Chapter 20
Chapter 20
I felt so lost—both personally and professionally. Akala ko dati ay swerte ako dahil ayos lang naman talaga sa akin ang kahit na ano... I went to law school because my family told me that it'd be nice kung magiging abogado din ako. I accepted the job kasi sabi sa akin ni Tito sayang naman daw kung hindi ko i-grab iyong opportunity.
I'd been saying yes to almost everything.
Akala ko okay 'yon... but lately, I'd been feeling so lost. Sa kaka-oo ko sa lahat ng bagay, parang hindi ko na alam kung ano talaga iyong gusto ko.
"Bakit 'di ka sa boyfriend mo nagtanong? 'Di ba successful na lawyer 'yon?" Tito asked me nung umuwi ako sa amin para magtanong sa kanya ng advice niya sa kung ano ang pwede kong gawin. Nakaka-pressure na rin kasi kapag lagi akong tinatanong kung saan ako magfofocus. 'Di naman daw pwede na lagi lang akong shifting sa kung saan mang department ako kailanganin.
I just smiled. "Busy sobra, Tito," sagot ko na lang.
I knew I could've asked Lance, but I also knew kung ano ang magiging sagot niya. He'd tell me to go for Corpo or go for Arbitration. I could already imagine him telling me to go where the money is.
Hindi ko alam kung kilala ko na ba talaga si Lance o alam ko kung nasaan lang talaga iyong priority niya kaya alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Masaya naman ako sa work ko, 'To, kaya lang parang... repetitive na," I explained as best as I possibly could. 'Di ko rin kasi ma-point out kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko.
"Ano ba'ng gusto mong mangyari?"
I shrugged. "Yung may sense ba..."
"PAO?"
"May contract pa ko, e."
"Hintayin mo matapos."
"I know... kaya lang ilang buwan pa rin," sabi ko sa kanya.
"May legal clinic 'yung IBP mo. Pwede kang magvolunteer doon," sabi ni Tito. "Palagay ko e mag-e-enjoy ka kasi doon mo ma-e-encounter iyong problema ng mga normal na Pinoy. Sa trabaho mo kasi mukhang puro kumpanya kliyente mo, e."
I heeded Tito's advice. Pagbalik ko sa Manila, I contacted my IBP chapter to ask kung paano magvolunteer doon sa legal clinic. I was told that I could go there on the weekend. Apparently, I just needed to answer the legal queries nung mga pupunta doon. It's a free work. Walang bayad. Something that Lance wouldn't probably do... kaya 'di ko na lang sasabihin sa kanya siguro. Feel ko kasi sasabihan pa ako non na mag-seminar na lang o kaya ay magtake ng masteral kung ganitong may time pa pala ako sa weekend magvolunteer.
"Do you have plans tomorrow?" Lance asked nung daanan niya ako sa office ko. It was already 10PM. Kaka-tapos ko lang sa trabaho ko. I mean, it's still late, but it's an improvement kumpara sa dati na madaling-araw na akong nakaka-uwi.
I nodded.
"Oh," sabi niya. "I wanted you to come with me."
I just shrugged at him. I didn't even need to ask dahil sigurado ako na networking dinner na naman iyong pagdadalhan niya sa akin. Kakilala ko na ata lahat ng judge at kung sinu-sino pa rito sa Manila. Lance introduced me to basically everyone he thought I must meet.
"Maybe next time," I told him.
I appreciate what Lance was doing. Alam ko naman na hindi lahat ng tao, generous sa connections nila. But with him, pinapakilala niya talaga ako sa lahat ng tao na alam niyang makaka-tulong sa paglago ng career ko... Ako naman iyong problema, e. I just needed to do something... worthwhile.
"Alright," he said. "What's your plans for today?"
I shrugged. "Not yet sure," I replied vaguely. Same rin kasi kami ng IBP chapter kaya baka in case lang na may magbanggit sa kanya, it'd be easier for me to explain. Ayoko lang ng boldface lie dahil ang hirap lusutan non.
Tsk.
Kung anu-ano napupulot ko sa pagiging abogado—mas magaling na ata ako magsinungaling ngayon at mas mabilis na akong mag-isip ng kung anu-anong palusot.
* * *
Lance and I had late night dinner tapos ay umuwi na rin ako. I slept agad dahil maaga pa ako bukas. I woke up weirdly energetic. Usually kasi I have to drag myself to work.
Pagdating ko sa may legal clinic, agad na hinanap ko iyong mag-o-orient sa akin. 'Di ko pa kasi talaga sure kung ano ang gagawin ko, but I hope na maka-tulong naman ako kahit papano.
"So... I literally just have to answer their questions?" I clarified after mag-explain sa akin ng gagawin ko ngayong araw.
Tumango siya. "Yes. Also, ask them to be as specific as possible... unless of course ayaw nilang sabihin. Then bigyan mo sila ng disclaimer na since 'di complete iyong facts, mahirap magbigay ng exact na legal advice since nababago iyong case depende sa set of facts," patuloy na paliwanag sa akin. "You know the usual drill lang din kapag may kausap tayo na client but this time, free legal consult lang."
I nodded again. "Okay. Got it."
"But be clear na legal consult lang, okay? 'Di mo sila nirerepresent. If mag-ask sila about that, direct them to PAO o kumuha kamo sila ng private lawyer nila."
After that, pumunta muna ako sa CR. I always try to make myself look presentable naman, but I guess na-prioritize lang lalo nung napunta ako sa big firm. May clothing allowance din kasi kami. I mean, it made sense? Mga sikat na tao iyong clients namin—ang pangit naman kung 'di kami maayos tignan palagi. Magrereflect sa clients namin.
Nang masigurado ko na maayos akong tignan, lumabas na ako at hinanap iyong sinasabi sa akin na lugar kung saan magaganap iyong legal consultation. I looked around for an empty spot nang matigilan ako nang may makita akong pamilyar na mukha.
'You've got to be kidding me...' sabi ko sa isip ko nang makita ko si Lui na naka-upo doon sa tabi nung bakanteng pwesto. Hindi niya agad ako nakita dahil may binabasa siya sa cellphone niya. I mean, that was hardly surprising.
Huminga ako nang malalim.
This was inevitable... Alam ko naman na magkikita at magkikita kami lalo na at nasa iisang IBP chapter pa ata kami. I could request for transfer... but what for? 'Di naman siya ang may-ari nito.
Whatever.
Diretso akong naglakad papunta doon sa may bakanteng pwesto. Magiging busy naman ako the whole day kasi ang haba na agad ng pila sa labas kahit hindi pa nagsisimula iyong legal clinic.
Ilang minuto na akong nakaupo doon bago napansin ni Lui na nandon ako. I was pretending not to notice him looking at me habang inaayos ko iyong laptop ko.
"What?" I asked when I couldn't ignore him watching me any longer.
"Nothing," he replied. "Just surprised to see you here."
"Same here," sagot ko habang may inaayos pa rin sa laptop ko.
I was probably waiting for his response, pero natapos na ako sa ginagawa ko ay hindi pa rin siya nagsasalita. I turned my head to look at him. Naka-tingin lang siya sa akin.
"May sasabihin ka ba?" I asked again because it's annoying na tingin siya nang tingin tapos wala naman pala siyang sasabihin.
Umiling siya. "As I said, just surprised to see you here."
"Yeah? Why? Why is it so surprising to see me here?"
He was still looking directly into my eyes. That was... bold of him. I guess he didn't feel any remorse sa ginawa niya sa akin dati. Siguro sa isip niya, naging honest naman siya sa akin na for fun lang kami dati. That whatever happened to me, it was my own doing. Winagayway niya na iyong red flag sa harapan ko, pero ako lang 'tong tanga na kusang pumikit.
I guess he's right.
Kaya kung matatanga man ulit ako ngayon, ang bobo ko na lang talaga.
"I thought you're busy with big law," sabi niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. "What?"
"Lance told anyone who'd listen that you're busy with Corpo and Arbitration—that you're on the fast track to becoming a partner."
I pursed my lips together and grabbed a pen at saka hinawakan iyon. "Yeah, so?"
"There's a party with the frat... Akala ko dadalhin ka niya don," Lui continued.
"Well, I'm here, am I not?" sagot ko na lang sa kanya.
Why did Lance have to tell everyone about me? I get it, he's proud, but it was making me really uncomfortable na parang ang daming tao na mas alam pa iyong mangyayari sa career ko kaysa sa akin.
Lui probably felt that I was in no mood for chatter. Mabuti na lang at nagsimula na iyong legal clinic. Kinakabahan ako nung maupo iyong unang client ko sa harap ko. I usually just deal with contracts kaya kabado talaga ako. Hindi naman siguro nila ako ijjudge kung magccheck muna ako sa provision? Ang dami kaya non—hindi ko naman kabisado lahat 'yon. Or they can judge me... Mas importante sa akin na tama ang masabi ko sa kanila.
"Good morning po, Attorney," sabi sa akin nung babae na mukhang mas bata pa sa akin.
"Good morning po," sagot ko rin. "Ano po ang maitutulong ko sa inyo?"
I sat there as she began to tell me about her legal predicament. Apparently, nabuntis siya ng lalaki na may pamilya na pala. Tapos ay namatay iyong lalaki. Sinubukan niyang humingi ng tulong doon sa pamilya nung lalaki, pero ayaw siyang pansinin. Wala daw siyang trabaho at hindi niya alam kung paano papakainin iyong anak niya na bata pa.
"Wala po ba talaga akong makukuha, Attorney? Kahit para sa anak ko lang po..."
"Alam niyo po ba kung may will na naiwan iyong namatay?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko po alam..."
"Okay," sagot ko. "Ang sinasabi po kasi sa batas natin, iyong mga anak sa labas, may karapan sila sa ½ ng kung anuman ang mamanahin nung mga legitimate na anak... Pero kung wala naman pong iniwan na will iyong namatay, meron pa rin na makukuha iyong anak niyo mula sa estate nung yumao... Provided na ni-recognize nung tatay iyong bata," pagpapatuloy ko. "Naka-pirma po ba sa birth certificate iyong tatay?"
Nagpatuloy ako sa pagtatanong sa babae. I just wanted to be as thorough as possible kasi kapag may mga nabagong facts, mababago din iyong sasabihin ko. Saka nakakaawa kasi wala ata talaga siyang pantustos sa pangangailangan ng anak niya. Itong legal clinic lang talaga ang makaka-tulong sa kanya ngayon.
"Maraming salamat po, Attorney," sagot niya nung matapos kami.
"Walang anuman po," sagot ko. "Kung may ibang tanong pa po kayo, balik lang kayo dito. May sasagot naman sa mga tanong niyo palagi."
The consult lasted for more than an hour at napagod ako doon, pero 'di ko magawang magpahinga kasi nakita ko na ang haba pa ng pila sa labas.
"You can take a break," sabi ni Lui nung makita niya na i-stretch ko iyong leeg ko.
"No, I'm fine," sagot ko. Napa-tingin ako sa kanya nung abutan niya ako ng tubig. Imbes na abutin ko agad, bahagyang kumunot ang noo ko.
"What? It's just water, Tali."
I didn't know why, but it annoyed me to hear him calling me Tali. Like we're friendly. Like there's no bad memory between us.
But I didn't want to discuss it with him further kaya naman tinanggap ko na lang iyong tubig at nagpatuloy sa consult.
* * *
I wanted to skip lunch. Nagtanong ako kanina kung okay lang ba na 'wag na akong maglunch kasi parang sayang iyong oras e ang dami pang naka-pila. Apparently, 'di pala pwede dahil magllunch din iyong ibang staff kaya walang magbabantay.
I got out of the building. I wasn't hungry kahit may provided naman na lunch iyong legal aid.
"That's your lunch?" rinig ko na sabi ni Lui nung makita niya ako na nasa isang gilid at naninigarilyo.
I looked at him. "What's your deal?" tanong ko sa kanya.
"What?"
"You're always showing yourself in front of me," sabi ko sa kanya.
Tumayo siya sa gilid ko. Naglabas siya ng sigarilyo at saka sinindihan iyon.
"You'd seen me like what? Twice in a year?" sabi niya.
"Thrice," I corrected him. Tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. "Nung results nung BAR."
"Right..." sabi niya at saka humithit at saka bumuga. "I wanted to congratulate you that day, but everyone was crowding you."
Naka-tingin lang ako sa harapan ko at patuloy na naninigarilyo. I didn't want to think further or to even let myself wonder kung bakit siya nandito at bakit niya ako kinakausap. I guess it's just normal since nasa iisang legal aid kami.
Because it's been a year. Alam niya naman iyong number ko at kung saan ako naka-tira. Kung gusto niya akong kausapin, he would've done it before. But he didn't. Nandito lang naman siya ngayon dahil nagkataon na pareho kaming nandito.
There's nothing to it.
"Congratulations, Tali," he said. "I'm proud."
The way he said my name...
It made me feel sick.
"Thanks," I replied, holding the cigarette stick in between my fingers. "You wanna hear something funny, Lui?" I continued. He was looking straight into my eyes and I did the same "You dumped me because you wanted to focus on your review... But I'm the one who topped the exam..." I cocked my head to the side. "Weird, right?"
**
This story is already at Chapter 28 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top