23. Solve the case
Eivel
Sumalubong sa amin ni Kid ang isang maaliwalas na hallway. The interior design shouts Victorian. Muted light color palette was used with fine ebony wood. Hinaluan din ng gold at red na kulay ang carpet at iilang fabrics. Sa bungad ng pintuan ay isang chandelier sa dingding.
Now, this is a middle class household.
"E-Eyo... angas..." Namamanghang kumento ng lalaking kasama ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
Hindi ako nagtagal sa pagtayo sa bungad at dumeretso na kaagad ako papunta sa hagdanan. We don't have time to be mesmerized by the place.
"Saan tayo?" Marahang tanong ni Kid nang matauhan sa pagkilos ko.
Tinapunan ko siya ng tingin bago humakbang paakyat sa hagdan.
"Saan pa?" I raised my index finger. "Sa crime scene."
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagmamadali ring sumunod sa akin si Kid. The same as the hallway downstairs, parehong disenyo ang bumungad sa amin sa pangalawang palapag. As far as I can remember, may isang silid kanina ang walang ilaw... kung aalalahanin ko mabuti...
"It's right here." Mahinang sambit ko nang nasa harap na kami ni Kid ng dalawang may pagkamalaking pinto.
It's still close as I expected. Hindi naman tatanga-tanga si Sage para pumasok sa crime scene na tanging magnifying glass lang ang dala-dala. It's no wonder why he didn't went here first.
Isinuot ko ang gloves na binigay sa akin ni Sherlock sa magkabilang kamay.
"Wag kang hahawak ng kahit ano." Ma-awtoridad kong sambit kay Kid bago pihitin ang doorknob.
Tumunog ang pintuan nang dahan-dahan ko itong binukas. Kapapasok ko pa lang, iba na kaagad ang bumungad sa akin. Unlike a normal crime scene, rather than a chalk outline of the body at the place where it was found, the body itself was right in front of us.
"E-Eyo... ano 'yan." Napangiwi ang lalaking kasama ko at hindi maipinta ang mukha.
The patriarch of the household, he's body rather, is right in front of us. At least, the game was smart enough to not put any blood nor smell from a dead's body. It's like a puppet or doll, something like that.
Kung paano ang pwesto niya nang mamatay siya, iyon ang nakikita namin ngayon. Nakadapa siya habang nakaharap sa kaliwa ang ulo niya. Nakapantay rin ang dalawang kamay niya sa kaniyang ulo at nakasalampak. His eyes are closed as well.
I can't see any stab marks behind his back, I guess he was stabbed in front—in his chest.
Nalipat ang tingin ko sa kabuoan ng kwarto. Nilingon ko ang doorknob at pintong pinanggalingan namin. Walang sira o kahit anong senyales na may nagpumilit na pumasok. Bumalik ang tingin ko sa loob, maliban sa mga gamit sa lamesa at iilan sa lapag nito, I can say that nothing else is messy. Naniningkit ang mga mata ko habang tinitignan at hinahawakan ang ibang gamit sa lamesa.
Sa likod ng lamesa ay ang isang swiveling chair at sa likod nito ay ang bintana. It's not open, so I assume that the wind can't come inside.
Only the table is messy, it's close where he was stabbed. Kapansin-pansin din ang kulay asul na likido sa iilang parte ng mga gamit sa lamesa, maybe it's the blood.
I created a scenario inside my head. Kung walang ibang gamit na nasira o magulo... may posibilidad na hindi naglaban ang biktima.
I imagined the patriarch inside of this room. He was just inside when the killer came in. It's probably someone he knows since he let that person enter.
The patriarch is perhaps close to the table... standing in front of it rather. Dahil sa lapag siya natagpuan, sa tapat ng magulong lamesa.
Maybe... just maybe. The killer took a chance when the victim was doing something in his table and when he faced the killer, he stabbed him. Dahil biglaan, naghanap ng suporta ang biktima sa pamamagitan sa paghawak sa lamesa dahilan ng pagkakagulo ng mga gamit dito bago siya tuluyang tumumba.
I nodded at myself, it's still just a guess tho. Magkakaalaman pa mamaya kapag nakakuha pa kami ng mga evidences at clues.
"Okay, let me check this before we go." Walang ganang sambit ko.
Pinapanood lang ako ni Kid na hindi alam kung ano ang balak kong gawin. Nang makita niya 'kong lumapit sa katawan ng patriarch at inayos ang palda ko para umupo ay namilog ang mga mata niya.
"E-Eivel anong gagawin mo?" Tumaas ang tono ng pananalita niya habang nakangiwi. Hindi siya makapaniwala sa gagawin ko.
For pete's sake, Kid is a master of taekwondo, his kick can literally injure someone... pero malaki siyang duwag.
Napairap ako at bumuntong-hininga. "I'm going to examine him, natural." Walang gana kong sagot.
"P-P-Pero patay 'yan eh!" Hindi maipinta ang mukha niya. "Hahawak ka ng patay?"
Walang buhay ang mga mata ko nang tapunan ko siya ng tingin. Seriously? Paano niya nasabing patay 'to eh wala ngang amoy? Walang dugo? It's just a doll, a part of the game, and its role is a dead person.
"Ano? Ikaw na lang humawak?" Sarkastikong sambit ko habang pailing-iling. Akmang hahawakan ko na ang katawan ng patriarch nang may naglahad ng kamay sa akin.
Tumaas ang dalawang kilay ko nang mapalingon ako kay Kid. Nakaiwas siya ng tingin sa katawan pero nakalahad ang kamay niya sa akin. As if telling me to give him the gloves.
I stared at him, surprised.
"E-Eyo... ako na."
Hindi ako nakaimik at dahan-dahan akong tumayo habang inaalis ang gloves sa mga kamay ko. I handed him the gloves and he wore it. I secretly smiled as I watch him wear it.
Yeah, Kid is a coward, I guess. But at the same time, he can face his fear when it comes to it. My smile slowly turned into a bitter one.
I'm sure, kahit nandito si Sage. Si Kid pa rin ang mag-aako na humawak sa katawan.
"Eivel, a-ano gagawin ko rito?"
Natauhan ako sa pag-iisip ko nang makita kong nakaupo na malapit sa katawan si Kid.
"A-Ah, itagilid mo lang nang kaunti, may titignan lang ako." Utos ko sa kaniya.
Habang bakas sa mukha ang pandidiri, ginawa ni Kid ang sinabi ko. Inilapit ko ang ulo ko sa katawan. Seryoso kong tinignan ang harapan ng katawan ng patriarch.
I just needed to make sure of something... but I found something else instead.
Naningkit ang mga mata ko sa nakikita ko...
"Interesting..."
"E-Eyo, okay na?" Marahang tanong ni Kid.
Tumango ako sa sagot niya at umayos ako ng pagkakatayo.
"Ibalik mo sa pagkakadapa niya." Ma-awtoridad na sambit ko. "We'll just leave this door open for the game prodigy." Dagdag ko.
Naglakad ako papunta sa pintuan. I definitely found something interesting, and maybe, a huge evidence.
Now, it's time to check on the suspects.
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top