Chapter 13

Chapter 13

 



[Timi's POV]

 

"Wait, ano ulit ang sabi mo? Paki-explain ng malinaw at hindi kita maintindihan," sabi ni Rika mula sa kabilang linya.

            Huminga ako ng malalim at sumalampak sa kama ng dati kong kwarto.

            "Sabi ko nag iinuman si daddy at Ice sa baba."

            "Nag iinuman?! Bakit?!"

            "Kailangan daw interviewhin ni daddy ang manliligaw ko. At sa tuwa rin ni mommy, naghanda pa siya ng pulutan nung dalawa!"

            "Teka nga, i-explain mo sa akin ngayon kung bakit nauwi sa inuman si Tito Stephen at si Ice ngayon! At anong manliligaw?"

            I-kinuwento ko ang lahat kay Rika. Yung pag hingi ng blessing ni Ice kay daddy na ligawan ako. Ang pag approve ng parents ko sa kanya. Kung paano binola-bola ni Ice ang parents ko nung dinner at kung paano ako pinaakyat ni daddy sa kwarto ko dahil magiinuman sila ni Ice.

            "Oh my gosh. Timi, baka mahal ka talaga ni Ice?"

            I gave Rika a sarcastic laugh, "mahal? Come on Rika! Paano niya ako mamahalin ngayon kung noon pa lang eh ang goal na niya ay saktan ako? Paano kung itong ginagawa niya eh dahil na naman niya eh dahil kay Erin? Hindi na ako magpapaloko sa kanya, Rika. Hindi na ako kakagat sa mga evil schemes niya."

            Narinig ko ang pag buntong hininga ni Rika mula sa kabilang linya, "edi ba-basted-in mo na siya?"

            "Hindi."

            "Hindi?"

            "Hahayaan ko siya manligaw para maranasan naman niya ang pakiramdam kung paano mag habol."

            "Timi," pansin ko ang pagbabanta sa boses ni Rika. "Sa dinami-rami ng cliché movies at telenobela na napanuod ko na ganyan ang plot, iisa lang ang twist palagi. Kung sino ang nag lalaro, siya ang unang nahuhulog. Delikado yang gagawin mo. Paano kung magkagusto ka ulit kay Ice?"

             "Hindi ako magkakagusto sa kanya Rika. Hindi na ako matatalo sa larong 'to."

            Hindi agad naka-imik si Rika mula sa kabilang linya. Pero narinig ko ulit ang pag-buntong-hininga niya.

            "Gusto mo pa rin siya Timi kahit gaano mo pa 'to itanggi."

            "Hindi—!!"

            "Minsan mas kilala kita kesa sa sarili mo," pagputol ni Rika sa sasabihin ko. "Paano kung totoong mahal ka rin ni Ice? At nasaktan mo siya? Edi sa huli pareho kayong talo?"

            Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Rika.

~*~

 

Ilang oras na akong naka-higa sa kama ko at naka-tingin sa kisame ng kwarto ko. Napatingin ako sa oras. It's past 2am. Hindi ko alam kung tapos na si daddy at Ice na mag inuman. Kaninang 10:30pm pa kasi sila nag simula. 12am, bumaba ako at sinilip sila sa porch namin. Nakita kong busy silang magtawanan at hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan nila.

            Pero napatulala lang ako habang nakatingin kay Ice na masayang-masaya na tumatawa habang kausap si daddy.

            Dati bihirang-bihira kong makita si Ice na tumatawa. Ngayon bakit parang ang dali-dali na nito para sa kanya? Bakit nakakangiti na rin siya ng maganda?

            Ano ang dahilan?

            Napa-buntong hininga ako at bumangon sa kama. Wala rin naman mangyayari sa akin eh. Hindi ako makatulog. Masilip nga ulit sina daddy kung ano na ang nangyayari sa kanila.

            Pag labas ko ng room ko, nakita ko si mommy na inaalalayan si daddy paakyat ng hagdan.

            "Lasing," sabi niya habang i-iling-iling. "Si Ice rin. Nandoon nakasalampak sa sofa natin. Alalayan mo nga paakyat sa guest room at baka lamukin yan doon."

            "Eh ma!"

            "Dali na. Uso ang dengue ngayon. Pag naka-dengue siya, baka ikaw pa pagalitan ng agency niya."

            Nakasimangot akong bumaba. Narinig ko pa si daddy na sumisigaw ng: "sagutin mo na siya! Kailangan ko ng apo!" Napailing na lang ako.

            Nakita ko si Ice na tulog na tulog sa sofa. Nilapitan ko siya at tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

            "Huy gising! Doon ka matulog sa guest room at wag dito!"

            Medyo dumilat siya and then he smirked at me.

            "Tabi tayo?"

            Hinampas ko siya.

            "Wag kang mangarap!"

            "Yun lang naman ang libre sa mundo, ba't hindi ko pa gagawin?"

            Napa-facepalm ako. Ibang klase ang epekto ng alcohol sa pagiisip ng isang tao.

            "Timi, ba't mas maganda ka pag lasing ako?"

            Hinampas ko ulit siya.

            "Magsalita ka pa, hindi lang hampas ang gagawin ko sa'yo! Tatadyakan din kita!"

            He chuckled at pumikit ulit siya.

            "Hoy wag ka nga sabi diyan matulog eh!"

            Hindi na siya gumalaw.

            "Huy!" niyugyog ko siya pero 'di pa rin siya gumagalaw.

            Shet. Patay na ba 'to? Na alcohol poisoning?

            I heard him grumbled.

            Ay buhay pa. Sayang!

            Hinila ko siya patayo. Medyo dumilat ulit siya. Iniakbay ko ang braso niya sa balikat ko at inalalayan ko siya patayo.

            "Umayos-ayos ka ng paglalakad!" irita kong sabi sa kanya.

            Medyo amoy ko na ang alcohol sa hininga ni Ice. Pero mas umaalingasaw pa rin ang pabango niya.

            Kainis! Ang bango niya! Sarap niyang sapakin!

            "Timi umiikot ang mundo ko," sabi ni Ice habang inaalalayan ko siya sa pag-akyat ng hagdan. "Siguro dahil nandito ka sa tabi ko kaya umiikot na ulit ang mundo ko."

            Ano raw?

            "Ulul, hilo ka lang dude! Wag kang keso!"

            Bwiset. Balak pa atang talunin si Jasper sa pagka-keso sa mga pick-up lines niya eh.

            Halos maubusan ako ng hininga sa pag-alalay dito kay Ice paakyat. Paano ang bigat-bigat ng isang 'to.

            Ngayon ko lang naalala yung nag Subic kami. Nalasing din itong si Ice. At oo nga pala, sobrang hina ng immune system niya pagdating sa alak. Kaya naman ng painumin siya ng haliparot na babae sa bar, lasing agad siya. At ako rin ang umalalay sa kanya nun.

            At hinalikan pa nga niya ako nun.

            Biglang nag-init ang mukha ko ng maalala ko ang bagay na yun. Ang tagal na panahon na pero bigla ulit nagbalik sa alaala ko ang pakiramdam na halikan ni Ice.

            "Gusto talaga kitang ihulog sa hagdan," bulong ko sa kanya.

            Hindi siya umimik. Lasing na lasing nga.

            Sa wakas ay narating na namin ang itaas. Agad ko siyang ipinasok sa guest room at isinalampak sa kama.

            Nate-tempt ako na hubaran siya at linisan. Pero baka makita ko pa ang abs niya at tuluyan na akong mawala sa sarili ko. So I let him sleep with his clothes on.

            Paalis na sana ako ng bigla-ibigla ay hinawakan ni Ice ang kamay ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. He's looking at me seriously.

            "I love you," halos pabulong niyang sabi sa akin.

            Parang nag-wala ang buong pagkatao ko nang sabihin niya ang tatlong salita na yun.

            Nakatingin siya ng diretso sa akin. His eyes is full or sincerity.

            "I love you," paguulit niya dito.

            Napalunok ako. I fee a tight knot in my stomach.

            Gusto kong maniwala. Gustong gusto ko siyang paniwalaan.

            Pero kasi...

            Kinalag ko ang pagkakahawak niya sa akin.

            "Hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sa'yo," mariin kong sabi.

            Napatakip siya ng mukha at dinig ko ang pag-lalim ng hininga niya.

            "Then tell me, ano ba ang dapat kong gawin?"

            Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko na si Ice at tuloy-tuloy akong lumabas sa kwarto.

            Hindi ko alam kung ano pa ba ang pwede mong gawin Ice. Hindi ko na alam.

            Pero bago ako tuluyang makalabas ng kwarto niya, I gave him one last look.

            Naka-takip pa rin ang braso niya sa mata niya.

            Pero kitang-kita ko ang pagbagsak ng luha niya.

 

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top