Chapter 22
Chapter 22
[Timi's POV]
Napa-hinto ako sa tapat ng kwarto ni Rika. Nanginginig ako. Naninikip ang dibdib ko.
Ba't hindi ako kino-confront ni Ice sa nangyari kahapon? Ba't hindi niya ako sinusumbatan? Ba't hindi siya nagagalit sa akin?!
Huminga ako ng malalim and instead na kumatok ako sa room ni Rika, bumalik ako sa dining area kung saan nandoon si Ice at nagaayos ng pagkain.
Hinarap ko siya.
Inangat naman niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya ako.
"Let's eat?"
Napapikit ako.
Dati, I'll do everything makita ko lang siyang ngumiti sa akin. Pero ngayon, parang patalim na sumasaksak sa puso ko ang bawat ngiti na 'yan.
Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Wala ka bang gustong sabihin sa akin, Ice?" tanong ko sa kanya.
Takang-taka naman niya akong tinignan, "what's wrong Timi?"
"Pinaghintay kita kagabi," diretsahan kong sabi.
"I know."
"Sinadya ko yun."
"I know."
Hindi ko alam kung bakit pero mas lalong nag init ang ulo ko.
Alam niya na sinadya ko, pero ba't wala siyang reaksyon?!
"I think you deserved it," sabi ko sa kanya.
Hindi ko rin alam kung ba't ko siya pino-provoked. I want him to be mad at me. Gusto kong sumbatan niya ako.
Para magkaroon uli ako ng dahilan para kagalitan siya. Hindi yung ganyan ang inaasal niya.
"Sinabi mo na sa akin ang bagay na 'yan kagabi," sagot niya sa akin.
"At wala lang sa'yo yun? Wala kang paki sa iniisip ko ganun?"
Umiling si Ice at inilapag niya sa lamesa ang hawak niyang baso.
"No Timi. God knows kung gaano ko pinapahalagahan ang lahat ng iniisip mo sa akin."
"Then why are you acting like that Ice? Bakit kung umasta ka parang wala kang pakielam?!"
Huminga ng malalim si Ice at nilapitan niya ako. He looked at me intently. Na para bang binabasa niya kung ano man ang nasa isip ko.
And oh god, ang hirap huminga.
"Because I also think I deserved it," he told me softly.
Napalunok ako. Hindi ko ine-expect ang ganitong reaksyon mula sa kanya.
Bakit basta basta na lang niya tinanggap ang ginawa ko sa kanya.
"Galit ka sa akin," my voice broke.
"No. I am not mad at you Timi."
"K-kung tingin mo deserve mo ang bagay na 'yun, ba't ka pa nag punta rito? Ba't mo pa ako sinusuyo ha? Hindi mo ba naisip na pwede ko ulit gawin sa'yo yun? Pwede ko ulit ulitin ang bagay na 'yon?!"
"Okay."
"Anong okay?!"
"Okay. If gagawin mo yun, tatanggapin ko. Pero hindi mo ako mapapatigil. Sinabi ko na sa'yo dati 'di ba? Hindi ako susuko, Timi."
He look so determined and unwavered. Na parang kahit anong sabihin ko para layuan niya ako, hindi siya makikinig.
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Kahit ang sarili kong nararamdaman hindi ko na rin maintindihan.
I am so scared. I know this guy is really capable of hurting me, of breaking me. If I give my heart to him again, para ko na naman itinaya ang buhay ko.
Kasi kung sakaling niloloko niya lang ulit ako, kung sakaling pakana ulit ito ni Erin, hindi ko na alam kung makakayanan ko pang masaktan ulit nang katulad nung dati.
Ikakamatay ko na kapag naranasan ko ulit ang bagay na yun.
"I am not asking you to love me again, Timi. Naiintindihan ko kung gaano kahirap yun. N-narealized kong malabo nang mangyari yun dahil sa mga sinabi mo sa akin kagabi. Ramdam ko ang galit mo sa akin. But I hope na sana hayaan mo lang ako na bumawi sa'yo. Masaya na ako sa kapatawaran mo. Kaya please? Give me a chance na patunayan sa'yong pinagsisisihan ko ang lahat ng yun."
I opened my mouth to say something but I immediately close it again.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-sagot kay Ice.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o maramdaman.
Naputol ang moment namin nang biglang tumakbo si Hotdog papalapit kay Ice at nagtatatalon dito na parang nagpapansin. He barked at Ice while wiggling his tails.
Napa-ngiti si Ice at binuhat niya si Hotdog.
"I think he's hungry. Nagdala ako ng dog food for him. Sabi nung vet, gatas daw muna ang ipakain sa kanya. He's still not allowed to consume solid foods."
"He's happy to see you," I told him softly.
Mas lumawak ang ngiti ni Ice then he scratched Hotdog's tummy.
"You're happy to see me, buddy? I'm glad you do. Sana hindi lang ikaw ang masaya na makita ako."
I cleared my throat at tinalikuran ko si Ice.
Hindi ko alam kung may epekto pa rin ang alak sa katawan ko pero naramdaman ko na naman ang pag init ng mukha ko.
"T-tatawagin ko lang si Rika para kumain na tayo."
At iniwan ko na si Ice doon.
~*~
[Ice's POV]
"Ice, late ka na. Anong nangyari sa'yo?" tanong ng road manager naming si Rochelle mula sa kabilang linya.
"I'm on my way Rochelle. Don't worry. Malapit na ako."
"This is so not you, Ice! Never kang na-le-late!"
"There's always a first time. Sige na, bye na."
At bago pa siya magtatatalak pang muli, I ended the call. For sure mas naginit ang ulo nun kasi pinagbabaan ko siya. Pero mangiintriga lang yun nang mangiintriga kung bakit ako na-late.
Halos kaalis ko lang sa condo unit ni Timi. Kahit hindi niya ako masyadong kinakausap nung kumakain kami, hindi ko pa rin maitatago na masaya ako kasi hindi niya ako pinalayas sa condo niya kahit ang laki ng galit niya sa akin.
Napatingin ako sa palawit na nakasabit sa salamin ng kotse ko.
Isang lucky charm na ibinigay sa akin ng isang munting anghel na nakilala ko kagabi.
Ang dahilan kung bakit nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob para puntahan si Timi ngayon.
Lakas ng loob para wag sumuko sa kanya.
(Flashback)
Lumabas ako sa restaurant ng restaurant na nanlalambot. Pakiramdam ko mukha akong tanga kanina doon. Mahigit isang oras akong nag stay doon na tanging isang tasang kape lang ang in-order ko. Kapansin-pansin pa ang bouquet ng bulaklak at yung aso na stufftoy na dala ko.
Kapansin-pansin din yung reporter na nasa kabilang table lang na pasimpleng kinukuhanan ng litrato ang isa sa pinaka miserableng pangyayari sa buhay ko.
Ang sarap mag wala. Ang sarap manapak. Gusto kong sugurin yung reporter pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mas malaking eskandalo yun at ayokong isugod si Rochelle sa ospital dahil sa highblood.
Sumandal ako sa kotse ko at huminga ng malalim. Kita ko na may gasgas ang harap ng kotse ko. Siguro ayan yung pinalo ng handbag nung matandang babae na aksidente kong nabusinahan kanina.
Napapikit ako at nag echo na naman sa tenga ko ang mga sinabi ni Timi sa akin.
She really despise me. Ramdam ko ang tindi ng galit niya sa akin.
Ramdam kong hinding-hindi niya ako mapapatawad.
May point pa ba 'tong ginagawa ko? May kapupuntahan pa ba 'to?
Paano nga naman niya ako patatawarin kung hindi ko magawang i-paliwanag sa kanya ang lahat?
I want to tell her everything. Pero pag ginawa ko yun, si Erin naman ang maapektuhan.
I don't want that to happen.
Napailing na lang ako.
Ang hirap maipit sa ganitong sitwasyon.
Pero natatakot ako.
Timi's with her ex.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos.
Kasama niya ang ex niya na yun. Naguusap sila, masayang nagtatawanan, nag bibiruan? God knows kung nasaan sila ngayon.
Baka mamaya niyan---
Napailing ulit ako at mas dumoble ang inis ko sa sarili ko.
I am so pathetic. I could never ever win her back.
"Ah... excuse me po..." may kumalabit sa braso ko at may nakita akong isang babae na siguro mga nasa mid or early 40's na ang edad. Nakangiti siya sa akin habang hawak-hawak ang phone niya. "Pwede po bang magpa-picture yung anak ko? Eh fan na fan mo siya."
Sometimes I hate my work.
Sa ganitong panahon, gusto kong mapag-isa pero meron at meron pa ring lalapit sa akin.
Gusto kong sabihin na wala ako sa mood. Na ayoko. Na mukha bang kaya kong ngumiti ngayon sa picture?
Napahinga ako ng malalim.
"Sige po. Pero saglit lang po ah? Kailangan ko na po kasi umalis."
"Sige po! Sige po! Naku thank you sir! Naku! Salamat talaga! Ah nandito po yung anak ko. Cecily, dali!"
Sinundan ko yung babae sa kabilang kotse at napahinto ako bigla nang makita ko ang isang dalagita---mga nasa around 14 or 15 ang edad---nakaupo sa wheelchair dahil putol na ang kanang hita niya.
"H-h-hi po!" nahihiya-hiya niyang bati sa akin pero kita ko ang saya at buhay sa mga mata niya.
Hindi ko na rin mapigilang mapangiti.
"Picture tayo?"
Tumabi ako sa kanya at umakbay. Kinuhanan naman kami ng picture nung babae na sa tingin ko ay mama niya.
"Thank you po, Kuya Ice. Sobrang fan na fan niyo po talaga ako. Kayong buong EndMira! Kasama na rin doon si Kuya Ayen!"
"Oo nga po. Naku yang batang yan laging nagpipilit na makapunta sa concert niyo. Eh hindi naman pwede at alam kong siksikan doon."
"Ganun ba? Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Cecily po."
"Cecily..." napatango ako at kinuha ko yung bulaklak at stufftoy na dapat ibibigay ko kay Timi. "Sa'yo na lang, Cecily."
Masayang-masaya niyang kinuha ang ibinigay ko sa kanya.
"Thank you po Kuya Ice! Pero para po ata 'to sa espesyal na babae sa buhay mo. N-napansin ka po namin ni mama kanina sa restaurant."
"Hindi ko rin naman alam kung magugustuhan niya iyan. Kaya sa'yo na lang."
Ngumiti siya ng malawak, "okay po! Tatanggapin ko 'to kasi bigay mo sa akin 'to! Sana po makita ko na po kayo ulit kasama ang ibang EndMira! Tapos promise nun may album niyo na ako na mapapapirmahan ko!"
"Oo nga po. Laging nagiipon yang si Cecily para maka-bili ng album niyo. Tumutulong pa siya sa sari-sari store ng kapitbahay namin para lang magkasahod at nang may maipang-bili!" natatawa-tawang sabi niya.
"Tutulong? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ko sa kanya.
Nag kibit balikat siya, "medyo po. Pero ayos lang naman po sa akin mahirapan."
"Naku ikaw talaga. Wag mo nang gawin yun. Bibigyan kita ng album. Give me your contact details."
"Wag po! Okay lang po."
"No I insist."
Umiling siya, "wag po please? Hindi po sa nahihiya ako. Para po kasi sa akin worth it kayong paghirapan dahil napapasaya niyo ako. And more than enough na po iyon, kuya Ice. Love ko kayo eh! Kaya okay lang talaga sa akin."
Natigilan ako bigla sa sinabi niya.
Worth it paghirapan.
Nakalimutan ko ang bagay na yun. For a moment, naging selfish na naman ako. Iniisip ko ang oras ko, ang panahon ko, ang effort na nasasayang. Iniisip ko ang magiging outcome.
Pero nakalimutan ko ang tunay na dahilan kung bakit ko ginagawa ito.
Hindi lang dahil sa mahal ko si Timi at gusto kong mapatawad niya ako.
Kundi dahil worth it siya na paghirapan. Worth it kasi kahit anong mangyari, siya ang nagpapasaya sa akin.
"Kuya Ice, ibibigay ko po sa inyo 'to."
May ini-abot siya sa akin na isang parang keychain na kulay blue at gawa sa tela.
"Lucky charm ko po. Pero alam kong mas gagana sa inyo yan."
Napangiti ako.
"Thank you Cecily."
Niyakap ko siya at muli kong binulungan.
"Salamat."
~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~ ~*~
- Erin's Journal -
First year highschool – First day of classes.
Ano kaya ang pakiramdam na maging close ka sa papa mo? Ano kaya ang feeling na hinahatid ka niya sa school tapos yayakapin mo siya bago siya tuluyang umalis?
First day ko sa bago kong school. Private na ngayon. Nakakapanibago. Pero ayoko dito. Gusto kong bumalik sa public school ko dati.
Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan ipagpilitan sa akin ni Mr. Monasterio na lumipat ako ng paaralan. Kelan pa siya nagkaroon ng paki na sa public school lang nagaaral ang anak niya sa labas?
Pero ayun nga. Nang makarating ako sa school, nakita ko sa entrance ang isang babae. Estudyante rin siya dito. Hinatid siya ng daddy niya at niyakap niya ito bago siya pumasok sa loob ng campus.
Siguro close na close sila ng daddy niya.
Nakakainggit.
Ayokong maging close kay Mr. Monasterio. (Ni hindi ko nga siya magawang tawaging papa o tatay eh.) Pero ang hiling ko lang? Sana magkaroon ako ng ibang tatay.
Mabait yung unang asawa ni mama. Yung daddy ni Ate Ella. Kaya lang maaga siyang kinuha ng Diyos sa atin.
Pero si Mr. Monasterio? Ayoko sa kanya. Siya na ata ang pinaka walang kwentang nilalang na nakilala ko.
Isama na niya ang buong pamilya niya.
Yung kambal niyang anak na dito rin sa paaralan na 'to nagaaral? Hindi ko sila gusto. Wala naman silang ginagawa sa akin. Sa totoo lang, para ngang hindi ako nag eexist sa buhay nila eh. Kanina nakita nila ako pero hindi nila ako binati. Dinaanan lang nila ako na para bang isa akong kaluluwa.
Pero mabuti na rin yon at ayoko rin silang kausapin.
Lalo na yung babae. Kamukhang-kamukha kasi niya ang mama niya.
At yung mama talaga nila ang kinaiinisan ko. Yung tunay na asawa ni Mr. Monasterio.
Tanda ko nun kung paano niya sinugod si mama sa bahay. Sinabunutan niya si mama at sinigawan nang sinigawan. Gusto niya rin akong sabunutan nun at paulit-ulit niya akong sinasabihan ng anak sa labas. Kaya naman napilitan si Ate Ella na ipasok ako sa kwarto.
Pero nakakataka, bakit siya nagagalit kay mama? Hindi naman alam ni mama na may asawa na si Mr. Monasterio eh. Dapat nga kami pa ang magalit 'di ba? Mas may karapatan kaming magalit. Lalo na si mama.
Kasi, naloko na siya, nabuntis pa siya. In the end, iniwan pa siya ng hayop na lalaking yun.
Narinig ko ang paguusap dati nina mama at Aling Sonia—yung kapitbahay namin. Kinukwento ni mama kay Aling Sonia na dati, muntikan na niya akong ipalaglag. Unwanted child kasi ako. Aksidente. Pero pinigilan siya ni Ate Ella.
Utang ko talaga ang buhay ko kay Ate Ella.
Sa totoo lang, mas inaalagaan pa niya ako kesa kay mama. Kasi alam kong ayaw akong tinitignan ni mama. Nakikita niya sa akin si Mr. Monasterio.
Galit talaga ako sa taong yun.
Kanina sa school, alam ko na ang mangyayari sa akin. Tanggap ko nang wala akong magiging kaibigan sa paaralan na yon.
Hindi ako magaling makipag kaibigan. Madalas gusto kong magisa. Ayoko nang may kumakausap sa akin.
Kaya nairita ako nung naki-share sa table ko yung babaeng nakita ko sa entrance ng school. Yung babaeng close sa daddy niya.
Kaya nga sa dulo ng cafeteria ko pinili kasi gusto kong mapag isa eh.
Pero hindi ko ine-expect na maeenjoy ko ang mga kwento niya.
Para siyang si Ate Ella. Madaldal, maraming kwento. Lagi siyang naka-ngiti at palatawa.
Stephanie Mikael Cruz.
Magaan ang loob ko sa kanya.
Sana tama ang hinala ko.
Sana pwede ko siyang maging kaibigan.
Sana hindi siya tulad ng iba.
~ Erin
To be continued...
~*~
Aly's Note:
Sa mga nagtatanong po, yes magkakaroon ng story si Jasper! I'll post it once na matapos ko 'tong Game Over :)
Salamat po sa pag-aantay ng update :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top