9. The Mad Hatter
Kid
Seryoso akong nakatingin sa mga nasa harapan ko. Unti-unti akong napalunok nang malalim habang napakurap-kurap.
A-Ano raw?
Tinignan ko ang mga kasama ko at sa unang pagkakataon, sumalubong sa akin ang hindi maipintang mukha ni Eivel at ang ekspresyon ni Sage na bakas sa mukha na hindi niya naintindihan ang narinig.
Ang tumatak lang sa akin na sinabi nila ay ang Dumb. Isa sa mga nickname na binigay sa akin ni Potchi. Kung gano'n ba, tinatawag nila 'ko?
"Well then, it's time to start the Tea Party!" Muling sambit ng babaeng nasa gitna. Sa pagkakaalala ko, Miss Candy ata ang pangalan niya.
Pare-parehong nakuha ang mga atensyon namin nang makarinig kami ng pagbukas pinto. Nagkikiskis ang sahig at ang mabigat at malaking pinto na nakatago sa likod ng mga nagsisilakihang mga kabute.
Hindi rin ito mahahalata na pinto sa unang tingin dahil mukha itong harang lang na tinubuan ng maraming halaman at mga ugat.
"We wish you luck, players! May you win against the Mad Hatter!" Dadag na sambit ng magandang babae na hindi ko masyado gusto ang ugali. Sa pagkakatanda ko, Lady sili ata ang pangalan niya.
Nagsitayuan ang dalawang kasama ko dahilan ng mabilis ko ring pagtayo. Ginagaya ko lang ang kung anong gagawin nila dahil wala akong naiintindihan. Hindi ko maalala na may ganito sa larong Super Mario.
"Let's go-ya!" Pag-aya ni Potchi na nasa balikat ko.
Pare-pareho kaming pumunta sa pintuan na bagong bukas, ang palabas sa lugar na ito. Nauunang maglakad sina Sage at Eivel habang nakasunod ako. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang mga kumakaway na kasama namin kanina na pinapanood kaming umalis. Bago sumunod sa paglabas sa pinto.
Para akong may dinaanan na jelly ace nang tumawid ako sa pintuan. Pakiramdam ko ay dumaan sa gelatin ang katawan ko dahil magpagkamalagkit at malambot na transparent na nasa pinto. Mukhang hindi lang ako ang nakaramdam noon dahil nahinto rin sa paglalakad ang dalawa kong kasama ko.
Halos maiyak ako sa tuwa nang makita ang pagbalik ng itsura ko rati. Nawala na ang mahaba at kulot kong buhok, hindi na 'ko mukhang si Cinderella! "E-Eyo! Wala na ung mga costumes!" Natutuwa kong sambit.
Mariin akong napayakap sa sarili ko. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na ang katawan ko sa rati. Iba ang pakiramdam kapag... wala 'yon... wala 'yon sa ibaba.
"It looks like we're here." Mabilis na pag-iiba ni Sage.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Parehong nakalibot ang mga tingin nilang dalawa ni Eivel. Tulad nila ay napakurap-kurap akong napatingin sa paligid.
Para kaming nasa loob ng malaking tent na pinaghalo-halong dilaw at pula ang kulay. Ang mga nagsisilbing ilaw ay mga naglalakihang christmas lights, parang bumbilya ang laki nila kumpara sa normal. Tapos meron pang mga nakasabit na mga ano... ano tawag doon? Ung pang-birthday.
Hindi maipinta ang mukha ko at nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kabuoan ng lugar. Hindi ko pa rin ito nakikita sa Super Mario rati. Bagong update kaya?
"A circus, huh?" Kumento ni Eivel. "Fits the theme well." Dagdag niya.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Circus? Bilog?
"I see, you passed the first challenge."
Isang malalim at malaking boses ang nakaagaw ng atensyon naming lahat. Kusa kaming napaatras ng mga kasama ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
Napalunok ako nang malalim. Ang unang pumasok sa isip ko na kapareho ng boses at pananalita niya ay wala iba kung hindi ang kalaban at tito ni Simba sa Lion King, si Scar. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko, naalala ko ang pagtraydor niya kay Mufasa.
"Welcome to my district, players."
Nag-eecho ang boses niya sa silid. Sa kabila ng malalim at malaking boses, wala kaming makita ni anino ng nagsasalita.
Seryoso kong tinitignan ang bawat sulok. N-Nasaan na kaya ang nagsasalita?-
"So? Do you wish to challenge me?"
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Habang inililibot ang tingin ay mabilis na napako ang tingin ko sa biglaang sumulpot sa gitna naming tatlo nina Sage at Eivel. Natulala ako nang makita ang nasa likod ng malalim at malaking boses na bigla na lang numipis at lumiit.
"So?" Pag-uulit niya.
Pare-pareho kaming natulala sa lalaking bagong dating... isang maliit na lalaki. May suot-suot siyang malaking pulang sumbrero at ribbon sa gitna ng suit niya. Magulo ang kaniyang orange na buhok na parang hindi nagsusuklay.
Unti-unting umawang ang bibig ko. "I-Ikaw-"
Marahan siyang pumikit at tumango-tango habang nakangiti. Itinaas niya ang hintuturo niya sa akin. "Yup! I'm Ma-"
"Mario!" Mabilis na pagputol ko. Parang kumikislap ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Mario! Sabi ko na nga ba, nandito ka!" Natutuwa kong dagdag.
Hindi nakakibo ang mga kasama ko, pati rin ang kaharap kong si Mario na parang huminto sa ere at literal na nag-pause. Nanatiling nakataas ang hintuturo niya habang nakapikit at nakabuka ang bibig pero walang boses na lumalabas.
Natigilan ako sa mga reaksyon nila, nanatili silang tahimik. Walang ekspresyon na nakatingin sa akin si Sage habang may ibig sabihin ang mga tingin na ipinapakita sa akin ni Eivel... parang... parang pinapatay niya na 'ko sa isipan niya.
Nagtataka ulit akong tumingin kay Mario. Mali ba 'ko?
"L-Luigi?" Pagtatama ko.
"YA! STUPID-YA!"
Naramdaman ko ang malambot at maliliit na mga kamay ni Potchi na humampas sa kanang pisngi ko. Maliit ang boses niya parang paiyak na. "Y-Ya! I already told you a while ago-ya!" Naiinis na sambit niya sa akin.
Naguguluhan ako sa sinabi niya. A-Ano?
A-Ah, baka si-
"Prin-"
"Kid." May tonong pagputol sa akin ng babaeng kasama ko. Malamig ang boses niya pero punong-puno ng emosyon... galit na emosyon. Mariing pumikit si Eivel at huminga nang malalim.
"He's the Game General, the Mad Hatter."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top