siya na isang bouquet of flowers.
"Stan? What are you doing here?"
Nilapitan niya ako, "I came here to apologize, Timi."
"For what?"
"For what had happened last time. I shouldn't have brought you a bar. I'm so sorry. I went overboard.
Here, take this," iniabot niya sa akin yung bouquet na hawak niya.
Napailing na lang ako habang naka-ngiti, "I'm not mad at you, Stan. Sumama naman ako sa'yo eh. Okay lang yun."
"Really?"
"Oo naman!"
"Then let me make it up to you! Tara mag dinner later? Promise hindi na kita dadalhin sa bar. At wala ng alcohol. I swear to God!"
"Uhmm.. I'm not sure..."
"Please? Please please please?"
Nag puppy eyes siya sa akin. Yung dati niyang ginagawa nung kami pa pagka may gusto siyang puntahan na lugar at gusto niyang kasama niya ako.
Napatawa naman ako.
"Hindi ka pa rin nagbabago! Ba't ganyan ka!"
"What?" ngumisi siya. "Do I still have the same effect on you?"
"Ewan ko sa'yo Stan. But I'm sorry. I'm not sure talaga ngayong gabi. I need to go home early."
Dahil ayokong iwan si Rika ng matagal.
"Okay then sama ako sa inyo? I'll cook for you. Hindi lang ikaw ang chef dito."
O-oo na sana ako nang bigla kong marinig ang boses ni Ice.
"Timi?"
Napalingon kami pareho ni Stan sa kanya.
"Is he the guy who broke your heart?" bulong ni Stan sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.
"Your dad is looking for you," sabi ni Ice sa akin.
"S-sige susunod na ako sa loob."
Tumango lang si Ice at naglakad na siya papasok.
"Wait bro," dinig kong sabi ni Stan.
Oh no. Oh no.
"Ikaw ba yung kausap ko sa phone nung isang gabi?" tanong niya dito.
Kausap sa phone?
Teka, nagkausap sila sa phone ni Ice? Kelan?
Nung nasa bar kami?
Wala akong matandaan.
"Ah... ikaw yung kasama ni Timi nung gabing yun," sabi naman ni Ice.
Shet.
Anong nangyari nun?!
"So, ikaw nga yung guy na yun," sabi ni Stan.
"Na ano?"
"Na nagpaiyak kay Timi dati."
At bago pa ako makapag-react, binigyan ni Stan ng isang malakas na suntok si Ice.
~*~ ~*~ ~*~
- Erin's Journal -
First year highschool.
Gustong gusto ko na nandito kina Timi. Gustong gusto kong nakikita kung gaano kaganda ang pamilya nila.
At kung paanong tinatrato nila ako na parang isa rin ako sa kanila.
Walang kapatid si Timi. Only child. Kaya naman ilang beses niyang sinasabi sa akin na sana kapatid na lang niya ako.
Hindi niya alam na ilang beses ko rin hiniling ang bagay na yun.
Maswerte siya sa buhay niya. Masaya ang pamilya niya. Mahal na mahal siya ng mga magulang niya.
Gustong-gusto ko na nandito sa kanila. Kaya kada niyayaya niya ako mag overnight, go ako.
Wala naman paki si mama eh. Busy siya mag sugal. Si Ate Ella naman, bumalik na sa Italy para magtrabaho.
At si Mr. Monasterio? Kelan ba ako kinamusta nun? Pumupunta lang yun sa amin kapag wala ng perang pang sugal si mama.
At least dito kina Timi, natatakasan kong lahat ng yun.
Yun lang, tinatanong na ako ni Timi kung bakit hindi ko siya dinadala sa amin. Nauubusan na ako ng dahilan eh. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo.
Baka hindi niya ako matanggap. Baka ayawan niya ako at husgahan.
Hindi ko kaya.
Ayoko nang mawalan ng kaibigan dahil doon.
Ilang tao na ba ang nanghusga sa akin dahil sa sitwasyon ko?
Masasaktan ako pag si Timi na ang gumawa sa akin nun.
Kasi gusto ko siyang kaibigan at ayoko siyang mawala sa akin.
Natatakot ako.
- Erin
~*~
Aly's note:
Fallers, pasensya na po kung medyo natatagalan ang update. May inaasikaso po kasi akong manuscript at isinisingit ko lang ang pag uupdate sa free time ko. Pasensya na po ulit. Salamat sa mga nakakainitindi < 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top