2. Wonderland

Eivel

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa paligid. This place really looks like-

"Wonderland." Walang ganang sambit ni Sage na may subo-subong lollipop na parang nababasa ang nasa isip ko.

There are no trees except for dead ones who doesn't have any leaves. Instead, there are huge mushrooms with different colors.

Nagsisilakihan din ang iba't ibang klase ng mga bulaklak na tumutubo kung saan-saan. Pati na rin ang mga kakaibang damo na naka-ikot.

As always, nakakahanga talaga ang CPA company. Palaisipan pa rin sa akin kung paano nila nagagawa ang mga 'to.

"Eyo!!!" Malakas na reaksyon ng batang kasama namin.

Nakaawang ang bibig at parang kumikislap ang mga mata ni Kid habang umiikot ang tingin. He looks like he's really enjoying himself.

"Ang lalaki ng mga kabute!" Namamanghang sambit niya. Agad siyang lumapit sa mga naglalakihang mga mushrooms.

"Nasaan si Mario? Si Luigi? Nasaan???" Natutuwang paghahanap niya.

Kunot noo akong napatingin sa direksyon niya. Hindi maipinta ang mukha ko habang walang gana namang nakatayo si Sage sa gilid ko.

"Tsk, wag kang malikot, Kid!" Pagtawag ko.

Natigilan siya sa paghahanap sa mga kabute. Ung iba ay inuuntog niya pa ang ulo niya na sa pagkakaalam ko, dapat sa bricks 'yon.

"We're not in super mario themed place, idiot." Pagpapaalala ko sa kaniya.

Kid pouted while looking at the opposite direction. Looks like Super Mario was also a part of his freaking childhood other than Disney.

Malalim na napabuntong-hininga ang maliit na guinea pig na nasa balikat ni Kid nang mahinto siya sa pagtakbo.

"We're on Wonderland nga-ya." Reklamo ni Potchi.

"Hm, well? Nasaan ang Game General?" Panimula ni Sage.

Nakuha ng tanong niya ang mga atensyon namin. Agad akong napaisip sa sinabi niya at muli akong napatingin sa paligid.

Walang mga NPC dito kumpara sa huling dalawang area na napuntahan namin. No one greeted us nor characters that are already here.

"Oh! We still need to go through the rabbit hole to meet the Mad Hatter-ya." Sagot ni Potchi sa tanong ni Sage.

"Well, let's go and meet-"

"A-About that-ya."

Akmang maglalakad na kami nang biglang mag-alangan ang coach namin. Agad niyang nakuha ang mga tingin namin at hinintay namin siyang magsalita.

The guinea pig's fluffy and little cheeks are getting puffy as he twiddle his two fingers. Hindi niya makagawang makatingin sa amin nang deretso na kinanuot ng noo ko.

"About the Game General-ya... please-ya-"

Nahinto siya sa pagsasalita at imbis na sa amin siya humarap, humarap siya sa lalaking pinagtatambayan niya ng balikat. Nagtama ang mga tingin nila ni Kid na nabigla sa inakto niya.

"The Mad Hatter is sensitive when it comes to his appearance-ya."

"So please-ya. PLEASE, don't ever mention it-ya." Madiin niyang pagpapaalala ni Potchi.

Kid looked at him, dumbfounded. Pagtapos ay napatingin siya sa aming dalawa ni Sage.

"Eyo, ako ba?" Pagturo niya sa sarili.

Pare-pareho kaming napabuntong-hininga at napailing na lang. Walang gana akong naunang maglakad at dinaanan si Kid.

"Nevermind, there's 0% chance that Kid will understand what you're talking about, coach." Walang ganang sambit ko.

"Tell me something I don't know." Kumento ni Sage.

Dinaanan namin ang walang kaalam-alam at walang naiintindihan na si Kid. For pete's sake, he's really suited here, in Wonderland.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa gubat na napupuno ng kung ano-ano. Nakakahanga talagang tignan ang mga naglalakihang mushrooms dahil sa iba't ibang textures ng mga 'to at mga kulay.

"We're here-ya!" Masiglang sambit ng maliit at matinis na boses.

We stopped in front of an old oak tree. Malalaki ang sanga nito sa punto na ang iba ay nakasalampak na sa lupa.

Sa gitnang ilalim nito, naroon ang rabbit's hole. A huge and dark hole.

"Let's go-ya!" Pag-aya sa amin ni Potchi.

Pare-pareho kaming nagkatinginan sa isa't isa bago muling sumilip sa ilalim. Walang nauuna sa amin na umamba papunta sa butas.

"It's pretty deep." Kumento ni Sage.

Napatitig din sa butas si Kid. "Ano 'yan? May ganyan ba sa Super Mario?" Inosenteng tanong niya.

I looked at him, dumbfounded. Napapailing akong humakbang papalapit sa butas.

"Tsk, then I'll go first-"

"Nah, who said I'm not going."

Hindi ako pinatapos magsalita ng lalaking may subo-subong lollipop. Ni hindi man lang ako hinintay na makasagot ni Sage nang walang pag-aalinlangan siyang tumalon sa rabbit's hole.

Napaawang ang bibig kong natulala sa ginawa niya.

"Eyo! Ang angas!" Namamanghang sambit ni Kid sa simpleng ginawa ng kasama namin.

Nakangiti siyang humarap sa direksyon ko.

"Mauna ka na, Eivel. Ako na magpapahuli." Nakangiting sambit niya.

I heaved a sigh before positioning myself. "See ya, Kid."

Hindi ko na nagawang marinig pa ang sinagot niya sa akin nang mag-slide ako pababa ng butas. Mariin akong napapapikit dahil sa bilis ng pagkakahulog ko.

Pero ilang segundo lang ang tinagal n'on dahil hindi nagtagal ay biglang bumagal ang pagkakalaglag ko. Agad akong napahawak sa skirt ko at naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa pag-angat nito.

W-Wth?

Parang naging bumagal ang pagtakbo ng oras nang para lang akong lobong dahan-dahang nahuhulog. I started seeing different kinds of objects falling— floating rather, with me.

Piano, mirror, chairs, and even small objects such as brushes and spoons.

Nagpatuloy ang mabagal na pagbaba ko sa loob ng sa tingin ko ay isang minuto bago maramdaman ang marahang pagbaba ko sa lapag. Napakurap-kurap ako nang hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Natauhan na lang ako nang marinig ko ang pagsalita ng pintuan na katapat ko.

"Welcome to Wonderland, player!"

✘✘✘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top