20. Back from the start

Eivel

It hasn't been an hour yet but I decided to come back from where we're supposed to meet. Sinubukan ko pang mag-ikot-ikot pero wala na 'kong makitang iba pang clue na maaring mabigay sa akin at may kinalaman sa Game General.

Other than the fortune teller, I didn't encountered any other NPCs.

Tanging siya lang ang nakausap ko... at siya ang nagbigay sa akin ng kaisa-isang cluse na meron ako. I don't know if I can call it a clue tho...

Maybe it's a bluff? Or maybe just a coincidence?

Basta, masasabi ko lang na natama ang nauna niyang hula... pero ang pangalawa at pangatlong sinabi niya sa 'kin, hindi na 'ko sigurado pa.

I'm walking back to where we're supposed to meet when a huge crowd caught my attention. Tila nagkukumpulan ang mga tao sa iisang pwesto.

Habang tinitignan sila, mabilis na nakuha ang atensyon ko ng lalaking nakatayo sa likod ng mga tao. Umangat ang leeg ko para makita siya nang maayos at nang masigurado kong siya nga 'yon, malakas ko siyang tinawag.

"Kid!"

He immediately looked at my direction. Naglakad ako nang mabilis sa pwesto niya.

"Tsk! Ikaw! Bigla ka na lang nawala!" Balak ko sana siyang hampasin sa braso nang mahina nang makita ko ang ekspresyon niya. My hand stopped midair when he didn't reacted like he used to do. Kid just smiled... with a hint of sadness.

Nahinto ako at seryoso siyang tinignan. "May problema ba?"

"E-Eyo, sorry Eivel. Natuwa lang ako sa lugar, kaya nag-ikot ako agad." Pilit siyang tumawa. "Nando'n sa gitna si Sage." Mabilis na pag-iiba niya.

I can see it in Kid's eyes that he's hiding something. But I can't make myself ask what it is... I don't want to be a pushover.

Imbis na tanungin pa siya, pinili ko na lang lingunin ang direksyon na tinutukoy niya. Sa gitna ng nagkukumpulang mga tao, maiingay na mga boses nila, at ang malilikot nilang paggalaw, parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang may dumaan sa gilid ko galing sa gitna— sa direksyon kung nasaan si Sage.

Again, he has a yogurt stick on his mouth. Ngayong nakaharap ako mismo sa direksyon niya at nakikita ko siya nang maayos, doon ko napansin ang suot niya. He's wearing a plain white shirt that is unbuttoned on the first two buttons, with a pair of black pants. His undercut hair is kinda messy but at the same time, neat.

He walks with elegance... no, rather, he walks as if he knows himself that he's higher than all of us. If I'll compare him to a chess piece...

He's definitely the King.

Hindi ako nakagalaw sa posisyon ko at hinayaan ko lang siyang dumaan sa akin. Hindi ko alam kung dulot lang 'yon sa ingay ng mga tao sa paligid namin, o sumabay lang ang boses ng kung sino sa hangin.

But I'm sure that I heard someone said,

"Nice to see you again, old friend."

I snapped back to reality the moment he passed right beside me. Agad ko siyang nilingon pero mabilis siyang nahalo sa kumpulan ng mga tao.

I run into him twice this day. And during those two moments, I'm not in my usual self for no reason. I don't think that it was just a coincidence.

"E-Eyo! Sage!"

Natauhan ako nang marinig ang pagtawag ni Kid sa isa pa naming kasama. Napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin at sumalubong sa akin ang seryosong ekspresyon ni Sage. Wala sa sariling natigilan ako at hindi ako nakakibo.

I don't know why, but I didn't greeted him and just let him walk passed me.

I'm sure he also saw me, but he chose to walk passed me too.

At that moment, I felt like there's a wall between us. Walang nagsabi ng dahilan o rason, walang nagsalita... bigla na lang kaming nagkalayo lahat. Ang mga pinagsamahan namin sa mga nakaraang araw ay para bang naging baliwala lang.

It felt like we're back from the start.

-̵-̷-̷-̸-̶-̵-̸-̶

Parehong tren ang sinakyan namin, gano'n din ang mga kasama kosila pa rin. Pero sobrang tahimik... sobrang walang buhay ang loob ng tren.

It's been an hour since we left the checkpoint to go the next district and challenge the next Game General. And for no reason, everyone seems... dull and quiet.

Napasulyap ako sa katabi ko na sa unang pagkakataon, hindi nakasilip sa bintana at pinagmamasdan ang labas. Kid was unusually quiet, sitting properly... 

Sage on the other hand, is leaning on his sit while eating a lollipop, closed eyes. Walang bago roon, pero hindi katulad nang kadalasan, alam mong hindi siya natutulog o nagpapahinga. Bagkus ay malalim at marami siyang iniisip.

Magkakatabi lang kami sa upuan... pero parang sobrang layo ng pagitan naming tatlo.

"Ya! Look at that stone statue-ya!" Natutuwang sambit ng guinea pig habang nakadikit ang dalawang maliit at mataba niyang kamay sa bintana.

The only one who's still the same after leaving the district was none other than our coach, Potchi. Maybe because he's also a Game Character? Or maybe because I'm the only one who felt this way?

Natigilan ako sa napagtanto ko... baka nga. Baka nga ako lang ang nakapansin n'on. 

I guess that I'm being too comfortable with them... I almost forgot that we're originally strangers.

This is just a game.

"Hey, Coach." Pagtawag ko sa guinea pig.

Nalipat sa direksyon ko ang matabang mukha niya. 

"Ya?"

I heaved a sigh, pulling myself together. Sinalubong ko ang tingin ni Potchi. "Saan district tayo susunod na pupunta? Sinong Game General ang icha-challenge natin?"

It looks like I'm the only who's interested in knowing. Walang kumibo sa iba dalawa kong kasama.

Napaisip nang matagal ang Coach namin bago lumiwanag ang ekspresyon niya.

"Ya! We're going to meet him-ya!" He sounds excited that immediately caught my attention.

"The greatest detective of all time, we're going to his district! The Game General, Sherlock!"

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top