15. The Dumb is the Rich
Kid
E-Eyo.
Nakaawang ang bibig ko sa nangyari. Nakatitig ako ngayon sa malaking alkansyang baboy sa itaas, kung saan nakalagay ang pangalan ko.
3,160 pesos... tapos may S sa dulo.
Nakatulala ako sa pwesto ko at hindi makapawanila. Nawalan ng laman ang mga baboy nina Sage at Eivel... napunta sa 'kin ung mga ipon nila.
Narinig ko ang pag-ismid ni Mcbee sa gilid ko. Mcdo na kasing taba ni Jollibee. Bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyari.
"Hey blondey!" Malakas na pagtawag niya sa akin. Kumurba ang labi niya sa isang ngisi at inilahad niya sa 'kin ang kamay niya. "Let me buy your properteetsy. I'll buy it for 200 bucks."
Kumunot ang noo ko at napaatras. Ano raw? 200 box? Anong gagawin ko sa mga kahon?
"Come on! It's a good deal, right?" Mas lalo niyang inilapit sa akin ang kamay niya.
Mabilis akong umiling at napaatras lalo. "E-Eyo! Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi ko kailangan ng kahon!" Giit ko.
Tila bang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Mabilis na nalipat ang tingin ko sa dalawa pang kalaro namin na matatalim ang tingin sa akin. Wala sa sarili akong napalunok nang malalim.
Hindi ko alam kung bakit ganito sila umakto ngayon... pero sa tingin ko ay dahil 'yon sa binigay na pera sa akin nina Sage at Eivel.
Mahina ako pagdating sa math, kahit sa ano pang subject. Pero pagdating sa pera... hindi ako pwedeng mauto.
Si ate lang ang kasama ko mula pagkabata. At mahigpit siya pagdating sa pera lalo na't hindi rin kami gano'n kayaman. Pera pa nga ang naging dahilan kung bakit hawak siya sa leeg ngayon ng kasintahan niyang gago. Ilang beses kaming umuutang, ilang beses din akong humarap sa manininingil. Marami sa kanila ay nang-uuto.
Kaya pagdating talaga sa pera... hindi ako magpapaloko.
"Tsk, fuck it!" Iritadong sambit ni Mcbee bago malipat ang tingin kay Mario- sa Game General. "I'll also give my money and properties to Mason!" Sambit niya.
Napaismid ung babaeng tigre bago magsalita rin. "Me too!"
Kita ko ang pagseryoso ng mga ekspresyon ng mga kasama ko. Lalo na si Eivel na sumama ang tingin at nawalan ng buhay ang mga mata.
Muling umangat ang tingin ko sa mga alkansyang baboy sa itaas. Rinig namin ang pagbagsak ng mga pera sa loob ng malaking baboy. Tanging dalawa na lang ang may laman ngayon. Ang sa akin at ang kay Mason na hindi ko maalala kung sino.
Ang laman ng baboy niya... 5,040 pesos, may S din sa dulo. Hindi ako gano'n marunong mag-add... pero alam kong mas malaki 'yon ng hindi hamak kesa sa pera na meron ako ngayon.
Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga kasama ko dahil sa nangyari. Kabaliktaran ng mga kalaro namin na hindi mawala ang pagkurba ng labi sa sobrang tuwa.
"That's a smart move, but now, you can't do anything." Natatawang sambit sa akin ni Mcbee. Itinaas niya ang hintuturo niya sa orasan sa itaas, kung saan meron na lang halos 40 seconds. "You won't be able to do anything."
Umalingawngaw ang mga tawa nila sa silid. Nanatiling tahimik ang mga kasama ko habang may bahala ako sa mukha. Napakurap-kurap ako at napako sa pwesto ko. Hindi ko alam ang gagawin...
Sabi nila kanina ay kailangan naming mag-ipon, hindi ba? Pero bakit binigay nila sa 'kin ang mga pera nila? Bakit sa akin pa?
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Wala akong alam sa larong 'to... wala akong ka-ide-ideya kung ano ang gagawin... pero binigay nila ang pera nila sa akin.
Parang bumagal ang oras habang pabawas nang pabawas ang oras sa orasan. Hindi tumitigil sa pagtawa ang mga kalaban namin at nanatili lang kaming tahimik. Unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Wala akong alam sa laro... kaya gagawin ko lang kung ano ang kaya kong gawin.
Kulang na ang oras, kahit pa anong gawin namin, hindi na kami makakahabol pa sa pera ng mga kalaban namin. Binigay na nina Eivel at Sage ang lahat ng meron nila sa akin. Dahil wala ng gagalaw ng dice, wala ng makakatapak sa 'property' na sinasabi nila, at hindi rin ako makakasingil ng 'renta' na tinutukoy nila.
Kung gano'n, wala na 'kong makukuhaan pa ng pera... pagdating sa oras na 'to... 'yon na lang ang magagawa ko.
Wala na 'kong maisip na iba pang paraan... at isa pa, madalas ko na itong ginagawa at hindi na rin bago 'yon sa akin.
Huminga ako ng malalim. 15 seconds na lang ang meron sa orasan at patuloy pa ito sa pagbaba. Sa abot ng makakaya ko, malakas akong sumigaw sa loob ng silid.
"EYO! MARIO! PAUTANG AKO NG 10,000!"
Natigilan ang mga kalaban namin sa pagtawa, nag-echo ang boses ko sa silid. Lahat sila ay nahinto. Napatulala ng ilang segundo sa akin si Eivel pero mabilis ko rin siyang nakitang natawa. Sa kabilang banda ay nakita kong nakangiting napailing si Sage sa pwesto niya.
Nakaawang ang bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Mcbee, pati na rin ang dalawa pang kasama niya. Desidido kong tinignan si Mario sa harapan ko na kapwa nila ay natulala. Kulang-kulang sampung segundo na lang ang natitira sa orasan.
Dahan-dahan, kumurba ang labi ni Mario sa isang ngisi at natatawang napahawak sa noo niya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay nahulog lang ang sampung libo, na may S, sa alkansya kong baboy.
Bumaba ang tingin niya sa akin at natatawa niya 'kong tinignan.
"Once again, you're lucky... I'm also a fan of Mario."
✘✘✘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top