Chapter 14
Chapter 14
[Timi's POV]
"He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not. He loves me... he loves me not."
Ayoko na!!
I crumpled the paper na kanina ko pa pinupunit-punit at hinagis ko doon sa trashcan.
Nandito ako ngayon sa mini office ng restaurant ko at sinusubukan kong mag trabaho. Pero bwiset naman ang nilalang na nagngangalang Ice Monasterio, dahil sa kanya eh hindi ako makapag concentrate.
Grabe yung impact sa akin nang makita ko siyang umiiyak.
Mahal niya na ba talaga ako? Totoo na ba talaga 'to? Wala nang joke? Hindi na 'to pakulo ni Erin lahat?
O baka naman uma-acting lang siya? Baka naman niloloko niya lang ako?
Baka mamaya bumigay ako at ako na naman ang mag mukhang tanga?
Huminga ako ng malalim.
Ang hirap. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala o hindi.
Minsan na niya akong niloko. Minsan na niyang sinira ang tiwala ko.
Isang malaking sugal kung magtitiwala ulit ako. At nakakatakot.
Pero paano kung magsisi ako na hindi ko siya binigyan ng second chance.
Ay bullfrog naman oh! Ano bang gagawin ko?! Dapat na ata akong pumunta sa simbahan sa Quiapo at manghingi kay Lord ng sign.
Nakakalito na!
"Ms. Timi? Nandyan po sa labas yung friend mo. Si Jasper," sabi ni Grace sa akin, isa sa mga chefs ko.
"Okay wait lang."
Ano na naman ginagawa nung isang yun dito? Makikikain na naman ba 'yun?
Akala ko si Ayen ang patay gutom sa mga kaibigan ko?
Lumabas ako sa opisina ko at pumunta sa dining area. Nagulat ako nang makita ko si Jasper sa may bar counter. Parang model ng whiskey na naka-sandal doon while he's flashing his jaw dropping smile habang titig na titig kay Nica—isa sa mga servers ko.
What the hell?!
Nilapitan ko silang dalawa at doon ko lang napansin na may hawak na bouquet ng flowers si Nica. Mukhang alam ko na kung kanino galing 'to ah?
"What are you doing?" taas-kilay kong tanong kay Nica.
"M-mag tatrabaho na po!" sagot naman niya at natatarantang pumasok sa back office kaya naiwan kaming dalawa ni Jasper doon.
Ngumisi siya sa akin, "ba't parang highblood ka?"
"Gusto mong gulpihin kita ha?!"
"Oh highblood ka nga!" at tumawa siya nang malakas.
Pinaghahampas ko siya sa braso, "ikaw! Ikaw! Ikaw! Ba't mo nililigawan ang server ko ha?"
"Grabe ka! Binigyan lang ng bouquet nanliligaw na agad? Pwede bang mahilig lang akong magpamigay ng bouquet?"
"Wow ha! So talagang gumagastos ka pa dahil lang diyan sa hilig mo?!"
"Relax, Timi. Bigay lang din sa akin nung isa kong fan yung bouquet na yun. Eh malalanta lang sa kotse ko yun kaya ibinigay ko kay Nica."
Tinaasan ko siya ng kilay, "at na-inform mo ba si Nica na naghahanap ka lang ng taong magaalaga sa bouquet nay un para hindi malanta?"
Napakamot siya sa ulo at ngumisi ng malawak, "nakalimutan kong sabihin."
Napailing na lang ako.
Bwiset talaga ang isang 'to. Ang hilig magpa-fall. Ang hilig manlandi. Ang hilig sa rebound palibhasa hindi maka move on kay Aiscelle.
"Jasper, wag ka nang manlalandi ng mga servers ko ha? Ayokong pumasok sila na namamaga ang mata nila dahil sa'yo. And most specially, hands off ka kay Nica!"
"At bakit naman? Type mo siya? Tibo ka na?"
"Ulul! Hindi! Basta hands off ka kay Nica!"
Nag kibit-balikat lang si Jasper. Pero sana talaga lubayan niya si Nica.
Hindi niya alam ang pinagdaraanan ng babaeng yun ngayon. Masyado siyang maraming problema sa buhay at ayoko nang dagdagan pa ito ni Jasper.
"Ano nga palang ginagawa mo rito? Makikikain ka ulit?"
Inakbayan ako ni Jasper, "sabi na eh. Tayo talagang dalawa ang best friends! Kilalang-kilala mo na ako!"
Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa braso ko, "for your information, si Rika ang best friend ko at hindi ikaw!"
"What?!" hinawakan ni Jasper ang dibdib niya at hinimas-himas ito na para bang sinaksak ko siya. "Ang sakit Timi! Ang sakit-sakit! Una mo akong nakilala kesa kay Rika! Una akong dumating sa buhay mo! Nung mga panahong wala pa si Rika, ako ang nagpapa-kopya sa'yo sa mga exams at assignments!"
"Kapal mo, ikaw ang nangongopya sa akin!"
"Tapos sasabihin mong siya ang best friend mo ha? Grabe ka! Sinaktan mo talaga ako!"
Akala ko mga babae lang ang mada-drama.
"Sige na, ano bang gusto mo?" tanong ko.
Ngumiti siya, "pakainin mo naman ako. Gutom na ako eh."
Pinanliitan ko siya ng mata, "no."
"Eeeeeh Timi!"
"No!"
"Please?"
"NO."
Sumimangot si Jasper. Ipinulupot ko naman ang braso ko sa braso niya.
"Tara kumain sa ibang lugar. Ilibre mo ko! Ipapakilala kita sa magandang chicks."
"Talaga?"
"Talagang-talaga."
"Sige na nga! Tara na!"
At nagtungo kami ni Jasper sa kotse niya.
Dinala niya ako sa isang restaurant sa mall na di kalayuan sa amin. Buti na lang ibang mall ito. Pang high class kaya naman mga elites din ang pumupunta at walang masyadong pumapansin na may sikat na naglalakad sa paligid. Paano kasi, puntahan din ng mga artista ang lugar na 'to kaya naman sanay na ang mga tao rito na makakita ng celebrity.
"Wait, ano ulit?! Anong sabi mo?!" tanong ko kay Jasper habang nandito kami sa isang Thai restaurant at inaantay ang order namin.
"Sabi ko magkaka-drama na ako sa TV! Pang artista kasi talaga itong mukha ko kaya ganito na nangyayari sa career ko."
Halos hindi ako makapaniwala sa sinasabi nitong Jasper na 'to. Siya? Magkaka-drama sa TV? Tatawanan ko na sana kung hindi niya lang ipinakita sa akin ang mga photos niya nung contract signing nila. Katabi pa niya yung sikat na sikat na artistang si Leigh Bueneventura. Ang sexy talaga ng babaeng yun.
Mukhang naka-jockpot 'tong si Jasper.
"Swerte mo," sabi ko sa kanya. "Ang hot ng kapartner mo."
"Hot din naman ako!" sagot naman niya sabay kindat pa. "Pero yang si Leigh, ang lakas ng kiliti niya sa pusod."
Napa-taas ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "paano mo nalaman na malakas ang kiliti niya sa pusod?"
"Uhmm..." nag kibit-balikat siya.
Hinagisan ko siya ng tissue, "oy ikaw! Anong nangyari ha?"
"Isang bagay na hindi ko pwedeng ikwento sa tulad mong walang experience," sabi niya sabay taas-baba pa ng kilay.
What the...?
Nagiging wild na talaga 'tong kaibigan ko.
Maya maya lang din ay dumating na ang orders namin. Masarap naman dito infairness. Muntikan lang akong mawalan nang gana ng lantarang nilalandi ni Jasper yung server dito.
Talaga ngang dapat kong warning-an si Nica.
After naming kumain, nag-ikot-ikot muna kami ni Jasper. Pumasok ako sa isang boutique at si Jasper naman ay pumunta sa Power Mac na katapat ng boutique na pinasukan ko.
Nagtitingin-tingin ako ng damit. Kukunin ko n asana yung white na dress na naka-caught ng attention ko nang may isa pang kamay ang humawak doon sa dress.
Nagkatinginan kaming dalawa at parehong nanlaki ang mata namin.
What the hell.
"Oh. Hi bitch!" naka-ngiting bati ni Erin sa akin.
"Hi garbage!" ganting bati ko naman.
Kung mamalditahan niya ako ngayon, hindi ko siya aatrasan.
"Gusto mo ba yung dress? Iyong-iyo na. Hindi ko na masusuot yan dahil nahawakan na ng isang basura," taas kilay kong sabi.
"Sure. Thanks. Baka kasi hindi mo kayang bilhin eh."
What the hell talaga!
Ang sarap manabunot.
"Nililigawan ka ulit ni Ice?" napalingon ako sa kanya.
Ba't alam niya?!
"So magpapa-uto ka uli? One piece of advice from your ex-best friend, wag ka nang maging tanga Timi. Stop being so gullible."
Tinignan ko ng masama si Erin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanggagalaiti ako sa inis.
Ano bang problema niya?! Ba't ba palagi siyang ganito?!
"Erin—Timi?"
Napatingin ako sa dumating at nakita ko si Aiscelle, ang kakambal ni Ice.
Teka, ba't magkasama sila?
"Kamusta na?" tanong sa akin ni Aiscelle.
Tumango lang ako.
Hindi ko alam ang ire-react ko.
"Uy Timi tara na—-"
Ay shet Jasper! Si Jasper!
Napapikit na lang ako.
"J-Jasper..." mahinang sabi ni Aiscelle.
Naramdaman ko ang kamay ni Jasper sa braso ko.
"Timi, tara na," seryosong-seryoso na sabi ni Jasper.
Kinakabahan ako.
Ngayon ko lang narinig na ganito ka-seryoso si Jasper.
"W-wait Jasper. Wait. C-can we talk?"
Napatingin ako kay Aiscelle. Nakahawak na siya sa kabilang braso ni Jasper. Nakita kong namumuo ang luha sa mata niya.
Tinabing ni Jasper ang kamay ni Aiscelle.
"Sabi ko naman sa'yo, ayoko nang makausap ka kahit kelan."
At bago pa maka-sagot si Aiscelle, agad na akong hinila ni Jasper palabas.
Buong byahe pabalik sa restaurant ko, hindi nagsasalita si Jasper. Hindi ko rin naman siya makausap.
Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ang nangyari sa kanila ni Aiscelle. Nirerespeto ko si Jasper kung ayaw niyang i-kwento. But still, natatakot ako. Iniipon niya ito eh. Mamaya sumabog na lang siya.
Sana alam niya na nandito kami na handang makinig sa kanya.
Nang makarating na ako sa restaurant at napag-isa na naman sa opisina ko, lumilipad na naman ang isip ko.
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Erin.
Binabalaan ba niya ako?
Mahal ba talaga ako ni Ice o ginagago na naman niya ako?
Ano ba talaga?
Naguguluhan ako. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko na alam sino ang papakinggan ko.
Napabuntong hininga na lang ako at iniligpit ko na ang mga gamit ko.
Maka-uwi na nga lang. Sana nandoon na si Rika sa condo. Yayayain ko siyang uminom.
Mukhang kailangan kong magpakalasing ngayon.
Lumabas na ako ng restaurant. Pasakay na sana ako sa kotse ko nang may humawak sa balikat ko.
"Hi Timi!"
"Kite! What are you doing here?"
"Ki-kidnapin ka."
"H-huh?"
"Hindi ka na makaka-angal. Sasama ka sa akin at mag d-dinner tayo sa labas."
"P-pero—-!"
"No buts!"
At inunahan na niya ako sa driver's seat.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top