Chapter 08

Chapter 08

A dirty, little secret—that's what I felt nung palabasin ako ni Lui at papuntahin mag-isa sa sasakyan niya. I knew that no one really knew about us. Kahit ako ay ayaw kong sabhin sa mga sis ko na may nangyayari sa amin ni Lui. But I had a reason. He's flirted with a lot of my sisters that being seen with him would literally cause problems for me... pero siya? Nakaka-hiya ba ako kasama na tipong kailangan kong magtago sa sasakyan niya?

I felt so bad for myself.

But still... I had no one to blame but myself kasi ginusto ko naman 'to. Wala namang pumipilit sa akin na gawin 'to. Wala namang naka-tutok na baril sa akin tuwing nagda-drive ako papunta sa condo niya.

Tsk. Ang hirap talaga kapag wala kang ibang pwedeng sisihin kung hindi ang katangahan mo.

Huminga ako nang malalim nung makita ko si Lui na naglalakad papunta sa sasakyan ko. True enough, huminto siya sa may tapat ng driver's seat at saka kumatok sa bintana ko.

"Why?" tanong ko sa kanya.

"Wanna review later?" he asked.

Thursday pa nung nangyari iyong pagpapa-punta niya sa akin sa sasakyan niya. Thursday na ulit ngayon. Ilang araw na akong hindi sumasama sa kanya sa review niya sa study hub. Sinasabi ko sa kanya na may headache ako. I mean, totoo naman. Nagkaka-migraine na ako sa pag-iisip kung bakit ang tanga-tanga ko sa kanya.

Maganda naman ako! Bakit ba ako nagtitiis dito sa lalaking 'to? Pogi nga, pero lagi naman akong iniistress.

"Try ko pero—"

"Masakit kasi ulo mo?" he said, finishing my statement for me. He placed both his arms sa bintana ko and then leaned in. "Are you avoiding me?" he asked.

I scoffed. "No," I said, but I probably didn't beat his allegations kasi kahit ako ay hindi maniniwala sa sagot ko.

"Really?"

"Ang hassle for me," I said, instead. "Pupunta pa ako sa Makati then sa condo mo tapos saka pa lang ako makaka-uwi. As a nurse, dapat alam mo na magkaka-sakit talaga ako sa ganon."

Lui was just looking at me like he was trying to gauge kung nagsisinungaling ba ako or what. I mean, totoo din naman iyong sinabi ko sa kanya. Nakakapagod iyong set-up na 'yon, ha! Ni hindi ko nga ginawa iyon buong law school life ko, tapos biglang ginawa ko para sa kanya? Iba rin talaga siya.

"Fine," he said.

"Good—"

"Invite me to your condo," he continued.

Napaawang iyong labi ko. "What?"

"Don ako mag-aaral."

Nakaawang pa rin iyong labi ko. "Wala ka bang study table sa condo mo?"

"Mas nakaka-aral ako kapag nandyan ka," he said. Diretso pa rin siyang naka-tingin sa mga mata ko. 'Wag lang talaga akong pakitaan ng dimple ng taong 'to. One week na akong naging independent girl! 'Wag niyang sirain iyong progress ko. "Unless you're really avoiding me."

"I'm not nga."

"Then invite me."

"You're annoying."

Ah, fuck. Pinakita na iyong dimples niya.

"Fine, whatever. Just follow me," sabi ko sa kanya tapos ay tinulak paalis iyong mga braso niya at saka tinaas na iyong salamin ng sasakyan ko.

Nagdrive ako papunta sa condo ko. Lui was just following me hanggang makarating kami sa basement parking. I got out of my car and saw him na nagpapark pa. I just stood there and waited for him na matapos sa pagpapark niya. Naalala ko na naman tuloy iyong sa club. I could wait for him para sabay kaming aakyat sa condo ko... habang siya ay pinauna na ako para walang maka-kita sa amin.

Alam ko naman na down bad ako for him... I wasn't denying that... But damn, nakaka-baba ng self-worth 'yung ginawa niya.

I watched as Lui got out of his car. Kinuha niya sa backseat iyong backpack niya tapos ay naglakad siya papunta sa akin. He's so handsome... pero alam ko na may ibang gwapo naman sa mundong 'to. Alam ko rin na may ibang lalaki who would treat me better...

Ugh.

Baka nga tama si Alisha at nasa vagina iyong puso ko.

"What do you want for dinner?" he asked.

I looked at him and frowned. "Dito ka rin magdidinner?"

"6PM na kaya."

"Fine," I said. "Basta 10PM ang bedtime ko."

Natawa siya. Gusto ko na lagyan ng sticky note iyong magkabilang pisngi niya para hindi ko makita iyong dimples niya. And what's with my fascination with his dimples? May dimples din naman ako!

"Alright, Ms. Italia," he replied. "Sungit mo. Malapit na ba period mo?" dugtong niya tapos ay sabay na kaming naglakad papunta sa elevator.

"I'm not talking about my period with you."

"Why not? I'm a medical professional."

"Non-practicing."

"Still a nurse," he replied. "What's your undergrad?"

"Secret."

Natawa siya. "Come on..."

"Secret nga."

"Why?"

I shrugged. "Basta."

"Bakit ayaw mong sabihin sa 'kin? I thought we're friends?" he asked.

See? Kaya ayaw ko siyang pasamahin dito, e. Okay naman iyong mood ko kanina. Actually, okay naman ako buong linggo. Tapos biglang sasabihan niya ako na friends kami? Friends?! After ng lahat ng pinaggagawa niya sa akin, friends kami?!

Siguraduhin niya lang na tanda niya pa lahat ng pinag-aralan niya sa nursing dahil hina-highblood ako sa kanya.

"Friends mo mukha mo," sabi ko sa kanya at sakto na bumukas iyong elevator kaya lumabas ako doon. Naglakad ako papunta sa unit ko. I got in and he followed. I saw him looking around. "I have food sa ref. Kung ayaw mo, pa-deliver ka na lang," dugtong ko bago ako pumasok sa room ko para magpalit ng damit.

Before, gusto ko talaga na naka-ayos ako sa harap ni Lui. I always wanted to look cute and put together in front of him. But now? After nung ginawa niya sa club tapos ay 'friends' daw kami? I got a makeup remover tapos ay tinanggal ko na lahat ng makeup sa mukha ko. Alam ko rin na gusto niya kapag naka-ponytail ako kaya naman naka-lugay lang iyong buhok ko. Naka-suot lang ako nung pink ko na headband. I also changed into my pink long-sleeved silk pajama.

"You have a lot of food," sabi ni Lui habang naka-tayo pa rin siya sa harap nung ref ko.

"Nagdadala ng food for me para hindi ko na iisipin iyong kakainin ko," I simply replied. Lui closed the door of the ref and then turned to look at me. I saw how his lips parted when he saw me. What? Natakot ba siya sa mukha ko kapag walang makeup? Grabe naman! Ganon pa rin naman itsura ko but medyo pale. "What?" I asked because I felt uncomfortable when he was just staring at me.

He walked towards me.

No.

I needed to protect my heart aka my vagina from further confusion.

Bago pa man siya maka-lapit sa akin ay naglakad na ako papunta sa may dining table ko. Maliit lang 'yon dahil ako lang naman usually ang kumakain dito. Naramdaman ko na naka-tayo si Lui sa likuran ko. I looked up to look at him, pero bago pa man ako makapagsalita, naramdaman ko iyong labi niya sa labi ko.

God, the attack comes from all sides! There's no place safe!

Lui was kissing me slowly. He was nibling on my lips. Ako? Ang tanging naririnig ko lang ay iyong lakas ng kabog ng dibdib ko. Isang linggo ko rin siyang hindi nahalikan... Nakaka-miss pala. Niloloko ko lang pala iyong sarili ko nung sinabi ko na kiss lang naman 'yon.

"I'd always wanted to try that," sabi niya nung pakawalan niya iyong labi ko. "Ang sakit pala sa batok."

He pulled the chair opposite to mine tapos ay naupo doon. "Tali," he called.

"Y-yeah?" I replied, telling myself na umayos. Kiss lang 'yon, pero nayanig na naman iyong buong mundo ko.

"I'll just order food," he said. "Bigay ata ng parents mo 'yon. Nakaka-hiyang kainin."

My braincells were in scramble dahil sa isang minuto na paghalik niya sa akin kaya naman tumango na lang ako sa kanya. I nodded at whatever Lui was telling me. Tapos ay sinabi ko na sa kwarto ako mag-aaral dahil hindi rin naman kasya iyong mga gamit naming pareho sa dining table ko.

"It's fine, Tali," I told myself habang naka-upo ako sa study chair ko. "I mean, hindi rin naman pwede iyong cold turkey ka agad. At the very least, self-aware ka naman na kahinaan mo si Lui. Basta na lang stick tayo sa curfew."

I gave myself peptalk tapos ay nagstart na lang din akong mag-aral. Bakit kasi nandito siya? Dapat ay nanonood na ako ng movie ngayon. Hindi ko alam kung ano ang meron sa lalaking 'to na napapa-aral ako.

I was in the middle of reading nung maka-rinig ako ng katok sa pintuan ko.

"What?" I asked nung buksan ko iyong pinto.

"Nasa baba na 'yung pagkain."

"Ah, okay," I replied tapos ay lumabas na rin ako sa kwarto ko. I grabbed my cardigan and my keys.

"Ako na," he said. "Pabukas na lang ng pinto ulit."

"Ako na," I replied. "Kailangan ng access card para maka-akyat ka ulit."

Nilahad niya iyong kamay niya. "Pahiram nung sa 'yo."

"Ako na," I said. "Baka tanungin kung kanino kang unit. Malaman pa na nagdadala ako ng lalaki dito," I continued bago ako naglakad palabas sa unit ko.

I didn't mean to say that... I mean, yeah, I kinda did... Bwisit pa rin ako sa ginawa niya sa akin sa club. Gusto ko lang malaman niya iyong pakiramdam na tinatago... but then again, wala naman siyang pakielam sa akin, so the result would be different for him.

Unfair.

Buti na lang at isang delivery guy lang iyong nasa baba kaya nakuha ko agad iyong food na pina-deliver ni Lui. Dumiretso lang ako pabalik sa unit ko. Nakita ko na naka-upo siya sa couch at naka-tingin sa akin.

"Tali," pagtawag niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya.

"I can just leave."

Bahagyang kumunot iyong noo ko.

"I like spending time with you, but if I'm making you uncomfortable, I can just leave."

I didn't like how I felt fear creeping up my system. Did he mean that he'll leave me alone? Na hindi na ulit niya ako kakausapin? Hahalikan? Babalik kami sa dati na hindi magkakilala?

I hated what he did to me before... but I didn't hate him enough to want him gone from my life.

"Para kang tanga," I casually said as I placed the food on the table. Lumingon ako sa kanya. "I'm not uncomfortable. Sinabi ko na sa 'yo na masama iyong pakiramdam ko lately, 'di ba?" I told him and then proceeded to put the food containers on the table.

Naka-upo lang siya habang pinapanood ako. Nang matapos ako, lumingon ako at nakita ko na naka-tingin lang siya sa akin.

"Kain na tayo," sabi ko sa kanya.

Instead of answering, I just saw him sighing before he got up and went to his seat.

Lui and I ate in silence. Nakaka-panibago. Nung matapos kami kumain, nilagay niya sa may paperbag lahat nung kalat. Pinunasan niya rin ng tissue iyong table ko.

Nakaramdam ako ng panic nung bigla niyang kunin iyong bag niya na nasa may gilid nung couch ko.

"Aalis ka na?" I asked, panic crawling through my entire system. Shit. Bakit ko ba kasi sinabi iyong kanina? Simula't simula pa lang naman, sinabi na ni Lui na 'fun' lang 'tong sa aming dalawa. Bakit ba kasi lagi kong hinahayaan iyong sarili ko na mag-expect sa kanya? Lagi lang tuloy akong nadidisappoint kahit wala naman siyang kasalanan.

Tumango siya.

"Hindi nga ako galit o uncomfortable."

"Sabi mo masama iyong pakiramdam mo."

"Yes pero... hindi naman ganon kasama."

"Just rest up."

Naka-tingin lang ako sa kanya. "Ikaw ba? Galit ka sa 'kin?" I asked him.

"No."

"Really."

"Yes."

"Then, stay," I said as I was staring into his eyes. "At least until my bedtime."

I was counting the seconds in my head to counter the sound of my loud heart.

"Okay," he replied.

"Okay?"

"I'll stay," he said. "If that's what you want."

**

This story is already at Chapter 14 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top