Chapter 22

Chapter 22

"Still no decision?" tanong sa akin ng partner nung ipatawag ako dahil may itatanong ata sa akin tungkol don sa isang case na lead ako.

Alangan akong ngumiti. "Okay naman pleadings ko, Sir, ah?" pabiro kong sabi.

Humalakhak siya. I mean, it's probably wrong, but what could I do? Maganda talaga ako. Alam ko naman na bukod sa top 1 ako, advantage ko rin na maganda ako kaya mabait sa akin iyong mga partners. It wasn't as if inaakit ko naman sila. Takot ko lang ma-disbar. Basta ang alam ko, a nice smile can get me far in life.

"But... may vacancy ba sa litigation, Sir?"

Kumunot ang noo niya. "Litigation?"

Tumango ako. "Yes, Sir. Medyo interested po ako sa litigation."

"Is that so?" sabi niya na parang nabigla pa roon. "Serrano mentioned na nagdedecide ka pa sa Corpo o Arbitration."

I forced a smile on my face. Of course, he said that. Hindi ko alam kung boyfriend ko ba siya o manager.

"Yes, but litigation sounds interesting din, Sir," I replied instead dahil hindi ko naman pwedeng ilaglag bigla si Lance.

Alam ko na medyo in favor sa akin iyong partners... pero alam ko rin naman na between me and Lance, of course mas pipiliin nila si Lance. I still had to tread carefully. After all, office politics pa rin ang mas matimbang kahit gaano pa ako kagaling gumawa ng pleadings.

"Very well," sabi sa akin. "Ask the department head to assign a case to you."

"Wow, thank you, Sir. As always, I will do my best," I replied at saka umalis na ako bago pa magbago iyong isip niya.

Dumiretso na ako sa office ko. Mabuti na lang at alam ko na wala sa Luzon si Lance kaya at least may day of peace ako kahit papaano. Nagtrabaho lang ako buong araw. Nung lunch break, pumunta ako sa library ng firm at saka naghanap ng book about litigation 'don. Gusto ko magbasa muna about that bago ako magrequest. Nakaka-hiya naman kasi kung mukha akong tanga. Alam ko na ibang-iba iyong litigation kaysa sa ginagawa kong pleadings.

I spent all my lunch breaks in the library. Para lang akong bumalik sa law school na nag-aaral ako. I took down notes don sa mga usual na mistakes ng lawyers saka kung paano mag-argue effectively. Gusto ko rin humanap ng mentor for this. Naglilitigation naman sila Tito kaya lang ang hassle if uuwi pa ako para don. If dito naman sa firm, feel ko kasi naka-masid lagi sa akin si Lance.

Tsk.

What if magresign na ako after?

Pero parang ang ungrateful ko naman...

What if tanggalin na lang nila ako?

Tsk. Bahala na nga. Saka ko na lang iisipin 'yon kapag nakapagdecide na talaga ako kung ano gusto kong mangyari sa buhay ko.

Bumili na rin ako ng sarili kong libro dahil gustung-gusto ko na maghighlight doon. Dala-dala ko iyong libro kahit saan ako magpunta. Hindi na kasi ako nacchallenge sa pleadings kasi feel ko na-master ko na siya. May template naman kasi 'yon—depende na lang sa facts ng kaso. But litigation? It sounded so exciting!

Like what if magwork ako sa PAO? O kaya prosecutor? Maganda din naman 'yon.

"What?" I asked when I saw Lui's smug face nang makita niya ako na nagbabasa nung libro ko.

Maaga pa kasi kaya naman nasa ibang floor ako nung building. Nakaupo lang ako doon at nagbabasa habang hinihintay na magstart iyong legal aid.

"Is it because I told you na akala ko mapupunta ka sa litigation?" he asked.

My eyes were still on the page of my book. "Medyo makapal din ang mukha mo," sabi ko sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko. I tried to ignore him, pero hindi ako makapagfocus sa binabasa ko dahil nakikita ko na nakiki-basa din siya sa akin.

"Do you mind?" I asked because he was distracting me.

Naka-sandal siya sa pader. "Interesado ka sa litigation?"

"Obvious ba?" sagot ko. "Mukha bang nagbabasa lang ako for fun?"

Naka-tingin pa rin siya sa akin. "Akala ko sa corpo ka, e."

"So? Bawal magbago ng career?"

Natawa siya. "Bakit ba ang sungit mo?"

"Bakit ba ang papansin mo?" mabilis na sagot ko sa kanya. Sinara ko iyong libro ko tapos ay tumayo na ako. Tsk. Akala ko matatahimik ako dito, pero nakita pa rin niya ako. Naglakad ako papunta sa may elevator. Naka-tayo lang ako habang naghihintay na bumukas iyon nang maramdaman ko na nasa tabi ko na naman siya.

"What? I thought you said we're friends?"

I stopped myself for a second. Huminga ako nang malalim bago ko ibinaling iyong mukha ko para tignan siya nang diretso sa mga mata niya.

"I know I said that but... Lui, we're not friends," I told him. "We were never friends. I was just one of the girls you fucked before, remember? Kaya please, stop acting like we're friends. It's starting to get annoying."

I got in the elevator when it opened.

"Take the stairs instead," I told him as I closed the elevator door.

Diretso lang siyang naka-tingin sa akin habang nagsasara iyong pintuan ng elevator. He looked a bit surprised with how I acted... but what did he expect, really? Na magiging friends kami?

I could be civil around him, sure, but we could never be friends—that much I was certain.

* * *

Ayoko naman na magmukhang sobrang bitter saka ayoko lang na mag-isip pa iyong iba kung ano iyong meron sa amin ni Lui if nagpa-transfer ako ng pwesto. I decided to just suck it up dahil 'di ko rin naman siya mapapansin once na magstart na iyong consultation. Mabuti na lang din at 'di niya na ako kinausap.

Good.

At least marunong naman pala siyang makinig sa 'kin.

Nang matapos iyong sa legal clinic, kinausap ko iyong mga kasama ko roon kasi baka may kakilala sila na sa litigation ang focus. Ayoko kasi talaga sa firm namin kahit maraming magaling na litigators don. Feel ko dagdag na utang na loob ko lang kay Lance 'yon. Nabaon na ako sa utang.

"Si Lui," sabi sa akin nung kausap ko. "Alam ko sa litigation 'yan, e."

Napa-tingin ako kay Lui na may kausap na babae. Mukhang 'di naman consultation iyong ginagawa nila dahil nagtatawanan pa sila. Buti pa siya may energy pang tumawa.

"Ah, pero magka-batch lang kami, e," sabi ko na lang. "Sino pa dito?"

May iba pa silang binanggit na pangalan, pero either ka-batch ko lang o member nung iba pang big firm. Ayoko naman ma-issue kapag nakita na may kasama ako na from other big firms. Tsk. Si Tito na lang kaya?

"Lui, papa-turo ata si Tali sa 'yo sa litigation."

Napa-tigil at nanlaki iyong mga mata ko nang biglang sabihin nung kausap ko iyon kay Lui na naglalakad lang naman. Lui stopped on his tracks. Naka-tingin siya sa 'kin. For some reason, kinakabahan ako sa sasabihin niya sa akin dahil baka gantihan niya ako sa sinabi ko kanina sa kanya.

"Wala ata akong matutulong," he said with that smile on his face, but I knew him enough to know that it was not an earnest smile. "Top 1 'yan, e. Sino ba naman ako," pabiro niyang sabi na may halakhak bago kami iniwanan.

I just smiled at saka humalakhak din na parang tanga dahil ayokong mapansin nila na may laman iyong sinabi ni Lui. I stayed for a few minutes more dahil ayokong magka-salubong kami sa labas. Pakiramdam ko ay malapit na kaming mag-away talaga kapag nagtagpo pa ulit landas namin ni Lui.

Nung sigurado ako na wala na siya, dumiretso na ako pauwi. I wanted to just watch Netflix until I fall asleep kasi wala naman akong calltime bukas. Lunch pa kami magmmeet ni Alisha for reformer pilates.

But of course I couldn't have peace.

"Hi," I said when I saw Lance outside my unit. He kissed my cheek tapos ay may dala siyang takeout mula sa favorite restaurant niya.

Tahimik lang ako habang pumasok siya sa loob. I was wearing my nightgown earlier, but when I saw him outside my door, sinuot ko iyong kapares nun na robe. Hawak ko pa rin iyong wine glass ko dahil kailangan ko ata iyon tuwing kausap ko siya.

"Nagdinner ka na?" he asked.

"Yup," I replied as I showed him my wine glass.

Kumunot iyong noo niya. "That's not dinner," he replied tapos ay nilabas niya iyong pagkain na binili niya. Hindi na ako nagsalita pa kahit 'di ko naman gusto iyong mga binili niyang pagkain.

I was just silently waiting kung anuman iyong pakay niya kung bakit nandito siya. Kasi lagi naman siyang may sinasabi sa akin na gagawin ko o pupuntahan ko kapag nandito siya—it was never just about him wanting to see me.

"I heard you're leading a team in litigation?"

There it was.

"Yeah," I replied. "Took you long enough to ask me about it."

Naka-tingin siya sa akin. "What?"

I shrugged. "I'm interested in litigation," I said, putting my foot down. "If you don't agree with that, the door is that way," I continued. It was probably the wine... but I found myself the bravery that I'd been looking for.

"Where is this coming from?" he asked.

"I appreciate you looking out for me, Lance, but seriously, I can decide what I want to do with my own career," diretsong sabi ko sa kanya bago pa ako takasan nung lakas ng loob ko. "If I want to be in litigation, I'd be in litigation. Now, your options are to support me or to leave me alone."

Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob. Alam ko ma-pride si Lance... at hindi niya gusto na kinakausap ko siya nang ganito. Was I expecting him to break it off with me?

"All right," he replied, brushing his fingers through his hair. "Litigation it is."

Lumapit siya sa akin. He cupped my face with his hands and looked directly into my eyes.

"If you want to go in litigation, I'll support you. Civil litigation—"

Mabilis kong hinawi iyong kamay niya. "Criminal litigation," I told him. "Or honestly, whatever the fuck I want, Lance."

I saw his jaw clenching, but he said nothing. Instead, he showed me a smile. "Of course," sabi niya sa akin.

Naglakad ako palayo sa kanya. Nanatili lang siyang naka-tayo doon. Sumandal ako sa may kitchen counter habang naka-tingin lang sa kanya. Isang minuto ang lumipas bago siya humarap sa akin.

"I can let this pass, Italia," diretso niyang sabi sa akin. He spoke in such a way na napa-tayo ako nang maayos. "But don't ever try to speak to me like that in public," he continued.

I could feel my heart beating quickly as he walked towards me. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko na mangyari. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko iyong paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"I only want what's best for you," he whispered in my ear as he planted a kiss on my cheek.

Lance didn't raise his voice nor his hands at me... but I felt so disturbed that I had to drink myself to sleep. 

**

This story is already at Chapter 30 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top