Chapter 15

Chapter 15

[Timi's POV]

"So.... gagawin mo akong guinea pig?" tanong ko kay Kite habang naka-upo ako sa may bar counter niya at pinapanuod siyang mag luto.

Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian ako, "chill ka lang diyan. Masarap 'to," sabay kindat.

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Akala ko kasi talaga eh ililibre ako ng dinner ng isang 'to. Pero dinala niya ako ngayon sa condo niya at gusto niyang ipa-tikim sa akin yung bagong dish na ilalabas niya sa café niya. Gusto niya raw makuha ang opinion ng isang food expert.

In short, ginagawa niya nga akong guinea pig ngayon.

"Here you go. My very own, ravioli!" proud na proud niyang sabi habang ipinapatong ang dish sa harapan ko. Naka-plating pa 'to ng maganda.

"Naks! Ayos ang presentation ah!"

"Pasado na po ba, chef Cruz?"

Nginitian ko siya, "depende sa lasa."

"Tikman mo na, dali!"

Tinikman ko yung gawa niya and I'm not surprised na masarap ito.

"From scratch mo ginawa yung pasta?" tanong ko.

"Oo naman! Hindi ako gumagamit ng mga instant na 'yan."

"Tss, ang yabang."

Ngumisi si Kite, "jealous?"

"I'm not! Mas magaling pa rin ako sa'yo 'no!"

"Hmm let's see. Baka mamaya lalapit ka na sa akin para magpaturo. Wag kang mag-alala, mura lang ang sisingilin ko sa'yo."

Medyo natawa ako, "ay ang yabang! Ang yabang talaga! Ako pa talaga ang lalapit sa'yo huh?"

He shrugged, "kung sabagay. Pag kinasal tayo libre na kitang matuturuan. Tapos tataba ang magiging anak natin kasi parehong chef ang parents niya. 'Di ba pareho ring chef ang parents mo? Magandang example yun!"

Pinindot ko ang noo niya, "wag kang mangarap!"

Napa-iling naman siya, "ang swerte mo kung ako ang magiging asawa mo!"

Napa-ngiti ako sa sinabi niya, "swerte ang kahit na sinong magiging asawa mo, Kite."

Napaiwas ng tingin sa akin si Kite. Kinuha niya ang baso sa harapan ko at nilagyan niya ito ng wine. Ramdam ko awkwardness sa pagitan namin.

Napa-buntong hininga ako.

"Kite, I-"

"I know, Timi," pag-putol niya sa sasabihin ko. "I know."

Napahinga siya ng malalim at tinignan ako.

"Hindi talaga ako mananalo kay Ice, 'no?"

"K-Kite, hindi naman si Ice eh. I-It's just that-"

"It's just that, hindi mo matanggap sa sarili mo na mahal mo pa rin siya at natatakot ka."

"N-no! That's not what I meant!"

"Hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo, Timi."

"Edi kita mo ngayonang confusion ko sa kung ano ang dapat kong maramdaman?" I snapped at him.

Ewan ko ba, naiirita ako.

Una si Rika, ngayon naman si Kite. Actually halos lahat sila ipinagdiriinan sa akin na mahal ko pa si Ice.

Oo na! Mahal ko na siya!

Pero masisisi ba nila ako kung bakit ako naguguluhan? Masisisi ba nila ako kung ba't ako natatakot?

That guy broke my heart. At hindi ako maka-move on sa ginawa niya.

Paano ako magtitiwala kung hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako?

Kung hanggang ngayon eh natatakot pa rin akong sumugal.

Take a risk.

Ang daling sabihin, pero ang hirap gawin.

"Uy, highblood ka na? Ako ang broken hearted dito ah?" pagbibiro ni Kite habang pinagtatama ang mga balikat namin. "Ubusin mo na lang yung ravioli, pampa-goodvibes."

Nilingon ko siya, "may chocolate ka ba diyan?"

Napatawa bigla si Kite, "meron. Pero hindi kita bibigyan!"

"At baket?"

"Eh ilang beses mo akong binasted eh! Sinuswerte ka ah?"

"As a friend?"

Napa-ngiti siya, "sige na nga. As a friend.."

Napa-ngiti rin ako kay Kite.

He's a good guy. Kung pwede lang turuan ko ang puso ko na mahalin siya eh.

Yun lang, ayoko nang pilitin.

Hindi na ako tulad noon na nung nasaktan ako, pinili ko na lang mag-laro.

Nung sinaktan ako ni Ice, pinili kong tigilan na ito.

Hindi biro ang mapag-laruan. Hindi biro ang masaktan. Yung feeling ko nun, para akong unti-unting pinapatay pero hindi ako tinutuluyan para mas maramdaman ko ang sakit.

At ayoko nang gawin sa iba yun.

Most specially kay Kite.

"So, how are you, Timi?"

Nag kibit-balikat ako, "eto busy. Inaasikaso ko rin yung gagawin sa birthday party ng pinsan mo."

"Ni Ice? Si Ice? May birthday party?" at humagalpak siya ng tawa.

"I know! I know! Kahit ako hindi makapaniwala na trip pala nun mag celebrate. Parang hindi niya style eh. Pero ayun nga, ako pa mag-c-cater. Nakaka-stress kasi maarte siya."

"Pagka may nangyaring panlalason kay Ice sa party niya, ikaw ang sisisihin ko ah?"

Hinampas ko siya, "oy! Wala naman akong planong lasunin ang pinsan mo 'no!"

"Gayuma?"

"Lalong hindi! Tingin mo desperada ako?"

He chuckled, "kung sabagay hindi mo na kailangan ng gayuma..."

"Huh?"

"Wala."

Biglang tumunog ang door bell ni Kite.

"Wait, may iba bang nakatira rito bukod sa'yo?" tanong ko.

"Wala. Sino kaya yun?"

Sinilip ni Kite sa peep hole yung nag door bell.

"Oh shit!" bulong niya at napa-kunot ang noo niya.

"Why?"

"Jealous bastard!" he muttered at binuksan niya ang pinto.

Halos mahulog ako sa stool na kinauupuan ko nang makita kong pumasok si Ice at sa tabi niya eh isang batang lalaki.

Shit. What the hell is he doing here?!

"Tito Kite!!" tumalon yung batang lalaki sa mga braso ni Kite at binuhat naman siya nito. "Tito Ice told me we're going to play video games!"

Kite gave Ice a meaningful look. Naka-ngisi naman si Ice.

"I have a guest, Ice," seryosong sabi ni Kite at sumulyap siya sa direksyon ko.

"Pagpapalit mo sa babae ang pamangkin natin? Minsan ka lang niyang maka-laro," sagot naman nito at sumulyap din sa akin habang naka-ngisi pa rin.

What. The. Hell.

"Tito Kite! Please! Let's play video games! Tito Ice told me I can sleep here!" pag mamakaawa nung batang lalaki.

Tumingin sa akin si Kite. Ang helpless ng itsura niya. Nilapitan ko naman siya. Sila.

"Hi!" bati ko doon sa bata. "What's your name?"

"I don't talk to strangers!" naka-simangot na sagot sa akin nung bata.

Aba't suplado ito!

Mana kay Ice?!

"Ken! That's rude!" saway ni Ice.

"Tito Ice! Now she knows my name!"

"Ah, Ken, she's Ate Timi," pakilala naman ni Kite sa akin.

"Is she your girl friend?"

"No!" mabilis na sagot ni Ice bago pa kami makapag-react ni Kite.

"She's my friend. And she's not a stranger, okay?" sabi ni Kite kay Ken sabay akbay sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong naka-ngiti siya ng nakakaloko.

Anong meron at parang ang saya bigla nitong si Kite?

"Timi, umuwi ka na. Maiistorbo mo ang bonding ni Kite at Ken!" utos ni Ice.

WOW HA!

Inutusan ako! Wow talaga!

Sinimangutan ko siya, "uuwi ako kahit hindi mo sabihin! Bwiset!"

"Ice, tignan mo muna saglit si Ken. Ipag d-drive ko na pauwi si Timi."

"Ayoko," naka-simangot na sagot ni Ice.

Anong problema ng isang 'to?!

Relax Timi. Wag mong hayaang sirain ng isang 'to ang gabi mo.

"Okay lang Kite. Kaya ko naman mag drive mag-isa. Thanks pala sa ravioli. The best!" naka-ngiti kong sabi kay Kite at nag thumbs-up pa ako.

"Really? Punta ka ulit dito next time. May isa pa akong bagong dish na ipapatikim sa'yo," at kinindatan niya ako.

"Sige na! Willing na akong maging guniea pig mo!"

At nagtawanan kaming dalawa.

"Corny."

Napatingin kami pareho kay Ice at si Ice naman ay busy sa phone niya.

Napa-iling na lang si Kite.

"Ah wait! Mag-dala ka ng ravioli. Ipatikim mo rin kay Rika. Wait lang. Paglalagay na kita sa tupperware."

Nagtungo si Kite sa kitchen at si Ken naman ay sumunod sa kanya kaya naiwan kaming dalawa ni Ice doon.

"Si Rika ang type niya at hindi ikaw. Niloloko ka lang ng mokong na 'yan," bulong niya sa akin.

I just rolled my eyes.

"At masyado kang maganda para maging guniea pig lang niya."

Nilingon ko siya, "may problema ka ba ngayon? Why are you acting like a jerk."

"Nagseselos ako," diretsahan niyang sabi.

At hindi ko alam ang sasabihin ko.

Seryoso lang siyang naka-tingin sa akin. Inaantay ko na ngumiti siya, ngumisi, tumawa o ma-awkward-an man lang. Pero hindi. Seryoso lang talaga siyang naka-tingin sa akin.

At parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil kinakabahan ako.

"Timi! Ito na."

Agad akong tumalikod kay Ice at lumapit kay Kite.

"Inilagay ko na rin yung hinihingi mong chocolate," naka-ngiti niyang sabi habang inaabot sa akin ang isang paperbag.

"Thanks Kite. For sure magugustuhan din 'to ni Rika."

"Ikamusta mo na lang ako sa kanya ah?"

"Oo naman. S-sige una na ako."

"Ingat ka."

"Una na rin ako Kite! Ingatan mo si Ken!" sabi ni Ice at sinundan ako palabas ng unit ni Kite.

"Hi. Hatid na kita," naka-ngiti niyang sabi.

"No."

"Wala kang choice."

"Ice ano ba!"

"Wala kang choice," paguulit niya.

Nakakainis siya!! Why is he acting like this?!

Hindi ko na siya pinansin at sumakay na ako sa elevator. Pumasok din siya doon at agad niyang sinara ang pinto ng elevator kaya kaming dalawa lang ang nandoon.

Medyo dumistansya ako ng onti sa kanya. Umusog naman siya palapit at ginigitgit niya ako sa may pader.

"Tayong dalawa lang ang nandito. Wag kang mang-gitgit."

Hindi siya kumilos at naka-ngiti pa rin habang naka-gitgit sa akin.

Oh god! He's impossible!

Nung bumukas ang elevator, dali-dali akong lumabas pero agad naman siyang naka-sunod sa akin.

Palibhasa ang lalaki ng mga hakbang!

"Ihahatid na kita."

"Dala ko kotse ko."

"Ipag d-drive na kita."

"Ayoko!"

"Wala kang choice."

"Argh! Ice ano ba!" nilingon ko siya at dinuro. "Stop it! Nakakairita ka na! Ayoko nga sabi eh! Ba't hindi mo ba maintindihan?!"

"Wala ka ngang choice. Ba't hindi mo rin ba maintindihan?"

"As if!"

Tinalikuran ko siya at naglakad na ako papunta sa kotse ko. Kahit sagasaan ko pa siya, there's no way in hell na hahayaan kong ipag-drive niya ako pauwi!

I opened my bag at kinapa ko doon ang car keys ko.

Stupid car keys! Ba't ayaw magpakita!

"Are you looking for this, Ms. Stephanie?"

Nilingon ko si Ice at nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak niya ang susi ng kotse ko.

"Ibalik mo sa akin yan!"

"Ipag da-drive kita pauwi."

"Ano ba Ice!" sinubukan kong kunin sa kanya pero itinaas niya ang braso niya. Hindi ko maabot. Ang tangkad niya. Tumalon-talon ako na parang bata doon pero hindi ko pa rin maabot.

Leche. Naka-heels na ako ng lagay na 'to ha!

"Sige lang Timi. Subukuan mo lang kunin sa akin. Nag eenjoy ako rito na ganito kang kalapit sa akin."

Napa-hinto ako bigla sa pagtalon dahil na-realized ko rin na sobrang lapit na nga naming sa isa't-isa.

I can almost smell his perfume.

It's very intoxicating. Damn it!

"Ipag-da-drive na kita pauwi. Wala kang choice."

I give up.


~*~

Naka-simangot lang ako the whole ride. At ang magaling na si Ice, idinaan pa sa EDSA ang sasakyan ko. Ang result?

Trapped kami sa traffic.

Bwiset na isang 'to!

"Sabi sa'yo wag tayo dito dumaan eh," iritang sabi ko sa kanya.

Naka-ngiti lang siya magdamag.

Mapunit sana ang bunganga mo!

"Kelan pala ulit kayo magkikita ni Kite?"

"Bakit?"

"Para alam ko kung kelan ko dadalhin sa kanya si Ken."

"Why are you doing this, Ice?"

Sumulyap siya saglit sa akin pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa daan.

"Nakakatawang isipin na ang isang matalinong babae na tulad mo eh magtatanong ng bagay na may napaka-obvious namang sagot."

"Ice naman! Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo!"

"Sinong nagsabing nagbibiro ako, Timi?"

Napayuko ako.

Kumakabog na naman ang dibdib ko. Parang pinipilipit.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Masaya ba ako o natatakot?

Biglang nag ring ang phone ni Ice at nagpapasalamat ako kung sino man ang tumawag na yun.

Ilang segundong kapayapaan ang ibinigay niya sa akin.

"Yes Geo, bakit?" sabi ni Ice.

I LOVE YOU, GEO!

"What?! Shit!"

Napalingon ako bigla kay Ice nang mapapalo siya sa manibela.

"Okay. Pupunta ako agad. I'm with Timi," then he ended the call.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Jasper...isinugod sa ospital."


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top