1. A coward King

|| 3RD POV ||

Lost for words, face on the ground.

The most jolly person and energetic in the group, suddenly became the most quiet and dull one.

Nanatiling tahimik si Kid, mababa ang tingin at mabigat ang paghinga. Patuloy sa pag-andar ang tren na sinasakyan niya. Sumisilip ang sinag ng palubog na araw sa mga bintana na minsan ay nahaharangan ng matataas na mga poste.

Now this, is his situation now.

"Nice, ez," ani ng lalaking katabi niya. Nakabukaka ang dalawang binti at nakalagay ang dalawang mga kamay sa sandalan ng upuan. A guy with a bald fade haircut, wearing a white sando, arms are full of tattoos. 

Nate J. Bascolar

Username: Cannot be found

24

More information are not programmed. Not a registered player.

The guy in front of him, sitting on the opposite side of the train showed a smirk. Has a neck length hair with bonnet, wearing an oversized shirt and maong pants. "'Di man lang pinagpawisan, 'no Nate?" sagot niya sa lalaking nagsalita.

Freddie John L. Isla

Username: Cannot be found

24

More information are not programmed. Not a registered player.

"Nadali mo, Fred," sambit ni Nate.

Napuno ng tawanan nila ang loob ng tren. Ang isang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ay mahina ring natawa habang pinakikinggan sila. Has a brown hair, wearing a violet sweater and pants. With a tattoo on his neck.

Jin P. Lasco

Username: Cannot be found

24

More information are not programmed. Not a registered player.

Between his middle and index finger is a chess piece— the Queen.

Jin smirked before glancing to the only person who looks like he's not having fun at all. In fact, he's awfully quiet. Ang lalaking madalas na tumatawa at may masiglang ekspresyon, hindi maipinta ang mukha ngayon, nananatiling nakayuko.

"Hoy, Kid. Ang tahimik mo ah," malalim ang boses niyang nagsalita na kaagad nakuha ang atensyon ng iba pa niyang kasama.

Napunta rin ang atensyon ni Nate at Fred sa lalaking tahimik. Pero sa kabilang banda, parang wala itong narinig.

Kid remained quiet, expressionless.

Right now... he can't think of anything else, except from them.

Sage, the coach, and Eivel.

He's being consumed by his guilt, still processing what just happened.

He left without saying anything, taking the chess piece with him. A betrayal, indeed.

Sa kaisip-isipan niya ngayon, pinaghahalong takot, lungkot, inis sa sarili, at panghihinayang.

"Nakaalis na kaya sila?"

"Galit kaya sila sa 'kin?— paniguradong galit na galit sila sa 'kin."

"Sana... sana magawa nilang makuha ang susunod na chess piece."

"Sigurado akong makukuha nila 'yon... lalo na't wala na 'ko... wala ng pabigat."

Sunod-sunod ang mga salitang nasa isip ni Kid na hindi niya kayang sabihin gamit ang bibig niya. Paulit-ulit niyang naalala ang nangyari. He just saw a glimpse of Eivel's expression, just a glimpse.

But the look on her face that moment, shattered him.

Unang beses niyang nakitang gano'n si Eivel, paniguradong galit na galit 'to sa kaniya. Iniisip ni Kid na ang dahilan ng pagbabago ng ekspresyon ni Eivel ay ang pagkuha niya ng chess piece, hindi ang kadahilanang... umalis siya.

He doesn't want to do that at all... but he have no choice-

Actually, he had a choice.

But he chose to give in...

Because he, is a coward king.

"Parang tanga 'to oh," kumunot ang noo ni Fred. Pasimpleng sinipa ang paa ni Kid na nasa harapan niya.

"Hoy, 'wag mo nga anuhin 'yan si Kid," kumento ni Nate na katabi ng lalaking tahimik at nakayuko. "Alam mo namang..." Sumenyas ito ng nasisiraan ng ulo. "May pagkaganito 'yan."

"Pfft HAHAHAHAHA!" Sabay ulit silang tumawa.

"Anong nakakatawa?"

Natahimik sila nang magsalita ang lalaking tinatawanan nila. Mula no'ng umalis sila sa district ng Game General na si Sherlock, ngayon lang ito nagsalita at umangat ang ulo. Nagbago bigla ang ihip ng hangin.

As if he's not in himself at all. His lively eyes looks dead, and his iconic smile was gone, his lips doesn't curve at all.

Napaismid si Jin sa naging reaksyon nito at pasimpleng sinamaan ng tingin si Nate at Fred. Pareho silang natigilan.

Even though he's just a 'kid', and easy to fool. Kid is still not an ordinary teenager.

After all, he's still a master in taekwondo.

Totoong madali siyang mauto at mahina minsan sa pag-intindi, pero masamang magalit ang lalaking pinagtatawanan nila. And Jin knows that, he knows Kid.

"'Wag mo ng intindihin 'yang mga gagong 'yan," giit ni Jin, nakatingin kay Kid. "Hindi lang ako sanay na tahimik ka," dagdag niya.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong mga kasama mo? 'Wag mo na intindihin 'yong mga 'yon. Halata naman na iba ang pamumuhay nila kumpara sa kinalakihan mo."

"Oo nga, halatang mayayaman 'yon eh, iba 'yong breed. 'Di ka na kailangan ng mga 'yon," sulsol ni Nate.

Nanatiling walang buhay ang mga mata ni Kid na nakatingin sa kanila. "At anong pake mo? Tapos na ang kailangan niyo sa 'kin, nagawa ko na ang gusto niyo..."

"Oo, at salamat do'n." Inangat ni Jin ang hawak-hawak niyang chess piece. "Tutuparin ko ang sinabi ko sa 'yo."

Kid gritted his teeth, remembering what happened in the 'checkpoint district', the time he met them. Humigpit ang pagkasasara ng kamao niya.

"Dapat lang, Jin," mariin at may pagbabantang pagbanggit niya. 

Muli niya ring naalala ang dahilan kung bakit niya 'to ginawa mula sa umpisa, ang dahilan kung bakit sumusunod siya sa kanila.

Yes... it's all because of that.

He followed them.

Left...

And betrayed his team.

It's because of that... weakness of him.

Nanlilisik ang mga mata ni Kid na nakatingin sa lalaking kaharap. Ang lalaking kilala niya rin, hindi dahil sa laro... kung hindi sa labas.

Jin knows Kid... and Kid knows him.

Because they've met before, a countless of time.

Nag-iigting ang bagang ni Kid at muling pinaalala sa kausap ang naging usapan nila.

"Dapat lang... na gawin mo ang usapan."

Tinignan niya 'to, puno ng pagbabanta at pananakot.

"Bibigyan ko kayo ng chess piece, at bilang kapalit."

"'Wag na 'wag niyong lalapitan ang mga kasama ko..."

"At aalis ka na sa buhay ng ate ko paglabas mo rito, Jin."

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top