33. Prediction

Eivel

There are total of 3 people in front of us.

If I'm not mistaken, they look like they're already on their mid 20s or even 30s.

Isang lalaking naka-bald fade haircut na nakasuot ng puting sando at napupuno ng mga tattoos ang mga braso. Ang isa naman sa kabilang gilid ay hanggang balikat ang buhok at nakasuot ng isang itim na bonnet, asul na malaking shirt, at maong shorts. 

At ang lalaking nasa gitna at hindi mawala ang nakakairitang ngisi sa labi ay nakasuot ng violet na sweater at pants. Kulay brown ang buhok niya at may tattoo rin siya sa leeg.

W-Who are they?

Is this still a part of the challenge? Are they NPCs?

Or... players?

"Who are you?" May tonong tanong ni Sage.

Mas lalong kumurba ang labi ng lalaking nasa gitna at humakbang siya papalapit sa amin.

"Hi kids! May naistorbo ba kaming LQ?" Natatawang sambit niya. Nagsitawanan din ang mga kasama niyang lalaki.

Walang kumibo sa aming tatlo. Sage looks more serious than usual.

"We don't have time for this. We're going through."

Natigil sa pagtawa ang mga lalaking kaharap namin. Hindi maipinta ang mukha nila nang tapunan nila ng tingin si Sage. Naalala ko sa kanila ang mga kadalasang nakikita kong mga tambay.

But unlike those people, these assholes in front of us looks like they could kill people.

"Ano ba 'tong inienglish-english nitong kupal na 'to?" Lumapit ang naka-bonnet kay Sage at pinandilatan siya ng mata.

Hindi kumibo si Sage sa ginawa niya na mas lalo niyang kinairita. Binabasa ko ang mga reaksyon ng kasama ko. Pinag-iisipan niya mabuti ang bawat mga kilos niya.

Kilala niya ba ang mga lalaking kaharap namin? He's acting strange.

But compare to that.

Patago akong lumingon sa likuran ko. Ang taong inaasahan kong unang hahakbang para harapin ang mga lalaking 'to... nasa likod ngayon, parang nakakita ng multo at nakatingin lang sa lapag.

K-Kid.

"Huy, kalma." Hinawakan ng lalaking naka-sweater ang balikat ng lalaking nasa harapan ni Sage.

"Sensya, sensya. May sinusundo lang kami." Nakangising sambit niya.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nakatingin sila sa isa sa mga kasama ko.

Nanlulumo at napakurap-kurap ako. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at nagsalita na rin ako.

"W-What the hell are you talking about?! Umalis na kayo-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may dumaan sa gilid ko. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang dahan-dahan ko siyang tinignan na maglakad.

Y-You're joking me, right?

"K-Kid-"

"K-Kid-ya..."

Isang akbay ang sinalubong ng lalaking naka-sweater kay Kid na hindi nagsasalita at nanatiling nasa lapag ang tingin.

"Huy! Ang tahimik mo!" Natatawang sambit ng lalaki habang inaalog si Kid. "Nasaan na ung 'Eyo!'" Muli silang nagtawanan sa sinabi niya.

Nanggagalaiti ako sa pwesto ko habang pinapanood sila. "W-What the fuck are you doing?" May riing sambit ko.

Nalipat sa akin ang mga tingin nila at natigil sila sa pagtawa.

"Miss, bakit kung makatingin ka, para akong nakapatay ng tao?" The guy chuckled. "Tropa ko 'to, 'di ba, Kid?" Humigpit ang pagkakaakbay niya kay Kid.

Hindi sumagot ang kasama ko rito.

"Tsk, bad mood ata." Napangiwing sambit niya. "Nevermind, nadala mo ba?"

Nakuha ng sinabi ng lalaki ang atensyon ko. Kusang umangat ang leeg ko para makita ko nang mabuti kung ano ang tinutukoy niya.

Parang nanlabo ang paningin ko nang may dahan-dahang inilibas si Kid sa bulsa niya. Hindi pa rin siya nagsasalita at walang buhay ang mga mata niya na nakatulala.

Binigay niya sa lalaki... ang bagay na pinaghirapan namin.

The Queen chess piece.

I don't know what to react or say at the moment, I feel broken, mad, sad, deceived...

Betrayed.

"K-Kid... anong ginagawa mo?" My voice cracked. There's a hint of sadness.

"Nice!" Natutuwang sambit ng lalaking naka-sweater bago bumitaw sa pagkakaakbay kay Kid. Ginulo niya ang buhok nito. "Napaka-husay mo talaga!"

Nalipat ang tingin niya sa amin at nakangiting ihinarap ang chess piece. Nagawa niya pa 'tong igalaw-galaw na parang inaasar kami.

"Thank you mga lods!" Natatawang sambit niya.

I remained frozen in my place. Wala ring kibo ang lalaking kaharap ko na si Sage.

I can't see his reaction or expression. Nakapako lang ang tingin ko kay Kid na hindi magawang makatingin sa amin.

Parang hindi ko nakikita ang nagtatawanang mga lalaki na nakapalibot sa kaniya at siya lang ang nakikita ko. 

He's not smiling right now... like he always do.

He's not making jokes, or calling our names. 'Eyo, Eivel'

E̶͙̺̟̣͚̽̍̆̇͆̅̿͆̔͘͠y̸̧͖̖̲͒̅͒͋̊ờ̶̛͖̫̗̫̀̔̄̎̏̀ ̵̧̛̬͍̗̹̻̬̹͈̣͑͂̈́̆̓͑̐̂̍̽͋͝͠é̴̲͉͖͆̑̚i̸̧̛͕̹̯̬̿̔̉̐̓̀̈̏͗͜͝v̵̧̧̡̜̫͖̮̘̝̦̤̥̊͝ͅě̵̺͕̱̬̫̅̿̉͒̏̒͊̆̆l̴̬̣̞͚͕̃́̀͘͝.̸̢̢̝͖̗̗͔̟͓̩̥̝̩͌͂̈̈͊̐̏̅̑̈́͘͜͠͝ ̴̥͑͛͆̓̑̚Ì̸̡̬͔̬̱̹̮̭͇͈̓̈́̇͆̒̅͘k̴̛̛̦̲̘͙̦̥̀́̐̓̃̊̈́͆̊ã̷̢͖͙̾̋̓̆̑̾ẃ̸̧̠̙̪͈̻̦͇̝̮̮̙̼͛̈̓͝͝ ̸̨̨̥̮̘̹̭̱̠̤̠̼̠̮̦͒͑̾̿n̷̨̝̞̖̣̥̻̗̞̖̠̫͆͐̑͐͗̅̌͐̓̔̓̎̃̚͝a̶͕̟̺̺͔͔͙̔̌͆̏͋̂̈ ̴̧͔̜͓̈́͂͝n̸͓̹̖̱̤̮̼̦̬̗̙̎̇̋̎̈́̓͠a̷̟͎̎̈́̈́͛̀͗̈́͐ṁ̶̙͇̠̖̳͇̥͙͇͒̄̓͋͝à̸̯̣̤͛͆̃̅̆̽̿̆̈́̂͐̈̅͘n̶̜̪̈́̈ ̴̨̳̞͓̝͈͔͍͎̮́͗͆̈́͛͆̆̑̏͂͠͠a̴̡̜̪̮̺̗̰̰̮͛̅͆̓͝͝n̸̨̪̪͇̣̻̖̼̣̭͕̒̈͌̃͛̐͊̒͜ģ̴̨̡̨̺̺̖̫̺̠͙̞̹̖̘̅̏̔͂̕͠ ̷̣̮̰͉̤̦̺͇̲̝̰̍̄̄̐n̴̼̞͙̗̩͛̈̔̀͑͜ͅḁ̴̛̬̘͚̤͕̹̋̃̽̕͜ḩ̴̡̛̙̞̣̠̲͉̀́̐̒̃̄̆̓͝ȗ̴̢̬̤̲̦͕̱̘̫̍̑͊́̔̎̇͌̕l̵̡̗͈̜̪̳̊́̉̈̀͆͊̿̈͘î̵̦͇̟̮̈́̉̽͝ ̶͔̦̘̻̱̫̟̟̹̳̰͂͐̊̑̀͌͆̃͜s̵̮͖̲͙̎̈́̊̃͂̌̀͐á̸̧̡̺͎̺̮̞͕͙̙͖̀͠ͅ ̴̢̜̞̺̖̆͘a̵̧̝̯͖͚͖̦̚͠ṯ̶̢̨̨̲̠͙͉̣͚̊̄̀̉̀͂̊͝͠i̴̥̱̤̙̞͐̔̏͗̊͌̚͝n̶̛̤̍͊̉̉͂̋͌̀͐̑̾̚͝͠.̶̨͖̯̭̻͈̠͕̓͌̓̐͘͜

This is the first time I saw this side of Kid. Rather, maybe this is the first time he chose to show it to us.

"Baliw, anong tinutunga-tunganga mo riyan?" Masiglang sambit ulit sa kaniya ng lalaking naka-sweater. "Tara na! Pag-aya niya."

Nagsimula silang magsitalikuran para umalis. Si Kid na lang ang nanatiling nakaharap sa aming dalawa ni Sage. Wala siyang imik na nakatayo. 

I was waiting for an explanation. Y-Yeah, I'm mad, and I might hit him, but just give an explanation- I know I can understand it-

Puno ng pag-asa at emosyon akong nakatingin sa kaniya. Pero nabigo ako no'ng oras na walang kaemo-emosyong tumalikod si Kid. Tinalikuran niya kami para sumunod sa tatlong lalaki.

As if a part of me shattered that time. Bumigay ang magkabilang balikat ko nang nagsimulang maglakad paalis si Kid.

W-What is he doing? Why isn't he explaining?

J-Just explain. Explain.

T-There's a 100% chance... I will forgive you.

I bit my lower lip as I watch him go. Gusto kong ihakbang ang mga paa ko pero nanghihina ako kahit sa pagtayo lang.

As seconds pass, our distance grew and grew.

"K-Kid-"

Nang nagkaroon ako ng lakas para gumalaw ay may mabilis na humarap sa harapan ko. Hindi ko nakikita ang mukha ni Sage nang harangan niya 'ko ng likod niya.

Pagtanaw na lang kay Kid ang nagawa ko mula sa pwesto ko.

N-No way...

D-Did Kid... betrayed us?

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top