3. A place we've been to before

|| Kid ||

Oras ang lumipas, nanatili akong tahimik habang nag-uusap-usap at nagtatawanan ang mga kasama ko. Hindi nagtagal, huminto ang tren na sinasakyan namin.

Mabilis na napunta ang mga tingin namin sa mga bumukas na pinto. Naunang nagsitayuan ang tatlong kasama ko, bago ako kumilos.

"We're here."

"Let's go."

Nahinto ako sa pagtayo nang marinig ko ang boses ni Sage, na sinundan ng boses ni Eivel. Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko, mariin akong napakagat sa ibabang labi. Humigpit ang pagkasasara ng kamao ko bago ako sumunod sa labas.

Nanatiling mababa ang tingin ko, pero kaagad akong natigilan nang makita ang inapakan ko papalabas. Kumunot ang noo ko.

Eyo... buhangin?

Unti-unting umangat ang tingin ko na sinabayan ng paghampas ng hangin, tumama sa akin ang sikat ng matirik na araw, naningkit ang mga mata ko.

Dahan-dahang namilog ang mga mata ko nang matauhan ako... nakapunta na kami rito.

Tama!

Ito 'yon!

Kung na saan si Speence!

Kaunting nakaawang ang bibig ko habang namimilog ang mga mata, hindi makapaniwala na makapupunta ulit ako rito. Hindi ako pwedeng magkamali, nandito ung paramis! Kung saan namin kinalaban si Speence!

Ano... nga ulit ang pangalan ng lugar na 'to?

G...

Gi...

Lumiwanag ang ekspresyon ko, desididong tumango.

Tama, Gisa!

Pero... anong ginagawa namin dito?-

"Oh, tara na," ani Jin. "Maghanap na tayo ng players, at chess pieces," nakangising dagdag niya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Doon ko naalala, wala silang potchi... wala silang coach. Kasi hindi sila players. Kaya wala silang alam sa lugar na 'to...

"Kid, alam mo ba 'tong lugar?" Napunta sa akin ang mga tingin nila.

Hindi kaagad ako nakasagot. Pilit akong umiling. "A-Ah, hindi..."

Tinignan muna nila 'ko nang ilang segundo, bigla akong kinabahan. Nahalata ba nilang nagsisinungaling ako?-

"'Di ba?" Natatawa akong inakbayan ni Nate. "Kid pa ba?" Ginulo niya ang buhok ko.

Pilit akong tumawa para sabayan ang mga pagtawa nila. Nagsimula kaming maglakad sa gitna ng bungahin, papunta sa bayan na nasa gitna.

"Alam mo ba kung ano ang pangalan ng lugar na 'to?" tanong ni Nate na nakaakbay sa 'kin. Inangat niya ang kamay niya at tinuro ang buong paligid.

"Dating ano 'to... beach. Alam mo 'yon? Iyong dagat," pagpapaliwanag niya.

Batang-bata ang tingin niya sa 'kin, sa puntong ang hilig niyang gumawa ng kwento. Hindi ako tanga. Alam ko 'yong beach, doon nakatira si nemo.

"Puno 'to ng tubig... pero nauhaw ako, kaya ininom ko 'yong tubig, ayun, nawala. Buhangin na lang 'yong natira." Natawa si Nate habang nagkwekwento, kumunot ang noo ko.

Sa tingin niya ba maniniwala ako ro'n?

Hindi. Imposible... wala naman siyang straw na dala-dala.

"Bobo, paano mo maiinom 'yong dagat eh maalat 'yon," pagsali ni Fred sa usapan.

Umangat ang dalawang kilay ko sa narinig. Weh?

Malalim kaagad akong napaisip sa sinabi niya. Maalat? Kung gano'n... paano nagagawang mainom 'yon ni nemo?

"Tigilan niyo nga 'yan." Ang boses ni Jin ang sumingit sa mga usapan namin. "Nandito na tayo."

Hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng bayan. Ang maliit mula sa malayo kanina ay nakalulula ang laki ngayon. Kahit pangalawang beses ko na 'tong napuntahan, namamangha pa rin talaga ako.

Ang dami pa ring mga nagtitinda, kamukha ni Jasmine at Aladdin ang iba. 

"Oh, mag-ikot-ikot tayo," pangunguna ni Jin. Nalipat sa kaniya ang tingin ko.

"Dito tayo magkikita-kita mamaya." Tinapunan niya 'ko ng tingin. "Ikaw na bahala sa gusto mong gawin, Kid. Hindi ka naman siguro maliligaw 'no? Bahala ka kapag nawala ka."

Hindi ako nakasagot, nakinig lang ako sa mga sinabi niya.

"Oh, tara na, G."

Sinundan sila ng tingin ko, isa-isa silang umalis.

"Tara na," boses ng babae ang narinig ko.

"Kid-ya!"

Hindi malinaw, pero nakita ko rin ang pagdaan sa 'kin ng mga kasama ko... pero hindi katulad nina Jin at ng mga tropa niya, nilingon nila 'ko at hinintay.

"Kid!"

Bumalik ako sa katinuan nang mapagtanto kong kanina pa 'ko tulala. Wala na sa harapan ko sina Jin at ang mga kasama niya. Ang magulo at mga tao na lang sa bayan ang nakikita ko.

Napalunok ako nang malalim. Kailangan kong ayusin ang sarili ko.

Bumaba ang tingin ko, sinundan na mapait na pagngiti.

Tama... kailangan kong-

"Hey!"

Nabigla ako nang may tumapik sa akin. Mabilis kong inangat ang ulo ko at napalingon sa kaniya. Kapwa namilog ang mga mata namin, parehong nabigla.

"E-Eyo, ikaw-"

"You!" Tinuro niya 'ko. "You're one of miss Eivel's teammate!" aniya.

Hindi kaagad ako nakasagot, kaunting nakaawang ang bibig pero walang salitang lumalabas.

Ano... raw?

Pero pamilyar sa 'kin ang lalaking 'to...

Saan ko ba siya huling nakita...

Sumagi sa isip ko ang unang punta namin dito kasama sina Eivel. Naalala ko ang mukha ng lalaking 'to na kasama nila ni Sage.

Tama! 

Siya 'yong ano, 'yong nagtatrabaho rin dito tapos tinulungan kami!

Tinuro ko siya. Lumiwanag din ang ekspresyon niya nang mapagtanto niyang nakikilala ko siya.

"Ariel!"

Kung gaano kabilis ang pagliwanag ng ekspresyon niya ay ang pagkawala rin nito. Mabilis siyang napasimangot at inalis ang pagkakaturo ng hintuturo ko sa kaniya.

"Jeez, it's Aaron, Aa-ron," dalawang beses niyang binanggit ang pangalan niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "A-Ah, hehe... anong ginagawa mo rito? Okay lang ba na kausapin mo 'ko? Hindi ba't nagtatrabaho ka rito?" tanong ko.

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. "Of course, hindi tatakbo ang district kung walang players. Hindi naman naka-register na players ang dumating." 

Tumango-tango ako. Hindi ko naintindihan.

Tila napunta ang tingin niya sa paligid ko, na para bang may hinahanap.

"Oh, nasaan na pala sila? Si miss Eivel, tapos 'yong isang lalaki mo pang kasama. Pati 'yong coach niyo?"

Hindi ako nakaimik sa tanong niya, nanatili siyang tumitingin-tingin.

"A-Ah..."

Pilit akong ngumiti, at bumaba ang tingin ko na kaagad niyang napansin. Kapwa nagbago rin ang ekspresyon niya nang makita ang pagbabago ng mukha ko.

Napaiwas ako ng tingin, parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang makasagot kaagad.

"H-Haha... ang totoo kasi...."

"Wala na eh..."

"Umalis ako sa grupo..."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top