12. Properties
Eivel
Everyone was too stunned to speak. Kaunting nakaawang ang bibig ko habang nakatulala sa pwesto ni Kid.
His confidence immediately faded, maybe because he saw our expressions. I'm pretty sure he doesn't know what that sentence means.
'GO TO JAIL.'
Hindi maipinta ang mukha ni Kid. "E-Eyo, ano raw?-"
Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang nagkaroon ng matataas na mga bakal at pinalibutan si siya. Nabuo ang selda kung nasaan siya ang nakakulong sa loob.
"K-Kid-ya!" Nag-aalalang ekspresyon ang pinakita ng fat hams- ng guinea pig.
I face palmed myself. "Tsk, there's nothing we can do about it." Sambit ko. "There are 2 chances out of 32 that he'll get the 'Get out of Jail free' card. Kailangan niyang magbayad."
"Oh, well." Tipid na sagot sa 'kin ni Sage.
Bumuntong-hininga ako, ano pa nga ba ang maasahan ko kay Kid? But it's also a good thing, I guess? Mas safe siya sa loob ng kulungan kesa mag-ikot-ikot dito sa board game.
"You're next." Sambit sa akin ni Sage nang makitang bumalik sa pwest namin ang dalawang dice.
Huminga muna 'ko nang malalim nang kunin ang dice. Tinignan ko itong dalawa mabuti bago marahang pumikit. Nang minulat ko ang mga mata ko ay inikot ko ang dalawang dice at hinagis ito sa board.
Tinignan ko mabuti ang pagla-landingan ng dalawang dice. It landed on... 4... and 3. Nalipat ang tingin ko sa spaces at binilang kung saan ako hihinto. I stepped casually while counting.
"Seven." Bulong ko sa sarili nang huminto ako. Titig na titig ako sa tinatapakan ko at hindi ko mapigilang kabahan.
I don't know what space I landed... tsk, just give this to me... make it a...
"A property space!" Masiglang sambit ng Banker.
Lumiwanag ang ekspresyon ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi nawala ang tingin ko sa space na tinatapakan ko kung saan nakasulat ang property, Kentucky Avenue. A red property for 220$.
"Do you want to buy this property?"
I immediately nodded. Kailangan kong magpadami ng properties ko rito.
The Banker smirked. "Okay, sold!"
Nahulog sa harapan ko ang property card ko at agad ko itong sinalo. Nakita ko ang pagbawas ng pera sa piggybank ko, pero ang kinatigil ko ay ang pagbawas dito ng sobra sa halaga ng nakasulat sa property.
"H-Hey! Why did you took 300 dollars?! The property is only 220!" Giit ko.
The Banker looked at me with an expressionless face, slowly showing a grin. "Why? It's for the tax. I'm the Banker, I decide how much I want to take."
I felt the sudden pressure. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi niya talaga tinanggi o gumawa man lang ng palusot, dineretso niya talaga ako!
Mariin akong napakagat sa ibabang labi at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. T-This freaking dwarf.
"Okay, next!" Pag-iiba ng Banker at pagbabaliwala nito sa akin.
Sabi ko na nga ba, there's 0% chance that this is going to be a fair game. It doesn't have any rules. What kind of game is that?
Nalipat ang tingin ko sa susunod na maglalaro. It's Sage.
Kung kanina ay hinihiling ko na makakuha kami ng maraming properties ay parang nagbago na ang hiling ko ngayon. Forget the taxes, jail, or landing on another player's property! Ang Banker mismo ang magiging dahilan ng pagiging bankrupt namin!
Tutok na tutok ang mga mata ko sa dice na hinagis ni Sage. Wala sa sariling napalunok ako nang malalim nang mag-land ito sa 5 at 6. He will land on the 11th space. Pinanood ko siyang daanan kaming dalawa ni Kid.
Napakurap-kurap ako nang huminto ang kasama ko, hudyat na nasa pang-11 na space na siya. Pare-pareho kaming tahimik hanggang sa lumabas ang nakasulat sa space.
Para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan nang makita ko ang 'chance' na nakasulat.
"A chance space! Please take a chance card now!" Masiglang sambit ng Banker.
Naglakad sa gitna ng board game si Sage para kumuha ng isang card sa chance card. Seryoso niya muna itong binasa bago itapat sa Banker.
"Hmm, a chance card it is. Advance to St. Charles Place!"
Namilog ang mga mata ko sa narinig. The properties' positions doesn't really have any use for us. Lalo na't naghalo-halo ang mga pwesto nila sa board at hindi namin alam kung nasaan sila. Pero dahil sa card na nakuha ni Sage, makakapunta kaagad siya sa isang property nang hindi kinakailangang mag-roll ng dice!
One of the spaces showed their property. 12th space from mine.
"Do you want to buy this property for 140$?"
Sage nodded.
"Okay! Sold!"
Nabawasan ng 170$ ang piggybank ni Sage na kinaismid ko. Kumupit na naman ang bwisit na Banker sa mga pera namin.
Nalipat ang mga tingin namin sa susunod na player na magro-roll ng dice. Walang buhay ang mga mata ko nang tignan ko siya. Ang isa sa mga kalaban namin, Teetsi the clown.
He rolled the dice and it landed on 2 and 4. I'm one space ahead of him. Pinanood ko siyang tumalon kada space hanggang sa likod ko. Naningkit ang mga mata ko nang makita ang lumabas sa space na napuntahan niya.
A property. Oriental Avenue sold for 100$.
"Do you want to buy this property?" Tanong ng Banker.
Teepsie smiled. "Yupsie!"
"Sold!"
My eyes widened when I saw how much the Banker took from his piggybank. Mabilis akong umangal sa nakita ko.
"W-What the- You only took 30$! THIRTY FREAKING DOLLARS! The property was sold for 100!" Nanggagalaiti ako habang nanlilisik ang nakaangat na tingin sa Banker.
At the corner of my eye, I can see the clown beside me laughing at me. Katulad nang nauna, tinignan lamang ako ng Banker bago unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi.
"Why? Is there's something wrong with that?" He chuckled. "He's my friend. And friends help each other. I don't want to take too much money from a friend."
Dumiin ang pagkakagat ko sa ibabang labi, sa puntong nakaramdam ako ng sakit at pagsugat ng labi ko. Now, I'm starting to understand the clue that was given to us.
THE BANKER IS REALLY STUPID- THE DUMB!
✘✘✘
Monopoly is a board game and the main goal is to be the wealthiest.
Every space, maaring property, chance, tax, jail, free space, go, stations, utilities, and community chest cards ang mapuntahan niyo.
You can buy the property, or not. If not, ibebenta ito sa ibang players at ibebenta sa may pinaka-malaking ibabayad (bid). Every property, iba't ibang price and colors. Kapag ang isang player ay nakuha/ nakumpleto ang mga properties ng iisang color, dodoble ang price ng rent. Maari ring maglagay na ng house para madagdagan ang rent.
Kapag naka-tapak ang isang player sa property ng isang player, need niyang magbayad ng rent na nakasulat sa property card.
Go space, ay ang space kung saan nagsimula ang mga players. Kapag naka-ikot/ nakadaan ulit ang player dito, makakakuha sila ng 200$ sa Banker.
Chance space, maaring kumuha ng card ang player sa chance cards at gawin ang nakasulat. The same as Community chest cards.
This is a monopoly board game (ctto of the picture). Tho, ang challenge ng Game General ay hindi makikita ang mga spaces. I-Imagine niyo, walang nakasulat sa mga box/spaces.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top